Chapter 7:Key necklace
Tuloy-tuloy lamang ako
sa paglalakad kahit sa totoo lamang ay gusto kong batuhin ‘yung taong nasa
likod kong parang asong nakasunod sa kanyang amo. Bakit ba kasi niya ako
sinusundan? Hindi ba dapat ay asikasuhin na niya iyong gulong ginawa ni Adalia?
Okay, I know na naayos na niya ang comfort room ng mga babae na halos nasira na
ni Adalia pero paano si Adalia mismo? Hindi ba dapat lang niyang ayusin ang
tungkol sa bagay na iyon?
They’re both Chrysolus so
no doubt they’re friends... right?
Halos umusok ang buong
mukha ko dahil sa inis nang bigla niyang hinila ang siko ko paharap sa kanya.
Matalim ko siyang tinitigan gayundin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
“I’m sorry for Adalia’s reckless acts. Hindi ko rin
maintindihan kung bakit gano’n na lang ang ginawa niya. Hindi namin lahat
inaasahan ‘yon but I guess maaayos naman ni Ethan ang tungkol sa kanya,” sincere niyang pagpapaliwanag. Nag-iwas ako ng
tingin. Patuloy naman niyang hinahanap ang tingin ko.
Naramdaman ko ang
pagwawala ng kung ano sa tyan ko. Damn! What is this feeling?!
Mariin akong pumikit
para maiwasan ang mapaghanap niyang tingin. You’re
just intimidated Vera. Yes. You’re just damn intimidated! Why feeling this
way?!
He just saved you... from harm’s way. Tumikhim ako nang maisip ang bagay na iyon.
“Bakit ba siya galit sa akin? Ano bang ginawa ko sa
kanya?” pagtatanong ko, pilit
na pinagwawalang-bahala ang kung ano man na nararamdaman at naiisip ko. I
shouldn’t be the one talking to him. Hindi ko iyon gawain pero sa lahat ng mga
nangyayari sa akin ngayon ay hindi ko maiwasang maguluhan.
At sa tingin ko ay kailangan
ko nang malaman ang ilan sa mga bagay na may kinalaman sa akin.
Hindi ko mapigilan ang
sarili mula sa pagtatanong kaya naman tatanungin ko na sana siya nang bigla ko
nanamang naramdaman ang bagay na iyon nang magtama ang aming mga mata.
We’re just like that...
looking at each other’s eyes. Mine’s searching... wondering, while his is
digging... observing... and digging for more...
“Thank you for saving me again,” wala sa sariling nasambit ko nang naramdaman kong
parang kinakapos na ako ng hininga.
Pansamantala akong
natulala. Wait. What? Did I just say that?
His eyes glowed with
amusement. “You’re most welcome,” nakangiti
niyang tugon. That smile.
Sunod-sunod ang sumunod
kong paghinga nang marealize kong ilang segundo akong hindi huminga. Mariin
akong pumikit habang hinihiling na sana ay hindi niya iyon mapansin. Hindi ko
maintindihan ang sarili ko. Nararamdaman ko rin ito kay Ethan pero mas matindi
yata kapag siya ang kasama ko.
Is it because of the
aura difference? Mas malakas si Nigel kaysa kay Ethan?
Pero bakit ba
pakiramdam ko ang init ng mukha ko pati ang tibok ng puso ko ay abnormal? Maging
ang mga tuhod ko ay parang nawalan ng lakas.
Lumunok ako. Dahil siguro ‘to sa pagod. Right!
Tinalikuran ko na kaagad
si Nigel at maglalakad na sana nang hinigit nanaman niya ako sa aking siko.
“Pumunta muna tayo sa clinic. We need to tend those
wounds,” sabi niya sabay turo sa
kahabaan ng kamay ko. Hindi ko napansin na may punit na rin pala ang sleeves ng
school uniform ko at may kaunting dugong
nagmantsa doon.
Pinakiramdaman ko ang
sarili. Bakit parang wala naman akong nararamdamang sakit o hapdi?
Nigel suddenly holds my
wrist then pulls me towards the university clinic. It’s now my second time here
and I wonder if there will be a next time considering the unstable world I
lived in with them.
Binuksan kaagad ni
Nigel ang double glass doors ng clinic nang marating namin iyon. “Aoi,” tawag ni Nigel sa nurse na
nakaupo sa isang upuan habang umiinom ng juice at nagbabasa ng isang magazine.
Sumilip ako mula sa balikat ni Nigel. Nang matingnan ko ng mabuti ang nurse ay
napagtanto kong siya rin iyong nurse na gumamot sa sugat ko noon sa noo na
hindi ko naman alam kung saan galing.
“Oh, Nigel? Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka
ba?” tanong niya kay Nigel.
Nasa likod ako ni Nigel kaya naman hindi niya ako kaagad nakita. “Sino ‘yang kasama mo? Naku! Isusumbong
kita kay Krista!” panunuya nito. Tumawa lang si Nigel sa sinabi ni Aoi.
Sino si Krista?
Maingat naman akong
hinila ni Nigel papunta sa harapan niya para makita ako ng nurse. “Aoi, si Veronica nga pala. Veronica, she’s
Aoife Dionne, an Afras like you... and currently the University’s head nurse.”
Afras? Kung ganoon isa
rin pala siya sa kanila. Tumango lamang ako sa kanya.
Kumunot ang noo niya at
bumaling kay Nigel. “She knew?” pagtatanong
niya.
Tumango naman siya
bilang sagot.
Lumapit sa akin si
Aoife at sinuri ako. Tiningnan niya rin kung nasaan ang mga sugat ko: sa mga
kamay, braso, balikat, maging sa mukha ko yata ay mayroon din dahil nang hawiin
niya ang bangs ko at may hawakan ay medyo may kirot akong naramdaman.
“Anong nangyari?” pagtatanong
niya kay Nigel kahit na nasa akin ang kanyang buong atensyon.
“Adalia tried to kill her.” I heard the slightest hint of menace in his voice.
A chill ran down my
spine.
Huminto si Aoife sa
pagtingin sa mga sugat ko at gulat na tumingin kay Nigel. “Bakit? Anong ginawa sa kanya ni Veronica para gawin ‘yon?” Ibinalik
niya sa akin ang atensyon niya matapos niya iyong sabihin at sa isang iglap ay
parang naliwanagan siya.
Itinuro niya ako,
nakangiti. “Wait... oh my gosh! Ikaw ‘yung
girl na biglang niyakap ni Ethan sa school grounds noon! Hindi ako pwedeng
magkamali dahil nandoon ako nang nangyari iyon!” She slightly tilted her
head, observing me. “‘Yun nga lang ay nakalugay
ka nang mga panahong ‘yon.” Natawa nanaman siya. “Magngingitngit talaga sa galit sa’yo si Adalia dahil hamak na mas
maganda ka naman kaysa sa kanya!” masayang wika ni Aoife.
Pinagmasdan ko lamang
si Aoife. Somehow she reminds me of Kate. Parehas silang masyadong madaldal at
masayahin. Total opposite ko.
“Aoi, gamutin mo na ang mga sugat niya,” out of the blue na wika ni Nigel. Tiningnan ko siya
at nakita ko ang nakasimangot niyang mukha.
“Okay. Veronica upo ka dito. Kunin ko lang ang mga
gamot,” paalam niya bago
pumasok sa isang kwarto, doon yata nakalagay ang mga gamot nila.
Umupo ako sa higaan
kung saan ako umupo dati samantalang umupo naman si Nigel sa upuan sa harap ko
at binuksan ang kanyang cellphone. May katext siguro.
Hindi kaya si Krista?
The heck. Pake ko ba?
Itinuon ko na lamang
ang atensyon ko sa magazine na binabasa kanina ni Aoife. Nakabuklat iyon kaya
naman kinuha ko. Hindi pa nagtatagal sa akin ang magazine nang may nakakuha ng
atensyon ko. Halos lumaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang cover ng
mismong magazine.
“You know her?” tanong
ni Nigel kaya naman napaangat ako ng tingin sa kanya.
Kumunot ang noo ko
habang nakatingin sa kanya. Akala ko ba may katext ‘to? Bakit nasa akin nanaman
ang atensyon niya?
Ibinalik ko na lang ang
tingin sa hawak. “Hindi ko siya kilala,”
walang gana kong tugon ko sa kanya, taliwas sa tunay na nararamdaman ko.
Nag-iwas ako ng tingin
at mabilis na ibinalik ang magazine sa table.
Huminga ako ng malalim.
Dahil sa nakita ay hindi ko maiwasang maalala siya. Kung gano’n naging model na pala siya ngayon ng isang sikat
na magazine. Hindi ko pa siguro malalaman kung hindi ko pa iyon nakita. Wala na
siguro ‘yong pakialam sa akin. Kinalimutan na siguro ako.
Kung sana ay hindi niya
ako pinaasa at binigyan ng isang pangakong hindi naman pala niya tutuparin ay
hindi na sana ako nagmukhang tanga sa kakahintay sa kanya.
Ganoon naman lagi.
Mangangako silang hindi ka iiwan at babalik din sila kung aalis man, pero kapag
dumating na ang panahon na iyon ay aalis sila na parang walang nangyari at
hindi na maiisip pa ang pagbabalik. Aalis sila na parang hindi ka nila kilala
at wala silang ginawang pangako.
Tiningnan ko si Nigel
na ngayo’y nakasandal na sa upuan at nakapikit.
Dumako ang tingin ko sa
paligid. Pure white ang paint sa mga dingding. Nakakita naman ako ng isang
salamin sa bandang kanan ng clinic katabi ng pintuan na pinasukan ni Aoife kaya
naman nilapitan ko iyon. Pinagmasdan ko ang repleksyon ko at nakitang may mga
maliliit akong gasgas sa mukha.
Hindi na nga yata ako
mauubusan ng sugat. Sana lang talaga ay wag itong magkapeklat.
Tinanggal ko ang
eyeglasses ko maging ang contact lenses ko. Kumuha rin ako ng hairclip at
itinali ang lahat ng bangs ko sa tuktok ng ulo ko. Ayoko naman kasing mahirapan
pa si Aoife sa paggamot sa mga sugat ko.
Nang babalik na ako
mula sa pagkakaupo ay napansin kong nakatingin na sa akin si Nigel. “Bakit ka nagko-contact lenses at
eyeglasses? Gano’n na ba kalabo ang mga mata mo?” pagtatanong niya habang
ako naman ay umuupo.
“Gusto ko lang,” sagot
ko. Ayoko na kasing magpaliwanag. Hindi
rin naman niya maiintindihan.
“Weird,” sabi
niya at bigla siyang tumawa.
Sinimangutan ko lamang
siya. Ano bang problema niya?
Naalala ko rin tuloy sa
kanya si Ethan. Pinagtatawanan din kasi niya ang weird practice ko na ito. Tumikhim ako. Bakit ko ba naaalala ang
taong ‘yon? Tss.
Hindi rin naman
nagtagal at lumabas na si Aoife galing sa kwarto dala ang mga first aid kit at
kung anu-ano pa. “Sorry kung natagalan,”
sabi niya sa akin nang nakangiti at tumingin nang makahulugan kay Nigel.
Umupo sa harapan ko si
Aoife at sinimulan na akong gamutin. Dahil dito ay mas napagmasdan ko ang mukha
niya. Kasing-edad ko lamang siya at kapansin-pansin ang angking ganda. Simple
lang ang ayos niya ngunit iba ang dating niya.
Napansin ko naman na
may nakatitig sa akin.
Bumuntong hininga ako. Ito
ang dahilan kung bakit ayokong may kasama ako kung pupunta man ako ng clinic
lalo pa’t kung ako ang gagamutin. Tulad ngayon, ako ang ginagamot samantalang
iyong kasama ko ay walang kahit anong ginagawa kundi ang titigan ako. Parang si
Kate lang dati.
“Don’t worry about your face Veronica. Sisiguraduhin
kong hindi ka magkakapeklat.” pagbibigay
assurance ni Aoife sa akin.
“Just Vera,” sabi
ko na lamang.
Ngumiti nanaman siya sa
akin. “Okay. Vera it is.”
Habang nakatingin sa
kanya ay may napagtanto ako. Magaan ang loob ko kay Aoife kahit na ito pa
lamang ang pangalawang pagkakataong nagkita kami. Kaya naman hindi ako
nagdalawang-isip na magtanong sa kanya.
“Anong kulay ng mga mata mo kapag ginagamit mo ang
aural power mo?” Gusto ko lang
malaman. Kahit na hindi niya sabihin ay alam kong mabuti siyang tao.
Tiningnan naman ako ni
Aoife nang may pagtataka at tumingin kay Nigel. Diretso namang nakatitig sa
akin si Nigel.
“Green,”
sabi ni Nigel.
Kusang umarko ang kilay
ko. Bakit siya ang sumasagot sa tanong ko? Hindi naman siya ang tinatanong ko.
Nang ibalik na muli sa
akin ni Aoife ang tingin niya ay saka lamang siya ngumiti. “Yes. Green,” pagsang-ayon niya.
Kumunot ang noo ko at
lalong nagtaka. Parang may mali sa mga ikinikilos nila.
Ipinagkibit-balikat ko
na lamang iyon at hindi na nagtanong pa. Marahil ay ginagawan ko lamang lahat
ng kwento.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos ang last class
ko ay umuwi na ako kaagad. Ang apartment na tinutuluyan ko ay mag-aari ng
pamilya ni Kate. Since minana na niya lahat ng mga ari-arian ng pamilya niya ay
naging property na rin niya ito. Kung pagmamasdan ang apartment sa labas, ang unang
magiging impression mo ay mukha itong ancestral house. Gawa sa mahogany ang
haligi ngunit may bahagi pa ring moderno.
Bago pumunta sa kwarto
ko na nasa second floor ay pumunta muna ako sa kwarto ni tita Ida na nasa first
floor naman. Siya ang nangangalaga ng apartment na ito at ang tumutulong kay
Kate na hawakan at imanage ang mga ari-arian at properties niya.
Kumatok ako at
naghintay ng ilang segundo bago iyon bumukas. Bumungad sa akin ang mukhang
haggard na si tita, puno ng pawis ang mukha niya maging iyong suot niyang
damit. Halos sumabog na ang itim niyang buhok mula sa pagkaka-bun nito. Bumaba
ang tingin ko at nakitang may hawak siyang walis.
“Oh Vera. Napadaan ka?” masungit na sabi niya. Alam kong may ideya na siya
sa sagot pero tinanong pa rin niya ako.
Hindi ko naman siya
masisisi dahil kapag pumupunta ako sa kwarto niya ay parati na lamang akong may
hinihingi. Dati ay pumunta ako sa kanya upang ipaayos ang nasirang lock ng
kwintas ko at ang ikalawa ay upang ipaayos naman ang nasira kong pintuan.
Ngayon naman...
Kahit na nahihiya ay
nilakasan ko na lamang ang loob ko. “Ipapaayos
ko lang sana ang lock ng kwintas ko. Nasira ko kasi ulit,” sabi ko nang
hindi siya tinitingnan.
Pinagmasdan muna niya
ako bago siya nagsalita. “Akin na,” sabi
niya na wala man lang ipinakitang emosyon. Alam ko namang nagtitimpi lamang
siya. Kahit naman kasi pagbali-baliktarin ang mundo ay hindi mawawala ang
katotohanang pamangkin niya ako. Family
will always come first. General motto ng pamilya Feazell. Kapatid ni tita
ang papa ko at ng papa ni Kate.
Ibinigay ko iyon sa
kanya.
“Hintayin mo na lang sa kwarto mo, ihahatid ko kapag
ayos na,” sabi pa niya at isinara
na kaagad ang pintuan niya.
“Okay,” sabi
ko kahit hindi naman niya narinig.
Dumiretso na kaagad ako
sa pintuan at inilock iyon. Ibinaba ko ang bag ko sa bedside table, inilugay
ang buhok at tinanggal ang eyeglasses at contact lenses.
Hanggang ngayon ay
palaisipan pa rin sa akin kung paanong maayos na ang kwarto ko maging ang c.r.
ko. Sa pagkakatanda ko kasi ay sobrang nasira iyon dahil sa isang Phyrinus na
nais akong patayin. Ngunit nang bumalik ako dito, noong gabing inihatid ako ni
Nigel dito, ay nagulat akong nasa ayos na ang lahat. Hindi ko pa naman
natatanong si Kate kaya naman wala pa rin akong kaalam-alam sa mga nangyari
dito.
Sumandal ako sa pintuan
at huminga ng malalim. Matagal ko nang hindi nasusubukan ang bagay na ito kaya
naman ngayon na sa tingin ko ang tamang oras upang subukan muli.
Ipinikit ko ang aking
mga mata at pinakiramdaman ang sarili. Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko
na ang init na nararamdaman ko sa tuwing sinusubukan ko iyong gamitin. It seems
like I’m currently on fire. Napangiti ako nang maramdaman kong kaya ko iyong kontrolin
ngayon hindi tulad dati na wala halos akong nagagawa kung hindi puro
kapalpakan.
Idinilat ko ang aking
mga mata at dahan-dahang iniangat ang aking kanang kamay habang mataman kong
pinagmamasdan ang kama ko.
Kasabay ng pag-angat ko
sa aking kamay ay ang dahan-dahan ding pag-angat ng kama mula sa sahig. Kinagat
ko ang aking labi at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Finally! I can control it now!
Patuloy ko pa rin iyong
iniaangat hanggang sa umabot na ang kama ko sa kisame ng kwarto ko.
This time ay ang
kaliwang kamay ko naman ang dahan-dahan kong iniangat habang nakafocus ako sa
iba pang mga gamit sa kwarto. Nang iniangat ko ang kamay ko ay dahan-dahan ding
umangat ang salamin, cabinet at alarm clock ko mula sa sahig.
I gape at what I had
done.
Finally. I can’t
believe this!
“Vera! Naayos ko na itong kwintas mo!” sigaw ni tita Ida habang kumakatok sa pintuan. Sa
sobrang gulat ay bigla kong naibaba ang mga kamay ko kaya naman biglaan rin sa
pagbagsak ang lahat ng mga gamit na halos nakadikit na sa kisame.
Natataranta kong
iniangat muli ang aking mga kamay at huminto naman mula sa pagbagsak ang mga
gamit, mga ilang inches na lang ang layo mula sa sahig. Napabuga ako ng hangin.
God! That’s close.
“Vera! Buksan mo ang pintuan!” Patuloy na pagkatok ni tita Ida.
Dahan-dahan kong ibinaba
ang mga gamit at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin ang nakakunot-noong si
tita Ida.
“Bakit ang tagal mong buksan?” tanong niya sa akin. Mukha nanamang iritado sa akin.
“Nasa c.r. pa kasi ako nang kumatok ka,” sagot ko.
Ibinigay na niya sa
akin ang kwintas ko at tinalikuran na ako nang wala man lang sinasabi.
Sa pagtalikod niya ang
siya namang pag-akyat ni Kate sa hagdanan. Isasara ko na sana ang pintuan ng
kwarto ko ngunit tinawag niya ako.
“Ate Vera! Sandali lang!”
“Bakit?” tanong
ko sa kanya.
“Uhm... p-pwede ba tayong mag-usap?” alanganin niyang tanong.
“Nag-uusap na tayo.”
“I-I m-mean ‘yung tayong dalawa lang.”
“Tayong dalawa lang naman ang nandito.” Kumunot ang noo ko. What would she want to tell me
and why couldn’t she tell it to me here?
“A-Ang ib-big kong sabihin e... ano... uhh... pwede
ba tayong mag-usap sa loob ng kwarto mo?” pagtatanong
pa niya.
“Bakit pa sa kwarto ko?” tanong ko pabalik. Medyo naiinis pa kasi ako sa
kanya. Wala ba siyang balak sabihin sa akin ang mga nalalaman niya?
“Baka kasi may makarinig.”
“Bakit? Hindi ba pwedeng marinig ‘yan ng ibang tao?”
Patuloy ko siyang tinitigan. I
sigh. Okay... tinatablan na ako ng konsensya dahil mukhang wala nang maisagot
sa akin si Kate.
“A-Ano... uhh... hindi pwede.” She looks defeated.
Huminga muna ako ng
malalim bago ko binuksan ang pintuan ng kwarto ko at pinapasok siya. Yumuko
naman siya habang pumapasok.
“Anong pag-uusapan natin?” tanong ko sa kanya habang nakahalukipkip. Siya naman
ay nakatungo pa rin.
“Sorry ate Vera kung nagsisinungaling ako sa’yo. Ano
kasi... hindi pwedeng basta-bastang magsabi ng mga impormasyon tungkol sa...
sa... uhh... Ezeltopia.”
Ezeltopia...
“Ikaw ba ang nag-iwan ng libro sa locker ko?” Ezeltopia rin kasi ang title ng librong yun.
Tumango siya sa akin.
“Paano mo nabuksan ang locker ko?” pagtatanong ko pa.
Don’t tell me... “May... aural power ka rin ba?” Realization
hit me hard.
This time ay tumingin
na siya sa akin na para bang nagulat siya sa itinanong ko. Nag-iwas rin siya ng
tingin pagkatapos.
“Oo pero... hindi kasing lakas ng sa iyo.”
Alam kong may alam siya
sa mga bagay na ito pero hindi sumagi sa isip ko na tulad ko rin pala siyang...
“Afras,” sambit
ko.
Tumango lamang si Kate.
“Kagustuhan ng tito Vernon na huwag sabihin sa’yo
ang kahit anong bagay na may kinalaman sa Ezeltopia dahil alam niya kung gaano
kagulo ang mundong iyon. Sinabi rin niya iyon kay dad at nirespeto niya ang
kagustuhan ni tito,” pagkukwento
niya.
Si papa? Alam niya ang
tungkol sa akin noon pa lang?
“May alam si papa tungkol sa mga Chrysolus, Afras at
Phyrinus?” tanong ko kay Kate.
Umiling-iling ako at tila ayaw gumana ng utak ko.
Sunod-sunod na pagtango
naman ang ginawa niya.
Dinumog ako ng mga
alaala at mga tanong. Naalala ko iyong sinabi sa akin ni papa bago siya
malagutan ng hininga at nang ibigay niya sa akin ang kwintas na ngayo’y hawak
ko.
“Promise me you’ll keep it safe.
It’ll keep you safe from harm. It’ll keep you safe from yourself. It’ll keep
you safe from them. Wear it at all times. I love you my Veronica. Always,
forever.”
Mga Phyrinus ba ang
tinutukoy ni papa? Sila ba ang dahilan kung bakit mahalagang lagi kong isuot
ang kwintas na’to?
What is this necklace
in the first place?
“Pumayag si dad sa kagustuhan ni tito pero hindi
siya pumayag na mabuhay ka nang wala ka man lang nalalaman na self-defense.
Kahit na wala kang alam tungkol sa Ezeltopia ay gusto ni dad na maging handa ka
kung sakali man na may manakit sa’yo na kahit sino at kung malala ay ang may
manakit sa iyo na isang Phyrinus. Iyon ang dahilan kung bakit maraming itinuro
sa’yo si dad,” pagpapatuloy ni
Kate. Mukhang kuportable na siya ngayon sa pagkukwento hindi tulad kanina na
pilit pa niyang binabasa ang mood ko at nag-aalangan pa.
Kinagat ko ang labi ko.
It all makes sense. Sa mga preparations na ginawa ni tito sa akin.
“Ano ang Ezeltopia?” pagtatanong ko.
Tiningnan ko si Kate.
Binigyan niya ako ng
isang ngiti. “Mundo ng mga Chrysolus at
Afras na tulad natin. Mas maiintindahan mo ang lahat ng tungkol sa Ezeltopia kung
babasahin mo ang ibinigay ko sa’yo na libro. Lahat ng mga kailangan mong
malaman ay naroon.”
Pansamantala kaming
binalot ng katahimikan. Si Kate din
naman ang unang bumasag nito. “Kung
sakali man... sasama ka ba sa akin sa pagpunta doon?”
My heart skipped a beat
when I heard her ask me that.
Sasama nga ba ako? Pero
sinabi ko na sa sarili ko na ayokong maging tulad nila at ayoko sa magulo
nilang mundo.
“Hindi ko alam.” Iyon
ang totoo. Tulad ng sabi ko ay mahirap nang magbigay ng tiwala sa kahit kanino
ngayon. Matapos kong basahin ang libro marahil ay makakapagdesisyon na ako sa
bagay na iyon.
Ito pa rin ang mundo
ko. Iyon muna ang panghahawakan ko sa ngayon. At si papa... gusto kong malaman
ang iniisip niya tungkol dito pero alam kong hindi na iyon mangyayari. What
could his thoughts about this might be?
“Sige ate. Magpahinga ka na. Uhh... okay ka na ba?
Nalaman ko kasi ang ginawa ni Adalia sa’yo kanina.”
Halos nalimutan ko na
ang bagay na iyon dahil sa mga sinabi sa akin ni Kate ngayon. Tumango ako. “Oo. Ayos lang ako.”
Tumango pabalik si Kate
at lumabas na ng kwarto ko.
Nakaramdam kaagad ako
ng lamig nang naiwan akong mag-isa sa kwarto. My mind start to work. Hindi ako
makapaniwala na alam na ni papa ang tungkol sa akin sa simula pa lamang. Bakit
niya inilihim sa akin ang lahat? Ang dahilan nga ba talaga niya ay para
protektahan ako? Iyon lang ba talaga?
Tiningnan ko ang
kwintas na nasa palad ko.
“I’m sorry too if I stole this from
you. It was a reckless thing to do considering how long you were kept in the
dark. I won’t blame your father though for keeping you. But I guess you have
the right to know all of this.”
Ito ang sinabi sa akin
ni Nigel nang ibalik niya sa akin ang kwintas ko. Kung ganoon, mahalaga
talagang maisuot ko ito sa lahat ng oras?
Matapos kong pagmasdan
ang kwintas ko ay isinuot ko na rin ito sa aking leeg. Ngunit nang maisuot ko
na siya ay tila ba may naramdaman akong kakaiba sa sistema ko. Hindi ko alam
kung ano basta’t naramdaman kong may nagbago.
Humarap ako sa kama ko
at muli ay iniangat ko iyon gamit ang aural power ko.
Naramdaman ko ang init
sa katawan ko ngunit... walang nangyari. Inulit ko pa ang proseso ngunit wala
pa ring nangyayari.
Tinanggal kong muli ang
kwintas ko mula sa leeg ko at ginamit muli ang aural power ko.
This time ay umangat na
ang kama ko.
So this is the power of this key necklace.
“It’ll
keep you safe from harm. It’ll keep you safe from yourself. It’ll keep you safe
from them. Wear it at all times.”
“I
won’t blame your father though for keeping you.”
This
necklace was from my father.
He
told me he made it for me. Just for me.
He
made it.
Is
my father an Afras too?
What
about my... mother?
Tss.
Bakit ko ba siya iniisip? Iniwan niya kami ni papa kaya naman hindi siya
nararapat pang isipin.
Isusuot
ko na sana iyong kwintas ko ngunit naalala kong may gusto pa akong makita.
Humarap
ako sa human size mirror sa kwarto ko at ipinikit ang aking mga mata.
Naglabas
ako ng aural power mula sa katawan ko at kinontrol ang bagay na iyon.
At
dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata.
I
smiled at my reflection.
Blood red eyes.
This
is the feeling of having power. I didn’t feel so weak now. I feel so strong and
capable and... free. This is the reason
why I’m skeptical behind the reason of my father keeping me. This is the
feeling of having power, of being able to feel yourself whole, of being
yourself. Ito ang bumubuo sa pagkatao ko. Ito ang totoong ako. But my father, I
badly want to know his side of the story. What was his real identity?
“Ate!”
Nagulat
ako nang marinig ko ang sunod-sunod na katok ni Kate sa pintuan ng kwarto ko.
Binuksan
ko naman kaagad ang kwarto ko at tiningnan siya. Kumunot ang noo ko nang nakita
ang gulat at takot na ekspresyon ng mukha niya.
That’s
when I realized something.
“Sorry,” mahinang sambit ko. Ipinikit ko kaagad ang mga mata
ko at inihinto ang paggamit ng aural power.
Nang
binuksan kong muli ang mga mata ko ay nakita ko naman ang pag-aalala ni Kate.
“Ate... uhh...wag mo masyadong gamitin
ang aural power mo dito. Baka kasi may makaramdam na Phyrinus,” sabi niya.
Uhh...
okay?
Tumango
na lamang ulit ako kay Kate at isinara na ang pintuan.
Marahil
ang di sinasadya kong pagkagamit ng aural power ko noon ang dahilan kung bakit
ako sinugod ng isang Phyrinus noong gabing iyon.
So...
I guess I should limit myself from using my aural power...
...
but I can’t help it!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------