Chapter 8: Fire
“Ano ang aural power mo?” pagtatanong ko kay Kate.
Ngumiti naman
siya bago sumagot.
What’s with my
question? May nakakatawa ba? Hindi ko alam pero parang naaasar ako sa mga ngiti
niya.
“My aural power and your aural power are way
different. Siguro kung pagbabasehan natin sa lakas ay walang-wala na ang akin
pero kung ibabase naman iyon sa kahalagahan ay parehas lamang tayo,” sabi niya habang patalon-talon na
naglalakad, iyong para bang punong-puno siya ng energy. Maya-maya ay pumunta
naman siya sa harapan ko kaya naman paatras naman ang lakad niya habang ako ay
naglalakad pa rin.
“Isa ako sa mga potion
maker. We plant herbs and other different plants then put spell on them
then use them for Chrysolus and Afras. Ang mga halaman na iyon ay iba-ibang
klase. May panggamot, pampasigla, pampawi sa mga masasamang panaginip at marami
pang iba. Minsan sa amin din kumukuha ang mga Afras ng maaari nilang gamitin sa
laban nila sa mga Phyrinus tulad ng asido o yung mga makapananakit talaga sa
kanila.”
Matapos ko iyong
marinig kay Kate ay napagtanto kong tunay ngang mahalaga ang mga potion maker
sa Ezeltopia dahil kung wala sila ay mahihirapan ang mga Afras na kalabanin ang
mga Phyrinus. Noong may nakaharap akong isa sa kanila ay nahirapan pa ako.
Kahit na binato ko na siya ng matigas na bagay ay parang wala lamang iyon sa
kanya.
“We’re also considered as spell casters. Gumagawa rin kami ng mga charms sa iba’t ibang bagay
tulad ng kwintas na mayroon ka. May spell na nakapaloob dyan though hindi ko
alam kung saan iyan nakuha ni tito. Hindi ko rin alam kung ano ang nagagawa ng
kwintas pero ramdam ko ang aural power na nakapaloob dyan,” pagpapatuloy pa niya.
Napahawak naman
ako sa kwintas ko na tinutukoy ni Kate. Sumagi na sa aking isip na isang Afras
din si papa pero ilang taon ko siyang nakasama at wala naman akong nakitang
kakaiba o kahina-hinala sa mga kilos niya noong nabubuhay pa siya.
At kung isang
Afras si papa ay sana’y buhay pa siya hanggang ngayon. Sana ay kasama ko pa
siya at ipinaliliwanag sa akin ang mga bagay na may kinalaman sa Ezeltopia, sa mga
Chrysolus at Afras, at sa mga Phyrinus.
Ikinulong ko ang
aking kwintas, na nasa leeg ko, sa aking palad.
Gusto kong ako
lamang ang makaaalam ng tungkol sa kwintas na ito at sa kapangyarihang nagagawa
nito. Sa palagay ko’y alam din ni Nigel ang nagagawa ng kwintas na ito kaya
niya ibinalik sa akin pero hindi niya direktang sinabi ang tungkol doon.
Bakit kaya?
Nang nakarating
na kami sa gate ng university ay bigla na lamang huminto si Kate sa paglalakad
kaya naman napahinto rin ako at tiningnan siya.
“Bakit ka huminto?” tanong ko.
“Hindi mo ba nararamdaman ‘yon?” tanong niya pabalik habang nakamasid pa
rin sa loob ng university at tila may hinahanap.
Tiningnan ko na
rin ang aking paligid ngunit wala naman akong nararamdamang kakaiba. Kung
mayroon man ay mararamdaman ko naman siguro iyon.
Hindi ko na
lamang pinansin ang pagiging paranoid ni Kate at nagsimula nang maglakad ngunit
bigla na lamang akong hinawakan ni Kate sa aking kamay.
“Ate sandali lang.”
Tinanggal ko
kaagad ang kamay niyang nakahawak sa akin at tiningnan siya. Mukha namang
nahiya siya nang gawin ko iyon.
“Bakit?” tanong ko.
Lumapit naman
siya sa akin na parang nag-aalangan.
“Uhm... ano, ‘yung tungkol sa kulay ng mga mata mo,
wag mo munang sasabihin sa iba ang tungkol doon. Wag mong sasabihin na alam mo
na ang kulay ng sa’yo. Better yet wag mong sasabihin na may kulay ang mga mata
mo,” pabulong niyang
sabi sa akin.
Naguluhan naman
ako sa sinabi ni Kate. Bakit kailangan kong itago ang bagay na iyon? Hindi
naman sa sasabihin ko talaga iyon sa iba dahil hindi ko naman gawain ang
makipag-usap sa kani-kanino lang. Hindi ko rin naman gawain ang magsabi ng mga
bagay-bagay tungkol sa akin sa ibang tao.
Pero
nakapagtataka lang ang sinasabi niya.
“Bakit hindi ko pwedeng sabihin sa iba?” pabulong ko ring tanong sa kanya.
Napansin ko kasing may mga estudyante na pala sa paligid namin at hindi naman
maganda kung maririnig nila ang pinag-uusapan namin. May mga tumitingin pa nga
sa direksyon ko pero hindi ko na lamang pinapansin.
“Colors have different meanings. Sa ngayon ay
kailangang isekreto muna natin ang kulay ng sa iyo lalo na’t nakakaramdam ako
ng presensya ng isang Phyrinus dito sa school natin. Maganda na ang nag-iingat.”
Tumango na
lamang ako kahit na sa totoo lamang ay hindi ko makuha ang sense ng mga sinabi
niya.
Nagpaalam na
siya sa akin at sinabi pang mag-ingat daw ako’t sabay na kaming uuwi mamaya.
Hindi ko na lamang siya pinansin.
Bakit wala naman
akong nararamdamang mali? O kaya naman aura na nasa paligid? Baka naman
paranoid lang talaga si Kate at kung anu-anong ibinibigay na kahulugan sa
nararamdaman ng instinct niya.
Dumiretso ako sa
Library Center dahil nais ko talagang masimulan na ang pagbabasa ng librong
Ezeltopia. Ito ang librong ibinigay sa akin ni Kate at sinabing lahat daw ng
gusto kong malaman ay narito.
Nang makapasok
ako sa LC ay dumiretso kaagad ako sa sulok kung saan madalas akong tumambay.
Liliko na sana ako sa isa sa mga shelf nang bigla na lamang may nakasalubong
akong paliko rin ngunit galing sa kabilang direksyon. Buti na lamang at
nakaatras kaagad ako kundi ay baka nagkabanggaan na kami.
Iiwasan ko na
sana iyong lalaking muntikan ko nang mabangga nang bigla niyang hinawakan ang
siko ko at nagsalita.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya sa malalim na boses.
Wala namang mali
sa itinanong niya o kahit anong kahina-hinala sa paraan ng pagkakatanong niya
ngunit may kung ano sa sistema ko ang sumisigaw na lumayo ako.
Kahit na
kinakabahan ay tiningnan ko kaagad ang kanyang mga mata. Nakahinga naman ako ng
maluwag nang may makita akong puti doon. Mayroon siyang pangkaraniwang itim na
mga mata.
Hindi ko siya
pinansin bagkus ay nagpatuloy sa paglalakad ngunit sa ikalawang pagkakataon ay
hinawakan niya ang braso ko at napansin kong mas mahigpit na ang kapit niya
doon kaysa kanina.
“Hoy. Wag kang bastos tinatanong kita. Uulitin ko,
anong ginagawa mo dito?” tanong
niya sa malumanay na boses ngunit narinig ko ang bahid ng inis doon.
Nabuhay ang
galit sa sistema ko. “Bakit kailangan
kitang sagutin?” tanong kong pabalik sa kanya. Kung may gagawin siyang
masama sa akin ay wala akong magagawa kundi ang saktan siya at gamitin ang
lahat ng mga alam kong depensa laban sa mga taong tulad niya.
Sasagutin na
sana niya ako ng bigla na lamang may humila sa kabilang braso ko at sa sobrang
lakas ng hila niya ay halos isang segundong nawala ang mga paa ko sa sahig.
Nakita ko na lamang ang sarili ko sa likod ng isa na namang lalaki.
“Dude, may problema ba?” tanong ng kararating lamang na lalaki.
Mariin ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko kaya kahit anong piglas ko ay
hindi ko maialis.
Naramdaman ko
kaagad ang tensyon sa pagitan ng dalawa habang nagtititigan sila. Tila walang
gustong magpatalo.
“Tsk.” ang
tangi na lamang naging tugon ng lalaking may itim na mga mata at saka naglakad
na palayo. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang masasamang tinging
ipinupukol niya sa lalaking nasa harapan ko.
Nilingon ako ng
lalaki at sa isang iglap ay namukhaan ko siya.
“Stay out of danger, young lady. We still hadn’t
checked the whole university so please just keep your wits together and be
smart enough to know how to keep yourself safe. Do it just for the sake of
someone’s sanity and think of this as an advice from someone who actually
cares,” mahinahon niyang
sinabi sa akin bago siya umalis.
What did he just
say?
I didn’t
understand a thing, seriously. Whatever.
Umupo na ako sa
dulong bahagi ng mga shelf at umupo doon. Inilabas ko iyong Ezeltopia na libro at nagsimulang
magbasa.
Ezeltopia
Ezeltopia
was once created by a myriad of Necromancers, who had believed that such domain
is necessary for unfathomable existence of alchemy, incantations, and magic,
for the sake of protection for such kind from irrepressible humankind,
predominantly from the wicked reality of evil witchcraft.
Isa lamang ang
naintindihan ko sa passage na ‘to. There is this good and bad magic at ginawa
ang Ezeltopia para sa mga good magic users. Ang nakakuha ng pansin ko ay ang irrepressible humankind. Ganoon ba
kadelikado ang mga tao? Ganoon ba sila kasama na nagawa pa silang ilayo mula sa
kanila?
Isinantabi ko
muna ang mga katanungan ko at nagpatuloy sa pagbabasa.
Ezeltopia is divided into diverse
realms. Each governed either by a Warlock Master (male) or an Enchanter
(female). Each of the realms comprises of 6 Chrysolus and several Afras.
Chrysolus are known to be Zeenox or those who already mastered their aural power
while the Afras might either be a Zeenox or an Apprentice or those who are
still learning on how to use and master their aural power. Apprentices can also
be called trainees or novices.
Nang mabasa ko
ito ay naalala ko iyong sinabi sa akin ng unang Phyrinus na nakaharap ko.
“Apprentice ka lang
naman pala. Ang lakas talaga ng loob mong gamitin ‘yang aural power mo ng
ganitong oras. Tanga ka ba?”
Kung ganoon ay
isa akong Afras at isang Apprentice. Naiintindihan ko naman iyon
dahil hindi ko pa ganoon kagamay ang paggamit ng aural power ko. Sa totoo lang
ay kagabi ko lang talaga nakontrol ang bagay na iyon ngunit noon ay aksidente
ko lamang iyong nagagamit.
I closed the
book causing for it to produce a thud sound.
Too much information to grasp. Pakiramdam ko nga ay may information overload na
sa utak ko.
Kumunot naman
ang noo ko nang parang napagtanto kong sobrang tahimik. Hindi naman sa maingay
dito sa loob ng Library Center pero para kasing may kakaiba sa paligid. The
silence is too weird, not the typical silence I’m accustomed to every time I
spend my time here.
Hindi normal ang
pagiging tahimik ng paligid.
Inilagay ko
kaagad ang libro sa bag ko at saka lumabas ng Library Center. Kumunot ang noo
ko nang wala akong nakitang nagbabantay sa pintuan ng LC. Pagkalabas ko ay
nakita ko ring wala ni isang estudyante ang naglalakad. Wala rin akong narinig
na kahit anong tunog: sa mga silid, sa hallway, sa ground, wala.
Dead silence. That’s the right term. Nagsimula akong kabahan.
Hindi maganda
ang kutob ko dito kaya naman dali-dali akong pumunta sa hallway kung saan
makikita ang hagdanan patungo sa rooftop. Kung nasa mataas na lugar ako ay
hindi imposibleng makita ko ang mga nangyayari sa paligid.
Depende siguro
kung nasa isa sa mga building na ito ang tunay na gulo.
Nasa hallway na
ako kung nasaan ang hagdanan na hinahanap ko. Tumakbo ako ngunit napahinto nang
may narinig akong ingay na nagmula sa isang silid. Mabilis ko iyong nilingon at
pinuntahan. Huminto ako sa tapat no’n.
Ang classroom na kinabibilangan ng bloc ko.
Kahit na
kinakabahan ay pilit kong nilakasan ang aking loob at saka ini-slide ang
pintuan. Nilibot ng paningin ko ang kabuuan ng classroom at nagulat nang may
makita akong isang estudyanteng nakahiga sa sahig, gayundin ang kinauupuan
niya.
Dali-dali ko
siyang nilapitan. Nakatalikod siya sa akin kaya naman pinihit ko siya paharap
sa akin.
“Chris?” gulat na tanong ko. Siya iyong nagmagandang loob sa
akin at binigyan ako ng isang seat noong panahong nilagyan ng mga bisugong
babaeng ‘yon ng bubblegum ang upuan ko.
I supposed to be
feeling shocked and terrified right now but somehow I feel relieved. Ang buong
akala ko ay wala na akong makikitang estudyante dito sa school. I really
thought I was the only one left!
Pinulsuhan ko
siya at nakahinga nang maluwag nang nalamang buhay siya. Napaupo ako dahil tila
kinapos ako ng lakas. God! Ano bang nangyayari?!
Ibinalik ko ang
atensyon kay Christ at tinitigan siya.
“Chris. Gising,” pagtatapik ko sa mukha niya. Geez... this is so
awkward. Kahit na ba sabihing wala siyang malay.
“Chris. Gising.” Medyo nilakasan ko pa ang pagtapik sa mukha niya.
Bakit ba ayaw nitong gumising?!
Tinitigan ko
ulit siya. Tumingin din ako sa aking paligid. The place was eerily quiet,
obviously not normal at this time of the day. May kakaiba nga talagang
nangyayari.
Huminga ako nang
malalim at inalala iyong mga itinanong ko sa kanya dati at iyong mga naging
sagot niya.
“Isa ka rin pala sa
kanila. Bakit ba hindi ko agad napansin?” sabi niya at saka
muling ibinalik iyong kwintas sa loob ng shirt ko.
“Isa ka rin bang
Chrysolus? O Afras?” pagtatanong
ko.
“Tss. I’m not. Kahit
kailan hindi ako magiging tulad niyo.”
“Kung hindi ka isa sa
kanila, anong tawag mo sa sarili mo?”
“Malamang tao. Tss.”
“Tao? As in human?”
“Hindi. Tao as in
inhuman. Malamang di ba human? Kailangan pa itanong?”
Kung ganoon ay
isa lamang siyang normal na tao. Pero bakit...? Muli kong iginala ang paningin
ngunit kahit anong kumbinsi ko sa sarili ay alam kong may mali. Not to mention
that only I and Chris are here... or rather we’re one of those who are in this
weird... situation.
Hindi ko alam
kung ano ang sumapi sa akin ngunit tinanggal ko ang aking kwintas at isinuot
iyon sa kanya. Pinagmasdan ko siyang mabuti kung may mangyayari ba o wala. Tss.
Paano ko ba ‘to gigisingin?! Alangang halikan ko yan? Sleeping beauty ang
drama?! Mariin akong pumikit at iwinaksi ang walang katuturang naiisip.
Ilang minuto pa
ang nagdaan at hindi pa rin siya gumigising. Huminga ako ng malalim at aalis na
sana ngunit may ideya na namang pumasok sa isip ko. “Last na talaga ‘to!” sabi ko sa isip ko.
Umupo ulit ako
malapit sa kanya. Kinagat ko ang aking labi at saka pumikit. Before I could
have any second thoughts, I slapped him. Hard.
“What the fuck! Bakit mo ‘ko sinampal?!” angil niya na siya namang ikinagulat ko.
“Ang tagal mo kasing gumising. Nairita ako kaya
sinampal kita. See? Effective,” I
said straight-faced. He has no idea how fucking relieved I am.
“Tss. Unbelievable,” pabulong niyang sabi habang hinahaplos iyong pisngi
niyang sinampal ko. Nakita kong namumula iyon.
Umayos ako ng
upo. “Anong nangyayari? May alam ka ba?”
pagtatanong ko sa kanya kahit may kaunting guilt na akong nararamdaman
dahil mukha yatang malakas iyong pagkakasampal ko sa kanya.
“A-Ano ‘to?” pagtatanong naman niya nang makita iyong kwintas ko
sa leeg niya.
“Nilagay ko yan sa’yo nung hindi kita magising.
Inisip ko lang kasing baka makatulong,” pagpapaliwanag ko naman.
Matapos kong
sabihin iyon ay tiningnan niya ako ng may pagtataka. “Then what was with the slap? Naisip mo naman palang makakatulong sa
akin ‘to so bakit mo pa ginawa ‘yon?” mahinahon niyang tanong kahit halata
namang inis pa rin siya sa akin.
“Last bet ko na ‘yon. Ang tagal mo pa rin kasing
magising kaya no choice at sinubukan ko.”
Umirap siya sa
akin. Tss. He should be grateful.
Inilibot niya
ang tingin sa paligid. Ilang minuto kaming tahimik. Hindi ko naman siya inistorbo
sa pagmamasid sa lugar at hinintay na lamang siyang magsalita. “We’re under a Malevolent jinx,” sabi niya sa wakas matapos pasadahan ng
tingin ang kabuuan ng classroom.
“Malevolent jinx?” skeptical na tanong ko. Paano niya nalaman? And
what’s that tongue twister term?
“It’s a dark magic created by those bunch of
Phyrinus. This is another dimension brought about by the collected dark aural
power. In short, they can control all the things inside.”
Kagagawan
nanaman ito ng mga Phyrinus? Bakit ba hindi na sila napagod? Ano nanaman bang
kailangan nila?
“Nasaan na ang ibang mga estudyante? Bakit bigla
silang nawala?” pagtatanong ko.
Naramdaman ko
ang biglaang panlalamig ng kalamnan ko. Niyakap ko ang mga tuhod ko at kinalma
ang sarili.
“Naroon sila sa totoong mundo nila. Tayo naman ay
nasa kabila,” he said as if
that’s the most normal incident ever.
He’s talking
gibberish. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko pa rin siya maintindihan.
Tinapunan niya
ako ng tingin at nakita yata ang pagkakunot ng noo ko kaya naman humarap siya
sa akin. “Think of it this way. Yung
mundo nila,” sabay pakita ng index finger niya sa kaliwang kamay. “at ang kabilang dimension o ang Malevolent
jinx.” Pakita naman niya sa index finger ng kanan niyang kamay.
“Sa pagitan ng dalawang mundo ay may salamin.
Imaginin’ mo na lang, wala na akong pang-improvise eh,” pagpapatuloy niya. Tss. Nagawa pa
talagang magbiro. I saw laughter in his eyes when he looked at my scowling
face.
“Itong Malevolent jinx na ginawa ng mga Phyrinus ay
identical sa mundo ng mga tao. Ang kaibahan lamang ay tanging mga hindi tao ang nakakapasok dito, depende
kung sino ang gusto ng mga Phyrinus na ipasok dito. Kung ano man ang magaganap
dito sa loob ay wala namang epekto sa totoong mundo. Kumbaga, this world
actually doesn’t exist.”
“Kung ganoon nga, bakit nandito ka?” Hindi ba’t sa kanya na rin nanggaling na
tao siya? Sinabi rin niyang mga hindi tao lang ang makakapasok dito. Ang gulo
niya.
“I am human but in situations like this, I can be
considered as not human.”
“Ano?!” I exclaimed. Is he making fun of me?
Huminga siya ng
malalim. “I am a member of—” naputol ang pagsasalita niya nang naramdaman
namin ang pagyanig ng building na tila ba may lindol at nang narinig ang
malalakas na pagsabog sa labas.
“Tara na!” sigaw niya sabay hila sa kamay ko.
Pagkabukas namin
ng pintuan ay parehas kaming napahinto.
Iyong building
ng mga elite ay nahati sa dalawa na para bang isang cake na nai-slice. Vertical
ang pagkakahati habang iyong kaliwang
parte ay nababalutan ng... wait... kuryente ba iyon? Basta para iyong
nababalutan ng kuryente dahil nakikita ko pa ang pagspark nito doon. Iyong
building naman sa kanan ay nasusunog.
Bumalik lamang
ako sa ulirat ko nang hilahin akong muli ni Chris.
“T-Teka! Saan tayo pupunta?” medyo nag-aalala kong tanong. Hindi ko
naman kasi alam kung mapagkakatiwalaan ba ‘to o hindi. Hindi pa nakatulong ang
katotohanang tao siya. Paano na lang kapag may nakasalubong kaming isang
Phyrinus? Or worst isang batalyon ang makakita sa amin? Hindi ko pa naman alam
kung paano gamiting pang-combat iyong aural power ko. Alam ko lang iyong laruin!
Damn, I sounded like a whining child even in my mind.
Nakarating kami
sa may gate at tila ba may invisible barrier doon na dahilan kung bakit hindi
kami makalagpas. Hinampas-hampas ko iyon ngunit wala pa ring nangyari. Sumibol
ang takot sa sistema ko.
“Anong gagawin natin?” pagtatanong ko pa. Baka naman kasi may plano siya.
Naisip ko rin na baka marami pa siyang alam tungkol dito kaysa sa akin kaya
naman baka may alam siya kung paano makakalabas dito.
“Hindi ko alam,” desperado niyang sagot sa akin.
Nagpanting naman
ang tenga ko dahil sa naging sagot niya.
“Eh bakit tayo pumunta dito?! Bakit mo ako hinila
dito?!” God maha-high
blood ako sa kanya!
“Baka kasi bumigay din iyong building ng mga Pro
kaya naman umalis tayo doon!” he
almost yelled at me. Nagpalinga-linga siya, tila naghahanap ng sagot sa kung
saan.
Inirapan ko
siya. Akala ko naman kasi may plano! Wala naman pala.
Nakahalukipkip
lamang ako habang nakasandal sa pader samantalang ‘yung isa naman ay hawak
iyong cellphone niya.
“May signal ba dito? Pwede ka bang humingi sa iba ng
tulong?” I asked to ease
the dread growing in my gut. I inwardly groaned. Alam ko naman kasing wala
kaming literal na mahihingian ng tulong.
He finally
snapped at my bitchiness. “Tingin mo?
Malamang wala! Edi kung meron sana nakalabas na ako dito kanina pa.”
Hindi ko na
lamang pinansin ang sinabi niya. Kumukulo lang kasi ang dugo ko.
Naalala ko naman
iyong supposed to be na gagawin ko bago ko pa lamang makita si Chris. Iiwan ko
na sana siya at pupunta na doon nang bigla niya akong hinarang.
“Saan ka pupunta?” tanong niya nang nakataas ang kilay. Problema nito?
I rolled my
eyes. “Kahit saang malayo sa’yo.” I
retorted. Bahala siya dyan.
Nilagpasan ko
siya at sa kabutihang palad ay hindi naman niya ako sinundan. Medyo malayo-layo
na iyong nalalakad ko nang bigla na lamang may humigit sa kamay ko at hinila
ako patakbo.
Naasar lalo ako
nang makitang si Chris nanaman iyon. “Ano
na naman bang problema mo? Kanina mo pa ako kinakaladkad ah!” Bwisit!
“Tss. Dapat nga magpasalamat ka pa at naisip pa
kitang hilahin!” Lumingon
siya at may tiningnan sa likod ko. He cursed all of a sudden.
“At bakit ako magpapasalamat sa’yo aber?” I asked breathless. I have an idea kung
ano ang tinatakbuhan namin ngunit parang ayaw kong paniwalaan.
“Look behind you.”
That did it.
Hindi ko siya sinunod. Binitawan ko kaagad ang kamay niya at naunang tumakbo.
Shit! Ang daming Phyrinus na humahabol sa amin! I can literally hear their
pounding feet.
“Chris sumunod ka! Dalian mo!” utos ko sa kanya. Ang bagal naman kasing
tumakbo!
May alam akong
pwedeng puntahan kaya naman ako ang nauuna sa amin. Kung naroon kami ay may
advantage ako laban sa kanila. Umakyat ako sa second floor at sumunod naman si
Chris. Kumaliwa kaagad ako at pumasok sa unang silid na makita at hinila rin si
Chris papasok dito. Nilock ko kaagad iyong pinto, sinara lahat ng bintana at
saka umupo’t hinabol ang hininga.
That’s close.
Really close! Sabi ko na nga ba at hindi magtatagal ay may makakakita sa aming
Phyrinus!
“So, what’s the plan?” bulong niya. Naghahabol pa rin siya ng hininga tulad
ko.
Ngayon ko lang
napagtanto. Bakit nga ba kasi tinulungan ko pa ‘tong gumising?! Edi sana wala
akong problema ngayon! Akala ko naman kasi malaking tulong ang magagawa ng
lalaking ‘to dahil marami siyang alam. Nganga lang din naman pala siya! I
firmly closed my eyes and mentally smacked myself. I know hindi kakayanin ng
konsensya ko ang iwan lang siya doon.
Siniguro ko
munang walang Phyrinus malapit sa kwartong kinaroroonan namin bago nagsalita.“Pupunta tayo sa archery range.” God! I
badly missed my bow and arrow.
“Anong gagawin natin doon? Maglalaro?” walang pakundangan niyang sabi.
Tiningnan ko
siya ng masama. Kahit kailan talaga wala na siyang nasabing matino. “Hindi. Papanain kita. Ganoon ang gagawin
natin,” sarkastikong sagot ko sa kanya.
“Eto naman hindi mabiro, pikon kaagad.”
“Wow. So joke mo pala ‘yon? Sorry, hindi nakakatawa.”
“Ang sungit mo talaga kahit kailan.”
“Wala akong pake.”
Hindi na siya
nagsalita pang muli at laking pasasalamat ko dahil doon. Pinakiramdaman ko na
lamang ang paligid at nagbakasakaling wala na iyong mga Phyrinus na humahabol
sa amin. Nang masiguro kong ligtas na ay dahan-dahan kong binuksan ang pintuan
at lumabas doon. Patakbo akong pumunta sa kabilang hallway kung saan may
hagdanan pababa. Naririnig ko naman si Chris na tahimik lamang na sumusunod sa
akin.
Nang makababa
ako ay marami pa akong nilikuang hallway at natuwa nang makita ko na ang
pintuan papunta sa archery range. Binuksan ko ang wooden sliding door at
pumasok doon.
“Wow. First time ko dito,” sabi ni Chris habang pinagmamasdan ang
paligid.
Hindi ko na
lamang siya pinansin at nagtungo sa kaliwang bahagi ng kwarto kung saan
nakalagay ang mga bow at arrow.
OVWF
Nakita ko ang
initials ko na naka-carve sa itaas kaya naman binuksan ko ang cabinet sa ibaba
nito at kinuha ang bow at arrows ko, tulad lamang iyon ng isang tipikal na
locker.
Tinanggal ko
kaagad ang eyeglasses ko’t ibinulsa iyon at nagsimula nang maghanap ng target.
Hinanda ko na ang arrow at ipinokus ang mga mata sa target.
Napakatagal ko
nang hindi nagagawa ito kaya naman hindi ako sigurado kung direkta pa rin ba
ang pagtira ko o hindi na.
Naaalala ko noon, ito lamang ang bukod tanging
naituro ni papa sa akin. Ang sabi niya ay ito daw ang hilig ng mama ko noon
kaya naman nais niyang matutunan ko rin ang bagay na ito. Hindi ako tumanggi
dahil kapalit naman nito ay ang mga ngiti ni papa. Naging bihasa ako sa
paggamit ng bow at arrow at nasali pa nga sa ilang mga kompetisyon pero sa
tuwing ginagamit ko ito ay hindi ko maiwasang maalala kung bakit nga ba itinuro
iyon sa akin ni papa.
Nang mamatay ang papa ko ay inihinto ko na ang
paggamit nito. Ano pang silbi kung wala naman na iyong mga ngiting lagi kong
hinihintay na makita matapos kong bitiwan ang arrow at tumama iyon sa target?
Bull’s eye.
Biglang umihip
ang malakas na hangin ngunit maliban doon ay napakaaliwalas ng paligid. The
irony of it. Binitawan ko ang hawak na arrow at hinayaan iyong lumipad patungo
sa target.
Masyadong naging
malalim ang mga iniisip ko at hindi man lang tiningnan kung tumama ba sa target
o hindi iyong arrow.
Narinig ko ang
palakpak ni Chris kaya naman napangiti na ako kahit hindi ko pa tinitingnan ang
arrow na pinakawalan.
“May talent ka pala Veronica! Bakit hindi mo
sinasabi?” talak niya
habang patuloy pa rin sa pagpalakpak.
Nakatingin
lamang ako sa bow ko habang nakangiting parang ewan. Titingnan ko na sana iyong
arrow sa target nang bumagal nang bumagal ang pagpalakpak ni Chris. Tiningnan
ko siya at nakitang halos mamutla siya habang nakatingin sa may range.
Kumunot ang noo
ko kaya naman tiningnan ko na rin ang range at halos mapanganga nang makita ang
nasa harapan ko.
Iyong arrow ay
tumama sa bull’s eye ngunit iyon ay napapalibutan na ng apoy. Lumiyab iyon kaya
naman mas lumaki pa ang apoy.
Nanigas ako sa
kinatatayuan at natulala. God! Ano nanaman ‘tong nagawa ko?!
Huminga ako ng
malalim at ibinigay ang buong atensyon sa unti-unting lumalaking apoy. I need
the power.
Ipinikit ko ang
aking mga mata at pinakiramdaman ang pamilyar na init na dumadaloy sa katawan
ko. Nang idilat ko na ang aking mga mata ay tiningnan kong muli ang apoy at
idinerekta doon ang kung anong lakas na naramdaman ko sa buong katawan ko. Naglakad
ako palapit sa apoy habang ginagawa iyon.
Halos mawala ako
sa konsentrasyon nang marinig ko ang takot at pangamba sa boses ni Chris. “Huy! Anong ginagawa mo dyan?! Bumalik ka
dito!” sigaw niya sa akin, natataranta at tila hindi alam ang gagawin.
Nang medyo
malapit na ako ay mas pinaigting ko pa ang inilalabas kong aural power. Hindi
ko alam kung ano ang mangyayari pero iniisip ko lamang na nais kong mamatay na
ang apoy. Halos panghinaan ako ng loob nang nakitang dahan-dahan nang lumalaki
ang apoy. Maging ang ibang mga targets ay nilamon na nito at alam kong hindi
magtatagal ay aabot na iyon sa kinalalagyan ng ibang mga bows at arrows.
Before I knew
it, rain suddenly came.
I looked up at
wonder. Umuulan!
Lumingon ako
para maipagmalaki kay Chris iyong nagawa ko ngunit nang harapin ko siya ay
nakita ko ang takot at gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.
Mas lumakas pa
ang ulan ngunit nakatingin lamang ako kay Chris at hindi ininda ang pagkabasa.
Don’t tell me... natatakot talaga siya sa akin? Alam naman niyang isa akong
Afras hindi ba?
Lalapit na sana
ako ngunit isang kidlat ang biglaang tumama sa haligi ng silid na kinalalagyan
ng mga bows at arrows... at kung saan nakatayo si Chris.
Sa isang iglap
ay naramdaman ko ang lakas ng kidlat na iyon kaya naman tumilapon ako. Nanghina
ako ngunit hindi nito matutumbasan ang takot na bumalot sa akin nang makitang
nakahiga si Chris na walang malay... at ang tuluyang pagguho ng haligi ng
silid.
“Chris!”
---------------------------------------------------------------------------------------------------------