Jane’s POV
Nakatingin pa
rin kami ni Geff sa isa’t isa. Hindi ko kasi maintindihan ang kahulugan ng mga
titig niya kaya naman pilit kong inaalam ang mga iyon. May kung ano rin sa akin
na hindi ko rin magawang maintindihan dahil gustuhin ko man ay ayoko nang
lisanin ang mga matang iyon.
Tila ba siya pa
rin iyong batang nakasama ko sa orphanage na ito.
But I guess lots
of things had already changed at isa na siya doon.
“Ate! Drew na lang itawag mo kay kuya ha? Kasi Geff
ang tawag sa kanya nila kuya Ren at ate Phin kaya dapat Drew naman sa’yo para
maiba,” tuloy-tuloy na
sabi ni... hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya ano?
“Ikaw? Ano naman ang itatawag ko sa’yo?” baling ko sa kanya.
“Please call me Carly! Short for Carla Lynnette.” Nagulat ako nang yakapin niya ako sa
bewang ko. Tiningala niya ako nang nakangiti. “Ate, tara laro tayo. Wala kasing mga bata ngayon dito eh.”
“Uhh...” Tiningnan ko naman si Geff na nakatingin sa malayo
ngunit mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko.
Hindi ko pa pala
nababawi.
Binalingan kong
muli si Carly at nakita nanaman ang inosente at maganda niyang ngiti. Who would
say no to her? “S-Sige! Pero pupunta
muna ako sa kwarto ko. May aayusin lang ako... uhh... at m-may kukunin na rin.”
Ang sama ko talaga! Pati sa isang magandang bata na walang kamuwang-muwangay
pinagsinungalingan ko pa. Pero kailangan ko talaga ‘tong gawin.
“May kwarto ka dito?” biglang tanong sa akin ni Geff.
Patay.
“Uhh... oo,” alanganin kong sagot.
Shit! Bakit ko
ba sinabing may kwarto ako?! Ayokong malaman niya na... hindi talaga ako isang
Alvarez. For goodness sake! Bahay ampunan ‘to! Bakit nga ba ako magkakaroon ng
kwarto dito?
“Bakit meron kang kwarto dito?” pagtatanong pa niya.
Iyan ang
iniiwasan kong tanong! Ugh Jane!
“K-Kasi... uhm... m-madalas kasi akong nagseserve
dito. Ano... pati close ako sa mga sisters dito kaya yun... may pinahiram sila
sa akin na kwarto... uhm... in case na... dito ako matutulog.” Please... let it be enough as an
explanation!
“What’s your schedule for service?” pang-uusisa pa niya. Why’re you so
concern?
Takte naman oh!
Bakit ba masyado siyang matanong?
“Weekends,” matamlay kong sagot taliwas sa naghuhuramentado kong
puso dahil sa kaba. Bwisit!
“Kung gano’n, bakit hindi kita nakikita?” skeptikal niyang tanong, nakataas ang
mga kilay.
Nanlamig ako,
dumoble pa yata ang kaba sa puso. “Ha?” Sige.
Patay malisya tayo Jane.
Pero sa totoo
lang ay medyo naguluhan ako sa tanong niya. Bakit? Nandito rin ba siya—
Oh my God!
Sinabi ko bang every weekend akong nandito? Sinabi ko ba?
Iyon na ang ginawa
kong schedule na araw na bibisita ako dito sa orphanage. Ibig sabihin
magsisimula pa lang! Hindi na dati pa lang ay iyon na ang schedule ko! Kinagat
ko ang labi ko. Bakit ko ba kasi sinabing weekend? Eh two years na nga akong
hindi nakakabisita dito di ba? Nakapunta lang ako ulit dito noong bago
magpasukan.
Tumikhim ako. “N-Nagkakasalisihan
lang siguro tayo,” sabi ko na lang. Alangang ipaliwanag ko pa lahat di ba? Baka naman kung
anong isipin niya kung bawiin ko iyong sinabi ko. Namumuro na talaga ako.
Kanina pa ako nagsisinungaling dito...
Kinuha ko na
iyong kamay ko sa kanya dahil namamawis na ang mga kamay ko dahil doon. Ewan ko
ba pero kinakabahan ako sa presensya niya. Lalo pa ngayon na masyado siyang
nagiging matanong.
“Sige, una na ako. Hintayin niyo na lang ako ni Carly...
uhm...” Wait...
saan nga ba nila ako pwedeng hintayin? Basta dapat ay malayo sa pupuntahan ko
dahil mahirap na’t baka makita nila ako. Naalala ko naman ang malaking punong
nakita ko kanina habang naglalakad-lakad dito. Hindi iyon ang malaking puno na
paborito ko noong bata pa ako ngunit tulad noon ay malaki at matayog din iyon.
“Doon sa may malaking puno sa garden. Doon niyo na lang ako
hintayin,” sabi
ko kay Geff. Tinapik ko naman ang mga pisngi ni Carly bago nagpaalam.
“Ate!” sigaw sa akin ni Carly nang medyo malayo na ang
nalalakad ko.
Lumingon ako at
nakitang hawak niya ang isang panyo.
“Ate! Nalimutan mong kunin sa akin!” Iwinagayway niya sa akin ang panyo ko.
Oo nga noh?
Nalimutan ko nga.
“Sa’yo na lang,” I mouthed at her. Naintindihan naman niya dahil
tumango-tango siya habang nakangiti ng malapad.
Naglakad na ako
papunta doon habang ang puso ko ay patuloy sa pagtibok ng mabilis.
No. I won’t back out. Kahit labag ‘to sa lahat ng
prinsipyo ko, gagawin ko. Lord, sorry talaga! Pero tingin ko ito lamang ang
makapagpapanatag sa kalooban ko.
I need answers.
Kung dati ay tinatakbuhan ko ang mga iyon, now I
will face all of them with certainty.
Patuloy lamang
ako sa paglalakad at huminto nang marating ko na iyon. Tiningnan ko ang pintuan
at binasa ang nakasulat doon.
Main Office.
Dahan-dahan kong
pinihit ang doorknob but as expected ay nakalock iyon. Tiningnan ko muna ang
paligid kung may tao ba bago ko kinuha ang hairpin ko. Ipinasok ko iyon sa
lock. Medyo nahirapan pa ako dahil matagal ko nang hindi iyon nagagawa.
I smiled at the memory.
Nagiging madali
na sa akin ang maalala ang mga bagay tungkol sa sarili ko noong bata pa lamang
ako simula nang buksan ko ang sarili ko sa mga iyon. At first, I have this
doubt that those were not mine because of a different face but when Al told me
about the surgery, that doubt vanished.
At masaya akong
matawag ang mga iyon na akin.
How I wish I
could also entitled him as mine too but it’s just too far
impossible to happen. The memories were there in the past.
Past. Too
far from the reality.
Matapos ang ilan
pang minuto ay matagumpay ko ring nabuksan ang pintuan ng office ni Sister Malou.
Nanginginig ang mga kamay ko habang pinipihit ng dahan-dahan ang pintuan. Kahit
na naihanda ko na ang sarili ko sa gagawin ay hindi ko pa rin maiwasang hindi
makaramdam ng kaba.
Isinara ko
kaagad ang pintuan at pinindot ang lock nang makapasok ako sa loob.
Nang masiguro
kong ayos na ang lahat ay binuksan ko na ang lahat ng ilaw. May kalakihan ang
main office na ito dahil dito rin unang pinapupunta ang mga bisita o mga
magulang bago nila makasalamuha ang mga bata.
Ngayon ko lamang
napagmasdan ang parte na ito ng main office dahil kapag pumapasok ako dito ay
dumidiretso kaagad ako sa isa pang kwarto which is iyong working office talaga
ni Sister Malou.
May mini sofa
dito at table na rin, mini kitchen, mini dining set, at mini living room.
Tinahak ko ang mini living room at tiningnan ang mga picture frames na
nakahilera sa ibabaw ng grand piano.
Kinuha ko iyong
picture frame na una kong nakita at napangiti nang makitang sila Sister Malou,
Sister Mary at Sister Suzy ang naroon. Stolen shot siya kaya naman nakakatawa
ang mga hitsura nila. Si Sister Suzy ay nakanganga pa!
Inilapag ko iyon
at ipinagpatuloy ang pagtingin sa iba pang frames.
Huminto naman
ako sa tapat ng isang picture frame na nakasabit sa dingding. Nilapitan ko iyon
at nalamang luma na iyon dahil nakita ko sila sister na bata pa ang mga
hitsura.
Isa iyong
picture kung saan kumpleto ang lahat ng mga madre dito sa orphanage.
Tiningnan ko
iyong gitna dahil alam kong si Sister Malou ang naroon bilang may pinakamataas
na katungkulan dito sa orphanage ngunit ibang mukha ang nakita ko roon.
Mataman kong pinagmasdan
ang mukha niya. Ang nakangiti niyang mga mata, ang sinserong ngiti, ang maamong
mukha... nanlumo ako nang makilala ko kung sino siya. Iba’t ibang alala ang
bumuhos sa utak ko. Sunod-sunod akong inatake nito. Masakit. Hindi iyon
nagdudulot ng pisikal na sakit ngunit mas malalim pa doon. Kinagat ko ang aking
labi upang pigilan ang sarili ko na sabihin ang pangalan niya. I don’t want to
break down here. Ngunit kahit na anong pigil ay kusang nalaglag ang mga luha
ko.
Those memories
with her dawned on me. Sa lahat ng mga nagawa niya sa aking kabutihan ay hindi
ko man lamang siya nagawang pasalamatan. Ang sama-sama ng pakikitungo ko sa
kanya. Hindi ko man lang siya hinayaang maging parte ng buhay ko.
Hindi ko man
lang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal bago pa nahuli ang lahat.
Bago pa siya
nawala... bago pa siya namatay...
Pinunusan ko ang
basang mukha ko. Lumapit ako sa grand piano at umupo sa harapan nito. Sinubukan
kong pumindot ng ilan sa mga keys at natuwa nang mayroon itong inilabas na
musika.
Para sa’yo ‘to Sister Carmen...
I slowly put my
hands on the keys and let them move the way I want them. The room now is filled
with the music that Sister Carmen had taught me back then...
Nakaupo ako sa isang bench kung saan tanaw ang
playground ng orphanage. Tinatanaw ko lamang ang mga batang masayang naglalaro
habang ako naman ay nakapangalumbaba at hinihintay ang pagdating niya.
Bakit kaya ang tagal niya?
Nang nainip na ako ay nagsimula na lamang akong maglakad.
Hindi ko namalayang dinadala na pala ako ng mga paa ko kung saan kami unang
nagkita.
Ang laki pa rin ng puno na iyon.
Nagsimulang umihip ang hangin at tinangay ang mahaba
kong buhok. Nais ko na sana itong putulin ngunit ayaw niya. Habang nakatingala
sa puno ay naalala ko ang naging pag-uusap namin tungkol sa pagputol sa buhok
ko.
“Don’t cut your hair,” naalala
kong sabi niya noon habang pinagmamasdan ang buhok kong nililipad ng hangin.
“Why?” tanong
ko sa maliit na boses. Iniisip ko pa noon kung bakit masyado siyang concern sa
buhok ko gayong hindi naman siya maapektuhan nito.
Naalala ko ang ngiting ibinigay niya sa akin noon. “Because I like it.” Mga simpleng
salita ngunit napakaraming nais ipakahulugan.
“Why?” Kahit
kasi sa simpleng sinabi niya ay hindi ko pa rin magawang maintindihan iyon.
“I love it.” Ngayon
naman ay sa akin na nakatuon ang mga mata niya nang sinabi niya iyon. Biglang
parang may nagwala sa gitna ng dibdib ko. Hinawakan ko iyon at nalamang ang
puso ko pala iyon, bumubilis nanaman ang tibok.
Bakit parang naiintindihan nito ang mga sinasabi
niya pero blangko pa rin ang utak ko? Posible ba iyon?
“Why?” wala
sa sariling tanong ko. Bakit tumitibok ito nang napakabilis? Para akong kinakapos
ng hininga...
“Why do you keep on asking
why?” natatawa niyang tanong sa akin. Kahit ako, gusto
kong malaman kung bakit...
Wala akong naisagot sa kanya nang itinanong niya sa
akin noon. Blangko pa rin ang utak ko at pinapakiramdaman ko pa rin ang
nagwawala kong puso.
Napansin ko noon kung paano siya huminga ng malalim
at tumingala, mukhang pinagmamasdan niya noon ang puno kung saan kami unang
nagkita. “Don’t cut your hair because I
like it, I love it, more especially because it adds up to your beauty.”
“I don’t care though.”
“What?” Muling
bumagsak ang tingin niya sa akin.
“I don’t care about how
I look.”
“Me too.”
“What?” Ngayon
naman ay ako ang nagulat.
“I said I don’t care
about how you look either. As long as you’re my Miracle, yeah... it doesn’t
matter. Nothing matters... just you.”
Nilisan ko na ang lugar na iyon at nagpatuloy na sa
paglalakad. Hindi ko alam na napapangiti na pala ako dahil sa alaalang iyon. Huminto
ako sa paglalakad nang may marinig akong tunog.
Tunog ng isang... piano.
Tiningnan ko ang isang pinto at dahan-dahan iyong
binuksan. Nakita ko si Sister Carmen na nakaupo at tumutugtog ng piano.
Pumasok ako sa kwarto, isinara ng dahan-dahan ang
pinto, at umupo sa isa sa mga sofa. Mataman ko lamang pinakinggan ang musika.Hindi
ko alam kung napansin ba ako ni sister o hindi dahil nagpatuloy lamang siya sa
pagtugtog.
Matapos ang ilang minuto ay tumigil na si Sister
Carmen sa pagtugtog at pinunasan ang kanyang mukha gamit ang likod ng palad niya.
“Bakit po kayo
tumigil?” biglaan kong naitanong.
Nilingon kaagad ako ni Sister Carmen at kitang-kita
ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat.
Nilagay niya ang kamay sa dibdib “Hay juskong bata ka oo. Muntik na akong
atakihin sa gulat dahil sa’yo,” sabi niya nang nakangiti sa akin ngunit malungkot
naman ang mga mata.
Napansin ko ang namumula niyang mga mata at ilong. “Bakit po kayo umiiyak?”
Tumingin lamang siya sa akin habang nakangiti. Hindi
ko maintindihan kung bakit hindi niya sinagot iyong tanong ko kaya naman tumayo
ako at lalabas na sana.
“Miracle,” malumanay
at malambing niyang tawag niya sa akin.
Nilingon ko siya at nakitang inaanyayahan niya akong
umupo sa kanyang tabi, sa harap ng piano.
Hindi naman na ako nagdalawang-isip at lumapit sa
kanya. Umupo na rin ako sa tabi niya.
“Marunong ka bang
tumugtog?” pagtatanong niya habang hinahaplos ang
buhok ko.
Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay dinala ko ang aking
mga daliri sa keys ng piano at tinugtog kung ano ang narinig ko mula sa kanya.
Matapos ko iyong tugtugin ay tiningnan ko si Sister
Carmen.
Nakatingin lamang siya sa akin. Ang kanyang mga mata
ay puno ng pagkagulat, pagkamangha, sakit, at pagmamahal.
Tumulo ang kanyang mga luha ngunit mabilis din naman
niya iyong pinunasan. Hinaplos niyang muli ang aking buhok bago siya tumayo at
may kinuha sa loob ng office niya. Matapos ang ilang minuto ay bumalik din siya
dala ang isang papel.
Ibinigay niya iyon sa akin.
Nakita kong isa iyong piyesa ng kanta.
Kahit wala siyang sinasabi ay naintindihan ko kung
ano ang gusto niyang mangyari. Nilagay ko iyon sa harapan ko, tinugtog iyong
natutunan ko kay Sister Carmen at nagsimulang kumanta.
Pumikit ako
dahil isa iyon sa mga masasaya at malulungkot na alaala ko kasama si Sister
Carmen. Isa iyon sa mga pinahahalagahan kong alaala.
‘Yeah, when my world is falling apart
When there's no, light to break up the dark
That's when I, I, I look at you
When the waves are flooding the shore
And I can't find my way home anymore
That's when I, I, I look at you.’
Muli kong
tiningnan ang nakangiti niyang mukha sa larawang iyon. Natulala pa ako ng ilang
minuto habang nakaupo habang pinapakalma ang sarili. Nang maramdaman kong ayos
na ako ay huminga ako ng malalim, binigyan ng huling sulyap ang larawan ni
Sister Carmen at tumayo. Dumiretso ako sa pintuan ng office ni Sister Malou.
Huminga akong
muli ng malalim. Kaya ko ‘to! Bubuksan
ko na sana ang pintuan nang mapansin kong medyo nakabukas iyong pintuan ng main
office. Pinuntahan ko iyon.
Parang may
humampas nanaman sa puso ko habang pinagmamasdan ang nakaawang na pintuan ng
main office. Oh my God! May nakakita ba sa akin dito?! O kaya may nakarinig sa
drama ko kanina?!
Bakit bukas eh
sinigurado ko namang nakasara ‘yan! Nilock ko pa nga eh!
Unless may
nagbukas nung pintuan... gamit ang susi... dahil may nakarinig sa pagtugtog ko
ng piano.
Naihilamos ko
ang mga palad sa mukha ko. I’m dead!
Hindi na ako
nagdalawang-isip at lumabas na agad ng main office. Baka mamaya may dumating na
talaga at tanungin ako kung bakit ako nasa loob. Siniguro kong lahat ay nasa
tamang ayos bago ko isinara ang pintuan.
Hala! Anong
gagawin ko kapag may nakakita talaga sa akin tapos nagsumbong kay Sister Malou?
Anong sasabihin ko?
“Sister Malou, sorry. May gusto lang po kasi akong
makita eh nagbabakasakali po akong nasa office po ninyo iyon.”
Nagpapadyak ako
at halos maiyak dahil sa frustration at pag-aalala. Hindi ko yata kayang
sabihin sa kanya iyon!
Nilingon ko ulit
ang nakasarang pintuan at binuksan iyon. Dali-dali kong nilock ang pintuan mula
sa loob at isinara na.
Pagkatapos ay
tumakbo na ako. AS IN TAKBONG MABILIS!
Pero dahil may
pagkashunga-shunga nga naman ako ay bigla akong natalisod at halos halikan ko
na iyong lupa sa ganda ng landing ko. Mabuti na lang at nakapantalon ako kaya
hindinasugatan iyong tuhod ko pero kamusta naman kaya iyong mga braso, siko at
kamay ko di ba?
Dahan-dahan
akong tumayo at sa isang iglap ay naramdaman ko ang hapdi sa mga kamay at siko
ko.
I sigh
annoyingly. “Kung sinuswerte ka nga naman oh!” I
muttered to myself.
Pinulot ko
kaagad iyong notebook ko na nahulog at naglakad papunta doon sa kwarto ko. Pagkapasok
ko doon, binuksan ko na kaagad ang ilaw. Uminit at puso ko nang mapagmasdan ko
ang kabuuan nito dahil walang kahit anong nagbago. Tiningnan ko ang kisame at
nakitang naroon pa rin iyong mga glow in the dark na stars. Iyong kama ko ay
maayos at maging iyong malaking bear na regalo sa akin nila sister ay naroon
din. May ilan din akong mga damit dito kaya naman hindi na problema kung bigla
na lamang akong matutulog dito. Alam naman na rin nila mom na minsan talaga ay ginugusto
kong matulog dito.
I feel nostalgic
upon gazing at the whole cozy room. Inilapag ko ang bag at ang notebook ko sa
bedside table at binuksan ang maliit na cabinet kung saan nakalagay iyong first
aid kit. Kinuha ko ang betadine at nang mapagmasdan ang malaking sugat sa siko
ay napangiwi ako. Ilang taon na ako pero napakaclumsy ko pa rin.
Ngumuso ako nang
maalala si kuya. Dahil nga inborn OA kuya siya ay alam kong magagalit siya at
abot-abot na pangangaral ang aabutin ko kapag nakita niya ito. As if I can help
it. Nagbihis na lang ako ng long sleeves para hindi makita iyong sugat.
Lalabas na sana
ako ng kwarto ngunit biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman sinagot ko
muna iyon.
“Kuya,” sagot ko. Umupo ako sa kama. Hinahanda ko na ang
sarili sa galit niya. I mentally listed his possible arguments.
“Nasa orphanage ka ba ngayon?” kalmado niyang tanong. Hindi kaagad ako
nakasagot. Aba! Himala! Hindi yata siya galit ngayon? Nagagalit kasi yan kapag
pumupunta ako dito at hindi ako nagpapaalam sa kanya. Weird. Pasaway kasi
talaga ako at trip ko minsang inisin ‘yang si kuya! And I also want him to let
go of me sometimes. Hindi sa nasasakal ako sa pagiging strikto niya tulad nila
mom ngunit ayoko lang talaga na lagi nilang iniisip na may mangyayari sa aking
masama kapag nawala ako kahit isang segundo man lang sa pangin nila. I want
them to think that I can handle myself.
Dumako ang
tingin ko sa sugat ko. Halos matawa ako. So much for handling myself.
Napangiti ako. “Yep! Pupunta ba kayo ni Al dito?”
“Pupunta kami dyan pero siguro mga hapon na. May
pupuntahan kasi kami pero don’t worry dahil mabilis lang naman iyon.”
Napahagalpak ako
sa tawa. Napakadeadpan naman kasi nang pagkakasabi niya doon. Kunwari pa si
kuya pero alam kong parang baliw ‘yan na nakangiti. Hindi na lang kasi sabihin
sa akin na magde-date sila! Para namang bago sa akin iyon. Ang bagal lang kasi
nitong si kuya at lagi na lang inaaway si Al.
Natatawa pa rin
ako nang sinagot ko siya. “Sige. Dito
lang ako. Take your time.”
He chuckled.
Natawa nanaman ako. “Don’t tease me. Okay.
Dyan ka lang. Basta hintayin mo lang kami, susunduin ka na lang namin dyan
mamaya.”
“Kuya, gusto ko dito matulog,” sabi ko. Ewan ko pero gusto ko munang
magstay dito. Halos lahat ng mga alaala ko noong bata pa ako ay nabuo sa
orphanage na’to at gusto ko nang makuha ang lahat ng iyon.
I can literally find my lost self here.
Bumuntong hinga
si kuya. I know he knew very well that this topic is a nonnegotiable. “Alright. If that’s what you want. I’ll
sleep there too, Al said yes too.”
“Thank you. Ingat kayo sa lakad niyo ni Al.” Binigyang
emphasis ko talaga ang word na lakad. Humalakhak si kuya. “Hoy kuya ingatan mo ‘yang bestfriend ko ha! Naku ka! Iba ‘yang
tawa-tawa mo dyan! Nakakapangilabot!” pang-aasar ko pa.
“Ano bang iniisip mo ‘lil sis? She just asked me to
give her a ride. Kinukulit ako dahil wala daw maghahatid sa kanya doon pati sa
orphanage. I’ll go there too kaya pinilit na rin niya akong samahan siya,” mahabang pagpapaliwanag ni kuya. Defensive.
“Tuwa ka naman?”
“Why would I be? Ako na nga itong naabala matutuwa
pa ako?”
“Eh kasi si Al ang kasama mo!” Daming arte ni kuya!
Halos maimagine
ko ang pagtaas ng kilay niya nang nagsalita siya. “So? Should that fact make me happy?”
“Ewan ko sa’yo kuya!” Nasa indenial stage pa siya. Hayaan na nga lang.
“I love you princess. Sige na ibababa ko na.” Asus! Ayan, nagmamadali na kasi excited
na! I stiffle my laughter.
“Love you too. Ingat kayo ni Al.”
Lumabas na agad
ako sa kwarto ko pagkababa ko ng tawag at tinungo iyong malaking puno na sinabi
kong paghihintayan sa akin nila Geff at Carly. Kaya naman pala pamilyar sa akin
ang mukha ni Carly ay dahil magkamukha talaga sila ni Geff.
What a small world.
Nang makarating
na ako doon ay nakita kong wala si Geff maging si Carly doon. Lumingon-lingo
ako sa paligid pero hindi ko pa rin sila makita. Saan naman kaya pumunta ang
mga ‘yon?
Lumapit pa ako
sa puno ngunit wala pa rin.
Then a thought dawn on me. Dahan-dahan akong tumingala at tulad ng
nasa isip ko ay naroon nga siya.
I put my hands
on either side of my waist. Bakit ba mahilig siyang pumunta sa itaas ng puno?
Ano bang meron doon?
“Geff,” tawag ko sa kanya.
As expected of
him ay hindi niya ako narinig. Malamang ay naka headphones nanaman iyon.
And as expected
of me, inakyat kong muli ang puno.
I felt a sense
of déjà vu. Maingat akong umakyat sa puno at habang ginagawa iyon ay parang
nililipad ang puso ko. Tiningala kong muli si Geff at nakitang mahimbing
nanaman siyang natutulog. Bakit nga ba ako umaakyat? Hindi ko rin alam. I just
got the sense that I have to... that I want to. Para bang nakatatak na iyon sa
akin.
Nang narating ko
na iyong kinaroroonan niya ay pinagmasdan ko lamang siya.
I decided to
just wake him up. “Geff,” tawag ko
sa kanya habang tinatapik iyong balikat niya.
Hindi pa rin
siya nagigising. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko.
“Geff,” this time iyong pisngi naman niya ang tinapik ko.
Wala pa ring
epekto.
Huminga muna ako
ng malalim bago siya muling tinawag. “Drew...
wake up.”
Ngunit kasabay
ng pagtawag ko sa kanya ay ang pagkadulas ng kaliwang paa ko sa tinatapakan
kong bahagi ng puno.
“Oh no...” Kumapit ako sa isang sangang malapit sa akin ngunit
huli na dahil hindi ko na iyon naabot pa.
“Shit!” I heard someone grunted. Hindi ko na iyon natingnan
pa dahil napapikit ako sa sakit na naramdaman dala ng pagtama ng siko kong may
sugat sa kung saang sanga.
Nakapikit pa rin
ako ngunit napagtantong hindi na ako nahuhulog dahil... dahil...
... may mahigpit
na kung ano ang nakapulupot sa akin.
Nakapikit pa rin
ako ngunit naramdaman ko bigla ang pagdikit ng kung ano sa noo ko at ang mainit
na hininga niya malapit sa mukha ko.
“Damn... you scared me,” he said... breathless.
Uminit ang sulok
ng mga mata ko. No... ayokong dumilat. Ayoko...
“Damn... you scared me
Miracle.” Those same words
he uttered back then.
Same scenario, same old...same old...
... same old memories...
I badly want to reach him, that’s why I tried to
climb up the tree... just like what he did. I climbed... without him knowing. I
climbed still even the risk of falling is high. I climbed still... because I
know he’ll be able to catch me.
He’ll protect me... no doubt. He promised me that. I
won’t forget. I reached him but slipped. I thought I would fall but didn’t.
He enveloped me with his arms while I said
nothing... nothing.
“I’m sorry,” I whispered now... but I was thinking of the past
him.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------