Chapter 2: Blood red
“Give that back to me,” I spitted those words venomously as I look at my
necklace on his neck. No one dared touch that and I definitely wouldn’t let
him.
Even if he did
dare steal that, I promise myself that I will get that back whatever it takes.
I promised him I’ll keep it safe, though I’m not
sure from whom.
What I’m sure of
right now is that this guy with the blue eyes can’t be trusted.
He’s twisted... like
me.
“Why would I?” he asked me with wonder in his eyes.
“Because it’s mine,” I said. Shit! I sounded so desperate!
He let out a
chilling laugh. “Just because it’s yours
doesn’t mean you have the right to have it,” he said as he started walking
side by side, as if pondering something in his mind.
“Do you even know what this is?” he finally said, facing me.
He holds my
necklace. It is a golden key full of
diamonds inside. Being apart with it makes me feel vulnerable. Looking at it
being held by someone made it only worse
“Why were you asking me what that is?! Are you blind
or dumb or what? Can’t you just give that back to me and—”
“You didn’t know,” he interrupted me. It’s not a question. It is a
statement and a fact. He looks like
he just discovered something.
“Okay. Let me rephrase my question,” he continued. “Do you have any idea what are
you? Or any knowledge about this key?
Or its importance? Anything?”
Actually his
questions made me dizzy.
I mean... literally
dizzy!
My head starts
to spin as I heard him cursed loudly that will surely give him detention if
professors heard him.
I felt the rough
ground of the rooftop beneath my hands before I heard the loud bang of the door
behind me.
“Odette!”
Kahit na hindi
ko na lingunin iyong tumawag sa akin ay kilalang-kilala ko na ang boses na
iyon.
“Ayos ka lang ba? Did someone hurt you? Tell me!” punong-puno ng pag-aalalang tanong niya
habang ipinalibot niya ang kanyang mga kamay sa mukha ko.
My face felt very
small in his huge and warm hands.
Hindi ko alam
kung paano pero nang maramdaman ko ang mainit niyang mga kamay ay nawala na
lamang na parang bula ang pagkahilo ko.
Umiling na
lamang ako sa kanya bilang tugon.
Nang tiningnan
kong muli si Nigel ay laking gulat ko nang makitang wala na siya sa rooftop.
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng rooftop pero wala akong nakitang ibang tao
maliban sa aming dalawa ni Ethan.
Tumayo ako at
bigla naman niya akong inalalayan.
“Ayos lang ako,” sabi ko sa maliit na boses. Nagtaka pa nga ako kung
paano nalaman ni Ethan na nandito ako sa rooftop ngunit hindi ko na siya
tinanong pa.
Tinalikuran ko
na siya at nagtungo sa pintuan ng rooftop.
“Thank you,” sabi ko nang hindi siya nililingon at tumuloy na sa
pagbaba. Mabuti naman at hindi na siya sumunod pa sa akin.
Halos mapamura
ako nang may walang pakundangang nilalang ang kumuha ng bag ko sa aking likod
at kinaladkad ako sa pinakalikurang upuan pagkapasok ko pa lamang sa classroom
namin.
“Anong sinabi sa’yo ni Nigel?”
“Anong pinag-usapan niyo?”
“Ang gwapo niya noh?”
“Girl wag ka masyadong ilusyunada ha? I heard may
atraso ka sa kanya kaya gusto ka lang niyang turuan ng leksyon.”
“I know right? I mean he’s a prince while you’re a
disgusting and ugly witch!”
“Yep! Di bagay! Kasuka!”
What the hell?
Pinigilan ko ang
sarili kong sampalin isa isa itong mga haliparot na kampon yata ng magnanakaw
na Nigel na iyon at marahas na kinuha ang bag ko sa isang kaklase kong halos
tumilapon dahil sa lakas ng paghaltak ko sa bag kong hawak niya.
I gave each one
of them a sharp look before I sashayed out of the room.
“Ate!”
Isa pa ‘to. Don’t
I deserve any peace and quiet atmosphere?!
Pumunta siya sa
harapan ko kaya naman huminto ako sa paglalakad. Tiningnan niya ako mula ulo
hanggang paa na para bang naghahanap ng kung anong mali sa akin. Nang napuntang
muli ang tingin niya sa mukha ko ay nanlaki ang mga mata niya at inilagay ang
dalawang mga kamay sa bibig niya.
“Oh my God! Ate pumunta na tayong clinic! Dali!”
Bigla niyang
hinawakan ang kamay ko at kinaladkad ako papuntang clinic. Walangya! Kailan pa
nauso ang paghila-hila sa akin?!
Hindi na ako
nakaapila pa dahil mukhang walang makakapigil sa hinayupak na pinsan kong ito.
Sarap lang bangasan.
Pagkapasok pa
lamang namin sa clinic at nang makita ako ng isang nurse doon ay pinaupo na
agad ako sa isa sa mga bed nila at biglang nataranta.
Okay. Anong
meron sa mukha ko?
I just looked at
the nurse gathering all the first aid kit and other paraphernalia and medicines
boringly. Katabi ko naman si Kate na nakaupo din sa kama at nag-aalalang
nakatingin sa akin.
“Stop staring,” I said nang hindi ko na nagugustuhan ang pagtitig
niya sa akin.
“S-Sorry,” mahina niyang sabi sabay yuko.
I rolled my eyes
at her.
Alright. I know
I’m being mean to her and my bitch side gets the better of me.
But I can’t help
myself but to loath weak people. She
must not be weak. Of all people she’s the one who mustn’t be weak.
Because she’s my cousin.
Being weak means
you’re vulnerable. I’d been weak before and feeling vulnerable was the worst
thing I’d ever felt.
I don’t like it.
I don’t want to
coo her with sweet words just because we’re cousins. I want her to be a strong
and independent woman.
Her parents died
together with my father. We were both became orphans in an early age. I was
eight years old that time and Kate was six. Luckily her parents had wealth
which in turn been Kate’s wealth. Her family also owns the apartment where Kate
and I live.
Unluckily, my
father didn’t have any wealth when he was still alive until he was succumbed to
death. We were poor. Period.
The Haley
family, Kate’s family I mean, fortunately have a loyal lawyer who helped Kate
organized all of her wealth. Kate was the only child of the family, that’s why.
I don’t want
depending on other people because it makes me feel weak and pitiful. I don’t want to feel like one so I looked for a
job and a place that would help me live and grow just enough to... I don’t
know. In fact I don’t want to live that time, even this time.
I just want to
follow my dad. I want to die too.
But my father’s
words made me realized something.
I realized that
I’m special.
I’m his only out of the ordinary daughter.
At first this
ability of mine scared the shit out of me. I sometimes unintentionally hurt
myself. I sometimes inadvertently hurt other people.
I hated myself
for that.
Then I
remembered my father’s words.
“Promise me you’ll keep
it safe. It’ll keep you safe from harm. It’ll keep you safe from yourself.
It’ll keep you safe from them. Wear it at all times. I love you my Veronica.
Always, forever.”
I closed my eyes
to prevent the tears from falling.
I hate crying.
Crying means you’re weak.
Napadilat ako
nang bigla na lamang may humawi sa bangs ko. Lumayo ako pero nginitian lamang
ako ‘nung nurse.
“Don’t worry. Gagamutin ko lang,” nakangiting sambit niya.
Hindi na ako
sumagot at hinayaan na lamang siya. Kumuha siya ng hairclip at inilagay ang
lahat ng bangs ko sa tuktok ng ulo ko. Tinanggal din niya iyong eyeglasses ko.
Magpoprotesta sana ako pero natanggal na niya kaya naman sumimangot na lamang
ako.
Like I said, I
don’t want other people looking at me directly in the eyes. Pero ang pinaka
hindi ko gusto ay ang may makakita ng buong mukha ko nang walang kahit anong
maipantatakip.
I felt like I’ve
been being exposed too much. It seems like this nurse in front of me can see
through my soul.
It seems like
she can see all of my secrets.
Shit.
Umiwas ako ng
tingin sa kanya at hinayaan siyang gamutin iyong kung ano man ang nasa noo ko. Nang
ipisil niya iyong bulak na may alcohol sa noo ko ay napapikit ako dahil sa
sobrang hapdi.
“Sorry,” sabi ‘nung nurse.
Ipinilig niya
ang ulo ko sa kaliwa para mas magamot niya ng maayos iyong sugat kaya naman
nakaharap na ako kay Kate ngayon.
She looked at me
with awe.
“Bakit?” tanong ko. Problema ne’to?
“Ate ang ganda mo.”
“Hindi ako maganda.” Dahil kamukha ko siya.
She just pursed
her lips.
“Bakit ka ba nasugatan? Ang lalim kasi ng sugat mo
at ang daming dugong lumabas,” sabi
ng nurse kaya naman napatingin ako sa kanya.
Nakita kong
nakatingin siya sa kanang balikat ko kaya naman tiningnan ko rin iyon.
Maraming patak
ng dugo ang nagmantsa sa uniform ko...
“Hindi ko alam.” I don’t care either.
Nang makuntento
na iyong nurse sa mga inilagay niya sa sugat ko na gasa yata ang tawag ay pinayagan na niya akong lumabas. Isinuot ko
kaagad ang eyeglasses ko at tinanggal iyong hairpin sa buhok ko. Hinayaan ko
lahat ng bangs ko na malaglag.
Now I feel secured.
Weird I know.
Hindi na ako
tinantanan ng pinsan ko pagkatapos noon. Lagi siyang nakabuntot sa akin at
kahit anong away ang gawin ko sa kanya ay hindi siya natitinag. Hinayaan ko na
lang din dahil nakakapagod siyang pansinin.
Kinuha ko iyong
spare uniform ko sa locker ko at dumiretso sa cr. Pagkapasok ko pa lamang doon
ay dumiretso na ako sa isang cubicle. Pumasok naman si Kate sa kabila.
Habang
nagbibihis ay narinig kong bumukas iyong pintuan ng cr at padabog iyong
isinara.
Hinayaan ko
lamang at nagpatuloy sa ginagawa.
Sa pangalawang
pagkakataon ay narinig kong bumukas iyon at muli ay padabog na isinara. Kumunot
ang noo ko.
Ano bang
problema nila sa pintuan?
“I know what you did back there,” matigas na ingles at malamig na boses na
sambit ng isang lalaki.
Lalaki?!
Naramdaman ko
ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa ko kaya naman binuksan ko iyon.
From: Katerina Haley
Ate, wag ka maingay.
What?!
To: Katerina Haley
Why?
From: Katerina Haley
Listen.
Medyo
naweirduhan ako sa mga text ni Kate pero hindi na rin ako gumawa ng kahit anong
ingay para malaman at maintindihan iyong sinasabi ni Kate na listen.
“What are you angry of?! I didn’t touch your girl
for pete’s sake!”
Hmm... magkakaroon
na nga lang ng LQ ay sa cr pa talaga ng mga babae napiling mag-away? Wala bang
ibang venue? Antaray lang ah.
Kaasar.
Hanggang ngayon ay
hindi ko pa rin naisusuot iyong blouse ko dahil baka makagawa ako ng ingay.
Init na init na ako dito sa loob kahit na literal na naka-bra lang ako.
Kung minamalas
ka nga naman. Bakit ko naman kasi sinusunod itong si Kate?
“You invaded our privacy! It was just supposed to be
me and her and look at what happened! I thought I felt her responding but it
was your aura all along! And look at what you’ve done!” sigaw ‘nung lalaki na naging dahilan
kung bakit halos mapatalon ako sa gulat.
“I’m sorry okay! Geez you sound like an angry
boyfriend when in fact you’re not.”
“You’re changing the topic. She was my subject. Mine
alone. So why are you interfering?”
“I’m not, alright? I just want to prove something.”
“Here we go again,” sarkastikong sambit ‘nung lalaki.
Shit! Init na
init na ‘ko dito!
To: Katerina Haley
Let’s go.
“When are you going to realize that she’s not one of
us?”
Isinuot ko na
iyong blouse ko at wala na akong pakialam kung marinig man nila ako.
Bubuksan ko na
sana iyong pintuan kaso natigil ako nang marinig ko iyong sinabi ‘nung lalaki.
“She is, okay? She’s a Feazell after all.”
Ako ba iyong
pinag-uusapan nila? No, I don’t think so. Hindi lang naman ako ang nag-iisang
Feazell sa school na ito, hindi nga ba? Pero... malakas ang kutob kong ako ang
tinutukoy nila... maging iyong pinag-uusapan nila ay parang naiintindihan ko.
Narinig ko ang
pagtunog ng isang cellphone.
“Sir,” sagot
‘nung lalaki. “Negative. But I have
something... yes, hers... I’m coming.”
“Anong sabi?” tanong ‘nung babae.
“Let’s go,” ang tanging naging tugon sa kanya ng lalaki.
Hindi ko alam
ang mararamdaman ko.
I’m one of them?
Ibig bang
sabihin marami pa ang tulad kong...
Narinig ko ang
pagsara ng pintuan kaya naman lumabas na rin ako. Naramdaman ko naman na
nakasunod na rin si Kate sa akin.
“Ate, ayos ka lang ba?”
“Bakit gusto mong marinig iyong pinag-uusapan nila?”
Huminto ako sa
paglalakad at hinarap siya. Tinitigan ko siya ngunit nag-iwas lamang siya ng
tingin, tila iniisip kung sasabihin ba niya sa akin ang totoo o
magsisinungaling siya.
Matapos ang
ilang segundo ng pag-iisip ay huminga siya ng malalim at tumingin na sa akin ng
diretso.
“Nacurious kasi ako kung ano iyong pinag-uusapan
nila Kuya Nigel at ni Adalia.”
Adalia? Sino
naman ‘yun? At... Nigel? Close ba sila ng Nigel na iyon na kuya pa ang tawag
niya sa kanya? Naiinis pa rin ako kapag naririnig ko ang pangalan niya at
naaalala ko iyong ninakaw niya sa akin. Kumunot ang noo ko nang may mapagtanto.
“Paano mo nalaman na sila nga iyong nasa loob?”
“N-Nabosesan ko.”
Umarko ang kilay
ko. “Noong nagtext ka sa akin ay hindi
pa nagsasalita iyong babae kaya naman paano mo nalaman na iyon ngang babae ay
si Adalia?” Hindi ako matalino pero hindi rin ako tanga. Mapagmasid ako
lalo na sa paligid ko at ang bagay na iyon, kahit na maliit na impormasyon
lamang, ay hindi makalalagpas sa akin.
Hindi niya ako
masagot.
Huminga ako ng
malalim bago ko siya tinalikuran.
Bakit ba
masyadong big deal sa akin iyon? Mapagmasid ako pero out of my character na ang
pagbibigay masyado ng pansin doon.
I used to not
care.
Wala na akong
pakialam sa kanila. Bahala sila.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mainit pa rin
ang ulo ko nang makarating ako sa apartment. Nakita kong nakalock pa iyong
pintuan sa kabilang hallway kaya naman alam kong hindi pa umuuwi si Kate.
Dumiretso ako sa
kwarto ko, inilagay ang bag sa bedside table, tinanggal iyong panali sa buhok,
eyeglasses at contact lenses at sumalampak sa kama.
Naiinis ako sa
sarili ko dahil bakit ko nga ba iniwanan si Ethan doon sa rooftop? Dapat nga ay
itinanong ko na sa kanya agad iyong mga nalalaman niya tungkol sa Nigel na iyon
para malinawan na ako kung ano nga bang reputasyon ang mayroon siya sa
university at para bang sikat na sikat siya doon at ang dami niyang galamay na
babae.
At bwisit lang
dahil hindi ko pa rin nakukuha iyong necklace ko sa Nigel na iyon! Buong araw
ko siyang hinanap sa campus pero wala!
Bwisit! Ang
sarap lang manapak!
Kinuha ko iyong
unan at inilagay iyon sa mukha ko para makasigaw doon. Sumigaw ako nang sumigaw
doon hanggang sa ako na rin ang napagod. Huminga ako ng malalalim habang
pinapakalma ang sarili. This day really enraged in different ways possible.
Isang malalim na
buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago napagdesisyunang idaan na lamang sa
ligo itong inis ko kaya naman umupo ako mula sa pagkakahiga.
“Oh.My.God,” sambit ko nang makita ang paligid ng kwarto ko.
Pigil ang
hininga ko habang nakatingin ako sa bedside table, alarm clock, closet, kama,
bag, salamin...
Lahat ay nakalutang
sa ere. Nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ang paligid ng kwarto ko
ngunit ang tila kumuha ng buong atensyon ko ay ang malaking salamin na nasa
harap mismo ng kama ko... sa harap ko.
Tumagal ang
tingin ko doon. Nang nahanap na ng mga mata ko ang mga mata ng sarili kong
repleksyon ay lalo akong kinabahan.
Tiningnan ko iyon
na nakatingin din sa akin.
Blood red eyes.
Kitang-kita ko
ang galit sa mga matang iyon.
I closed my eyes
as I let those negative feelings go away from my system.
Habang ginagawa
iyon ay naramdaman ko ang unti-unting pagbaba ng kamang inuupuan ko hanggang sa
tuluyan na itong dumikit sa sahig.
Dumilat akong
muli at nakitang bumalik na sa normal ang lahat. Muli akong sumulyap sa salamin
at nakitang bumalik na sa natural na kulay ang mga mata ko.
God, what’s happening to me?
Pumunta na ako
sa cr para mawala na lahat itong nararamdaman ko. Binuksan ko ang shower at
hinayaan ang sariling magbabad doon.
Paano kung
totoong marami pa sa mundong ito ang katulad kong kakaiba? Anong gagawin ko?
Dapat ko ba silang pagkatiwalaan? Pero mahirap nang magtiwala sa mga panahong
ito.
Kaya ko sanang
harapin lahat pero wala sa akin ang necklace ko. Pakiramdam ko ay napakahina ko
kapag wala iyon.
I let the continuous
splash of water cleanse my body as well as my frustrations and anger away my
mind.
Gumagaan na ang
pakiramdam ko nang bigla na lamang akong may narinig na mga galabog at mga
nababasag na bagay sa labas ng cr...
... sa loob ng
kwarto ko.
Agad akong binalot
ng kaba nang may nagtangkang magbukas ng pintuan. Nakita ko ang paggalaw ng
doorknob. Halos mapasigaw naman ako nang biglang may naghahampas dito.
Binalot ko agad
ang sarili ko ng tuwalya at kumuha ng kahit anong maisasangga ko sa kung sino
man ang nasa labas.
I came up with a
mug. Shit.
The door’s shape
became twisted as something hard hit it from the outside.
Nang magtagumpay
ang kung sino man sa labas sa pagsira sa pintuan ay tumambad sa akin ang isang
lalaking naka faded pants at polo shirt. Nang magtama ang aming mga mata ay
halos mapasigaw ako.
His eyes are
black. Deep black, no hint of white.
Ngumisi siya sa
akin.
“Apprentice ka lang naman pala. Ang lakas talaga ng
loob mong gamitin ‘yang aural power mo ng ganitong oras. Tanga ka ba?” Natawa siya habang nakatingin sa akin.
Halos hindi pa
rin ako makakilos dahil sa kaba.
“Ang naririnig ko sa mga kauri mo eh hindi ka naman
daw apprentice at baka nga nagkamali sila. Pero paano ba yan? I just proved
them wrong!” Natawa nanaman
siya.
Dala na rin
siguro ng takot at pagkataranta ay inihagis ko sa kanya iyong mug na hawak ko. Tumama
iyon sa ulo niya at nabasag. Kasabay nito ay ang pag-agos ng dugo niyang...
itim... sa mukha niya.
Napaatras ako
nang mapansing parang wala lang sa kanya iyong ginawa ko. Na para bang hindi
siya nasaktan.
Sumigaw ako nang
bigla siyang lumapit sa akin ngunit natigil rin ng hinawakan niya ang ulo ko at
itinama iyon sa pader.
Nayanig ang
buong sistema ko dahil doon. Gusto kong sumigaw pero nawalan na ako ng lakas.
Umiikot na rin ang paningin ko. Ramdam na ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula
sa ulo ko pababa sa katawan ko. Nalalasahan ko na rin ang dugo sa bibig ko.
“Walang-wala kang binatbat sa akin. Bakit naman kaya
ganun eh ramdam na ramdam ko sa labas ‘yang aura mong sumisigaw ng
kapangyarihan? Anong nangyayari? Natatakot ka ba?” litanya niya habang dahan-dahan akong iniaangat mula
sa sahig.
Nakahawak siya
sa leeg ko dahilan upang hindi ako makahinga. Sinubukan ko siyang sipain pero
sobrang nanghihina na ako. Sobrang sakit ng ulo ko.
“Paano ba yan? Hanggang dito ka na lang. Pasensya na
ha pero kailangan kasi kitang patayin. Mahirap na at baka malaman ng iba ‘yang
kakayahan mo at maisipan pa nilang dalhin ka doon.”
Isang kamay
lamang ang pinanghawak niya sa leeg ko kanina pero matapos niyang sabihin iyon
ay ginamit na niya ang isa pa niyang kamay.
Idiniin niya ang
mga kamay niya sa leeg ko at nararamdaman ko na ang pagsuko ng katawan ko.
Sumusuko na
iyong katawan ko pero malinaw pa rin ang pag-iisip ko.
Hindi na ako
makahinga pero ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng dugo sa loob ng katawan ko.
I can’t almost
feel anything. I feel numb. But I felt
alive inside.
No. I’m not weak. I’m not weak. I’M NOT WEAK!
Hinawakan ko ang
mga kamay niya na nasa leeg ko at pinilit iyong kalasin. Lalo pa niyang
diniinan iyon habang tumatawa.
Hinang-hina na
ako pero pinilit ko ang sarili kong maabot iyong nasa likod ko para mabuksan
ang shower. Nang nagtagumpay ako ay naramdaman ko ang medyo pagluwag ng
pagkakahawak niya sa leeg ko dahil sa pagkakadistract nito sa kanya pero sapat
na iyon para masipa ko siya at tuluyan akong makawala mula sa pagkakahawak niya.
Bumagsak ako sa sahig at huminga ng malalalim.
Narinig ko
nanaman ang mga tawa niya.
“Mukhang challenging ka ah? Ikaw lang sa lahat ng
mga napatay kong apprentice ang lumagpas sa isang minuto na kasama ako.”
Tatayo sana ako
pero umikot na ang paningin ko at lalo kong naramdaman ang sakit sa ulo ko nang
mabasa na iyon ng tubig.
Napahiga ako sa
sahig at nawalan ng pag-asa.
Papa, please help me. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang maiinit na
luhang lumandas sa pisngi ko.
I feel so weak,
so vulnerable, and so fragile.
Bakit ba hindi
ko magamit iyong bagay na iyon kung kailan ko iyon kailangan?! Bakit ba bigla
ko na lamang iyon nagagamit ng hindi ko sinasadya?!
Inis na inis ako
sa sarili ko. Imbis na matakot ako sa nalalapit na kamatayan ko ay naiinis pa
ako. Galit ako sa sarili ko! Galit ako sa lalaking ito! Galit ako sa sitwasyon!
I loathe myself
for being weak!
Sa sobrang galit
at frustration na nararamdaman ko ay buong lakas kong sinuntok ang sahig kung
saan ako nakaupo at sumigaw tulad ng ginawa ko kanina.
“What the—!”
Humagulhol na
ako sa iyak dahil sa frustrations ko. Wala na akong pakialam kung mamamatay na
ako. At least makikita ko na si papa.
Hinintay ko ang
magiging aksyon ng lalaki pero wala na akong naramdaman na kahit ano. Huminto
na rin iyong shower. Naging tahimik ang buong paligid.
Ramdam ko rin na
lumawa na dito sa loob ng cr dahil sa shower pati gripo na walang humpay kanina
sa paglabas ng tubig pero ngayon ay parehas silang tahimik.
Dahan-dahan kong
iminulat ang aking mga mata at umupo. Nakita kong kulay pula iyong tubig
malapit sa akin.
Natulala ako
nang mapansin ko rin na kumukulo iyong tubig na nasa sahig, kung saan ako
nakaupo. Umuusok na rin ito at nagbubuga ng ilang mga bubbles na tulad ng sa
sinaing na kumukulo.
Iginala ko ang
aking paningin at nakitang nakahandusay na iyong lalaki sa sahig na may tubig
na kumukulo. Tumayo ako kahit na masakit pa iyong ulo ko para mas makita ko ng
maigi iyong lalaki.
Napatakip ako sa
bibig ko ng makitang maraming nakasaksak sa kanyang mga yelong hugis kutsilyo.
Tiningnan ko naman ang taas at nakitang punong-puno iyon ng yelo at usok mula
roon.
Dahan-dahan
akong naglakad patungo sa salamin ng cr at tiningnan ko ang sariling
repleksyon.
Kung kanina ay
natatakot akong tingnan iyon, ngayon naman ay tuwang-tuwa ako dahil ito ang
nagligtas sa buhay ko.
My blood red eyes.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------