Chapter 15: Realizations
Jane’s POV
Nang malapit na mag-time para sa next class namin, sabay-sabay na kami nila Al, Grace, Neth at Darren na nagpaalam sa Black Raven para pumunta sa classroom namin. Habang naglalakad sa kahabaan ng hallway, siniko ko naman si Al at binulungan.
“Hey Al! Ano? Kinilig ka kanina kay Darren noh?”
“What?” gulat na gulat namang bulong rin sa akin ni Al.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“‘Kay. Maybe a ‘lil bit?” sinabi niya na parang di pa yata sigurado.
“Ewan ko sa’yo Al! Pakipot ka pa. Di ba crush mo siya?”
“Oo! Ano namang di ko magugustuhan sa kanya di ba?”
Kumunot naman ang noo ko sa kanya. Parang sinabi niya lang kasi ‘to para papaniwalain ang sarili niya.
Naalala ko tuloy iyong sinabi ni kuya sa akin noong gabi na nakita namin si Al na lasing doon sa pad na tinutuluyan namin.
“Well, I guess her problem is something that concerns her relationship with her boyfriend.”
“Al. May boyfriend ka na ba?” walang alinlangang tanong ko.
“Let me guess. Nathan told you, didn’t he?”
Hindi tuloy ako makasagot. Masyado ba akong tsismosa? Pakialamera?
Concern lang naman ako eh. >__<
Natawa naman si Al sa akin. “Why the face Aya? Haha. Don’t worry. I’ll tell you kung meron.....na.”
Muli, hindi ko nanaman nasagot ng matino si Al. Hindi dahil wala akong masabi kung hindi nakita ko nanaman iyong janitor na weird....at creepy. Mabuti ngayon ay busy siya at di niya kami nakita.
“Bakit Aya?” Naramdaman siguro ni Al ang uneasiness ko.
Tumingin naman ako sa wristwatch ko para makaiwas sa tanong niya.
“Tara na guys! Malapit na magbell!” sabay hila ko sa mga kaibigan ko.
Next class namin ay CORWRIT (Communication Skills in Reading and Writing).
B-O-R-I-N-G for short.
Kahit medyo boring ang pagtuturo ni Ms. Cruz, hindi naman ako inantok sa class niya. Ang dami kasing bumabagabag sa akin.
Iyong panaginip ko kagabi, hindi ko maiwasang balikan.
Miracle
Noong una kong makita si Miracle sa panaginip ko, siguradong-sigurado na akong hindi ako siya. Napakalaki ng pinagkaiba namin.
Hindi kami magkamukha. Pati lahat ng mga panaginip ko tungkol sa kanya ay hindi ko naman naranasan personally.
Pero ang makitang kasama niya ang kuya ko.
My biological brother.
Nag-iba ang tingin ko sa batang babae na iyon gayundin ang pagkakaintindi ko sa iba pang panaginip ko na patungkol kanya.
Lahat ng mga pangyayari na kasama niya si Drew.
Si Drick.
Lahat ng mga nangyari sa kanilang dalawa sa orphanage na iyon ay hindi ko masabing akin dahil simula’t sapul ay wala akong matandaang ginawa ko iyon. Hindi ko kilala ang batang lalaki gayundin ang batang babaeng nagngangalang Miracle.
Pero paano ko ipaliliwanag ang pagkakaugnay niya sa kuya ko?
At isa pang mahalagang bagay na nakaligtaan ko. Ang bagay na nangyari sa bahay namin na iyon ay hindi rin nangyari sa akin.
Pero.....ang mga katagang sinabi niya bago siya binawian ng buhay ng mga walang pusong tao na pumasok sa bahay namin ang nagpabaluktot sa pinaniniwalaan ko.
“Whatever you hear, whatever you see, and whatever you witness, don’t ever go out and don’t make any noise. You hear me?”
“I love you.”
Nakilala ng puso ko ang mukha niya, ang boses niya, ang mga salitang binitiwan niya, at lalong-lalo na ang ekspresyon ng mukha niya habang sinasabi niya ang mga iyon.
Punong-puno ng pagmamahal.
At saka ko narealize na.......iyon ang pinakahuling alaala ng kuya ko.
Alaalang tanging ako lamang ang nagmamay-ari.
My last memory of him.
My last memory with him.
Sobrang sakit lang dahil bakit ngayon ko lang naalala ang importanteng bagay na iyon.
Ang alam ko ay namatay ang buong pamilya ko, kasama na ang kuya at kakambal ko, sa isang car accident. Mayroon din akong isang faint memory ng isang car accident kaya naman iyon ang ipinagpalagay ko na kinasangkutang aksidente ng pamilya namin na tanging ako lamang ang nakaligtas.
That’s what I believed in.
Dahil sa wala ng pamilyang kukupkop sa akin ay ipinadala ako sa isang bahay ampunan. Ang Heaven Orphanage kung saan ko nakilala sina Sister Malou, Sister Mary, at Sister Suzy. Ito rin ang lugar kung saan ako unang nakita ng Alvarez Family. Simula nang kupkupin nila ako, sila na ang tumayong pamilya ko at ako’y naging ganap nang Alvarez.
Wala akong masyadong maalala sa mga panahon ng pamamalagi ko sa orphanage na iyon dulot ng traumang natamo ko sa aksidenteng iyon.
Sabay-sabay kinuha sa akin ang mga magulang at mga kapatid ko kaya naman napakahirap sa aking tanggapin ang bagay na iyon. Naging mahirap din sa akin ang tumanggap ng mga tao sa buhay ko. Wala akong kinakausap sa orphanage na iyon, kahit pa mga bata o madre. Nang naging Alvarez ako, tinulungan ako nila mom at dad para makarecover. Binigyan nila ako ng personal Psychiatrist at binigyan ng iba’t ibang medications at dahil doon ay nagbalik muli sa normal ang buhay ko.
Nagkaroon na ako ng bagong kuya, si kuya Nathan. Tunay siyang anak nila mom at dad.
Nakilala ko rin sina Al at Alex.
Nakilala ko si Lulu.
Lalaki si Lulu. Hindi naman talaga iyon ang pangalan niya pero iyon ang lagi kong tawag sa kanya kaya nakasanayan na rin niya. Hindi ko na rin maalala kung bakit Lulu ang itinawag ko sa kanya. Napakatagal na noon. Nakatira siya sa kabilang village kaya naman medyo malayo ang bahay nila sa bahay namin pero halos araw-araw ay pinupuntahan niya ako. Isang araw sinabi na lamang niya sa akin na aalis daw sila ng pamilya niya. Dahil sa kaibigan ko siya ay nalungkot ako. Umiyak ako. Pero natawa lamang siya at sinabi sa akin na babalikan daw niya ako. Tumango na lang ako sa kanya.
Isang buwan ang nakalipas at si Al naman ang umalis. At sa sumunod na linggo ay si Alex naman ang nawala na parang bula.
Dahil doon, bumalik ang trauma na natamo ko mula noong car accident na kumitil sa buhay ng buong pamilya ko.
Bakit lahat sila iniiwan ako? Anong problema sa akin?
Muli ay nagkaroon ako ng schedule sa personal Psychiatrist na kinuha nila dad. Dinala rin nila akong muli sa Heaven Orphanage para makita ang mga madre. Noon ko lang sila lubos na nakilala dahil nang mga panahon na iyon ay maayos na ako.
Pero dahil sa panaginip ko kagabi, naguluhan lamang lalo ako.
Pero dahil din sa panaginip ko na iyon, maraming bagay ang nabigyan ng linaw.
Kahit na dumami ang mga katanungan ko dahil doon ay nakatagpo naman ako ng ilan sa mga kasagutan.
Isang mahalagang hakbang na ito para mas maintindihan ko pa ang mga bagay na nagpapagulo sa akin.
Hakbang para mabigyan din ng kasagutan ang ilan sa napakarami kong tanong.
Dahil sa mga panaginip ko, may nabuo akong istorya.
A story that will play a big role in this messed up puzzle of mine.
Miracle
Nagsimula ang lahat sa pangyayari sa panaginip ko kagabi.
Miracle was with my brother. Then a number of guys forcefully entered our home which was why my brother hid Miracle in a secret room. Then they killed him.....
......mercilessly.
Then another dream of Miracle surrounded by fire. She was crying and was soaked with sweat. She was helpless with fire around her.
At ang sumunod ay mga alaala sa isang orphanage.
Miracle was found wounded and bloody at the gate of the orphanage. She was tended by the nuns there. The next day she met Sister Carmen then realized she didn’t remember her name. She cried at the Sister’s shoulder and after a while the nun left her to prepare for Miracle’s food.
After being alone, she discovered a hidden part in the said orphanage. It was a hidden part that reveals a beautiful fountain, where water flows endlessly from the hand of an angel, and a big old tree at the far end of the garden. Then she met this young boy. The boy indeed was beautiful because Miracle gape at him and her heart beat frantically. The boy introduced himself as Drew and Miracle as......
.......Angel.
Sa ginagawa kong pagtatagpi-tagpi sa mga alaala at panaginip kong ito ay hindi ko maiwasang matuwa. Pero tulad ng iba ko pang panaginip, nagdulot pa rin ito sa akin ng katanungan.
Bakit Angel ang pangalang sinabi niya kay Drew?
Bakit hindi Miracle?
Hindi niya maalala ang pangalan niya nang makipag-usap siya kay Sister Carmen pero naalala na ba niya ito nang makita’t makilala niya si Drew? Kung ganoon bakit Angel? Nagsinungaling lang ba si Miracle?
Hindi ko alam.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy.
There is this memory where Drew gave Miracle a chocolate to stop her from crying. They were both under that big old tree.
Napangiti ako nang maalala ko ang panaginip kong iyon. Iyon ang pinakaunang panagip ko na nagpataba sa puso ko. Bago pa kasi iyon ay puro masasamang panaginip na ang lagi kong nararanasan tuwing gabi. Iyon ang unang pagkakataon na hindi masama ang napanaginipan ko.
That big old tree brings another memory with Drew. That was both Miracle and Drew’s last night of being together because Drew was going to leave. He made Miracle promise to keep Drew within her heart and to call him by his name. She then called him.......Drick.
Panibagong tanong. Bakit Drick? Bakit hindi Drew?
Again, I don’t know.
Ngayon ay ang huling alaala. Ito yung lagi kong napananaginipan simula pa lamang ng bata pa ako.
Miracle was walking in a very dark alley. Someone called her by her name but when she turned around, all she saw was a car running toward her at full speed causing a great impact when it reached her.
It killed her.
Pumikit ako.
Imposibleng mamatay siya.
It can’t be.
It’s like calling someone who is obviously alive and breathing, dead.
I’m sure she’s alive.
Why?
Because she’s here in Manila, in this elite academy, in this very room, listening at the boring lesson of Ms. Cruz, and unmistakably alive, breathing and is full of life and hope.
I am her.
I am Miracle.
The thought almost made me cry.
No. Not almost. I actually cried.
Habang nakatulala ako sa kawalan, hindi ko namalayan ang isang luha na kumawala sa kanang mata ko. Mabilis ko naman itong pinunasan. Kinabahan pa ako dahil baka may nakakita sa kabaliwan ko dito.
“Mr. Mendez.”
Nagulat ako nang tawagin ni Ms. Cruz and surname ni Geff kaya naman napatingin ako sa harapan kung bakit nga ba siya tinawag. Nakita ko sa ppt presentation sa harap na may nakalagay doon na lesson tungkol sa autobiography. Matapos ko iyong tingnan ay dumako naman ang paningin ko kay Geff. Mas lalo akong nagulat nang makita ko siyang nakatingin sa akin na parang nagtataka. Nakaupo ako ngayon sa bandang likod katabi ng bintana at siya naman ay nasa harapan malapit sa pintuan. Binawi rin naman niya ang tingin niya sa akin, tumayo at tumingin sa harapan.
Napabuntong-hininga ako nang marealize na hindi ako humihinga habang nakatingin ako sa kanya.
Nakita ba niya iyong paglabas ng luha sa mata ko? Nakita ba niya na pinunasan ko iyon?
“Autobiography is merely a collection of well-rehearsed recount of events in one’s life intelligently written. A revelation to the reader and the writer, of the writer's conception of the life he or she has lived. It is not the story of a life; it is the recreation or the discovery of it.”
Umupo na rin si Geff matapos basahin iyong meaning ng autobiography. Matapos ‘non ay hindi na siya lumingon pa.
Buti naman.
(A/N: See picture of Al, Jane and Neth on the side.)
Pinagawan lang kami ng autobiography ni Ms. Cruz at nang nagbell na ay ipinasa na namin ang gawa namin. Nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko.
“Grabe! Bilib talaga ako sa sarili ko’t nakasurvive ako kay Ms. Cruz. Dyosko naman kasi nakakaaantok yung klase niya!” sabi ni Grace na nag-iinat pa.
“Nakasurvive ka dyan! Nakita nga kitang nakapangalumbaba na sa desk mo tapos tulo laway pa! Yung mata mo tumitirik din! Wahaha” Si Al yan!
Hinawakan naman ni Grace ang bibig ni Al habang binabatukan.
“Walangya ka! Kaibigan pa man din kita nilalaglag mo ako! Tsaka wag ka nga maingay dyan! Bunganga neto ayaw paawat!”
Si Al naman tumatawa pa rin.
“Hoy! Tama na yan, tara na!” sabi ko na lang sa kanila. Una ko nang hinila si Neth at hinayaan na lang sina Al at Grace na sumunod. Mga baliw talaga.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matapos naming apat na maglunch, dumiretso na agad kami sa auditorium. Wala namang event or meeting sa loob kaya naman pwede namin iyong gamitin as long as magpaalam lamang sa prof.
Kumpleto na lahat ang musical instruments sa stage ng audi gayundin ang sound system. Grabe ngayon lang ba ako mamamangha sa pagiging sosyal ng academy na ‘to? Naaalala ko rin tuloy iyong sosyal naming club room.
Kinuha na ni Al ang keyboard at si Grace naman ay guitar at pareho silang dumiretso sa kaliwang bahagi ng stage. Ako naman dumiretso na lang sa grand piano at umupo sa harapan nun. Tumabi sa akin si Neth. Hindi ko tuloy maiwasang hindi isipin iyong nasaksihan ko rito. Right here in this very seat, at the front of this piano.
“Sorry kahapon kung pinaghintay kita kagabi dito Neth. Uhm....may emergency lang talaga.” grabe, feeling guilty na talaga ako dito! “So, ano nga palang ginawa mo dito habang hinihintay ako?” wala akong masabi! Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? Alam ko naman kung anong nangyari dito eh bakit ko pa tinatanong si Neth ng tungkol dun? “Err....hindi ka naman ba.....uhm.....nabagot?” malamang sobrang entertained nga niya kagabi eh! Kasama naman niya si Geff. Ugh! Bakit tunog bitter ako?! “...or....natakot? Kasi di ba ang dilim dito?” Paano ko naman malalaman na madilim eh hindi nga nila alam na pumunta ako dito di ba? Haay Jane!!
“Okay lang naman yun Jane. In fact nag-enjoy naman ako.” medyo wala sa sariling sagot ni Neth. “P-pero hindi yun dahil sa w-wala ka Jane ah! Haha. A-ano k-kasi....ang totoo nyan ano....uhh....kasama ko si Geff dito. Kaya yun.....uhh....m-medyo nalibang naman ako.” dagdag pa niya nang makita akong titig na titig sa kanya.
“Talaga? Anong ginawa niyo?” sabi ko na kunwari ay gulat ako. Curious lang ako kung ano ang magiging point of view ni Neth kapag pinag-usapan ang bagay na iyon.
Tumingin naman siya sa malayo nang sinagot niya ako. “Mabuti siyang tao Jane. Nakakatawa din siya. Talented pa! Grabe kung nakita mo lang siyang tumugtog ng piano naku!”
“So crush mo na siya?” walang ganang tanong ko.
“Huh? C-crush agad? Haha. Di ba p-pwedeng hinahangaan lang s-siya?”
“Bakit ka nagsa-stutter?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” nakataas kilay niyang tanong.
Bakit ba pakiramdam ko tinatarayan niya ako? O baka ako lang yun?
“I mean, bakit ka defensive? At bakit parang kinakabahan ka? Naiintimidate ka ba sa kanya?” Haay nako ano nanaman ba ang pumasok sa utak ko at tinanong ko pa sa kanya yan?
“Ikaw? May gusto ka ba sa kanya?” tanong niyang pabalik sa akin.
This time ako naman ang nagtaas ng kilay.
“What? Ako? Bakit naman napunta sa akin ang topic?” plastik akong tumawa. “Hindi naman kami ganun kaclose kaya bakit naman ako magkakagusto sa kanya? At isa pa galit yun sa akin.” isa pa yun. Naalala kong galit nga pala sila –Phin at Geff– sa akin dahil akala nila ako ang dahilan kung bakit nakipagbreak si Alex kay Phin. Ang buong akala nila ay third party ako sa relasyon nilang dalawa. Siguro nga ako ang pinakadahilan kung bakit iyon ginawa ni Alex kay Phin pero hindi ako ang may kasalanan.
Medyo nabunutan naman ako ng tinik sa puso ko nang malaman ko na hindi naman galit sa akin si Darren. Hindi naman niya siguro ako kakausapin at ngingitian sa club room ng WSMC kung galit siya sa akin hindi ba? Hindi pa kami nakakapag-usap ng matino simula nang naungkat ang bagay na iyon. Wala namang nag-oobliga sa akin na kausapin siya tungkol sa bagay na iyon pero mas maganda siguro kung magiging malinaw sa amin ang topic na iyon. Siguro for the sake of friendship na lang. Sa maikling panahon na nakasalamuha ko siya, itinuring ko naman siyang kaibigan. Kahit tulad ni Phin at Geff na hindi ko naman ganoon ka-close.
Matapos pala ang insidenteng naganap sa pagitan ni Alex at Geff sa room namin ay wala namang kumalat na tsismis o kung ano man. Naging tahimik naman lahat ng involve. Syempre may mga usisero’t usisera sa paligid pero wala namang nakaintindi sa totoong nangyari.
“Buti alam mo.” nawala ako sa mga iniisip ko at nabaling kay Neth ang buong atensyon ko nang sabihin niya iyon. Hindi dahil sa nagsalita siya matapos ang ilang segundo ng katahimikan kung hindi sa laman ng mga salita niya gayundin sa tono ng pagsasalita niya na tila ba may tinatago siyang hinanakit sa akin. This time sigurado na akong hindi lang ako ang nakaririnig at nakapapansin sa tonong sarcastic niya dahil rinig na rinig ko na sa kanya iyon ngayon.
Kumunot lamang ang noo ko sa kanya dahil medyo na out-of-words ako ngayon. Higit sa lahat ay nagulat ako. Maganda si Neth at mukha siyang anghel dahil para siyang inosente, of course that’s not a bad thing, kaya naman nakakagulat makita ang side niyang ito. Ang side niyang sarcastic at mataray.
“A-ang ibig kong sabihin Jane, uhh.....galit nga siya sa’yo.” depensa naman niya nang makita ang expression ng mukha ko.
“Yeah I know. You don’t have to tell me.” sagot kong nagpatahimik sa kanya.
“Okay. Let’s begin.” sabi ko na lang dahil matapos kong magsalita ay wala nang nagtangka pang dagdagan iyon o ang kumilos. Awkward silence ang bumalot sa amin kaya naman napagpasyahan ko na lamang simulan ang practice namin.
Medyo naguguluhan pa ako sa naging attitude ni Neth pero pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Mahalaga na makapagpractice muna kami.
Sinimulan ko nang patugtugin ang piano.
Habang tumutugtog ako, doon ko lamang narealize kung gaano kafamiliar ang bawat tunog na lumalabas sa piano sa bawat pindot ko dito. Para bang maraming beses ko na itong narinig pero sa hindi malamang dahilan ay hindi ko maalala kung saan. Yeah sure narinig ko na ito sa music na dinownload ko at paulit-ulit na pinatugtog para mapag-aralang mabuti. Narinig ko na rin itong tugtugin ni Geff at kantahin ni Neth kagabi pero nang ako na mismo ang tumugtog, parang may kung anong bagay ang nagpapaalala sa akin nito.
Tumigil ako.
“Bakit Jane? May problema ba?” tanong sa akin ni Neth na para bang walang nangyari sa aming dalawa kani-kanina lamang.
“Uhh....wala naman.” huminga ako ng malalim. “May naalala lang ako.” sabi ko kahit wala naman talaga.
Huminga ulit ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagtugtog. Naramdaman ko naman na para bang may nakatingin sa akin kaya iginala ko ang tingin ko sa paligid ng auditorium at nang magtama ang tingin namin ni Al ay nakita kong puno ng pag-aalala ang mukha niya habang si Grace naman ay talak nang talak sa tabi niya.
“You okay?” sabi ng bibig niya. Nabasa ko naman kahit wala iyong tunog. Nginitian ko na lamang siya kahit hindi ko maintindihan kung para saan iyong pag-aalala niya.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Girls, doon na lang kaya tayo sa cr ng gym magbihis? Ang dami kasing tao dito eh.” sabi ko sa tatlong kasama ko.
Nandito kami sa girl’s cr ng West building ng academy at ito na ang ikatlong cr na pinuntahan namin. Kanina pa kami paikot-ikot sa mga building pero laging puno ang napupuntahan namin.
Kagagaling lang namin sa mga lockers namin dahil magbibihis kami. Hanggang ngayon kasi ay naka p.e. uniform kami at dahil may presentation kami mamaya sa OSWALDS ay kailangang naka casual or formal attire kami. Oo, ganun kasosyal at kaarte ang prof. namin sa subject na iyon! Haha
“That’s a very wonderful idea Ms. Alvarez! I’m really starting to think that you’re really smart. You know what? I really really love you for that!” sabi ng baliw na si Grace.
“Kunwari ka pa! Gusto mo lang makita yung mga varsity ng basketball eh.” natatawang untag ni Neth.
“Tss. Wag na dun! Ang init kaya sa gym! Pati amoy pawis pa! Isa pa baka hindi tayo pwede dun kasi baka yung cr nila ay para lang sa mga varsity?” tuloy-tuloy na litanya ni Al.
“Lahat ng student body ay pwedeng gumamit dun Liz. Nabasa ko sa.....uhh.....handbook?” paliwanag naman ni Neth.
“Ikaw na talaga!” natatawang tugon ko na lamang kay Neth. Gusto kong bumalik kami sa dati at mawala na iyong awkwardness sa aming dalawa kaya naman sinabi ko iyan. Kahit na nagulat ako sa inasal niya kanina, kaibigan ko pa rin naman siya.
Ngumiti naman siya sa akin.
Kahit na maraming pagtutol ang ginawa ni Al ay sa gym pa rin ang bagsak namin. As usual hindi na maitago ni Grace ang pagkaka-excite niya.
“Oh my gosh! Oh my gosh! This is a dream come true!” mantra ni Grace habang tinatahak namin ang huling hagdanan papuntang gym.
“God! Sana hindi ko na makita ang dikya na yun!” bulong naman ni Al sa isang tabi.
Naalala ko tuloy iyong pinag-usapan nila ni kuya Nathan malapit sa gate ng academy. Iyong stalker daw ni kuya na kinaiinisan ni Al? Baka yun nga iyon.
Nang marating na namin ang gym, wala ni isa sa amin ang dumiretso sa cr dahil pare-parehas kaming dumungaw sa loob mismo, well except kay Al. Nandoon lamang siya sa likod namin.
Nakita ko ang mga players na walang humpay sa paglalaro ng bola at pare-parehas pang tagaktak ang kanilang pawis. Hinanap ko naman ang may jersey na number 18. Nakita ko naman siya agad dahil siya ang nag 3 point shot sa ring.
“WOOOO!!!! SYET! ANG GALING MO ALEC!!”
“GO! GO! GO! 18!!!”
“GRABE! ANG HOT N’YONG LAHAT!! KYAAA!!!”
Nakita ko naman sa bleachers ang ilang grupo ng mga kababaihan na tumitili. Doon naman sa baba ay grupo ng mga cheerleaders....I guess. Nakita kami ng dalawa sa kanila. Ang isa ay may brown, shiny, and long curly hair (Tulad ng buhok ni Al) na nakaponytail. Naka skirt siya na sobrang iksi at isang t-shirt na may nakaprint na “Waldroves”. Ang isang babae naman ay medyo may pagka foreigner dahil blond ang kanyang buhok na nakalugay naman at parehas ng outfit noong babaeng brown ang buhok. Lumapit silang dalawa sa amin.
“Hey! What are you ugly ducklings lookin’ at?” sabi ni blond girl.
“Bawal trespassers dito kaya shupii.” untag naman ni brown girl sabay ang maarteng pagkumpas ng kamay niyang may red nailpolish na nagsasabing “shupii!”. Medyo tumaas nang kaunti ang kilay ko dahil doon. Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako ni Al.
“Papanuorin lang namin kung paano maglaro ang Waldroves. Wala naman sigurong masama doon di ba?”
“Oh my God sis. She’s that crazy and stupid girl from yesterday! Aight?” tanong ng O.A. kung makareact na si blond girl kay brown girl.
“Oh? What brings you here? Ano? Si Alec nanaman ba ang pinupuntirya mo ngayon? Obsessed fan ka ba niya? Gosh, so pathetic!” sabi ni brown girl habang pinapaypayan ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga kamay. Alam niyo kanina ko pa talaga napapansin na kanina pa niya pinangangalandakan iyong nailpolish niyang pula!
“Err...girls tara na sa cr. Hehe.” bulong naman ni Grace na para bang umiiwas sa gulo.
“Oo nga. Tara na.” dagdag ni Neth sabay hila sa aming dalawa ni Al. Si Al kasi iyong sumasagot sa dalawang dikyang ito samantalang ako naman eh halata na yata sa mukha ko na konting kalabit na lang papatulan ko na rin sila. Pero kahit na hinihila na nila kami ay wala sa aming dalawa ang nagpatianod.
“What if I am? May magagawa ka ba? And besides, anong tawag mo sa sarili mo? Obsessed stalker? You’re more pathetic than me then.” nakahalukipkip at buong confidence na sabi ni Al. “Oh wait, di pala ako pathetic, ikaw lang. At ikaw.” sabay turo niya kay blond girl. “That makes the two of you....uhm....pathetic....”
“...and losers.” dagdag ko pa.
Halos pumula naman ang mukha ni blond girl sa sobrang inis sabay walkout.
“I get it now!” masayang sabi naman ni brown girl na para bang may lightbulb na nag-ilaw sa ulo niya. “Alipores mo? Ganyan na ba kayo kaobsessed kay Alec? Ang pagkakaalam ko pare-parehas palang kayong frosh tapos ganyan na kayo kalandi! Goodness gracious! Nakakahiya kayo!”
“Alam mo ang dami mong talak eh gusto lang naman naming panuorin si ku- ah! Yung Waldroves! Bakit ba parang pag-aari mo ‘tong gym kung makaasta ka para kang siga. Bakit eto bang Alec na sinasabi mo ay pag-aari mo? Bakit mo kami inaakusahan na obsessed fan? Ikaw ano ka ba niya? Die hard fan? Sigurado naman ako na hangin ka lang sa kanya eh.” sabi ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. “Sa itsura mo palang Miss sigurado na akong di ka niya papatulan. Idagdag mo pa ang pagka bitch mo.” dagdag ko pa. Bwisit kasi eh! Naha highblood ako!
Nalaglag naman ang panga niya sa sinabi ko.
“You heard her.” pagsang-ayon naman ni Al sa akin.
“How dare you!”
“How dare you too!” sabi ko rin sa kanya. Ayoko sa lahat ay ang natatawag ng kung anu-anong bagay ang mga kaibigan ko to think na si Al pa ang ginaganun niya.
“WOOOOOO!! I LOVE YOU ALEEEC!!!”
“ANG GWAPO MOOOOO!!!”
Patuloy pa rin sa pagsigaw ang mga tao sa loob samantalang kami naman dito ay parang naggi-gyera na. Dahil sa ang atensyon ko, maging ang atensyon yata nila Al, Grace at Neth ay nasa mga varsity na naglalaro, hindi namin napansin ang biglang pagkuha ni brown girl ng jug na nasa gilid pala niya sabay buhos sa akin ng laman nun.
“That’s what you get from messing up with me.”
Lahat kami napanganga sa nangyari. As in LITERAL na napanganga!
WTF?!
Sobrang daming laman na tubig –hopefully malinis– ng jug kaya naman as in basang basa ako. Nagkalat din sa sahig ang tubig na halos lumawa na dito sa kinatatayuan namin. The worst part ay ako na basang-basa kaya naman bakat na bakat sa p.e. uniform ko ang bra ko maging ang cleavage ko. Shemay! Wala pa man din akong sando sa loob!! Di kasi ako sanay.
Ang unang nakarecover sa pangyayari ay si Al na halos marinig sa buong gym ang sigaw niya.
“WHAT THE HECK!! BAKIT MO SIYA BINUHUSAN?!”
Dahil doon ay nakuha namin ang buong atensyon ng lahat ng nasa loob ng gym. Shit Al! Bakit kailangang nakasigaw?! Niyakap ko na lamang ang sarili ko ng mga kamay ko. Oh my gosh! Nakakahiya sa mga varsity!!!!!
Nakikita ko na na papalapit na ang mga varsity sa pwesto namin kaya naman medyo umatras na ako pero natigil sila nang biglang may malakas na hampas ng bola sa sahig ng court ang umalingawngaw sa buong gym.
“BACK OFF!!” napasinghap ako nang marinig ko ang boses na iyon. Syete naiiyak ako!
Tumigil na sa paglalakad ang mga varsity kaya naman hindi na sila nakalapit sa akin. Iyong mga babae sa bleachers nagbubulung-bulungan na. Si brown girl naman parang namumutla na. Si Al galit na galit na para bang gusto na niyang sabunutan si brown girl. Sila Neth at Grace naman eh natulala nalang yata at masyadong nagulantang sa mga pangyayari.
Sobrang tahimik ng buong gym. Ako parang natulala na lang din yata hanggang sa nakita ko si kuya Nathan na papalapit sa amin na may dalang jacket. Ipinulupot niya sa akin iyon at hinawakan ang mukha ko para makita niya.
“Are you okay?” tanong niya sa akin. Kinagat ko na lamang ang labi ko at dahan-dahang tumango.
Dumako naman ang tingin niya kay Al.
“Hey.” nakuha niya ang atensyon ni Al. Tumaas lang ang kilay niya. Ito talaga si Al ang taray pa rin talaga kay kuya. Kung hindi lang seryoso at tense iyong atmosphere baka natawa na ako.
Tumalikod si kuya at hinarap na ang ngayong mangiyak-ngiyak na si brown girl.
“Pinalampas ko ang ginawa mo kay Al kahapon pero ngayon?” grabe nakakatakot yung boses ni kuya. Parang may authority talaga siya. “Don’t you ever dare mess with this girl, you hear me?”
“Alec sila naman kasi yung nagsimula eh! Sila yung nagsimula ng gulo! Gustong-gusto nilang pumasok eh di ba bawal ang mga hindi varsity dito? Pero yan sila at pinagpipilitang pumasok!” pagdadahilan pa ni brown girl.
“Still, THAT GAVE YOU NO RIGHT TO POUR WATER INTO HER!” sigaw ni kuya. Grabe kinilabutan ako dun. Halos natameme lahat dahil sa sigaw niya.
“Dude, don’t be so harsh on the girl. Baka may misunderstanding lang sa kanila. ‘Wag na lang tayong makisawsaw.” sabi ng isa sa mga varsity.
“Oh shut up Ed.” sita ni Michael. Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala siya.
“Tss. Paano ba naman kasi ang O.A. makareact! Ano ba niya yung babae?” singhal pa nung Ed.
“You and your big mouth. Shut up ka na lang pwede?” napaface palm na lang ako dahil nagsalita pa si Al.
“You wouldn’t want to mess with this girl because if you do......you mess with me. You ask why?” tumingin naman si kuya ngayon dun sa Ed. “Simply because she’s Jane Alvarez.”
Jaw drop lahat ng mga varsity. Narinig ko pa si Grace na sinabing “You’ve got to be kidding me.”
“So what?” tanong naman ng walang kamuwang-muwang na si brown girl.
“So what? She’s just the sister of your ever loving Alec Alvarez.”
Oh great. Just great. Now they know. Ugh!! -___-++
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------