Chapter 18: Gaze

Jane’s POV

“You’re kidding right?” is the only question I could muster.

“No. It can’t be. I mean, Al they died in a car accident kaya naman imposibleng may pumatay sa kanila.” I know it. We were all in the same car and then we crashed.

I looked at Al whose now look very pale.

“Please Al. Talk to me!” naiiyak ko na sabi. God! Hindi ko akalain na mayroong ganitong problema sa pamilya ko.

“Yes they did die in a car accident but Aya, you and your brother were not among them. What I mean is......” tila nahihirapang pagpapaliwanag ni Al. “....your brother d-died but in a different way and....you....well.....”

That one I remembered. We were both in our house that one night. Me and my older brother. Then I saw how those hideous men tortured him before they shot him with the gun. I was so helpless and pathetic that time.

“Yeah. He was killed in our house alright.”

“You.....remember.” halos pabulong na sabi ni Al.

“Did you already.....” Al asked me in a measured tone.

“I already what?”

Nagpakawala si Al ng malalim na buntong-hininga.

“Just tell me all the things that you remember then I will fill all the missing gaps.”

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang may mapagsabihan na ako ng lahat ng mga hinanakit at pag-aalinlangan ko nitong mga nakaraang araw. I actually thought of giving her my notebook slash diary but knew better. Not that I don’t trust Al pero parang hindi ako kumportable na sabihin lahat ng secrets ko ng isang bugahan lang. I don’t mind being an open book to my bestfriend but still I want to keep some things on my own.

“Your twin was with your parents and they all went somewhere because of a company emergency. Naiwan kayo ng brother mo doon sa bahay ninyo. In that very same day, they met with that car accident. Someone shot the driver which happens to be your father then that’s that.”

I looked down after that. Gusto ko pang magtanong kay Al kaso natatakot din ako sa maaari ko pang marinig. I’m really eager for all the information but I don’t know if I can fathom them all and if I can swallow the overwhelming feelings inside me.

“Aya? Should I get you water or something?”

“Water please.” I mumbled childishly.

“Okay.” mabuti naman at narinig ako ni Al.

I need a little time alone. Sabi ni Al hindi kami kasama ni kuya sa car accident kung saan namatay ang parents ko at twin sister ko pero ano itong alaala ko na car accident din?

My twin and my brother and my parents. God knows I miss them already.

I kept them deep within my heart because of that stupid trauma but I think it’s time to know more about my past. No more cowardness. I need to be brave.

Brave enough to face the reality of death upon my family.

Brave enough to relive those horrible memories.

But I’m also eager to remember those memories full of love and joy and warmth and smiles.

“Please continue.” sabi ko kay Al nang ibigay na niya sa akin iyong baso ng tubig.

“Okay. Hmm...those guys who....err....uhm.....entered your house were all accomplices of that person who want to get rid of your family. Fortunately, an unknown identity helped you get out of that house then that person put your body in Heaven orphanage.”

“Those bad guys didn’t saw me in our house nor lay a hand on me so why were I wounded and bloody nang nakita ako ng mga madre doon sa H.O.?”

“Hindi ko alam Aya.”

“At isa pa. Mayroon akong alaala na isang car accident. Ipinagpalagay ko na nandoon ako kasama ng buong pamilya ko pero tulad nga ng sabi mo ay hindi kami kasama ni kuya doon.”

“Aya, nang nasa pangangalaga ka ng orphanage, nabunggo ka ng isang sasakyan. Nakainom iyong driver kaya ‘yun. Agaw buhay ka noong dinala ka sa ospital. Actually noong mga panahon na iyon ay inihahanda na yung adoption papers mo kaso iyon nga. Sila tita iyong nagbayad sa lahat ng hospital bills pati sa mga operation na ginawa sa iyo.”

“Operation?”

“Sobrang daming complications ng katawan mo Aya at halos hindi ka na makilala dahil.....”

“Dahil?”

Itinuro naman ni Al iyong mukha niya.

Then I understood.

“That’s why.” I whispered to myself.

“You know what’s weird Al? I have dreams or rather memories with that boy I met in that orphanage. I’m certain that I was the girl though we have different face. I’m certain those were part of my memories but why do I can’t feel that those were mine?”

I put my hand on top of my chest.

“My mind recognized them but my heart can’t.” I professed.

I didn’t tell Al about my good intuition that Geff was actually the Drew I met back then. Like I said, my mind recognizes him but not my heart. I also have this stupid infatuation towards him but nothing more.

But I want more.

I badly want to know him more.

“How did you know all of this?”

Nakapagtataka lang na halos alam ni Al lahat ng pinagdaanan ko. Even before I set a foot in that orphanage.

“We, Nathan and I, were really curious about you when you arrived at Alvarez mansion. Your parents won’t budge on spilling things about you. So we worked, okay Aya don’t laugh at this, but we actually worked like your modern detectives. We track down those close friends of yours and fortunately found one. Her name’s Tim. Remember her?”

“Not a bit.”

“Actually she was your one and only bestfriend before me.”

I just furrow my brows. I really don’t remember.

“Ugh! This sucks! This is really frustrating!” I exclaimed wearily.

“I know this is too much information but....you asked for it.”

“I know. But it’s just

“I understand you Aya. It’s really too much for you.”

“Last question Al. What was my real name?”

Tumayo si Al at dumiretso sa kwarto namin. Ang akala ko nga ay iniwanan na niya ako ng tuluyan ngunit nagulat ako nang may ibigay siya sa akin na papel.

In fact it was a very old photograph.

“Remember that picture? Una mong nakuha yan sa wallet ni Nathan pero nakuha ko.”

Una ko ulit nakita iyong nakasulat sa likod.

“ALY<3AMY<3TIM”

Then I flipped it to see the actual photograph.

“This is your twin, then you, then Tim.” Al pointed at the picture respectively.

Iyong twin ko at iyong bestfriend ko raw na si Tim ay nakatayo sa magkabila ko samantalang nakaupo naman ako sa isang swing.

Nakangiti kaming tatlo at magkakaakbay.

My heart melts as I look adoringly at the picture.

“Your family owns one of the biggest, most famous, and most elite company in the world and to top it all, it is the most secretive and mysterious one. Nahirapan kami ni Nathan na maghanap ng impormasyon tungkol sa history ng family ninyo dahil lahat block sa internet! Really frustrating indeed. Hindi rin sinabi sa amin ni Tim iyong surname mo at hindi rin naman namin siya mapilit. Classified information daw. So......”

Half-listening lamang ako sa mga sinasabi ni Al dahil napakafamiliar ng mga mukha na nasa picture. Familiar because I saw Miracle or rather Angel in my dreams as well as in my memories but there’s more. Nasa dulo lamang ng utak ko.

We were identical twins.

“.....you’re our Angel Miracle.”

I look up at Al as if recognizing my name for the first time.

“AMY was what your real parents used to call you but your brother and twin and bestfriend prefer Miracle. A and M stands for your name so we suppose that your surname starts with letter Y. Pero hanggang ngayon wala pa rin kaming idea.”

“Do my parents know about all of this?”

“Yes. I’m sure of it pero wala silang pinagsasabihan. I bet it’s for your own protection kaya Aya kung magdedesisyon ka wag biglaan ha? I feel really guilty right now dahil sinira ko iyong pangako ko kay Nathan na wala akong sasabihin na kahit ano sa’yo pero wala mapilit ka.”

“Thank you Al. This means a lot to me.”

Niyakap naman ako ni Al.

“I’m your bestie Aya. You can count on me and you know that.”

“This weekend samahan mo ako sa H.O..” sabi ko kay Al matapos ang ilang minuto ng katahimikan.

“Bakit anong gagawin natin doon?”

Tiningnan kong muli ang picture na nasa mga kamay ko.

“Nagpromise ako kela sister na dadalaw ako every week doon.”

“Okay.”

I need answers.

And I think I’ll find some in that orphanage.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naging normal naman ang mga sumunod na araw sa school. Matapos kong sabihin iyong problema ko kay Al ay pakiramdam ko wala yatang araw na hindi siya nakadikit sa akin. Ayos lang naman sa akin iyon. Naging maayos naman na kami ni Neth though parang nabawasan na iyong tiwala ko sa kanya. Kahit na anong mangyari kaibigan ko pa rin siya pero dahil doon sa nakita kong isa pa niyang side ay hindi ko maiwasang mag-isip ng negatibo sa kanya. Si Grace naman iyon baliw pa rin! Haha

Friday afternoon, papunta kaming apat sa cafeteria nang makasalubong namin sila Phin at Darren.

“Hello girls. Uhm...Jane, pwede ba tayong mag-usap?”

Medyo naguguluhan pa ako sa change of heart ni Phin at sa hindi ko maipaliwanag na ngiti ni Darren. Nilingon ko naman si Al. Hindi ko sinabi sa kanya iyong nangyari sa pagitan namin ni Phin noong first day namin dito sa academy. Sa maikling panahon ay batid kong nagkapalagayang loob na silang dalawa at dahil lamang doon sa conflict naming dalawa at ni Alex ay kinailangan niyang dumistansya. Kung sasabihin ko iyong sagutang naganap sa pagitan nila Phin at Neth kay Al, sa palagay ko ay walang magandang maidudulot iyon.

Tumango naman si Al.

“If you want you can have your lunch with us.” nakangiting sambit ni Phin.

“Sure.” nakangiti kong tugon sa kanya.

I bid my goodbyes to my three friends and walked with Phin and Darren. Nauuna kaming maglakad ni Phin samantalang si Darren naman ay nasa likod.

“Jane alam kong naguguluhan ka sa akin at lalong alam kong nagtataka ka sa ikinikilos ko.” seryosong panimula ni Phin.

“Ayy, sinabi mo pa!” I joked to lighten up the mood. Feeling ko kasi masyado kaming tense sa isa’t isa.

Sa awa ng Diyos ay tumawa naman siya.

“Yeah right. I just want to apologize of how I acted back then. I just felt a sudden enmity towards you that I can’t help myself but to slap you. Good thing Neth prevented that to happen.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. All I know is that I’m happy to have Phin back as my friend though hindi ko alam kung magiging normal pa ba ang pakikitungo namin sa isa’t isa matapos itong conflict namin.

“Naiintindihan ko naman. Kung ako siguro iyong nasa katayuan mo ay magagalit din ako doon sa babaeng ipinalit sa akin. Pero Phin sinabi ko kay Alex na wala talaga akong nararamdaman para sa kanya, na kaibigan lang talaga iyong turing ko sa kanya kaya naman wala kang dapat ipag-alala.”

Marahan namang natawa si Phin.

“You sound so defensive. Don’t be Jane. Besides I got over him na so no hard feelings. Promise!” itinaas pa niya iyong kamay niya sa ere.

Iniapir ko na lang tuloy iyong kamay ko sa kanya. Parehas kaming natawa.

“Kaso Jane, yung gabing nagalit ako sa’yo, ang totoo niyan hindi naman talaga si Alex ang dahilan.”

Tumingin ako kay Phin ng diretso. Hindi si Alex ang dahilan? Eh ang alam ko siya lang naman iyong dahilan ng alitan sa pagitan namin. Meron pa bang ibang involve?

“Girls, saan niyo gustong kumain?” biglaang tanong ni Darren na hindi ko namalayang nakalapit na pala sa amin.

“Ikaw Jane? Saan mo gusto?” baling naman sa akin ni Phin imbis na sagutin si Darren.

“Anywhere will be okay.” sagot ko na lamang. Nakakahiya naman kung magiging choosy pa ako ng restaurant o food chain. Alam kong sa labas kami kakain dahil ang daang tinahak namin ay papunta sa main gate.

May gusto sana akong itanong sa kanila na in fact ay kanina ko pa gustong itanong dahil hindi ako mapakali hangga’t hindi ko pa nalalaman iyon kaso pinipigilan ko lamang ang sarili ko dahil baka ano ang isipin nila.

“Mahilig ka sa pizza right? Sa Pizza Hut na lang tayo.” wika ni Darren. Paano niya nalamang mahilig ako sa pizza? Sila Al at kuya lang ang nakakaalam ng weakness ko na iyon.

Phin arched her right brow. Ayy parehas kami ng talent! LOL.

“Ooookaaayyyy.” tugon ni Phin na may kakaibang tingin at ngiti sa kakambal. Alright, silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. Kambal nga talaga.

Pumasok na kami sa restaurant at naramdaman ko talaga ang gutom at pagkasabik sa pizza nang maamoy ko na ang bango nito. My gosh!!!!

“Cheesy pops yung akin.” wika ko doon sa waiter na lumapit.

“Same.” wika ni Phin habang abala sa pagtetext.

Pare-parehas kaming tatlo ng order kaya naman isang buo na iyong inorder namin.

“Hahabol daw si Geff sa atin. Ang harsh daw nung coach nung soccer eh. Kawawa naman ang isang ‘yun at maaarawan ng bongga.”

My heart starts to beat crazily at the sound of his name. Shit!

Kinuha ko na lamang iyong cellphone ko at binuksan ang epub copy ko ng “The Fault in Our Stars”. Sinimulan ko nang basahin iyong part na namatay si Augustus Waters. Shocks balde-baldeng luha ang inilabas ko dahil dito! Pero kahit anong busy-busyhan ang ginawa ko eh ang malaki kong tenga ay active pa rin.

“Ginusto niya yan eh. Isa pa hindi naman mangingitim ang isang ‘yon. Namumula lang naman siya kapag naaarawan tapos madali nang babalik sa dati ang kulay niya.”

“Oo nga! Bwisit yun kinabog yung kutis ko!”

Parehas silang natawa. Kahit nakakatawa iyong sinabi ni Phin ay pinigilan ko ang sarili kong sumabay sa tawanan nila dahil kinacareer ko ang pagkabusy-mode ko.

Nang dumating na ang order namin ay nawala na ako sa huwisyo ko at wala na akong naging pakialam sa kung nasaan ako, sino ang kasama ko, at kung sino ang nakakakita sa pagkaPG ko. Susme pizza na itong kaharap ko kaya naman ayoko ng may mang-iistorbo sa akin.

Ang kambal ng tadhana sa harapan ko ay patuloy lamang na nag-uusap sa mga bagay na hindi ko maintindihan or rather topic na wala akong pakialam dahil ngayon ay gumawa na ako ng barrier sa pagitan ko at sa kanila at gumawa na ako ng sarili kong mundo kasama ang pinakamamahal na pizza ko. Hihi

Patuloy lang ako sa pagkain nang bigla na lamang naubo si Darren matapos ang pag-inom sa iced tea niya.

“Ayos ka lang? Hala sorry.” natatarantang sabi ni Phin habang pinapat iyong likod ni Darren.

“I’m okay.”

“Anong nangyari? Ayos ka na ba talaga?” hindi ko na napigilang tanong kay Darren.

Tumango naman siya.

“Hahaha! So totoo pala iyong sinabi ni Ren na nawawala iyong....ano nga ulit yung term na ginamit mo Ren?” pagtatanong ni Phin.

Natawa naman si Darren.

“Wait! Naalala ko na. So Jane, totoo pala na nawawala yung katawang-lupa mo kapag kumakain ka ng pizza? How cuuutteee!!! hahaha”

Namula naman ako sa sinabi ni Phin. Shocks halata ba ako masyado?

“Anyway, since bumalik ka na Jane,” pagpapatuloy ni Phin sa sinasabi niya though hindi pa rin niya mapigilan ang pagtawa. Patuloy lang na uminit ang mukha ko. “may gusto lang akong itanong sa’yo.”

“Ano ‘yon?” tanong ko sa pagitan ng pagnguya. Idadaan ko na lamang sa pagkain ang kahihiyang dinulot ko sa harap ng kambal na ito.

“May naging boyfriend ka na ba?”

“NBSB ako.” walang pagdadalawang-isip na sagot ko.

“Seriously?! With that face you’re telling me no one dared to court you? Or you’re just saying na no one among your suitors had been eligible enough to pass or exceed your preference?”

Grabe, nakakahiya namang sabihin kay Phin na wala, AS IN WALA ang nagtangkang manligaw man lang o magparamdam. Pakiramdam ko nga ang pangit pangit ko.

Uminom muna ako sa iced tea ko bago sinagot si Phin.

“Uhh...walang nanligaw.”

“Hindi ako naniniwala.” skeptical na tugon ni Phin.

“Maybe because of Nathan. Natatakot sigurong lumapit iyong mga suitors ni Jane sa kanya dahil baka magulat na lang sila at makatikim sila sa kuya niya.” pagpapaliwanag ni Darren kay Phin.

Sabagay. Punong-puno pa man din si kuya ng overprotective genes na hindi ko alam saan niya namana.

“You have a point.” sagot ni Phin habang tumatango-tango pa.

“Second question. Who’s your first kiss?”

Shemay bakit ba sa akin laging umiikot iyong mga tanong ni Phin. At seriously first kiss?!

Naramdaman kong muli ang pag-init ng mukha ko at aware ako na mas malala ito kaysa kanina!

Napansin ko naman na talagang inaabangan ni Phin at Darren ang isasagot ko na para bang nakasalalay ang mga buhay nila dito.

Hindi ako makapag-isip ng maayos! Sasabihin ko ba na iyong bestfriend niyo lang naman ang walang habas na humalik sa akin ng walang pakundangan! Shocks! Hindi ko kaya! Nakakahiya! Ano na lang iisipin nila? Wala akong naging boyfriend tapos may humalik na sa akin? Tunog malandi naman ako nun!

Nararamdaman ko na ang pag-init at pamamawis ng mga kamay ko. Hindi naman ako pasmado pero dala siguro ng kabang nararamdaman ko ay nabuhay ang mga sweat glands ko sa katawan.

“Sorry I’m late.”

Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa kanya dahil nasave niya ako sa tanong ni Phin o magwawala at mahihiya at magbablush at magwo-walk out ako dahil ang walang hiyang nilalang na dahilan ng paghuhuramentado ng puso ko at pagwawala ng mga haliparot na mga paru-paro sa tyan ko at ang wagas-wagas na pag-init ng mukha ko ay tumabi lang naman sa akin at amoy na amoy ko ang napakabango niyang perfume.

SYETE!!!!!

“Bakit ang tahimik niyo yata?” tanong ni Geff sa hindi ko alam kung sino.

“Shut up ka muna Geff. Hinihintay pa namin iyong sagot ni Jane sa tanong namin ni Darren.”

“Pwedeng next question na lang?” ay timang ka Jane! Bakit maghahanap ka pa ng ibang tanong edi lalo kang gigisahin nyan ni Phin? Pero sabagay at least may chance na madivert iyong topic.

Pero wala! Consistent itong si Phin na malaman ang sagot ko.

“Dali na Jane! Spill it out! Who was the lucky guy?” nakangiting wika ni Phin.

Huhuhu hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya naman yumuko na lamang ako.

Ramdam ko naman na bigla akong tinapunan ng tingin ni Geff na para bang tinutusok ako ng karayom dahil ramdam na ramdam ko iyong mga tingin niya.

“Ano bang tanong mo sa kanya Phin?” he asked with his unwavering gaze at me.

“I asked Jane kung sino iyong first kiss niya. Will you believe it if I tell you na hindi pa siya nagkakaboyfriend?”

Double humiliation. Waaaahhhh!!!! Alam na niya. Walangya lang!!!

Naku patay talaga ‘tong si Phin sa akin kapag lumabas kami sa restaurant na’to!

Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga ni Geff sa tabi ko.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo dahil sobrang tahimik sa table namin at wala ring kumikilos. Hindi ko rin alam kung imagination ko lang ba ito pero pakiramdam ko ay may tensyon nang nabubuo sa aming apat. Hindi ko lamang alam kung kanino galing.

Halos lumabas na ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa sinabi ni Geff na bumasag sa katahimikang bumabalot sa amin.

“It’s me Phin. I’m her first kiss.”

(A/N: See picture of Jane, Geff, Phin and Darren on the side.)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------