Jane's POV
Malalim pa rin ang
paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi ko naman maintindihan ang sarili
ko at bakit tinititigan ko rin siya pabalik. Nakita ko kung paano
kumunot ang noo niya at kung paano niya tiningnan ang buong mukha ko na
tila ba may hinahanap doon. Bago pa ako kapusin ng hininga dahil sa
pagtitig na ginagawa niya ay siya na rin naman na ang unang nag-iwas ng
tingin. Napansin ko rin ang pag-angat ng sulok ng labi niya na tila ba
may isang bagay siyang nakitang nakakatawa. I don't know if that was a
sincere smile or a sarcastic one. I wouldn't know.
Tumayo ako mula sa
pagkakaupo at inayos ang sarili. Nanlaki naman ang mga mata ko nang
mapagtantong kaming dalawa lamang ang nandito and worst, hindi pa yata
pwede sa lugar na 'to ang kahit na sino. In fact, wala naman talagang
pumupunta na bisita dito and curiousity simply got the better of me and
here I am, alone with this tree guy. Since I don't know his name,
might as well use that adjective. Well... alam kaya ng lalaking ito na
off limits ang lugar na 'to?
Sabay naman kaming
napasinghap nang biglang may isang malakas na boses ang bumasag sa
katahimikan na bumabalot sa amin. I thank all the heavens for that
lively voice dahil hindi ko kakayanin ang awkwardness sa pagitan namin
ng lalaking ito. We barely knew each other pero wagas na ang mga tingin
na ibinibigay niya sa akin. Weird, right?
"Bro! Nakita rin kita sa wakas! Where's Phin?" Naaninag ko ang isang lalaking nakatux tulad ni tree guy at nakita kong si Darren Ramirez pala iyon.
Mabilis niyang ginulo ang buhok ni tree guy, mukhang hindi nga niya ako napansin.
Mabilis niyang tinulak si Darren, halata ang pagkairita. "Stop it!" sabay ayos sa nagulo niyang buhok.
"Bad mood?"
tanong ni Darren kay tree guy na sa tingin ko ay kaibigan niya. They're
friends, huh? No wonder they're both weird. Perhaps this whole place is
surrounded by a bunch of weird people.
"The jerk broke up with her." That conversation made me realized that I shouldn't be here. Sa tingin
ko kasi ay seryoso na ang pag-uusapan nila kaya naman napagdesisyunan ko
nang umalis. Ngunit hindi pa ako nakakailang hakbang ay isang tili
naman ang nagpapikit sa akin. Napangiwi ako nang nakitang tumatakbo na
parang nakikipagmarathon si Al na nakahigh heels pa patungo sa akin.
Seriously, Al? Hindi ba pwedeng mag-act ka munang prim and proper kahit
hindi? Just for the sake of this party? Oh well, ganyan na talaga si Al.
Natawa na lang tuloy ako sa mukha niyang pawis at sa buhok niyang
nagulo dahil sa hangin.
"Aya! Walangya ka! Bakit mo ako iniwan aber?"
nanggagalaiti niyang sigaw sa akin. Take note, sigaw. Sigaw na parang
nakalunok siya ng pinagsamang megaphone at amplifier. I rolled my eyes
at her. Nagrereklamo pa siya na iniwanan ko siya. If I know,
nagpapasalamat sa akin ito deep inside dahil nagkaroon sila ng alone
time ng crush at first sight niyang si Darren.
"Tuwa ka naman?"
bulong ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin. Napansin ko naman na
nakuha na namin ang atensyon 'nung dalawa, all thanks to Al's
assertiveness.
Napahagikgik ang bruha. "Bakit ako matutuwa?"
she asked with the same thousand decibels. Isa na lang talaga at
sasabunutan ko na 'to! Pakiramdam ko tuloy ay mabibingi na ako.
Hindi ko na rin napigilan at tinaasan siya ng kilay. "Al! Ano ba ang lakas ng boses mo! Gusto mo ipagsigawan ko rin ang dahilan?"
Being the typical Al, parang ahas na naman siyang lumingkis sa braso ko. "I love you too bestfriend!" parang baliw niyang sabi.
Muli kong tiningnan
iyong dalawa at nakitang natatawa na sa amin si Darren habang iyong isa
naman ay poker faced lang na akala mo ay pasan na ang lahat ng problema
ng tao sa worldwide world. Dahil mukhang bored na siya sa palabas namin
ng baliw na si Al ay may ibinulong na lamang siya kay Darren at
nagsimulang maglakad paalis. Mabuti naman at wala na siya. I just feel
funny whenever that guy is around, and I don't like that feeling.
Tiningnan ko ang wristwatch ko para makita kung anong oras na. "Al, hanapin na natin si kuya pati si mommy. Baka hinahanap na nila tayo." I mentally admonished myself because I just forgot that I should've find kuya earlier and the idea just slipped my mind.
"Ok." sabay nguso pa niya.
Pagkalapit namin sa
pintuan papuntang main venue ay nilapitan na rin kami ni Darren. Medyo
nailang pa ako dahil sa presensya niya. "Darren, una na kami," sabi ko na lamang. May naalala naman ako kaya muli akong bumaling sa kanya. "Yung panyo mo pala... ano... uhh... ibabalik ko na lang, 'pag nagkaroon ng pagkakataon," dagdag ko. Pasaway! Nalimutan ko kasi. Tinaasan naman ako ni Al ng kilay na para bang nagsasabing "What the hell are you talking about?" Bruhang 'to!
Natawa naman siya at napakamot pa sa batok niya. "Sure! Ayos lang. Ingat kayo."
Tumango lang ako
samantalang si Al ay wagas pa kung kumaway. Halos mapaface palm naman
ako sa ikinilos niya. Bestfriend ko ba talaga 'to?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sumalampak na ako sa kama. Grabe, nakakapagod! Parang ang dami ko kasing ginawa ngayong araw.
Si Al nasa cr naman.
Dito muna siya sa amin tutuloy. Si Tito Liam kasi ay nasa ibang bansa
samantalang iyong mom naman niya ay kasama na ni God. Walang kasama si
Al sa bahay nila kundi puro maids. Alam ko naman na hindi kaya ni Al ng
walang kasama sa bahay. Not literally mag-isa dahil may kasama naman
siyang mga maids pero 'yung mag-isa, in a sense na wala siyang
makakausap na talagang kumportable at masaya siya.
Tumayo ako at kinuha ang
notebook ko mula sa ilalim ng unan ko. Ito ang notebook kung saan ko
inilalagay lahat. Mula sa detalye ng mga panaginip ko hanggang sa
pakiramdam at mga iniisip ko tungkol sa mga iyon. Parang diary na rin.
May mangilan-ngilan ding sketch doon na ginawa ko right after kong
mapanaginipan ang tungkol doon. So far ang naroong sketch ay apoy, isang
necklace na hugis susi, at mga chocolates na maliliit.
I reread the recent entries.
'A girl named
Miracle. A boy who's face I couldn't see. Weird accident. The boy
staring at Miracle without me knowing what the reason was.'
Marahas kong isinara ang
notebook at mabilis iyong itinago sa ilalim ng unan ko nang biglang
lumabas si Al mula sa cr. Kasalukuyan niyang pinupunasan ng tuwalya ang
basa niyang buhok.
"Fresh from the bath!" masaya niyang balita sa mundo. Bumaling naman siya sa akin. "Aya, thanks pala ah."
Nginitian ko siya. "Wala 'yun. Masaya rin naman kapag nandito ka eh." I tapped the space beside me on the bed. "May sasabihin ako."
Mabilis naman siyang lumapit sa akin at kinalimutan na ang ginagawa kanina sa buhok niya. "Tungkol saan?" puno ng kuryosidad na tanong niya.
"College," I said, curtly.
"What about it?" she asked again.
I sigh. "I want changes."
"What changes?" tanong ni Al habang nanlalaki ang mga mata.
Again, I heaved a sigh. "I want to be independent."
Lalong nanlaki ang kanina pang malaki na mga mata ni Al dahil sa declaration ko. "What?! May problema ka ba? I mean, family problem?" halos natataranta niyang tanong.
I rolled my eyes at her. Minsan talaga ang OA nito kung magreact. Katulad na katulad siya ni kuya. "Hindi naman sa gano'n. Ayoko lang ng masyadong umaasa kela mommy. You know why."
Yes, alam ni Al ang
dahilan ko kung bakit ayoko nang masyadong nagiging dependent kela mom
at dad. Actually that's the biggest secret of the Alvarez family.
Mukhang gumaan naman ang
pakiramdam niya dahil sa sinabi ko pero nakita ko naman sa mga mata
niya ang pagka bored. Yes, this topic is already abused. Hindi naman
niya ako masisisi dahil siya lang ang kaya kong kausapin tungkol doon. "So, okay. Anong gusto mong mangyari?" tanong niya habang inihahanda ang hair blower.
"Same school tayo sa college, right?"
I know the answer already but I just asked again if ever she'll change
her mind. Ang alam ko kasi ay may dream school talaga siyang gusto
niyang pasukan.
She answered without even batting an eye. "Yes."
Pinisil-pisil ko naman ang mga daliri ko. "Dahil malayo 'yung school na 'yon, mas maganda siguro kung magdorm tayo."
Mabilis na ibinaba ni Al ang hawak na hair blower at lumingon sa akin. "Really?! Gusto ko 'yan!" she squealed excitedly.
Dahan-dahan ko namang sinabi ang susunod kong tanong. "Then, I want to be a working student too. I bet gusto mo rin?"
Lalong nagningning ang mga mata ni Al. "Oo naman! Alam mo namang never kong magagawa 'yon kapag nandyan si dad!"
Nakahinga ako ng maluwag
nang napagtantong hindi against sa akin si Al sa mga ideya ko sa buhay.
I am not an Alvarez. Kahit na anong mangyari ay walang Alvarez na
nananalaytay sa dugo ko. Ngunit kahit na gano'n ay hindi naman
ipinaramdam sa akin ng kahit sino sa pamilya na iba ako sa kanila. In
fact, they made me feel like a princess in this household. They want me
to be dependent on them, which exactly explain why I came up with these
bizarre ideas. Ang buong akala ko rin ay hindi papayag si Al at
isusumbong ako kay kuya. Good thing we're on the same page.
Naalala ko naman si Tito Liam. "Speaking of your dad, kailangan magpaalam din tayo sa kanya besides kay mommy." What I'm saying is about the dorm topic and not the working topic.
Napaisip si Al. "That'll be hard. It will surely be a series of negotiations if you ask me."
Itinulog na lamang namin
ni Al ang tungkol doon. We'll just going to talk about it tomorrow.
Sinabi ko kay Al na doon na muna siya sa tabi ko matulog at sinabi
niyang okay lang naman daw. Hindi ko lang kasi alam ang gagawin ko kapag
nanaginip nanaman ako ng masama. At least, having Al beside me might
keep those bad dreams away.
Ilang oras na ang
nakalilipas ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Huminga ako ng
malalim at napagpasyahang bumaba at pumunta sa kitchen. Kinuha ko iyong
fresh milk mula sa ref at nagsalin nito sa baso. Bitbit iyon ay pumunta
ako sa garden at umupo sa swing. This garden had always been my haven.
Being here while watching the moon and the stars calms me. Tulad ng dati
kong ginagawa ay tiningala ko ang langit at napangiti nang makita ang
crescent moon. Hindi ko kasi iyon napansin kanina. Habang pinagmamasdan
ko iyon ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. Ang ganda...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Miracle was sitting
in the floor. Her face was so dreary that she almost looked like she had
the worst burden ever. Her face was soggy with I think sweat and tears.
Everything was so dark until flames came out from nowhere.
Miracle was still
sitting in a corner as if nothing was happening. That fire was nothing
but a harmless element. I literally want to grab her but I have no
corporeal body to do so. I'm just watching her helplessly. I want to
scream at her but I can't.
I just can't.
"Aya! Aya!" Naramdaman ko ang paglapat ng malakas na sampal mula sa kung kanino at
mga galabog sa kung saan. Iminulat ko ang mga mata ko at mabilis na
umupo. Dinala ko kaagad ang mga kamay ko sa dibdib ko.
"What's happening here?!" biglang bukas ni kuya sa pintuan ng kwarto ko. Mukhang naalimpungatan pa siya at may takot pa sa kanyang mga mata.
Parang nawala ako sa
sarili ko. I feel numb. I can't comprehend what Al and kuya was saying.
Before I know it, I'm crying in my brother's arms.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako dahil sa
sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko, wala
na si Al. Tumingala na lang tuloy ako at muli, katulad ng ginagawa ko sa
orphanage, ay tiningnan ko ang mga glow in the dark na stars. Pinasadya
ko talagang lagyan ang kwarto ko ng mga ganito tulad ng kwarto ko sa
orphanage. Maliwanag na pero gumagaan ang pakiramdam ko kapag
tinitingnan ko ang mga iyon.
Pumikit ako. At bago pa
muling may lumabas na mga luha sa mga mata ko ay bumangon na ako. Inayos
ko lang ang kama, naligo, nag-ayos, at bumaba na.
Nakita ko si mommy na
nagluluto. It's not like her, doing these stuffs. Madalas kasi paggising
ko ay si 'Nay Celia ang nasa kusina at si mommy naman ay nasa trabaho
na. Pero lagi namang may panahon si mommy sa amin ni kuya kaya ayos lang
ang gano'n.
"Good morning mom," masayang bati ko sa kanya. Mabilis naman siyang bumaling sa akin.
"Jane!" gulat at nag-aalalang bungad sa akin ni mommy. Niyakap niya ako at sa isang iglap, nawala lahat ng mga dinaramdam ko.
"Mom, ayos lang ako."
I know she already knew what happened last night. Nag-aalala nga ako
dahil baka kung ano nanaman ang isipin ni mom sa akin. I don't like her
worrying too much about me. Alam kong marami na siyang pinoproblema sa
trabaho at ayoko nang dumagdag pa doon.
"I'm so sorry," makahulugan niyang sabi. Aalis sana ako mula sa pagkakayakap niya ngunit hinigpitan lang ni mom ang pagyakap sa akin.
"For what?" pagtatanong ko.
She sighed and caressed my head. "N-nothing. It's just that I'm too late when I went to your room last night." Narinig ko ang himig ng pag-aalala sa boses niya.
"It's alright, mom.
Both kuya ang Al were with me last night. 'Wag ka nang mag-alala, mom.
I'm more than okay now lalo na at yakap mo ako." Ngumiti siya dahil sa sinabi ko at hinalikan ako sa noo bago ako binitawan.
"Oh siya sige, take your breakfast na." Tinapik muna niya ang pisngi ko bago ipinagpatuloy ang pagluluto.
Umupo ako sa harap ng dining table at pinagmasdan si mom. "Mom, hindi ka papasok?"
Nilingon niya akong muli
at pinakitaan na naman ako ng maganda niyang ngiti. No wonder ay dyan
nahulog si dad noong kapanahunan nila. Mom is just so sweet and so
caring at hindi pwedeng lumipas ang isang araw nang hindi siya
ngumingiti. Every time she smiles, the place around here seems to have
its color and vibrancy. There are no dull days when she's around. "I'm just not feeling well. I want to take a rest at least for this day."
Tumango naman ako. Naalala ko naman iyong pinag-usapan namin ni Al kagabi. "Mom?"
"Yes?" pagtatanong niya habang nilalasahan iyong niluluto niya. Naaamoy ko na rin ang bango nito.
Hindi ko alam kung ito
na ba ang tamang panahon para sabihin sa kanya ang tungkol sa
pinag-usapan namin ni Al kagabi pero, kasi kung hindi ngayon, kailan pa?
I sigh. Bahala na. It's now or never!
"I want to take a dorm in Manila."
Mabilis akong nilingon
ni mommy at nakita ko kaagad kung pano kumunot ang noo niya pero wala
siyang sinabi. Nanatili siyang tahimik na nakatingin sa akin samantalang
hinihintay ko naman ang sagot niya. Ipinilig niya ang ulo niya na
parang nag-iisip.
Judgment day na ba? It felt like it while waiting for my mom's words.
Taking a deep sigh, she said the words I'm dying to hear. "Okay."
Tinakbo ko ang distansya
naming dalawa at hinawakan ang mga kamay niya. Pakiramdam ko nga ay
mapupunit na ang pisngi ko sa lapad ng ngiting ipinapakita ko sa kanya
ngayon. "Really?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Mom pursed her lips when she saw my expression. Mukhang pinipigilan niya ang sariling mapangiti. "Yes." May kung anong bumagsak sa akin nang may mahimigan akong but sa sinabi niya. "But I have conditions." Sabi ko na nga ba.
Pero hindi naging
hadlang 'yon para sumuko ako. I will take everything to make my
proposition succeed! God, I can't believe I'm thinking like this now.
Para namang sasabak ako sa kung saang gyera sa mga iniisip ko. "Shoot!"
I said, full of determination. Kung nandito lang siguro si kuya at
nababasa niya ang mga iniisip ko ay baka humagalpak na iyon sa tawa. Si
Al naman ay babatukan ako.
Wala na akong angal-angal. Kahit ano pang conditions ang sabihin ni mom, basta makapagdorm kami ni Al, ayos na!
"You'll take Nathan with you." In my head, I saw my kuya's face smirking at me.
What in the world does my mom mean?!
"Mom! I can take care of myself! Besides kasama ko naman si Al." Paano 'yun? Kuya will babysit me? Goodness! Ayoko! Naiirita ako kapag
tinatawag pa niya akong princess. Gano'n kasi ang tawag sa akin ni dad,
which is okay lang sa akin, pero kapag ginaya na kasi ni kuya ay
naiirita ako! He's acting like I am a baby and I need tender love and
care from him. Minsan nga ay pinagbabato ko siya ng kung anong mapulot
ko at sinabihan ba naman akong tyanak.
Wala na, naiinis na
talaga ako. Kung bakit naman kasi tinuturing ako ni mommy na bata. At
isa pa, wala ba siyang tiwala sa akin?
"Mom can't you trust me? Am I not responsible enough?" wala sa sariling nasambit ko.
Nanlaki ang mga mata ni mom at mukhang naalarma. "It's not like that! Okay, okay! You can go without Nathan."
Para namang may
naririnig akong mga nag-aawitang anghel sa langit at muli ay nagningning
na rin ang mga mata ko. Mukhang nagagaya ko na rin yata si Al. "Really?"
"Really," she acquiesce.
Bumalik ang sigla ko kanina. "Thanks mom!" at dinamba ko siya ng yakap. I really love my mom so much!
Nilibot ko ang bahay —
pagkatapos ng pag-uusap namin ni mom — para mahanap si Al. Si kuya naman
laging nasa labas at nagbabasketball. Napailing ako sa naisip. Ang mga
lalaki nga naman. Pumunta ako ng garden doon ay nakita ko siyang may
kausap sa phone.
"Thanks dad! Love you!"
sabi niya nang may mga ngiti sa labi. Humalukipkip ako at hinintay
siyang makita ako. I think I know now what the good news is all about.
Hindi naman ako nagkamali dahil nagtititili siya nang makita ako. "Aya! Pinayagan na ako ni daddy!"
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagkatapos naming
magbunyi ni Al, napagkasunduan namin na bumili na ng mga school
supplies, damit at iba pang magagamit namin kapag lumipat na kami sa
dorm. Sinabi rin ni mommy na magandang maaga raw naming gawin 'to para
hindi hassle. The day after tomorrow ay may pasok na kami at actually
ito talaga ang araw na dapat maghanda na kami, late na nga kung
tutuusin. Enrolled na kami ni Al sa isang university sa Manila, si mommy
na ang nag-asikaso kaya hindi na namin kailangang pumunta doon.
Nandito kami ni Al sa
mall. Ang mahirap talaga ay kapag ang kasama mo ay masyadong fasyonista.
Lahat ba naman ng store ng damit at ultimo ng bag pinapasok namin! Like
hello? Hindi naman namin kailangan ng maraming bag. Isang knapsack nga
okay na sa akin! Ito namang isa akala mo laging may party na pupuntahan
at pati dress ang daming binili.
"Al, suko na ako sayo. Seriously!" naiiritang sabi ko sa kanya.
Sinilip naman niya ang dala kong mga paper bags. "Aya! Bakit puro t-shirt yang binili mo?! Para kang hindi babae." Walangya! Did she really pay no heed to what I just said?
Sa inis sa kanya ay tinanggal ko ang pagkakalingkis ng kamay niya sa braso ko. "'Yan ang gusto ko! Wala kang magagawa!"
She rolled her eyes at my tantrum. "Tara Aya, kain na tayo. Grabe nakakapagod pala magshopping!" I really can't believe this girl. Can someone please remind me how this girl had been my bestfriend?
Naku! Maiinis na talaga
ako kay Al kung hindi siya nagbanggit ng pagkain. Oo nga at tama siya.
Nagugutom na rin ako dahil sa walang habas na paghila niya sa akin sa
bawat store ng mga mamahaling damit.
Pumunta kami sa... Café Ysabel?!
Hinila ko pabalik si Al. "Al! Ayoko dyan! Kakain na rin lang ako, hindi na sa mamahaling restaurant!"
She, again, rolled her eyes at me. Malapit na talaga at susungkitin ko na 'yang mga mata na 'yan! Kanina pa 'yan! "Aya,
ayoko na maglakad. Masakit na 'yung mga paa ko at ang tanging gusto ko
lang gawin ay ang kumain. At wala nang choosy sa taong gutom! Tandaan mo
yan," kalmadong litanya ni Al, tila nagpapaliwanag sa isang batang paslit kung paanong one plus one is equals to two.
Naglakad na lang ako
papunta sa restaurant na nasa harapan ko. Wala! Hindi ako mananalo kay
Al. Habang naglalakad ako ang siya namang biglang pigil ni Al sa akin.
Tiningnan ko si Al nang masama. "Al! Akala ko ba gus—"
Napatigil ako sa
pagsasalita dahil sa nakita kong reaksyon sa mukha ni Al. Nakatingin
siya sa loob ng coffee shop kaya naman tiningnan ko rin iyon. Naiinis na
talaga ako. Bakit ba ang daming hadlang sa amin kapag ang usapan ay
pagkain?
"What the hell," narinig kong bulong ni Al.
Napako ako sa
kinatatayuan nang mapagtanto kung sino ang tinitingnan ni Al. Parang
nanlamig ang buo kong katawan at natulala na lamang sa nakita.
Pagkatapos ng halos limang taon ay makikita ko siyang muli. His face
matured and so his build. His not that prince charming I used to call him back then. He's not my prince charming
anymore. Dahil kung siya pa rin iyon, hindi dapat siya nakikipag-usap
ngayon sa isang babae habang seryosong nakikinig sa kanya. There is
absolutely adoration in his eyes as he looks and listens to the girl in
front of him. Hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod siya
sa amin.
Lalo akong kinabahan nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.
"Fuck that guy!" Mabilis akong hinawakan ni Al sa kamay at niyakag ako paalis. "Tara Aya! Let's get out of here."
Bigla akong hinila ni Al
sabay takbo. Lumingon pa ako at nakita ko siyang lumabas galing doon sa
coffee shop. Patuloy lang kami ni Al sa pagtakbo. Hindi ko alam kung
ano ang dapat kong maramdaman nang nakita ko siya. Magagalit? Maiinis?
Madidisappoint? Self-pity? Nandito na pala siya sa Pilipinas. Kung
gano'n bakit hindi man lang niya nagawang magparamdam? Hindi man lang ba
niya ako naalala o hinanap man lang? At sino iyong babaeng kasama niya?
Rage overcomes all of my emotions.
Pakiramdam ko ay malayo
na ang narating namin. Kahit na marami kaming dala ni Al na paperbags ay
nagawa pa rin naming makatakbo nang gano'n kabilis. Iyon ba ang
sinasabi nilang adrenaline rush? Patuloy lamang kami sa pagtakbo.
Kahit nga iyong mga nakakasalubong namin ay tinitingnan kami ng may
pagtataka. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa ginagawa naming ito ni Al.
Para kasing mga magnanakaw lang kami at may masama kaming ginawa kaya
kami tumatakbo.
Then in a matter of seconds, something hit me.
"Run Miracle! Baka maabutan nila tayo!"
Miracle was running with the boy. For the first time I saw her smile. A smile that's so familiar...
Huminto na si Al sa
pagtakbo. Huminto na rin ako pero iyong utak ko ay lutang pa rin.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Al nang nakita ako at mabilis niya akong
niyugyog.
"Aya! Aya ayos ka lang ba? May masakit ba?" nag-aalalang tanong niya.
Umiling-iling ako at pilit na kinunot ang noo. "Ha? Ah w-wala naman. Bakit mo naitanong?"
Hindi pa rin ako nilulubayan ng tingin ni Al. "Namumutla ka kasi. Aya, ano? Nakakahinga ka pa ba?" Nagtataka na talaga ako sa ikinikilos nitong si Al.
"Al, ang weird mo," hindi ko na napigilang hindi sabihin.
"Ha? B-bakit?! Weird ba ang nag-aalala sa bestfriend?" sabi niya sabay iwas ng tingin. Ngumuso naman ako. My bestfriend is being sweet now.
"Oh! 'Wag na magtampo! Tara McDo na lang tayo, libre ko!" lambing ko sa kanya. I know Mcdo lang ang katapat nito.
"Kuripot." Natawa na rin siya sa akin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mula nang kumain kami
hanggang sa pag-uwi ay hindi na ako masyadong nagsalita. Sumasagot naman
ako kapag tinatanong ako ni Al sa mga ikinukwento niya kaya hindi naman
niya napansin na may malalim na akong iniisip.
This is really weird.
What happened earlier was not a dream, I'm positive about it. Pero bakit
pumasok siya bigla sa isip ko? Hindi kaya napanaginipan ko na iyon dati
at nalimutan ko lang? At naalala ko lang iyon dahil sa pagtakbong
ginawa namin ni Al? The situation was almost the same. I have tons of
questions in my mind na hindi ko mahanapan ng sagot. Ayokong sabihin
kahit kanino, baka kasi iba 'yung isipin nila. The really weird part is
that...
something's tellin' me to solve this enigma of mine, alone.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nandito ako ngayon sa
kwarto ko, nakikinig lang ng music sa phone. Si Al nasa living room,
nanonood ng tv. Emo ako ngayon kaya mag-isa lang ako sa kwarto. Tapos na
kami ni Al mag-ayos ng mga gamit na dadalhin namin sa dorm bukas kaya
petiks lang kami ngayon. Si mommy na rin ang nag-decide kung saan iyong
dorm na tutuluyan namin, at ang kondisyon pala niya ay dapat uuwi kami
ni Al at ni kuya dito sa bahay every weekends. Syempre pumayag naman
ako. Kahit naman siguro hindi niya banggitin iyon ay uuwi talaga kami.
Humiga ako ng maayos at nakinig na lamang sa pinakikinggang kanta.
'Sometimes you think you'll be fine by yourself
'Cause a dream is a wish that you make all alone
It's easy to feel like you don't need help
But it's harder to walk on your own
You'll change inside when you realize
The world comes to life and everything's bright
From beginning to end when you have a friend by your side
That helps you to find the beauty you are
When you open your heart and believe in the gift of a friend
The gift of a friend'
Nice! Pwede naming theme song 'to ni Al. Masabi nga sa kanya mamaya.
Habang pinakikinggan ko ito, hindi ko maiwasang hindi maalala kung paano kami nagkakilala ni Al.
It happened 5 years ago...
"Tita Jayah, sino po siya?" pagtatanong
ng isang magandang batang babae na naka floral dress at may headband,
na may flower design, sa buhok. Nakaladlad ang straight niyang buhok na
umaabot sa balikat niya habang ang mga mata naman niya ay nakatuon sa
akin.
My new mom smiled at her. "Liz, she's my daughter. Call her Jane."
Her eyes twinkled upon hearing my name from my mom. "Hello Jane!"
I looked at her. I just looked at her without uttering any words. I just looked at her.
"Liz, maybe she's just shy. Don't worry, mabait naman siya. Make her smile okay?"
I feel nostalgic while remembering those times. I'm so lucky I met this beautiful girl.
'Someone who knows when you're lost and you're scared
There through the highs and the lows
Someone to count on , someone who cares
Beside you wherever you'll go
You'll change inside when you realize
The world comes to life and everything's bright
From beginning to end when you have a friend by your side
That helps you to find the beauty you are
When you open your heart and believe in the gift of a friend'
"Aya. I'll call you Aya from now on! Gusto ko ako lang tatawag sa'yo 'nun, okay?" she said, full of conviction.
"I'll call you Al then. I want to call you Al para unique." I mimicked the tone she used earlier.
Her eyes went wide and her small lips formed a big 'o' shape. Then she squealed like there was no tomorrow.
"You talked!"
I just gave her a shy smile.
'And when your hope crashes down
Shattering to the ground
You, you feel all alone
When you don't know which way to go
And there's no signs leading you home
You're not alone'
I really love Al, next to my family. She's one of those lights that lit my desolated life.
'The world comes to life and everything's bright
From beginning to end when you have a friend by your side
That helps you to find the beauty you are
When you open your heart and believe in
When you believe in
When you believe
In the gift of a friend.'
Pagkatapos ng kanta ang
siya namang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko iyon sa tabi ko at
tiningnan kung sino ang nagtext sa akin. Tumaas ang kilay ko nang
nakitang nanggaling iyon sa isang unknown number.
From: 0908********
Hey! It's me, Darren.
Tita mentioned 'bout you girls going to Manila. Actually we're of the
same school and we have the same plan. So...I guess your mom told you
'bout the compromise? See you tom. =) We'll pick you up girls at 7am.
Gudnyt
Ha? Hindi ko yata alam ang tungkol dito.
"Al! Nakita mo ba si mommy?" tanong ko kaagad kay Al pagkarating ko sa living room.
Nanunuod siya ng tv habang nilalamutak iyong popcorn. "Nope. Pumunta siya sa trabaho, nagkaroon daw ng emergency." Saglit siyang bumaling sa akin ngunit ibinalik niya rin agad iyon sa pinapanuod. "Bakit mo naitanong?"
"Alam mo ba 'yung tungkol dito?" Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang text message galing kay Darren.
"Ah, oo nasabi na sa akin 'yan ni Tita Jayah," sabi niya at halos bigwasan ko siya nang bigla nanaman siyang tumili "Excited na ako! Makikita ko nanaman si crush!"
Humalukipkip ako at tiningnan siya ng walang ekspresyon sa mukha. "Sabi dito we'll pick you up. So may kasama pa bang iba na susundo sa atin?" Ano 'yun, school bus?
Inilagay naman ni Al ang thumb niya sa baba niya, tila nag-iisip. "Sa tingin ko 'yung kapatid niya, si Phin ba 'yon? Tapos 'yung bestfriend niya. Si... uhh, ano nga ba ulit ang pangalan 'non?" Tinaasan ko lang siya ng kilay habang hinihintay siya sa susunod niyang sasabihin. "Uhhh... Ah! Si Geff. Tama, Geff nga."
Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Wait...parang familiar ang mga pangalan na binanggit ni Al.
Hanggang sa naalala ko iyong conversation nila Al at ni Darren sa party.
"Hey! Happy birthday by the way. Nasaan na nga pala ang kapatid mo?"
"Thank you. Uhh,
actually kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita. But Geff, my
friend, texted me na masama na raw yung pakiramdam ni Phin kaya
tinulungan niya nang makabalik sa kwarto niya."
At 'yung pagkikita naming muli ni tree guy at ang pagdating ni Darren.
"Bro! Nakita rin kita sa wakas! Where's Phin?"
Nanlaki ang mga mata ko
dahil sa realization. Ibig sabihin, si Geff ay si tree guy na siya
namang tumulong doon sa girlfriend niyang nabunggo ko na si Phin na
nagkataong kapatid naman ni Darren!
Ibig sabihin... makikita ko ulit siya. I felt something stirred in my stomach.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------