Chapter 4: Infatuation


Nagising ako dahil sa kakaibang nararamdaman: pagod, sakit, at panghihina. Iyong tipong hindi na ako makagalaw pa.

Bakit ba para akong pinaparusahan ngayon? Bakit ganito katindi iyong mga nararanasan ko?

Nang maalala ko ang mga naganap bago ako mawalan ng malay, bigla na lamang akong dinalaw ng kaba at pag-aalala. Napakatagal ko nang hindi nararanasan at nararamdaman ang ganitong bagay ngunit dahil sa mga kakaibang pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na maiwasan ang hindi maramdaman iyon.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at napansing nakahiga ako sa isang semento. Sobrang dilim ng paligid kaya naman wala rin akong makita. Idagdag pa na hindi pa nakakaadjust ang mga mata ko sa kadiliman.

Sinubukan kong gumalaw ngunit ang mga kamay ko ay nasa likod ko’t nakatali ng lubid. Gayundin ang mga paa ko.

Inilibot ko ang paningin ngunit wala pa rin akong makita.

Maraming beses ko nang tinangkang gamitin iyong kakaibang abilidad ko ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko iyon magawa. Kung magagawa ko man ay aksidente lamang o di sinasadya. Hindi ko alam ang kailangan kong gawin para makontrol ko ang bagay na iyon lalo na sa mga panahong kailangan ko talaga.

Sinubukan kong hasain ang sarili ko ngunit wala pa ring nangyayari.

1 year ago ko lamang nalaman ang tungkol sa bagay na iyon. Noong panahong may nangbully sa akin. Noong una ay hindi ko lamang iyon pinansin at inisip na baka may lindol o di naman kaya’y nagkaroon ng problema sa pasilidad ngunit sa ikalawang pagkakataon ay nagamit ko siya ng hindi sinasadya nang bigla na lamang kaming pinalibutan ng mga lalaking mukhang nakainom.

I was with Kate that time, walking our way from school to our apartment. Gabi na nang mga oras na iyon ngunit ayos lamang naman iyon para sa amin dahil mayroon pa rin namang mga lamp post sa dinaraanan namin.Nang paliko na kami sa isang eskinita, may nadaanan kaming grupo ng mga kalalakihan na nakatambay sa isang tabi at nag-iinuman.

Nagsimulang sumipol ang ilan sa kanila kaya naman hinawakan ko kaagad ang palapulsuhan ni Kate upang bilisan ang kanyang paglalakad.

Sobrang bilis ng mga pangyayari na hindi ko na namalayang napalibutan na pala nila kami.

“Pare, ang kinis oh! Gusto ko akin ‘to,” sabi ng isang lalaking medyo pasuray-suray pa habang nakaturo sa akin ang daliri.

Sinang-ayunan pa siya ng ibang mga kasama habang pinapasadahan nila kami ng malalaswang tingin at nakapangingilabot na halakhakan.

Inilagay ko sa likod ko si Kate upang maprotektahan siya laban sa mga lalaking iyon.

Sa mga oras na iyon ay wala akong naramdamang takot o pangamba. Wala rin akong mailagay na kahit anong emosyon sa aking mukha.

All I know is that if they do touch us, I’ll definitely won’t hold back and fight them. Kahit na nasa ilalim lamang sila ng impluwensya ng alak, wala akong pakialam.

I was confident enough to throw punches or kicks on them.

Kate’s father was very fond of me when he was still alive. Kate was very reserved and scrawny while I was her complete opposite. He loved his daughter, no doubt about that but me being his only niece made him love me too as much as he loved Kate.

He taught me different martial arts, be it taekwondo, karate, aikido, or judo. He taught me the entire most possible defense he could gather so he might as well thought of teaching me how to hold arnis, swords, and guns, moreover on how to use them.

Kate’s father was so obsessed in making me competent among those practices or what he called, training. Kate was just watching, cheering me at the top of her voice. It actually annoyed me at times but when she was busy on doing something that she couldn’t come on my so called training, I was kind of missing her, which was absurd, really.

Who knows that I’ll find this training very useful at times like this?

I was preparing myself that if they do touch us, I’ll use all of my expertise. It had been what, years? Almost a decade? I was kind of anticipating how my training would be applied.

I looked at each of them furiously while I felt the rage in my system intensified as well as the tight grip of Kate on my waist. I looked at them as if I could hurt them by just looking at them straight in their eyes.

As if on reflex, I lunge myself on the first man who moved but I was stunned to find all of them unconscious on the ground, paralyzed.

No, not unconscious. Just paralyzed.

Their eyes were open, they were creating sounds in their throat but couldn’t utter a distinct word, and their hands were twitching but couldn’t even move them how they want to.

Kate and I were both flabbergasted. I looked at my hands, asking myself “What have I done?”

That time, I was certain I was the one who caused that obscure event. I can literally feel the power running in my blood. There’s no denying that can conceal that truth.

Napaisip ako kung paano ko nga ba masusubukang gawing muli ang bagay na iyon. Iyong paggamit ng kapangyarihan na iyon nang may kontrol.

Ginalaw-galaw ko ang mga kamay ko maging ang mga paa ko ngunit laking gulat ko nang bigla na lamang humigpit ang mga iyon.

Tila ba may buhay ang mga lubid na iyon.

Dahan-dahan ay iginalaw kong muli ang mga kamay at paa ko at tulad ng nangyari kanina ay naramdaman kong humigpit iyon lalo.

Humigpit... nang humigpit... nang humigpit...

Napasigaw ako dahil sa sobrang sakit.

Kasabay ng pagsigaw ko ang pagsabog na umalingawngaw sa buong lugar. Sunod sunod na pagsabog at pagkabasag ng mga bagay ang narinig ko gayundin ang pag-agos ng tubig galing sa kung saan kaya naman niyakap ko ang sarili ko upang maprotektahan ang sarili kahit alam kong masasaktan pa rin ako.

That’s when I realized that my hands as well as my feet were already freed.

Naramdaman ko rin na may mga tubig na tumama sa akin na para bang binuhusan ako ng isang balde nito ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil sa takot na nangingibabaw sa akin.

Umupo agad ako dahil mabilis na umakyat ang tubig. Sa isang iglap ay nawala na ang mga malalakas na pagsabog at pagkabasag ng kung ano.

Dahan-dahan akong tumayo at pinakiramdaman ang aking paligid. Basang-basa ako gayundin ang lugar na kinatatayuan ko. Para akong nasa swimming pool ng mga bata dahil sa lalim ng tubig na umaabot hanggang tuhod ko.

Napakatahimik at napakadilim pa rin ng lugar ngunit sa wakas ay nakapag-adjust na ang aking mga mata. Nasa loob ako ng isang malaking silid na kinapapalooban ng mga tangke ng tubig at mga salamin sa paligid tulad ng mga nasa dance room.

Kinilabutan ako nang makitang may malalaking butas ang bawat tangke na tila ba may malakas na pagsabog ang naganap sa loob nito at ang mga salamin naman ay puro basag.

Nasa isang bahagi ako ng silid na may harang sa paligid na umaabot lamang sa aking bewang kaya naman iyong bahagi na kinatatayuan ko lamang ang may mataas na tubig.

My body shouts pain but I managed to hoist myself up at the barrier.

Nang makababa ako ay hanggang ankle ko na lamang ang tubig dahil umagos na iyon sa labas ng silid na ito.

Naglakad ako papunta sa pintuan at binuksan iyon. Doon ko lamang nalaman kung nasaan ako nang makalabas na ako sa silid na iyon.

Stylites University.

Bakit ako nandito?

Basang-basa ako at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa lamig na dala ng hanging humahampas sa katawan ko. Gabi na rin at tanging liwanag ng buwan na lamang ang nagsisilbing liwanag. Obviously, wala na ring estudyante dito.

Ang silid na kinaroroonan ko kanina ay isang kwarto kung saan inilalagay ng mga janitors ang mga gamit nila sa paglilinis gayundin kung saan sila namamalagi kung sila’y nagpapahinga. Doon din nakalagay ang mga tangke ng tubig na iyon.

Habang naglalakad ay may naramdaman akong kung ano sa second floor ng elite’s building. Para bang may enerhiya akong naramdaman doon. I don’t know how but I just kind of felt it.

I’m sure there’s something in there.

Pumunta ako sa building ng mga elites at tinahak ang hagdanan papuntang second floor. Magagaan na mga hakbang ang ginawa ko upang hindi ako makalikha ng anumang ingay.

Nang nakarating ako sa second floor ay iginala ko ang aking mga mata. Ang mga commoner  na tulad namin ay hindi pinapayagang magtungo sa building ng mga elites ngunit ang mga elites naman ay pwedeng pumunta sa building namin. Truth be told, it was ironic when in fact S.U. was reinforcing equality among the students.

I don’t know which is which so I just wander around the building. I’m just actually depending on my gut instinct then let my feet lead the way.

Nakarating ako sa dulong bahagi ng second floor which is dead end kaya naman umikot ako at babalik sana sa pinanggalingan kanina ngunit napahinto nang marinig ko ang pagbukas ng isa sa mga pintuan ng isang classroom.

Nilingon ko iyon at nakita ang isang lalaking kinakalikot ang mga kamay kaya naman hindi pa niya ako nakikita. Lumabas siya sa silid na iyon at dahan-dahang naglalakad habang patuloy sa pagkalikot sa kanyang mga kamay.

My feet were stuck on the floor. Hindi ko alam ang gagawin. Nanlamig ang buong katawan ko at naramdaman ko ang pagtakas ng kulay sa balat ko. Nang napansin ng lalaki ang presensya ko ay tinapunan niya ako ng tingin.

Nanghilakbot ako nang makitang itim lamang ang kanyang mga mata at walang kahit anong puti.

Tulad ng lalaking sumugod sa kwarto ko at pinagtangkaang patayin ako.

Sumilay ang isang ngiti sa mukha ng lalaking nakatingin sa akin, clearly plotting something on how to kill me.

Tinalikuran ko siya agad at tumakbo sa abot ng makakaya. Masakit pa rin ang buong katawan ko ngunit hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang sa pagtakbo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila ba iyon ang bumasag sa katahimikan ng gabi. Ngayon ko lang napagtanto na maling ideya ang pumunta dito.

Narating ko ang hagdanan ngunit nakita kong sira na iyong hagdanan papunta sa ibaba kaya naman dumiretso na agad ako sa hagdanan patungo sa third floor. Habang tumatakbo ay naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Damn it Vera! Don’t you dare cry!

Lumiko ako sa isang corridor at halos tumilapon nang tumama ako sa kung ano or rather sa kung sino ngunit mahigpit niyang hinawakan ang aking mga braso nang magtama kami kaya naman hindi ako na-out of balance.

Pinilit kong kalasin ang mga kamay niyang malalamig ngunit sobrang nanghihina na ako at siya naman ay mahigpit pa ring nakahawak sa akin.

Nagsimula na akong umiyak.

“Please. Let go of me,” I said almost inaudibly... desperately.

“Hey... hey. Calm down. You’re safe now.”

Tiningala ko ang nagmamay-ari ng tinig na iyon at halos manlumo nang makita ang pamilyar na asul na mga matang iyon.

This time I couldn’t hide my feelings. I started crying and crying like a baby. I guess I just don’t care.

I was just so damn afraid and frustrated.

 Nigel just hugged me tight and continued hushing me. Kumapit naman ako sa shirt niya bilang suporta. Pakiramdam ko kasi ay anumang oras ay bibigay na ako. There’s a rush of relief inside me, a sense of protection that made me feel absolutely safe. Kahit na napapaisip kung ano nga ba ang nangyayari, kung nasaan na ba si Ethan, at kung bakit siya nandito ay nawalan iyon ng halaga sa akin.

May pumalakpak sa likod ko. Kinabahan agad ako dahil kasunod ‘non ay ang malamig na halakhak ng isang lalaki. Marinig ko lamang ang boses niya ay alam ko na agad na siya iyong humahabol sa akin kanina. Tulad kanina ay hindi ko rin alam kung paano ko nalaman.

Humigpit ang yakap sa akin ni Nigel.

“Hold on tight,” bulong niya sa tenga ko.

As if on reflex, I wrapped my arms around his waist. Geez... ang tangkad niya. Pinilit kong kontrolin ang paghikbi ko. Kahit na kinakabahan ay panatag pa rin ako dahil sa mga bisig na nakapalibot sa akin.

“Bakit ba ngayon ka lang lumabas? You’re a Chrysolus if I’m not mistaken... right?” sabi ng lalaki sa likod ko. Hindi nakalagpas sa pandinig ko ang panunuya sa boses niya.

“Not there. On my neck,” bulong muli ni Nigel sa akin.

“What?” tanong ko. Hindi ko kasi siya maintindihan! Shit! Kinakabahan na ako lalo na sa lalaking nasa likod ko. Maglalaban ba silang dalawa? Kaya ba niyang talunin ang lalaking iyon?

But I have this trust on him dahil alam kong tulad ko rin siyang may kakaibang abilidad. The only difference is that he can control his.

Kinuha ni Nigel ang mga kamay kong nakapulupot sa bewang niya at dahan-dahang ipinulupot iyon sa kanyang leeg.

“Yeah. So? I think you have all the reason to be scared right now,” malakas niyang sinabi sa lalaki.

Narinig ko bigla ang tunog ng mga yabag ng paa galing sa second floor. Kinabahan lalo ako. Ibig bang sabihin ay marami pa ang tulad nilang mga halimaw? Hindi iyon kakayanin ni Nigel!

Tiningnan ko sa mga mata si Nigel ngunit nadistract ako nang ipulupot niya ang kanyang mga bisig sa aking bewang.

Our position is in fact... intimate. Not to mention the tightness of his arms. Nag-iwas ako ng tingin. Somehow, I feel ridiculously self-conscious. Mariin akong pumikit at inintindi ang sitwasyon. We’re no doubt in grave danger yet I’m thinking about this nonsense.

“Ako? Matatakot? Are you trying to be funny? Hindi mo ba naririnig at nararamdaman na napapalibutan na namin ang lugar na ito? You think you can overpower us?” Ramdam kong nakangisi iyong lalaki habang sinasabi iyon.

“Bakit ba hindi mo na lang ibigay sa amin ang Feazell na iyan?” dagdag pa niya.

I stiffened upon hearing my name uttered by that monster. I unconsciously tighten my arms on Nigel and buried my face on his chest.

No... no... no. Please don’t give me to him.

Hindi ko namalayan na umiiyak na akong muli. Kailan pa ba ako nahilig umiyak?

When did I become as weak as I am right now?

Hinigpitan pa lalo ni Nigel ang pagkakahawak sa akin ngunit ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig dahil God! He’s so cold. Marahil din naman ay dahil sa galit.

I discovered it was the latter when I heard him laugh sardonically.

“You wish Phyrinus. I’ll kill you first before you even touch the tip of her hair.”

“Try me then,” naghahamong wika ng lalaki.

I was astonished when suddenly Nigel scoops me off the ground effortlessly.

“Nah. You’re not worth my time,” tugon ni Nigel. Walang emosyon niyang tiningnan ang kausap.

Tiningnan ko ang kinaroroonan ng lalaking humabol sa akin kanina at nagulat nang makitang halos sampung mga lalaki na may itim ring mga mata ang nasa likod niya na tila ba handang-handa nang sumugod at hinihintay na lamang ang utos niya.

Sa likod naman nilang lahat ay may nakita akong tatlong lalaki at dalawang babae na tumatakbo ngunit hindi sumasayad ang kanilang mga paa sa sahig.

Nanlaki ang mga mata ko dahil dito.

Hindi alam ng mga lalaking nasa harap namin na mayroon nang tatapos sa kanila sa likod nila dahil ang buong atensyon nila ay nasa amin.

Mas lalo akong nagulat nang makitang ang limang nilalang na ngayon ay nakikipaglaban na sa mga lalaking may itim na mga mata ay mayroon ding kakaibang mga mata.

Ang isa sa mga lalaki ay lumapit sa amin ni Nigel at nagulat nang makitang si Ethan iyon.

“You okay?” nag-aalangang tanong niya.

I was literally speechless as I stare at his eyes.

“You’re...” Hindi ko matapos iyong sasabihin ko.

“I’ll explain everything later. Odette... I’m sorry.”

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya then end up face to face with Nigel. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa ngunit hindi ko naman mailayo ang sarili ko dahil karga niya ako.

“Help them Ethan,” he finally said, looking at Ethan.

Tumango si Ethan at binigyan pa ako ng huling sulyap bago nagtungo sa nagkakagulong... I don’t even know what to call them. Sobrang bilis ng mga pangyayari at ang napansin ko na lamang ay ang unti-unting pagbagsak ng mga lalaking may itim na mga mata. Iba’t ibang kulay naman ang nakita ko sa mga palad ng mga kagrupo ni Ethan at iyon ang ginagamit nila sa pakikipaglaban.

Nagsimulang tumakbo sa kabilang dulo si Nigel habang karga ako. Parang hindi nga siya nahihirapan.

Tinitingnan ko kung saan kami patungo. Dirediretso siya sa isang dead-end na daan at ang tanging naroon ay isang bintana.

Tuloy-tuloy pa rin siya sa pagtakbo at kinabahan ako nang mas bumilis pa ang takbo niya na para bang bumebwelo nang malapit na kami sa bintana.

“N-Nigel... saan tayo pupunta?” natatarantang tanong ko.

“You’ll see,” nakangising tugon niya.

Dahil sa kaba ay pumikit na lamang ako’t isinubsob ang mukha sa balikat niya.

Narinig ko naman ang halakhak niya.

Then after that, he jumped out the window. All I can think of is that... we’re falling!

Ngunit imbis na bumagsak nang sobrang lakas ay parang tumalon lamang si Nigel mula sa isang upuan pababa. Ganoon lamang ang impact.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang nasa ibaba na nga kami.

Because of amazement, I smiled.

Naramdaman ko naman na parang may nakatitig sa akin kaya naman napatingin ako kay Nigel.

“Nigel I stopped myself when suddenly I had a glimpse of his eyes so close.

He was also looking at mine.

“You have jet black eyes.” I murmured.

“Yeah. Yours is... hazel brown. I wonder what your eyes’ color when you use your aura,” he said, throughtful.

Huminga ako ng malalim. Kahit na nilalamig ay hindi ko maipagkaila na naging maayos na ang pakiramdam ko.


“That was... ” napangiti ako. “... amazing,” pag-iiba ko sa usapan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na ako ang pinag-uusapan. Lalo na kapag iyon ang topic.


I really dreamt about myself flying when I was still a child. When you’re flying, it seems like everything is possible. You’re free: no limitations, no boundaries, no hindrances... just free.

Flying means your strong and capable.

“You’re happy,” puna niya sa malumanay na boses.

“Obviously.”

Nagsimula na siyang maglakad habang bitbit pa rin ako. Hanggang ngayon ay basa pa rin ako’t giniginaw na rin dahil nasa labas na kaming muli, idagdag pa na malamig din ang katawan ni Nigel.

I supposed to be angry at him but he just saved my life back there so... I guess being angry at him is useless.

Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong ibinaba, hinubad ang suot niyang jacket, at ibinalot iyon sa akin.

“I’m sorry. I’m not like Ethan so... yeah. I’m cold,” he suddenly said.

Kumunot ang noo ko. “What?”

Ngunit imbis na sagutin niya ang tanong ko ay kinuha niya ang kwintas mula sa kanyang leeg at ito’y isinuot sa akin.

“I’m sorry too if I stole this from you. It was a reckless thing to do considering how long you were kept in the dark. I won’t blame your father though for keeping you. But I guess you have the right to know all of this,” he said while fixing the lock of my necklace.

“This will protect you. I’m sorry. And when I say this I mean it,” pagpapatuloy niya habang nakatingin na sa akin at hinihintay ang magiging reaksyon ko. He looked at me expectantly.

Medyo naconscious nanaman ako dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Tumikhim ako. “It’s okay. I... uh... understand.” Kahit ang totoo ay hindi ko naman talaga naintindihan ang sinabi niya.

“Thank you.” nakangiti niyang sambit.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng ginhawa at kapanatagan ng loob nang mahawakan ko na sa wakas itong necklace ko. It felt like I became whole again — seems like this necklace is my other half.

Matapos ang ilan pang minuto ng katahimikan ay kinarga na naman niya ako.

“I can walk,” sabi ko na lamang. Medyo naconscious tuloy ako sa bigat ko. Wala pang kahit sino ang nangahas na buhatin ako. Kahit iyong feeling close na si Ethan ay hindi pa iyon nagagawa.

“I can carry you,” wala nanamang emosyong sabi niya.

Malapit na talaga at mapapansin ko nang parehas sila ni Ethan na matigas ang ulo at hindi ako pinakikinggan.

Kunsabagay ay nanghihina pa rin ako hanggang ngayon, might as well use this chance to relax.

“Where are we going?” pagtatanong ko nang nakalabas na kami sa campus.

Marami nang mga weird na pangyayari ang naganap ngayong araw na ito na halos hindi ko na nga mabilang. Sa totoo lamang ay nais ko munang magpahinga sa ngayon at bukas ko na lamang tatanungin si Ethan, Nigel o di naman kaya si Kate tungkol sa mga bagay na ito.

I know Kate knew all of this. I’m not dumb. I just don’t want her to know that I knew.

I know Kate knew something about me shouting eerie, weird, odd, peculiar or strange. Simula noong pinalibutan kami ng mga lasing na lalaki noong gabing iyon ay alam kong nagkaroon na siya ng ideya tungkol sa akin ngunit hindi niya kailanman sinubukang buksan ang topic na iyon.

What made me think of was Ethan. I can’t even imagine him being like something... inhuman. I don’t hate him though for keeping this from me because I just did the same.

“I’ll fix you then drive you home.”

“Where’s your car?” Parang ang layo na kasi ng nilalakad niya mula pa sa school.

“Nearby,” he said.

Tumaas ang kilay ko sa paraan ng pagsagot niya. Isang tanong isang sagot. Huminga ako ng malalim. “What about the others?”

“They can handle themselves.”

Tumango ako. Mukhang totoo naman ang sinabi niya dahil sa nasaksihan ko kanina. Imposibleng matalo sila ng mga kalaban nilang iyon. I know they’re strong enough to take care of themselves.

Bumaling ulit ako sa kanya. “What about you? What will you do after you drive me home?”

Hindi kaagad siya nakasagot. Tila iniisip pa niya ang susunod na sasabihin. “I’ll help them solve the problem,” sabi niya pagkatapos bumuntong-hininga.

“What’s the problem?” Sa di ko maipaliwanag na dahilan ay bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang alam na nito ang sagot.

“You,” sabi niya sa maliit na tinig.

“Why me?”


This time tumingin na siya sa akin ng nakangisi. Pagkatapos ay tumingin nang muli sa harap. “You’re just too damn strong yet we can’t feel your aura once you already used them.”

Lalo akong naguluhan. Strong? Not the word I’m expecting. “Why’s that?” ang tangi kong naitanong.

“That’s what we’re going to find out.”

Tumahimik ako at prinoseso lahat ng sinabi niya. The words you and strong used in a single sentence is hilarious. Halos matawa ako sa isiping iyon. Ni hindi ko nga magamit ng matino ang kung ano man ang abilidad ko hindi tulad nila. Kung ako ang tatanungin ay walang-wala na ako kung ikukumpara sa kanila.

Sunod-sunod na tanong ang nabuo sa utak ko. Since nandito na si Nigel ay tatanungin ko na siya.

“What are you?” panimula ko.

“I’m a Chrysolus,” mabilis niyang sagot.

“What’s a Chrysolus?”

“A Chrysolus is someone who can use one element.”

Tumago-tango ako. “How many Chrysolus are there?” Hundreds? Thousands?

“Six.” Oh. I was wrong then. Ngumuso ako.

“Is Ethan one of them?”

“Yes.”

“What element can you control?” pagtatanong ko. Alam kong Chrysolus siya dahil iyon ang itinawag sa kanya kanina ng lalaking may itim na mga mata.

“Ice.”

“Ethan?”

“Fire.”

Huminga ako ng malalim. I’m dying to ask this particular question. “What am I?”

“You’re an Afras,” patuloy na pagsagot ni Nigel. Para bang matagal na niyang ginagawa ito — ang pagsagot sa mga basic questions.

“What’s an Afras?”

“Non-elemental users.”

I stopped. Okay... I guess that’s enough for the night. Baka hindi ko kayanin ang sobra-sobrang impormasyon sa isang araw.

“Done asking?” natatawa niyang tanong.

Bumaling ako sa kanya, nagtataka dahil sa reaksyon niya. “Yeah,” sagot ko na lamang.

“I just noticed, don’t be offended alright? Like I said, I just noticed that you’re a type of girl who’s very quiet and aloof so... it made me wonder why on Earth are you so curious and talkative right now?” pagtatanong niya habang nakangisi.

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mukha ko.

Hindi ko namalayan ang sarili kong nagiging masyadong madaldal.

“Hmmm?” pag-uudyok pa niya sa akin para sagutin ko siya.

Alright. No point in lying. Medyo magaan kasi ang loob ko sa kanya. Kapag si Kate ang kasama ko, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis at kaunting awkwardness. Kapag si Ethan naman... well, I’m not myself when I’m with him. Parang bawat kilos ko ay dapat kalkulado.

Kapag kay Nigel naman, oo naroon ang pagkailang ngunit tulad ng sabi niya ay nagiging madaldal ako which is definitely not like me, the usual me, which is unusual.

“I don’t know. I just find your company comforting and there’s just something about you that... I can’t... ” Hindi ko masabi iyong ibig kong sabihin.

Hindi ko rin alam kung bakit na lamang ako biglang kinabahan. I used to be frank back then so... why feeling this way right now? Is it because I know that there’s something we have in common?

“Something about me that you can’t what?” pagtatanong niya. There’s something in his voice that changed too.

Huminto siya sa paglalakad at tiningnan na ako sa mga mata ng seryoso. Napatingin akong muli sa itim niyang mga mata. Para bang nilulunod ako nito.

“Something about you that... ” Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy. “I can’t... ignore.Your eyes... your presence... the familiarity... I don’t know.

Umabot ng ilang minuto ang titigan namin. Sinubukan kong intindihin kung ano ang kahulugan ng tinging ipinupukol niya sa akin. I saw an emotion flickered in his eyes but before I could name it, he looked away. Tumingin si Nigel sa malayo na para bang may iniisip.

“You’re just infatuated.”

I look up at him, dumbfounded.

“Excuse me. What?” Baka kasi nagkakamali lamang ako ng dinig. Halos matawa ako dahil doon.

“You’re just infatuated... to me. Stop yourself from feeling that way before you end up hurting. I don’t give any damn about girls wanting themselves to be involved with me.” Nalaglag ang panga ko dahil sa narinig.

He then gave me a hard look that made me feel intimidated for the first time. “Especially not a Feazell like you.”

--------------------------------------------------------------------------------------------------------