Chapter 3: Blast
Nilibot ko ang
tingin ko sa kabuuan ng comfort room. Tiningnan ko ang aking mga paa na
nakalubog pa rin sa kumukulong tubig ngunit imbis na masaktan ako ay wala akong
nararamdaman. Nagbubuga pa rin ito ng usok. Malapit naman sa akin ay iyong
katawan ng lalaking kani-kanina lamang ay nais akong patayin ngunit ngayon ay
wala ng buhay. Nagulat ako nang unti-unti ay naglalaho ang katawan niya. Tila
ba natutunaw ito hanggang sa tuluyan na itong naglaho.
Umikot ako at
muling tiningnan ang sariling repleksyon sa salamin ngunit naging dahilan
lamang ito upang maramdaman ko ang pagkahilo. Humawak ako kaagad sa faucet at
tumingin sa salamin na nasa harapan ko.
Hazel brown eyes.
I sigh heavily.
Exhausted and hurt.
Tumingala ako at
nakita ang nagyeyelong bahagi ng cr. Namangha ako sa nakita bago ako tuluyang
nawalan ng malay.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako
dahil sa sakit na naramdaman ko sa katawan lalong-lalo na sa ulo ko. Dumilat
ako at nakita ang puting kisame. Nilibot ko ang tingin at agad na nakita si
Kate na nakahiga sa sofa malapit sa kama ko at natutulog.
I am in a
hospital.
I am inside a freakin’ hospital!
Tumayo agad ako
at nagsisi dahil nalimutan kong masama pala ang lagay ng katawan ko at ng ulo
ko sa ngayon. Ang daming nakadikit na kung ano sa balat ko na nakakunekta sa
iba’t ibang aparato na naging dahilan ng pagtindig ng mga balahibo ko.
I don’t like
anything be connected on my body. It made me look like a weak and pathetic
patient whose life depended only on big machines and who prays to have a weird
miracle from God knows where that’ll
give her longer and better life.
But now I feel
weak.
Really weak.
And I hate it.
Umayos ako ng
upo at dahan-dahang tinanggal lahat ng nakakabit sa akin. Masakit ang proseso
pero kaya ko namang tiisin.
Uminit naman ang
mukha ko nang makitang naka-hospital gown lamang ako.
Matapos kong
matanggal lahat ng nakakabit sa akin ay kinuha ko iyong bag na nakalagay sa
table at natuwa nang makitang damit ko ang nakalagay doon. Dumiretso ako sa cr
habang naglalakad ng dahan-dahan dahil ayokong magising si Kate at pigilan ako.
Nang makapasok
ako ay tumambad agad sa akin ang isang salamin.
“I’m such a mess,” I muttered to myself.
May bandage na
nakaikot sa ulo ko. Mayroon din akong mga pasa malapit sa kaliwang mata,
pisngi, at maging sa leeg.
Binuksan ko
iyong bag ni Kate para kunin ang mga damit ko pero laking gulat ko nang
makitang t-shirt lang ang nakalagay at wala man lamang jeans.
Pero may nakita
naman akong damit ko pero halos tumaas ang kilay ko na umabot yata hanggang
rooftop ng hospital nang makitang white tube dress iyon kasama ang isang black
blazer. Hinalungkat ko pa ang loob ng bag at nakakita ng black flat shoes pero
nang iangat ko ng mabuti ay nakita kong may mga 1 inch iyon na takong.
Seriously? Bakit
ito ang mga dinala ni Kate sa mga damit ko? Anong meron? Party?
The heck.
Pero parang may
sumampal sa akin dahil bigla kong naalala na may presentation pala akong
gagawin sa isa sa mga major subjects ko.
Tiningnan ko
ulit ang mga damit na inilabas ko.
Hmm... not bad
indeed.
Dahan-dahan kong
tinanggal ang hospital gown ko at isinuot na ang mga damit ko. Napaisip pa ako
kung ano ang gagawin ko sa buhok ko dahil hindi ko naman siya maiba-bun o
maipupuyod dahil sa bandage na nakalagay sa ulo ko. Sa huli ay napagdesisyunan
ko na ring ilugay muna pansamantala ang buhok ko pero hayaan pa rin na
nakabagsak lahat ng bangs ko.
Natuwa rin ako
nang nakita ko sa loob ng bag ang contact lenses ko maging ang eyeglasses ko.
Wala namang grado ang mga ‘yan but I prefer wearing them at all times. Don’t
ask why.
Inayos ko pa ang
sarili ko bago lumabas ng cr.
Tulog pa rin si
Kate nang makalabas ako. Dahan-dahan pa rin akong kumilos lalo na nang bubuksan
ko na iyong pintuan palabas dahil malapit iyon sa kanya. Nang sa wakas ay
matagumpay akong nakalabas ay mabilis na akong naglakad para makaalis na dito.
Nang makalabas
na ako sa hospital ay huminga ako ng malalim. Tila sa panahong nasa loob ako ng
ospital ay hindi ako makahinga. Parang naso-suffocate ako. Ayoko nang
alalahanin pa lahat ng mga karanasan ko sa lugar na iyon.
Dumiretso ako sa
pinakamalapit na restaurant dahil nagugutom na talaga ako. Mabuti na lamang at
nadala rin ni Kate ang wallet ko maging ang mga gamit ko sa school. May pasok
kasi kami ngayong araw at dahil sa nangyari sa akin ay hindi ako makakaattend
sa first class ko but I’d rather be late in my other subjects than literally
not attend any of them. I’m aloof yes, but definitely not a slacker.
I told my order
to one of the waiter who ushered me to one of their chairs. Hindi naman ako
sosyal na kakain pa sa mamahaling restaurant. In fact, Mcdo or Jollibee would
suffice but this is the nearest resto I could come across. My head still hurts,
bigtime! But I can live with it for the rest of the day.
After eating, I
gather all my things then went out the resto. I looked around first before I
started walking. I don’t know if it’s just my imagination but I have this gut
feeling that somebody’s been stalking me or following me since I left that
hospital.
Hell I don’t
care if they do follow or stalk me but once they touch me, I’ll never give them
mercy once I throw them my punches. Hindi ako baliw para hayaan na lang silang
hawakan ako or worst ay gawin ang mga masasamang bagay sa akin. We’re now in
the modern world and such occurrences are big possibilities.
Naglakad ako
nang mabilis dahil malapit lang naman ang SU sa hospital na pinagdalhan sa
akin. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa akin pagkatapos kong mawalan ng
malay but I guess being alive worth something, right?
Once I entered
our school premises, I kind of felt relief, but of course not quite. Most of
the eyes were still on me. Kailan nga ba ako masasanay?
I was taken
aback when someone embraces me from my back. Nakapanlulumo iyong yakap niya
dahil... I don’t know but... I feel completely secured. Kahit na hindi ko siya
lingunin ay alam ko na kung sino siya dahil sa amoy ng pabango niya.
I heard loads of
sighs and gasps because who would’ve imagine that this guy behind me just
hugged a person like me?
Ngayon lang kami
nakita ng iba na magkasama dahil sinabi ko kay Ethan dati pa lamang na ayokong
nakikita kami ng ibang estudyante na magkasama. He’s popular here alright.
Member of a prestigous band.
But now... I
guess I just don’t care. I just don’t mind.
Okay, I don’t
understand myself now.
“Walk with me,” I heard him whisper on my ear.
He gave me one
last squeeze and snuggle that actually made me feel stupidly self-conscious
before he took me by my hand and mindlessly walked with me.
Hindi ko alam
pero parang lutang ang pakiramdam ko habang hila-hila niya ako at naglalakad
kami sa gitna ng mga usiserong estudyante ng Stylites.
Pumunta kami sa
likod ng building ng mga elites kung saan walang estudyanteng pakalat-kalat.
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.
Tiningnan niya
ang kabuuan ko, mula paa hanggang ulo. Nagtagal ang pagtitig niya sa mukha ko.
Ako naman ay nakatingin sa likod niya dahil hindi ko kayang tingnan siya sa mga
mata. Kailan ba ako nagsimulang mailang sa lalaking ito?
Pinakawalan niya
ang isang malalim na buntong-hininga na para bang matagal siyang hindi huminga.
Hindi pa rin ako makatingin sa kanya. I feel so stupid with no particular
reason. I must be insane, right?
Hinawi niya ng
kaunti iyong bonnet na suot ko, inilagay ang bangs ko sa likod ng tenga ko at
napamura nang makita ang kabuuan ng bandage sa ulo ko.
Inilayo niya rin
naman bigla ang kanyang kamay na para bang napaso sa pagkakahawak sa akin at
tumingala sa langit habang mariin na nakapikit.
Patuloy ko
lamang siyang pinagmasdan at hinintay ang kung ano man na sasabihin niya.
Ginulo niya
bigla iyong buhok niya saka tumingin sa akin. Napapikit naman ako nang bigla
niyang hawakan iyong bandage.
“Sorry,” sabi niya. “Masakit
ba?”
Tumango na
lamang ako. No point in lying.
Sa ikalawang
pagkakataon ay niyakap na naman niya ako but this time it was tight that I
can’t almost breathe.
“I’m sorry,” he said.
Kumunot ang noo
ko. Bakit siya humihingi ng tawad? “Bakit?”
Malalim ang
hiningang pinakawalan niya. “Di kita
nailigtas.”
Mariin akong
pumikit. Kung alam mo lang... baka kung nandoon ka rin nang gabing iyon ay baka
parehas na tayong pinaglalamayan ngayon.
And if you were
with me that night, you most probably just freaked out because of me.
You could’ve
left me there, no question asked.
“I’m sorry,” pag-uulit niya.
Hindi na lamang
ako nagsalita. I don’t want to talk to him.
But I don’t want
him to leave me either.
I sigh.
What’s wrong with me?
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
I finished
presenting my report well. I mean, for me I’ve done it well.
Well enough to
earn high evaluation.
What annoyed me
was what my not so sharp-witted
professor had said to me after presenting.
“I like the way you
interpreted and conveyed your thoughts and own understanding regarding your
report Ms. Feazell. But I was disappointed to witness how unappealing your
presence is.”
I explained all
the details, answered all her dumb questions, and unwearyingly repeated them if
some of my wicked blockmates asked rhetorical questions that actually earned a
silent curse from me but what my professor had told me?
Unappealing
presence? Really?
“Based on the Big Five
Model in studying an individual’s behaviour, one should be agreeable enough to
earn trust among your colleagues and for them to trust you in return. Rapport
among you, Ms. Feazell and all the people belonged in this class is a must to
understand each of your reports. Do you understand my point Ms Feazell?”
Ang laki ng
problema niya sa mukha ko. Ang dami niyang sinabi. Pwede naman niyang sabihin
na kahit kaunti ay ngumiti ako pero dyusmiyo ang daming sinabi! Isinama pa ‘yung
Big Five Model at agreeableness! Ewan
ko sa kanya. Minsan talaga kahit ang mga simpleng bagay ay pinapalaki.
“Oh, nakasimangot ka? Anong nangyari?”
Tiningnan ko ng
masama ang nagsalita at nilagpasan siya habang naglalakad papuntang cafeteria.
“Woah woah! Easy there. ‘Wag masyadong masungit.
Papangit ka nyan, ako nang nagsasabi sa’yo.”
Patuloy lamang
ako sa paglalakad kahit na gustong-gusto ko na siyang hambalusin.
“Ikaw din. Sige ka. Sa huli ayy ikaw din ang
magsisisi,” panunuya niya.
Huminto ako sa
paglalakad at hinarap siya.
“Pwede ba Ethan tigil-tigilan mo ako ngayon? Naiirita
ako sa’yo alam mo ba ‘yon?” sabi
ko ng deretsahan at saka muli siyang tinalikuran.
Tumawa naman
siya at sumunod muli sa akin.
Pumikit ako at
kinalma ang sarili. Patience is a virtue.
Nakakaasar talaga ‘tong lalaki na ‘to!
“Ayun! Nagsalita din!” sabi niya nang maabutan ako at walang pasakalyeng
inakbayan ako. Tuwang-tuwa pa siya sa hindi malamang dahilan. Natamaan na ba ng
kabaliwan ang isang ‘to?
Tinanggal ko
agad ang kamay niya ngunit ibinabalik din naman niya. Hinayaan ko na lang tuloy
dahil napapagod na ako sa pakikipagtalo sa kanya at masasayang lang ang laway
ko kung sisitahin ko pa siya.
“Ang sabi sa akin ni Kate ay tumakas ka raw sa
ospital. Bakit ka pa pumasok? Ang sabi mo masakit pa ‘yang sugat mo,” sabi niya sa akin habang nakaakbay pa
rin.
Hindi ko siya
sinagot. Pake ba niya?
Huminga siya ng
malalim. “Odette—”
“Save it Kaiser,” I cut him off sharply. What I don’t like is when he
reprimands me like a stupid and feeble-minded child. For pete’s sake I’m not! I
own my life! He owns his so he has no right to admonish me about what to do and
what not to do.
“You’re really stubborn. I have to do something about
that Miss,” he replied.
“Bitiwan mo ako,” sabi ko na lamang habang naglalakad. Naiirita ako sa
presensya niya ngayon. Pati sa walangyang kamay niyang nakapulupot sa akin ay naiirita
ako. I’m just pissed at his whole being, period!
“No. Hell I won’t,” seryoso niyang utas.
“Let me go,” pag-uulit ko. Sasapakin ko na talaga siya kapag
umangal pa siya.
Huminto siya sa
paglalakad at marahas akong iniharap sa kanya.
“Damn! Odette ang daming nakatingin sa’yong mga
lalaki na kulang na lang hubaran ka nila! Bakit ka ba kasi nakalugay at bakit
ang iksi ng suot mo?! Bakit hindi ka man lang nagsuot ng stockings o kahit
leggings?! Nananadya ka ba?” buong
lakas niyang sigaw sa akin kaya naman nakuha niya ang atensyon ng halos lahat
ng mga estudyante.
Tiningnan niya
silang lahat lalong-lalo na iyong mga lalaking nakanganga sa aming dalawa.
Nakita ko sa mga mata ni Ethan ang galit habang iniisa-isa iyong grupo ng mga
lalaki na ngayon ay parang mga constipated dahil sa itsura ng mga mukha nila.
Matapos niyang
titigan silang lahat ng masama ay tumingin na siya sa akin. Pumikit siya na
parang nagpipigil ng galit at nakita kong nag-igting ang kanyang panga.
Damn him too.
Dahil sa kanya ay nagwawala iyong mga insekto sa tyan ko. Nakikisama pa itong
lintik na tibok ng puso ko.
“Ate Vera!” Isang sigaw ang halos umalingawngaw sa buong campus
dahil sa sobrang tahimik ng mga estudyante.
Nilingon ko
iyong sumigaw at nakita si Kate na humawak agad sa tuhod nang makapunta sa
harapan ko habang humihinga ng malalalim.
Nang tumayo na
siya ng diretso ay saka ko nakita ang mukha niyang kinakabahan at natataranta.
“Bakit?” tanong ko habang nakakunot ang aking noo.
“Kuya Ethan...” baling naman niya sa katabi ko imbis na sagutin ang
tanong ko.
Dahil sa irita
ko sa lahat na lang yata ng bagay ay parehas ko silang tinalikuran.
Hindi pa ako
nakakatatlong hakbang ay may bigla na lamang humawak sa kanang kamay ko at
kinaladkad ako papunta sa gate ng Stylites.
“What the heck Ethan?! Ano bang problema mo?” Halos hindi na siguro maipinta iyong
mukha ko dahil sa sobrang pagkainis. Bwisit! Ang sarap niyang murahin!
“Bakit ba ang init ng ulo mo?” taas kilay niyang baling sa akin. Tulad
ko ay mukhang iritado na rin siya. Glad to know we’re on the same page.
Pero aba’t! Ako
pa talaga iyong tinanong niya?
“Ano ba kasing kailangan niyo sa akin?!” sabi ko nang makita si Kate na nasa tabi
niya’t sumunod pala sa aming dalawa. “Heck!
Gusto ko lang namang pumuntang caf dahil gutom na gutom na ako pero bwisit lang
at ang daming hadlang! Can’t both of you just leave me alone even just this
once? For pete’s sake naiirita na ako sa pagmumukha ninyong dalawa!”
After my
painstakingly long and scorching speech, natulala ng ilang segundo ang damuho
bago humagalpak sa tawa. Si Kate naman ay yumuko dahil natakot na yata sa akin.
“Kaya naman pala!” at patuloy pa siyang tumawa. Tinapik pa niya sa
balikat si Kate na parang naghahanap ng kakampi. “Our beautiful and mad princess here is starving. Bakit kasi hindi mo
na lang kaagad sinabi sa amin at maiintindihan naman namin yang sitwasyon mo?
You don’t have to be wrathfully fuming mad at us.” at sinundan pa ng tawa.
Tinalikuran ko
silang muli at sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay hinawakan na naman niya
ang kamay ko.
“Ikaw talaga nahihiligan mo nang magwalk-out sa
akin. Masama ‘yan Odette at baka talagang makasanayan mo na ‘yan,” sabi niya habang hinihila ako ng marahan
papunta sa gate. Hindi ko na lang siya pinansin dahil napapagod na ako sa
pakikipagtalo sa kanya.
Bago kami
tuluyang lumabas ay nilingon niya si Kate na palinga-linga na para bang may
hinahanap.
“Kate,” tawag niya sa pinsan ko. Nang magtama ang kanilang
mga mata ay tumango na si Kate na para bang naintindihan niya ang nais ipabatid
ni Ethan.
“Mag-ingat ka.” dagdag pa niya at tuluyan na niya akong hinila
palabas ng university.
“Saan tayo pupunta?” malamig kong tanong sa kanya dahil hanggang ngayon
ay hindi pa rin nawawala iyong irita ko sa kanya.
“Date,” maikli niyang sagot.
“May klase pa ako.” Kapalmuks talaga ng halimaw. Tingin niya sa akin?
Kaladkaring babae na pwede na lang dalhin bigla-bigla sa isang date na hindi ko
naman sinang-ayunan?
Mga lalaki nga
naman.
Ganito siguro ang
ginagawa nito sa mga haliparot niyang babae. Daming naghahabol dito eh, halata
naman sa school pa lang.
Parang ‘yung
isang damuhong Nigel na ‘yon na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita.
Napaghahalataan tuloy na pinagtataguan ako. Bwisit.
“Inexcuse na kita sa mga prof mo. Ang sabi ko ay kailangan
mong magpahinga.”
“Wala akong pake. Papasok ako hangga’t gusto ko.” Pake ba ng damuhong ito? Jusko! Masakit
nga iyong sugat ko pero malayo naman sa bituka ‘to! Masyadong ginagawang big
deal ang mga maliliit na bagay.
“‘Wag nang makulit. Kailangan mong magpahinga,” malumanay niyang tugon kahit na tumataas
na ang boses ko sa kanya.
“Bakit mo ako dadalhin sa date? Akala ko ba
kailangan kong magpahinga?” May
saltik din ‘tong isang ‘to eh. Magpahinga raw ako pero ito siya at hila nang
hila sa akin na parang papel lang. Ang lalaki pa ng mga hakbang niya kaya naman
ang lumalabas ay kinakaladkad niya ako.
Great. I can
seriously feel your utter concern. Bow.
“You need to eat. Ikaw na rin mismo ang nagsabing
nagugutom ka na.”
“I can eat with my own without involving myself in a
date.”
“Oh yes you can. You need me to accompany you.
Mahirap na’t baka bigla ka na lang magcollapse dyan sa tabi dahil dyan sa
katigasan ng ulo mo’t ayaw mong magpahinga.”
“I can take care of myself.” Geez. He’s into it again. Chastising me
like a heedless child.
“I can see that,” he sarcastically said.
Tss.
Huminto kami sa
tapat ng isang itim na sasakyan. Binuksan ni Ethan ang pintuan sa harapan at
iginiya akong pumasok.
I hesitantly
obliged.
Mabilis siyang
umikot sa sasakyan at pumasok sa driver’s seat. Ako naman ay nakatunganga lang
dahil sa hindi malamang kadahilanan ay nakaramdam ako ng pagod. Naramdaman ko
rin ang pagbigat ng mga mata ko.
Dahil siguro sa
medyo matagal na paglalakad namin ni Ethan? Pero bakit parang hindi naman iyong
ulo ko ang dahilan?
Parang nawawalan
ng enerhiya iyong katawan ko. Napapikit na rin ako dahil hindi ko na mapigilan
ang pagbagsak ng mga mata ko. Narinig ko ang buntong hininga ni Ethan bago ko
naramdaman na may iniikot siya sa katawan ko.
Seatbelt. Bakit
ko nga ba nakalimutan?
I’m feeling
slightly lightheaded when I felt the movement of the car. Nagsimula nang
umandar iyon habang ako naman ay nakapikit pa rin.
Hindi ko
namalayang nakatulog pala ako.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako
nang maramdaman ko ang kakaibang init na bumabalot sa katawan ko. Hinawakan ko
rin ang lalamunan ko.
“Gusto ko ng tubig,” wala sa sariling sambit ko.
Naramdaman ko
ang jacket na nakapatong sa akin kaya naman tinanggal ko kaagad iyon.
Why is it so hot in here?!
Dahan-dahan kong
idinilat ang mga mata ko at nakitang nasa loob pa rin ako ng sasakyan ni Ethan.
Nakahinto ito at nakita ko sa harap ang magandang tanawin. Nasa isang mataas na
lugar kami kaya naman kitang-kita dito ang iba’t ibang gusali galing sa lungsod.
Inilibot ko ang
paningin sa kabuuan ng sasakyan at nakakita ng isang bote na naka-sealed pa at
malamig. Kinuha ko iyon at walang pagdadalawang-isip na ininom ang lahat ng
iyon.
Matapos kong
maubos iyon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko pero alam ko pa rin sa sarili ko
na may mali sa akin.
Parang patuloy
pa rin akong nanghihina.
Wala si Ethan sa
loob kaya naman isinandal kong muli ang ulo ko sa bintana ngunit laking gulat
ko nang nakita ko sa di kalayuan si Ethan na may kausap na lalaki.
And he’s not just
some ordinary guy.
It’s Nigel.
Sa isang iglap
ay naramdaman ko ang galit sa sistema ko.
Why is Ethan
talking to that awful man? What is he doing here?
Where’s my
necklace?
Tiningnan ko ang
leeg ni Nigel at nakitang nakatago iyon sa ilalim ng polo shirt niya pero
nakikita ko pa rin ang chain.
Damn! I want it
back! I badly want it back!
Kahit na medyo
nanghihina ay sinubukan kong buksan iyong pintuan ng sasakyan pero napagtanto
kong nakalock iyon. Sinubukan ko namang kunin ang atensyon nila pero nalaman ko
rin na tinted ang window ng sasakyan.
I feel irately
frustrated.
Nakikita ko pa
rin silang nag-uusap ng seryoso mula dito sa kinauupuan ko. I started slamming
the window when I see no point in attempting to open the door or get their
attention.
Still, no
helpful result.
Gusto ko nang
lumabas dito! Urgh! Ang init! Nararamdaman ko na ang pamumuo ng pawis sa noo
ko.
Tumatagaktak na
ang pawis ko at pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng hininga.
I feel
suffocated. I need air.
Nang mawalan na
ako ng lakas ay idinantay ko na lamang ang mga kamay ko sa bintana at isinandal
din ang ulo ko doon.
Nanghihina na
talaga ako.
Matapos ang
ilang minuto ay may narinig akong mga weird na tunog. Kahit na nahihirapan ay
binuksan ko ang mga mata ko at nilingon ang driver’s seat maging ang back seat
pero wala naman akong napansing kakaiba.
Sa ikalawang
pagkakataon ay narinig ko nanaman ang tunog na iyon. Tumingin agad ako sa
bintana at nakitang dahan-dahan ay may namumuong cracks doon sa ilalim ng mga
kamay ko. Hinayaan ko lamang ang mga kamay ko doon dahil sa pagkatulala habang ang
mga cracks ay patuloy sa pagdami.
And that’s how I
got the attention of both Ethan and Nigel.
Gulat silang
nakatingin sa akin. Or rather sa sasakyan ni Ethan dahil hindi naman nila ako
nakikita sa loob dahil sa tinted window.
Tiningnan ko ng
diretso si Nigel at halos manlumo nang makita ko ang mga mata niya.
Jet black eyes.
As far as I
could remember, he has these dark blue
eyes.
Before I could
compose all of my thoughts fittingly, the window in front of me exploded.
The last thing I
saw was that Ethan and Nigel were surrounded by a throng of men before every
pain in my body dominated me and swallowed me to oblivion.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------