Chapter 21: Questions

Jane’s POV

“You alright?” tanong niya sa akin.

Nakita ko naman na hawak pa rin niya ako sa bewang ko at napakalapit pa rin namin sa isa’t isa. Napansin ko ring sinusuri niya ako kung may sugat ba ako o kung ano dahil sa muntikan kong pagkahulog.

“A-Ayos lang ako,” nag-aalangan kong sagot. Naiilang kasi ako. At... may naalala nanaman ako.

This time ay diretso na siyang tumingin sa akin. “Bakit ka naman kasi umakyat dito? Paano na lang kung hindi agad kita nahawakan at nahulog ka?” pangangaral niya. Nakakunot na ang noo niya at naiinis na nakatingin sa akin ngunit hindi pa rin siya matigil sa pagsuri sa akin.

Tiningnan ko lang ang mga kamay kong nasa balikat niya. Nakakapit lang din kasi ako sa kanya at kung tatanggalin niya ang pagkakahawak sa akin ay walang dudang mahuhulog talaga ako.

Huminga ako ng malalim. “Napigilan mo naman ang pagkahulog ko kaya...” I said stubbornly.

Why are we having this conversation in the first place? Bakit ba hindi na lang kami bumaba?

“Paano nga kung hindi?” pamimilit pa niya.

“Nahawakan mo naman ako kaya hindi na mahalaga kung anong mangyayari kung hindi mo nagawa ‘yun,” sagot ko naman.

“Look at me.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya iyon. Syete! Ano ba namang pakiramdam ‘to!

“Look at me,” pag-uulit niya.

“Geff tara na! Bumaba na tayo. Baka hinahanap na tayo ni Carly,” pag-iiba ko sa usapan. Iba na kasi ang pakiramdam ko sa sitwasyon na’to.

I don’t like this feeling yet... it felt right at the same time.

Pero hindi pwede. Hindi pa ngayon.

Mariin akong pumikit at yumuko. Nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko?

Iniangat niya ang baba ko gamit ang daliri niya at pilit na ipinagtama ang aming paningin. “Bakit ka umakyat?” pagtatanong niya gamit ang malumanay na boses.

“Para gisingin ka,” walang pag-aatubiling sagot ko.

Huminga siya ng malalim at tsaka pumikit at tumingala. Mukha siyang problemado. “It’s still evident that you’re lying to me. There’s a deeper reason yet you can’t tell me,” sabi niya nang halos pabulong.

Kumalabog lalo ang puso ko. Anong ibig niyang sabihin doon? May ideya na ba siya? May alam na ba siya?

Pero imposible. Imposibleng malaman niya. Kahit saan mo tingnan ay napakaimposibleng may mahalata siya or worst ay may malaman siya.

Isang tunog ng camera ang bigla na lamang naming narinig kaya naman parehas kami ni Geff na napalingon mula sa pinanggalingan ng tunog at doo’y nakita namin si Phin na nakangisi habang hawak ang kanyang cellphone.

“Got'cha!” masayang sigaw niya.

Kinuhanan ba niya kami ni Geff na ganoon ang posisyon?! Kanina pa ba siya dyan?! Bakit hindi namin siya napansin? Bakit niya kami kinuhaan?

At bakit ganyan na lamang ang mga ngiti niya? Para talagang may binabalak siyang masama. Ganyan na ganyan din ang ngiting ipinakita niya noong nasa restaurant kami noong Friday.

“Baba na tayo,” sabi ko kay Geff kahit na ang mga tingin ko ay nakatuon pa rin kay Phin.

“Humawak ka dito.”

Tiningnan ko siya at nakitang nakaturo siya sa isang sanga malapit sa akin. Tulad ng sabi niya ay humawak ako doon. Kinalas naman na niya ang pagkakahawak sa akin at tsaka... tumalon.

Halos mapasigaw pa ako nang gawin niya iyon dahil medyo may kataasan ang punong kinaroroonan namin. Si Phin naman ay parang batang nagpapapalakpak at nagsisisigaw. Maya-maya’y nakita ko na rin si Carly na tumatakbo papunta kay Phin.

“Jump!” malakas na utos ni Geff.

Seriously?! Patatalunin niya ako dyan?!

“Don’t worry, I’ll catch you,” dagdag pa niya nang mahalata ang pag-aalangan ko.

Ganitong-ganito ang sitwasyon noon. Nang umakyat ako’t pinigilan niya ang pagkahulog ko. At ngayon nama’y... nangyayari ulit.

Sinasadya mo ba ‘to Geff?

If I let myself jump and be caught by your arms during that time, I won’t this time.

I won’t let myself fall for you Geff. Not when I’m torn between myself and my memories. I don’t know if you know something but I’d rather make an assumption that you don’t really know such things about me than let myself experience agony because of this mess.

Because if I let you know that the me you met that time is the me right now, I don’t know what’ll be your reaction.  I hate it when I put myself in situations I know I don’t have any control of.

Paano kung iwan mo nanaman ako? Baka hindi ko na kayanin. Mabuti na ang ganito, walang nasasaktan.

Simpleng magkakilala. Simpleng magkaibigan. Nothing to worry about.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Ouch! Ate dahan-dahan lang,” mangiyak-ngiyak kong sabi habang ngumingiwi dahil sa hapdi na nararamdaman ko.

“Sorry,” sabi naman ni ateng nurse habang seryosong ginagamot ang sugat ko sa kaliwang tuhod.

Alam kong masyado talaga akong stubborn at hindi sinunod ang gusto ni Geff. Kanina ay hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumalon na rin mula sa puno tulad ng ginawa niya. Kinaya naman niya kaya bakit hindi ko kakayanin?

And where did this stubbornness brought me? Napatingin akong muli sa sugat. Heck, it hurts.

Kinarga ako ni Geff papunta sa clinic nang makita niya ang pagdugo ng tuhod ko dahil halos sumubsob na iyong buong mukha ko at kaunti na lamang ay mahahalikan ko na ang lupa. Nang maidala na ako ni Geff dito, kasama si Phin at Carly na nag-aalala, ay iniwan na niya ako.

Nainis siguro. O kaya naman nagalit.

Bumuntong hininga na lamang ako.

Si Phin naman ay umalis din dahil nagugutom na raw si Carly. Gusto pa sana akong hintayin pero sinabi kong busog pa ako at pwede naman silang mauna. Umalis din sila matapos ko iyong sabihin.

Matapos balutin ng gasa iyong sugat ko ay nagpaalam na ako doon sa nurse at nagpasalamat.

Nagpalinga-linga ako. Sobrang tahimik ng paligid at malamig din ang simoy ng hangin. Saan naman kaya ako pupunta?

Nang lumiko ako sa isang corridor ay nagulat ako nang makita si Geff na nakaupo sa isang bench sa tapat ng garden. Nakahalukipkip siya at halos hindi maipinta ang mukha dahil wagas ang pagkakakunot ng kanyang noo.

Nang makita niya ako ay tiningnan niya kaagad iyong tuhod ko at huminga nang malalim sabay iwas ng tingin.

Nakaramdam naman ako ng guilt nang makita ko siya. May dahilan naman kasi ako kung bakit hindi ko siya sinunod eh! Madalas kasi sa mga ikinikilos niya ang dami kong naaalala tapos naiilang pa ako sa mga tingin niya. Ano pa kaya kapag sobrang lapit na namin sa isa’t isa? Kanina sinabi pa niya na sasaluhin niya ako... tulad lang talaga siya ng Drew na nakilala ko noon. Walang pinagbago.

Samantalang sa sarili ko, alam kong ang dami nang nagbago. Sa sobrang dami ayoko nang isa-isahin.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Pinipisil-pisil ko rin ang mga kamay ko habang iniisip ang mga sasabihin ko. “Sorry. Alam ko namang kasalanan ko kaya
“Buti alam mo,” malamig na sabi naman ni Geff.

Yumuko ako.

Ayan. Ginalit mo kasi Jane. Hala paano mo yan paaamuin?

May naalala naman ako kaya naman iniwan ko muna siya at tumakbo papunta sa gate ng orphanage. Lumabas ako at naghanap ng mga nagtitinda ng streetfoods. Paborito ko ang mga ito kaya naman naisipan kong bumili at syempre bilhan na rin si Geff.

Pampalubag loob ko man lang dahil sa katigasan ng ulo ko. I sigh.

Pabalik na sana ako dala ang mga fishball at kikiam na nabili ko nang nakakita ako ng isang tindahan. Lumapit ako doon at tila ba may hinahanap ang mga mata ko.

Nang makita kong may tinda silang gano’n ay naramdaman ko na lamang ang biglang pagguhit ng ngiti sa aking labi.

“Ate sampung Flat Tops po,” masayang wika ko sa nagtitinda at binigyan siya ng bayad.

Hindi ko alam pero para akong bata ngayon na tuwang-tuwa dahil sa mga pagkaing dala. Oo, para talagang bata but I don’t care. Ang gaan lang ng pakiramdam ko sa hindi malamang kadahilanan.

Matindi talaga mood swings ko. Lakas kasi makahawa nung isa do’n.

Ibinulsa ko muna lahat ng mga chocolate na dala ko para mas mahawakan ng maayos ang mga streetfood na binili. Nang makabalik na ako ay nakita kong naroon pa rin si Geff at nakaupo. Lumapit ako sa kanya at ibinigay sa kanya iyong binili ko.

“Oh,” sabi ko habang nasa harapan niya ang kamay kong may pagkain. “Binili ko talaga yan. Kainin mo, masarap yan!” dagdag ko pa habang nakangiti.

“Hindi ako kumakain ng streetfoods,” sagot niya sabay iwas ng tingin. Don’t tell me galit pa rin siya? Grabe naman magkimkim ng galit ‘to!

“Geff masarap ‘to pati malinis! Madalas naman akong bumili kay manong nito at kilala ko rin ‘yung nagtitinda kaya sigurado naman akong malinis ‘to,” pangungumbinsi ko pa sa kanya. Suki talaga ako ni manong doon sa labas. Kapag kasi pumupunta ako dito ay bumibili talaga ako sa kanya.

Hindi pa rin niya ako pinapansin kaya naman umupo na lamang ako sa tabi niya at nagsimulang kumain. Hindi naman sa wala na akong pakialam sa kanya kaso ano naman ang gagawin ko?

Tuloy-tuloy lamang ako sa pagkain nang naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko at... hindi ako makahinga. Sinimulan kong pukpukin ng kamay ko ang dibdib ko but to no avail ay parang ayaw bumaba ng kinain ko. Pati sumisikip din iyong sa lalamunan ko.

Kinapa ko iyong bench sa tabi ko at saka ko lamang naalalang hindi pala ako nakabili ng palamig. Umubo ubo na ako at halos mangiyak-ngiyak na.

“Aish! Akin na nga Napahinto naman siya nang lingunin niya ako. “J-Jane?” Nagulat siya bigla at naghanap ng tubig. “Damn! Wala kang biniling inumin tapos kumakain ka?!” sigaw niya pero halatang natataranta na rin siya.

Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon ngunit nakita ko na lamang ang isang bote ng tubig na ibinibigay niya sa akin. Ininom ko naman kaagad iyon na parang doon nakasalalay ang buhay ko. Ininom ko iyon na para bang wala nang bukas pa.

Matapos kong inumin iyon ay pumikit ako, sumandal sa bench at huminga ng malalalim. Hinahabol ko ang hininga ko, para kasing kinapos ako. Grabe akala ko katapusan ko na!

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ni Geff. “Ayos ka na?” tanong niya.

Tumango na lamang ako.

“Buti may dala akong tubig dito sa bag ko. Bakit naman kasi bumili ka ng pagkain tapos wala man lang kahit anong inumin?” Heto nanaman siya at nangangaral. I almost rolled my eyes though alam kong may punto naman siya.

“Nalimutan ko,” sabi ko at umayos na nang upo upang ipagpatuloy ang pagkain. Hayaan na nga siya dyan! Siya na nga itong binibigyan kanina ng pagkain ayaw pa niya. Galit pa rin ha! Ay nako.

Nagulat naman ako nang kinuha niya ang isang lalagyan na may mga fishballs at kikiam at sinimulang kainin iyon. Nilakihan ko siya ng mata. “Akala ko ba hindi ka kumakain nyan? Bakit mo kinuha?”

Tinusok niya ang kikiam at kinain iyon. “Nagutom ako eh. At isa pa sa akin naman talaga ‘to di ba?”

“Palusot ka pa,” bulong ko na lamang.

Hindi ko naman naubos iyong tubig na ibinigay sa akin ni Geff kanina. Sa totoo lang wala pa nga sa kalahati iyong nainom ko. Matapos kong kumain ay uminom akong muli doon. Nang ilapag ko iyon sa tabi ko ay kinuha naman iyon ni Geff at uminom din doon.

Ako naman ay napatitig lamang sa kanya at doon sa bote.

What the... Napanganga ako sa ginawa niya.

Napansin naman ni Geff ang tingin ko sa kanya. “What?” pagtataka niya. Napatingin naman ako doon sa boteng ngayon ay wala nang laman. Tumingin ulit ako kay Geff at this time ay nakangisi na siya.

“Don’t tell me naniniwala ka sa indirect kiss?”

Syet. Oo. Sa totoo lang ay naniniwala talaga ako doon.

Si Geff naman, parang alam yata ang takbo ng utak ko kaya naman nagsalita siya. “You don’t need to feel awkward. I already kissed you so what’s the big deal?”

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya leaving me tongue-tied.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Matapos ang eating session with Mr. Sungit ay nagpasya na lamang akong pumunta sa kwarto ko dahil wala naman na akong iba pang gagawin. Sa totoo nga lang ay nababagot na ako. Paano ba naman ang tahimik dito sa orphanage at maging sila sister ay wala!

Umupo ako sa kama ko at tiningnan ang nilalaman ng notebook ko. Sobrang dami na nga talaga ang nagbago sa orphanage. Maging iyong puno kung saan kami unang nagkita ni Drew ay wala na. Pati iyong fountain na gustong-gusto ko ay wala na rin.

Nagsulat akong muli sa notebook na iyon. Lahat ng mga iniisip at nararamdaman ko ay isinusulat ko doon. Marahil sa sobrang dami ko nang naisulat at naiguhit dito ay maari ko nang iconsider na diary ito. Kung tutuusin ay ito lamang ang nakaaalam ng lahat ng tungkol sa akin.

Sa sobrang dami ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa ibaba. Mga boses na nag-uusap, nagtatawanan at nagsisigawan.

Wait. May MGA tao na?!

Umayos ako ng upo at pinakinggan kung saan nanggagaling iyong ingay. Sumilip ako sa bintana at nakitang may bonfire na ginawa at nakapalibot dito sila kuya Nathan, Al, Geff, Phin, at Darren.

Anong ginagawa nila dito?

Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba at tinungo sila kuya. Bakit ang dami yata nila dito? May okasyon ba?

“Sa wakas! Nagising na rin ang mahal na prinsesa!” pambungad ni Al habang tumatawa na parang baliw. Namula naman ako sa sinabi niya. Anong prinsesa?! Parang bata lang?

“Ang dami niyo yata dito ngayon? Anong meron?” tanong ko naman sa kanila.

Habang tinitingnan ko sila ay nahagip ng mata ko ang isang table di kalayuan sa amin na may nakapatong na mga pagkain at... alak? Seriously?

Tiningnan ko si Al na medyo mapungay na ang mga mata at sa bote sa kanyang tabi.

“Nagkakatuwaan lang kami dito princess. Tulog ka kasi kaya ‘yan tuloy at huli ka na,” sabi ni kuya nang malumanay. Ayan na naman ‘yang princess na ‘yan! Kung kami-kami lang siguro nila Al ay ayos lang sa akin na tawagin akong ganyan pero susme eh nandito sila Geff!

“Dali! Game na ulit! Ikaw na Nathan ang sunod!” Naguluhan naman ako sa sinabi ni Phin. Ano bang ginagawa nila?

“Okay. Shoot!” tugon naman ni kuya.

Umupo ako sa tabi ni kuya at Al. Kinuha ko rin iyong juice na ibinigay sa akin ni Phin. Si Geff at Darren naman ay parehas nang nakangisi kay kuya.

“Have you already gotten laid?” tanong ni Al na nasa kanan ko.

Halos masamid naman ako sa tanong ni Al. What the?! Ano ba ‘tong laro nila?!

Uminom muna si kuya doon sa basong bet ko ay alak ang laman bago tiningnan si Al. “You seriously want to know the answer?” nakangising sagot niya kay Al.

“Just answer the damn question. Dami pang satsat.” at saka siya umirap. Ano ‘to? Gyera na naman?

“Yes.” deadpan na sagot ni kuya though titig na titig siya kay Al nang sinabi iyon, mukhang hinihintay ang magiging reaksyon niya.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sagot ni kuya. What the heck is going on?!

Binatukan ko kaagad si kuya nang sobrang lakas na tipong baka naalog iyong utak niya. “ANONG SINABI MO KUYA?! SINO NAMAN ‘YANG PINATULAN MO?! HA?!” Grabe si kuya! Hindi ko akalaing...

Patuloy ko lang siyang pinaghahampas. Inis na inis talaga ako sa kanya!

“Hey. Hey Jay, stop that! ARAY!” inda niya nang kurutin ko na ang tagiliran niya.

Kung nakamamatay lang talaga ang tingin ay kanina pa tigok ‘tong hinayupak na ‘to. Hindi ko alam kung biro lamang iyong sagot niya o seryoso pero either doon ay naiinis ako sa kanya.

Sisigawan ko pa sana siya nang magtanong naman si Phin. “Naka-ilan ka na Nathan?”

Napaawang ang bibig ko. Jusko ano ba ‘tong pakulo nila?! Wala akong kaalam-alam!

“Dunno. Can’t count.”

“KUYA?!” Hindi ko na napigilan at talagang nasigawan ko na siya. At kailan pa siya naging ganito?!

“What?” tanong sa akin ni kuya habang nakangisi. Bigla naman ay kinurot niya ang pisngi ko. “Ang cute ng kapatid ko. I like you innocent,” sabi pa niya habang nakangiti.

Tinanggal ko naman agad ang mga kamay niya sa pisngi ko at tinitigan pa siya ng matatalim.

“Okay. Next na!” masayang wika naman ni Phin na parang excited.

“What’s with the Alvarez and the orphanage?” tanong naman ni Geff na katabi ni Phin. Parang nege-gets ko na. Sunod-sunod silang nagtatanong kay kuya base doon sa pagkakaupo. Una si Al na katabi ko sa kanan. Sumunod na nagtanong ay si Phin na katabi naman ni Al at ngayon nama’y si Geff na katabi ni Phin.

Pero what the fudge! Ano iyong itinanong ni Geff??

Tiningnan ko si kuya. Kinakabahan kasi ako sa isasagot niya lalo pa’t nakainom siya.

Nang ibalik ko na kay Geff ang tingin ko ay nakita kong sa akin naman siya nakatingin. Para bang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko.

Huminga ako ng malalim at saka tumungo. Bahala na si kuya dyan.

“The orphanage gave our family an angel. I really love her. Don’t care ‘bout other circumstances though.” Hindi diretso ang pagkakasabi ni kuya pero naintindihan ko.

At sa totoo lang naiiyak ako. Walangya talaga si kuya! Kahit lasing hindi nagbabago.

“May kinahuhumalingan ka na bang babae ngayon?” tanong naman ni Darren na katabi ni Geff at ni kuya.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang pag-inom ni Al sa baso niya.

“Nah. Don’t have time for love,” sabi ni kuya, halos pabulong.

Kinalabit naman ako ni Al. Tinaasan ko siya ng kilay. “What?” pagtataray ko. Ewan ko ba at naiinis pa rin kasi ako kay kuya.

“Ikaw na,” sabi naman niya sa akin nang nakapangalumbaba.

“Anong ako?”

“Ikaw naman ‘yung magtanong sa kuya mo,” sabi naman sa akin ni Phin.

Nag-isip naman ako. Tss. Wala naman akong maisip. Sasabihin ko na sana sa kanilang wala akong maisip nang bigla na lamang akong may naalala.

“Bakit ang dami kong pictures sa wallet mo?” pagtatanong ko habang nakatingin kay kuya.

Nagulat naman ako nang parang nabuhusan ng malamig na tubig si kuya at namutla.

“Mahilig nga kasi siya sa photography Aya di ba? Ikaw lang ‘yung gusto niyang maging subject kuno niya,” sagot ni Al. Eh bakit siya ang sumasagot? Bakit? Hindi ba kaya ni kuya magsalita?

Naiintriga ako kaya naman ibinalik ko ang tingin kay kuya at hindi pinansin ang sinabi ni Al. “She said it,” walang emosyong sagot ni kuya saka uminom sa baso niya.

Nagpout ako. Kainis! Parang may hindi talaga sila sinasabi sa akin!

“Yehey! Next na si Aya! Ako unang magtatanong!masayang wika ni Al. Parang nanalo lang sa lotto kung makasigaw?

Umayos muna siya ng upo tsaka siya humarap sa akin. “Namimiss mo na ba si Lulu?”

Nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Naalala ko kasi siya. Grabe, ilang taon ko na siyang hindi nakikita. Kamusta na kaya ‘yun?

“Oo naman! Malamang kaibigan natin ‘yun!” sabi ko naman kay Al.

“Ayun oh! NARINIG MO?” pasigaw na wika ni Phin na parang may pinaparinggan. Kumunot naman ang noo ko.

Ngumisi naman si Al ganoon din si kuya. Si Phin naman ngayon, matapos humagalpak sa tawa — pakiramdam ko lahat nang nandito ay may mga tama na — ay tumingin na sa akin para magtanong.

“May gusto ka ba kay Geff?” lantarang tanong niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. “What?! B-Bakit mo naman nasabi yan? Wala ah!” sabi ko na lamang. Lintek talaga ‘tong si Phin! Parati akong ipinapahamak sa mga tanong niyang ewan ko ba at saan napupulot!

“Oh? Okay. Naweirduhan lang ako. Kasi kanina nakita kitang umakyat ng puno tapos sa isang iglap magkayakap na kayo ni Geff. Eh naalala ko noon may isang babae din ang umakyat sa puno na ‘yun habang tulog si Geff tapos ‘yung babae seryosong nakatingin sa kanya. Iniisip ko lang na hindi kaya ikaw ‘yon?” Bigla siyang tumawa at pinasadahan kami ng tingin. “Guys ‘wag niyo na akong pansinin! Yung imagination ko kasi gumagana kung anu-anong istoryang nabubuo ko!” at nagpatuloy pa siya sa pagtawa na para bang isang malaking joke ang sinabi niya.

Nabato ako sa kinauupuan ko dahil sa mga ikinuwento niya. Shit! May nakakita pala sa akin noon?! Kaya pala pakiramdam ko may nakatingin sa akin noon! Tapos si Phin pa pala yun!

Tumingin ako kay Geff kahit na halata sa akin na kinakabahan ako pero pagtingin ko sa kanya ay nakataas lamang ang kilay niya habang nakatingin sa akin na para bang sinasabing “Really Jane?” at may naglalaro ring ngiti sa kanyang mga labi.

Natawa na rin si Darren pero parang sarcasm na ewan. “You’re drunk Phin. Kung anu-ano na ‘yang mga sinasabi mo.”

“Yeah right,” sabi ni Geff ngunit wala na iyong ngiti niya kanina. Uminom na rin siya doon sa baso niya.

Balak ba talaga nilang maglasing? Pwes ako walang balak! Ni hindi pa nga ako nakakatikim nyan sa tanang buhay ko at wala talaga akong balak subukan!

Napatingin naman ako sa labi ni Geff. Hindi ko naman siguro ilusyon ‘to kasi hindi naman ako lasing pero para kasing may sugat iyong gilid ng labi niya. Napatingin na rin ako kay Darren at nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong ganoon din siya!”

“Kailan ka pa natutong umakyat ng puno Jay?” biglaang tanong ni kuya.

Tiningnan ko lamang siya at nakitang pabagsak na ang mga mata niya at parang isang pitik na lamang at hihiga na siya. Hindi nga ako nagkamali at bumagsak nang kusa ang ulo niya sa balikat ko.

Bumuntong-hininga na lamang ako.

“My turn,” sabi ni Geff at saka niya ininom ng isang lagukan iyong bagong lagay niyang alak sa baso niya. Nanlaki lamang ang mga mata ko habang umiinom siya.

Matapos niyang uminom ay tumingin na siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata. Kinagat ko lamang ang labi ko dahil hindi ko masabayan iyong titig niyang masyadong mabigat.

“What were you doing inside the Main Office?”

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------