Chapter 16: Animosity

Neth’s POV

“Haayy!!! Grabe! Ang bigat ng mga books ni sir!”

Inutusan kasi ako ni Sir Montero, prof. namin sa MANALOG, na dalhin ko ang mga ito sa table niya doon sa department nila. Pabor iyon sa akin ni sir kaya naman hindi ko matanggihan, isa pa hindi naman kalayuan sa room namin iyong department. Ang sabi niya ay may mahalaga pa kasi siyang pupuntahan kaya pumayag na ako.

Nang mailapag ko na sa table ni sir ang mga librong hawak ko, dumiretso na agad ako sa auditorium para sa practice namin ni Jane. Nagpaalam naman na ako kay Tito Jun na 6 na lang talaga ako papasok sa part time ko sa store nila.

Nang marating ko ang napakalaking auditorium, napanganga ako. Hindi dahil sobrang ganda nito kung hindi dahil ang galing magpiano ng kung sino man ang naroroon na tumutugtog. Lumapit pa ako sa harapan para mas mapagmasdan ko pa kung sino iyong tumutugtog at laking gulat ko nang makitang si Geff iyon.

“Geff?”

Tumigil siya sa pagtugtog at tumingin sa akin.

“Nagpa-practice ka rin ba para bukas?”

Umiling siya.

“Nope, I’m actually waiting for you.”

“Hinihintay mo ako? Bakit naman? May kailangan ka bang sabihin sa akin?”

Umayos siya ng upo, humarap sa akin at mataman akong tinitigan.

Napalunok lamang ako dahil medyo naiilang ako sa atensyong ibinibigay niya sa akin.

“May kilala ka bang Drew?”

“Drew?”

“Yes.”

Inisip ko naman kung may kilala nga akong may ganoong pangalan. Naalala ko naman iyong kaklase ko noong high school pa lamang ako.

“Uhm...oo may kilala ako.”

Biglang nanlaki ang mga mata niya ng sabihin ko iyon.

May sasabihin sana siya pero inunahan ko siya.

“Pero palayaw lang naman niya iyon. Ang totoo niyang pangalan ay Andrew. Classmate ko yun noong high school ako.”

Napansin ko naman ang biglaang pagbabago ng facial expression niya. Parang disappointed siya. May mali ba akong nasabi?

“Siya lang iyong naaalala kong Drew. Uhm....wala na.”

“What about Drick?”

Kumunot naman ang noo ko sa kanya.

“Tinatanong mo ako kung may kilala akong Drick?”

Tumango siya bilang tugon.

Tumingala naman ako habang nag-iisip.

“Wala eh. Wala akong kilalang may pangalang ganoon.”

Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya.

“Bakit ka nga pala nagtatanong kung may kilala akong Drew at Drick?”

Nag-iwas naman siya ng tingin.

“Akala ko lang kasi may kilala kang ganun.”

“So.....?” pag-uudyok ko pa. Para kasing may hindi pa siya sinasabi sa akin.

“Nevermind. I just thought.........” nag-aalangan pa niyang pagpapaliwanag.

Bigla namang pumasok si Phin at iyong misteryosong kababata ko raw na nakilala ko sa 7eleven sa isip ko.

Magkaibigan si Phin at Geff kaya malaki ang posibilidad na kilala niya si Angel.

Kilala niya ako.

Pero wala pa akong pinagsasabihan na kahit na sino tungkol sa amnesia ko. Kinakabahan kasi ako at mahirap ng magbigay basta basta ng tiwala lalo na sa mga taong ngayon ko lamang nakilala at iyong mga taong hindi ko pa kilala ng lubusan.

Pero paano ko masosolusyunan ang problema ko tungkol dito kung hindi ako kikilos? Siguro nga destiny na ang gumawa ng paraan para maging blockmate ko si Phin at iba pa niyang kasamahan para mabigyan na ng linaw ang mga tanong ko tungkol sa akin at tungkol sa nangyari bago ang aksidenteng kinasangkutan ko.

“......ang akala mo......” halos pabulong kong sinabi.

“.......ako si Angel?”

Naramdaman ko ang tingin ni Geff sa akin kahit sa mga paa ko ako nakatingin.

“Iyan din kasi ang tinanong sa akin ni Phin noong una niya akong nakita.”

“Ano ang isinagot mo?” tanong niya na tila ba desperado na siya sa isasagot ko.

Tumingin na ako sa kanya ngayon ng diretso.

“Ang sabi ko sa kanya, ang pangalan ko ay Neth at hindi Angel.”

Tiningnan ko siya ng mabuti at hinintay kung ano ang magiging response niya sa sinabi ko.

Huminga siya ng malalim bago ako binigyan ng ngiti na taliwas sa ekspresyon ng mga mata niya.

“I see.”

“Magkamukha ba talaga kami?” panimulang tanong ko. Kung desperado siya sa mga sagot ko, mas desperado ako sa mga isasagot niya. Gusto kong malaman ang lahat ng mga impormasyon tungkol sa akin bago pa ako magkaroon ng amnesia. Imposibleng magkaiba kami ng Angel na tinutukoy nila dahil sa kanila na rin mismo nanggaling na magkamukha kami at idagdag pa iyong nakilala ko sa 7eleven.

“Oo.” Lalo lamang akong naging sigurado dahil sa sagot niyang ito.

“Sobra.” dagdag pa niya.

“Nasaan na siya ngayon?”

Yumuko siya na siya namang ipinagtaka ko.

“She’s.....d-dead.”

Napasinghap ako ng marinig ko ang sinabi niya.

Dead?

“Paano?” maingat kong pagtatanong dahil pakiramdam ko napakasensitibong topic nito sa kanya.

“Accident.”

“Car accident?” Iyon kasi ang nangyari sa akin kaya naman iyan ang naging tanong ko.

Kumunot naman ang noo niya habang mataman akong tinitigan.

“Oo. Paano mo nalaman?”

“Hula ko lang.” pagkikibit-balikat ko. Huwag sana siyang magduda.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa buong auditorium matapos kong magsalita. Para bang parehas kaming malalim ang iniisip.

“So.....paano kung buhay pa siya? Anong gagawin mo?” pagbasag ko sa nakabibinging katahimikan.

Tiningnan naman niya ulit ako.

“I’ll rectify all my wrong doings that separated us. I’ll make her the happiest girl alive.”

Ipinikit niya ang mga mata niya. Nakita ko rin ang pagkuyom ng mga kamay niya at ang pag-igting ng panga niya.

“I will take care of her and will love her with all my might. Whatever it takes, I’ll give her my life, my soul, and my heart.”

Yumuko ako dahil sa mga nagbabadyang luha na bumagsak. Kung ganoon, espesyal si Geff sa buhay ni Angel.

Sa buhay ko.

Pero ang masakit na katotohanan ay hindi ko iyon alam. Ang mas malala ay hindi ko siya maalala.

Parang tinutusok ng paulit-ulit ang puso ko nang marinig ko ang mga sinabi niya.

“If I could just bring back time and save her.....I’ll do it without any hesitation.”

Pumikit ako at hindi na napigilan ang pagtulo ng mga luhang dulot ng sakit na nararamdaman ko para sa sarili at para sa taong nasa harapan ko ngayon.

I’m sorry Geff.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nang sumapit na ang 9:00, nagpaalam na ako kay Tito Jun at nagpasalamat dahil hindi niya ako tinatanggalan ng trabaho kahit kadalasan ay nale-late ako galing sa school. Ayos lang naman daw iyon sabi ni tito at naiintindihan naman daw niya kaya wala raw akong dapat na ikabahala. Napakaswerte ko talaga dahil mayroon akong tito na tulad niya!

Hindi nakapunta si Jane kanina sa practice namin dahil may emergency daw siyang pupuntahan. Actually thankful pa nga ako sa hindi niya pagdating dahil nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Geff. Matapos naming mag-usap, tinulungan lang niya ako sa piece na kakantahin naming dalawa ni Jane bukas. Napansin nga rin niya iyong scar na nasa kaliwang kilay ko. Kinabahan ako nang mapansin niya ang bagay na iyon dahil baka isa iyon sa mga palatandaan niya kay Angel kaya naman gumawa ako ng mga palusot para mailihis lang iyong ideya na sa totoo lang ay nakakahiya dahil nagkandautal-utal ako.

Pero nang lumabas na kaming dalawa sa auditorium, may hindi kaayang-ayang alaala ang biglang pumasok sa isip ko. Lalo ko pa iyong naalala nang dumaan kami sa tapat ng garden ng academy.

Kung mahal nga ni Geff si Angel....

................sino naman si Jane sa buhay niya?

Naalala ko na hinalikan niya si Jane dito rin mismo sa garden.

Hindi ko alam kung paano pero nakaramdam na agad ako ng galit kay Jane. Alam kong hindi naman dapat pero hindi ko pa rin mapigilan.

Pakiramdam ko natutulad ako sa kung ano ang nangyari kila Phin at Alex.

Dulot ni Jane.

Gusto ko sanang tanungin si Geff tungkol doon kaso pinangunahan  ako ng kaba.

Umakyat na ako sa apartment na tinutuluyan ko at doon ko lamang naalala na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita iyong roommate ko.

Binuksan ko na ang pintuan at laking gulat ko nang makita siya na nakaupo sa kanyang kama, umiiyak habang tulala.

(A/N: See picture of Neth and Iona on the side.)

“Uhh....okay ka lang ba?” nag-aalinlangang tanong ko.

Tiningnan niya ako nang marinig niya ang sinabi ko.

Napansin ko naman ang biglang paglaki ng kanyang mga mata nang matitigan niya ako nang mabuti.

“Shit Angel! Nagpapakita ka na ba sa akin ngayon?!” kinilabutan ako nang marinig ang salitang Angel na lumabas sa kanyang bibig.

Ibinaon niya ang mukha niya sa kanyang mga tuhod at ako nama’y napako na sa kinatatayuan.

Don’t tell me........pati siya?

Kahit na nagdadalawang-isip ay nilapitan ko pa rin siya.

“Uhh.....ako nga pala si Neth Flores. Ano.....uhh.....okay ka lang ba?”

Nang marinig niya ako ay tumingin na siya sa akin. Basa ng luha ang kanyang mukha.

“Neth? Kung ganoon.......”

“Roommate mo ako dito. Hmm....ayos ka lang ba? May problema ba?” tanong ko sa kanya. Wala siyang ideya kung gaano ako napasaya ng sinabi niya. Pakiramdaman ko nga ay nais kong magtatalon sa sobrang tuwa! Kaso baka magmukha naman akong baliw kung gagawin ko iyon sa harap niya.

Tumawa naman siya bigla.

“Diyos ko! Akala ko naman minumulto na ako ng kaibigan ko! Akalain mo ba namang magkamukhang-magkamukha kayo? Anyway, I’m Tahlia Iona. Well, you can call me Iona.” sabi niya habang pinupunasan ang kanyang mukha.

“Nice to meet you Iona. Buti naman naabutan kitang gising ngayon. Tulog ka na kasi kahapon nang makarating ako dito galing part-time job ko.”

“May part-time job ka?! Saan??” tanong at the same time sigaw niyang ikinagulat ko.

“Doon sa grocery store na pag-aari ng tito ko. Pagkatapos ng klase namin dumidiretso na ako doon. From 6 to 9 ang oras ko.”

“Talaga? Kakainggit naman. Gusto ko rin kasing magtrabaho. Ayoko ng masyadong umaasa sa perang nilalagay ng mga magulang ko sa bank account ko.” malungkot niyang sabi.

Naalala ko naman na nangangailangan nga pala si tito ng dalawa pang part-timer!

“Iona, meron pang dalawang slot para sa grocery store ni tito. Gusto mo bang subukan?”

Bigla namang lumiwanag ang mukha niyang kanina lamang ay nakabusangot. Napangiti tuloy ako sa kanya.

“Talaga?! Sige sige! Oh my God!!! Magkakatrabaho na ako! Kakaibang experience yan sigurado ako.”

“Student ka rin ba?”

“Oo. Sa ACU ako nag-aaral. Ikaw?”

“Di ba Alfwold Clement University ‘yon? Naku magkaaway pala school natin! Haha.” pagbibiro ko. Masyado kasing mainit ang labanan ng varsity ng basketball ng school namin.

“Oh? So sa North Oswald ka pala? Kung ganoon bakit ka nagtitiis sa maliit na apartment na ito? Elite school yun dito sa Manila ah?”

“Scholar naman ako sa school na yun eh. Ikaw? Mahal din naman yung tuition sa ACU ah?” Naalala ko pa iyong sinabi niyang bank account. Sigurado akong mayaman ‘tong sila Iona.

“Parents ko ang mayaman hindi ako. Isa pa ipinatapon nila ako dito sa Maynila kaya naman mas gusto kong hindi na umaasa sa kanila though pinapadalhan pa rin nila ako ng suporta. Ang saya lang di ba?” nakangiti niyang sabi pero halata sa mga mata niyang malungkot siya.

“Maganda ring maging independent Iona. Parang ako lang.” sabay ngiti ko sa kanya.

Nginitian naman niya ako pabalik.

“I like you already now Neth. Sana parehas na lang tayo ng school. Anyway magkikita naman siguro tayo sa part-time bukas. Sigurado naman akong matatanggap ako doon dahil ikaw ang back-up ko! Haha”

“Oo naman! Mabait naman si tito kaya wala kang dapat alalahanin.”

“Thank you Neth. You’re an angel.” sabi niya bago niya ako niyakap.

Niyakap ko naman siya pabalik.

“You’re most welcome.”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Maaga akong pumasok sa school ngayon dahil.......ewan ko! Masaya lang kasi ako ngayon kaya ayun at sinipag ako! Haha.

Pagpasok ko sa dance room, kaunti pa lamang ang estudyanteng naroon. Wala pa iyong mga kaibigan ko. Maging sila Geff ay wala pa.

Umupo na lang tuloy ako at humalumbaba.

Matapos ang ilang minuto ay nakita kong pumasok si Phin.

Sa totoo lang gusto ko siyang kausapin. Hindi naman porket naipagtanggol ko si Jane sa kanya eh masaya na akong nasigawan ko siya. Parehas lang sila ni Jane na nasa kumplikadong sitwasyon dahil kay Alex. Parehas silang nasaktan though mali lang ang way ng pag cope up ni Phin.

“Phin.” tawag ko sa kanya nang makalapit ako.

“Neth.” tugon naman niya habang nakangiti.

Umupo ako sa tabi niya matapos niya akong batiin. Pakiramdam ko naman good mood si Phin.

“Phin, sorry nga pala doon sa sinabi ko sa’yo nung gabing ‘yon. Nagulat lang ako sa inakto mo. Alam ko naman na hindi dapat ako nanghihimasok pero kasi naging kaibigan ko na rin si Jane syempre pati ikaw kaya naman ayokong magkagulo kayong dalawa. Yun ang dahilan kung bakit kita pinigilan sa pagsampal kay Jane. Sorry Phin kung nasaktan ka sa mga sinabi ko.” puno ng sinseridad na paliwanag ko sa kanya. Yumuko ako matapos iyon.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin.

“I understand Neth. I was actually enlightened after all that you’d said and truthfully speaking, I want to apologize to you too as well. Also to Jane though I was kinda uhh....feel awkward about the idea so I can’t approach her. By the way I’m so glad you came for me.”

Susme! Na-nosebleed ako sa straight English niya!

“Hehe. Mabuti naman kung ganoon.” ang tangi ko na lamang nasambit.

Bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako.

“You’re friends with Jane right?”

“Uhh...yeah.” wait. Ano raw sabi ko? Yeah? Seriously mabilis manghawa si Phin ah.

“So, naikwento ba niya sa’yo ang side of the story niya?” dahan-dahan niyang tanong sa akin.

Tumango naman ako.

“Gusto ko lang kasing malaman. Hmm.....you know, may closure na talaga kami ni Alex and he told me that he already found his....uhm....girl. I mean the girl that he really loved. Yes, I was literally hurt by his confessions but I realized I deserve someone better. Better than him. Pero nang malaman kong si Jane iyong tinutukoy niya, hindi ko alam pero nagalit na lang ako sa kanya bigla kahit naging friends kami sa maikling panahon.”

“Naging friends kayo ni Jane? Ang akala ko dito lang kayo nagkakilalang dalawa.”

“Nope, we’ve met bago pa man kami pumasok dito. Naririnig ko na ang pangalan niya dahil patay na patay yung kambal ko sa kanya pero nameet ko siya literally bago pa man kami dumating dito sa Manila.”

“Ah, ganun pala.”

“I saw something that day na talagang naguguluhan ako.”

“Kelan?”

“That day. Noong nag-away tayo.” pinisil naman niya ang mga kamay ko sabay ngiti.

“Hindi naman talaga si Alex ang dahilan kung bakit ko ginustong sampalin si Jane.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil parang may ideya na ako kung ano ang tinutukoy niya.

“I saw Geff kissing her.”

Kinagat ko ang ibabang labi ko ng mapatunayang iyon nga ang nakita niya.

“Uhh...n-nakita ko rin ‘yun.” hindi ko na napigilang sabihin.

Nanlaki naman ang mga mata niya. “Really?!”

“Oo.”

Huminga naman siya ng malalim.

“Geff never had a girlfriend nor a fling. After Angel wala na siyang nagustuhan pang iba. Parang sira rin yung isang yun dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Angel. Or Miracle, tawag nga niya sa kanya minsan. I don’t blame him though. That accident was trully a traumatic one. Kahit ako medyo natrauma noong mga panahon na yun. He really loved the girl even if they were still very young. I mean, he always describe her to me as his other half.” napangiti siya nang may maalala siyang alaala ng mga panahong iyon. “Well, the tragedy happened. He blames himself. Up until now. Anyway, that’s the idea. I wonder what made him kiss Jane. He told me pa nga na galit siya sa kanya pati kay Alex then magugulat na lang ako na hinalikan niya si Jane.” at last ay tumingin na siya sa akin matapos ang pagrereminisce niya.

“Sorry about that. I was just carried away.” pagpapaliwanag naman niya.

Hinintay ko munang magsink-in lahat ng mga sinabi niya. Sinisisi ni Geff ang sarili niya sa pagkamatay ko? Pero bakit naman? Kahit na may amnesia ako, hinding-hindi pa rin nabubura sa utak ko ang tunay na nangyari bago ang aksidente. Iyon ang dahilan kung bakit hirap akong magtiwala sa mga taong nakakakilala sa dating ako.

At Miracle? Tinatawag niya akong Miracle dati? Kaya ba.......

Naalala ko nang tanungin ako ni Liz at Geff tungkol doon sa isinulat ko sa blackboard na Miracle. Iyon marahil ang dahilan kung bakit niya ako tinanong ng tungkol doon. Pero si Liz? Bakit naman siya magkakainteres sa isinulat ko? Or rather inakala niyang si Jane ang nagsulat nun?

Nabalik lamang ako sa reyalidad nang magsalitang muli si Phin.

“Naghalo-halo lang siguro lahat ng hinanakit ko sa kanya at kay Alex na iniisip ko na pati si Geff inaagaw na niya sa akin.”

“Inaagaw sa’yo?” gulat na tanong ko sa kanya.

“Oy hindi katulad ng iniisip mo ah! Haha. Geff and I are bestfriends. Ayoko lang ng nawawalan siya ng oras sa akin. Parang feeling ko kasi may something sa kanila ni Jane na hindi ko maipaliwanag. Pati lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa kanya.”

Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang marinig ko iyon mula kay Phin.

Kahit na gusto ko pang magtanong ng tungkol kay Geff at Jane, pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pa kasi ako sigurado kung magugustuhan ko pa ang mga malalaman at maririnig ko kay Phin.

Iniba ko na lamang ang takbo ng usapan namin sa pagkukwento sa kanya ng tungkol kay Jane at Alex. Ikinuwento na rin sa akin ni Jane kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa sa rooftop.

“Minahal ka niya Phin. Yun nga lang naguluhan siya at napagtantong.....ano....mas mahal niya si Jane though sabi ni Jane na gusto niyang manatili na lang silang magkaibigan.”

“Now, I feel really guilty of my actions towards Jane.”

“Loko-loko kasi ‘tong si Alex eh kaya ayan.” pagbibiro ko.

“Oo nga.” pagsang-ayon pa ni Phin.

Nakita kong pumasok na sa room si Grace kaya naman nag-excuse na ako kay Phin at pinuntahan siya.

“Wala pa ba si Liz at Jane?”

“Wala pa eh.”

“Tara, practice tayo!” inilabas niya mula sa case ang kanyang gitara at nagsimulang mag-strumm.

Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam ako sa kanya na magsi-cr lang ako.

Nang pabalik na ako sa room ay narinig ko ang mga bulungan ng mga estudyante.

“Sino kaya iyong kaholding hands ni Alec?”

“Baka naman girlfriend niya teh!”

“Ayy bwisit lang kung ganun ha? Nakakasira siya ng araw!”

“Balita ko mga sister frosh pa lang yung girl.”

“Kaylandi naman ng babaeng yun at frosh pa lang umaariba na!”

Umiling na lamang ako sa mga ito. Haay nako, mga chismoso’t chismosa naglipana sa school na’to.

“Ayun sila oh!”

Napatingin na rin ako doon sa tinuro ng babae dahil nacucurious na ako kung sino itong Alec na tinutukoy nila na sa pagkakaalam ko ay captain ng basketball varsities at iyong babaeng kaholding hands daw niya.

Nagulat ako nang makitang si Jane ang babaeng tinutukoy nila.

Sa ikatlong pagkakataon ay nakaramdam ako ng galit sa kanya.

“Bakit ang dami niyang lalaki?!” sabi ko sa aking sarili.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------