♪ Chapter 22: Hope
Neth’s POV
Sa wakas! TGIF
na! Makakauwi na rin ako sa amin! Miss na miss ko na sila mama’t papa pati na
rin sila sister sa orphanage. Alam ko namang 1 week pa lang ang nakakalipas
pero kahit na ba! 1 week pa rin iyon.
Papunta ako ngayon
sa SMS Department kung nasaan si Ms. Adrias, iyong professor namin sa Algebra.
Natapos ko na kasi iyong project kuno ko kay ma’am dahil doon sa pagkalate ko.
Mabuti nga at tinulungan ako ni Jane na matapos iyon kaya naman kahit wala pa
ang lunes ay tapos na tapos ko na iyon.
Ewan ko lang sa
isa ko pang kasamang na-late sa klase niya. Hindi ko na kasi siya ulit nakausap
simula noong natapunan ko siya ng inumin niya sa polo niya noon. Ayoko namang
iapproach siya, ang sungit naman kasi akala mo tutuklawin ka na kahit hindi mo
pa nga nilalapitan.
Binuksan ko
iyong glass door at natuwa nang makita doon si Ms. Adrias na busy sa
pagche-check ng papers ng mga estudyante niya. Nagbakasakali lang naman kasi
ako na nandito siya at sa awa naman ng Diyos ay narito pa siya’t hindi pa
umuuwi.
“Excuse me po, Ms. Adrias,” sabi ko upang makuha ang atensyon niya.
Mabilis naman
siyang nag-angat ng tingin sa akin mula sa ginagawa. “Oh Ms. Flores! Napadaan ka. May kailangan ka ba?”
“Miss, ipapasa ko lang po sana ‘yung project na
ipinagawa niyo po sa akin. ‘Yung reflections po,” nakangiti kong sabi habang ibinibigay sa kanya iyong
project na pinaghirapan ko.
“Mabuti naman at natapos mo kaagad Ms. Flores.
Kamusta naman iyong kay Mr. Vargas?” Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Feeling ko tuloy
responsibilidad ko iyong isang yun.
“Uhh... hindi ko po alam eh. Hindi ko pa po siya
natatanong,” magalang kong
pagpapaliwanag. Napakairesponsable talaga ng lalaking ‘yon! Malaki ang
posibilidad na kinalimutan na nga niya ang bagay na ‘to.
“Kung ganoon ay gusto kong malaman kung ano na ang
progress ng project niya. Baka magulat na lamang ako at nalimutan niya iyon
when in fact inutusan kitang sabihin ang bagay na iyon sa kanya noong hindi
siya nakapunta sa supposed to be meeting natin.”
“Ah. S-Sige po.” Kaasar talaga ang lalaking ‘yun!
Ngumiti sa akin
si Ms. Adrias. Pinilit ko namang ibalik ang ngiti niyang iyon kahit sa loob ko
ay gusto ko nang ipa-hunting ang Vargas na iyon. “Sige iha. Umuwi ka na at nagsisimula nang dumilim. Mag-ingat ka.”
“Sige po. Ingat din po kayo sa pag-uwi.” at nagpaalam na ako.
Paano ‘yan?
Friday ngayon tapos sa Monday na iyong deadline ng project namin? Paano ko
malalaman kung gumagawa ba iyon o kung talagang may progress iyong ginagawa
niya? Ni hindi ko naman alam kung saan nakatira iyon.
Dahil wala na akong
choice ay tinext ko na lamang si Jane kung saan nakatira si Alex. Kapag
talagang malayo ‘yun dito ay bahala na siya!
Pero pakiramdam
ko naman ay malapit lang iyon sa grocery store nila Tito Jun dahil nakita ko
siya noon na bumili doon ng mga cup noodles.
To: Jane Alvarez
Jane, alam mo ba kung saan nakatira si Alex Vargas?
Kailangan ko kasi siyang tanungin tungkol doon sa project namin kay Ms. Adrias.
Thank you!
Wala pang isang
minuto ay nakareceive na kaagad ako ng reply. Nakalagay doon ang pangalan ng
isang condominium. Wow. Condo. Big word! Mga mayayaman talaga. Hindi na ako
magtataka. Halos matawa naman ako nang may pang-asar pang hirit si Jane sa
text. Bakit daw ako pupunta sa condo ng lalaking ‘yon, baka daw may something
na sa amin. Nako!
Dumiretso na ako
sa apartment na tinutuluyan ko upang makapagbihis at upang masundo na rin si Iona.
Pumayag na kasi si tito na magtrabaho sa convenience store niya at pwede na
siyang magsimula anytime na gustuhin niya. Ngayon ang araw na iyon at ang sabi
niya ay sabay na kaming pumunta doon.
“Sa wakas!” bungad ni Iona pagkabukas ko pa lamang ng pintuan. Nakabihis
siya ng skirt at isang signatured na blouse. Kahit talaga akala mo na simple
lang iyong suot niya, kitang-kita pa rin ang pagiging elegante niya. Kahit
siguro maging cashier girl ‘to ay ganun pa rin ang aura niyang sumisigaw ng elegance.
Nginitian ko
naman siya. “Bihis lang ako. Hintayin mo
na lang ako dito.”
Matapos kong
makapag-ayos ay dumiretso na kaming dalawa sa store ni tito. Habang naglalakad
ay iniisip ko kung paano ko sisimulan iyong paghahanap ng impormasyon sa
nakaraan ko. Sigurado akong may alam iyong na-meet ko sa 7eleven at maging
itong si Iona pero paano kaya ang magiging approach ko na hindi nila nalalaman
ang pakay ko? Isang linggo na ang nakararaan at hindi ko pa nakikita iyong
lalaking kababata ko raw, sabi niya. Marahil ay kaibigan ko naman si Iona dati.
“Neth, may gagawin ka ba bukas?” biglang tanong ni Iona sa tabi ko.
“Uuwi ako sa bahay namin. Namimiss ko na kasi sila
mama’t papa though sabi naman nila sa akin ay ‘wag nang mag-abalang umuwi pa dahil
sayang sa pamasahe.” Hindi
ko talaga alam at paano ako natitiis nila mama’t papa doon.
“Ah, gano’n ba? Sayang naman. Gusto kasi kitang
ipakilala sa mga kaibigan ko. You know, madalas kasi kitang ikwento sa kanila.”
“Weh?!” Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko. Ano
naman kaya ang ikinukwento niya sa mga kaibigan niya? Grabe nakakahiya yata.
Napaisip naman
ako. Paano kung naging mga kaibigan ko rin sila? Paano kung ito na iyong
pagkakataong hinihintay ko? Paano kung ito na talaga iyong chance ko? Pero
paano naman kung ikapahamak ko ‘to? Hindi pwedeng marami ang makakilala sa
totoong ako. Masyadong mapanganib pero... ayoko namang palampasin ‘to.
Bumuga ako ng
hangin. Ang hirap naman nito!
“Sinabi ko nga sa kanila na ikaw ang nagbigay sa
akin ng part time job eh. Nacurious tuloy sila kung sino ka. Don’t worry
mababait naman sila,” masaya
niyang pagkukwento.
“Anong oras ba kayo magkikita-kita bukas?” pagtatanong ko.
“Hmm... mga hapon siguro para hindi masyadong
mainit.” Mabilis niyang
itinuon ang tingin sa akin. “Neth sige
na! Sumama ka na! Don’t worry. I’ll make sure matutuwa ka sa kanila!”
Nag-isip naman
ako.
“Pretty please!” pagmamakaawa pa niya. Medyo natulala ako. Ang ganda
niya lang! Magkadaop kasi ang mga palad niya at nasa harapan ko na para bang
nagdadasal at nagmamakaawa sa magiging sagot ko. Wala tuloy akong nagawa at
napa-oo na lamang. Kung lalaki lang siguro ako ay crush ko na itong si Iona.
Nagpapapalakpak
siya dahil sa sagot ko. “Sigurado akong
matutuwa ka doon!”
Napangiti na
lamang ako.
Sana nga Iona.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Maaga akong
gumising kinabukasan dahil binabalak kong puntahan si Alex doon sa condo niya.
Sa hapon naman ay imi-meet ko ang mga kaibigan ni Iona na aniya ay ipapakilala
sa akin.
Tulog pa si Iona
noong nagising ako kaya naman dahan-dahan akong kumilos. Matapos makapagbihis
ay isinara ko nang mabuti ang pintuan namin. Pagkalabas ko ng apartment ay
nakita ko ang bughaw na kalangitan. Maaga pa kaya naman malamig pa ang simoy ng
hangin. Pumikit ako at hinayaan ang hangin na liparin ang aking maikling buhok.
“Ito na kaya ‘yon?” tanong ko sa aking sarili habang nakatingala sa
mataas na condominium. Makita ko pa lamang ang mga mukhang mamahaling glass
doors, chandeliers, at mga labas-pasok na mga nakacorporate attire na
estudyante’t mga middle-aged ay parang gusto ko nang umatras, umuwi’t bumalik
sa apartment at matulog.
Pero dahil
kailangan ko talagang pumasok ay wala na akong nagawa kung hindi ang tahakin
ang glass door habang nakayuko. Pagkapasok ko pa lamang ay yumakap na kaagad sa
akin ang sobrang lamig galing sa mga aircon nila.
Pumunta kaagad
ako doon sa front desk at nagtanong.
"Uhh—"
"Uhh—"
“Good morning madame! How can I help you?” fluent english na salida ni ateng
nakauniform ng parang pangstewardess, ni hindi nga ako pinatapos sa sasabihin
ko.
“Ano pong room ni Mr. Alex Vargas dito?” tanong ko.
Nakangiti siya
akong sinagot. “Bakit po? Bisita po ba
niya kayo?”
Hala!
“Uhh... o-oo!” Sandali... kailan kami naging magkaibigan? “Parang gano’n na nga.” Shocks! Ano ba
naman ‘tong pinasukan ko! Di kaya makulong ako ne’to?
Grabe talaga
ako! Kung saan saan na ako dinadala ng imagination ko dahil sa kaba.
“Wait Miss. Did you say Alex Vargas? I’m sorry but
we don’t have any occupants with the name Alex Vargas. Maybe you’re just
mistaken.” Pinasadahan na
ako ng tingin ni ate pagkatapos tingnan sa computer ang pangalang binanggit
ko.
Pero bakit gano’n?
Ito naman iyong ibinigay sa akin na address ni Jane. Hindi kaya nagkamali ako
ng basa? Pero sinigurado kong dito iyon bago ako pumunta dito.
“Miss, pwede po paki-check ulit? Ito po kasi ‘yung
sinabi ng kaibigan ko na condo ni Alex Vargas eh,” sabi ko naman kay ate.
“Sige po. Wait lang po.” Pindot naman nang pindot si ate doon sa monitor,
mukhang touch screen pa iyon. Hightech!
Nag-aalala na
binalingan ako ng tingin ni ateng mukhang stewardess, mukhang naiistress na sa
akin. “Miss, wala po kaming exact Alex
Vargas sa list namin but who we have here is the name Denzel Alexis Vargas. Are
they the same Miss?”
Denzel...
Alexis... Vargas.
“‘YAN NGA MISS! TAMA!” bulalas ko na dahilan upang makuha ko ang atensyon
ng ilan sa mga taong malapit sa akin. Binigyan ko na lamang sila ng nahihiyang
ngiti at peace sign.
Jusme! Ano ba
naman yang ginawa ko?! Nakakahiya!
Si ateng maganda
naman ay nginitian lamang ako na para bang isa akong clown.
May ibinigay
lang sa aking mga forms (take note, with ‘S’ yan!) bago ako pinayagang
papasukin sa isa sa mga elevators nila na tanging daanan papunta sa itaas.
Seriously, di ba uso sa kanila ang salitang stairs? Paano kaya kapag lumindol?
Pinilig ko ang
aking ulo. Ano ba ‘tong pinag-iiisip ko! Epekto siguro ito ng walang almusal.
Hindi pa kasi ako kumakain eh.
Pagkarating ko
sa floor ng room ni Alex ay sinimulan ko nang libutin ang hallway para mahanap
iyong room number niya. Nang mahanap ko na iyon ay pinindot ko na iyong
doorbell. Tatlong beses ko pang pinindot iyon bago bumukas ang pintuan.
“What are you doing here?” masungit niyang tanong. Hindi naman na
siya mukhang gulat nang makita ko siya dahil may peephole naman iyong pintuan
niya.
“Itatanong ko lang kung nasimulan mo na ‘yung
reflections mo sa Algebra. Malapit mo na bang matapos ‘yung sa’yo?”
“Malapit na.”
Nakita ko namang
parang bagong gising pa lang siya pero mukhang nakapagshower na dahil medyo
basa pa iyong buhok niya at may towel pang nakasabit sa leeg niya.
“Anything more?” Ayon sa tono niya ay gusto na talaga niya akong
paalisin at sukang-suka na siya sa presence ko. How rude.
"Ah sige. 'Yun lang ang ipinunta ko dito. Sige, bye—" Halos maestatwa ako nang biglang tumunog ang tyan ko. Tiningnan ko si Alex at nakitang nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Ah sige. 'Yun lang ang ipinunta ko dito. Sige, bye—" Halos maestatwa ako nang biglang tumunog ang tyan ko. Tiningnan ko si Alex at nakitang nagtaas siya ng kilay sa akin.
Napahawak ako sa
tyan ko. Kailangan ba talagang tumunog ka ng malakas?! Kakahiya!
Tiningnan ko nanaman
si Alex. Ang pula siguro ng mukha ko ngayon. Eh bakit ba?! Sa hindi pa ako
nag-aalmusal eh. Siya naman amuse na amuse sa akin. Nakataas iyong kilay niya’t
nakangiti. Very unusual of him when in fact kapag magkaharap kami nito ay hindi
maipinta ang mukha niya.
Nilakihan pa
niya ang pagkakabukas ng pintuan niya at iginiya ako papasok.
“Hala! ‘Wag na! Ayos lang ako. Uuwi na lang ako
tutal alam ko namang ginagawa mo na ang project mo. Akala ko lang kasi ay nalimutan
mo,” I continuously
blabbered. Halata tuloy na kinakabahan ako. Eh jusko naman kasi lalaki ‘yan
tapos condo niya ‘yan! Sa tanang existence ko ay hindi pa ako nakakapasok sa
mga ganyan! Mamaya may mabasag pa ako eh di lagot na?
“I insist. It’s rude kung hindi man lang kita papapasukin.
Hindi naman ako gano’ng lalaki. And besides... uhh... I have lots of foods
here. I bet hindi ka pa kumakain.”
Tiningnan ko
siya. Mukha namang good mood siya ngayon at hindi naman siya mukhang
nangangain. At isa pa ay sabi niya marami daw siyang pagkain. Aba! Grasya na
ang lumalapit! Ramdam na ramdam ko na talaga ang pagrereklamo ng tyan ko kaya
naman hinayaan ko na siyang papasukin ako sa condo niya.
Malaki iyong
space. May kitchen, dining area, may sofa at sa tapat ‘non ay isang malaking flatscreen
na kasing laki yata ng poster ko ng twilight saga na nakadikit sa may kwarto ko
sa bahay namin. Take note, magkasintangkad kami ng poster na ‘yon! Buti hindi
naduduling ‘tong si Alex kapag nanunuod. Very manly din ang kulay ng kabuuan ng
condo niya. Combination ng black and white and brown. Sobrang linis din na
dinaig yata ang isang compulsive na tao.
Sa gilid ay may
nakita akong isa pang kwarto na hula ko ay kwarto niya. Sa kabila naman ay may
isa pang kwarto na inihiwalay sa iba pang bahagi ng condo na ito gamit ang
isang sliding glass door kaya naman kitang-kita ko ang mga instruments na
naroon. May grand piano, electric guitar at iyong simpleng gitara, dalawang
bass na pang right and left handed, mic stands at drum set.
“May banda ka ba?” hindi ko napigilang itanong.
Nakita niya
akong nakatingin doon sa mga instruments sa kabilang kwarto. “Yep.”
“Buti hindi kayo naririnig sa labas kapag
nagpa-practice kayo.”
Tumikhim siya. “Sound proof ang area na ‘yan kaya hindi
naman kami nagko-cause ng ingay.”
“Hmm.”
Ang galing! Mga
mayayaman nga naman.
Umupo ako sa may
brown sofa niya at muntik na akong mapatili nang bigla akong lamunin nito. Sa
sobrang lambot kasi ay para na akong lumubog. Buti na lang at nahawakan ko
kaagad iyong bibig ko. Habang nakaupo ay tumagilid ako’t pinagmasdan si Alex na
inaayos iyong pagkaing hindi ko alam kung ano dahil hindi ko makita iyong
ginagawa niya.
Pinagmasdan ko
siya at napagtantong gwapo nga talaga siya. No wonder ay dalawang babae ang
nagkagusto sa kanya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Narinig ko ang
isang magandang tunog na nagmumula sa piano kaya naman nagising ako. Bumungad
sa akin ang liwanag na nagmumula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Marahil ay
sumikat na ang araw habang tulog ako.
Kinusot ko ang
aking mga mata at muling napatingin sa may terrace. Hindi ko yata ‘to nakita
kanina? Siguro ay nakasara pa iyong pintuan kanina at tinabunan ng kurtina.
Naalala ko namang
nakatulog ako kaya naman iginala ko kaagad ang paningin upang hanapin si Alex.
Napatingin ako sa glass table na nasa harap ko’t nakita ang isang pagkaing
tinakpan ng isang glass plate kaya naman kita ko kaagad.
Tatlong hotcake
ang naroon na may honey sa ibabaw. Sa tabi naman nito ay may maliit na cake at
graham. Iyong inumin naman ay nakalagay sa isang tumbler na may takip. Nang
silipin ko iyon ay naamoy kong hot chocolate ang laman nito.
Ang sunod na
hinanap ng mga mata ko ay si Alex. Nakita ko siya sa loob ng music room na may hawak
na pyesa sa kabilang kamay habang pumipindot naman sa mga key ng piano ang isa.
Naka black sweater na siya at black bonnet. Noong una ay nagtaka pa ako kung
bakit ko naririnig ang pagtugtog niya ngunit nahagip ng mata ko ang medyo
nakabukas na sliding door.
Habang
pinakikinggan ko ang pagtugtog niya ay sinimulan ko nang kainin iyong pagkain
sa harap ko. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko pa talagang makatulog sa kabila
ng gutom ko. Buti naman at mabait itong si Alex at talagang nag-abala pa siya.
Habang kumakain
ay naramdaman ko kaagad ang kaba. Naalala ko kasi iyong gagawin namin ni Iona
mamaya. Balak ko na rin kasing magtanong sa kanya ng tungkol kay Angel. Para
kasing hindi ko na kaya pang ipagpaliban ang pagtatanong ko. Kung hindi pa
mamaya, kailan pa? Kapag wala ng pagkakataon? Sa palagay ko naman ay
mapagkakatiwalaan ko siya maging iyong nameet ko sa 7eleven. Sapat na sigurong
sila lang ang pagkatiwalaan ko.
Patuloy pa rin
si Alex sa pagtugtog ng piano kaya naman feel na feel ko ang pagkain ko. Iyong
para bang nasa sosyalen akong restaurant!
Matapos kong
kumain ay mukhang natapos na rin ang pagtugtog ni Alex. Tatayo na sana ako
upang magpaalam na dahil baka hinahanap na ako ni Iona sa apartment ngunit
nabato ako nang marinig ko na ang sumunod na kantang tinugtog niya.
Sumandal na
lamang ako sa sofa, pinakinggan ang tugtog at sinabayan na rin ito.
‘There's a song that's inside of my soul
It's the one that I've tried to write over and over
again
I'm awake in the infinite cold
But You sing to me over and over and over again.’
All I have to do
is put, if not depend on too much, everything to God’s hands. Iyon na lamang
ang panghahawakan ko. Alam ko naman na may dahilan ang lahat ng mga nangyayari
sa akin ngayon. Not that it should make me suffer pero alam kong may malalim na
dahilan at magandang naghihintay sa akin kapag nalaman ko na ang lahat ng mga
gusto kong malaman tungkol sa nakaraan ko.
'So I lay my head back down
And I lift my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I know now you're my only hope.’
I really do hope na tama nga ang mga iniisip ko.
Naantala ang
pakikinig ko nang tumunog iyong cellphone ko kaya naman tiningnan ko kung sino
ang nagtext.
From: Iona Martell
Neth! Saan ka? Balik ka kaagad ah? May lakad pa tayo
mamaya! Ciao!
Oo nga pala!
Hindi ko na napansin iyong oras, masyado na yata akong naging feel at home dito
sa condo ni Alex.
Tumayo ako at
pumunta doon sa may glass door ng music room. Patuloy pa rin sa pagtugtog si
Alex pero hindi tulad kanina ay wala na siyang hawak na kahit anong pyesa at
dalawang kamay na niya ang pumipindot doon sa keys. Nakakaaliw siyang panuorin
sa totoo lang dahil halatang sobrang bihasa talaga siya sa pagtugtog. Parang
iyong mga daliri niya ay walang mga buto sa sobrang bilis pero maingat na
pagpindot sa keys. Serene din ang aura niya ngayon kaya naman medyo nanibago
ako sa side niyang ito. Truthfully speaking ay mas naging gwapo siya kapag
seryoso siya sa ginagawa niya.
Ayoko man siyang
istorbohin pero kailangan ko na talagang umalis. Tumikhim ako ngunit sinapawan
lamang ito ng tunog ng piano kaya naman lumapit na lamang ako sa kanya’t
kinalabit iyong balikat niya.
Tumaas iyong
kilay niya na para bang nagtatanong ngunit ang buong atensyon niya ay nasa
piano pa rin at patuloy pa rin siya sa pagtugtog.
“Aaalis na ako. Salamat pala sa pagkain,” sabi ko habang nakayuko sa kanya para
marinig niya ako.
Nakita ko naman
siyang tumango.
Bumuntong
hininga ako at lumabas na sa may glass door. Nang papaliko na ako para pumunta
sa pinakapintuan ng condo niya ay tiningnan ko ulit si Alex at nakita ko siyang
medyo nakangiti.
Baliw.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Kailangan ba talaga nakaganito? Compulsory ba?” nakakunot noo kong tanong kay Iona na
siya namang nakangiti at tila ba tuwang-tuwa sa ginawa sa akin. Bilang ko ay
pangatlong beses ko nang itinanong ‘to sa kanya simula nang umalis kami sa
apartment.
Tiningnan naman
niya ako nang may pagtataka. “Bakit?
Maganda naman ah? Wag mo sabihing hindi ka nagandahan sa obra ko nang humarap
ka sa salamin?!”
"Nagandahan ako syempre—"
"Nagandahan ako syempre—"
“Eh yun naman pala! Ang ganda mo, ako nang nagsasabi
sa’yo nyan kaya naman dapat ay hindi itinatago ‘yan!”
Tinikom ko na
lamang ang bibig ko dahil mukhang hindi talaga ako mananalo sa kanya.
Nandito kami
ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng kaibigan ni Iona. Dalawang oras ang
byahe mula sa Maynila papunta dito kaya naman hapon na nang nakarating kami.
Ang buong akala ko nga ay pupunta lamang kami sa isang restaurant ngunit
nagulat na lamang ako pag-uwi ko ng apartment ay nakaimpake na ang gamit niya
maging ang mga gamit ko na pang-isang araw na gamitan.
Hindi rin niya
ako pinaligtas at inutusan niya akong maligo at inayusan ako pagkatapos ‘non.
Pinahiram niya rin sa akin ang isang dress niyang sobrang lambot ng tela na
sigurado akong mamahalin talaga. Kulay green iyong floral dress na may
spaghetti strap. Pinahiram din ako ni Iona ng sandals niyang terno sa dress.
Nilagyan din niya ako ng light make up at kinulot iyong dulo ng buhok ko.
It feels beyond
great nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Para bang sobra talaga iyong
transformation na nangyari sa akin when in fact ay hindi naman gano’n kabongga
ang ginawa ni Iona sa akin. Hindi ko napigilang isiping parang ayoko nang
baguhin pa ang ayos kong ito pero naroon pa rin ang hiyang nararamdaman ko kay
Iona. Hindi pa naman kami ganoon katagal magkakilala pero kung pakitunguhan
niya ako ay para bang sobrang tagal na niya akong kaibigan.
Hindi kalayuan
sa amin ay may nakita akong kumpulan ng mga lalaking nakaboard shorts at
tshirts at mga kababaihang tulad namin ni Iona na nakadress sa dalampasigan.
Sumipol iyong mga lalaki nang makita kami kaya naman yumuko ako.
“Our great Iona is here!” sigaw ng isang lalaking napansin kong
may peircings sa tenga. “Pakilala mo
naman ako sa kaibigan mo,” dagdag pa niya habang nakakalokong nakangiti.
“Hoy tumahimik ka Slade! ‘Wag mo subukang magpapansin
sa kaibigan ko kundi babangasan kita,” pabirong sabi ni Iona.
Nanliit naman
ako sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ako sanay na tinitingnan ako nang may
kuryosidad. Iyong tipong pinag-aaralan ka. Ganoon kasi ang tingin nila sa akin.
“Grabe ka naman Iona! I was just being nice!” nakangisi niyang tugon.
“Being nice being nice? ‘Yang pagiging being nice mo
sa mga babae lagi namang sa condo mo ang lagpak!”
“May magagawa ba ako eh sadyang gwapo ‘tong kaibigan
mo?” sabi niya habang
hinahawakan iyong mukha niya.
“Oh shut up.”
Tiningnan ko pa
ang iba pang mga kaibigan ni Iona. May couple na magkayakap habang amused na
nakatingin sa nagtatalong sina Iona at iyong guy na may peircings. Isang babae
naman ang busy sa pagtetext ngunit paminsan-minsan ay tinitingnan sila Iona at
may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi na para bang normal lang ang
pagbibiruan ng dalawa. Iyong isang lalaki naman ay seryosong nakatingin sa akin
ngunit mabilis namang nag-iwas ng tingin at biglang nagsalita.
“You should introduce her to us Iona. Para hindi na
siya ma-awkward,” seryoso
niyang sinabi kay Iona.
“Oo nga pala! Sorry Neth.” Binalingan naman niya ulit iyong kausap
niya kanina. “Behave!” napangiti ako
dahil sa kulitan ng dalawa.
Hinawakan ni
Iona ang balikat ko. “So guys, remember
iyong kinukwento ko sa inyong roommate ko sa apartment na tinutuluyan ko? So
here she is. Gwyneth Clementine. Call her Neth na lang. Ang ganda ng name niya
di ba?” Ngumiti naman iyong mga kaibigan niya sa akin. Ngumiti ako habang
iniisa-isa sila ng tingin.
"Neth, meet my Cassanova friend—"
"Neth, meet my Cassanova friend—"
“I’m Slade Valencia.” Hinawakan niya ang kamay ko at saka iyon hinalikan.
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil doon. “It’s
a pleasure of mine to see an Angel this breathtakingly beautiful in my resort.
Please allow me to—ARAY!” nabitawan niya ang mga kamay ko na siyang ikinatuwa
ko, habang siya naman ay nakahawak sa ulo niyang binatukan ni Iona.
Hindi siya
pinansin ni Iona at tumingin nang muli sa iba pa niyang mga kasama.
Ipinakilala niya
sa akin sila Alena at Uriel, iyong couple sa mga kaibigan niya. Si Clea naman
iyong busy sa pagtetext kanina. Siya raw iyong pinakamatalino sa kanilang
magkakaibigan though hindi siya scholar tulad ko.
“Last but not the least, ang bestfriend kong super
boring at serious at brilliant at handsome—” napahinto siya’t natawa dahil sumimangot na
iyong kaibigan niya. “Neth, meet Mr. Seraph Marvel Yllana. Raph
na lang itawag mo sa kanya.”
Ngumiti naman sa
akin si Raph, buti na lang dahil konti na lang at matatakot na ako sa kanya. “Nice meeting
you,” sabi
niya.
Nginitian ko
naman siya pabalik.
“May kulang pa! Nasaan na si JV?” tanong ni Iona sa mga kaibigan niya.
“Nandito na siya. Traffic daw kaya na-late siya,” sabi naman ni Clea. “Andyan na
siya.”
Nilingon ko
iyong tinutukoy nilang JV. Tulad ng mga lalaking kaibigan ni Iona ay naka board
shorts siya at naka itim na tshirt. Napasinghap naman ako nang mapagmasdan ko
nang mabuti ang mukha niya. Kahit wala na iyong eyeglasses niya ay hindi ako
pwedeng magkamali.
“JV! Eto pala ‘yung kaibigan kong naikukwento ko sa inyo.
Neth—”
“Please call me Jayvier. Nice meeting you Neth!” masaya niyang sabi sabay pat sa buhok ko bago
niya pinuntahan ang iba pa nilang mga kaibigan.
Nakita kong
nakipag-high fives pa siya sa kanila.
“See? Mababait ‘yang mga kaibigan ko. Just feel comfortable,
okay?” Hinawakan
ni Iona ang kamay ko at hinila ako papunta sa kumpulan ng mga kaibigan niya. “This will be
a long and interesting night!”
“Yes, indeed,” bulong ko na lamang sa sarili ko.
I just formally
met the guy who introduced himself as my childhood friend. I’m now with Iona
who mistakenly called me Angel the first night we’ve met.
What now?
---------------------------------------------------------------------------------------------------------