Chapter 2: Reflection

Jane's POV

Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin at napangiti sa nakita. I am not ugly but I'm also not someone who can be labeled as gorgeous. I'm just this simple and mediocre girl, wearing a simple black party dress and make up. Alam talaga ni mom ang mga tipo kong isuot. I also wore black stockings to conceal my fresh wound and a pair of stiletto heels.

"That's better," puri ko sa sarili habang nakatingin sa full body mirror katabi ng vanity table ko.

"Jane, nasa baba na ang mommy mo," narinig kong tawag sa akin ni Nanay Celia habang kumakatok sa pintuan ko.

"Sige po, pababa na po."

Mabilis kong kinuha ang blazer ko sa loob ng closet maging ang maliit kong pouch bago bumaba. Pagkalabas ko ng kwarto ko ay sumalubong na sa harapan ko ang grand staircase ng Alvarez Mansion. It was covered with an expensive carpet and the banister was made from polished mahogany. Kung sino man ang dadaan dito ay makakaramdam siguro ng kasiyahan. A regal feeling of a princess. But not me. Minsan nga ay napapaisip ako na sobrang swerte ko dahil nasa Alvarez family ako but I will never deserve such place and warmth. I just can't help myself but to feel that way when I'm inside this place. But of course I love the family, so much.

"Jane, go to the car. Someone is waiting for you there. I'll just go to my room." Hindi ko napansin na umakyat na pala si mom at nasa harapan ko na. Jayah Alvarez is a very beautiful woman, breathtakingly stunning in her royal blue lacey dress with classic pumps. Her make up made her looked more sophisticated but her black, silky, wavy hair cascading her shoulders put up an angelic facade. Humalik muna siya sa pisngi ko bago nagtungo sa kanyang kwarto. Nagpakawala na lang ako ng malalim na buntong-hininga bago bumaba.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mom. Sino naman kaya ang naghihintay sa akin sa labas? Si kuya? Mabilis akong lumabas ng bahay at gate. Ang una kong napansin ay ang itim naming HiAce na nakapark sa mismong tapat ng gate ng mansion. Leaning there is a girl who seems covered with fire with her crimson party dress which was illuminated by a distant lamp post. Nakalugay ang kanyang mahaba at medyo kulot na buhok na umaabot sa kanyang bewang. She seems too mature and too classy because of the foreign posture, too alien for my liking. Nakasuot din siya ng high heels kaya mas lalo lamang siyang tumangkad.

Kahit na ilang taon na ang nakararaan, hinding-hindi ko malilimutan ang pakiramdam kapag nandyan na siya. That feeling of unexplainable and unbreakable bond will always be there.

Perhaps having the same feeling made her look up at my direction. Nanlaki ang mga mata niya ngunit bago pa siya makatili ay mabilis kong nilipad ang distansya naming dalawa at mahigpit siyang niyakap.

I started crying. "Oh my God, Al! You're finally here!" Nahirapan pa akong makapagsalita dahil sa hindi ko mapigilang pag-iyak. "I can't believe you're finally here with me," halos pabulong kong utas.

As expected, bigla siyang tumili. "Aya! Bestfriend! I miss you so damn much!" Napangiwi pa ako dahil halos mabasag ang eardrum ko sa tili niya ngunit hindi ako bumitaw. Ipinikit ko ang mga mata ko nang higpitan pa niya ang pagyakap sa akin.

How I missed this hug, her voice, just everything about her being here in person calmed every fiber of my being. Lahat ng mga uncertainties at insecurities ko sa buhay, naglahong parang bula. We stayed like that for a minute, savoring each other's arms and warmth and the quietness of our love. Nang nandito na siya sa tabi ko, parang nahanap ko na rin ang kalahati ko. She's a family, my sister, that God forgot to give me and I'll always be thankful of how this girl changed my life.

Narinig ko pa ang pagsinghap niya bago siya kumalas mula sa pagyakap. Nanatili ang mga kamay niya sa braso ko at gamit ang kanyang mga maluha-luhang mata ay sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Sumilay ang isang ngiti sa maganda ngunit matapang niyang mukha.

"Bes, tumaba ka." Dumako ang tingin niya sa mukha ko at tinapik ang mga pisngi ko. "Tapos yung pisngi mo namaga." Pumiyok pa siya nang sabihin iyon at may tumulo nanamang luha sa kanyang kaliwang mata. Mabilis niya iyong pinahid at saka inayos ang bangs ko. "Pero tumangkad ka. Halos parehas na tayo ng height. Bes improvement! Di ka na napag-iiwanan!" Then she laughed, a genuine one.

Umiling-iling ako at muli siyang niyakap. Lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. I really missed this girl! Hindi ko mapigilan ang mga mata ko mula sa pagluha at wala akong pakialam kung ano na ang itsura ko ngayon. Natawa na lang si Al sa akin. She knew very well what a crybaby I am.

Patuloy pa rin siya sa pagtawa ngunit ginantihan niya rin ako ng isang mahigpit na yakap. "Pero bes, bagay sa'yong ganyan ka. Kaysa naman dati na sobrang payat mo na para kang patpatin. At isa pa pala! Ang ganda mo ngayon! Blooming! May sumunggab na ba sa karisma mo? Sino ang nagkamali?" Mula sa pag-iyak ay napatawa na niya ako. Kakaiba talaga ang vocabulary ng babaeng 'to but that's not a bad thing because that's what's making her Al, my Al.

"Al, bes, matagal na akong maganda. Bakit ba ngayon mo lang napansin? As is na yan!" I quipped back.

Gulat siyang napatingin sa akin at umiling-iling. "Sinong nagturo sa'yo ng bad words? Masama 'yan Jayzelle Ayaline! Don't tell me that asshole of a brother of yours taught you things like that?!"

Ngumuso ako at marahang tinapik ang bibig niya. "Nasa Pilipinas ka Al, magtagalog ka." Ngumuso rin siya pabalik. Natawa akong muli dahil naalala kong trademark na talaga naming magbestfriend ang pagnguso. At isa pa, kapag nagsasalita kasi si Al ay medyo slang talaga. I couldn't blame her though dahil ilang taon din siya sa ibang bansa pero kahit na gano'n, alam kong hindi pa rin siya nagbabago.

Biglang bumukas ang pinto ng sasakyan sa harapan namin at iniluwa nito ang isang oranggutan na naka tuxedo.

"Tapos na ba kayo?" he asked boringly but his eyes were telling me something else. Mukhang nakita't narinig yata niya ang drama naming dalawa ni Al.

"Hindi pa! Bumalik ka nga 'don kuya sa lungga mo," sigaw ko sa kanya. Medyo nagulat rin kasi ako sa paglabas niya sa sasakyan dahil hindi ko naman alam na naroon siya pero ang mas ikinagulat ko ay ang isang oranggutan pala ay may pag-asa pang magmukhang tao? Natawa ako dahil sa mga naiisip.

But kidding aside ang gwapo talaga ng kuya ko. He's wearing his shining three piece suit which made him as imperial as his aura indicates. Nakataas din ang buhok niya na kadalasan ay natatakpan ang noo niya, iyong tulad sa mga korean. Naalala ko pa nga na sinabi ko sa kanya dati na trying hard siya masyado sa paggaya ng mga korean boys tulad ng mga napapanuod ko sa mga koreanovelas but he just told me na sila ang gumaya sa kanya at hindi siya.

Binulungan ako ni Al habang si kuya naman ay busy sa pag-aayos ng tie niya. "I hate him Aya. I'm actually having doubts if your kuya is really an Alvarez. Mabait naman kasi sila tito Ayden at tita Jayah. Anong nangyari sa genes niya?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Huwag mo na lang pansinin. Bakit? Ano bang ginawa niya sa'yo?" I'm not oblivious about their unexplainable feud. Pagkapanganak pa lang yata sa kanila sa mundo ay nakatadhana na silang mag-away at magbangayan. I actually called it love war.

Hindi na nasagot ni Al ang tanong ko dahil narinig na namin ang boses ng papalapit na si mom. "Let's go girls! Nathan pumasok ka na rin."

————————————————————————————————————————-

Sa likod kaming tatlo nila kuya at Al umupo - doon ako sa gitna nila umupo para sigurado - habang si mom naman ay nakaupo sa passenger's seat at si Kuya Mark ang driver. Tawa lang kami ng tawa sa walang katapusang pagkukwento ni Al sa mga experiences niya sa New York habang itong si kuya naman ay sobrang tahimik.

Hindi rin naman nagtagal ay bumagal ang takbo ng sasakyan namin habang papasok sa isang enggrandeng gate na may nakalagay sa itaas na Golden Crest Palace. The gateway is just so enormous and it was cobbled together by golden metal gates with intricate designs on them. When our car finally entered the pathway, I noticed that the place is covered with trees which are enclosed with different fairy lights. After some time, our car stopped in front of yet another huge golden door but this time, it's in the middle of the exact palace that functions as the entrance for the venue.

I'm not new to such rich and famous kind of gatherings since I'm a part of the Alvarez family, which by the way speaks so many reasons why I'm here. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin nawawala ang pakiramdam na hindi dapat ako nandito. I should just lock myself up inside my room and drown myself in the world of books but then, I can't.

Para mawala iyong negatibo kong nararamdaman ay kinausap ko na lamang si Al. "Al, ano bang celebration ang mayroon dito?"

Nakita ko ang paglapit ng ilang mga lalaking nakauniform ng white sa sasakyan namin at pinagbuksan kami ng pintuan. "Birthday ng mga anak ng Ramirez family." Tumango ako habang inaalalayan ako ng isang lalaki, na sa tingin ko ay empleyado dito sa lugar. Pagkababa ni Al ay siya namang yakap niya sa braso ko. "Naku girl, hindi mo gugustuhing makilala 'yung babaeng anak nila. Masyadong suplada! Pero 'yung kakambal niyang lalaki, total opposite niya!" Medyo natawa pa ako dahil may pagka-slang pa rin talaga si Al sa pagsasalita pero hindi ko na iyon masyadong pinahalata sa kanya. Baka magtampo pa sa akin ito.

Pinagmasdan ko si Al at nakitang kumikislap ang mga mata niya. "Crush mo?" pagtatanong ko. Marami talagang crush 'tong si Al. Kahit noong nagsa-skype kami ay walang mintis ang pagkukwento niya sa akin tungkol sa mga gwapong kano.

Bigla siyang napatingin sa akin. "Paano mo nalaman?" walang kamuwang-muwang niyang tanong.

Umiling ako at napangiti. "Obvious ka girl."

"Talaga?" tanong pa niyang muli.

"Oo," ngiti ko.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya. "Nakita ko kasi siya sa kabilang subdivision 'nung papunta kami ng mommy mo sa bahay niyo. Girl ito yata ang tinatawag nilang love at first sight! Grabe ang gwapo talaga niya!" Hindi ko na masyadong napansin ang mga sinabi niya nang tuluyan na kaming nakapasok sa pinaka-venue. May isang napakalaking chandelier ang naka-hang sa pinakagitnang bahagi ng palace. Mayroon ding grand staircase sa dulong bahagi at isang platform sa gilid nito. Nahahati sa dalawa ang lugar. Ang isa ay kung saan nakalagak ang mga chairs and tables kung saan uupo ang mga bisita habang ang kabila naman ay nagmistulang dance floor. Kumunot ang noo ko. Hindi ko tuloy alam kung formal gathering ba ito o hindi.

"Tapos doon ko nalaman na sa kanila pala 'tong party." ang huli kong narinig sa sinabi ni Al. Naramdaman ko ang paglapit sa akin ni kuya at paghawak niya sa kamay ko.

"Let's go," sabi niya.

"Nasaan si mom?" pagtatanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya. I sigh. Mukhang nakipagmingle na siya sa mga kaibigan niya dito.

"Girls, Nathan. Just enjoy the party okay?" Narinig ko ang boses ni mom kaya naman lumingon ako. There she is, holding now a glass of champaigne. "Pupuntahan ko lang ang mga Ramirez." Hinalikan niya muna kaming tatlo sa pisngi bago umalis muli.

May kung ano nanamang bumagsak sa loob ko. Hindi ko talaga kaya ang ginagawa ni mom. I can't talk to anyone here, most especially sa mga masyadong classy at sophisticated ang dating. I know my insecurities are swallowing me. Good thing ay nandito si kuya at Al sa tabi ko. Hinila ako ni kuya papunta sa isa sa mga tables na naroon. Hila-hila ko naman sa kabilang kamay si Al na siya namang halos mabali na ang leeg sa kakatingin sa dance floor.

Halos sampung minuto pa lang ang nakakalipas ay gusto ko nang umuwi. Kasalukuyan kaming kumakain ng isang Italian dish na inilagay ng isang server sa table namin. "Aya, hindi ba tayo pupunta 'don? Mukhang masaya kasi," nanlulumong bulong sa akin ni Al habang nakatingin pa rin sa dance floor.

Bumuntong-hininga ako. "Alam mo na ang sagot ko dyan Al. Ayoko." I simply don't like attention and crowds.

"Ang boring naman kasi sa pwesto natin! Don't tell me we'll stay here until the party ends?!" pagmamaktol pa niya.

"Edi pumunta ka doon. Walang pumipigil sa'yo," mukhang naiiritang sagot naman ni kuya. Mula kanina ay ngayon lang siya nakapagsalita ng isang matinong sentence. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang laki ng galit nitong dalawa sa isa't isa.

Umirap si Al. "Boring din kapag hindi ko kasama si Aya."

"Then shut the hell up," sagot pang muli ni kuya at nagpatuloy sa paghiwa ng steak niya.

Nagpout lang si Al. Bigla tuloy akong napangiti. Ang cute kasi niya, parang bata lang.

Hindi na nasundan pa ang pag-uusap naming iyon. We finished eating that weird dish so we ended up watching the visitors walk and talk and laugh. Sa madaling salita, bored na talaga kami. Sabay-sabay naman kaming napalingon nang narinig namin ang natatarantang boses ng dalawang servers na nakauniform din ng puti sa isa sa mga entryway. Sa dulong bahagi kasi kami umupo nila kuya at Al kaya malapit lang kami doon.

"Hoy! Patay tayo kay ma'am! Di yata makakarating 'yung bandang kinausap natin!" natatarantang sabi ng isang server na may hawak pang tray na walang laman.

Gulat na napatingin sa kanya ang kausap. "Ano?! Ang tanga niyo naman! Bakit hindi niyo sinigurado na makakarating sila?!"

"Interesting," puna ni Al habang nakatingin sa kanilang dalawa.

May kaba akong naramdaman dahil sa sinabi ni Al dahil alam na alam ko ang ibig niyang sabihin. Ngunit kahit na gano'n ay mas nangibabaw sa akin ang antisipasyon. Napangiti ako tulad ni kuya na ngayon ay mukhang nararamdaman din ang nararamdaman ko.

Of course being the fervent Al that she is, mabilis siyang tumayo at lumapit doon sa dalawang server na ngayon ay mukhang pinagpapawisan na dahil sa kaba.

Tumikhim si Al para makuha ang atensyon ng dalawa. Tahimik lamang naming pinagmasdan ni kuya ang nangyayari. "Excuse me po," she gracefully said like a fine young lady. Muntik pa nga akong matawa dahil malayong-malayo iyon sa ugali niya.

Bigla namang umaliwalas ang mukha ng dalawa. "Miss, may maitutulong po ba kami?" nahihiyang tanong ng server na may dalang tray. Natulala naman kay Al iyong isa.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni Al dahil sa tanong na iyon. "Narinig ko lang po, hindi raw po makakarating iyong banda na dapat ay tutugtog ngayong gabi?"

Mukhang nakarecover naman na iyong isang server na kanina pa natulala kay Al sabay napakamot sa ulo. "Opo eh. Hindi nga po namin alam ang gagawin. Baka magalit po kasi sa amin si Mrs. Ramirez kapag hindi nasunod iyong nasa program."

Biglang pumalakpak si Al na siya namang ikinagulat ng dalawa. "May alam po akong solusyon dyan!" tuwang-tuwa niyang utas.

———————————————————————————————————————

"Are you really sure about this guys?"

"Sure na sure!" sagot naman ni Al na ngayon ay busy sa pagtingin at pag-aayos ng sarili habang nasa harapan ng salamin.

Bumuntong hininga ako at muling yumuko habang pinipisil ang mga daliri. "You nervous?" narinig kong tanong ni kuya. Tiningnan ko naman siyang lumalapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko at inayos ang bangs na nahulog mula sa ulo ko.

"A 'lil bit," I mumbled.

Umangat ang sulok ng labi niya at nakakalokong tumingin sa akin. "Bakit naman? Jay, you're so talented, it's a given fact. Then why don't you let the world witness how talented and beautiful you are? Come out from your shell princess." Tulad ng dati niyang ginagawa ay pinisil nanaman niya ang pisngi ko kaya naman hinampas ko ang braso niya.

"Maka-talented at beautiful naman 'to! Ang OA mo kuya," sagot ko naman sa kanya. I shook my head as I looked at my hands again and tried to calm my jitters.

Natawa na sa akin si kuya. "Ikaw ang OA, Jay! Alisin mo na nga 'yang mga insecurities at doubts mo sa sarili mo!" Natahimik ako dahil sa sinabi niyang iyon. "You're an Alvarez, princess. You should be proud of yourself, just like how mom, dad and I are to you."

Ito ang isa sa mga rare moments kung saan nakakapagsalita si kuya ng mga bagay na nagagawa akong paiyakin. He's totally oblivious of how his words can sometimes move me. Minsan , salita lang siya ng salita, depende kung ano ang iniisip niya, na tipong hindi na niya finifilter ang mga iyon and he doesn't even care if the person he's talking to will be hurt or happy because of him. Basta kung ano ang sa tingin niya ay dapat niyang sabihin, sasabihin niya.

Just like Al. Kaya nakakatuwang kasama silang dalawa dahil masyado silang supportive pagdating sa akin. Lagi kong iniisip na sa dinami-rami ng pwedeng makita nila mom at dad sa orphanage, sa akin napunta ang atensyon nila. Yes. I was adopted by the Alvarez family, the sole reason why I'm not used to this kind of lifestyle. Dalawang taon akong namuhay ng simple at ngayon ay heto ako, nabubuhay bilang isang prinsesa sa pamilya Alvarez, literally and figuratively.

"Don't start crying on us Aya," pagbabanta ni Al sa akin na ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa aming dalawa ni kuya. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Laking gulat ko naman nang hilahin niya ako patayo at iniharap sa salamin. "Mag-ayos ka na nga ng sarili mo! Para namang hindi natin 'to ginagawa dati! Minsan nga nake-carried away ka pa."

Tumayo na rin si kuya at isinuot na sa akin iyong black sports jacket habang inaayos naman ni Al iyong make up at buhok ko. "Seriously guys, I can fix myself-"

Bigla akong pinutol ni Al. "Fix myself, fix myself ka pang nalalaman eh kanina ka pa nga nakaupo dyan! Wala talagang mangyayari sa'yo kapag mag-isa ka lang at wala kami."

Bumuntong-hininga na lang tuloy ako at hinayaan silang mag-ayos sa akin. Alam ko naman kasing kapag nagsalita nanaman ako ay si kuya naman ang sasagot. In short, hindi ako mananalo sa kanilang dalawa lalo na sa pakikipag-argumento.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan ng dressing room nang may kumatok doon. Bumukas iyon at sumilip iyong isang server na nakausap ni Al kanina.

"Ready na po ba kayo?" mukhang nahihiyang tanong niya.

As if on reflex, sabay akong nilingon ni kuya at ni Al at pinasadahan ako ng tingin. Nang nakita nilang ready na ako ay sabay rin silang tumingin sa kanya.

"Ready na po!" masiglang sagot ni Al.

Iginiya kami ni kuyang server papunta sa backstage. Huminga ulit ako ng malalim at paulit-ulit sinasabi sa sarili na "Kaya ko 'to!" I did this mantra again and again hanggang sa nakarating na kami doon. Eventually, nawala naman na ang kabang nararamdaman ko, all thanks to my brother and bestfriend. Antisipasyon na ang pumalit doon.

We used to sing in random high end clubs and restaurants. Mga bata pa lamang kami ay gano'n na ang nagsilbi naming quality time kapag magkakasama. Natigil lamang iyon nang umalis si Al papuntang New York para mag-aral habang si kuya naman ay naging busy na sa college life. I, on the other hand, just ended up lock up inside the Alvarez Mansion, getting homeschooled.

Kinuhang muli ni kuyang server ang atensyon namin at sinabing pumunta na raw kami sa stage. As if on cue, sabay-sabay naming isinuot ang mga maskara namin. Natatakpan nito ang kalahati ng mukha namin kaya naman mas naging kampante ako. If ever na maging epic fail ang gagawin naming ito ay ayos lang dahil hindi naman kami makikilala.

How I wish.

Sumalubong sa amin ang liwanag ng spolight pagkarating pa lamang doon. Narinig ko rin naman kaagad ang bulungan ng mga tao - mostly sa kanila ay kasing-edad lang din namin - marahil ay nagtataka kung bakit ibang tao ang nasa harapan nila ngayon. Perhaps the band that should be here is famous?

Pumunta ako sa harapan at kinuha ang mic. Nagkaroon pa nga ng feedback kaya naman napangiwi pa kaming lahat.

"Good evening." Nagtatakang napatingin sa akin ang mga tao. God, Jane. Compose yourself! Tumikhim ako dahil mahina at nanginig pa ang boses ko sa panimula ko. "Good evening everyone!" Thank heavens for that solid voice. Namataan ko pa ang mukha ni mommy na nakangiti at nakatingin sa amin. Oh, she very well knows what we are up to.

Lumingon ako sa likod at nakitang nakangiti sa akin si kuya habang hawak niya ang electric guitar na nakasabit na sa balikat niya habang si Al naman ay taas noong nakatayo sa tapat ng piano. May isang lalaki naman na nakaupo sa bandang likuran para tugtugin ang drums. Hindi ko siya kilala ngunit alam kong gusto niyang tumugtog. Isa yata siya sa member ng MIA na famous band na supposed to be ay narito.

Inayos ko ang bass guitar na nakasabit na rin sa balikat ko at muling binalingan ang mga taong nanunuod. "Again, good evening to everyone in this enormous room! Ang totoo ay hindi dapat kami ang nasa harapan ninyo ngayong gabi. But unfortunately ay hindi makakapunta dito ang bandang supposed to be ay tutugtog para sa inyo. But we are here instead and will sing you a song. We're not some sort of a band, we're just having fun. Hope you'll like our performance." I never heard myself talk to a crowd without stuttering and I'm so proud of myself I did it well tonight! Nakita ko ang antisipasyon sa mukha ng mga manunuod kaya naman mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Halos tumigil naman iyon nang magtama ang paningin namin ng isang pamilyar na lalaki.

Siya iyong lalaking tumulong sa akin kanina nang nahulog ako sa bike! Siya iyong may misteryosong ngiti at weirdong nakakaalam ng apelyido ko. Nakatingin siya sa akin ngayon. Hindi siya nakangiti ngunit hindi naman siya nakasimangot. He's just simply staring at me.

Pinilig ko na lamang ang ulo ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Narinig ko naman ang pagtugtog ni Al ng piano.Taking that as my cue, I started singing.

'I can't stay here,
I am not the girl who runs and hides
Afraid of what could be and'

Nagsimula na rin ang pagtugtog ng drums and I must say na magaling talaga si kuyang member ng bandang iyon sa pagtugtog nito. Mas naging lively at energetic ang atmosphere sa paligid namin kaya naman hindi na nakapagpigil ang mga tao at sinabayan na rin ako sa pagkanta. Napangiti ako at napapikit.

'I will go there
I need time but know
that things are always closer than they seem
Now I'll do more than dream.'

Then kuya and I started playing and singing at the same time. This is definitely our similarity - we both love singing our heart out.

'Yeah, I'm gonna fly,
gonna crash right through the sky
Gonna touch the sun (Touch the sun)
Show everyone (Show everyone)
That's it's all or nothing
All or nothing
This is my life
I'm not gonna live it twice
There's no in between (There's no in between)
Take it to extreme (To extreme).
'Cause it's all or nothing
All or nothing
Or nothing at all.'

Si kuya naman ang sumunod na kumanta. Napapangiti ako habang naiimagine ko ang nakangiti niyang mukha. He has this cold but captivating voice na tipong matutulala ka na lang sa kanya kapag narinig mo na siyang kumanta. Passion din niya ang pagtugtog ng gitara and I must say that he really has the talent, hands down.

'I can't give up
Can't just let it burn
And watch the fire
Has starts to turn to dust.'

Habang kumakanta si kuya ay sinubukan kong muling tignan iyong misteryosong lalaki. Hindi naman ako nagkamali sa hula ko dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin but this time, he's smiling. He's really weird. Iginala ko na lang tuloy ang tingin ko sa mga tao. Halos lahat sila ay may mga ngiti sa mga labi. Lahat ay nagsasaya kaya naman kumunot ang noo ko nang mapansin ang isang lalaking nagmamadaling umalis papunta sa kung saan. Mabilis niyang tinungo ang sa tingin ko ay pintuan papuntang garden. Hindi ba niya gusto ang tugtog namin? He's wearing a black tux and he has this domineering aura as he walks majestically on the hallway. Napalunok ako.

Nang nawala na siya sa paningin ko ay kumanta na lamang akong muli. Nababaliw na yata ako. Ni-hindi ko nga nakita ang mukha ng lalaking iyon pero kakaiba na kaagad ang naramdaman ko. Mukhang nahawaan na yata ako ni weird guy.

'And now please don't judge me.
Take my hand and say
you'll always wish be well and send me luck
'Cause that would be enough, yeah.'

Nagsimula nang magsayawan at magsikantahan ang mga nakikinig sa amin na nasa dance floor habang iyon namang mga elders ay nakaupo lamang sa kanilang mga tables at nakangiting nakikinig sa amin. Patuloy lamang naming inenjoy ang lahat hanggang sa hindi ko na namalayan na tapos na pala ang performance namin. Nalaman ko lang nang nagpalakpakan na sila. Abot tenga ang ngiti ko nang nagpalakpakan silang lahat. Mabilis naman akong napayuko nang napansin ko na ang iba sa kanila ay kinukuhaan kami ng picture. Lumapit sa akin sila kuya at Al at sabay-sabay kaming nag bow.

"Tapos na tayo Aya! Makakahinga ka na ng maayos!" bulong sa akin ni Al habang pinagtatawanan ako. Pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko habang si kuya naman ay inakbayan ako. Ganoon ang posisyon naming tatlo habang pababa ng stage. Natigil naman kami mula sa paglalakad nang biglang may bumati sa aming lalaki.

"Nice performance. Congrats!"

"Thank you," sagot ni kuya habang inaaninag ko naman ang mukha ng lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko nang nakilala ko siya. Nginitian lamang niya ako.

Biglang tinanggal ni Al ang kamay niyang nakapulupot sa akin at inayos ang sarili. "A-ano. Actually p-para s-sa'yo 'yon. I mean sa inyong m-magkap-patid." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Al. Why is she stuttering? It's not like her. Narinig ko naman ang pagbulong ni kuya sa gilid. Tiningnan ko siya at napansing parang galit nanaman siya sa mundo.

"Really?" Mukhang gulat na sabi ni Darren. Naalala ko kasing iyon ang sinabi niyang pangalan niya sa akin kanina. "Thank you kung gano'n. Sige hanapin ko lang ang kapatid ko," baling naman niya sa aming tatlo.

Bahagya ko lamang siyang nginitian habang tinanguan naman siya ng dalawang nasa tabi ko. Pagkaalis niya ang siya namang pagtatanong ko kay Al. "Al, siya ba iyong isa sa mga anak ng mga Ramirez?"

I rolled my eyes nang nakita ko nanaman ang pagniningning ng mga mata niya na para bang napakaganda ng tanong ko. "Oo, siya nga. Ang gwapo pala talaga niya sa malapitan noh?" sabi niya habang kumakapit nanaman sa braso ko.

Ang lakas ng tama ni Al sa lalaking iyon. Oo, gwapo nga pero hindi pa naman niya lubos na kilala 'yon kaya hindi tamang hangaan kaagad. Di ba?

Nagpaalam kami kay kuya na pupunta lang kami ng comfort room para mag-ayos. Ayoko na rin namang pumunta pa sa dressing room dahil mask at sports jacket lang naman ang tatanggalin namin. This get up is actually weird pero gano'n talaga ang nakasanayan naming ayos kapag tumutugtog kami.
Nang nakapag-ayos na si Al ay pinauna ko na siyang bumalik sa table namin ni kuya. Inayos ko pa kasi iyong dress ko na may sira sa gilid. Mukhang sumabit ito sa kung saan at hindi ko lang napansin. Mabuti na lang at dala ko ang blazer ko at isinuot iyon.

Pagkalabas ko sa cr ang eksakto namang pagpasok ng isang babae. Dahil nga sa nagmamadali ako at mukhang siya ay nagmamadali rin, nagkabungguan kami. Sa sobrang lakas ng impact ay napaupo siya.

"What the eff miss! Are you blind?! Can't you see where you're going?!" Pansamantala akong nagulat dahil sa nangyari. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis siyang dinaluhan.

"I'm so sorry miss! Hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Oh God! I don't want to make a scene here. Nag-aalala rin ako dahil parang masama yata ang naging pagbagsak niya.

Hahawakan ko na sana siya nang bigla siyang sumigaw at masamang tumingin sa akin. "Don't you dare touch me!" Napansin ko rin ang pamumugto ng mga mata niya. Halatang galing lamang siya sa pag-iyak.

Gusto ko siyang tulungan ngunit ayaw naman niya. Napansin ko na rin ang pagtingin sa amin ng ibang mga taong papasok sa comfort room. "Pero hindi ka makatayo," ang tangi ko na lamang naibulong.

"Ako na," narinig kong sabi ng isang malamig na tinig sa tabi ko. Mabilis niyang dinaluhan ang babaeng nakabangga ko kanina kaya naman hindi ko nakita ng maayos ang mukha niya. Maingat niyang kinarga ang babae at humarap sa akin. Mabilis naman akong yumuko at kinagat ang ibabang labi. I know, I know. This is my fault. Nakokonsensya na nga ako kaya ni hindi ko kayang tingnan ang dalawang 'to sa harap ko. Boyfriend pa siguro 'nung babae iyong lalaking may nakakatakot na boses.

Sinabi ko na lang tuloy ang unang pumasok na mga salita sa isip ko. "S-Sorry. I didn't mean to-"

"Don't worry about it. Just... go," malamig pa ring utas ng lalaki.

"Please bring me to my room now," narinig kong bulong 'nung babae sa boyfriend niya.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay parang may nag-udyok sa akin na tingnan ang reaksyon ng lalaking iyon na may malamig na tinig. And when I did look at him, something started... or rather stopped. I have no idea if it's the time or space or my own beating heart that's beating so frantically now. Those very expressive eyes... kind of reminded me of something. Pilit kong iniisip kung ano nga ba iyong naaalala ko sa mga matang iyon. Those eyes that's piercing through my soul... through my mind and through my heart. His gaze is so intense that reminding myself to breathe seems to be difficult.

Kahit na nagwawala ang sistema ko ay nagawa ko pa ring maalala ang naramdaman ko noong una ko siyang nakita na natutulog sa itaas ng punong iyon. Yes, he was that boy I saw with serene face while sleeping. And I can't believe I saw him tonight for the second time.

And he will see me tonight for the first time.

"Geff," muling pagsasalita ng babaeng nasa mga bisig niya. Dahil doon ay nag-iwas na sa akin ng tingin ang lalaking iyon at pinagmasdan ang babae. Huminga siya ng malalim at nagsimulang maglakad sa gilid ko, paalis at patungo sa kwarto ng girlfriend niya. And just like that, I was able to breathe normally again.

Nanghihina kong tinungo ang hallway para makapuntang muli sa party at makarating sa table namin nila kuya at Al. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin ang mga tuhod ko at medyo pinapakalma ko pa ang paghinga. What really happened back there? Para akong baliw na nakipagtitigan sa lalaking iyon. Jane, kilala mo ba siya? Syempre hindi! Pero ano 'yung naramdaman ko kanina? Alright, I know for a fact that this is not the first time I saw the guy, pero bakit... parang may kahulugan iyong way ng pagtingin niya sa akin? It seems like he's looking for something in my face.

And Jane, please stop thinking about him! He has a girlfriend! Above all, he's a complete stranger! Malay mo may hypnotism powers 'yun kaya wagas kung makatitig! You'll never know for sure. And I don't have any plans to know.

Nang nakarating na ako sa table namin ay mabilis kong ininom iyong baso na may tubig na nasa harapan ko. Nagtatakang nakatingin lamang ang dalawa sa akin. Hindi pa ako nakuntento at nagtawag ng isang waiter para humingi ng isang basong tubig, naulit pa iyon sa pangalawang pagkakataon. Nang akmang tatawagin kong muli ang waiter ay nagpresinta na si Al na siya na raw ang kukuha para sa akin.

Kumunot naman ang noo ko nang biglang natawa si kuya though pinipigilan lang niya. What's he laughing at? Nagulat na lamang ako ng isang malaking glass pitcher ang inilagay ni Al sa table namin.

"Ayan! Mahiya ka naman kay kuyang waiter, Aya. Napapagod na 'yung tao sa'yo," pagtataray ni Al sa akin habang pinanlalakihan ako ng mata. Ngumuso ako. Nakita ko rin naman iyong waiter na mukhang napagod ko nga pero mukhang naghihintay pa rin kung may iuutos ako. I just sighed.

Para akong nakipaghabulan sa kung sino dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Parang may nagkakarerahan sa loob ko. Ang hirap-hirap huminga. Nakakapanlambot din ng tuhod at nakakapagpanginig ng katawan. Ayokong isipin na iyon nga ang epekto sa akin ng lalaking iyon. Dahil lang sa mga matang 'yon?! Imposible. Baka naman late reaction lang talaga ako at ito dapat ang supposed to be na naramdaman ko kanina 'nung nag perform kami. Tama. Iyon nga ang dahilan.

May mga mangilan-ngilan namang lumalapit sa amin na mga kasing-edaran lang din namin nila Al at kuya but most of the time ay si Al lang naman ang nakikipag-usap sa kanila. I'm not the sociable type at mukhang gano'n din si kuya. Kaya naman naglaro na lamang ako ng Zombie Smasher sa phone ko habang hinihintay na matapos ang party. Every 15 minutes naman ay pinupuntahan kami ni mom. Siguro ay mga 30 minutes na ang nakararaan nang muli siyang pumunta sa pwesto namin ngunit may kasama na siya ngayon. Mabilis tuloy kaming tumayong tatlo at nginitian ang mag-asawang kasama ni mom. Here it is again, talking with elites...

"Jane, Liz, Nathan, I want you to meet Mr. and Mrs. Ramirez and also their son Darren," nakangiting pakilala ni mom sa mga kasama. Nginitian naman namin sila at nakipagkamayan kay Mr. Ramirez. Si Mrs. Ramirez naman ay hinalikan kami sa pisngi. Si Darren..well... nakangiti lang din naman.

"Good evening. I'm Jane Alvarez and this is my brother Jonathan, and this is Aaliyah, the only daughter of Mr. Liam Santillan," sabi ko habang nakangiti. I just hate being formal. This formality irritates me. What I do like are typical talks, iyong walang halong kaartehan. But because I have Alvarez as part of my name, I can't help myself but to be formal with this... rich people though I don't have any abhorrence towards them. Naiintindihan ko naman ang buhay na kinalakihan nila.

Sinserong ngumiti si Mrs. Ramirez. "Oh, a very charming girl and handsome boy you have here Jayah. So this is the only daughter of Liam? So gorgeous! She really resembles her mom."

"The Santillan blood really fits this young lady. Nasaan na nga ba si Liam?" dagdag pa ni Mr. Ramirez.

Napangiti ako sa sinabi ni Mrs. Ramirez. Yes, gorgeous talaga yang si Al! At ako ang proud bestfriend niya.

Gumawa na naman ng sariling mundo 'tong si mommy kasama ang mag-asawang Ramirez kaya medyo lumayo na kami at bumalik na sa pwesto namin kanina, with a new company.

"Hey! Happy birthday by the way. Nasaan na nga pala ang kapatid mo?" pagtatanong ng feeling close na si Al. Ganyan talaga ang laging approach ni Al sa mga bagong taong nakikilala niya. Bakit nga ba hindi ko kayang gawin ang ginagawa niya? Kinalikot ko na lang tuloy iyong phone ko at nagpatuloy sa paglalaro.

"Thank you. Uhh, actually kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita. But Geff, my friend, texted me na masama na raw yung pakiramdam ni Phin kaya tinulungan niya nang makabalik sa kwarto niya," narinig kong pagpapaliwanag ni Darren. This Phin must be his twin sister, kung tama ang naaalala ko sa sinabi ni Al sa akin kanina.

Nakakahiya naman ang ganito. Umattend ako sa isang party without knowing kung sino o para kanino iyon. Umiling-iling ako sa realization.

"Really? Hmm wait, dito kayo matutulog?" pang-uusisa pa ni Al. Sige lang Al, push mo lang 'yan. I wonder kung ganito rin ba ang ginagawa niya sa New York. I'm not oblivious about foreign cultures. I know some of them are kind of... liberated.

"Well... sort of. We'll spend the rest of the night here with our family and relatives. Some kind of reunion."

Nakakatuwa naman ang dalawang ito. In a matter of 1 minute, close na kaagad sila. That's what I call "The power of Al's charm." Bigla kong napansin na wala na pala si kuya sa table namin. Saan naman kaya pumunta 'yon? May lahing kabute rin yata ang isang 'yun.

Busy pa rin sa pag-uusap ang dalawa kaya naman dahan-dahan akong tumayo at nilibot ang lugar. Nasaan na kaya ang kuya ko na 'yon? Grabe, ni hindi man lang nagpaalam kung saan pupunta.

Naalala ko naman na noong papasok kami sa lugar na ito ay nakita kong mayroon silang rose garden malapit sa likod ng venue. May simpleng garden ang bawat gilid ng palace pero rose garden naman iyong nasa likod kaya naman mabilis kong tinungo ang daan papunta doon. Isang madilim na hallway ang tumambad sa akin ngunit narinig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa isang malaking pintuan kaya naman kahit na kinakabahan dahil sa dilim ay nagtungo pa rin ako doon.

At hindi ako nagsisi sa naging desisyon ko. Pigil hininga kong tiningnan ang nasa harapan ko. There are so many roses scattered in the whole place. Sa kaliwang bahagi ay may mga yellow, red, and pink roses habang sa kanan naman ay white, blue, and green roses. Ang pathway na nasa harapan ko naman ay may mga nagkalat na mga rose petals at sa dulo ng pathway na iyon ay isang fountain. There is actually a big, sculpted, ceramic rose in the middle of that fountain where each petal is crying glistening water. Iyon pala ang naririnig kong tunog kanina.

Umupo ako sa gilid ng fountain at pinagmasdan ang pag-agos ng tubig mula sa bawat petal. Nakita ko pa ang sariling repleksyon sa tubig. Hindi ko alam ngunit bigla ko na lamang dinala ang mga kamay ko doon. Parang reflex action at kahit ako ay nagulat sa ginawa. Kahit na nag-aalangan ay hinayaan kong hawi-hawiin ang tubig. This act is very strange that I even had this thought that I'm crazy but somehow...I have this nagging thought, or rather feeling... that doing this seems so... familiar.

Ipinagpatuloy ko lamang ang ginagawa at kusa akong napangiti. This simple act made my heart happy but I don't know why.

'You're standing all alone
Short of breath and tired eyes
You're shaking to the bone
Over dressed and nowhere else to go
Oh girl, I need to know'

Bigla kong nilingon ang pinanggalingan ng tunog at nakita ang isang lalaking nakatayo sa entrance ng rose garden. Nakita kong hawak niya ang phone niya at mukhang pinatay iyon. Dumako ang paningin ko sa mukha niya at nakita ko nanaman ang mga matang iyon. Seryoso iyong nakatingin sa akin na para bang hinahalukay ang buong pagkatao ko. Napaawang ang labi ko nang nakita ang iba't ibang reaksyon na nabubuo sa mukha niya.

He's definitely a good-looking guy. No... he's strikingly, hauntingly, unusually, and breathtakingly attractive. Not to mention those eyes that are very mysterious, I can even see its depth, so deep reading his reaction seems too hard.

Yeah, I guess you know who the guy is.

It's him... again.
—————————————————————————————————————————————