Chapter 10: Dream or Memory?
Jane’s POV
“Jane, let’s
talk.”
Yeah, I
think we really need to talk; to settle things, to clear things and to
understand my feelings.
“Sure.”
I look at
Neth who’s now seems.....worried? Kunsabagay, naikuwento ko na rin sa kanya ang
mga pinagdaanan ko. I know she understands. Besides I think she’s a brainy,
scholar nga eh! Haha, syempre proud friend here!
I squeezed
her hand para magpaalam sa kanya. Babalik din naman ako kaagad pagkatapos namin
mag-usap ni Alex para matulungan ko siya sa reflection paper at written report
niya.
She squeezed
mine back kaya iyon at umalis na kami.
Nauuna si
Alex sa paglalakad at actually right now I’m feeling nervous and at the same
time.....scared. But I know deep inside that I’m prepared.
Do I still love
him?
I don’t
know.
Napansin ko
na lamang na nandito na pala kami sa rooftop. Huminto siya sa paglakad pero ako
naman dumiretso ako sa gilid para makita ko ang scenery.
Grabe ang
ganda pala dito. Sumabay pa ang pag-ihip ng hangin kaya sumabay pati ang mga
buhok ko. Ang gaan sa pakiramdam.
(A/N: See
picture of Jane on the side.)
“Jane, I’m
sorry. I never meant to leave without a word.” Napatingin ako kay Alex na
ngayon ay katabi ko na rin na nakamasid sa ganda ng lugar.
“Akala ko
mga dalawang araw lang akong magtatagal dun pero nagulat na lang ako nang doon
na nila ako papag-aralin. I mean, my parents want to me to attend my 7th and
8th grade there. Of course I panicked! I tried to call you but—”
“Yeah, I
know.”
Nagtatakang
tumingin siya sa akin.
“You knew?”
Tumango ako.
“You knew my
condition that time right? That should explained everything. Alex.....”
Hindi ko
alam kung kaya ko pang ituloy ang mga sasabihin ko dahil baka bumagsak na nang
tuluyan ang mga luha ko, but I did continue anyway.
“......takot
akong maiwanan. In a matter of seconds, all of them left me, my parents, my
twin sister and older brother. Trauma sa akin yun. Then mom, dad and kuya Nathan
came. Al came. You came. But then, dad left for U.S. for company purposes. Al
left because of her family. I was depressed that time. Tapos magugulat na lang
ako na.....”
Then I
cried. Sa hindi ko na napigilan eh! It hurts, remembering those times.
Then I felt
Alex’s arms around me at parang batang humagulgol ng iyak sa balikat niya.
Ganoon
lamang kami. Iniyak ko na lahat para mabawasan man lang ang mga sakit at
kalungkutang dinadala ko. Sobrang bigat na kasi, lalo na nang makita ko si
Alex. Lahat ng mga alaalang gusto ko nang kalimutan, bumabalik sa akin.
“Please
don’t. Don’t cry Jane.”
At imbis na
tumigil ako sa pag-iyak dahil sa pagcomfort sa akin ni Alex ay lalo akong
naiyak. Wala na akong pakialam kung mukha na ba akong bata o ewan sa inaakto
ko. Sobrang sakit lang talaga.
Nakasandal
ang ulo ko sa balikat ni Alex at siya nama’y nakayakap sa akin. Hinihintay ko
lamang na kumalma ako’t tumigil sa paghikbi.
Nang medyo
gumaan na ang pakiramdam ko, doon ko lang narealize at nagsink-in sa utak ko
na.....yakap nga pala ako ni Alex. Ang sarap lang sa pakiramdam. Hindi ko rin
maitatanggi na namiss ko talaga siya.
I feel
secured in these arms.
I hugged him
back. Naramdaman kong nagulat siya sa ginawa ko, but instead of pushing me
away, mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
“I missed
you so much while you’re away from me.”
I felt his
lips on my hair.
I rest
my head on his chest. Then I heard the heartbeats of his heart.
It calmed me
down.
“I’ll be
back soon. I promise. When the day comes that I’ll leave ‘till the day that
I’ll come back, I want you to promise me one thing.....
.....I want
you to keep me here.”
I opened my
eyes in astonishment.
“Feeling
better?”
Nagulat ako
nang makita ko nang malapitan ang mukha ni Alex. Hindi ko alam na kusang
nalaglag ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap ko kanina.
My dream.
Naaalala ko
pa ang mga katagang iyon.
That was a
promise between Miracle and Drick.
“Jane?”
I was pulled
back from my own reverie when I heard Alex’s voice.
“Yes.” Then I smiled at him.
Bakit
ganoon? Si Alex ang nasa harapan ko pero.....iba ang nasa isip ko?
At iyong tao
pa na iyon ay hindi ko pa kilala.
He just exists in my dreams and Alex
does in my reality. But why do I have this feeling of attachment towards that
boy?
Why does he
affect me this much?
Again, I was
pulled back from my own reverie when I felt Alex’s lips on my forehead.
Then he
looks intently at me.
“Jane, I’m
sorry. Please....forgive me.”
Nagulat ako
sa mga sinabi ni Alex.
“I’m not mad
at you Alex.”
He looks at
me with surprised eyes.
“Really?”
“Nasaktan
lang ako Alex. I knew the reason behind your disappearance. Hindi ko lang
matanggap na iniwan mo ako nang ganun na lang, leaving me without a word. Well,
I guess you could call me selfish since then.” Natawa naman ako habang naaalala ko
ang mga panahon na iyon. Kung tutuusin kahit na umalis siya pwede kaming
mag-usap through cellphone. Maraming paraan. Pero ni-isa sa mga tawag ni Alex
sa akin ay hindi ko sinagot. Stubborn nga yata talaga ako noong bata pa.
I was caught
off guard when he suddenly holds my face with his hands and caressed it.
We’re both
looking at each other’s eyes.
Naalala ko
ang tanong na bumabagabag sa utak ko kanina.
Do I still
love him?
I’m waiting
for myself to feel those butterflies on my stomach whenever he touches me this
way.
Pero kahit
ano wala akong naramdaman.
“After 2
years, di ko na kinaya. I told my parents na kung pipigilan nila akong umuwi ng
Pilipinas, hinding-hindi na ako mag-aaral. Sinunod ko na yung gusto nila noon
kaya naman yung gusto ko naman ang dapat masunod. Yun ang gusto kong mangyari
and my parents can’t do anything about it.”
After that
he smiled but it didn’t match his eyes.
“Nung wala
na silang magawa, inasikaso ko na lahat makauwi lang agad dito. Jane, kung alam
mo lang kung gaano ako kaexcited nung mga panahon na ‘yon! I’m happy na
naintindihan ako nila mom at dad. That really made me happy but the idea of
seeing you again, the feeling I felt is beyond words. I can’t explain it. Basta
ang alam ko lang, gusto kitang makita.”
He gave me a
serious look. Naramdaman ko naman ang biglang pag-init ng mukha ko kaya umiwas
ako ng tingin.
“I went to
your house pagkadating na pagkadating ko. No one was there. I called but—”
“Lumipat
kami Alex.”
Saka lang
ako tumingin ulit sa kanya.
“Yeah. And I
can’t find you. Ang hirap mong hanapin, Jane.”
Naguilty ako
sa sinabi niya. Talaga bang hinanap niya ako?
“Sumuko ka
ba?”
Halata sa
boses ko ang pananabang. May naalala kasi ako.
“Itinatak ko
sa utak ko na hinding-hindi. Wala akong pakialam kung abutin ako ng taon sa
kakahanap sa’yo. But eventually.......yes. Narealize ko na ako walang tigil sa
paghahanap sa’yo pero ikaw kaya? Gusto mo kayang mahanap kita? Gusto mo kaya
akong makita? Sobrang sakit pero ginusto kong kalimutan ka. Nakatatak sa isip
ko na gagawin ko ang lahat makita ka lang, pero yung puso ko yung sumuko Jane.”
At isang
luha ang lumandas sa malungkot na mukha ngayon ni Alex.
Nagalit ako.
Nagalit ako nang iniwan niya ako. Umabot ako sa punto na nagrebelde ako dahil
sa isa-isa nila akong iniiwan. Una si dad, tapos si Al, tapos si Alex. Ngayon
ko lang naisip na.....ang selfish ko pala talaga. Hindi rin ako nagtiwala kay
Alex na mayroong rason kung bakit niya ako iniwan. Duwag din ako. Tinakasan ko
ang bagay na ikinatatakot ko. Lumipat kami ng bahay ayon na rin sa kagustuhan
ko. Pati ang mga ugnayan namin sa mga taong malapit sa amin sa bahay na iyon ay
ipinaputol ko. Ayoko ng kahit anong makapagpapaalala sa akin sa bahay na iyon
dahil kapag pumasok na ang mga alaalang iyon sa utak at puso ko, nasasaktan
ako. Dahil sa sobrang frustration at depression, I got a nervous breakdown.
Ipinagamot ako ng parents ko. Umuwi pa si dad galing sa States para lamang
makita ako. His presence helped me recovered. Eventually after some time,
hinayaan ko na ang sarili kong tumanggap ng tao sa buhay ko. Then I met new
people in that orphanage. Nakilala ko sila sister ng lubusan. Malapit si mom sa
mga tao doon kaya isinama niya ako’t ipinakilala sa kanila.
That was the
place where I actually lived before they adopted me.
Lahat sila
tinulungan akong makarecover. Si Al tumawag din. Wala yatang araw na hindi siya
tumawag simula nang nalaman niya ang nangyari sa akin. Nang mga panahon na
‘yon......wala na akong balita kay Alex. Sinikap kong wag siyang alalahanin
kasi nga masakit pa rin sa akin.
“You met
Phin.” Sa
hinaba-haba ng sinabi niya, iyan lamang ang nasabi ko.
“Oh, that.”
Nagtaka
naman ako sa sinabi ni Alex.
“You broke
up with her. Dahil ba sa akin?”
Gusto kong
malaman. Pagkarating pa lamang niya sa room kanina, iba na ang inakto ni Phin.
May hinala na nga ako noon ngunit binalewala ko lamang. Pero nang si Geff na
ang sumuntok kay Alex, alam ko na. Noong birthday party ng kambal siya
nakipagbreak ayon sa pagkakaalala ko sa sinabi ni Geff kay Darren, ibig sabihin
hindi pa ganoon katagal.
Pero bakit
kailangan sa birthday pa ni Phin? Babae rin ako kaya alam kong masakit sa kanya
iyon.
Nasa isip ko
ngayon na naging sila ni Alex. Nakakatuwa lang isipin na wala akong
nararamdamang sakit o selos.
Marahil
noong sinabi niyang sumuko siya, nasaktan ako. But the reason behind that was
nothing romantic. Iyong para bang ayoko lang ng isinusuko ako ng iba. Selfish
nga.
“Jane,
sinubukan kong magmahal ulit. Akala ko kasi kapag ginawa ko ‘yon, makakalimutan
na kita. Phin is the first girl who caught my eyes nang pumasok na ulit ako sa
school para mag-aral. Hindi ko na maialis yung atensyon ko sa kanya. Paglipas
ng panahon, natutunan ko na siyang mahalin. Minahal ko siya at totoo yun.”
Tumigil
siya. Akala ko hindi na siya magsasalitang muli dahil ayaw na niyang maalala pa
ang tungkol sa bagay na iyon. Nakinig lamang ako.
“But
unexpectedly, dad called me. Sabi niya nakita raw niya si Tito Ayden sa States
kaya nalaman niya kung saan kayo nakatira.”
Si dad?
“Hindi naman
masama yung loob ni Tito Ayden kay dad pati sa akin dahil na rin sa
pagpapaliwanag ni dad dun sa kung ano yung nangyari. Sabi ni tito ayos lang daw
dahil okay ka naman na raw. Actually they have this compromise na magmerge ng
companies. I guess that’s the reason bakit medyo matatagalan pa yung pag-uwi ng
dad mo dito.”
Ganoon pala.
Bigla ko tuloy naalala si dad. Miss ko na siya. Tinawagan niya rin ako kaninang
umaga’t naggoodluck sa amin ni Al at sinabi niya nga rin na matatagalan pa ang
pag-uwi niya. Ayos lang naman sa akin iyon ngunit hindi ko pa rin maiaalis ang
kagustuhan kong umuwi na siya.
I can wait.
Besides marami namang paraan para magkaroon ng communication.
“And with
that, I remembered you. Simula nang malaman ko kung saan na kayo nakatira,
hindi ko na maipaliwanag yung nararamdaman ko. Naeexcite, kinakabahan, ewan ko!
Well, naging kami ni Phin before the day nang tawagan ako ni dad. Almost one
year ko nga yata siyang niligawan.”
Natawa naman
siya bigla. Wow, ganun katagal? Pero bakit......?
“I became
distracted. Si Phin yung lagi kong kasama pero ikaw naman yung nasa isip ko.
Kaya naman napagdesisyunan kong mag-isip-isip muna. Naguguluhan na rin kasi ako
sa sarili ko. Ayoko namang masaktan si Phin kaya medyo lumayo muna ako. Nung
nagkaroon ako nang lakas ng loob, pumunta ako sa bahay niyo. Nakita pa kitang
nagba-bike at yun nga, bumagsak yun at tumilapon ka. Kinabahan ako dahil dun.
Lalapitan na nga sana kita pero may tumulong na sa’yo kaya hindi ko na
itinuloy. Dun ko lang narealize na.....”
He didn’t
finish his sentence. Tumingin lamang siya sa akin at base sa mga mata niya,
mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.
“Pero Alex,
hindi sapat na dahilan yun para balewalain yung halos isang taon niyong
pagsasama ni Phin!”
“Jane,
listen!”
Nagulat ako
sa pagtataas ng boses ni Alex kasabay ang paghigpit ng hawak niya sa mga braso
ko.
“I love you.
I waited for almost 4 years just to say this. And now that I had seen you, I’ll
definitely won’t hold back saying this. I love you, Jane. Isn’t it enough a
reason?”
He said it
loud and clear and full of sincerity that caused my heart skip a beat.
Then I saw
Alex slowly leaning toward me, limiting the spaces between our faces.
I closed my
eyes.
Then
unexpectedly, I saw one of the fragments of my dreams.
An
unfamiliar one.
A strange
one.
Totally
alien, muddling my mind.
Tears are
threatening to flow.
I opened my
eyes, feeling disoriented.
Malapit na
at maglalapat na ang mga labi namin.
Instead of
letting him do it, I just hugged him.
“Alex
I.....I’m sorry. I love you too but.....not the same way how you feel about me.
Please just.....let me love you as my friend. I value you so much. Don’t leave
again. Don’t. I can’t......imagine myself losing you.....again. Just let me
heal myself first. Let me love you the way I can capable of now and
please.........”
Tumingin ako
sa kanya at hinihiling ko na sana maintindihan niya.
He looks
serious, shocked, and hurt at the same time.
“.....don’t
wait for me. I have my own......issues to deal with.” Naalala ko nanaman siya.
Bakit?
I just gave
him a quick kiss on his cheek at saka lumabas ng rooftop......
..........and
tears that I was holding back earlier start to flow down my cheeks.
Why?
Hindi ko
maintindihan ang sarili ko. Bakit ba masyado akong apektado sa mga panaginip
ko? Bakit ba apektado ako sa mga pangyayari maging sa mga nakikita ko tungkol
sa kanya? Hindi ko siya kilala! Pero bakit nararamdaman ko ang
dapat na hindi? Sa mga pangyayari sa panaginip ko....pakiramdam ko matagal ko
na silang kilala. Pakiramdam ko matagal na silang parte ng buhay ko.
Miracle and
Drick
Pero bakit
itinatanggi ng isip ko na kilala ko sila?
Kahit anong
pilit kong pagkalkal sa utak ko, wala talaga akong makita na alaala na nakasama
ko sila.
Tanging
panaginip lamang ang pinanghahawakan ko.
Ngunit sa
tuwing nakikita ko sila sa mga panaginip ko maging sa mga pangitain ko o anuman
ang tawag doon, iba rin ang nagiging reaksyon ng puso ko.
Ano ba ang
dapat kong paniwalaan??
Gulong-gulo
na ako.
Ano ba sila?
Sino ba sila? Bakit ako? Ano ‘tong nararamdaman ko?!
Nang
makababa na ako mula sa rooftop, doon ko lamang napansin na padilim na.
Tumingin ako
sa langit at napansin ko ang papalitaw na buwan.
Napangiti
ako habang nakamasid doon. Ipinikit ko ang aking mga mata’t pinakiramdaman ang
tibok ng puso ko habang binabalikan ang isang pangyayari na ako man ay di
maintindihan kung bahagi ba ng panaginip ko.......
.....o ng
alaala ko.
My mind
starts to recall what had I seen earlier.
It’s like
watching a movie in a fast forward.
“Hanggang
ngayon hindi pa rin siya nagsasalita.”
“Kailan niyo
ba siya nakita?”
“Kagabi
lang. Grabe puno siya ng sugat at ang dami niyang dugo sa katawan! Ang dumi pa
niya tapos puno rin ng putik yung damit niya. May pasa rin siya sa mukha.
Kinilabutan nga ako dahil akala ko maligno ang nakikita ko pero kalaunan
nalaman ko namang tao pala siya.”
“Ang lawak
talaga ng imagination mo ano? Pero pwera biro, bakit tulala pa rin siya? Di
kaya natrauma siya o kaya pipe lang talaga siya?”
“Hindi ko
rin alam.”
Patuloy lang
na nag-uusap-usap ang mga madre samantalang si Miracle naman ay nakaupo lamang
sa isang tabi. Nakamasid siya sa mga batang masayang naglalaro. Ilang minuto
ang nakalipas nang walang babalang bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga
mata ngunit wala pa ring bakas ng kahit anong ekspresyon ang kanyang
mala-anghel na mukha.
“Si-sister!
Hala umiiyak siya!”
“A-ano,
bakit ka umiiyak?”
“..............”
“Mga sister,
maari niyo ba kaming iwanan sandali?”
Napalingon
naman sila sa isang madre na kararating lamang.
“Sige po
Sister Carmen.”
At nagsimula
na silang umalis.
Umupo naman
si Sister Carmen sa tabi ni Miracle. Nang mapansin niyang nakatingin ito sa mga
bata ay nagsimula siyang magsalita.
“Ang saya
nilang panuorin ano? Bakit hindi mo subukang makipagkaibigan sa kanila?”
“...........”
“O baka
naman nahihiya ka lang?”
“...........”
“Hindi mo
kailangang mahiya. Isa pa, bakit ka umiiyak? Alam mo napakabata mo pa para
mag-isip ng maraming problema. Bakit hindi mo subukang gumawa ng mga bagay na
makapagpapasaya sa’yo? Maganda ang buhay, pero napakaikli pa rin kaya dapat
huwag mo sasayangin ang bawat minuto na nakasimangot at umiiyak.”
“.............”
“Kapag handa
ka nang buksan ang sarili mo para sa ibang tao, wag mong kalilimutan na nandito
lang kami nila sister ha?”
Inilagay ni
Sister Carmen ang kanyang kaliwang kamay sa kaliwang balikat na Miracle at ang
kanyang kanang kamay naman sa buhok nito sabay ang paghalik dito.
Nagulat siya
sa ginawa ng madre kaya naman nilingon niya ito.
“Anong
ginawa mo?”
Bakas sa
mukha ni Sister Carmen ang pagkagulat sa biglaang pagsasalita ng kanina pang
tahimik na si Miracle ngunit nagawa pa rin niyang ngitian ito at sagutin.
“Kung ano sa
tingin ko ang dapat na ginagawa para mapaamo at mapakalma ang isang batang
mukhang anghel na nakasimangot at umiiyak.”
Kumunot ang
noo ng batang babae at patuloy na tinitigan ang madre sa kanyang harapan.
“Maaari ko
bang malaman kung ano ang pangalan mo iha?”
Hindi pa rin
natinag ang batang si Miracle kahit na malumanay na siyang kinakausap ni Sister
Carmen.
“Mahirap
kasing makipag-usap sa’yo lalo pa’t hindi ko alam kung ano ang itatawag sa’yo.
Simula nang makita ka namin na walang malay sa tapat ng orphanage at nang
magising ka, hindi ka na nagsasalita.”
Pinakiramdaman
ni Sister Carmen si Miracle kung magsasalita ba ito o patuloy lang siyang
tititigan.
Muling
ibinalik ni Miracle ang kanyang mga mata sa mga batang naglalaro at gayundin
naman si Sister Carmen dahil mukhang wala talagang balak makipag-usap ang
batang babae.
“Hindi ko
alam.”
Biglang
pagsasalita ni Miracle matapos ang mahabang katahimikan.
Nanahimik
lang naman ang madre at patuloy lamang na nakinig sa kanya habang nakatingin sa
mga nagtatawanang mga bata.
“Hi-Hindi ko
maalala.”
Biglang
ibinaling ni Sister Carmen ang kanyang paningin kay Miracle nang maramdaman
niyang muli itong tumingin sa kanya. Tinitigan niya ang batang babae na ngayon
ay umiiyak nanaman.
Patuloy
nanaman sa pagtulo ang mga luha ni Miracle ngunit ngayon lamang nakita ng madre
ang sobrang sakit na nararamdaman nito dahil sa mga ekspresyon ng kanyang mga
mata.
Humagulgol
na sa iyak ang batang babae at inilagay ang kanyang dalawang kamay sa ngayong
basang mukha niya dahil sa walang katapusang luha at marahil na rin ay sa bigat
ng pakiramdam niya.
Nag-alala
naman si Sister Carmen sa kanya kaya naman bigla niya itong niyakap nang
mahigpit.
“Ssshhh.
Ayos lamang iyon. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pang sabihin. Ssshh tahan
na.”
Umiyak
lamang nang umiyak sa Miracle sa ngayong nakayakap na madre sa kanya.
Matapos ang
ilang minuto ay naging maaliwalas na ang mukha maging ang paghinga ni Miracle.
Nakayakap pa rin sa kanya ang madre.
“Na-Nagugutom
po ako. S-sister, pwede po bang—”
“Nagugutom
ka? Oo naman pwede kang kumain! Haha sige ipahahanda ko na yung kakainin mo.”
Humiwalay na
si Miracle kay Sister Carmen at saka yumuko’t kinalikot ang mga kamay.
“Dito ka
lang muna ha? Tatawagin na lang kita kapag handa na yung pagkain.”
Tumingala
naman siya’t nakita ang madre na nakangiti sa kanya kaya naman yumuko siyang
muli.
Hinaplos
nanaman siya nito sa kanyang buhok at umalis na.
Ngayon
lamang napansin ni Miracle na wala na ang mga batang naglalaro kanina sa
playground. Marahil ay hindi niya napansin ang pag-alis ng mga ito dahil sa
pag-iyak niya kanina.
Nang libutin
niya ng tingin ang buong paligid, noon lamang niya napansin sa bandang kaliwa
na may garden pala’t may fountain sa gawi doon.
Umalis siya
mula sa pagkakaupo’t tinungo ang garden.
Napakaganda
ng garden. Kahit saan ka tumingin, makakikita ka ng iba’t ibang klase ng mga
bulaklak. Sa pinakagitna naman ay isang fountain at sa likod nito’y may isang
makitid na daanan. Naglakad si Miracle sa lugar na iyon. Nang marating niya ang
dulo, nakita niya ang isang malaki’t matayog na puno. Kung pagmamasdang mabuti,
tiyak na matanda na ang punong ito. Lumapit siya sa puno’t dinala ang kanyang
mga kamay sa haligi nito.
“TABI!”
Nagulat si
Miracle sa sigaw ng isang lalaki ngunit bago pa man niya mahanap ang
pinanggalingan ng boses ay may kung anong mabigat na bagay ang nahulog sa kanya
dahilan upang matumba siya.
“Fuck!
Aarrrggg ang sakit!”
Iminulat ni
Miracle ang kanyang mga mata’t nakita ang sarili na nasa ibabaw ng isang
lalaki. Hindi muna siya kumilos at pinakiramdaman ang kanyang paligid.
Nakalapat ang kanyang tenga sa dibdib ng estranghero ngunit ang ikinatuwa niya
ay ang malalim na paghinga nito’t ang mabilis na pagtibok ng puso ng lalaki
ngunit muli rin niyang ipinikit ang kanyang mga mata dahil sa mapait na
alaalang hatid nito kasabay ang paglandas ng mga luha sa kanyang mukha.
“Hey. Ayos
ka lang ba?”
Inilayo ni
Miracle ang kanyang mukha mula sa pagkakasubsob nito sa kanyang dibdib at
mataman na tiningnan ang mukha nito.
Tinitigan ni
Miracle ang estranghero. Napansin din niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya
na tila ba lalabas ito sa kanyang dibdib. Gusto na niyang umalis ngunit parang
ayaw makisama ng utak niya at patuloy lang na tumitig sa lalaking nasa harapan
niya.
Nagulat siya
nang biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang mukha at pinunasan ito.
“Ayos ka
lang ba? Nasaktan ba kita?”
Tumango
lamang si Miracle at saka umiling.
Natawa naman
ang lalaki na siyang ikinabigla ni Miracle. Napangiti rin siya dahil tila
musika sa kanyang pandinig ang pagtawa nito. Napawi naman iyon ng muli ay
naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Tumitig
naman sa kanya ang lalaki pagkatapos ay ibinagsak ang ulo nito sa mga damo’t
ipinikit ang mga mata. Nagulat naman si Miracle at bigla siyang nakaramdam ng
kaba.
“Patay na ba
siya?” Nasasaisip ni Miracle.
Inilagay
bigla ni Miracle ang dalawang kamay niya sa magkabilang pisngi ng lalaki at
saka ginalaw ito.
Dumilat
naman ang lalaki kasabay ang pagpatak ng mga luha sa kanyang mukha mula sa
babaeng may mala-anghel na mukha ngunit umiiyak sa kanyang harapan.
Nagulat din
ang lalaki sa gulat at kinakabahang ekspresyon ni Miracle.
“A-akala ko
ba walang masakit?! Bakit ka umiiyak?”
Halata sa
mukha ni Miracle ang kasiyahan at walang babalang niyakap ang estranghero.
At muli ay umiyak
nanaman siya.
Natawa
nanaman ang lalaki dahil sa ginawa ni Miracle.
“Alam mo ang
iyakin mo. Akala ko pa man din may masakit sa’yo. Pinakaba mo ako ha! Grabe,
iba talaga impact ng luha ng babae—”
Napatigil ng
biglang paghigpit ng yakap ni Miracle ang pagsasalita ng lalaki. Kahit na
nagdadalawang-isip ay niyakap na rin niya ito.
Biglang
humangin ng malakas dahilan upang magsilaglagan ang mga dahon mula sa malaking
puno.
“Ouch.”
Nagulat si
Miracle sa pag-aray ng lalaki kaya naman tatayo na sana siya ngunit hinigpitan
lamang ng lalaki ang pagyakap nito sa kanya. Ang mas ikinagulat niya ay ang
biglang paggulong nito kaya naman si Miracle na ang nakahiga at ang lalaki
naman ang nasa kanyang ibabaw.
Mataman na
tinitigan niya ang gulat na si Miracle.
“Pwede ko
bang malaman kung anong pangalan mo?”
Nagulat si
Miracle sa tanong ng lalaki. Napansin din niya na ang lapit ng mukha nila sa
isa’t isa kaya naman umiwas siya ng tingin.
“Ikaw?”
Iyan na
lamang ang nasabi ni Miracle. Pinigilan naman ng estranghero ang pagtawa dahil
talagang natatawa siya sa babaeng ito.
“Drew.
Ikaw?”
Bumalik ang
tingin ni Miracle sa lalaki at wala sa isip na sinagot ang tanong nito.
“Angel.”
Biglang may
humila ng kanang kamay ko kaya naman naputol ang pag-iisip ko sa mga pangyayari
na bigla na lamang pumasok sa isip ko kani-kanina lang.
Madilim na
ang buong paligid kaya naman hindi ko makita kung sino ba’to. Aaarrrgg!!!
Naiinis ako! Hindi lang kasi simpleng paghila yung ginagawa niya sa akin!
KINAKALADKAD NIYA AKO!!
Nang
makarating kami sa garden ng academy ay bigla niya akong itinulak sa pader ng
building at inilagay ang kanyang mga kamay sa magkabila ko, leaving me trapped.
“ANO BANG
PROBLE—”
Nagulat ako
sa galit na mukha niya. Galit na galit.
Bakit.......ang
mga mata niya.....
....bakit?
“Drew?” wala sa sariling nasambit ko.
Ang galit na
mukha niya ngayon ay napalitan ng gulat.
Bigla niyang
hinawakan nang mahigpit ang mga balikat ko.
“Anong......anong
s-sabi mo?”
Napansin ko
naman na namumula na ang gulat niyang mga mata’t nagsisimula nang magtubig.
“Anong sabi
mo?” pagtatanong
niyang muli.
Hindi ko
namamalayan, tumutulo na pala ang mga luha ko’t mabilis na tumitibok ang puso ko.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------