Chapter 19: Handshake
Jane’s POV
Pakiramdam ko nawala na lahat ng dugo ko sa katawan. Si Geff diretso pa rin ang tingin sa akin. Si Darren naman hindi ko alam kung gulat na galit o ano. Si Phin naman nakangisi. Kanina ko pa talaga napapansin itong si Phin na parang may weird sa kanya, o baka ako lang itong weird?
“I knew it.” pabulong na wika ni Phin.
Bago pa ako makapagsalita ay tumunog ang cellphone ko na nasa table lang sa tabi ko. Nang kinuha ko iyon ay nakita kong si kuya iyong tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan ne’to?
Ghad! Ang tahimik sa table namin!
Nakita ko namang uminom si Darren ng tubig nang pinindot ko ang answer button.
“Kuya, bakit?” panimula ko. Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko. Si kuya lang naman iyong tumawag eh. No big deal. Pero ang big deal sa akin eh lahat sila nakatingin sa akin! Naconscious naman ako. Bakit ba hindi na lang nila ipagpatuloy ang pagkain nila?!
Thank goodness itong katabi ko ay kumain na ng pizza pero guess what? Iyong nasa plate ko ang kinain niya! Iyong kambal nalaglag ang panga dahil sa ginawa niya. Ako? Natulala lang sa kanya.
“Jay?”
Noon ko lamang naalalang may kausap nga pala ako.
“A-Ano ulit yun kuya? Sorry hindi ko narinig.” Goodness gracious!! Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko!
“Where are you?”
“Uhh....nasa labas kami, kumakain.”
Nagsimula na ring kumain ulit si Phin samantalang si Darren naman ay tulala sa kawalan.
“Where exactly?”
“Pizza Hut. Malapit sa school. Bakit mo ako hinahanap kuya?”
“Princess. I missed you so much.”
OH MY GOD!!!
“Dad?!” Oh my God nandito si dad! I can’t believe it! Umuwi na siya!!
Iyong tatlong kasama ko mukhang nagulat din.
“I missed you so much too dad. Nasaan ka? Nasaan kayo ni kuya?” maluha-luhang tanong ko sa kanya. I know I’m a cry baby but I don’t care if I cry in front of my friends. Ganito talaga ako pagdating kay dad.
Mabilis kong pinunasan ng kamay ko ang luhang kumawala sa mata ko.
“I’m here at your school. I’m visiting a friend here and I just can’t wait to see you and Nathan.” I hear his laughter.
“I’m on my way dad.”
“No Jane. Stay there. Papunta na si Nathan dyan.”
“Okay.” Hindi ko maitago ang ngiti ko.
“I love you dad.”
“I love you too princess.”
“Akala ko po ba next month ka pa makakauwi? Paano na iyong tungkol sa company ninyo at nung kela Alex?”
I regretted mentioning Alex’s name when I saw the abrupt change of Phin’s mood.
“Hindi na namin naituloy.”
“Bakit dad? May naging problema ba?” nag-aalalang tanong ko. I know wala pa naman akong kaalam-alam sa business world pero kapag hindi naging successful ang isa sa mga projects or merging ng companies na nasimulan ay alam kong hassle iyon at maraming consequences. Ayokong masyadong mastress si dad.
“Princess, I’m aware of you and Alex’s...uhh......situation. Pumayag akong makipagmerge ng company kay Dexter pero nang nalaman niya ang ginawa niya sa anak ng tita Brea mo at sa iyo na rin, naguilty siya. Sinabi kong wala naman sa akin iyon at maayos ka naman na ngayon but he insisted on not continuing the merging. Inuusig daw siya ng konsensya niya.”
Si tito Dexter ang dad ni Alex at si tita Brea naman ang mom nila Phin at Darren. Naiintindihan ko naman si Alex. Naguluhan lang talaga siguro siya nang makita na niya ako at sila pa ni Phin. Maganda na rin na naghiwalay sila ni Phin dahil mas magagalit ako sa kanya, siguro ay si Phin na rin, kapag ginawa lang niyang rebound si Phin kahit na hindi naman talaga naging kami ni Alex.
“I understand.” nginitian lamang ako ni Phin nang nakita niya akong nakatingin sa kanya at nag-aalala.
“Dad, ibababa ko na. Nandito na si kuya.” sabi ko kay dad nang makita ko si kuya na papasok na sa resto.
“Alright. I’ll wait for you here.”
Tinapos na lamang namin ang pagkain nung pagkalaki-laking pizza. Si kuya kumain na rin dahil hindi pa raw siya nagla-lunch. Medyo naging maganda na ang atmosphere sa table namin dahil nag-ingay nanaman si Phin at hindi na naungkat pa iyong topic kanina tungkol sa akin.
Almost lahat ng topics namin ay tungkol sa academics at sports. Tanggap na raw si Darren sa Waldroves ayon kay kuya. Si kuya naman pala itong nagpapahirap kay Darren noong nagtry-out siya at worth it naman daw dahil magaling si Darren.
Si Phin naman ay sumali sa Drama Club ng academy. Forte daw niya kasi ang pag-acting kahit noong high school pa lamang siya. Nagtaka nga siya kung bakit hindi ko alam dahil iyon naman ang naging presentation nila ni Alex.
“Kayong dalawa ni Alex ang partner sa presentation sa OSWALDS?!”
“Oo. Bakit hindi mo alam Jane? Wala ka ba sa audi.? Pagkatapos niyo kasi ni Neth kami na yung sumunod.”
Now I remembered. Lumabas ako noon para mag-isip-isip at nakausap ko rin si Jayvier. After ng pag-uusap namin noong araw na iyon, hindi ko na siya nakita pa ulit. Iyong tungkol naman kay Neth eh hindi pa namin napag-uusapan ng maayos.
“Nagka-cutting class ka ba Jay?” biglang tanong ni kuya.
“Hindi ah! May pinuntahan lang ako sandali pero bumalik din ako kaagad sa auditorium.” depensa ko naman sa sarili ko.
Tiningnan lang ako ni kuya na para bang hindi naniniwala. Inirapan ko nga.
Hindi ko maimagine na sabay nag-act si Alex at Phin ng ‘Romeo and Juliet’. Sayang at hindi ko talaga nakita! Favourite ko pa naman iyon sa lahat ng libro ni William Shakespeare.
Dumako naman ang usapan kay Geff na kanina pa tahimik.
“Kumusta pala ang try-out sa soccer?” tanong ni Phin habang ngumunguya ng pizza.
“Typical. Nagbabad sa araw. Nakakapagod.”
Ang tipid naman magsalita nito.
“Tanggap ka na ba?” tanong ulit ni Phin.
He just shrugged.
Okay. Alam ko na ngayong walang kwentang kausap ‘tong si Geff. Kahit naman noong nag-usap kami sa garden wala na siyang nasabing matino.
>////<
“Jay.” tawag ni kuya Nathan.
Tinaas ko lang ang kilay ko.
Nagets naman niya ako at tinusok ang magkabila niyang pisngi.
Nang magets ko din kung bakit niya ako tinawag eh yumuko pa ako lalo. My goodness kita ba talaga ang pamumula ng mukha ko?? May naalala lang naman ako eh. >__<
Matapos namin kumain ay naglakad na kami papunta sa academy. Nauuna si kuya sa paglalakad na sinundan naman ng magkatabi na Ramirez twins at kami naman ni Geff ay sumusunod sa kanila. Hindi ko nga rin alam bakit nahuli kaming dalawa.
“Saan ka nga pala nag high school? Si Nathan lang kasi iyong nakikita ko madalas sa school.” tanong ni Geff habang nakatingin pa rin sa harap.
Nagulat ako sa biglaan niyang pagtatanong pero sinagot ko pa rin naman siya.
“Home schooled ako.”
Kumunot ang noo niya pero tumango-tango rin pagkatapos.
May gusto sana akong itanong sa kanya kaso nahihiya ako. Pero mukhang hindi ako matatahimik kung hindi ko man lang maitanong sa kanya iyon kaya naman nilakasan ko na ang loob ko.
“Geff, galit ka ba sa akin?” tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Habang nakaside view ang mukha niya ay kitang-kita ko kung gaano katangos ang ilong niya at nang tumingin na siya sa akin ay ang mga mata naman niyang nangungusap ang nakita ko.
Umiwas tuloy ako ng tingin.
Alam ko namang galit siya sa akin eh. Simula pa lamang noong gabing inaway niya ako. Kinonfirm din ni Neth sa akin iyon pero mas gusto kong marinig iyon galing sa kanya.
“Not anymore.” halos pabulong niyang sabi.
This time tumingin na ako sa kanya pero nakatingin na ulit siya sa harapan.
Hanggang sa nakarating na kami sa academy ay wala na siyang ibang sinabi pa.
Nang makapasok na kami sa loob ay doon lamang humarap nang tuluyan sa akin si Geff.
“I know I’d been a jerk that night and I’m sorry for that. Phin told me the story about you and Alex. I also heard Alex’s side. I loathe him still because he hurt Phin’s feelings despite all his reasons. And you....well.....I’m sorry if I judged you without hearing you out.” he sincerely said.
“Okay lang.” iyon na lamang ang naisagot ko sa lahat ng mga sinabi niya. Ang bilis kasi ng tibok ng puso ko’t hindi ko na maayos ng mabuti iyong mga dapat ko pang sabihin.
He looked down at me, ang tangkad kasi niya. I look up at him in return.
Nakikita ko talaga sa kanya si Drew.
“Damn. You really have the same eyes.” bulong niya nang mag-iwas siya ng tingin.
Kumalabog lalo ang puso ko. Siya ba talaga si Drew na nakasama ko sa orphanage noon? Siya na ba talaga?
Napansin kong nakakaattract na kami ng atensyon dahil nasa kalagitnaan kami ng quad at kami lang halos ang hindi naglalakad. Hindi ko rin napansin na wala na si kuya pati sila Phin at Darren. Hindi siguro nila napansin na huminto kami.
“Like I said, I’m sorry sa lahat ng mga sinabi ko.” sabi niya habang nakatingin ulit sa akin.
Tumango na lamang ako. Marami na akong nakitang similarities sa pagitan ni Drew at ni Geff pero sapat na ba iyon para magconclude na iisa lang sila?
Alam kong hindi pa dahil ako man sa sarili ko ay hindi pa buo. Magulo pa ang isip ko sa lahat ng mga nalaman ko this past few days. Mahirap magconclude nang walang matibay na batayan. Mahirap kapag sa instinct at feelings lang ako magdedepend.
I need my memories back.
“And about the kiss?”
Nakuha niya ang buong atensyon ko nang banggitin niya ang topic na iyon na actually ayoko nang pag-usapan dahil maraming nagwawala sa sistema ko.
“I’m not going to apologize for that.” he said with finality at saka ako tinalikuran.
Umabot ng ilang minuto bago nagsink-in sa utak ko ang sinabi niya.
Ayaw niyang magsorry sa paghalik niya sa akin??
Medyo naguluhan ako sa statement niya. Anong ibig niyang sabihin?
Ang gulo niya. Bow.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos ang 5 hours na byahe ay nakauwi na rin ako sa wakas. Namiss ko ng sobra ang bahay namin kahit 1 week lang naman kaming nawala.
Pagkarating pa lamang sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at bumagsak sa kama.
Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog pero nang bumaba ako ng hagdanan ay nakita kong palubog na ang araw.
“Jane! Come here. I missed my baby girl.” tawag sa akin ni mom sa ibaba.
Lumapit naman ako sa kanya at yumakap.
“Mom I’m not a baby anymore. Stop calling me that.” bulong ko sa kanya habang yakap niya ako.
“Alright. Dalaga ka na talaga anak.”
Hinigpitan ko ang yakap sa kanya dahil sa sinabi ni mom.
Kahit kailan talaga ay hindi nagkulang ng pagmamahal sila mom at dad sa akin. Kahit kailan hindi nila ipinamukha sa akin na iba ako sa kanila.
Nakita ko si kuya Nathan at Al na nanunuod sa living room. Si dad naman nasa kwarto pa yata nila mom.
Nang pumunta ako sa kitchen ay nakita kong nagbi-bake pala si mom ng cake and cookies. My favourite!
Habang pinanonood ko si mom, naalala ko iyong sinabi sa akin ni Al na may alam sila mom at dad tungkol sa past ko. Hindi lamang nila sinasabi sa iba dahil delikado para sa akin. They’re keeping something to protect me. Of course I’m not going to blame them for that but I don’t want to be ignorant when it comes to things about my own life.
I’m sorry mom but I don’t want to stay on the dark.
Dumiretso ako sa study room ni dad dahil sabi ni mom ay naroon daw siya. Pumasok na ako kahit na hindi pa kumakatok dahil sabi naman niya sa akin ay ayos lang. I’ll always be his first priority.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita ko si dad na nakaupo sa kanyang swivel chair habang natutulog. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang kanyang noo.
Sobrang pagod talaga si dad. He aged without actually aging. Halata sa mukha niya.
Tumingin ako sa table niya at nakitang nagkakalat ang mga papel, signed documents, reference books and the likes. I compile them neatly at the side of the table then notice a set of keys. Ang alam ko ay mga susi iyon sa underground storage room namin. Maraming pintuan doon kaya naman marami rin iyong susi. Nagtaka naman ako kung bakit nakalabas iyon eh halos hindi na nga namin bisitahin iyong storage room.
I don’t know what have got into me but I gather the keys, went out of the room then go straight outside at the back of our house to the door of storage room.
I don’t know but I feel myriad of feelings inside me that if I don’t open this door, I might get self-destruct.
I used the key then open the door slowly. I swallow all my indecisions before I step a foot inside. Nakalimutan kong magdala ng flashlight kaya naman ginamit ko na lang iyong ilaw ng cellphone ko. I know it’s not much but I guess it’s enough to cast light on my pathway.
Matagal ng sira iyong light dito sa loob pero dahil halos hindi naman na nagagamit itong storage room ay hindi na nag-abala pa si dad na ayusin pa iyon o palitan ng bago.
Pumasok ako sa isang kwarto at muling ginamit iyong susi. Bumungad sa akin ang iba’t ibang cabinets na naglalaman ng iba’t ibang files. I’m not here to find any kinds of files as far as I’m concerned. Am I?
Nilisan ko ang kwarto na iyon at muling iginala ang aking mga mata. Feeling frustrated, lalabas na sana ako pero nahagip ng peripheral vision ko iyong pintuan na dahan-dahang bumukas. I felt goosebumps all over me pero nagawa ko pa ring lapitan iyon at halos manlumo ako nang makitang nakatapat iyong pintuan sa isang malaking bintana at naramdaman ko naman iyong malakas na hangin.
“Get a grip Jane! It’s just the wind.” I mumbled, consoling myself.
Itinutok ko iyong ilaw ng cellphone ko sa kabuuan ng kwarto. May mga cabinet din dito pero ang nakakuha ng atensyon ko ay iyong malaking vault. Sabi sa akin ni dad ay madalas daw niyang ilagay iyong mga mahahalagang bagay sa vault niya. May vault sa kwarto nila mom at dad pero hindi ko alam na may isa pa pala.
Ano kayang laman ne’to?
Nilapitan ko iyon at nakitang nakalock iyon. Umupo ako at sinubukang pumindot para sa password.
Hindi ko alam kung bakit ko ba pinupuntirya itong vault. Basta parang gusto ko lang malaman kung ano iyong nasa loob.
Sinubukan ko iyong birth date ko, ni kuya, ni mom, ni dad, pero walang gumana.
Nang napagod na ako ay napagdesisyunan kong umalis na lang.
“Saan ka galing?” tanong ni kuya nang makita akong pumasok sa bahay. Nakaupo pa rin siya sa sofa habang nanonood ng movie.
“Sa storage room lang.” sabi ko habang umaakyat ng hagdanan. Kailangan ko pa kasing ibalik itong mga susi, baka kasi hanapin ni dad.
“Anong ginawa mo doon?” tanong naman ni Al na katabi ni kuya, tutok na tutok pa rin iyong mga mata niya sa screen pero hinihintay naman niya iyong sasabihin ko.
“May tiningnan lang.” sabi ko na lamang at tinalikuran na sila.
Bakit ba masyadong curious yung dalawang yun?
Papasok na sana ako sa study room ni dad nang marinig ko ang boses ni mom. Tumigil ako sa paglalakad at nagtaka ng marinig ang nag-aalalang boses niya.
I know it’s bad to eavesdrop, but I can’t help myself but to listen.
“Anong gagawin natin? Tinawagan na ako ni Sister Malou at sinabi niya na kinukulit na raw siya ni Mildred tungkol kay Jane.”
“Jayah, I won’t let her have our daughter or even let her see her. I won’t give her that benefit.” mahinahon na sagot ni dad sa paghi-hysterical ni mom.
Sino iyong Mildred? Anong meron sa kanila ni Sister Malou?
“Tingin ko dapat hindi muna pumunta si Jane sa orphanage. Mahirap na baka magkita pa sila.” sabi ni mom matapos ang ilang minuto ng katahimikan.
“Hayaan mo lang si Jane, Jayah. Kung magkikita man sila, hindi naman niya makikilala si Jane.”
“Pero kahit na! Ngayong nandito na siya mas lalong hindi ako mapapanatag hangga’t hindi pa tapos iyong—”
“Oh please! Don’t tell me you’ll cage Jane?” nagtaas na ng boses si dad. God! Ano ba iyong pinagtatalunan nila?
“Jay.” halos mapasigaw ako nang marinig ko ang malamig na boses ni kuya sa likod ko. Buti na lang at natakpan ko kaagad iyong bibig ko.
“Bakit?” I mouthed at him.
Hindi na niya ako sinagot at tuluyan na akong hinila papunta sa sala.
Pagkaupo namin ay napansin ko kaagad iyong kakaibang aura na bumabalot sa dalawang katabi ko. Nasa gitna kasi ako ni Al at ni kuya.
“Anong meron? Bakit ang tahimik niyo?” tanong ko nang hindi ko na matiis iyong pagiging tahimik nilang dalawa. Nag-away na naman ba ‘tong dalawa?
“Are you two hiding something from me?” tanong ni kuya.
Nagtatakang napatingin naman ako kay Al na ngayon ay nag-iiwas ng tingin.
Okay. Ayokong magpahalata kay kuya na mayroon na akong alam tungkol doon sa sikreto nila. Ayokong pati siya mag-alala pa sa akin. Sapat nang si Al muna ang hingian ko ng tulong.
Tumingin na lamang ako kay kuya, nagkukunyaring walang alam sa sinasabi niya.
“Nag-away na naman ba kayong dalawa? Hay nako! Ayusin niyo yan! Para talaga kayong aso’t pusa. At isa pa bakit ako nasama dito?”
Nag-iwas naman si kuya ng tingin sabay ang paggulo sa buhok niya. Ano ba talagang problema nito?
Magtatanong pa sana ako pero nakita ko si mom na naglalakad pababa ng hagdanan. Dire-diretso lamang siya sa pagbaba at pumunta sa kitchen na hindi man lamang kami tinapunan ng tingin.
Ano kaya iyong pinag-usapan nila ni dad?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kinabukasan ay nagising akong wala na sila mom at dad dahil parehas silang nasa trabaho. Si kuya at Al naman ay pareho pang tulog. Balak ko sanang ayain silang pumunta sa Heaven Orphanage kaso ayoko namang maistorbo ko pa sila. Tutal weekend naman ngayon at kailangan talaga nila ng pahinga.
Mabilis akong naligo at nag-ayos. Tinawag ko na lamang si kuya Mark para ihatid ako doon sa orphanage. Si dad na kasi iyong nagmaneho ng sasakyan nila ni mom kaya naman naiwan siya dito.
Palabas na ako ng kwarto ko nang maalala ko iyong notebook na madalas kong pagsulatan ng lahat. Gusto kong dalhin iyon sa orphanage. As much as I wanted to know the truth, hindi pa rin ligtas para sa akin. I need to take them slowly at sa tingin ko ay ang notebook na ito at ang orphanage ang nagsisilbing clue sa bagay na iyon.
Nang makarating ako sa orphanage ay nagulat ako nang makitang tahimik ang buong lugar. Ang alam ko ay dapat maraming mga bata ang nandito dahil weekend at wala silang pasok. Pero bakit parang wala yata kahit isang bata man lang ang nandito?
Pumunta ako sa front desk kung saan pumupunta iyong mga bisita at nakita ang isang babaeng mga nasa 30 ang edad.
“Excuse me po. Nasaan po ba ngayon si Sister Malou?”
“Ay iha. Wala si Sister Malou dito, nag-out of town.”
I felt a pang of disappointment upon hearing that. Gusto ko pa man ding makausap si Sister Malou tungkol doon sa narinig kong pinag-usapan nila mom at dad.
“Ganun po ba? Sila Sister Mary at Sister Suzy naman po nasaan?”
“Naku kasama rin sila ni Sister Malou. Silang tatlo yung mga umalis. May bibisitahin daw kasi silang kaibigan kaya hayun at umalis.”
Nanlumo ako sa narinig. Bakit wala silang tatlo? Sayang naman at hindi ko sila makikita ngayong week.
“Bakit iha? May kailangan ka ba sa kanila? Kung gusto mo ako na lamang ang magsasabi.” sincere na sabi ni ate.
“Ah hindi na po! Ayos lang po. Sa susunod ko na lang po sila kakausapin. Salamat po.” at nagpaalam na ako sa kanya.
Sayang naman iyong pagpunta ko dito. Wala man lang akong makakausap. Hindi naman ako masyadong close sa ibang mga madre dito pero nevertheless kilala ko naman sila. I just find it comforting kapag silang tatlo iyong kasama ko. Wala rin namang mga bata dito.
Napagdesisyunan ko namang maglibot-libot muna bago tuluyang umuwi. As usual pumunta ako sa garden ng orphanage. Binuklat ko iyong notebook ko at pinagmasdan ang guhit ng isang garden din. Iginuhit ko ito matapos kong maalala ang lugar na iyon. Tumingin naman ako sa paligid at napagtantong baka iniba na nila ang ayos nito. Wala na kasi iyong fountain na may angel pati iyong malaki at matandang puno. Baka sa sobrang tagal na ay pinutol na iyon.
I sigh heavily.
Ang daming nagbago pero ngayon lang ako naging aware sa mga pagbabago na iyon.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad at napadpad naman ako sa playground. Maging iyong mga swing at slides ay iba na ang porma kumpara sa iginuhit ko sa notebook ko.
Sunod kong pinuntahan ay iyong terrace malapit sa kwarto ko. Oo, may sarili akong kwarto dito sa orphanage. Madalas kasi ako dito noong bata pa ako at dito rin ako nagbabakasyon.
Aalis na sana ako nang biglang may yumakap sa mga hita ko. Tiningnan ko kung ano iyon at nagulat nang makita ang isang batang babae.
“Hello.” wala akong masabi. Ang higpit kasi ng yakap niya na tipong hindi talaga makagalaw iyong mga binti ko. Narinig ko naman ang pagsinghot niya.
“Hala umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari?” natatarantang tanong ko. Goodness! Hindi ako marunong magpatahan ng bata! Swear!
“Bakit wala pong tao dito? Nasaan po sila?” tanong niya habang nakasubsob pa rin ang mukha niya sa hita ko.
Tinanggal ko nang dahan-dahan ang pagkakakapit niya sa akin at iniangat ang kanyang mukha. Nginitian ko siya at kumuha ng panyo sa bag ko.
“Ang ganda mo naman para umiyak lang. Hindi ko rin alam kung bakit walang bata dito eh. Sila Sister Malou umalis din. Kilala mo ba siya?” pagkausap ko sa kanya habang pinupunasan ko iyong mga luha niya.
Tumango naman siya habang humihikbi.
Ang ganda naman ng batang ‘to. Para siyang literal na anghel na hulog ng langit! Pero habang tinititigan ko siya ay parang may naaalala ako.
Parang nakita ko na siya dati.
O baka assuming lang akong nakita ko na siya?
“Sinong kasama mong pumunta dito? Bakit nag-iisa ka lang?” tanong ko habang hinahaplos ko iyong buhok niya. Mabuti naman at medyo hindi na siya umiiyak.
“Si kuya po. Kaso hindi ko na po alam kung nasaan siya ngayon.”
“Hala bakit naman?”
Pinisil-pisil naman niya iyong mga daliri niya. Ang ganda talaga niya! Gusto ko talagang kurutin iyong pisngi niya kasi ang umbok pero sapat lang naman, parang yung akin lang. XD
“Tumakbo po kasi ako eh ang bagal bagal niya kaya naunahan ko siya. Paglingon ko wala na siya sa likod ko.”
Natawa naman ako sa sinabi niya. Habang nagsasalita kasi siya eh nakanguso siya. Parang nagsusumbong lang sa akin.
Dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay kinurot ko na iyong pisngi niya pero syempre hindi ko nilakasan.
“Ang ganda mo talagang bata ka! Siguro iyong kuya mo gwapo ano?” walang prenong sabi ko. Hayaan na. Bata pa naman siya. Ewan ko ba at minsan hindi ko mapigilang maging mischievous lalo na kapag ang kaharap ko eh bata. Parang wala akong inhibitions pagdating sa mga sinasabi ko.
“Opo! Gwapo po ang kuya ko pero masungit po yun! Gusto mo po pakilala kita?”
Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa ko. Geez! Bakit ba parang ang laki ng sense of humor ng batang ito?
(A/N: See picture of Jane and Geff on the side.)
“Sure! Why not? Tara dali!” pag-aaya ko sa magandang batang ito. Ang sarap ngang iuwi sa bahay eh.
Natigil naman ako sa paglalakad nang may mapansing tao na malapit sa amin. Pagtingin ko sa mukha niya ay nawindang ang buong sistema ko at parang gusto ko na lang na lamunin na ako ng lupa!
Shemay! Narinig ba niya iyong mga pinagsasasabi ko??
Ako, deep inside natataranta na. Siya naman seryoso lang na nakatingin sa akin. Yumuko na lang tuloy ako. Waaahhh!!! Anong gagawin koooo!!!
“Hoy kuya! Saan ka galing?” tanong ng batang hawak ko ang kamay.
Ano daw?
“K-Kuya mo.....si.... Geff?” tanong ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko na ang pagkawala ng dugo sa mukha ko.
“Yup!!” masayang tugon naman niya sa akin. Tumingin ako kay Geff na ngayon ay nakangisi na sa akin.
“Ate, meet my very snobbish yet handsome and cool kuya. Kuya siya si ate na nakilala ko kani-kanina lang. Uhh....ate ano nga po palang name mo?”
“Jane. Uhh...call me ate Jane.” sagot ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga tinitingnan si Geff. Walangya lang! Pakiramdam ko narinig talaga niya iyong mga sinabi ko kanina. Paano ba naman eh hindi na maalis sa mukha niya yung ngisi niya!
“Oh! Ate Jane, meet my kuya Drew. Kuya, meet ate Jane.”
“What?” gulat na tanong ko sa kanya. Did I hear her right?
“Bakit ate? Ano yun?”
Sunod ko namang tiningnan si Geff na ngayon ay seryoso na namang nakatingin sa akin pero may amusement naman sa mga mata niya.
Binitiwan ko ang kamay ng kapatid niya at niyakap iyong notebook sa dibdib ko.
Nakita niya iyon at medyo kumunot ang noo niya pero tumingin naman siya ulit sa akin.
“Nice to meet you Jane.” sabi niya habang nakaextend ang kamay niya sa akin.
Seriously? Gusto niya ng handshake?
Aware ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tipong parang lalabas na siya sa dibdib ko kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap sa notebook ko.
Tiningnan ko muna iyong kamay niyang nakalahad bago ko dahan-dahang inilapit ang kamay ko doon.
“Nice to meet you too.....” mahinang sambit ko.
Pinisil niya nang mahigpit ang kamay ko kaya naman napatingin na ako sa mga mata niya.
“......Drew.”
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------