Chapter 1: Encounters

Jane’s POV

Nagising ako dulot ng liwanag na tumatama sa mga mata ko mula sa nakabukas na bintana. Mukhang tinanghali na ako ng gising pero hindi naman ako ginising nila sister. Tumayo ako at nag-inat-inat. Gumaan ang pakiramdam ko nang napagtantong hindi na ako muling nanaginip kagabi. Habang nakaupo ay inilibot ko ang paningin sa kwarto ko at huminto nang dumako iyon sa kisame. I really love stars at tuwing gabi, dito ako tumitingin hanggang sa makatulog ako. Glow in the dark na stars ang nakadikit doon.

Looking at them always brought me a de ja vu feeling. Laging iyon ang nararamdaman ko pero kahit anong isip ko kung ano nga ba ang kahulugan sa likod ng pakiramdam na iyon ay wala naman akong nahahanap na sagot.

Matapos mag-ayos ay lumabas na ako. Nakasalubong ko pa nga si Sister Mary habang may bitbit siyang isang plastic na may lamang groceries.

“Oh, good morning Jay!” masayang bati niya sa akin habang ibinababa ang mga pinamili at mabilis na lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa pisngi at sa isang iglap ay gumaan ang mood ko.

“Good morning din po Sister Mary!” ngiti ko sabay yakap sa kanya. Dalawang linggo na akong nanatili dito and this day as my last bago ako umalis ay hindi ko mapigilang hindi malungkot. Mabilis kong niyakap si sister at naramdaman ko rin naman ang pagyakap niya sa akin pabalik.

“Nakita niyo po ba si Kuya Nathan?” pagtatanong ko sa kabila ng nararamdaman.

“Oo iha. Pinalinis lang iyong sasakyan ninyo.” Kumunot ang noo ko nang nanginig ang boses niya habang nagsasalita. Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin at sinuri ang kanyang mukha. Ngumiti lang siya pabalik sa akin habang inaayos ang buhok ko. “Sabi nga pala ng kuya mo maghanda ka na raw dahil aalis na kayo pagbalik niya.”

Kumirot ang puso ko nang nakita ang mukha ni Sister Mary. She’s obviously sad over our nearing departure and she’s almost on the verge of crying. Natawa ako kahit sa loob loob ko ay parang gusto ko siyang sabayang umiyak. Hinawakan ko siya sa mukha at nagpout ako. “Sister Mary ‘wag ka nang malungkot.” Pinahid ko iyong nangingilid niyang luha. Ngumiti ako habang ginagawa iyon. “Babalik pa rin naman po ako dito. Hindi ko yata kayo kayang tiisin!”

Kinurot-kurot ko pa ang pisngi ni Sister Mary at di kalaunan ay natawa na rin siya sa pinaggagagawa ko. “Naku! Ikaw bata ka, siguraduhin mong totoo ‘yang sinasabi mo ha? Hihintayin ka namin dito!” Pinanlakihan niya ako ng mga mata na nagpaalala tuloy sa akin kay Sister Suzy na siyang pinamakulit na madre dito.

Niyakap ko ulit siya. “Sister tumigil na tayo ha? Masyado na po tayong madrama.” Nagtawanan nanaman kami.

Nagpaalam na rin sa akin si Sister Mary nang naalalang pupunta pa siya sa kitchen para ihanda ang mga pagkain ng mga bata mamayang tanghali. Kumaway pa ako sa kanya nang medyo malayo na siya sa akin ngunit lumingon pa.

Umihip ang malakas na hangin at nilipad ang mahaba kong buhok. Sinikop ko muna iyon bago napagdesisyunang pumunta sa garden ng orphanage na ito. Dalawang linggo akong nanatili dito dahil ilang taon na ang nakalipas simula ng huling dalaw ko rito. Gusto ko kasing bisitahin ang mga taong nagpasaya at nag-alaga sa akin noong mga panahong walang patutunguhan ang buhay ko. Sila Sister Mary, Sister Malou at Sister Suzy. Sila iyong mga taong nagbigay sa akin ng pag-asa na magkakaroon pa ng halaga ang buhay kong ‘to na minsan ko nang tinangkang itigil.

Mabilis akong umiling at binatukan ang sarili. Oo, sarili ko. Weird I know. Kind of mannerism. Bakit ko nga ba kasi binabalikan ang mga bagay na ‘yon? Sa totoo lang ay gusto ko nang kalimutan ang bahaging iyon ng aking nakaraan at huwag na iyong balikan pa. Those memories should always stay in the past. I shouldn’t dwell on them too much.

Bumalik ang mga iniisip ko kela Sister. Si Sister Mary ang pinakaclose ko sa kanilang tatlo. I have no trouble sharing my problems and thoughts with her. Malakas din kasi ang pakiramdam niya at isang tingin lang niya sa akin ay alam na niya kung mayroong bumabagabag sa akin o wala. Si Sister Malou naman ang pinakastrikto sa kanilang tatlo. She always makes me wear girly stuff like dresses and accessories. Noon kasi hanggang ngayon ay laging T-shirts ang isinusuot ko. Kapag may problema naman ako ay gagawa kaagad siya ng paraan para matulungan ako doon. Siya rin ang head ng Heaven Orphanage kaya naman ang ganda na ngayon nito. Magaling din naman kasi siyang mamalakad at magaling din siyang maghandle ng mga bata. Lastly is Sister Suzy, ang pinakamakulit sa kanilang tatlo. Her real name is Susan pero pangmatanda raw ang pangalang iyon kaya naman she settled on the name Suzy. Sosyal di ba? She always makes my stomach hurt dahil lagi niya akong pinapatawa. Kulang na kulang talaga ang araw ko kapag hindi ko naririnig ang nakakahawa niyang tawa.

Bakasyon ngayon kaya naman nakapunta ako dito. I really missed this place. Napakapeaceful. Unlike sa city, ang ingay! Incoming college freshman na ako. Kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makakapag-aral ako sa isang school kasama syempre ang ilan pang students. This will be a new experience as well kaya naeexite rin ako.

Habang ineenjoy ko ang paglalakad, naligaw ang tingin ko sa isang puno at napansing may tao sa itaas nito. Lumapit pa ako at nang tumingala ako ay nalaman kong lalaki iyon though hindi ko pa rin masyadong makita dahil sa mga sanga at dahon.

Siguro ay isa ito sa mga bata dito sa orphanage. Napaisip pa nga ako kung paano siyang nakaakyat sa punong iyan gayong sobrang taas nito. Kinabahan ako nang may lumitaw sa utak ko na senaryo. Paano kapag nahulog siya? Oh God, it’s too high!

“Pst! Uyy bata! Baba ka dyan! Baka mahulog ka!” malakas kong sigaw. Ang bilis na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Pero ni hindi man lang gumalaw iyong bata. Hindi ba niya ako narinig? Baka mahina ang pagkasigaw ko? Partida sigaw ko na ‘yon ah hindi pa rin niya narinig? I’m really determined right now kaya naman sumigaw akong muli habang nakalagay ang mga kamay sa gilid ng bibig ko. “PST! UYY BABA KA DYAN! BAKA MAHULOG KA!”

Halos magwala naman ako nang hindi pa rin kumikilos iyong bata. Pwede ko kaya siyang batuhin? Ugh! Jane, saan ba lumipad ‘yang utak mo? Paano kapag nagulat ‘yan dahil sa pagbato mo at tuluyan siyang mahulog?

Pero nakakainis naman kasi! Bakit ba hindi niya ako naririnig? O baka naman nagbibingi-bingihan lang siya? Kahit pwede naman akong umalis na lang ay hindi ko magawa. Paulit-ulit na lumilitaw iyong naimagine kong senaryo sa utak ko.

Tinanggal ko ang sapatos ko at tiningala iyong bata. Lumunok muna ako ng isang beses. Kaya ko ‘to! Pero syet lang, hindi ko kaya! Huminga muna ako ng malalalim bago umakyat sa puno. Napaghahalataan bang expert? I am definitely no expert. First time ko lang gawin ‘to! Doon ako sa kabilang bahagi ng puno umakyat dahil masyadong madahon doon sa kabila. Nang sigurado na akong katapat ko na iyong part na inuupuan ng bata, umapak-apak ako sa gilid ng puno para marating ko siya. I didn’t dare look down dahil baka iwanan ako ng sarili kong kaluluwa kapag ginawa ko iyon. Dahan dahan akong pumunta sa harapan ng bata habang binubuo ko sa isip ang mga pangaral na sasabihin ko sa kanya.

Nang sa wakas ay nakarating na ako sa kinalulugaran niya ay mabilis ko siyang hinarap.

“Ikaw! Pina—” napahinto ako mula sa pagsigaw nang marealize kong hindi bata itong nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa realization. All along I thought bata itong nasa itaas pero mukhang nasayang lang pala lahat ng effort ko dahil kabaligtaran ng inaasahan ko ang nakita ko.

Napansin ko ang dalawang malalaking headphones na nasa tenga niya. I closed my eyes and tried really hard to restrain myself from slapping this guy. Nang kumalma na ang blood pressure ko ay muli kong idinilat ang mga mata ko.

Then the world seemed to stop from revolving and time from running when my eyes trained at this guy’s almost perfect features. No, not almost. Nakapikit siya at kalmado ang paghinga dahil sa mahimbing niyang pagtulog. Mahahaba ang kanyang pilikmata, matangos ang ilong, at may maninipis at mapupulang labi. Ngunit habang pinagmamasdan ko siya, isang salita ang talagang mailalarawan ko sa kanya.

Peaceful.

Kung ano ang naramdaman ko kanina habang naglalakad sa garden ay naramdaman ko rin habang tinitingnan siya. Napakaamo ng mukha niya at parang ayoko nang tumigil sa pagtingin doon.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang biglang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Parang may sumampal sa akin para gisingin ako sa kahibangan ko. Bakit ko ba tinititigan ang lalaking ‘to? Just because this guy is breathtakingly beautiful doesn’t mean I will gawk at him all day! Halos murahin ko rin ang sarili nang maisip na baka si kuya na itong nagtext at hindi ko pa naaayos ang mga gamit ko.

Maingat akong bumaba mula sa puno. Bahala na ang lalaking ‘yan. Malaki na siya and I’m sure he can perfectly handle himself just fine. Habang naglalakad palayo sa puno ay naramdaman kong parang may nagmamasid sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid pero wala naman akong nakitang kakaiba. I shrug off the weird feeling away.

Nang natapos na ako sa paglalagay ng mga damit at gamit ko sa bag ay kinuha ko na ang phone ko.

From: Kuya Nathan
Are you ready?

To: Kuya Nathan
Yes.

“Jay! Tawag ka ni Sister Malou. Pumunta ka raw sa office niya. Hala! Lagot ka! May ginawa ka nanaman ba?” Halos mapatalon ako nang bumungad si Sister Suzy sa pintuan ng kwarto ko. Iyan pa lang ang sinabi niya pero natatawa na kaagad ako.

Lumabas na ako ng kwarto ko para pumunta sa office ni Sister Malou. Medyo kinabahan pa ako dahil syempre, si Sister Malou na iyon!

“Nga pala Jay, ingatan mo ‘yung gift na ibinigay ko sa’yo ah! Self-made yata yun,” paalala sa akin ni Sister Suzy habang sinasabayan niya ako sa paglalakad.

Natatawa pa ako habang sinasagot siya. “Syempre naman Sis Suzy! Alam mo namang malakas ka sa akin eh! Tinago ko na agad baka magasgasan pa.” Nako! Katakot-takot na paalala ang sinabi niya sa akin noon bago niya ibinigay sa akin ang regalo niya.

Pagkatapos ng pang-aasar sa akin ni Sister Suzy — pinipilit ba naman akong sabihin sa kanya ang pangalan ng labidabs ko raw para maipagdasal niya — na nauwi rin sa halos walang katapusang hagalpakan ng tawa, ay iniwan na niya ako. Kahit kasi si Sister Suzy ay nagbe-behave na rin kapag nandyan si Sister Malou.

Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng office ni Sister Malou ay parang gusto ko na lang bumalik sa kwarto ko. But who am I kidding? Namiss ko rin ‘tong si sister at gusto ko rin naman siyang makita. Nakita ko siyang nakaupo sa harap ng table at mukhang may binabasa. Nag-angat siya ng tingin nang narinig niya ang pagpasok ko. Halos takbuhin ko ang distansya naming dalawa nang nginitian niya ako.

Tumayo si Sister Malou at sinalubong ako ng yakap. “Kamusta na ang Jay ko?” she affectionately asked. Naramdaman ko naman ang pagtutubig ng mga mata ko.

“Ayos lang po Sister Malou.” Hindi ko na nga napigilan at umiyak na ako habang yakap niya.

“Itong batang ito talaga! Bakit ka umiiyak?” Hinagod-hagod pa niya ang likod ko habang pinapagalitan ako.

Tumikhim muna ako bago nagsalita para maging malinaw ang sasabihin ko. “I just missed you sister. I badly missed all of you.”

“I missed you too, Jay.”

Pinatahan muna ako ni Sister Malou bago ako pinaupo. Kumuha pa siya ng milk at cookies sa personal ref niya at inilapag sa harap ko. Alam na alam talaga niya ang paborito ko!

“I wanted to know, how was your life, dear? Inside the city? It had been 4 long years since I’d seen you personally,” panimula ni sister habang pinapanuod akong kumakain.

Apat na taon kong hindi nakita si Sister Malou kahit na nanatili ako dito sa orphanage for the past two weeks. Nasa Bataan kasi si sister noong mga panahong iyon dahil inaasikaso niya ang partnership ng orphanage sa isang kilalang kumpanya. That company promised to support this orphanage which I’m very thankful for.

Uminom muna ako sa milk ko bago nagsalita. “Ayos lang naman po ako. I finished high school at ngayon makakapasok na ako sa isang actual school!” I answered enthusiastically. Sister Malou just continue listening to me while smiling. “Doon po ako papasok sa school na pinapasukan ni Kuya Nathan. Well... si dad naman po nasa States, busy doing some business stuff. Si mom naman po gano’n din though she’s here in the country.”

Dahan-dahang tumango si sister, obviously pondering my words. “Good to hear that,” she finally said.

Nagkwentuhan pa kami pagkatapos ‘non. Naikwento sa akin ni sister iyong mga nangyari dito noong wala ako. Every month ay halos may activity sila para sa mga bata kaya naman tuwang-tuwa sila. Marami na ring sumusuporta sa orphanage kaya naman maswerte talaga ang mga bata dahil sagana sila lagi sa pagkain, damit at iba pang bagay.

Habang inuubos ko iyong pagkain ko ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng office ni sister. Ang ayos talaga ng mga gamit sa loob. May mini sofa sa loob at isang personal ref na nakita ko kanina na punong-puno ng pagkain. Marahil ay para iyon sa mga bisita dito sa loob tulad ko. Dumako rin ang tingin ko sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Mostly sa mga iyon ay painting ng mga magagandang lugar tulad ng Chocolate Hills, Mayon Volcano at marami pang iba.

Kumunot ang noo ko nang napansin ko ang isang painting — no, it is a sketch.

“Sister, sino po iyong nasa sketch?” pagtatanong ko kay sister nang hindi inaalis ang tingin doon.

Napakaganda ng pagkakagawa ‘non. Hindi rin maipagkakailang napakaganda ng batang naroon. May luha ang magkabilang pisngi niya but the genuine smile on her face, it’s... perfect. I bet when that girl grew up, she’ll be a very beautiful lady.

Hindi na lumingon si sister sa likod niya para tingnan ang picture na tinutukoy ko. Mukhang alam na niya kung ano iyon. Tumingin lang siya sa akin at misteryosong ngumiti na siyang ipinagtaka ko.

“An angel,” she answered.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Akala ko pa naman pwede kong makita ‘yung bata na nasa picture,” sabi ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway.

I thought the face in that sketch belongs to one of the youngsters here in the orphanage so my hopes crashed down when Sister Malou told me that the girl was indeed an Angel. Mahilig pa man din ako sa mga cute na bata.

Habang naglalakad ay naalala kong nagtext nga pala sa akin kanina si kuya Nathan na pabalik na raw sila ni kuya Mark, driver namin, dito. Pero bakit parang ang tagal naman yata nila?

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang nakita ko si kuya na patungo na sa kinatatayuan ko.

“Jay! Let’s go. Kanina pa kita hinahanap. Mom called me, umuwi na raw tayo,” tuloy-tuloy na sabi ni kuya habang sumusulyap sa relo niya.

“Ah, galing lang ako sa office ni Sister Malou.” Kumunot ang noo ko. “Bakit parang ang tagal niyo naman yatang nagpacarwash?”

Nagkibit-balikat lang si kuya habang inaayos ang buhok niya. “Mom told me to buy food. Wala na raw kasing laman ang ref natin sa bahay. Since uuwi naman na tayo, it’s better kung puno ‘yon. Alam mo na...” He left his sentence unfinished and looked at me meaningfully.

Putek, nang-asar ang kumag.

“Hoy! Diet ako ngayon! Wag kang ganyan!” sigaw ko sa kanya at pinanlakihan pa siya ng mata. Ang lakas naman talaga ng loob niyang mang-asar!

“Did I say something like that?” inosente niyang tanong. “What I’m trying to say is that since we’re going home, its better kung may laman ang ref natin. Who knows kung may bumisita sa atin, knowing we’re there? Lil’ sis napaghahalataang iba ang iniisip,” litanya niya habang nakangiting wagi.

“Tara na. Gusto ko na rin makita si mom,” pag-iiba ko ng topic. Bwisit talaga ‘to kapag nang-asar, lagi akong talo.

Natawa si kuya sa akin. “Sure! Tara na!” At nagpatuloy pa sa pagtawa. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Please wag ka nang umiyak... here, eat this.”

“...”

The boy unwrap the chocolate. The boy who’s face I couldn’t see.

“Aaaahhhh”

“...”

The boy was gesturing his hand with the chocolate toward the girl’s mouth. Then the girl raised her bowed head and looked intently at the boy. Then reluctantly, she opened her mouth and let the boy feed her. She chewed the chocolate slowly then...

...the boy stared at her.

I’m waiting what will happen next but I realized... I’m back in the reality now. It was not a nightmare. It was a good dream indeed. Naririnig ko nang muli ang kantang pinakikinggan ko. Nakarepeat kasi siya sa cellphone ko.

‘All those days watching from the windows
All those years outside looking in
All that time never even knowing
Just how blind I've been
Now I'm here, blinking in the starlight
Now I'm here, suddenly I see
Standing here, it's oh so clear
I'm where I'm meant to be’

Feel na feel ko na ang pakikinig hanggang sa pinindot-pindot ng katabi ko ang pisngi ko. Tuwang-tuwa talaga si kuya dyan! Palibhasa iyong kanya ay matigas kaya ‘yung akin ang lagi niyang pinupuntirya.

“Hoy kuya, tigilan mo yan! May kasalanan ka pa sa akin!” sigaw ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

Tumigil naman siya kaagad. “Sorry na...” sabi niya sa maliit na boses. Naiimagine ko nga sa utak ko ang nagpapaawa niyang mukha.

Sinilip ko siya kung talagang sincere siya sa sorry kuno niya ngunit halos hampasin at sabunutan ko siya nang makitang nakangisi lang siya. Nang sinamaan ko siya ng tingin ay saka lang siya tumawa’t humalik sa pisngi ko.

Sumimangot ako lalo. “Ikaw kuya ha! Nanlalambing ka nanaman.” Ganito talaga siya lagi kapag nagkakaroon siya ng kasalanan sa akin. Hindi man mukhang sincere ang mga sorry niya, dinadaan naman niya ako sa lambing.

Nainis ako sa kanya dahil siya lang pala iyong nagpacarwash ng sasakyan namin at hindi man lang niya sinabihan si Kuya Mark, iyong driver namin. Marunong naman siyang magdrive pero wala pa naman siyang lisensya kaya delekado pa rin. Paano na lang kapag nahuli siya? I’m not overprotective or paranoid, alright! Nag-aalala lang ako.

‘All those days chasing down a daydream
All those years living in a blur
All that time never truly seeing
Things, the way they were
Now she's here shining in the starlight
Now she's here, suddenly I know
If she's here it's crystal clear
I'm where I'm meant to go’

Oo. Alam kong mabilis akong magpatawad lalo pa’t kuya ko na itong naglalambing. I can’t be angry at him when he’s like this.

Sumandal ako ng maayos dahil humiga si kuya sa balikat ko. Tumingin ako sa bintana, nakikita ko ang bughaw na langit at ang mga lugar na lumalagpas dahil sa pagtakbo ng sasakyan. Naalala ko sila sister. Halos paiyakin nga ulit nila ako nang paalis na kami kanina. I miss them already.

Naalala ko rin iyong panaginip ko kanina. It was a good and a heartwarming dream. There’s something about it that made me feel nostalgic. Nakakapanibago rin dahil ang madalas kong mapanaginipan ay iyong masasama. Nightmares fill my every night’s sleep but today, it was different.

‘And it's warm and real and bright
And the world has somehow shifted
All at once, everything is different
Now that I see you,
Now that I see you...’

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Jay, we’re here,” paggising sa akin ni kuya. Umayos ako ng upo at tiningnan ang paligid. Mabilis akong bumaba ng sasakyan.

“Nathan! Jane! I missed you!” sigaw ni mom habang tumatakbo palabas ng gate. Nakacorporate attire pa rin siya kaya siguro ay kagagaling lang niya sa trabaho.

Sinalubong ko siya ng yakap. “Mom!” iyak ko sa balikat niya. I’m really such a crybaby but I can’t help it! I really missed her. Dalawang linggo ko rin siyang hindi nakita at para sa akin ay sobrang habang panahon na nito.

As usual ay pinagtawanan nanaman ako ni kuya dahil mukha raw akong bata. The hell I care with him and his quips.

“Jane I have a gift for you. Tingnan mo doon sa garden,” masayang sambit ni mom habang pinupunasan ang mga luha ko.

“What about mine, mom? Nasaan ang akin?” salida ng magaling kong kuya.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni mom dahil mabilis akong tumakbo papunta sa garden. I love gifts but I don’t ask my parents for those. I’m just happy that they give me some but then again I don’t want them to spoil me so much. Minsan ko na ngang sinabi na huwag na nila ako masyadong bigyan ng mga bagay na hindi ko naman kailangan but they always insist that it is their pleasure of showering me gifts.

Halos magtatalon ako nang makita ko na ang tinutukoy na gift ni mom. It’s beside the angel fountain with its shining black hue.

“Mom! Can I use it?” malakas kong tanong habang papalapit doon. I can’t believe they actually bought me a new one! Umiling-iling ako. Sigurado akong mahal nanaman ang isang ‘to but the excitement upon imagining myself using it overpowered my uncertainties.

“Of course! It’s my gift for you so it’s yours!” sigaw din ni mom na sa tingin ko ay nasa labas pa rin ng gate namin.

“I mean RIGHT NOW?” sigaw kong muli. Halos matawa ako dahil sa sigawan namin ni mommy.

Narindi na yata siya kakasigaw ko kaya naman pumunta na rin siya sa garden. Nakita ko siyang tumatawa habang lumalapit sa akin.

“You’re so loud honey,” nakangiti niyang utas habang inaayos ang buhok ko. “Eat first.”

“Mom, kakakain ko lang.” naalala ko tuloy kung paano ako pakainin nila sister sa orphanage. I wouldn’t be surprised if I’ll gain weight.

“Are you sure?” she asked, skeptical.

“Mom, alam mong hindi ako papaalisin nila sister sa orphanage hangga’t hindi pa ako nakakakain,” pagpapaliwanag ko sa kanya. Halos patabain nga nila ako doon.

She laughed while nodding. “Yeah, yeah I forgot. Okay, go on then.”

“Thanks mom!”

Binitbit ko na iyon at handa nang lumabas nang bigla ulit akong tinawag ni mom. “Oh! Then come back here before...” tiningnan pa ni mommy ang watch niya. “...five o’clock. Make sure you’ll make it back here before five. Clear?”

I nodded fervently. I really can’t contain my excitement now. “Okay. Can I go now?”

“Okay honey. Ingat ka.”

 Yes! Excited na ako. Nagdala lang ako ng tubig at face towel then larga na!

“Wear your kneepads,” bungad ni kuya na nasa tabi ng gate. Nakakagulat naman ‘to! Bigla-bigla na lang kasing sumusulpot.

“Nah. No need,” sabi ko na lamang.

“Tss, so stubborn.” nagsalita ang hindi stubborn.

Itong si kuya hindi mo talaga mapredict kung ano ang ugali. Minsan makulit, minsan malambing. Kadalasan naman masungit!

Nagkibit-balikat na lamang ako’t umalis. Hindi ko na siya pinansin. Minsan talaga may pagka O.A. yun. Pero syempre mahal ko ‘yon.

It’s been a long time since nagbike ako. Nasira kasi ‘yung luma kong bike at hindi ko naman agad sinabi kela mom kasi nakakahiya. Kaya naman nagulat ako sa regalo dahil hindi ko naman birthday.

Tuwing umaga dito sa subdivision, ito ang nagsisilbing pinakaexercise ko. Nakikilala ko rin ang mga kapitbahay namin dahil dito. Close kaya ako sa kanila.

“Jane! Naku nandyan ka na pala!” bati sa akin ni Lola Lucing nang nakita ako. Tumigil siya sa pagwawalis ng garden nila’t tumingin sa akin.

“Good afternoon po Lola Lucing! Kauuwi lang po namin ni Kuya Nathan,” magiliw kong wika. “Si mommy nakauwi na rin po, pwede niyo na po siyang puntahan,” dagdag ko pa habang nakangiti. Sinabi ko na rin na naroon na si mommy para mapuntahan niya.

See? Kilala ako dito. Meaning SIKAT ako. Angas di ba? Halos matawa ako sa sariling iniisip.

Ineenjoy ko na ang pagba-bike. Natutuwa talaga ako kapag hinahangin ang buhok ko. Mahaba kasi, feeling prinsesa lang. Uulitin ko, feeling lang!

Sinubukan kong pumikit para maramdaman ko talaga ang pagdampi ng hangin sa mukha ko pero hindi ko alam na maling galaw pala iyon. Biglang napahinto at nawala sa balanse iyong bike at tumilapon ako. May malaking bato kasi sa dinaanan ng bike at dahil nakapikit ako ay hindi ko iyon kaagad nakita. Bakit naman kasi may bato dyan?

Mabilis kong naramdaman ang hapdi sa tuhod ko at napapikit pa ako nang nakitang dumudugo iyon! I hate seeing blood! Sinubukan kong tumayo ngunit naramdaman kong parang may nadislocate din na buto sa bandang ankle ko kaya naman napaupo akong muli. Damn, I can’t stand!


“Are you ok?” Naaninag ko ang isang pares ng mga sapatos sa harap ko. Pagkatingala ko ay may isang lalaking nag-aabot ng kamay niya. Bumuntong-hininga ako’t tinanggap na lang iyon. Who am I to say no when in fact I can’t even make myself stand erect, right? Inalalayan pa ako ng lalaking iyon papunta sa isang bench at doon ako umupo. Lumuhod siya sa harap ko’t tiningnan ang sugat ko.

Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan iyong lalaki. Tantya ko ay hindi kami nagkakalayo ng edad. His hair is neither brown nor black; it’s a mix of both. Kapansin-pansin din na may itsura ang isang ‘to. Pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi siya pamilyar sa akin. I used to know every people in this village but not this one.

Nag-angat siya ng tingin at nahuli akong nakatingin sa kanya. “Thank you nga pala sa pagtulong mo sa akin,” I immediately said to cover up my embarassment because he caught me staring at him. Inilagay ko iyong kamay ko sa bulsa ko para makuha iyong panyo na iniregalo sa akin ni Sister Suzy. Kinabahan naman ako nang wala akong nakapa sa bulsa ko.

Biglang ngumiti ang gwapong nilalang sa harap ko at kinuha na niya ang sarili niyang panyo. Mabilis niya itong iniikot sa paligid ng sugat.

“Thank you,” ang tangi ko na lamang nasambit. Nakakahiya naman. Puti pa man din iyong panyo niya tapos pinambalot pa sa sugat ko.

“The pleasure is always mine.” At ipinakita nanaman niya ang misteryoso at maganda niyang ngiti. “Be careful next time, okay?” He looked up at me expectantly. I nodded to reassure him. Bakit kaya masyado naman yata siyang concern? Come on, Jane! Nag-aalala lang ‘yung tao nilalagyan mo na kaagad ng kahulugan.

Nagpaalam na siya at nagsimula nang umalis. Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang bigla siyang lumingon ulit. “I’m Darren by the way! Nice meeting you, Ms. Alvarez,” sigaw niya. Ngumiti nanaman siya bago nagsimulang maglakad

Kumunot ang noo ko. Bakit niya alam ang apelyido ko? Sa mga matatanda lang naman ako close eh bale sa kanila lang ako sikat. Pero hindi ako friendly sa mga kaedad ko dito. Weird. Alam kong dapat kabahan ako dahil isa lang naman siyang estranghero na alam ang pangalan ko pero kung iisipin, masyado naman siyang gwapo para magbalak ng masama. Hindi bagay sa kanya.

Naglakad na lamang ako pauwi. Mabuti at hindi na masyadong masakit iyong sugat ko. Marahil ay epekto lang ‘yon ng lakas ng impact ng pagkakasubsob ng tuhod ko.

“Mom! I’m here!” sigaw ko sa loob ng bahay. I used to do this kapag nakarating na ako sa bahay kaya naman nasanay na rin akong sinasalubong ni mom pero nagtaka ako dahil si ‘Nay Celia lang ang bumungad sa akin.

“Jane, anak. Sabi ng mommy mo pumunta ka raw agad sa kwarto mo pagkarating mo. May pinuntahan lang siya,” nakangiting sabi niya sa akin habang may hawak pang sandok.

“Ah sige po. Akyat na po ako.”

Bumalik na si ‘Nay Celia sa kusina. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang sugat ko. Pagkaakyat ko sa kwarto ko, may nakita akong malaking box sa kama at sulat sa ibabaw nito. Binasa ko iyon.

‘Jane, take a bath then wear this dress as well as the necklace.
We’re going to attend a party of a family friend.
Be sure to look nice okay?
I love you.  
–mom’

Kumunot ang noo ko. Kaninong party naman kaya iyon?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------