Chapter 9: Dubious

Neth’s POV

Hmm......ang tagal bumalik ni Jane. Di kaya umuwi na siya? Pero imposible naman kasi nandito pa yung bag niya sa upuan. Mga 30 minutes na akong nagsusulat. Tapos siguro mga nasa 25% na yung nagagawa ko sa reflection paper na’to. Tiningnan ko ang relo ko. TIME CHECK 6:00. This time check was brought to you by Neth’s wristwatch made from divisoria! Hihi, nababaliw nanaman akoo! XD

Lumabas na lang ako ng LC para hanapin si Jane. Eh kasi maggagabi na tapos si kuyang guard pinapalayas na ako. Masyado raw akong hardworking. Si kuya talaga palalabasin na lang ako nang-uuto pa! Haha.

Pero dyos ko naman sa lawak nitong academy, saan ko naman kaya mahahanap si Jane? Yung kambal naman nauna nang lumabas kanina kaya wala naman akong matanungan.

*Lakad*

*Lakad*

“You don’t know anything. Just so you know, I’m not like those girls you’re comparing me with. So you better not judge me just because of what you saw earlier.”

Jane? o__O Antaray ume-english! Pero wait......sino kausap niya?

Nasa second floor kasi ako tapos narinig ko yung boses ni Jane malapit sa may garden. Tumabi ako sa may halaman na nakita ko sabay silip. Hehe naku-curious kasi ako.

Pagkasilip ko.........

O__O

“Oh really? Then tell me, if you happen to witness ‘that’ done by your bestfriend’s ex and another friend of yours, what will you think of them?”

Eeehhh, anubayan! Gusto ko na talagang umalis kaso nasa akin pa yung bag ni Jane. Parang napakasensitive naman kasi ng pinag-uusapan nila. Yung tipong kelangan talaga ng privacy? Tapos yung posisyon pa nila.....    >__<

( --__--’)??? What to do?? What to do??

“I told you wala nga lang yun! Bakit ba ayaw mong maniwala?! At isa pa bakit ba sa akin ka nagagalit? Ako ba yung dahilan ng break-up nilang dalawa? Bakit ba ang hirap mong umintindi?! Stupid ka ba?! Aarrrghhh  you’re so stup—”


HALA, sumabog na sa galit si Jane. Nakakatakot pala siyang magalit ano?

Neth, laging itatak sa utak na wag na wag gagalitin si Jane.

Err....bakit biglang tumahimik?

*silip silip*

O__O

Waaahhhh!!!!!! OHMAYGASH!!! SPG ITO!!!!!!!!

“Just shut up. You’re so noisy for a girl. Tsk”

T__T Bakit ba napunta ako sa sitwasyon na’to? Kung titingnan kasi parang spy ako dito sa second floor na pasilip-silip.

Tapos ano.....nakawitness ako ng ano......ng...... >__<

NG KISS!! PUSANG GALA!!

-_-

Sumilip ulit ako (LAST NA ‘TO PRAMIS!) tapos nakita ko na si Jane na lang pala yung nasa baba, si ano naman....si....-_- di ko alam pangalan....basta yung bestfriend di umano ni Phin eh naglalakad na palayo.

HAAYY BUTI NAMAN!

Bumaba na agad ako sa pinakamalapit na hagdanan tapos lumapit agad ako kay Jane. Nagulat naman siya nang makita ako.

“Hala Neth sorry! M-may nangyari kasi kaya....ayun natagalan. Sobrang tagal mo bang naghintay?”

Habang nagsasalita siya, pinagmamasdan ko naman siya. Yung mata niya pati ilong namumula. Halata talagang galing siya sa iyak.

“De, ayos lang. Ikaw? Ayos ka lang ba?”

Ewan ko pero parang ito kasi ang tamang itanong. Tapos gusto ko siyang i-comfort. Kaya bago pa siya makasagot, niyakap ko na lang siya tapos hinimas-himas ko ang likod niya.

“Phin?” -Jane

Umalis naman ako sa pagkakayakap tapos paglingon ko, nakita ko si Phin na................

......halata sa mukha niya na galing din siya sa iyak pero punong-puno ng galit ang mga mata niya. Ako naman tumabi kasi di ba, baka ayun mag-uusap sila.

Nagtititigan lang sila. Si Jane nagtataka tapos si Phin....galit. Habang pinapakiramdaman ko sila, napansin ko naman na ang kanang kamay ni Phin ay nakakuyom. Napatingin ako kay Phin tapos........

“What are you doing?” -Phin

-_-+ Di ba obvious?

“Ikaw? Anong balak mong gawin?”

Hindi ko alam kung bakit o paano pero nakaramdam agad ako ng galit sa kanya.

Ibinaba ko ng marahas ang kamay niya na hawak ko. Sasampalin kasi dapat niya si Jane pero napigilan ko. Kung tutuusin, sobrang hirap talaga ng sitwasyon ni Jane, alam ko yun dahil na rin sa naikwento niya sa akin kanina.

“Wala kang kinalaman dito kaya bakit ka nangingialam?!”

This is not the Phin I remembered na nakilala ko sa orphanage. Ibang-iba ang kaharap ko ngayon.

“Oo wala nga akong masyadong alam sa mga nangyayari. Oo di dapat ako nakikisawsaw sa problema niyo. Pero yang pananakit mo lalo na sa kaibigan ko ang di ko gusto. Di ko nga alam kung ano yung pinagdadaanan mo pero hindi naman yata tama na idadaan mo lahat ng galit mo sa pananakit. Be mature Phin. College ka na. To think na nagkaboyfriend ka na kaya naman mag-isip ka muna bago ka kumilos ng padalos-dalos. One more thing, I just want you to know that you’re not the Phin I used to know back in that orphanage. Isang beses lang kitang nakausap pero alam kong mabait ka talaga. Pero mukhang nagkamali yata ako.”

And with that, hinila ko na si Jane paalis sa lugar na ‘yon.

What have I gotten myself into??

>__< Di ko rin alam.

“N-neth....”

Hinihila ko pa rin si Jane. Papunta na kami sa gate ng academy. Kailangan na rin umuwi nito dahil madilim na, baka nag-aalala na rin si Liz sa kanya. Lagot ako dun pag di ko pa pinauwi si Jane.

“Neth sorry.”

“Ha?”

Eh? Bakit siya nagso-sorry?

“Jay?”

Sabay naman kaming napalingon sa tumawag.

“Kuya?” -Jane

Kuya ni Jane? May kuya pala siya dito?

“Bakit pa kayo nandito? Madilim na ah.”

“A-ano kasi.....”

“Tinulungan kasi niya akong tapusin yung reflection paper ko. Ngayon pa lang kami natapos.” -ako

“Ah ganun ba. Sige, hatid ko na kayo.”

“Wag na kuya! Kaya na namin umuwi mag-isa. Di ba Neth?”

HALA bakit ako tinatanong nito ni Jane?

“A-ah! O-oo oo tama! hehe” Pasaway ‘to si Jane siniko pa ako.

“Nah. Ihahatid ko pa rin kayo. No buts Jay!”

Ang kulit ng magkapatid na’to! Haha tatanggi pa kasi si Jane eh, yan tuloy. Bakit pala ‘Jay’?

Ayun, hinatid kami ng kuya ni Jane. Actually di naman hinatid. Sinamahan lang niya kaming sumakay ng jeep tapos nauna na akong bumaba nang malapit na ako.

“Neth thank you. Ikukwento ko lahat sa’yo bukas.”

“Sige ayos lang. Byebye! Ingat kayo.”

Tapos bumaba na ako. Tumingin ako sa relo ko. T__T magse-7pm na. Paano pa ako makakapagsimula ng part-time ko eh 9pm yung sara nun.

Wala akong nagawa kundi ang pumunta sa grocery store. Nakakahiya naman kasi kung di ako susulpot dun.

“Tito Jun! Hala sorry po. May kinailangan po kasi akong tapusin sa school eh. 6pm na po ako nakalabas ng academy.”

Yan ang bungad ko kay tito. Sana wag siyang magalit......

“Ayos lang! Ano ka bang bata ka, wag mo masyadong pagurin yang katawan mo. Tulad ng sabi ko, pwede kang magsimula kung kailan ka na pwede. Kung gugustuhin mo rin naman, pwede ring 6pm ka magsimula dito tapos hanggang 9pm na yun. Hanggang sa matapos mo yung ginagawa mo sa school niyo.”

“T-talaga po?”

Waaaahhh!! Ang bait talaga ni tito!

“Oo naman! Haha. Siya nga pala, tulungan mo pala akong maghanap ng mga gusto ring magtrabaho dito. Yung dalawa kasi sa mga empleyado ko eh umalis at may mga emergencies daw. Hindi naman ako makahindi. So habang wala sana sila eh magandang may pumalit sa kanila. Temporary lang naman yun iha.”

Hmm...madali lang naman pala yung pabor na hinihingi ni tito eh. Kering-keri ko yan!

“Ah sige po Tito Jun! Keribels ko po yun!”

Sinimulan ko na ang trabaho ko ngayong gabi. Wala rin naman kasi akong gagawin tapos yung reflection paper ko naman sa school ko na gagawin.

“Php135.75 sir”

Binigay na sa akin ng lalaki ang Php200 niya. Cashier girl pala ako ngayon haha. Kinakarir ko na talaga yung pagpindot-pindot sa pindutan. XD Wahaha!

Pagkabigay ko kay kuya ng mga pinamili niya, napadpad naman ang mga mata ko sa mukha niya.

Vargas boy?

Kinuha na niya ang plastic na naglalaman ng mga pinamili niya, na napansin kong puro cup noodles, at saka lumabas. Nakatungo kasi siya kaya di niya ako nakita. Naku dahil sa Vargas boy na’to eh nagkaproblema ang dalawang babae sa kanya. Hmph, di naman kagwapuhan!

Time check 9:00pm

Pinauwi na ako ni tito tapos nagpasalamat pa. Dapat nga ako magpasalamat sa kanya eh!

Haayy grabe nakakapagod ‘tong araw na’to pero masaya naman.

Dumaan ako sa 7eleven at doon na ako kumain. Share ko nga pala, medyo tagilid ako pagdating sa pagluluto kaya bumibili na lang ako sa mga stores. Hehe

(A/N: See picture of Neth on the side.)

“Miss Angel?”

Haay grabe, naaalala ko si Jane. Nakakaawa talaga yung lovestory niya. Yung tipong ang saya na nila ni Vargas boy noon tapos sa isang iglap nawala yung lalaki. Saklap talaga. To think na may trauma pa siya nang mga panahong iyon. Sabi kasi niya, may trauma raw siya, yung tipong takot siyang maiwanan.

“Miss Angel?”

Minsan na rin daw kasi siyang naiwanan at ang minsan pa na ‘yon ay isa sa mga worst feeling na kailanman ayaw na raw niyang maranasan.

“Miss Angel?”

HANUBAYUN? SINO BA YUNG ‘MISS ANGEL NG MISS ANGEL’ NA YAN?! Nakita nang nag-eemote ako dito eh. Ito namang Angel ayaw sagutin yung tumatawag. Bingi-bingihan lang ang peg?!

*kulbit kulbit*

Lumingon naman ako sa kung sino man ang kumukulbit sa akin.

“Bakit po?”

“Miss Angel! Buhay po kayo?!”

Eh????

“HA???”

“Miss Angel grabe di po talaga ako makapaniwalang buhay po kayo!! Ang alam namin......”

Tapos bigla niya akong niyakap. Waahhh!! Sino ba ‘tong nilalang na’to??

Tumayo ako at dahan-dahang kinalas ang pagkakayakap niya.

“Wait! Wait lang. Kalma okay?” Grabe naman kasi ‘tong si kuya kung makayakap eh di ko nga siya kilala.

“Kilala niyo po ba ako?”

Tinanong ko muna siya. Kailangan slowly but surely ang paraan ng pangangalap ng impormasyon. Naalala ko kasi si Phin na napagkamalan rin akong Angel. Ain’t it something, right? Pero grabe naman at may isa pa pala akong makikilala na taong kilala yung......ako.

“Opo! Kilalang-kilala ko po kayo! B-bakit? Di niyo na po ba ako naaalala? Pero anong nangyari? Yung aksidente—”

“Pero, sigurado ka bang ako yung Angel na sinasabi mo?”

Pag-iiba ko sa usapan. Geez, ayoko munang buksan ang topic na iyon. Ni hindi ko pa nga kilala itong taong nasa harapan ko.

At isa pa, tama naman ang tanong ko hindi ba? Paano naman siya nakasisiguro na ako nga ang Angel na sinasabi niya? Paano kung nagkataon lamang talaga na magkamukha kami nun? Tapos parehas lang na nasangkot sa......aksidente?

“One thing’s for sure. Merong scar sa noo si Angel sa taas ng kaliwang kilay niya.”

Weh?

Pero wait........

Hinalungkat ko kaagad ang bag ko’t kinuha ang salamin. Hindi naman kasi niya mahahalata yung sinasabi niyang scar sa taas ng left eyebrow ko kasi naka-fullbangs kaya ako!

Tiningnan kong mabuti ang scar na tinutukoy niya. Hindi rin naman kasi ako masyadong conscious sa itsurahin ko kaya hindi ko alam kung meron ba akong scar o wala.

Pagkatingin ko, akala ko wala. Pero nang pagmasdan ko pa ito ng mabuti......

“Hala meron nga.”

“See? Di ako pwedeng magkamali ano! Ilang taon tayong magkasamang lumaki tapos ano yun makakalimutan kita nang ganun-ganun na lang?”

Nagtataka naman ako sa isang ‘to. Kanina wagas ang pagiging magalang niya na may ‘po’ at ‘opo’ pa siyang nalalaman na akala mo naman matanda ang kausap eh parehas lang naman yata kami ng edad nito! Tapos ngayon kung makipag-usap akala mo close kami.

“Sigurado ka bang ako yung Angel na tinutukoy mo? Di ka ba nagkakamali?”

Oo, alam kong para akong sirang plaka na paulit-ulit sa pagtatanong. Masisisi niyo ba ako eh biglaan ito! Actually sa mga panahon na’to kinakabahan na ako. Kasi....baka.......

“Siguradong sigurado. Bakit ba parang....ikaw ang di sigurado? Akala talaga namin wala ka na. Tapos grabe! Dito pa talaga kita sa Maynila makikita.”

“Saan ka nag-aaral?”

Ngayon ko lang naalala, sobrang gabi na pala tapos may pasok pa ako bukas. Tulad ng sabi ko, slowly but surely. Pwede ko naman siguro kausapin ‘tong lalaking ‘to bukas....o kaya....kung kailan siya pwede.

“Ako? North Oswald’s. Ikaw?”

Wow.

“Same here. Err....a-ano.....ano pala pangalan mo?”

Sorry naman daw. Eh sa hindi ko talaga siya maalala eh.

“Seriously Angel, anong nangyari sa’yo? Talaga bang di mo na ako maalala?”

Ano ba naman yan! Di ko naman pwede sabihin ng bara-bara na “Sorry! May amnesia kasi ako eh.” kasi di naman ako sigurado kung mabait at trustworthy ‘tong tao na’to o hindi. Safety precautions kumbaga.

“Basta! Magkikita naman siguro tayo sa school. Dun na lang tayo mag-usap ha? Sige uwi na ako, maaga pa kasi yung pasok bukas.”

“Sige. Angel.....ano.....ingat ka ha? Sige!”

“W-wait!”

Lumingon naman ulit siya.

“Bakit?”

“Pwedeng....secret muna natin na nagkita tayo dito? Pwedeng wag mo muna sabihin kahit kanino na nakita mo na ako? O na nalaman mong b-buhay ako?”

Geez....

Kumunot ang noo niya....at ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako ginantihan ng ngiti.

“Sure thing!”

At nagsimula na siyang tumakbo. Ako naman sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa nakatawid na siya. Lumingon pa nga siya eh kaya kumaway na lang ako.

‘GRABE’........word of the day.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Neth, ano pala yung gagawin natin sa presentation natin sa OSWALDS bukas?”

Haaayyy inaantok pa ako. Di kasi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa kakaisip dun sa lalaking na-meet ko sa 7eleven.

*sigh*

“Neth?”

Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? Kilala niya ako pero ako, ni pangalan nga niya hindi ko alam. To think na nasa iisa kaming school. There’s a big possibility na magkita kami ulit.

*sigh*

*tapik tapik*

“H-ha?” Anggulat ko naman kay Jane. Tinapik kasi niya ang magkabilang pisngi ko.

“Bakit Jane?”

“May problema ka ba? Tungkol ba yun sa reflection paper mo? Sorry talaga kahapon ah.”

Ngek. Baliw talaga ‘tong si Jane.

“Pasaway! Ayos lang yun! Dapat nga di mo problemahin yun isa pa ako talaga dapat tumapos nun.”

“Kahit na ba. Syempre nangako pa rin ako na tutulungan kita tapos ayun, wala man lang akong naitulong.”

Bakit ba masyadong mabait ‘tong si Jane? That’s why I love her! Sa totoo lang hindi siya katulad ng mga mayayaman naming blockmates na......ah basta! You know what I mean.

“De! Wag mo na isipin yun nuh ka ba! Haha”

“Neth, sila Grace pati si Al nagsisimula nang magpractice. Kakanta raw kasi sila bukas. Tayo ba? Anong gagawin natin?”

Oo nga pala! Yung presentation namin sa OSWALDS! Bakit ba nalimutan ko ang bagay na yun!

“Ano kaya kung kumanta na lang din tayo? Ayos lang ba Neth?”

Hmm...okay lang sa akin. Hindi naman siguro kapangitan boses ko. I mean pwede nang pagtyagaan! XD

“Okay lang saken. Pero wala akong alam tugtugin na instrument eh.”

“Ako na lang tutugtog! Hmm....pero anong kanta?”

Ano nga ba? Hindi rin kasi ako masyadong mahilig sa mga kanta eh. Haha pasensya naman medyo makaluma ako! Haha

Biblical studies pala ang class namin ngayon pero yung professor namin di pa dumadating. 15 minutes na nga wala pa rin siya. Pero kahit wala kaming prof. kailangan pa rin naming magstay dito sa loob ng room. Patakaran kasi sa loob ng academy.

Lumingon ako sa mga blockmates ko. Well kung matatanong niyo lang naman, nandito ako sa harapan at nakaupo sa teacher’s table na naglalaman sa loob ng monitor at cpu. Salamin kasi ang cover kaya kita yung loob. Si Jane naman nakatayo, katabi ko.

Napansin ko naman na ang iba kong mga blockmates ay lumabas. Siguro bibili ng pagkain. Ang iba naman naggigitara, nagpapractice na siguro para bukas. Yung iba naman nagbabasa, nagkukwentuhan, natutulog, at tulala. Haha oh ayan inisa-isa ko na talaga! Haha. Dumako naman ang paningin ko sa grupo nila Phin. Si Ren nakatungo, si Phin nagbabasa ng libro, at si Geff tulala. (KILALA KO NA SILA! HAHA)

Binalik ko na ang tingin ko sa harapan habang nag-iisip ng kanta. Ano nga ba?

“Neth, excuse lang. May ise-search lang ako sa internet.”

Umalis naman ako sa pagkakaupo at binuksan namin ang monitor. Naglog-in si Jane at nagsearch sa google. Nakita kong nagtype siya sa search bar ng ‘songs about heartbeats’. Hmm...siguro naghahanap na si Jane ng pwede naming kantahin. Pero bakit heartbeats? Anong meron doon? Love song ba ang kakantahin namin? Hmm.....

Tinitingnan ko lang ang ginagawa niya at ang mga lumalabas na result sa monitor. May nakita kaming kanta na ang title mismo ay heartbeats. WOW! Galing! Haha Sinalpak ni Jane ang earphones niya sa may CPU at nagshare kami. Pinakinggan namin ang kanta at.....wala akong masabi. Ang ganda!

Nagkatinginan kami ni Jane at parehas kaming napangiti.

“Ako na lang magpa-piano! Ikaw sa first verse and chorus, ako naman sa second verse and chorus tapos sabay na tayo sa last chorus.”

Matapos niyang sabihin ‘yan ay lumabas na siya. Ang sabi niya ay may aasikasuhin daw siya.

Hindi ko alam pero may parang nag-uudyok sa akin na lumingon kaya lumingon ako. At ang una kong nakita ay si Geff na nakatingin sa blackboard. Napatingin naman ako doon at may nakita akong drawing. Ito yung pinagkakaabalahan ni Jane kanina eh.

“M”

Malaking ‘M’ ang nakasulat tapos naka-lettering. Ang ganda nga eh. Tapos bigla akong may naisip na idugtong sa letter na yun. Ito kasi yung hinahangad ko dati pa pero doktor na rin kasi ang nagsabi na imposible na ang bagay na iyon para sa akin.

“Miracle”

Ni-lettering ko rin para maganda. Wala lang, eh sa wala akong magawa eh! Haha

“Miracle?”

PUSANG GALA! Diyos ko naman! Bakit ba bigla-bigla na lang may nagsasalita sa likod ko! Pagkalingon ko, nakita ko si Liz pati si Geff na nakatayo sa likod ko’t nakatingin sa sinulat ko.

“Bakit?” Tapos saka naman sila napatingin sa akin. Sa totoo lang they’re acting pretty weird. Yung mga facial expressions kasi nila kakaiba. Anong meron sa word na ‘Miracle’?

“Si Aya ba nagsulat nyan?” Tanong ni Liz na hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha.

“Oo, kaso—”  -_-  bigla akong tinalikuran ni Liz sabay takbo. Bastusing bata oh, di pa ako tapos sa sasabihin ko eh.

“Di ba ikaw ang nagsulat nyan?” Tanong naman nitong isa.

“Ako nga, pero si Jane yung nagsulat nung ‘M’. Ito namang si Liz di muna ako pinatapos magsalita!”

Napatingin naman ako kay Geff, well nung nagsasalita kasi ako doon ako nakatingin sa dinaanan ni Liz, at nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

“B-bakit?” Bakit ba ang big deal masyado ng miracle na yan?! Dyosmiyo!

“Nothing.” Tapos tinalikuran na rin niya ako pero tinapik muna niya si Phin sa balikat na para bang nagpapaalam at saka siya lumabas.

Ang weird ng mga tao ngayon, sa totoo lang. -_-

Dahil naistorbo si Phin sa binabasa niya ay hininto muna niya iyon at tumingin sa paligid. Kababalik lang yata niya galing sa imagination land! Haha. Tapos nabaling ang atensyon niya doon sa nakasulat sa board, at hindi na ako magtataka kung ano ang nakita niya.

Don’t tell me.......

“Miracle?”

......great -_-

Kumunot ang noo niya habang nakatingin doon at mayamaya ay sa akin naman siya tumingin pero di rin naman iyon nagtagal at NAGWALK-OUT NA RIN SIYA!

Ano bang meron sa sinulat ko?! Tsk....mabura na nga! Mamaya lahat na ng blockmates ko eh magwalk-out na rin! Sige, tawa lang.  -_-+

Palabas na ako ng room namin, dahil nakuuu! Iniwanan na ako ng mga babaeng yun! Hahanapin ko na lang sila dahil ayoko namang magmukmok doon sa upuan ko tapos o.p.mats. Eksaktong pagliko ko sa pintuan ang bigla namang pagpasok ng isang blockmate namin. Tendency? Malamang nagkabanggaan!

“Sorry!”

T__T patay. Mukhang lalaki yung nabangga ko, eh sa malaki ang katawan eh.

Pagkatingala ko, nakita ko ang dala niyang inumin na galing yata sa vendo tapos doon sa damit niya.

O__O

Lastly, tumingin ako sa mukha niya at........

.....sobrang galit na mukha ni Vargas boy ang bumulaga sa akin. >__<

Huhu...what did I just do?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------