Chapter 12:
Open heart
Jane’s POV
Naglalakad
ako ngayon sa hallway ng Oswald building. Pupunta kasi ako sa Computer Lab para
magdownload ng kanta na nahanap namin ni Neth kanina na siya namang kakantahin
namin bukas sa OSWALDS na subject namin then magpapaprint na rin ako ng lyrics
para makabisado na namin iyon. Dami kasi pauso ni Miss doon eh! Haha.
Nang malapit
na ako sa ComLab, nadaanan ko naman ang bulletin board kung saan nakalagay ang
mga school activities, club posters na nagsasabing open sila for new members,
and other news with regards sa standing ng school. Nakita ko rin iyong poster
na tungkol sa nalalapit na laban ng North Oswald’s Lockhart Academy’s WALDROVES
at ng Alfwold Clement University’s ALFORDS. Manonood ba kami? Depende siguro kung
may gagawin kaming assignments or projects. These also remind me kung ano nga
bang club ang sasalihan namin nila Al. Better ask them later.
Dumiretso na
ako sa ComLab. Sumilip muna ako kung may class ba sa loob o wala. May
mangilan-ngilang estudyante sa loob kaya tinanong ko iyong pinakamalapit sa
pintuan.
“May class
ba dito?”
Napatingin
naman sa akin si kuyang nakasalamin sabay ngiting pangtoothpaste commercial.
“Wala
naman.”
Ginantihan
ko na lang din siya ng ngiti at umupo na sa harap ng isang Mac computer.
Habang tutok
na tutok ako sa screen ng computer, ramdam ko naman ang tingin ng katabi ko na
siyang pinagtanungan ko kanina. Nang hindi ko na matiis, nilingon ko na siya.
“Bakit?”
Nagulat
naman siya nang nagtanong ako sa kanya. Akala siguro niya hindi ko napapansin
iyong kanina pa niyang pagtingin at pagsulyap sa akin.
“SMIT
student ka ba?”
Napatingin
naman ako sa lace ng I.D niya. ‘SDA student’.
“Yes. As you
can see SMIT student nga ako. Business Ad. to be exact.”
Kung matatanong
niyo pala, ang course namin ni Al which is Business Ad nga ay walang uniform
(kahapon ko lang nalaman XD). Yung ibang course lang ang obligatory na magsuot
nun. Para madistunguish naman ang mga students per courses, meron kaming I.D.
lace kung saan nakaprint ang school namin.
SMIT means
School of Management and Information Technology at ito namang si kuyang
nakasalamin na may I.D. lace na SDA means under siya ng School of Design and
Arts.
“Oh.
Hmm....Javier nga pala. Javier Reyes.”
Mukhang harmless
naman si kuya and it looks like friendly lang talaga siya kaya......
“Jane
Alvarez.”
.....naghandshake
na kami.
“Bakit mo
nga pala ako tinitingnan kanina?” tanong ko habang kina-copy ko na ang kanta mula
sa downloads papunta sa usb ko.
“Wala kasi
akong kilalang SMIT student dito. Well......may hinahanap kasi ako dito. Nung
nakita ko siya kahapon, hindi ko man lang natanong kung ano yung course niya
pero nakalagay sa I.D. lace niya na under siya ng SMIT kaya......yun.”
Nag google
search na ako para naman doon sa lyrics.
“Aahh.
Tapos?”
Ayun!
nahanap ko na!
“Tapos....nakita
kita at saktong SMIT student ka pala. Mukha ka rin namang friendly kaya
nakipagkilala na ako sa’yo.”
Kinopy-paste
ko na iyong lyrics sa Microsoft word. Malapit na ako matapos!
“So
kinaibigan mo ako dahil kailangan mo tulong ko?”
Sinara ko na
lahat ng mga nakabukas na folders. Saan kaya ako magpapaprint?
“Well.....sort
of. Pero di naman kita pipilitin kung ayaw mo.”
“Hindi! Ayos
lang sa akin. Ano bang name niya? Baka kilala rin ng ibang friends ko.”
Sinafely
remove ko na ang usb ko at shinutdown ang computer.
Habang
hinihintay kong mamatay ang computer, iniisip ko naman kung saan ako
magpapaprint. Siguro naman may malapit dito na printing machine kasi school
naman ‘to di ba? Imposibleng wala.
“Angel
Liberty Yllana.”
“Hey Javier
may alam ka bang lugar kung saan ako pwede magpaprint?” tumingin ako sa wristwatch ko kasi
baka mamaya magbell na hindi ko pa alam.
“Oo. Meron
sa labas ng academy. Tara samahan na kita.”
“Sige. Di
naman ba ako nakakaistorbo sa’yo? Wala ka bang class ngayon?”
“Wala naman.
Free time ko ngayon tapos 1 hour pa bago yung first class ko ngayong araw.”
“I see. Nga
pala sino nga ba ulit yung hinahanap mo na....err....girl o boy?”
Natawa naman
siya nang bahagya sa sinabi ko.
Pagkalabas
namin sa ComLab doon ko lamang naalala na may favor nga pala siyang hinihingi
sa akin. Hindi ko naman narinig kung ano ang pangalan ng kung sino ang hinahanap
niya dahil masyadong preoccupied ang utak ko.
“Girl. But
nevermind that. I’ll try looking for her myself tapos kapag nahirapan na talaga
ako, dun na siguro yung time na magpapatulong ako sa’yo. Besides ang rude ko
naman kung kinaibigan lang kita dahil lang dun.”
Ang bait
naman ng isang ‘to! Haha. Buti naman may nakilala pa akong isang tao na hindi
masama ang ugali despite the fact na nasa isang prestigious school kami
nag-aaral. I kind of thinking kasi na ang mga taong may mabuting puso eh
endangered na sa school na’to.
After ko
makapagpaprint, nagpasalamat at nagpaalam na ako kay Javier. Sabi ko sa kanya
na kapag kailangan na niya ng tulong ko ay hanapin na lang niya ako. Hindi
naman mahirap gawin iyon dahil hindi naman ganoon kalaki itong academy para
mahirapan siyang hanapin ako.
Nang pabalik
na ako sa room, nakita ko naman si Al sa tapat ng bulletin board. Mukhang
tinitingnan na rin niya ang mga clubs na open na for new members.
“Al! Ano?
May napili ka na ba?” bungad ko sa kanya nang makalapit na ako sa pwesto niya.
Ginantihan
naman niya ako ng isang mala-pusang mata na parang kinikilatis ako. Bigla tuloy
akong naconscious.
“Huy Al!
Bakit naman ganyan ka kung makatitig? Ano problema mo?”
Mas lalo
pang sumingkit ang mga mata niyang inuusisa ako. Hinampas ko nga. Tumawa lang
naman siya pagkatapos. Haayy, baliw talaga. Pero mayamaya ibinalik niyang muli
ang tingin niya sa akin but this time seryoso na siya. Nakaramdam naman ako ng
kaba. Hindi naman kasi seryosong tao si Al. I mean yes seryoso naman siya but
most of the time ay kalog siya kapag kasama ako.
“May hindi
ka ba sinasabi sa akin?” tanong niya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin.
Hindi naman
ako kaagad nakasagot. Nag-isip pa kasi ako kung may tinatago nga ba ako sa
kanya. Parang wala naman?
“Wala naman.
Al alam mo kinakabahan na ako sa’yo! May problema ka ba? Which reminds
me.....” ako naman
ngayon ang tumitig sa kanya nang seryoso. Well, hindi pa kasi niya kinukwento
sa akin kung bakit siya naglasing kagabi. Ayoko naman siyang pilitin. I know in
the right time magkukwento rin naman siya pero syempre hindi ko rin naman
maiwasan na mag-alala o mapaisip kung ano nga ba iyong dinadala niyang
problema. I’m her bestfriend anyway.
Of course
asking her about it will make the spotlight off of me. Ayoko kasi na ako ang
topic naming dalawa.
I succeeded.
Nagpakawala
muna siya ng malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita.
“Nothing of
importance. Just don’t overthink things Aya, alright? Di ba pwedeng
nagcelebrate lang kaya uminom? Or walang magawa sa buhay?” she then gave me the look na ‘believe
me’.
I just gave
her an incredulous look in return.
Okay, maybe
now is not the right time to ask her or make her talk.
Napagkasunduan
naman namin ni Al na sumali sa “Walden Symphony Music Club”. Isa ‘tong
club ng mga marurunong tumugtog ng iba’t ibang musical instruments as well as
iyong mga may talent sa pagkanta. For the mean time ito muna ang pagtutuunan
namin ng pansin ni Al. I’ll better ask Neth and Grace if they’re interested at
joining. Masaya rin naman kasi kapag kasama namin sila. Syempre ‘if’
ma-qualify kami ni Al doon, most probably we’ll end up as ‘others’ there
knowing na matagal nang magkakasama ang mga members doon.
“Al, malapit
na yung laban ng Waldroves ah? Manunuod ba tayo?”
Kumunot
naman ang noo niya pagkatanong ko. Grabe ang laki talaga ng dinadala ng babaeng
‘to!
“Tatamad
ako.” simple
niyang sagot.
“Nag-away ba
kayo ni kuya? Alam mo matagal ko na kayong di nakikita na nag-uusap tapos
parang may something sa inyong dalawa pag magkasama. Ever heard of ‘Negative
enegy’? Lagi yung present pag magkasama kayo. Haha”
Minsan lang
naman kasi talaga kung mag-usap si Al pati si kuya pero nag-uusap pa rin naman
sila nevertheless. My brother just happened to be distant for I think ever
since he was born. Hell yeah. But kidding aside, his social circle, despite his
smugness sometimes, seems pretty good since the last time I checked. Obviously
this includes my bestfriend and my company as well kaya naman hindi pwedeng
hindi niya kami pansinin o kausapin. Ayos naman ang lahat until last night na
parang may naramdaman na akong bad aura na bumabalot sa kanila. I guess masyado
lang akong paranoid pero tuwing naaalala ko ang mga nangyari kaninang umaga,
hindi ko mapigilang hindi mag-isip. Paano ba naman kasi madalas niyang irapan
si kuya tapos kung mag-uusap naman sila, it’s either she’s being sarcastic or
my brother...err....act the same way. I don’t know, really.
Kinakalkal
ko ang wallet ni kuya habang siya naman nagluluto. Si Al nandun pa sa kwarto,
tulog mantika! Okay lang din naman dahil sobrang aga pa talaga. Maaga lang
akong nagising. Etong si kuya kasi malihim talaga lalo na pag tungkol sa
lovelife. Yung tipong pag tinanong ko na siya, iibahin niya ang topic para
madistract ako (na madalas talagang epektibo sa akin) o kaya naman magsisimula
siyang mag-inarte at sasabihin sa akin ang kanyang famous line na, “Mind your
own business, will you?!” Tsk tsk.
Maraming
nakaipit doon na iba’t ibang pictures. Family pictures, pictures ng Waldroves,
pictures with classmates, at pictures............ko.
As in
andaming pictures ko! SERIOUSLY?!
Kunsabagay
mahilig din kasi si kuya sa photography. Kaya ayun! Ako lagi ang madalas niyang
‘subject’ kuno at syempre ako naman “‘pose pose’ din pag may time” ang peg.
Haha
Nang nagsawa
na ako sa mga pictures (syempre excluded ang mga pictures ko! XD) tiningnan ko
naman ang mga cards niya. Basta ang dami! May atm, timezone, tom’s world etc.
Pagkatapos noon, iyong mga maliliit na pouch naman ang pinuntirya ko. Karamihan
sa kanila ay wala namang laman pero nang inilagay ko na ang daliri ko sa last
pocket, may nakapa ako. Kinuha ko naman iyon at sa tingin ko ay picture din
iyon kaso parang inabanduna na ni kuya dahil maraming tupi na tipong konting
hawak mo lang ay mapupunit na. Parang sobrang tagal na rin nung picture.
Pagkabuklat ko nito, ang unang tumambad sa akin ay ang likod. May nakasulat
doon na parang sulat ng isang grade 1 ngunit nagawa ko pa rin namang basahin.
“ALY<3AMY<3TIM”
I was about
to flip it para makita ko ang actual picture pero biglang may tumusok sa
tagiliran ko kaya naman nagulat ako. Dahil sa sobrang gulat ko, nahulog iyong
wallet at nagkalat sa sahig ang mga pictures na hindi ko yata naibalik nang
maayos kaya nagsilaglagan.
“Oh my god,
I’m so dead. Ugh” mabilis kong pinulot lahat pero hindi pa rin ito
naging sapat dahil tumambad sa harapan ko ang gulat at namumutlang kapatid ko.
“F*ck.” he said it more to himself. Guilty
na guilty talaga ako habang pinagmamasdan si kuya na inaayos ang laman ng
wallet niya. Si Al naman ewan ko. Basta nakatingin lang ako kay kuya o kaya
naman yuyuko ako na para bang gusto kong lamunin na ako ng lupa. Kung bakit
naman kasi bigla biglang sumusulpot si Al out of nowhere! Ugh.
“Kuya,
sorry. I didn’t mean to—” nadistract ako sa biglang paghawak ni kuya nang
mahigpit doon sa wallet niya. I was about to continue asking for forgiveness
nang lumuhod si Al para kunin yung........
........yung
lumang picture na hawak ko kani-kanina lang.
“K-kuya
sorry na talaga! Ano, uhh....wala lang kasi akong magawa. Ayun, k-kinalkal ko
yung ano....yung.....wallet mo.” narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni kuya. Okay.
Am I still forgiven?
“Ayun naman
pala Alvarez. Nacurious lang naman pala ‘tong si Aya. Why the face, aight? It’s
not that she intended any harm. You shouldn’t act that way to her. I mean she’s
your sister for goodness sake! And besides.......” nagulat ako sa out of the blue
comment ni Al kaya naman binigyan ko siya ng “What the hell Al?!” look. That
made her shut her mouth.
I thought
effective ang look na ibinigay ko sa kanya para tumahimik na lang sa isang tabi
pero WALA! Nagpatuloy ang bruha.
“....and
besides...wait...where am I? Ah! Yeah. What I’m saying is that don’t cuss! I
mean simpleng bagay lang naman yan. You know what? Ang O.A. mo. Simpleng bagay
pinapalaki mo. You always make things so complicated.” napanganga ako sa sinabi ni Al.
Seriously naghahanap ba siya ng away? To think na si kuya talaga ang
pino-provoke niya. Ganito ba talaga epekto ng alak?
Tumayo naman
si kuya pagkatapos pulutin ang mga pictures pati cards. That made me bow down
my head again. Argh! This is embarassing! Feeling ko ang pakialamera ko.
>__< Kahit totoo naman. -_-
“Are you
implying something, Santillan?” Now it’s kuya’s turn to make my jaw drop. Okay, what’s
happening here?
“Why? You
think may iba pa akong ibig sabihin sa sinabi ko? O sadya lang
na.......natatamaan ka?”
“Okay, look.
Jay I’m sorry nagulat lang ako. This is supposed to be a personal belonging and
messing with it seems like invading someone’s privacy. But of course you’re my
sister so I guess it’s okay.” sabi ni kuya habang nakatingin sa akin. Half smiling.
“Happy?” sabi naman niya kay Al.
“Yeah.” Al said with that boring eyes of
hers.
“Great! So
pwede mo nang ibigay sa akin yan.”
Kumunot ang
noo ni Al habang nakatingin kay kuya.
“Later. It
wouldn’t hurt naman kung sa akin muna ‘to, right?” And with that, Al stormed out of the
room.
“Why are you
following me?!” I was pulled
back from my reminiscing when an abrupt shout broke the silence of the hallway.
And then
right there, nakita ko si Alex na basa ang polo shirt na suot at si Neth na
sumusunod sa kanya. Parehas naman silang huminto nang nakita nila kaming dalawa
ni Al. I don’t know if it was only my imagination but I think sign of relief
was written all over Alex’s face when his eyes met mine.
“Jane.”
“Alex anong
nangyari? Bakit basa yung shirt mo?”
Kung gaano
kabilis siyang natuwa na makita ako ay ganoon din kabilis nagbago ang
ekspresyon ng mukha niya. From relief to annoyed.
Lumingon
naman siya sa halos mangiyak-ngiyak na si Neth sa likod niya.
“Sorry. Jane
di ko naman sinasadya eh. Aksidente lang na nagkabungguan kami sa pintuan.
Hindi ko nakita na papasok pala siya sa room kaya nung palabas na ako
nagkabanggaan kami.”
Okay. I
think I heard that story somewhere. Well yeah! I just did experience that! Wow.
Just wow. The thought made me laugh.
“Aish! Why
do guys react excessively over such trivial things? So annoying. Aya una na ako
ah?”
At umalis na
siya.
“Aya! We’ll
talk later okay? See yah!” and again, nagpatuloy na si Al sa paglalakad. She
really is beautiful. Kung makapaglakad siya parang ramp model lang and with
that sexy curve? Pati ang long brown hair na may kulot sa dulo ay nagpadagdag
pa sa ganda niya. I doubt kung wala pa siyang boyfriend. Pero wala naman siyang
kinukwento sa akin.
Bumaling
ulit ako kay Alex na nakatingin sa damit niya habang pinupunasan iyon ng panyo,
as if namang matatanggal.
“Alex, may
extra shirt pa ako sa locker. I mean, kay kuya yun binigay lang sa akin.”
I guess
nasabi ko naman na na may pagkaboyish ako noong bata pa. Truthfully speaking
hindi naman talaga, I just have this fondness sa mga shirt. Kaya naman ibinigay
sa akin ni kuya ang ginagamit niyang t-shirt tuwing may basketball practice or
match sila. May nakalagay na Alvarez sa likod na may number 14.
“Hindi! Okay
lang Jane. Meron naman akong extra kaso hassle lang kasi dun pa sa kabilang
building yung locker ko.”
“Oh. Ganun
ba? Edi samahan ka na namin ni Neth.” halata pa rin sa mukha ni Alex ang pagkayamot.
“Come on
Alex! Don’t be such a badass. Hindi naman sinasadya ni Neth eh. Like what she
said it was only an accident. And besides nagsorry na siya.” tinaasan ko ng kilay si Alex,
waiting kung may sasabihin pa siyang ikaiinis ko.
“Fine. Fine.
Whatever.”
Nauna nang
maglakad si Alex papunta sa kabilang building samantalang nasa likod naman kami
ni Neth, sinusundan siya.
“Don’t worry
yourself too much about Alex. Ganyan lang talaga yan pero deep inside mabait
din naman.”
“Hindi ko
naman din siya masisisi. Kasalanan ko rin naman eh.”
“Like I said
Neth, don’t stress yourself too much about that. Lilipas din yan.” ngumiti naman si Neth pagkasabi ko
‘non.
Habang
naglalakad kami, naramdaman ko naman na parang may kung sinong nakamasid sa
likod namin kaya naman hinawakan ko ang kamay ni Neth para makalapit kay Alex.
Masyado kasing malalaki ang mga hakbang niya kaya naman napag-iwanan na kaming
dalawa.
Nag-isip
naman ako ng bagong topic para madistract ako sa masyadong pagiging paranoid
ko.
“Neth, may
balak ka bang salihan na kahit anong club dito sa school? Kami kasi ni Al
sasali sa isang music club. I thought baka gusto niyo rin ni Grace na sumali.
Pwedeng sumali dun yung mga maalam tumugtog ng instruments o kaya naman
marunong kumanta. So.....yun.”
Nag-isip
naman si Neth.
“Hmm......hindi
kasi ako marunong tumugtog eh. Pati hindi rin ako singer.”
“Ganun ba?
So saan mo balak sumali?”
“Ang alam ko
may club dito na nagfofocus sa photography. Gusto ko sumali dun Jane.” I saw how Neth’s eye lit up dreamily
after saying those words. Habang pinagmamasdan ko siya, nararamdaman ko pa rin
yung ‘weird’ aura o mga mata na nakatingin sa bawat galaw namin. Nagsimula nang
magkwento si Neth sa history ng pagkakaroon niya ng fondness sa photography. I
was only half listening most of the time and I just can’t help myself from
feeling agitated. Nang hindi ko na talaga mapigilan, lumingon na ako. I scanned
the area with my eyes habang naglalakad pero wala naman akong nakitang
suspicious looking na estudyante o kaya mga janitors. Maybe I was just really
paranoid.
“Kuya Nathan
shares the same passion as you. Member siya ng isang photography club dito
though he’s not that of an active one. Pero kung may certain important event na
kailangan ng pictures, sumasama siya. I’ll ask him kung pwede ka niyang
tulungan makapasok.” that’s true. Mahilig talaga si kuya sa mga pictures. Kasali siya sa
photography club sa school pero most of his ‘extra’ time ay ibinubuhos
niya sa basketball. Hindi rin naman siya pinapaalis ng head ng club kasi ang
sabi nila he has this ‘potential’. Yeah, whatever. Kapag nalaman niyang
iyon ang dahilan kung bakit hindi pa siya pinapalayas sa club na iyon eh baka
lumaki pa ulo nun. Tss, knowing him naku ipagyayabang niya lang sa akin yan!
“Talaga?
Thank you Jane! Grabe excited na ako! Sana friendly at welcoming lang yung mga
members dun.” napangiti na
lang ako sa kanya. Neth’s bubbly, optimistic and warm side really affect me.
Yung parang kahit problematic ka na, basta kapag kasama mo siya, parang yung ‘positive
energy’ niya nakakahawa. I really like her company.
We’re about
to turn left nang lumingon ulit ako. Same picture. Naglalakad na mga students,
may nagmamadali -probably kasi late na sa class-, may nakaupo sa bench habang
nag-uusap, yung iba naman nagbabasa, may mga janitors na may hawak ng mop,
walis, nagtutulak ng basura. Typical scenario. Pagkaliko namin, eksakto namang
may tumamang bola sa likod ko.
“Ay! Sorry!”
Kinuha ko
naman ang bola ng volleyball at muling lumingon para ibigay sa isang grupong
naglalaro nun.
And that’s
how I saw it.
“Ayos lang.
Eto oh.” baling ko sa
estudyanteng kasama sa naglalaro ng volleyball at ibinato ko na iyong bola.
Nagpasalamat sila at nagpatuloy na sa paglalaro.
“Jane, tara
na.” sabi ni Neth
nang mapansin na hindi pa ako naglalakad.
Patuloy ko
pa ring tinitignan ang janitor -na nahuli kong nakatingin sa amin- na ngayon ay
tila ba natataranta na dahil nagtama ang mga mata namin kanina. Nagsimula na
rin siyang maglakad palayo.
“Okay.”
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
After ng
second period namin, pumunta na kaming magkakaibigan sa cafeteria. Hindi naman
college break ngayon kaya naman kaunti lamang ang mga estudyante dito’t madali
lang kaming makahahanap ng pwesto. Hindi naman namin kasama si Neth ngayon dahil
may activity or meeting yata silang mga scholars at sinabi niyang mamaya na
lang daw siya kakain. Samantalang kaming tatlo naman nila Al at Grace ay
sinubukan nang sumali sa WSMC, at sa kabutihang palad ay natanggap naman kami.
“Grabe gah!
Kinabahan ako kanina! Buti na lang sinalo mo ako Jane dahil naku kung hindi
baka sumablay tayo!” sabi ni Grace nang makahanap na kami ng pwesto. Si Al naman ang bumili
ng pagkain kaya naman nagpabili na lang din kami ni Grace. Tinatamad kasi
kaming tumayo’t pumila eh! Haha
“Kahit naman
ako kinabahan noh. At isa pa maganda naman talaga yung boses mo, imposibleng di
tayo matanggap. Ikaw kaya nagdala sa grupo natin! Back-up singer lang ako.”
“Aysus!
Pahumble epek! Ewan ko sa’yo Jane. Maganda rin naman boses mo ah!”
“Oo na! Sige
na! Ayaw paawat teh?”
Patuloy lang
kaming nag-usap at nagtawanan ni Grace nang dumating na si Al dala ang mga
pagkain namin.
“Girls,
balita ko malapit na raw ang laban ng mga Waldroves ah? Gosh! Ang bali-balita
dito eh sobrang gwapo daw ng team captain nila! Yung tipong makalaglag panty!
Kyaaa!!!”
Nagkatinginan
naman kami ni Al at sabay kaming napangiti habang si Grace naman ay
nagha-hyperventilate na dito sa harap namin. Magkatabi kasi kami ni Al. Sa
totoo lang, wala pang nakakaalam kung sino ang mysterious sister ng hinahangaan
ng mga kababaihan na si ‘Alec Alvarez’. Iyan ang tawag kay kuya dito at
maraming gustong makaalam kung sino nga ba itong kapatid niya dahil may rumor
na kumakalat na sa akin lang daw tumitiklop ang lalaking iyon. I guess may
katotohanan naman sa balitang ‘yon. Serious type of guy kasi si kuya Nathan at
sinasabi nilang nawawala yung aura niya na iyon kapag kasama na niya ako.
Well.....ano nga bang masasabi ko? Bipolar naman kasi yun eh. =__=
“Oo,
nabalitaan nga namin ni Aya yun. Gusto mo bang manuod? Sabay-sabay na lang
tayong bumili ng ticket. Isama na rin natin si Neth.”
“Ay! Gusto
ko yan sister! Syet kinikilig ako!”
Patuloy lang
kami sa pagkain at pag-uusap nang biglang nakatanggap si Al ng text at sinabi niyang
may pupuntahan daw muna siya sandali. Tinapos na muna niya ang pagkain niya
bago tuluyang lumabas ng cafeteria.
Matapos
namin kumain, pumunta kami ni Grace sa music room ng club namin para makahiram
ng isang guitar at bass. Tutal marami pa naman kaming oras bago magsimula ang
next class namin kaya naman napagkasunduan naming mag-practice muna.
“Amirah,
pwede bang humiram ng isang guitar at bass? Ibabalik din namin after an
hour.” nakangiting
paalam ko kay Amirah. Siya ang president ng WSMC. Medyo petite siya, morena at
may buhok na abot hanggang leeg na kulot at itim na itim.
“Sure!
Anytime pwede kayo humiram dito but make sure na iingatan niyo yan ha?”
Tuwang tuwa
naman ako ng makahiram kami. Nagpaalam na muli kami at dumiretso sa rooftop ng academy.
Maganda na magpractice dito dahil tahimik at maganda ang ambience.
Si Grace
muna ang unang kumanta. Grabe ang ganda talaga ng boses niya. Yung tipong kapag
narinig mo na iyon ay mapapapikit ka na lamang. Pagkatapos niya kumanta ako
naman ang sumunod. Maraming beses ko nang pinakinggan ang kanta na ipe-present
namin ni Neth bukas. Nakabisado ko na rin ang lyrics kaya madali na lamang sa
aking kantahin iyon. Matapos ang 15 minutes nagkwentuhan na lang kami.
“Okay.
Mag-isip naman tayo ng kanta na nagdedescribe sa feelings na meron tayo. Yung
feelings na nakatago sa kaibuturan ng puso natin. Yung unheard feelings. Yung
katago-tago na feelings.......yung feelings na mailalabas mo sa pamamagitan ng
pagkanta.”
I was
totally amazed doon sa sinabi niya. Napagkwentuhan kasi namin na kapag
kumakanta ka sa maraming tao o sa harap ng kahit na sino, parang ipinapakita mo
na rin iyong kalahati ng sarili mo o ng nararamdaman mo. That’s how Grace ended
up saying those things.
“Ako muna.”
Huminga muna
ng malalim si Grace bago nagsimula.
‘I don't
know what I want, so don't ask me
Cause I'm
still trying to figure it out
Don't know
what's down this road, I'm just walking
Trying to
see through the rain coming down.’
Nagsimula na
rin akong tumugtog ng bass habang nakatitig sa nakapikit na si Grace. Napangiti
naman ako. She’s really an extraordinary girl.
‘Even though
I'm not the only one
Who feels
the way I do.’
Nang hindi
ko na mapigilan, sinabayan ko na rin siya sa pagkanta. Second voice lang ako.
‘I'm alone,
on my own, and that's all I know
I'll be
strong, I'll be wrong, oh but life goes on
Oh, I'm just
a girl, trying to find a place in this world.’
Dumilat
naman siya at nakangiting tumingin sa akin. I returned hers with a smile too.
This feels
normal. Actually this is normal. Mga ganitong bagay dapat ang inaatupag ko.
More time for myself and my friends. Some quality time talking to them ang
opening yourself to them. And doing so really is a great feeling. Parang iyong
mga burden na dinadala mo ay nailalabas mo. This is how I realized na may mga
kaibigan ako na pwede kong labasan ng mga nararamdaman ko.
But this is
not the right time.
Iyong
problemang mayroon ako, masyadong kumplikado. Kahit nga ako medyo naguguluhan
pa. Ang dami ko ring tanong na hindi ko pa nahahanapan ng sagot. Seeing Grace
like this, iyong ino-open niya ang sarili niya sa akin, I feel guilty. I have
this feeling of betrayal on her part. Siya nagagawa niyang i-express ang sarili
niya sa akin pero ako hindi. Hindi ko nga alam kung kaya ko.
“Jane, ikaw
naman dali!!”
Natuwa naman
ako sa pagka-excited ni Grace. Hiniram ko naman muna ang guitar sa kanya.
Huminga ako ng malalim at saka ipinikit ang aking mga mata. Ano nga ba ang
pakiramdam na matagal nang nakatago sa puso ko? The feeling that I’ve never
dared acknowledge? I guess only I can express it into a song, tulad ng sabi ni
Grace.
‘When I’m
overwhelmed by missing you
Will this
love reach you?
Just seeing
you appear in the little window
Makes me
happy’
I expect
myself to welcome those feelings na nararamdaman kong unti-unting umuusbong sa
puso ko. I expected those feelings.......but I guess I was the one being
welcomed. Not with those feelings.....
.....but
with those unexpected memories.
Habang
nakapikit ako, dinumog ako ng mga iyon. Nagulat ako at the same time naguluhan.
Pero hindi ko hinayaan ang sarili kong mawala. Hinayaan ko lang ang mga iyon na
ilantad ang lahat lahat sa utak ko. Para akong nanunuod ng t.v. na sira ang
reception. Malabo.
Ipinagpatuloy
ko pa rin ang pagkanta kahit na nararamdaman ko na ang pag-init ng mga mata ko.
Alam kong anytime babagsak na ang mga luha ko kahit na nakapikit ako.
‘When I
carried with me
The teardrop
you quietly left behind that day
It expressed
my dreams’
Another word
that kept on bugging me. Dreams. Are these all just part of my
dream? Seems like impossible.
I saw faces.
I see his
face.
And I’m sure
I just called him Drew yesterday night.
The Drew I
remembered na kasama ni Miracle that fateful day sa isang garden sa orphanage.
Drew.......
.........then Drick later
on.
Drew......
....the one
who stole my first kiss.
Imagination
ko lang ba lahat ng mga ‘to?
Ayokong
mag-assume pero hindi naman siguro mali kung susubukan kong paniwalaan right?
Wala namang mawawala. All I need is to fix this mess, to have more time.
More time to
figure things out.
Right.
‘Stay with
me, you’re my huge light, only mine
Stay with
me, I want to keep holding hands with you
Forever,
forever
And I want
to walk the road to tomorrow.’
(A/N: See
picture of Jane on the side.)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagsimula na
ang last subject namin for today. MANALOG na ang last subject na iyon kaya
naman talagang nakinig ako sa prof. namin. Tinatanong ko nga minsan si Al dahil
may mga part na hindi ko maintindihan. Thank goodness naintindihan ko rin bago
tumunog ang bell.
Nagsimula
nang magsitayuan ang mga blockmates ko. Yung iba uuwi na siguro at ang iba
naman ay magpapractice muna.
“Al, mauna
ka na umuwi tutal tapos naman na kayong magpractice ni Grace. Magse-stay muna
ako dito sa school pero mga thirty minutes lang naman.”
“Are you
sure?”
“Sige na Al,
kaya kong umuwi mag-isa! Haha. Para kang si kuya kung umasta. Overprotective
much?”
She rolled
her eyes. Oh, my typical Al.
“Ewan ko
sa’yo Aya! Eww lang. Like....eww!”
“Maka-eww ka
naman wagas!”
“Wala akong
pake sa kanya!”
“Nag-away
nanaman ba kayo?”
“Ang tanong,
kelan ba kami nagkasundo?”
o_O
“Oo nga
noh?”
“Hay nako
Aya! Sige na una na ako. Ingat sa pag-uwi ha?”
“Sure! Ingat
ka rin!”
Nag-wave na
siya at naglakad na palabas ng classroom. Nilibot ko naman ang paningin ko at
sa di inaasahang pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin ni Geff. Siya ang
unang umiwas at lumabas na rin ng room kasabay sina Phin at Darren.
“Jane.
Magkita na lang tayo sa Auditorium ha? Inutusan kasi ako ni Sir na dalhin ‘tong
mga libro sa department nila eh.” Sabi ni Neth habang inaayos iyong mga librong hawak
niya.
“Okay.” I smiled at her at umalis na rin.
Bago pumunta
ng Auditorium, nagtungo muna ako sa c.r. para mag-ayos. Pagkapasok ko, nakita
ko ang isang janitress na naglilinis sa bawat cubicles. Habang nag-aayos ng
sarili, naalala ko iyong janitor na nakamasid sa amin ni Neth habang
naglalakad. That caused me goosebumps. Hindi naman siguro masamang tao yun
hindi ba? I mean hindi naman kukuha ang academy ng mga employees nila na hindi
mapagkakatiwalaan? Haayy...
My life
keeps on getting more complicated each day.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------