Chapter 17: Tell me
Jane’s POV
“Mga bwisit na dikya!! Walangya talaga!!!!!” pagwawala ni Al sa loob ng comfort room ng gym.
“Kalma ka na Al. Ayos naman na ako. Yun nga lang nakilala na nila akong lahat.” tugon ko na lamang sa mga litanya ni Al.
Nandito kami sa loob para magbihis ng dress. Pare-parehas naman kaming kakanta so pwede na itong medyo formal.
“Kaninang umaga may naririnig akong mga chismis na ikaw daw yung girlfriend ni Alec. Siguro naman ngayon kumalat na sa buong campus yung balitang ikaw ang kapatid niya.” sabi ni Neth.
“Talaga? Hindi ko yata alam yun ah.” Wala rin naman kasi akong naririnig. Baka siguro masyado lang akong oblivious sa paligid ko.
“Pero grabe kayo Jane at Liz ha! Galing niyong magtago ng sikreto samantalang iyong pagnanasa ko kay Papa Alec alam na alam niyo! Ang daya lang!”
Tumawa na lamang kaming dalawa ni Al.
Matapos naming mag-ayos ay dumiretso na kami sa auditorium.
Pagkapasok pa lamang namin sa auditorium ay sinalubong na kami agad ng lamig ng aircon. Syemay! Bakit ba nalimutan kong aircon nga pala dito! Basang-basa pa man din ako kanina at heto at papasok pa ako sa sobrang lamig na audi.
Niyakap ko na lamang ang sarili ko habang pare-parehas kaming naghahanap ng mauupuan.
Wala pa ang professor namin sa OSWALDS kaya naman karamihan sa mga blockmates namin ay nag-aayos ng kanilang mga sarili habang ang iba nama’y nagpapractice na sa kanilang presentation.
Iginala ko ang aking mga mata at natanaw si Geff kasama ang isa sa napakaganda naming blockmate na si Achel Cortez. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay may kung ano akong naramdaman sa tyan ko habang nakatingin sa kanya. Nakita kong naka-jacket siya ng black at ganoon din si Achel, marahil ay sila ang magpartner. I wonder kung anong gagawin nila. Busy si Achel sa pagtetext samantalang si Geff naman ay tulala.
Sunod ko namang napansin ay si Phin na nahuli kong nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero laking gulat ko nang ngumiti siya sa akin at kumaway. I did the same at mas lumawak ang ngiti niya. Matapos noon ay ibinalik na niya ang atensyon sa binabasang papel. Hindi naman kalayuan sa kanya si Darren na may hawak na gitara gayundin ang kasama niyang lalaki na hindi ko kilala at parehas silang kumakanta. Si Alex naman ay nasa kabilang dulo at nagbabasa ng libro.
“Jane kinakabahan na ako. Never pa kasi akong kumanta sa harap ng maraming tao. Kahit nga karaoke hindi ko pa nasusubukan!” bulong ni Neth sa akin na nasa tabi ko.
“Neth, naku kung alam mo lang kung gaano rin akong kinakabahan dito. Haha. Kaya natin ‘to Neth!” sabi ko nang mawala naman ang masyado naming pagiging tense.
Nang nakita kong pumasok na si Ms. Salazar sa auditorium ay naramdaman ko na ang pagwawala ng puso ko sa dibdib ko. Pakiramdam ko tuloy namumutla na ako.
“Hey relax. Isipin mo lang kung gaano ka kagaling noong birthday ni Darren. Remember how confident you are?” bulong sa akin ni Al na katabi ko rin.
Tumango na lamang ako sa kanya dahil wala na yata akong lakas na magsalita pa.
Ang unang pares ay nagpakita ng talent sa pagdo-drawing na talagang napanganga kami pare-parehas dahil ang bibilis ng mga kamay nila at nang matapos sila ay nakita na lamang sa board ang imahe ng isang waterfalls na makikita sa gitna ng isang meadow. Iba-iba rin kasi ang ginamit nilang mga kulay kaya naman parang totoo iyon. Pumalakpak kami matapos nila.
Hindi ko na masyadong pinansin iyong mga sumunod dahil sobrang kinakabahan na ako. Nabalik lamang ang atensyon ko sa stage nang marinig ko ang pangalan ni Darren at iyong kasama niya. Kinanta nilang parehas iyong prinactice nila ng Black Raven sa WSMC room. Hindi talaga maipagkakailang born singer itong si Darren.
“Ang galing talaga ni Darren noh? Wala pa ring kupas! Kahit noong mga bata pa lang tayo ang galing na talaga niyang tumugtog ng gitara at kumanta.” out-of-the-blue na wika ni Al.
“Magkakilala kayo kahit noong mga bata pa lang kayo?!” gulat na tanong ko kay Al. Bakit hindi ko yata alam ang tungkol dito?
Natawa naman si Al sa reaksyon ko.
“Actually kahapon ko lang nalaman na kababata pala NATIN siya.” makahulugang wika naman ni Al.
“HA?? Hindi kita maintindihan.”
“Ayy ewan ko sa’yo Aya! Figure it out yourself.” sabi ni Al sa akin bago bumaling ulit ang atensyon sa pababa na ng stage na si Darren at kasama niya.
Ano raw? Kababata namin si Darren? Bakit wala yata akong maalala? Basta ang alam ko kami-kami lang nila Alex, Al at—
“Geoffrey Mendez and Achel Cortez.” wika ni Ms. Salazar sa microphone sa taas ng stage.
Parang nagslow motion ang buong paligid ko ng marinig ko ang pangalan niya. Syete lang! Anong nangyayari sa akin?!
Tumayo na silang dalawa at dumiretso sa itaas ng stage. Nakatalikod si Achel sa amin samantalang si Geff na medyo malayo sa kanya ay nakaharap sa amin.
Napansin ko na habang inaayos iyong tugtog nila –sayaw yata iyong presentation nila– ay diretso siyang nakatitig sa akin. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya magawa. Kumunot na lamang ang noo ko sa kanya.
At sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita kong dinala niya ang nakakuyom niyang kanang kamay sa dibdib niya at pinukpok iyon doon na tila ba ipinapakita niya sa akin ang pagtibok ng puso niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa kanya.
Matapos iyon ay itinaas niya ang kamay na iyon sa ere habang nakataas ang kanyang forefinger na nakatutok sa itaas at biglang may malakas na tunog ng pagsabog ang inilabas ng mga speakers na hudyat ng pagsisimula ng kanilang sayaw.
Ngumisi sa akin si Geff –o baka naman imagination ko lang– bago siya biglang umikot pabaliktad at gayundin ang ginawa ni Achel at lahat ng mga blockmates namin ay naghiyawan.
Hindi ako makasabay sa paghiyaw ng mga blockmates ko kahit na sobrang galing ng mga moves nila Geff at Achel na hiphop dahil hindi matanggal sa isip ko iyong ginawa ni Geff. Somewhere deep within me, I know the meaning behind that gesture.
Pumikit ako at pilit na inalala ang katagang iyon.
I then open my eyes only to find out na tapos na ang presentation nila Geff at Achel na umani ng hiyaw at sigaw galing sa mga blockmates namin.
“Jayzelle Alvarez and Gwyneth Flores.”
Pinilit ko ang sarili ko na tumayo kahit na parang Jell-O na ang mga paa ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at the same time ay hindi ko mapigilan ang paglandas ng ngiti sa aking mga labi.
Umupo ako sa harap ng Pianoforte samantalang nakatayo naman si Neth malapit sa akin.
Sinimulan ko nang tumugtog at pumikit habang pinakikinggan ang bawat tunog na hatid ng piano.
Sinimulan na rin ni Neth ang pagkanta.
‘I can't figure out
Is it meant to be this way
Easy words so hard to say
I can't live without
Knowing how you feel
Know if this is real
Tell me am I mistaken
Cause I don't have another heart for breakin'
Please don't let me go
I just wanna stay
Can't you feel my heartbeats
Giving me away
I just want to know
If you too feel afraid
I can feel your heartbeats
Giving you away
Giving us away’
Noong una kong tinugtog ito dito sa auditorium, inisip ko na kung bakit somewhat familiar sa akin ito. Hindi ko alam kung paano ngunit kusang bumalik sa akin ang alaalang iyon kahit na hindi ko pilitin ang sarili na alalahanin iyon.
It was both our 9th birthday, me and my twin, and I was with my family; my parents, my brother, my twin sister, and my bestfriend.
My parents gave me my birthday present which was a musical box with a ballerina design and a word “AMY” emblazoned at the top.
The music inside was definitely like what I’m playing right now.
“No, not those memories with them. Not now. It was enough to see a memory with my brother but one was enough. I can’t relive those now.” I told myself habang tumutugtog sa piano.
Matapos ni Neth ay ako naman ang sumunod na kumanta. Here goes nothing.
‘I can't understand
How it's making sense
That we put up such defense
When all you need to know
No matter what you do
I'm just as scared as you
Tell me am I mistaken
Cause I don't have another heart for breakin'
Please don't let me go
I just wanna stay
Can't you feel my heartbeats
Giving me away
I just want to know
If you too feel afraid
I can feel your heartbeats
Giving you away
Giving us away’
Parehas naming kinanta ni Neth ang huling chorus at nakatanggap naman kami ng palakpakan matapos ang presentation namin.
Pagkababa ng stage ay imbis na dumiretso sa aking upuan ay tinungo ko ang pinakamalapit na comfort room sa auditorium. Pumasok ako sa loob, umupo sa isang cubicle at hinayaan ang sarili kong umiyak.
Ang sabi sa akin ng psychiatrist ko ay huwag kong pipilitin ang sarili kong alalahanin ang mga bagay na sinadyang kalimutan ng utak ko dahil masyado iyong traumatic sa akin. But I badly want those now pero natatakot pa rin ako dahil baka nga mangyari iyong kinatatakutan ng psychiatrist ko maging ng parents ko. Ang pagkakaroon ko ng total breakdown.
Marahil ay nagmamanifest iyong mga alaala ko sa mga panaginip ko. Iyong mga alaalang hindi traumatic pero nakablock sa memorya ko. Mga alaala kasama si Drew. Pero ang mga alaala ko sa aking pamilya ay isa ng hard limit para sa akin. Masyado na akong nasaktan nang maalala ko kung paano namatay ang kuya ko at hindi ko kakayaning malaman ang iba pang detalye.
I don’t remember my real name.
I don’t remember my parent’s, my brother’s, my twin sister’s and my bestfriend’s names and faces.
I don’t remember my memories with them.
But I knew they once existed in my life.
Pero ang sabi sa akin ng psychiatrist ko ay mabuti nang malimutan ko ang mga bagay na iyon dahil kung hindi ay baka mas lumala ang sitwasyon ko. Marahil, sa tamang panahon ay kakayanin ko nang malaman ang mga iyon but definitely now is not the right time.
Nag-isip ako ng mga panggood vibes na bagay dahil kung tuloy-tuloy akong iiyak dito ay madedepress lamang ako.
Which reminds me, iyong kahulugan ng ginawa ni Geff, naaalala ko iyon.
Napangiti ako.
“You own my heartbeat and I own you my Miracle that came from above.”
Hindi kaya may ideya na siya kung sino ako? Maybe I’ll just give him the benefit of the doubt. He doesn’t know anything about me nor I to him. And besides, I and my other self have both different faces kaya naman imposibleng malaman niya na ako nga iyong nakasama niya sa orphanage.
Our differences on the face? I’ll find out the reason why soon enough because I, myself didn’t know what exactly happened.
I need to redeem my old self first before I come to him and introduce myself.
Lumabas na ako sa cubicle na kinaroroonan ko at naghilamos sa sink. Tiningnan ko ang sariling repleksyon sa salamin at nakita kong sobrang pula ng mga mata at ng ilong ko na halatang-halata talaga na galing lamang ako sa iyak.
“Hayaan na nga! Madilim naman sa auditorium.”
Hindi naman siguro nila mapapansin ang pamumula ng mukha ko.
Pagkalabas ko ng c.r. ay mabilis ko nang tinungo ang auditorium dahil baka hanapin ako ng professor namin. Pero bago pa man ako makapasok ay nagulat ako sa nakita ko malapit sa bungad ng garden.
It was Jayvier talking with that janitor.
Kahit na kinakabahan ay tinungo ko ang kinaroroonan nila dahil mukhang hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman ang dahilan kung bakit sila nag-uusap.
I don’t trust that janitor. He’s creepy and.......well crazy. Not that I judge him or something but he gave me the impression!
“Jayvier.” tawag ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanila.
“Jane!” masayang tugon naman niya sa akin sabay lapit at yakap sa akin. Medyo nagulat pa ako but I hugged him back.
“I have good news.” bulong niya sa akin.
Humiwalay naman na ako sa pagkakayakap niya at tinaasan siya ng kilay.
“First things first Jayvier. Why were you talking to that.....err......janitor?”
“Oh! That.” napakamot siya sa ulo na para bang nahihiya na ewan na parang nalimutan niyang may tao pa pala na nakatingin sa amin at mataman kaming tinitingnan.
Iginiya niya ako palapit doon sa janitor kaya naman hindi ko napigilan ang paghawak ko sa likod ng polo niya. Kung titingnan nga ay para akong nakayakap sa kanya.
“Uhh...Jane, papa ko. Pa, meet Jane, a good friend of mine.”
Oh my God.
“I forgot to tell you Jane na scholar ako dito sa North Oswald. So, I think that’s it.”
Halos hindi ko na marinig iyong mga sinabi ni Jayvier dahil nagkakasukatan pa kami ng tingin nitong....uhm....papa niya. Siya parang naiilang at ako naman....well.....halong gulat at pangamba.
Pero dahil may respeto naman ako sa nakatatanda ay magalang ko siyang binati.
“Uhm....good afternoon po...sir.”
“Uhh...sige pa, alis na kami. Mauna ka na lang umuwi mamaya. Bye!” at hinila na niya ako bago pa man makapagsalita iyong papa niya.
Nang makalayo na kami ay saka naman niya ako hinarap nang may pangamba.
“Sorry kung hindi ko agad sinabi sa’yo. Uhm....nahihiya kasi ako.” sabi niya habang nakalagay ang kanang kamay niya sa batok niya.
“Mahihiya saan? Ayos nga iyong scholar ka dahil ibig sabihin nun matalino ka. At iyong papa mo? Marangal naman ang trabaho niya kaya wag kang mahihiya! Pasaway ka talaga Jayvier.”
“You’re not mad or—”
“Jayvier I’m not! How could I be? You’re one of those people that I consider as my friend.”
Humalukipkip naman ako sa harap niya at tiningnan siya nang nakangiti.
“Now tell me about that good news of yours.”
Hanggang ngayon hindi pa rin natatanggal iyong ngiti niya sa mukha matapos ang mga sinabi ko na kaibigan ko siya.
Mas lumawak pa ang ngiti niya nang tanungin ko na siya ng tungkol doon sa good news niya.
“I found her. I mean Angel. I finally found her Jane!”
“Oh? Anong nangyari? Inapproach mo na ba?”
“Nahihiya akong lapitan eh. Pero may nalaman pa ako tungkol sa kanya. Medyo weird.....” medyo humina na iyong boses niya nang sabihin niya iyong “Medyo weird...”
“Bakit? Ano yung weird?” dahil sa paggamit niya ng salitang weird hindi ko tuloy maiwasang isipin iyong papa niya. Hindi bale, sasabihin ko iyon kay Jayvier pagkatapos nitong pinag-uusapan namin.
“Ibang pangalan ang ginagamit niya.”
Naalala ko naman iyong theory ko tungkol kay Angel na hindi ko nasabi sa kanya noong nandoon kami sa 7eleven.
“Alright Jayvier. Remember what I’ve told you yesterday? About my theory?”
Tumango naman siya.
“I have this theory that she has......” kinagat ko ang labi ko.
“Ano??” pag-uudyok sa akin ni Jayvier.
“Pero hindi ko sinasabi na tama ako ah! Theory lang talaga.” paninigurado ko pa sa kanya.
“Tell me.”
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
“I have this theory that maybe this Angel of yours has a....uhm.....something....what you called....err....amnesia.”
Natahimik siya.
Natahimik din ako. Hindi dahil sa nanahimik din siya kung hindi dahil.....
.........I just realized something.
“Jayvier, ang sabi mo nagtrabaho iyong papa mo sa pamilya nila Angel hindi ba?”
“Uhh....oo.” wala pa rin sa sariling tugon ni Jayvier.
“You know, uhh....your father and I.....we’ve met.”
“Yeah, I can see that. Ipinakilala pa lang kita kanina sa kanya.” nakakunot noo niyang sabi.
“No. I mean yesterday. May sinabi siya tungkol sa kaibigan ko dahil kamukhang-kamukha raw niya iyong bata na inalagaan niya dati.”
This time nakuha ko na ang buong atensyon ni Jayvier.
“Now, I’ll ask you. Gwyneth Clementine Flores ba yung pangalan na ginagamit ni Angel ngayon?”
Syete! Ang bilis ng tibok ng puso ko!
Napansin ko ang biglang pagputla ng mukha ni Jayvier na siyang nagpakumpirma sa hinala ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Saan ka nga pala galing kanina? Bigla ka na lang umalis pagkatapos ng presentation niyo.” tanong ni Al habang papasok kami sa pad namin.
Naalala ko iyong rebelasyon na kinaharap ko kanina. God I can’t believe it.
We both almost have the same situation though mas malala iyong sa kanya dahil ang sa akin ay maaari ko pang maibalik.
Memories. Hindi ko lubos maisip na halos parehas kami ng pinagdadaanan ni Neth.
“Care to share?” napansin siguro ni Al iyong uneasiness ko.
Tiningnan ko naman siya ng seryoso.
“Al.......”
“Aya, you know what? You’re making me nervous because of that face. Stop that and tell me about it.”
Umupo ako sa sofa at tinabihan naman ako ni Al.
Imbis na sabihin ko sa kanya ang nalaman ko tungkol kay Neth, napagdesisyunan kong sabihin sa bestfriend ko ang nangyayari sa akin.
“My memories Al. They’re......coming back to me. Is it a bad sign?”
Maliban sa pamilya ko ay si Al lamang ang nakakaalam ng tungkol sa kundisyon ko. Sumagi na rin sa isip ko na ito siguro iyong pinag-aalala ni kuya Nathan, Al at dad pero malakas ang pakiramdam ko na mayroon pa rin silang hindi sinasabi sa akin. Kahit na ganoon ay ayoko silang pilitin na sabihin iyon sa akin.
“Oh Aya, you should’ve told me. Kelan pa?” nag-aalalang tanong sa akin ni Al sabay yakap sa akin.
“Hindi ganoon karami iyong mga naaalala ko noong nandoon pa tayo sa bahay pero nang dumating tayo sa Maynila......”
“I understand. I’ll tell Nathan about it.”
“No!” paglayo ko kay Al.
“Al promise me sa ating dalawa lang ‘to. Ayoko nang may makaalam pa ng tungkol dito. Please?”
Ayoko nang madagdagan iyong mga tao na mag-aalala sa akin. Gusto ko lang ng may malalabasan ng nararamdaman dahil parang hindi ko yata kaya na sarilinin ang lahat.
Al looked at me, skeptical.
“Please?” pag-uulit ko pa kay Al.
“Fine!”
“Will you help me?”
“Saan?”
“Knowing my past.”
“Aya, hindi ba’t sinabi na sa’yo ng psychiatrist mo na—”
“Al, I badly want to know them! Kahit na natatakot pa rin ako gusto ko pa rin malaman lahat ng tungkol sa sarili ko’t sa totoo kong pamilya. Kung dati ayoko nang balikan pa ang mga iyon pero ngayon Al iba na.”
Then Al starts to fidget.
“Hey Al. What’s wrong?”
“I shouldn’t be the one telling you this.”
“What is it that you shouldn’t be telling me?”
“Aya, it’s just dangerous for you knowing the truth.”
“Why?”
Tiningnan nanaman ako ni Al na para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.
“Al, please! Just tell me!”
“Malalagot ako kela tita ne’to!”
“I don’t care! Just tell me!” shit! Ano ba iyon? Kinakabahan na ako.
“Aya. Alright. I’ll tell you just please calm down.”
“How could I be kung ayaw mong sabihin sa akin?!”
Huminga ng malalim si Al bago sinabi ang mga katagang halos nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko.
“Aya, your life’s in danger. Someone murdered your family. Kaya Aya mahalagang walang makaalam na buhay ka! That was the reason why that orphanage hid you. That was the reason why Alvarez family took you. That was the reason why reliving those memories are dangerous.”
Napasinghap ako nang marinig ko iyon kay Al.
(A/N: See picture of Jane, Geff, Neth, Al, Darren, Phin, and Alex on the side.)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------