Chapter 11: First kiss

Jane’s POV

“Anong sabi mo?” pagtatanong niyang muli.

Nagulat din ako sa kung ano yung nasabi ko.

Ayokong ipahalata na natataranta na ako’t parang natutuliro na dahil sa mga nangyayari kaya naman itinulak ko siya ng buong lakas. Pero parang tumulak lang ako ng pader. Syete. Pero nagawa ko namang ilayo siya sa akin kahit konti.

“Ikaw! Bakit mo ba ako kinaladkad papunta dito sa garden ng academy ha?! Alam mo bang ang hapdi ng pulso ko dahil sa sobrang higpit ng paghawak at ng paghila mo sa akin? ANO BANG PROBLEMA MO?!”

Nakita ko kung paano siyang nagulat sa naging outburst ko na para bang hindi talaga niya inaasahan iyon. Parang naguilty tuloy ako. Eh sa masisisi niyo ba ako? Sobrang hapdi talaga ng pulso ko. Tapos kaladkarin ka raw ba? Aba! Di magandang ugali yun ano!

Sinubukan naman ni Geff na maging seryoso pagkatapos ko siyang sigawan. He’s actually trying to hide his shock, but of course he failed.

“What’s up with you and him?”

Ano raw? Pwede paulit?

“HA?”

Pumikit naman siya na parang nagtitimpi. Ayy sorry sa mala-megaphone kong boses. Eh nakakagulat naman kasi ang tanong niya! Ano bang konek nun sa pagkaladkad niya sa akin? Isa pa akala ko kasi magsosorry siya iyon naman pala magtatanong siya kung “What’s up with me and him?” Sino ba kasi ang tinutukoy niya?

“Hehe...err....sorry kung ang lakas ng boses ko. Sino ba kasing tinutukoy mo?”

Napaatras naman ako nang bigla nanaman niyang inilagay yung mga kamay niya sa magkabila ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin. His face is too close that I can almost inhale him.

Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng mukha ko kaya iniiwas ko na lamang ang aking tingin. Wagas kasi kung makatitig eh! Parang........ay ewan!

“Don’t play innocent here young lady. We both know who’s I’m talking about.”

Nak ng syemay! Umenglish ang mokong! Aba di ako papatalo sa isang to! Akala niya sa akin?

“Will I ask you if I know who’re we talking about? I’m not stupid if that’s what you think.”

Oh my gosh! I need a STANDING OVATION HERE! Akala mo ha? Marunong din akong mag-english! Hoho I’m so great!

“Shit! I’m serious here!”

Watda?

“I’M SERIOUS HERE AS WELL!”

“Can’t you just.....shut your mouth?!”

“WHY WILL I SHUT MY MOUTH HUH?!”

“‘Cause if you don’t—”

“WHAT? WHAT WILL YOU DO? YOU’LL PUNCH ME?!”

“No. I’ll kiss you and I swear....you’ll not gonna to like it.”

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Siya naman nakatingin pa rin sa akin ng seryoso.

“I’ll kiss you and I swear....you’ll not gonna to like it.”

Napalunok ako nang muli kong narinig sa dulo ng utak ko ang sinabi niya.

He’ll kiss me and he’s sure that I’m not going to like it.

Shemay! Bakit ba ako natakot sa banta niya? P-paano ba siya......humalik?

Waaahhhhh!!!!! Ayoko nang isipin kung paano! Kinikilabutan ako!

“What now?”

Amfufu. Halata sa boses ko yung pagkapaos. Nai-intimidate ako! Ghad! This is a first.

“Answer me.”

Kumunot naman ang noo ko. Naman eh! Sino ba kasing tinutukoy niya?

Mukhang naintindihan naman ni Geff ang tanong na kanina ko pa actually tinatanong na hindi naman niya sinasagot kaya paano ko siya sasagutin?

Bumuntong hininga naman siya na para bang mauubos na talaga ang pasensya niya.

“You and.....Alex?”

Naging mahinahon naman siya nang sinabi niya yan. Naguguluhan tuloy ako sa isang ‘to kung galit ba siya oh ano eh. Ang gulo niya!

Ako at si Alex?

“We’re friends. Why you ask?”

Okay. Parang alam ko na kung bakit niya tinatanong. Nakita nga pala nila kami kanina ni Alex na umalis sa library. At syempre alam ko naman na bestfriend niya si Phin dahil iyon ang sinabi niya noong nag-introduction sa room kanina.

“I swear we’re just friends. Kung bakit man siya nakipagbreak kay Phin, sa tingin ko kay Alex na dapat manggaling yung rason at hindi sa akin.”

“I don’t believe you.”

What?

“But I’m telling you the truth! Bakit ba hi—”

“You suck at lying.”

I suck at lying? But I’m not lying here!

Wait......

I think I had this conversation before.

Hindi ko lang maalala but I have this feeling na parang nangyari na sa akin ‘to.

“If you’re not lying, how can you explain the kiss?” He said with full sarcasm.

Kiss? Anong kiss?

“Wh-What? Anong k-kiss?” Hanubanamanyan! Ano ba ‘tong pinag-uusapan namin?!

“I told you, you’re not a good liar Jane. You told me that there’s nothing going on with you two but you just kissed? What the hell was that?!”

Kinilabutan naman ako nang banggitin niya ang pangalan ko. First time kasi. Sa totoo lang dapat kikiligin na ako eh kaso galit siya nang sinabi niya ang pangalan ko. Okay I admit, crush ko siya. Pero crush lang ha! Simula siguro nang nakita ko siya doon sa puno sa orphanage. There’s just something about him na parang mysterious. And the way he looked at me sa garden sa Ramirez’s palace, I just can’t explain those eyes of him. And the first time I saw his smile doon sa sasakyan nila Phin, it’s my fast beating heart that I couldn’t understand.

Kaso aarrrgggg!!! Naiinis na talaga ako sa kanya! Ano ba kasing pinaglalaban niya? At isa pa, anong kiss ba kasi yun? Kami ni Alex? Dyosmiyo wala pa ngang nakakahalik sa akin eh! At walang sinuman ang magtatangka!

At dahil parang wala naman nang patutunguhan ‘tong pag-uusap namin lalo pa’t mainit ang ulo niya eh hahayaan ko siyang magsalita dyan. Bahala siya! Period!

“Know what? I thought you’re different.”

Okaaayyy...where we’re going with this?

“But I thought wrong. You girls are all the same. Manipulative, flirt, desperate, need I say more?”

I.........I didn’t expect this from him.

Nagpanting ang tenga ko dahil dito.

Pero bago ko pa sagutin ang sinabi niya, doon lang nagsink-in sa akin ang sinabi niya kanina.

“I told you, you’re not a good liar Jane. You told me that there’s nothing going on with you two but you just kissed? What the hell was that?!”

Okay. Mukhang alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. He saw me and Alex at the rooftop. Nakita niya siguro ang paglapit ng mukha ni Alex sa akin and then he thought na we did ‘that’. Kung manonood lang din naman siya eh bakit di pa niya tinapos at nang malaman niya kung ano talaga ang nangyari?

Kaya naman imbis na sigawan ko siya dahil sa mga masasakit na salita na binitiwan niya, sinubukan ko na lamang kausapin siya nang mahinahon.

“You don’t know anything. Just so you know, I’m not like those girls you’re comparing me with. So you better not judge me just because of what you saw earlier.”

“Oh really? Then tell me, if you happen to witness ‘that’ done by your bestfriend’s ex and another friend of yours, what will you think of them?”

F-friend? Ako? Tsaka bakit ba ayaw niyang maniwala? Grabe namumuro na sa akin ang lalaking ‘to! Ano pang sense nang pagtatanong niya kung ang mga sinasabi ko hindi naman niya pinaniniwalaan? Kung ang sa tingin niya yung talagang nangyari ang paniniwalaan niya, pwes.....aaarrrggg!!!!

Putek wala na akong pakialam kung ano man yung banta niya sa akin kanina! Sisigawan ko siya dahil galit na galit na ako sa kanya! As in!

“I told you wala nga lang yun! Bakit ba ayaw mong maniwala?! At isa pa bakit ba sa akin ka nagagalit? Ako ba yung dahilan ng break-up nilang dalawa? Bakit ba ang hirap mong umintindi?! Stupid ka ba?! Aarrrghhh  you’re so stup—”

O__O

O.M.G.

He claimed my surprised mouth.

He....he was....kissing me.....harshly, torridly.

His kiss is full of hate, frustration, urgency.....full of emotions I couldn’t comprehend.

Hawak ng kanang kamay niya ang mukha ko at ang kaliwang kamay naman niya sa waist ko. Malayang malaya ang mga kamay ko pero bakit hindi ko siya magawang itulak? Nararamdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko’t panlalambot ng mga tuhod ko.

Humigpit naman ang paghawak niya sa bewang ko bilang suporta nang parang nawalan na ako ng lakas.

Seconds later, his kiss becomes mild and slow as if savoring each moment our lips move.

Shet! Anong nangyayari sa akin? I’m kissing him back for pete’s sake!

“You’re making me crazy.”

He whispered after breaking the kiss. Magkadikit ang mga noo namin while catching our breath. Hanggang sa naramdaman ko ang pagtanggal niya ng kamay niya sa mukha ko at ang paglakad niya palayo. Ako naman nakapikit pa rin at parang di maproseso ng utak ko kung ano nga ba ang nangyari.

“Just shut up. You’re so noisy for a girl. Tsk” pahabol pa niya.

Hanggang sa naramdaman ko nanaman ang mga pesteng luha na bumagsak nanaman sa mukha ko. Ito nanaman ang pakiramdam na hindi ko maintindihan.

My first kiss.

Wala na.

T__T

Geoffrey Mendez. PUNYETA KAAAA!!!!! Sarap mong ibaon sa lupa!!!!

(A/N: See picture of Jane and Geff on the side.)

Dahil sa aftershock ng nangyari sa akin, eto ako ngayon....nakatayo....nganga.....laglag panga. >__<  Ano bang nangyari sa akin? Bakit ko tinugunan yung ano........yun nga.

Syet! Nababaliw na yata ako.

Naramdaman ko naman ang biglang pag-ihip ng hangin kaya naman kinilabutan ako. Napagdesisyunan ko nang bumalik sa........

Oh My God.

SI NETH!!

Bigla naman akong may narinig na mga footsteps papunta sa pwesto ko kaya lumingon ako. Nagulat ako nang si Neth pala ‘to. Ghad I just forgot about her!

“Hala Neth sorry! M-may nangyari kasi kaya....ayun natagalan. Sobrang tagal mo bang naghintay?”

Susme Jane! Tingin mo? Gaano katagal naghintay si Neth sa’yo sa LC?

“De, ayos lang. Ikaw? Ayos ka lang ba?”

Nabahala naman ako sa way ng pagtingin niya sa akin. Galit kaya siya? At isa pa, ano na kaya ang itsura ko ngayon? Mukha pa kaya akong tao? Kung hindi eh di na ako magtataka kung pagmasdan ako ni Neth nang ganyan. After all that happened, I guess mukha na talaga akong bangag.

Now that I think about it, okay nga lang ba ako? Aside doon sa nangyari a while ago...well if you ask me about my breakdown kanina bago ako hilahin ni Geff, I guess all in all I still can’t fathom my feelings yet.

And up until now I still am thinking about dun sa pagtawag ko kay Geff ng.......Drew.

Now, why did I call him that?

Basta right now nakakaramdam lang ako ng pagod after all the tears I cried. Ayoko muna mag-isip nang mag-isip dahil wala na talaga akong lakas. Maybe I’ll think about it tomorrow, but definitely not now.

I was taken aback when Neth suddenly envelope me with her warm hug.

Aww....my sweet friend. Kailan ko nga ba sinabi na napakaswerte ko’t nakilala ko siya? I guess hindi ko pa nasasabi but yeah, I’m one lucky girl. Kahit isang araw pa lang kami nagkakasama, it feels like being with her worth my time.

And she understands me. Well. Too well that I didn’t have to pretend in front of her.

I feel like an open book when I’m with her and it’s not a bad thing.

I was about to rest my head sa shoulder ni Neth when I saw a mad and....hurt Phin, walking towards us, closed fists on her sides.

“Phin?”

Humiwalay naman si Neth sa pagkakayakap sa akin at ako naman nakatingin lamang sa kanya. Right now I should be feeling sorry and at the same time guilty pero naisip ko bakit naman ako makakaramdam ng ganoon? I’m not bitter alright, pero gusto ko lang muna ng distance between me and her dahil hindi naman ako ganoon kainsensitive para lapitan pa siya then talk random things with her knowing na pag nakikita niya ako ay naaalala niya si Alex and she sees me as the root of their breakup.

Nang nalaman ko na naging sila ni Alex, I admit I hated her in one snap. If you ask me, Alex was my childhood sweetheart. Kahit cheesy at ang korny, iyon ang totoo. I loved him back then and I swear to myself na sa kanya ako magpapakasal pag lumaki na ako. I lived my life knowing I’m in my own fairy tale with a happy ending. For me, Alex is my happy ending. Pero nasira lahat ng iyon when he suddenly left me without a word. Then after so many years, I saw my prince with another girl. How cool was that? Pero kanina ko lang narealize na wala na ang feeling na iyon. Yung love. Iniisip ko kasi na hanggang ngayon akin pa rin siya pero paano ko naman gagawin iyon kung wala na ang feeling na kailangan para manatili siya sa akin? Now I know, matagal na akong nakamove on. Hindi lang ako aware pero I know right now I have a mended heart. I’m just not aware because I was fed up with the idea na mahal ko pa rin si Alex kahit na ang totoo ay hindi na. I still love him pero as a friend na lang talaga.

And about Phin? I don’t know.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Someone squeezed me at dahil ‘don nagising ako.

“Jay we’re here. Gising na.”

Umupo naman ako nang maayos mula sa pagkakasandal ko kay kuya. Nakita kong andito na kami sa street ng Pad na tinutuluyan namin kaya nag-para na kami.

After the incident earlier concerning Neth and Phin which is medyo nastress ako, umuwi na kami ni Neth at nakasalubong namin si kuya Nathan malapit sa gate ng academy kaya sabay-sabay na kami. Yung hotel na tinutuluyan ni kuya which is pag-aari ng academy ay malayo dito kaya ewan ko ba sa kapatid ko at inihatid pa ako. Pero syempre alam ko naman na ayaw lang niya akong umuwi nang mag-isa dahil gabi na nga naman and I find this gesture of him sweet.

I don’t know kung alam na ni kuya na bumalik na si Alex pero I doubt na magugustuhan niya ang balitang iyon. Considering my brother’s very temperamental attitude, I ignored the thought of telling him.

Pagpasok namin sa room, sinalubong na kami ng amoy ng alak. ALAK?! Bakit amoy alak sa room namin?

Pumasok ako kaagad at sumunod lang si kuya sa akin. And there she is. Si Al na nakahiga sa sahig wearing only her bra at jeans na nakaunbotton pa.

“Oh my God Al!”

At ngayon ko lang naalala na kasunod ko pala si kuya sa pagpasok at pagkalingon ko sa kanya eh nakita kong nanlalaki ang mga mata niya pero iniwas din naman niya agad ang tingin niya at kitang kita rin ang pamumula ng mukha niya.

“KUYA GET OUT!!!”

Halos mapatalon siya nang sinigawan ko siya. He looks annoyed okay.

“Ugh, Jay! You don’t have to shout you know?!” iritado niyang sabi.

“Eehhh kuya lumabas ka na nga!”

“Alright! Alright! Ito lalabas na.”

At sinunod naman niya ako.

Muli ko namang nilingon si Al. Ano naman bang nangyari dito? Grabe ngayon ko lang siya nakitang ganyan. May problema ba siya? Sobrang malala ba ang problema niya to the point na uminom pa siya?

Bukas lang talaga sasabunutan ko ‘tong babaeng to! Swear!

Sinikap kong madala si Al sa may sofa dahil di ko siya kayang bitbitin hanggang kwarto namin. Sa totoo lang kasi mas matangkad sa akin si Al kaya naman ang hamak na katulad ko eh di siya kayang buhatin to think na wala talaga siyang malay. Kumuha lang muna ako ng tubig at towel at pinunasan ko lang siya para mawala naman ang amoy ng alak sa kanya. Dinamitan ko na rin siya at kung tatanungin niyo ako eh di talaga biro ‘tong ginagawa ko.

Pumunta naman ako sa labas ng room namin only to find out na nandun pa pala si kuya sa labas.

“Kuya? Ba’t andito ka pa? Akala ko umuwi ka na?”

Tumingin naman si kuya sa akin. Nagtetext siya nang nakita ko siya kaya nang nagsalita ako ay napatingin siya sa akin. Alam ko naman kasing wala sa bokabularyo ng kapatid ko ang magpaalam kapag aalis na siya kaya akala ko noong sinabi ko na lumabas na siya ay aalis na talaga siya.

“Ok na ba?”

“Okay na si Al kaso di ko siya mabuhat sa kwarto namin kaya andun lang siya sa may sofa nakahiga.”

“Oh. Sige alis na ako.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Seriously hindi niya naintindihan ang sinabi ko? Hindi ba halata na humihingi ako ng tulong sa kanya na buhatin si Al sa kwarto namin para makahiga na siya nang maayos? Ano ba namang lalaki ‘to! Wala ata sa genes ne’to ang pagiging gentleman!

Naglalakad na si kuya paalis kaya hinabol ko saka ko siya binatukan. As in batok na malakas. Bwisit kasi eh!

“Kuya naman! Di ba halata na humihingi ako ng tulong sa’yo na buhatin si Al?! At isa pa gabi na kaya dito ka na matulog.”

And with that tinalikuran ko na siya. Naaasar talaga ako sa kanya!

Alam kong nagalit din si kuya sa akin dahil sa pambabatok ko kaya nga umalis kaagad ako para hindi na niya ako masigawan.

“Anong gusto mong kainin?”

Ako na ngayon ang nakaupo sa sofa na hinihigaan ni Al kanina. Kinarga naman na ni kuya si Al papunta doon sa kwarto namin kaya okay na. Nagbabasa lang ako ng novel book at si kuya naman ang nagpresinta na magluto. Siguro it’s just his way to say sorry and as his compensation from before. Sweet naman yang si kuya sa akin at ayaw niya na may nagtatagal na tampuhan sa aming dalawa and when he knows that he’s really at fault, syempre siya ang gagawa ng move para magkabati kami.

“Anything will do.” sabi ko nang walang gana.

Narinig ko ang pagbubuntong hininga niya at nagsimula na siyang magluto.

“Masarap ba?”

I nod at him as an answer habang patuloy na kinakain ang adobong niluto niya. I must say he’s really something pagdating sa pagluluto. How come na ako hindi?

Then I heard my brother laugh na para bang amuse na amuse sa way ng pagkain ko.

And with that, our war ended.

Payapa na kaming kumakain ni kuya nang bigla na lang lumabas si Al galing sa kwarto namin at nagmamadaling dumiretso sa cr.

“Nag-away ba kayong dalawa?”

Nagulat naman ako sa biglang pagtatanong ni kuya.

“Hindi ah! What made you think na nag-away kami?”

“Wala lang.”

“Kung mag-aaway man kami hindi magtatagal yun ng isang minuto.”

At totoo yan. Kasi kung mag-aaway man kami, it’s either ako o siya ang unang magsosorry. Depende kung sino yung may kasalanan. Pride is nothing pagdating sa mga kaibigan. Ganun ako at ganun din si Al.

“That figures. Know what? I shouldn’t be the one telling you this but I think you deserve to know because you’re her friend. Bestfriend to be exact. Well, I guess her problem is something that concerns her relationship with her boyfriend.”

“Boyfriend? Wala yatang nababanggit si Al sa akin na ganyan. Paano mo naman nasabi?”

Huminto naman si kuya sa pagkain at parang nag-iisip ng dahilan kung bakit nga ba iyon ang tingin niyang problema ni Al.

“Before Al went sa bahay natin, nautusan ako ni mom na pumunta sa bahay ng mga Santillan para sabihin kay Al na magready na at susunduin na lang siya ni mom. When I got there kasama si kuya Mark, I saw her in their garden arguing with someone over the phone.”

“Then?”

Sarap batukan neto ni kuya! Nambibitin pa kasi eh!

“I heard her saying something about—”

*BAM*

Halos mapatalon naman ako sa malakas na pagbagsak ng pintuan ng cr.

Dumiretso si Al sa amin ni kuya, kumuha ng baso’t pinuno iyon ng tubig, saka siya uminom ng tuloy-tuloy.

“Hey. You owe me an explanation Al.”

“Yeah.” sabi niya pagkalapag niya ng baso sa table.

“Nagugutom ka ba? Eto oh may adobo.”

“Sino nagluto?” tanong ni Al habang nakatingin doon sa adobong nakahain.

“Ha.Ha. Di ba obvious Al?”

Haay nako, kunwari pa ‘tong si Al na di alam kung sino ang nagluto!

“Aya medyo masakit pa yung ulo ko. Wala rin akong gana kaya matutulog na lang ako.”

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba o ano pero parang habang sinasabi niya iyan ay masama siyang nakatingin kay kuya.

Must’ve been my imagination.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

After ko maligo, humiga na ako sa tabi ni Al na mahimbing nang natutulog. Si kuya naman doon na sa sofa bed matutulog. Sabi niya ayos din daw iyong minsan doon siya natutulog sa pad na tinutuluyan  namin para daw at least nache-check niya kami.

My oh so overprotective brother. Whatever.

Bago ako nakatulog, I just found myself staring at the ceiling while my fingers linger on my lips.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------