Chapter 5: Aura
 
Habang naglalakad sa loob ng campus ay ramdam na ramdam ko ang mga matang sa akin ay nakatingin. I know dapat ay sanay na ako sa mga tinging ipinupukol nila sa akin. Sa ilang taon ko nang pag-aaral dito ay normal na sa akin ang ganitong set-up araw-araw. Hindi ko nga lang maintindihan dahil parang kakaiba iyong ngayon. Parang iba ang dahilan ng pagtitig nila sa akin.

Those stares are not normal. I can feel something is off.

Kapag nagtatama ang paningin ko sa kanila ay sila mismo ang unang mag-iiwas. Ang iba naman ay sisikuhin ang kasama at parehas silang magbubulungan sabay tinging muli sa akin. Bumuntong-hininga na lamang ako at hindi sila pinagtuunan ng pansin.

Patuloy na naglalakad, hindi ko maiwasang tingnan iyong silid kung saan ako ikinulong at itinali isang linggo na ang nakararaan. Nasa kaliwang bahagi iyon ng campus kasama ang Maintenance Office. Bahagyang bukas iyon at maya’t maya ang paglabas pasok ng mga janitors.

Hindi pa rin ako makapaniwalang ginawa ko ang malakas na pagsabog na iyon sa mga tangke ng tubig gayundin ang pagbasag ng mga salamin.

Somehow, remembering that time, I feel so grand and powerful.

The next day after that fateful day, I was amazed to discover that that room was already in place, the water tanks as well as the mirrors were there as they used to be no scratch nor holes nor cracks.

My eyes trained at the stairs leading to the second floor which is now repaired I don’t really know how when in fact it was like some catastrophic episode had taken place at those stairs that I can’t almost recognize it that day, which was ironic to say because such episode really had happened in that very same spot.

One week had passed since that day. No more weird occurrences. No more weird black-eyed people I actually didn’t know if I should call them people with those eyes. No more what Nigel had said Chrysolus or those people I saw that day with different colors of eyes, including Ethan.

Yes, no more Ethan.

No Ethan talked to me for a week. No Ethan pestered me for a week.

I don’t know what to feel ‘cause truthfully speaking? I don’t want to feel anything towards him. I don’t like it.

I can’t prevent myself though from thinking why he didn’t even approach me within those past few days to explain himself about that weird incident.

Blazing amber eyes.

I didn’t expect him to be something inhuman... like me.

I want to hear his side of the story but I guess he’s far too busy to grant me that precious time of his.

Whatever.

Ini-slide ko na iyong pintuan ng classroom namin at nakitang kalahati sa mga blocmates ko ay naroon na.

As usual ay tinapunan nila ako ng kakaibang mga tingin ngunit hindi naman nagtagal ay ibinaling na muli nila ang kanilang atensyon sa kani-kanilang ginagawa.

I sigh as I walk to my designated chair to sit.

Uupo na sana ako nang mapansin kong may nakadikit na bubblegum sa gitna mismo ng upuan ko.

Nakaramdam ako ng pagkairita ngunit mas dumoble iyon nang nakita ko ang isang grupo ng mga kababaihang nagkumpulan sa isang bahagi ng classroom habang nakangising nakatingin sa akin.

Sila rin iyong walang habas na humila sa akin dito sa classroom na ito at nilait-lait ako matapos akong kausapin ng iniidolo nilang si Nigel.

Kusang umarko ang kilay ko habang papalapit sa kanila. Did they think that I’ll keep my calm because of this childish act?

“Kayo ba ang gumawa ‘non?” tanong ko sa kanila kahit obviously ay sila naman talaga ang gumawa ‘non. Wala, gusto ko lang rin silang inisin.

Gantihan lang yan.

Tumaas bigla ang kanang kilay ng isang babaeng may mahaba’t kulot na buhok, maputi, at may suot na isang napakaikling skirt at see through na damit na wala man lamang kung ano sa ilalim kaya naman kita iyong bra niya. Ito yata ang leader ng asosasyon na ito.

Seriously? Nag-abala pa siyang magdamit.

“Bakit witch girl? Gagawa ka nanaman ba ng milagro dito? Ano sasaktan mo kami? Ooohhh very scaryyyy. Right girls?” tanong niya sa mga alipores niyang parang mga tuod na sabay-sabay na nagsitanguan.

Tinuro ko iyong upuan ko. “Alisin mo,” walang emosyong utos ko sa kanya.

Sabay-sabay naman silang nagsitawanan.

“Seriously bitch oh I’m sorry, I mean witch, tingin mo sa’ken? Katulong mo? Eww lang ha. Ang lakas ng loob mang-utos teh? Gusto mo ikaw na lang tutal upuan mo naman ‘yan. Akala ko kasi trash bin ‘yung upuan mo eh. Sorry, my bad.”

Dahil dito ay mas uminit pa ang ulo ko.

Itinukod ko ang aking mga kamay sa table ng upuan niya at inilapit ang mukha ko sa kanya.

“Tatanggalin mo o hindi?” madiing pagkakatanong ko sa kanya.

I can really feel something is off right now.

Tinaasan lamang niya ako ng kilay habang nakangisi sa akin ng nakakaloko.

Alright then. She gave me no choice but to forcefully make her get that gum off my chair. Damn her! I’m not some scared girl who shuts up when being bullied. I’ll react contrarily.

Dahan-dahan akong umatras mula sa kinauupuan niya habang mariin siyang tinititigan.

“W-What are you d-doing?” natatarantang tanong niya sa akin. Mukhang hindi niya inaasahan ang ginawa ko. What did she think I’ll do?

I smiled humorlessly.

“Watch me,” I said menacingly.

Bago pa siya makareact ay umikot ako mula sa pagkakatayo bilang bwelo at sinipa ang upuan niya gamit ang kanang paa ko. Sa sobrang lakas ng impact ay marahas na tumama ang upuan niya sa pader na kani-kanina lang ay medyo malayo sa kanya.

Nagtilian ang mga alipores niya samantalang ang mga lalaki namang blocmates ko ay nasa amin na ang atensyon.

‘Yung babaeng leader naman ay gulo-gulo na ang buhok dahil sa malakas na impact ng pagsipa ko sa upuan niya. Halata rin ang pagkagulat at pamumutla niya.

Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. Ni walang nagtangkang magsalita o kumilos man lang. Ramdam ko ang sabay-sabay na pagkatulala nila dahil sa pangyayari. Kung hindi lang ako nakakaramdam ng sobrang inis ngayon ay baka matawa ako sa reaksyon nila.

“Settle down class. I have an announcement to make,” malakas na wika ng terror naming professor sa p.e. nang pumasok siya sa classroom namin.

Binigyan ko muna ng sulyap iyong babaeng gulat pa rin sa pangyayari bago ako tuluyang pumunta sa upuan ko nang tahimik.

Ngumiwi naman ako nang makita ko nanaman iyong bubblegum.

“Miss, dito ka na lang umupo,” wika ng isang lalaking hindi ko alam ang pangalan na blocmate ko sabay turo sa upuan katabi ng kanya.

I mutter my thanks as I sit beside him.

Umayos na rin ng upo iyong babae kasama ang mga alipores niya habang masamang nakatingin sa akin.

Pake ko?

“We will have our first practical exam today on volleyball and basketball but unlike last year, we will do it together with the elite students. Now, please go to you lockers and immediately change to your p.e. uniforms. I’ll give you 15 minutes to prepare then after that go to the university gym.”

Wow. This is a first.

First activity kasama ang mga elites. What a happy day! I am sarcastic if you haven’t noticed.

Matapos lumabas ng room iyong terror naming professor ay naghiyawan at naghigh-fives na ang mga lalaki. Ang mga babae naman ay biglang nagtilian.

What’s it with boys and balls? Ano bang nakakatuwa sa pagdidribble ng bola at pagshoot nito sa net? Tss... ang babaw ng kaligayahan ng mga lalaki.

Itong mga babae naman ay gano’n din. What’s it with elite boys? Gwapo ba? Di naman. Malakas ba ang dating? Di naman. Malakas lang pumorma ang mga ‘yun dahil mayayaman pero wala namang mga ibubuga.

Nagkakagulo silang lahat sa classroom kaya naman lumabas na agad ako at nagdiretso sa locker ko. Pagkabukas ko nito ay nakita kong may nakalagay doon na isang libro.

Kumunot ang noo ko habang kinukuha iyon.

“Ezeltopia,” I said as I read the title of the book. May hard cover iyong libro at tulad ng mga novel na kadalasang hinihiram ko sa Library Center ay makapal din ito.

Isang larawan ng hardin ang nakalagay sa cover. Faded ang larawan na iyon samantalang nangingibabaw naman ang larawan ng isang kwintas na napalilibutan ng pitong mga batong may iba’t ibang kulay.

Saan ‘to galing? Bakit may ganito sa locker ko?

May nagbukas ng locker ko?!

Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang p.e. uniform ko at isinara ang locker ko. Bitbit ang libro ay pumunta na ako sa comfort room para magpalit.

If this is some kind of prank, I’ll surely hunt down those people involved.

Habang nagbibihis ay narinig ko na ang boses ng iba’t ibang babaeng pumasok na rin sa comfort room at ang pagsara ng mga pintuan ng bawat cubicle. Kasunod nito ang walang palyang pag-uusap, pagtitilian at paghahampasan sa kung saan dahil sa kilig kuno nila dahil sa mga elites.

“Gosh! Makikita na natin ulit si Nigel nang malapitan!”

“Syet! Jusko ‘yung crush kong si Ethan sigurado nandun din!”

“Girls, sure na bang section A Elite yung makakasama natin?”

“Sure ako! Syempre bago pumunta dito sinilip ko muna ‘yung gym at boom! Nandun ang mga section A Elite!”

“Tama! Nakita ko ‘yung mga lalaki nakajersey na! Kita ‘yung yummy nilang biceps! Kahit nga nakajersey ang mga ‘yun eh kita mo pa rin ang magandang hulma ng katawan!”

I rolled my eyes. Sarap hambalusin ng mga babaeng ‘to sa totoo lang. Kakarindi ng mga tili nila pati boses nila nakakairita!

Matapos magbihis ay lumabas na ako.

‘Yung mga babae kanina ay patuloy pa rin sa pag-uusap ng topic nilang walang katapusan. Nigel dito, Ethan dyan. Tss...

Buti nagbibihis pa sila kaya naman solo ko itong salamin.

Mabuti na lamang at walang iniwang kahit anong peklat iyong mga sugat ko sa noo na natamo ko noon. Wala na rin iyong bandage dahil magaling naman na iyong sugat ko matapos ang isang linggo.

Tinanggal ko ang pagkaka-bun ng buhok ko dahil sigurado namang mahuhulog lamang ito dahil sa paggalaw kaya naman pinuyod ko na lamang ito. Tinanggal ko na rin iyong eyeglasses at contact lenses kong blue. Medyo nagpulbo na rin ako dahil nagmamantika nanaman ang mukha ko at kaunting lagay ng lipstick dahil putlain ako.

Nang makuntento na ako sa hitsura ko ay lumabas na agad ako bago pa ako maabutan ng mga babaeng nakakainis.

Inilagay ko na iyong uniform ko sa locker ko at nagtungo na sa gym. Binalingan ko ang hawak na libro.

Habang papalapit sa gym ay parang may kung ano akong naramdaman. Tumataas ang balahibo ko, bumibilis ang tibok ng puso ko, medyo hindi na rin maganda ang nararamdaman ko sa tyan ko na para bang kapag kinakabahan. Pero hindi kaba itong nararamdaman ko.

It’s something else.

Nang maaninag ko na ang entrance ng gym, lalong lumakas iyong weird kong nararamdaman.

That gym shouts danger.

Dahan-dahan akong pumunta sa harap ng entrance at tiningnan ang kabuuan ng gym. Ayoko munang pumasok dahil gusto ko munang pagmasdan iyon.

Sa kabilang side ay nakita ko ang mga blocmates kong lalaki na naka p.e. uniforms na at masayang nag-uusap habang kalat-kalat sila sa bleachers. Ang mga babae naman ay medyo mangilan-ngilan pa, marahil ay mga nagpapaganda pa ang mga iyon.

Sa kabilang side naman ng gym ay nakita ko ang mga mukha ng mga section A Elites. May ilan sa mga kalalakihan ang nakajersey ngunit karamihan sa kanila ay naka p.e. uniform din. Masaya rin silang nagkukwentuhan. Ang ilan sa mga lalaki naman ay naglalaro na ng basketball. Tss... dami talagang pasikat dyan sa section na ‘yan. Hindi nila magawang makapaghintay.

May mga mukha rin akong nakita na one week ko nang hindi nasisilayan.

Si Ethan na masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan, mapalalaki man o babae. Gayundin si Nigel, kausap ang isang babaeng may itim, maikli at bagsak na buhok. At katabi ng babaeng iyon ay si... Kate.

What is she doing here? Freshman pa lang ‘yan kaya naman bakit nandito siya? Kaming mga juniors lang ang may volleyball at basketball na p.e.

Kahit na hindi ko pa rin maintindihan iyong weird na pakiramdam ko ay dahan-dahan ko nang hinakbang ang mga paa ko papunta sa loob ng gym. Mahigpit ko ring hinawakan ang dalang libro. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko iyon dinala ngunit may kung anong nag-uudyok sa akin na dalhin iyon.

Nang inapak ko na ang mga paa ko doon, parang may kung anong sumampal sa akin na dahilan ng bigla kong pagkahilo. Pumikit ako at pinilit na ibalanse ang katawan. Jeez... ayokong magcollapse dito.

Habang nakapikit ay biglang lumakas ang pakiramdam ko. Lahat ng mga magugulo at hindi ko maintindihan na pakiramdam ay parang mas nadepina.

At nagmumula iyon sa kanang bahagi ng gym...

... kung nasaan ang mga section A Elite.

Rinig na rinig ko rin ang bigla nilang pagtahimik, gayundin ang sunod-sunod na pagtalbog ng bola ng basketball na tila ba nabitawan iyon at hindi na pinansin pa.

Sa kaliwang bahagi naman ay patuloy lamang ang pag-uusap ng mga blocmates ko na tila ba walang pakialam sa mundo.

“Gosh! Excited na ako!”

“Dalian niyo girls! Malapit na tayo!”

“Maputi pa ba mukha ko?”

“Okay na girl. Pantay na.”

Narinig ko ang boses ng mga babaeng blocmates ko na tinatahak na ang hagdanan papunta dito sa gym. Huminga ako ng malalim at isinantabi muna ang nararamdaman.

Idinilat ko ang aking mga mata at dire-diretsong pumunta sa pwesto ng mga blocmates ko kahit na ramdam na ramdam ko ang titig sa akin ng mga taong nasa kanang bleachers.

Nakita ko iyong lalaking nagbigay sa akin ng upuan kanina sa classroom. Nasa gilid lamang siya at tila ba anti-social dahil hindi man lamang siya nakikipag-usap sa ibang mga lalaki. Ngayon ko lamang siya napagmasdan ng maigi at napansing may hitsura din naman pala siya.

Tumabi agad ako sa kanya at kung titingnan nga sa malayo ay para kaming lovebirds dito though isinusuka ko ang ideyang iyon.

Nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit hindi ko iyon ibinalik bagkus ay binuklat ko ang librong kanina ko pa gustong basahin.

“Bakit ka tumabi sa akin?” tanong nitong katabi ko.

“Bakit? Ayaw mo?” sabi ko naman habang binabasa iyong table of contents. Jusko! Kahit isang salita wala akong maintindihan.

“Hindi naman. Nakapagtataka lang.”

“‘Wag ka nang mag-isip ng dahilan kung bakit ako tumabi sa’yo, mapapagod ka lang.” Tss. Istorbo naman ang isang ‘to. Akala ko tahimik ‘yun naman pala may tinatagong kadaldalan sa katawan.

“Alam mo ang taray mo,” puna niya. Aba’t hindi pa nakuntento!

“Alam ko.” Halata sa boses ko ang pagkairita sa kanya. Medyo hindi na rin ako kumportable sa kinauupuan ko dahil ramdam ko pa rin ang ilan sa mga titig ng mga nasa kabilang bleachers.

Marahas kong isinara ang librong binabasa dahil naiinis ako sa sarili ko. Bakit ba nagpapaapekto ako sa kanila? Matagal naman na akong tinatapunan ng mga tingin ng iba pang mga estudyante dito. Bakit ba hindi na ako nasanay?

“Pretend that you’re talking to me,” sabi ko sa katabi ko habang umuupo ako ng maayos ngunit ang tingin ay nasa librong hawak pa rin.

I am talking to you,” sabi niya. At talagang diniinan pa niya ang pagkakasabi ng ‘I am’!

“Tss. Wag ka pilosopo.” Unti-unti talaga ay naiirita na rin ako sa katabi kong ‘to. Akala ko pa man din matino.

“‘Wag ka rin mataray,” sabi niya.

Tiningnan ko siya. I saw his playful smile so I just return it with an annoyed look.

“See? Wala pa akong sinasabi nyan iba na kaagad ang aura na bumabalot sa’yo,” pang-aasar pa niya.

Aura.

Natahimik ako.

Itinuon kong muli ang atensyon sa librong hawak ko. Hinanap ko ang salitang iyon at huminto nang nakita ko na iyon.

Aural power

Isa iyon sa mga salitang nakita ko sa librong ito. Humigpit ang hawak ko doon nang maalala ko iyong sinabi ni Nigel sa Adalia na kausap niya sa c.r. kung saan kasama ko noon si Kate.

“You invaded our privacy! It was just supposed to be me and her and look at what happened! I thought I felt her responding but it was your aura all along! And look at what you’ve done!”

Naalala ko rin iyong sinabi ng lalaking may itim na mga mata. Iyong lalaking nagtangkang patayin ako sa apartment.

“Apprentice ka lang naman pala. Ang lakas talaga ng loob mong gamitin ‘yang aural power mo ng ganitong oras. Tanga ka ba?”

“Ezeltopia?” biglang tanong nitong lalaking katabi ko. “Saan mo nakuha ‘yan?” dagdag pa niya.

Tiningnan ko siya nang may pagtataka.

“Bakit? May alam ka ba tungkol dito?” pagtatanong ko habang diretso siyang tinitingnan.

Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin at walang babalang dinala ang kanyang kamay sa collarbone ko.

Halos tumalon naman ako dahil sa gulat. Hindi ako nagulat sa ginawa nitong katabi ko ngunit nagulat ako dahil sa malakas na hampas ng bola sa ring na para bang sinadya iyon ng kung sino.

It’s Ethan.

Mukhang badtrip. Pumunta siya doon sa pwesto niya kanina sa mga bleachers at uminom ng tubig.

Itinuon kong muli ang atensyon ko sa katabi at nakitang hawak na niya iyong kwintas ko.

“Saan mo nakuha ‘to?” pagtatanong niya habang kinikilatis iyong kwintas ko.

Sasagot na sana ako nang marinig ko ang ilan sa mga sipol ng mga lalaking blocmates ko.

Tiningnan ko lang sila nang nakataas ang kilay.

“Whooo! Dumadamoves si Chris!”

“Tol! Nagbibinata ka na!”

“Nice! Congrats dude!”

“Shut up,” seryoso kong sabi sa kanila.

“Ito naman di mabiro,” narinig ko pang bulungan nila.

What the hell? Lawak ng imahinasyon ng mga gunggong na’to.

Nasa amin tuloy iyong atensyon ng mga nasa kabilang bleachers. Ang ingay kasi ng mga lalaking ‘to! Ewan ko ba sa kanila.

“Isa ka rin pala sa kanila. Bakit ba hindi ko agad napansin?” sabi niya at saka muling ibinalik iyong kwintas sa loob ng shirt ko.

“May alam ka ba tungkol dito?” Weird. Wala naman akong nararamdamang kakaiba kapag katabi ko ‘to. Pero kapag kay Nigel, alam ko kaagad na kakaiba siya. Si Ethan naman... well, nevermind.

Baka magaling lang silang magtago.

“Isa ka rin bang Chrysolus?” tanong ko. “O Afras?”

“Tss. I’m not. Kahit kailan hindi ako magiging tulad niyo,” sabi niya habang nakatingin sa court.

“Bakit ang sungit mo bigla?”

“Akala ko ba wala kang pakialam? Bakit ka apektado kung nagsusungit ako sa’yo?”

“Ang labo mong kausap.” Bipolar.

“Mas malabo kang kausap.”

Di ko na siya ulit pinansin. Ang laki ng problema niya ah. Bahala siya.

Siguro... wait.

Did he just say na hindi siya isang Chrysolus o Afras? Halos matawa ako sa sarili. Grabe, ang weird naman kasi ng mga terms na nasa isip ko. Parang ewan lang.

“Kung hindi ka isa sa kanila, anong tawag mo sa sarili mo?” pagtatanong ko pa ulit.

Alam kong nakukulitan na siya sa akin and in fact ay naninibago rin ako sa sarili ko. I’m not this giddy around boys most especially sa hindi ko close.

Though this guy is an exception. Dunno why.

“Malamang tao. Tss.” Sungit talaga.

Sarap nitong inisin. Parang ako lang kasi kapag naiinis.

“Tao? As in human?”

“Hindi. Tao as in inhuman. Malamang di ba human? Kailangan pa itanong?” Hala siya! Sumabog na yata dahil sa inis.

Bumuntong-hininga ako. ‘Wag ko na ngang kausapin.

Hindi rin nagtagal ay dumating na iyong terror naming professor.

“Listen up, section A Proletariat!”

Nagkumpulan kaming buong bloc sa harapan niya. Nakinig lamang kami sa kanyang mga instructions regarding doon sa practical exam na sinasabi niya.

“Line up!” sigaw ng prof namin sa unang limang lalaking maglalaro ng basketball. Ganoon din ang ginawa ng kabilang section.

Boring...

Hagisan ng bola, shoot dito, shoot doon. Kasama nga pala si Nigel at Ethan sa first five na naglaro sa section nila. Parehas silang magaling kasi parehas naman silang nakakashoot.

Ayun, panalo section nila tapos talo ‘yung amin. Ano pa nga bang aasahan mo? Tss...

“Ang angas ng mga ‘yun. Akala mo ang gagaling. Siraulo pa ‘yung isa! Siniko ako!”

“Tss. Ganyan naman sila dati pa lang.”

Bumalik na sa mga bleachers iyong mga blocmates kong lalaki. Parang mga sawing palad nga eh. Bakit ba big deal sa kanila kapag talo? Parang laro lang.

Ganoon din ang mga sumunod na batch, laging talo iyong bloc namin, panalo naman sa kabila.

Pumito na si sir at pinatawag na ang mga babae. Volleyball naman ang lalaruin namin.

Simula pa lamang kanina ay hindi ko na tinitingnan sila Ethan at Nigel. Ewan ko pero naiinis ako sa kanila ngayon. Akala mo hindi ako kilala kung makaasta.

Ayoko ng ganoon. Pakiramdam ko kasi ay nagmumukha akong tanga.

Though gusto kong isiping wala naman sa akin iyon. Mas prefer ko pa nga yatang walang kasama kahit isa sa kanila.

Which is half true. Pakiramdam ko kasi ay normal ang lahat kapag wala sila sa tabi ko.

Pumunta na ako sa pwesto ko habang hinihintay ang bola. Iyong kabilang section kasi ang magse-serve.

By the way, kasama ko pala iyong lima na mga babaeng may pakana ng bubblegum sa upuan ko kanina kasama na iyong leader nila. Buti nga at hindi nila ako pinapansin. Pero syempre isang malaking joke lang ‘yun. Wala nga yata silang pinalampas na minutong hindi ako pinapaulanan ng pagpaparinig, irap, taas kilay at hawi ng buhok. Seriously?

I don’t effin’ care.

Tiningnan ko iyong mga makakalaban ko at napahinto nang mapagmasdan kong mabuti iyong dalawang babaeng seryosong nakatingin sa akin. Parang galit sila na hindi ko maintindihan.

Sila iyong dalawang babaeng kasama ni Ethan at ng dalawa pang lalaki na lumaban sa mga lalaking may itim na mga mata. Sila iyong mga tumulong sa amin ni Nigel.

Ang isang babae ay may maikli at bagsak na buhok, balingkinitan at maputi. Ito rin iyong kausap ni Nigel at katabi ni Kate kanina.

Iyong isa naman ay may mahaba, brown, at straight na buhok ngunit may kulot sa mga dulong bahagi, morena at balingkinitan din.

Hindi lamang iyon ang napansin ko.

Isa sila sa pinagmumulan ng weird na pakiramdam ko kanina. At napakalakas ng pakiramdam na iyon.

‘Aural power’.

Iyon marahil ang tawag doon.

Naramdaman ko na rin ito ng magharap kami ni Nigel sa rooftop ngunit hindi ko lamang binigyang pansin.

Iyon ang naramdaman ko noong nasa sasakyan ako ni Ethan bago ako nawalan ng malay.

Iyon ang naramdaman ko sa ikalawang palapag ng Elite’s building noong gabing iyon kaya naman nagtungo ako doon.

At ngayon, nararamdaman ko nanaman ang bagay na iyon.

Tinaasan ko silang dalawa ng kilay.

Iyong babaeng may maikling buhok ang magse-serve ng bola. Habang bumebwelo ay imbis na sa bola siya tumingin ay nasa akin ang atensyon niya. Hindi nga rin ako sigurado kung nakita ko siyang ngumisi o baka namalikmata lamang ako.

Nang pumito ang prof namin ay malakas niya iyong sinerve sa amin.

And the next thing I knew, it hit me straight to my chest. I staggered backward leaving me lying on the floor.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------