Chapter 13: Curious
Jane’s POV
Matapos kong mag-ayos sa c.r., naglakad na agad ako nang mabilis para pumunta sa auditorium. Doon namin napagkasunduan ni Neth na magpractice ng kanta para sa class namin bukas sa OSWALDS. Big deal talaga ‘tong presentation namin dahil sakop nito ang malaking percent ng grade namin. This is really too sudden to think na third day pa lang namin bukas sa Lockhart Academy. Ang dahilan naman ni Miss eh gusto niyang makita ang mga talents namin at para na rin daw makilala niya kaming lahat. Hindi naman daw kami mahihirapan dahil talent naman daw namin ang pinag-uusapan. And to make things more challenging, kailangan talent namin at ng partner namin ang ipe-present namin. Is it possible? Siguro kay Miss oo. Bahala na!
Medyo malayo pa ang lalakarin ko bago makarating sa auditorium nang tumunog ang phone ko.
“Oh my God!” I exclaimed excitedly.
I immediately push the answer button.
“Daddy!”
“Hello princess. Am I interrupting you? May class ka pa ba?” halata sa boses ni daddy ang pagod.
“Dad I miss you. Nope, tapos na yung class namin. I guess si kuya nagpa-practice pa ng basketball kasama yung teammates niya. Dad are you okay?” I just heard him coughed.
“I’m okay. Just tired from doing those paperworks. Glad I had the time to talk to you, well I’ll always have the time to talk to you anyway.” he sigh heavily before continuing. “By the way, maybe next month makakauwi na ako. Our company had successfully merged with Vargas’s company so only few works are necessary to finish then I’m free.”
“Really?! Akala ko matatagalan pa? You told me that yesterday.” Noong sinabi sa akin ni Alex ang tungkol sa pagme-merge ng company ni daddy at ng sa dad ni Alex sa rooftop, nasabi na sa akin iyon ni daddy beforehand kaya nga matatagalan pa siya bago makauwi. Then sa isang iglap ayos na lahat ng dapat asikasuhin? I’m not yet smart to know about those business processes but I’m sure marami pang proseso bago maging successful yun. I’m not ‘that’ oblivious.
“No. Matagal nang inaasikaso ang merging of companies’ ng mga Alvarez at Vargas. Akala ko lang matatagalan pa but it turned out it’s the opposite of what I’m expecting. Jane, why do I have this feeling you don’t want me yet to return in our home? Don’t you miss daddy?”
“N-no! Of course not daddy! I miss you so badly you know. Kuya misses you too. Mom does too. Your presence really is necessary by this moment.” I said fondly. But something bothers me although I’ll not let that ruin the atmosphere.
“That’s my girl!” he laughed as if I just said one of the most ridiculous jokes ever. I sigh. I really miss my father. Even if he's not my real one, I will still love him and accept him as my own.
“Your kuya told me something, princess. Is something bothering you? Do you have problems nowadays? Or does your head hurt? Please tell me. I’ve been worried sick when he called me this afternoon.”
“What?” I just ponder what my father had just told me. Or rather what he just asked me. Seriously? Al asked me the same question. Not the exact one but still the same implication. After a reasonable minute of silence, I answered him with an acceptable and.......err.....safe response.
“Nothing dad. What made you think I have a problem? What did kuya told you specifically? I have this feeling he’s up to no good.” Kaasar si kuya!! Ano nanaman bang sinabi niya kay daddy? Problemado na nga siya tungkol sa trabaho tapos dadagdagan pa ng kumag na ‘yun.
“Don’t blame him.” is just his response. First, Al. Second, kuya. Third, daddy. Who’s next? Mom? Arg! I can’t take this. I guess they’re the ones who are hiding something from me or they’re the ones who have problems. Not me. Kung meron man, wala naman akong pinagsasabihan ng tungkol dun! How come they concluded na merong ‘something’ na nagba-bother sa buhay ko ngayon?
“Alright dad. I’m telling you this not because I don’t want you to worry but because it’s the truth.” well....half-truth. I said to myself.
“I don’t have any problems. Yet. That’s because wala pa naman kami masyadong dapat problemahin like academics or club activities or projects. A typical student does have those problems. But personal problems, wala dad. As in wala. Paranoid lang si kuya. Actually, ‘protective’ is the right term. Don’t mind him. And please dad, please, avoid thinking too much. Please don’t stress yourself. Like I said I’m okay. 100% okay.” Grabeng assurance na yan! Sana naman isapuso talaga ni dad.
He sigh heavily again.
“Okay. I believe you.”
“Thanks dad. And dad, uminom ka ng gamot ha? Huwag mong ipagwalang bahala yang ubo mo.”
“Yes. Will definitely do.”
Medyo humaba pa ang naging usapan namin ni dad after nun. Kinuwento ko lang ang mga nangyari sa akin kanina. Ipinakilala ko rin sa kanya sila Neth at Grace.
“I bet they’re pretty well influenced, intelligent, and talented. They have to be.” Then he laughed. A genuine one.
Nang napansin ko na ang oras, I bid my goodbye to dad. Shocks! Eto nanaman ako. Nalimutan ko nanaman si Neth! Ugh.
Aalis na sana ako sa bench na inupuan ko nang tumawag si daddy nang biglang may humawak sa braso ko. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak but still it caused me to be startled and for my heart to beat fast. Nang lumingon ako, tumambad sa akin ang isang lalaki na mga nasa 40s, he have this desperate look na lalong nagpatindig sa balahibo ko. Wala nang tao sa part na ito ng academy at tanging isang lamp post lamang ang nagsisilbing liwanag sa lugar na iyon.
The realization of who the man was made me feel worse.
The janitor earlier.
“Bakit po?” dahan dahan kong sinabi. Kahit na gusto ko na lang tumakbo at iwanan siya ay hindi ko pa rin magawa. Parang dumikit na yata ang mga paa ko sa lupa.
Kahit na parang desperado siya na ewan, nagawa pa rin niyang ngumiti para siguro i-assure akong wag matakot sa kanya at safe naman na kausapin siya. Only it didn’t.
“Pasensya ka na pala kanina iha kung natakot kita sa pagmamasid ko sa inyo ng mga kaibigan mo kanina. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.” Binitiwan na rin niya ang pagkakahawak niya sa akin (Thank you Lord!).
Sabi nga nila “Curiousity killed the cat” dahil ito na nga at may pagkakataon na akong tumakbo pero ito at nacurious pa at gusto pa siyang tanungin.
“Hindi niyo po mapigilan ang sarili niyo saan?” Tanong ko sa kanya nang mapansin kong malalim na ang kanyang iniisip na para bang nalimutan niyang nasa harapan pa pala niya ako.
“Yung babaeng kasama mo kanina, anong pangalan niya?” Kung kanina naku-curious na talaga ako, ngayon natatakot nanaman ako. Bakit gusto niyang malaman ang pangalan ni Neth? Aish! Dapat pala talaga tumakbo na ako kanina pa!
Nang mapansin ng lalaki sa harapan ko na nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi o nang nakita niya na parang natatakot na ako –actually natatakot na talaga ako, nagsimula na siyang magsalita ulit. Hindi ko alam kung ano sa dalawa iyong nakita niya sa mukha ko pero sapat na siguro iyon para malaman niyang gusto ko nang umalis.
“Kamukhang kamukha niya ang isang batang inalagaan ko dati. Ilang taon ko na siyang hindi nakikita pero kahit na ganoon ay tandang tanda ko pa rin ang mukha niya.”
“Si Neth po ba ang tinutukoy niyo?” Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
“Iyon ba ang pangalan ng kaibigan mo?”
“O-opo.” Shemay! Tama ba ‘tong ginagawa ko?
“Nakikita kong mabuti kang kaibigan sa kanya kaya sana alagaan mo siya parati. Sige na iha pasensya ka na sa istorbo. Magandang gabi. Mag-ingat ka sa pag-uwi.” At lumisan na siya.
Okay.....what was that?
Tumakbo naman na ako papunta sa auditorium habang binabatukan ko ang sarili ko. Grabe ang laki na talaga ng kasalanan ko kay Neth! Bukas talaga babawi ako sa kanya.
Nang marating ko na ang auditorium, tiningnan ko muna ang wristwatch ko. 30 minutes late na ako. T__T
Papasok na sana ako nang may marinig akong tumutugtog ng piano at isang napakagandang tinig na kumakanta.
‘Please don't let me go
I just wanna stay
Can't you feel my heartbeats
Giving me away’
Sumilip ako sa loob para malaman kung sino ang mga tao roon.
Madilim ang halos kabuuan ng auditorium at ang tanging ilaw lamang ay ang spotlight na nakatutok sa isang piano sa kanan ng stage. Dahan dahan ay umupo ako sa isa sa mga upuan sa kabilang dulo na malayo sa pintuan at pinagmasdan ang dalawang taong nakaupo sa tapat ng piano.
Si Geff na tumutugtog.
At si Neth na kumakanta.
Habang pinanonood ko sila, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko hindi iyon maganda.
‘I just want to know
If you too feel afraid
I can feel your heartbeats
Giving you away
Giving us away’
Sa buong araw na ito sinubukan kong huwag isipin ang kung anumang nangyari kagabi sa aming dalawa ni Geff dahil kahit ako, hindi ko alam kung ano nga ba iyon. The sudden flooding of memory or whatever you call it in my head, the ‘Drew’ thing, his outburst, my outburst, and the kiss na nagpayanig sa buong sistema ko. Ang dami kong hindi maintindihan.
Alam ko namang kaya siya nagalit sa akin kagabi ay dahil nakita niya kaming dalawa ni Alex na magkasama sa rooftop at binigyan naman niya iyon ng kahulugan. Alex was Phin’s ex while I’m....well....his former....err.....first love? Ewan ko sa kanya kung ano nga ba niya ako. Natural lang na magalit si Geff dahil bestfriend niya si Phin and that I understand. But for me, Alex is just my friend and still will be. Akala ko lang nandoon pa rin yung stupid ‘crush’ ko sa kanya pero wala naman na, nag-assume lang ako na meron pa rin. His outburst was one thing, but his response on me calling him Drew was another thing.
I distracted him by yelling at him pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang naging expression niya nang tawagin ko siya sa pangalang iyon. Hindi ko alam pero sadyang kamukha lang talaga niya iyong lalaki sa alaala ko o doon sa bahagi ng panaginip ko. Hanggang ngayon hind ko pa rin alam kung ano ang itatawag doon. And it was like he is the modern version while ‘that’boy was the younger version of him. But still I’m not sure. Maybe it was just a coincidence? But what about his reaction? Was he just caught off guard? Or inisip lang niya na nabubuang na ako at tatawagin ko siya sa pangalang hindi naman niya.........
.....wait. What was his full name again?
Bumalik lamang ako sa realidad galing sa la-la-land nang tumigil na si Geff sa pagtugtog. Wala na akong nagawa kundi ang magtext kay Neth.
To: Neth
Neth I’m really sorry. Hndi n ako mkakapnta sa audi. Mybe tom.? Sorry! Emergency. Ingat sa pg-uwi!
Narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ni Neth, hudyat na nareceive niya ang text ko.
“Si Jane ba yan?” Hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako sanay na binabanggit niya ang pangalan ko kahit na sa ibang tao pa niya sinasabi.
Tumango lang si Neth.
“Anong sabi?”
Iniangat naman ni Neth ang tingin niya mula sa cellphone patungo sa kanya. Magsisimula na sana siyang magsalita pero may kung anong nagpatigil sa kanya.
Geff was looking at Neth with awe while Neth was looking up at him as if seeing him for the first time.
To make everything short, they’re staring at each other.
(A/N: See picture of Neth and Geff on the side.)
And I can’t help myself but to stare at them too kahit na ang buong katawan ko eh gusto nang umalis at umuwi na.
Dahan-dahan, dinala ni Geff ang kamay niya patungo sa bangs ni Neth at inayos ito.
“Meron kang scar.”
“Ha?”
Itinutok naman ni Geff ang hintuturo niya sa itaas ng kaliwang kilay niya.
“Here.”
Para namang nabuhusan si Neth nang malamig na tubig dahilan para mautal siya at magsalita nang tuloy-tuloy.
“A-ah. Oo nga. Ahm....kelan ko lang din nalaman. Hindi ko naman kasi masyadong binibigyan ng pansin ang maliliit na bagay eh. P-pero hindi naman yan yung dahilan kung bakit ako nagbangs. I mean, hindi ko talaga alam na meron pala akong scar sa kaliwang kilay ko, pero hindi ko naman talaga inisip na kailangan ko pa ng bangs para itago yan.”
Then right after that, Geff burst into laughter. Neth was astonished and so was I.
Tumawa na rin si Neth kahit na medyo hinihingal pa dahil sa haba ng sinabi niya.
And me? Wag niyo nang itanong. Isn’t it obvious?
Syete! Ano nanaman ba ‘tong iniisip ko? Bakit parang ansama ko na? Binatukan ko na lang tuloy ang ulo ko. Bakit naman ako nagiging sarcastic eh masaya naman yung dalawa. Wala namang dapat na ikabugnot ko, di ba?
Matapos ang tawanan nila, napagdesisyunan na nilang umalis. Hindi naman nila ako napansin nang lumabas na sila dahil sobrang dilim dito sa part na inuupuan ko. Nang wala na sila, may narealize ako. Actually may tanong pala na nabuo sa utak ko.
Bakit nga ba ako nagstay dito?
Aba’y malay ko! Hmm.....siguro para panuorin sila na tumugtog at kumanta? Para makinig sa kwentuhan nila? Kung ganoon, anong sense? Bakit ko kailangan gawin ‘to?
Again.....hindi ko alam. Masyado na yata akong curious ngayong araw.
Matapos ang ilan pang minuto ng pag-iisip, napagdesisyunan ko na ring lumabas ng auditorium at umuwi na. Nang malapit na ako sa front gate ng academy, may narinig naman akong dalawang pamilyar na boses na nag-uusap. Yung totoo? Makakauwi pa ba ako?
Syempre dahil ‘curiousity’ ang word of the day eh pangangatawanan ko na ang pagiging curious ko.
Nagtago ako sa likod ng isang puno katabi ng iba pang halaman. Nakatulong din ang pagiging madilim dito para hindi nila ako mapansin. Sapat lang din ang layo ko sa kanila para marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila.
Kuya Nathan and Al.
Actually hindi talaga ako makapaniwalang magkasama sila. Kasi yung tipong sasabog yung buong lugar na kinaroroonan nila basta pag magkasama sila. It’s like negative and positive energy, hindi magkatugma kaya yun. Syempre si kuya yung negative! haha
Okay....san naman galing yun? Yaan na, pagbigyan niyo na ako! Alam kong di ako maalam sa Physics. -__-
“You know what? Kung di mo ako pinigilan edi sana nasabunutan ko na yung babaeng yun! What was her name again? Humanda talaga siya sa akin bukas!” Woah, ngayon ko lang nakitang sobrang galit si Al na tipong yung buong mukha niya eh namumula na. Ano kayang nangyari? Sino yung ‘babae’ na tinutukoy niya?
“Don’t mind her. She’s just my obsessed....stalker? Fan?” Kuya said, deadpan.
“She stalks you? You have a stalker? As in obsessed?! Hindi ba nakakatakot yun?” Tama Al! Di ko yata alam na may stalker si kuya. Ang sinasabi niya lang sa akin eh andami raw nagkakandarapa sa kanya. Alam niyo na, mahangin! Di maiiwasan. -__-
“Oh. Are you now concern of my well-being Ms. Santillan? I never would have thought that this day would come.” Ayan na. Nagsimula nanaman siya. Sarap batukan.
“Ha.ha. Ewan ko sa’yo. Sarap ingudngod ng mukha mong yan na ipinagmamalaki mo. At isa pa wala akong pake kung ipagduldulan pa nung babaeng yun ang sarili niya sa’yo. As if I care.” tiningnan naman ni Al si kuya na parang nag-iisip. “Parang bagay nga kayo eh. Parehas kayong.......ewan. Flirt?” Wooo!! Jaw drop si kuya! I swear I’ll kill for a camera right now!
“Tsk. Why are you here anyway? Kanina pa tapos yung class hours niyo ah?” Uh-oh, badterp na si kuya. Iba na kasi tono ng pananalita niya eh.
“Ano? Did you tell tito? Anong sabi?”
Huminga muna si kuya nang malalim bago nagsalita.
“As usual, nag-alala. Nagtanong kung okay lang daw siya, kung wala namang weird na nangyayari. Sabi ko wala naman except dun sa sinabi mong ginawa niya sa room niyo.”
“I see. Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko nang makita ko yun. Basta bigla na lang akong kinabahan.”
Wait...hindi na yata ako makasunod. Sinong tito? Si daddy ba? Ako ba yung tinutukoy ni Al na may ginawa sa room? Ano namang ginawa ko?
“Wala tayong magagawa kundi bantayan siya. Ayokong mangyari nanaman yung.....tulad ng dati.”
“Me too.”
Parehas silang natahimik na para bang parehas sila ng iniisip. Tumigil din ang utak ko sa pag-iisip dahil sa isang realization.
They know something.
Something I didn’t know of.
And something they don’t want me to know.
Napaupo na lamang ako sa kinaroroonan ko habang naririnig ang papalayong yabag ng mga paa nila kuya at Al. Hinayaan ko lang ang sarili kong isipin lahat ng narinig ko.
Konektado ba’to sa mga panaginip ko? Sa mga alaala? Ayokong mag-conclude. Pero ang hirap kasing intindihin lahat. Ito ba iyong sinasabi nilang problema ko? Yung itinatanong sa akin ni Al at ni dad kanina? Yung sinabi rin ni kuya kay dad bago niya ako tinawagan? Ano ang ikinatatakot nila?
Tiningnan kong muli ang wristwatch ko at nakitang 7 na ng gabi. Madilim na pero ayoko pang umuwi. Nang nangalay na ang mga paa ko, nagsimula na akong tumayo at maglakad palabas ng academy.
(A/N: See picture of Jane on the side.)
Sumakay ako ng jeep at bumaba sa tapat ng 7eleven na malapit sa pad na tinutuluyan namin ni Al. Bumili ako ng Cheesy Kariman at Slurpee at umupo sa isa sa mga stool doon.
Habang kumakain, nakita ko naman sa peripheral vision ko na may umupo sa katabi kong stool. I dared take a peek at nagulat ako sa taong kumakain ng parehas ng binili ko.
“Javier?!”
Nagulat naman siya sa pagtawag ko sa kanya pero nang mapagmasdan na niya ako ng maigi ay ngumiti na rin siya.
“Uyy Jane! Hindi ko akalain na makikita kita dito.”
“Kahit ako. Di ko nga akalain na pupunta ako dito eh. Haha.”
Pinagmasdan naman niya ako nang mabuti.
“May problema ba?”
Napatingin ako sa kanya. Nakita ko naman sa mga mata niya na talagang concern siya sa akin kaya parang nakakaguilty kung magsisinungaling pa ako.
“Paano mo nalaman?” sabay ngiti ko sa kanya.
“Your laugh seems off. Hindi ka rin mahirap basahin.”
“Wait...wait. Parang nabasa o narinig ko na yung line na yan! Tagalog version nga lang yung sa’yo.” I crack my brain for that book or movie. Swear alam ko talaga yun!
“Twilight?” natatawang tanong niya.
“Oo! Tama! Haha. So, mind reader ka na rin ba ngayon?”
Tumawa nanaman siya. Clown ba ako sa paningin niya?
“Pasaway ka. Hindi lang mahirap basahin yung expression sa mukha mo. Halata ring pilit yung tawa mo kaya nalaman ko. So....you want to talk about it?”
Napaisip naman ako. Pwede ko nga bang sabihin sa kanya? Hindi pa naman kami ganun kaclose pero at ease naman ako pag kasama ko siya.
But I decided against it. Wala muna dapat akong pagsabihan ng tungkol sa problema ko hangga’t hindi pa malinaw sa akin ang lahat.
“Medyo magulo pa eh. Di ko pa nga rin masyadong maintindihan yung problema ko. Yung tipong ‘It’s complicated’”
“Oh. So love problem. Guy problem.” ‘That’s part of it’ I thought.
“Sort of.” Sabi ko na lang.
Binalot na kami ng katahimikan pagkatapos nun. But it’s a comfortable silence. Matapos ang ilang minuto, nag-isip naman ako ng pwedeng topic.
“Javier, ano nga palang balita dun sa babaeng hinahanap mo? Nakita mo na ba siya?”
Para namang pinagbagsakan ng langit at lupa yung mukha niya.
“Hindi eh. No luck today. Pero di pa rin ako susuko.”
Eto nanaman si ako. Curious nanaman!
“Ano nga ba ulit yung pangalan ng girl na yun?”
His gaze became inward. Halatang malalim ang iniisip niya. I bet iniisip niya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.
“I can help you, you know. Not that I mind.” sabi ko pa.
Tiningnan niya ulit ako at nang ma-satisfy na siya sa assurance kong tutulungan ko siya, sinabi na rin niya sa akin.
“Her name’s Angel.” napatigil naman ako. Angel. Wala na bang iba pang pangalan? Bakit parating iyon? Tumingin ako kay Javier at napansin kong nakatingin din siya sa akin at parang nagtataka siya sa kung anuman ang expression ng mukha ko.
“Do you mind if...you know...elaborate?” Sinamahan ko pa ng pagkumpas ng kamay para mai-stress yung word na ‘elaborate’. Again, natawa nanaman siya. Nang kumalma na siya mula sa pagtawa, naging seryoso naman ulit siya pero may hint pa rin ng amusement sa mga mata niya. Wala nga pala siyang eyeglasses ngayon kaya mas napagmasdan ko pa ang mga mata niya.
“Can I trust you?”
“Of course.” I said immediately.
“Okay. I trust you.”
“I know.” Nagtaas naman siya ng kilay sa pagsagot ko sa kanya.
“You’re not that hard to read yah know?” natatawang sagot ko. Napangiti naman siya. As in full smile. Hindi ako nagbibiro kanina na pangtoothpaste commercial ang ngiti niya kasi once na ginawa na niya iyon ay mas nadedepina ang mukha niya. Gwapo siya, oo. Lalo na kapag walang eyeglasses at nakangiti siyang tulad ngayon. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong tumitig. Hindi sa pinagnanasaan ko siya ah! Wag kayo! Ang sarap lang niyang titigan, di masakit sa mata. That’s all, PERIOD NO ERASE! (Oh wag kayong kumanta, alam kong maraming LSS dyan! XD)
“Okay. Her name’s Angel. Angel Liberty Yllana. 16 years old. Came from a rich family.”
Hmm...wala akong kilalang may pangalang ganun.
“She has a twin sister and older brother but they and their parents died when she was younger.” Kinilabutan ako sa kwento niya. Not because of the sad incident,
but because it was exactly what happened to me.
Kung ganoon nga ang nangyari sa pamilya ni Angel, sigurado akong nahirapan siyang makamove on mula sa trauma at depression. I know because I experienced it firsthand.
“We all thought that she’s dead but yesterday night,” Muli siyang tumingin sa akin. “I saw her. Exactly here.”
Gusto kong malaman kung anong klaseng aksidente ang sinasabi niya at kung paano nila nasabing patay na siya but I guess I’ll cross the line if I did. Hindi naman na mahalaga ang mga iyon. Basta ang importante ay makita siya.
“Nakita mo na siya so....bakit— ”
“There was something wrong with her.”
Huminto siya pero ako hinihintay ko talaga ang kasunod.
“She didn’t recognize me. But.....she knew that she’s Angel. Sinabi rin niya sa akin na huwag kong sasabihin kahit kanino na nakita ko siyang buhay.”
“Now that’s creepy.”
“Yeah. Sure it is.”
“Sinabi ba niyang magkita kayo ulit?” tanong ko matapos ang mahabang katahimikan.
“Hindi niya exactly sinabi pero ang sabi niya magkikita naman kami sa school since parehas naman kami ng pinapasukan at dun na lang daw kami mag-uusap.”
“That means something.”
“Ano yun?” tanong niya.
Tiningnan ko naman siya nang seryoso.
“She knows something you didn’t and you know something she didn’t.” I said with certainty.
I really have this weird feeling that I have and I need to find this girl.....
.....no matter what.
Same past. Same family history. Same situation.
Coincidence?
I don’t know. Maybe?
But figuring things out wouldn’t hurt, right?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------