♪ Chapter 23: Those eyes
Jane’s POV
Hindi ko alam
kung ano na bang itsura ko ngayon dahil sa tanong ni Geff. So it was him who
happened to witness my entering there without the necessary permission. He
could have also heard me played the piano and sung like a retard there. I
mentally slapped myself.
How can I make
him understand na may importante akong dahilan kaya ako pumasok doon? Alam kong
alam niyang hindi dapat basta-bastang nakakapasok doon. Hindi ko alam kung pati
iyong paggamit ko ng hairpin at pagbukas noong pintuan ay nakita niya. Pero sa
tingin ko ang makita akong nasa loob ng Main office ay talaga namang
kahina-hinala.
Tiningnan ko si
Geff at seryoso lamang siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang magiging
sagot ko. Naputol naman ang pagtingin ko sa kanya nang maramdaman kong may
dumantay na kung ano sa isa ko pang balikat. Tiningnan ko iyon at nakitang
bumigay na rin si Al at nakatulog na rin sa balikat ko tulad ni kuya.
Nakita ko rin si
Phin na yakap na ang kanyang mga binti at nakasandal ang ulo niya sa kanyang
tuhod. Marahil ay tulog na rin siya.
“I guess we should take our rest for now. Lasing na
‘tong mga ‘to,” sabi ni Darren
habang pinagmamasdan iyong mga tulog. “Sabi
nila sister meron daw spare room sa tabi ng kwarto mo Jane. Doon na lang kami
matutulog nila Geff at Nathan. Kayong mga girls naman sa kwarto mo. Okay lang
ba?”
Tumango naman
ako. “Oo, ayos lang. Uhh...” Tiningnan
ko naman si Geff na nagkibit-balikat lamang at nagsimula nang tumayo. Ako naman
ay sinimulan nang tapikin ang mga mukha nila Kuya Nathan at Al para gisingin
sila ngunit walang nangyari.
May biglang
lumuhod sa harap ko at tinapik ang balikat ni kuya. “Nathan,” sabi niya. Tiningnan ko siya at nakitang si Geff iyon.
Kinuha niya ang
braso ni kuya at inilagay iyon sa balikat niya’t sinuportahan siya upang
makatayo. Nakita ko naman si Darren na karga na iyong si Phin. I guess si Al
ang sa akin. Tulad ng ginawa ni Geff ay kinuha ko ang braso ni Al at inilagay
iyon sa balikat ko at inalalayan ko naman siya sa waist niya.
“Al maglakad ka. Alam mong matangkad ka kaya
makisama ka,” I murmured at
her though I’m not so sure if she heard me.
Mapayapa naman
kaming nakarating sa second floor kung nasaan ang mga kwarto namin. Dumiretso
si Geff sa kwartong katabi ng akin. Binuksan ko naman iyong pintuan ng kwarto
ko’t binuksan ang ilaw.
Mabuti na lamang
at medyo naayos ko na ang kwarto na ‘to kanina kaya naman hindi ganoong
nakakahiya kay Darren. Napasandal naman ako sa pintuan nang may mapagtanto
akong problema.
“Dyan mo na ilapag si Phin. Sa tabi naman niya si
Al,” sabi ko sa
kanya. Tumango lang naman siya at tahimik na inihiga ng maayos si Phin.
Tinulungan na rin niya ako kay Al. Binuksan ko naman iyong electric fan dahil
medyo nararamdaman ko na iyong init.
Tumayo ng maayos
si Darren at pinagmasdan iyong kwarto ko.
“Nice room,” sabi niya.
Ngumiti naman
ako. “Ito yung madalas kong tinutulugan
kapag nag-oovernight ako dito kaya naman parang kwarto ko na din ‘to.
Nakakahiya kela sister kaya naman as much as possible ay inaayos ko ‘yung
loob.”
“So...” medyo nag-aalangan niyang panimula. “Madalas ka pala dito?” tanong niya
habang nakatingin sa akin.
Umiling ako. “Sobrang tagal ko nang hindi nakakadalaw
dito pero kahit gano’n hindi pa rin tinanggal nila sister ang mga gamit ko
dito. Tingin ko nga hindi rin nila ito ipinagamit sa iba. Dito ako nag summer
at binabalak ko rin na bumisita dito once a week,” pagkukwento ko. I don’t
know but sharing this part about me to him is kind of refreshing.
“Gano’n ba?” Bigla namang kumunot ang noo niya. “Saan ka nga pala matutulog? Pandalawahang
tao lang kasi ‘tong kama mo. Akala ko kasi magkakasya kayong tatlo dito but I
guessed wrong.”
Ipinilig ko ang
ulo ko. “May futon naman ako so doon na
lang ako matutulog,” sabi ko nang maalalang mayroon nga palang ganoon sa
kwarto ko.
Tumango naman
siya ngunit parang hindi siya okay sa idea kong sa lapag matulog.
Hanggang sa
naramdaman ko na iyong tinatawag na awkwardness.
Ngayon lang nagsink in sa utak ko na may isang lalaking nasa loob ng mismong
kwarto ko. “Sige na Darren, uhh... good
night,” sabi ko na lamang sa kanya. Sa tingin ko ay parehas lang kami ng
nararamdaman. Besides, mukhang nakainom din siya kaya naman mas maayos kung
didiretso na siya sa kwarto nila.
“Good night,” tugon niya habang iniiwas ang tingin sa akin. Is it
just me or he’s blushing? Nah. Might be my imagination. Isinara ko naman iyong
pintuan pagkalabas niya.
Pinagmasdan ko
naman ang dalawang babaeng nakahiga sa kama ko. Bakit ba kasi naisipan pa
nilang mag-inom? Hula ko ay hindi ito alam nila sister kaya naman nagawa nila
iyon.
Lumapit ako sa
kanila at tinanggal iyong mga sapatos nila’t kinumutan sila.
“I hate you,” Al mumbled under her breathe. Ang akala ko pa nga ay
ako ang sinasabihan niya ngunit nakapikit naman siya kaya marahil ay
nananaginip ‘to.
Kinuha ko iyong
gitara ko at napagdesisyunang tumambay muna doon sa garden. Halos kagigising ko
lang naman kasi kaya naman wala ako sa mood na matulog ulit. Isa pa, naalala
kong hindi pa pala ako kumakain ng dinner though hindi pa naman ako
nakakaramdam ng gutom.
Binuksan ko ang
pintuan ng kwarto ko at nagulat nang makitang nakasandal si Geff sa gilid
habang may kausap sa cellphone.
“I’ll sleep here. Nakauwi na si Carly,” sabi niya sa kausap niya though
nakatingin siya sa akin at nakataas ang kilay niya na para bang nagtataka’t may
dala akong gitara.
“Alright. Ibababa ko na,” sabi pa niya. Napansin ko namang parang
nagulat siya at bigla siyang tumingin sa kabilang direksyon kaya naman hindi ko
na makita ang mukha niya.
“Yeah. Love you too. Bye,” bulong niyang narinig ko naman. May kung
anong parang bumagsak sa akin nang marinig iyon ngunit hindi ko na lamang
pinansin. Marahil ay dahil ito sa gutom.
Itinago na niya
ang cellphone niya at hinarap ako. “Saan
ka pupunta? Gabi na ah?” tanong niya.
“Magpapahangin lang,” sagot ko naman. Tinalikuran ko na siya at nagsimula
nang maglakad. Maya-maya ay nakita ko na siyang nasa tabi ko’t sinasabayan ako
sa paglalakad.
“Saan ka pupunta?” tanong ko naman. “Magpapahangin lang din,” sagot niya. Tinaasan ko naman siya ng
kilay.
“Don’t get me wrong. Hindi kita sinusundan. I just
don’t want to sleep yet,” pagpapaliwanag
niya.
“You’re drunk and all you need to do is sleep. Don’t
get me wrong, concern lang ako,” I
mimicked him while making faces. “Baka
mamaya bigla ka na lang humandusay dyan at ako nang nagsasabi sa’yong hindi
kita kayang dalhin sa kwarto niyo kaya pababayaan lang kita kung sakali,” dagdag
ko pa. Nakita kong nakailang lagok siya doon sa baso niya kanina kaya naman
imposibleng hindi siya lasing.
Ngumiti naman
siya. “I’m not. Uminom ako pero hindi
ako lasing. I’m not even tipsy. Hindi naman umiikot ang paningin ko.”
“Ibig sabihin madalas ka talagang uminom? Kung gano’n
nga, meron kang high tolerance sa liquor.”
“Hindi ako mahilig uminom but I drink yes. If you’re
talking about tolerance, mine is considered average. Hindi naman gano’n karami
ang nainom ko kanina kaya naman hindi ako nahihilo,” he said thoughfully. Tumingin naman siya
sa akin. “Do you hate me now?”
Kumunot ang noo
ko. “Bakit mo naman naitanong?” Biglang
change topic? His eyes though looked really curious and... hurt. Medyo nalito
pa ako sa mga tingin niya.
He sigh. “I figured you don’t drink even before
Nathan told us not to give you any of those kapag nagising ka na. And the way
you look at me while I drink, parang naiinis ka na hindi. I can’t figure you
out most of the time.”
I can’t figure you out. Parang nag-eecho iyang sinabi ni Geff sa utak ko. He
can’t figure me out. So... does it mean he figures me out? I mean, he makes an
effort to understand me?
“I don’t hate you,” I said without thinking. Kusa na lamang iyong
lumabas sa bibig ko. “Though I don’t
like guys who drink and smoke but not to the point that I loathe them. Lahat
naman yata ng mga lalaki ay umiinom o naninigarilyo. And you’re not an
exception.”
“You don’t like me,” he said. It’s not a question, but a statement.
Diretso na siyang nakatingin sa nilalakaran niya habang naglalakad ng tahimik.
“Hindi naman sa gano’n.” Paano ko ba ‘to ipapaliwanag kay Geff?
Hindi naman sa I don’t like him agad.
Hindi ko naman pwedeng sabihing I like
you dahil baka mamaya ay iba pa ang maging interpretation niya doon. I don’t like him drinking but I do like him as a person... as my
friend.
“You said so yourself. Why the consoling? I don’t
need it,” malamig niyang
sabi.
Galit na siya.
Bakit naman siya magagalit? Ang hirap namang ipredict ng taong ‘to! Sinagot ko
lang naman ang tanong niya at nagsabi lang naman ako ng totoo. Hindi ko lang
masyadong nasabi ng malinaw iyong point ko kaso ang hirap namang kausapin nito
kapag mainit ang ulo. Mamaya masigawan pa niya ako.
Hindi ko na siya
kinausap pa at tahimik lamang kaming naglakad. Ang buong akala ko pa nga ay iiwanan
na niya ako ngunit nang lumiko na ako papunta sa garden ay sumunod pa rin siya
sa akin.
Pagkarating
namin sa garden ay nakita kong sobrang dilim dito kaya naman halos hindi ko
makita ang kabuuan nito. Pinuntahan ko iyong wall kung saan makikita iyong
switch ng ilaw at pinindot iyon. Pagkalingon kong muli sa garden ay namangha
ako sa nakita.
Noon, may mga
lamp post lamang sa paligid ng garden na siyang nagbibigay ng liwanag dito
tuwing gabi. May flourescent bulb din na nakakabit sa mga wiring. Basta napakasimple
lamang nito. Pero iba ang nasaksihan ko dito ngayon. May mga fairy lights na
nakapaligid sa tangkay ng mga halaman sa tabi na hindi ko napansin kanina.
Golden ang ilaw na inilalabas ng mga ito kaya naman nagrereflect ang kulay na
iyon sa mga dahon ng halaman. Kung titingnan nga ay parang mga ginto ang mga
iyon.
May mga
nakasabit naman sa punong mga tila crystal balls na naglalabas naman ng puting
liwanag. Naroon pa rin naman iyong mga lamp post tulad ng dati ngunit mas
lumiwanag na ang mga iyon.
Nagtungo ako sa
tabi ng isang puno at umupo sa isang mahabang upuan malapit dito. Inilabas ko
na rin iyong gitara ko mula sa case at nagstart nang magstrumm.
Umupo naman si
Geff sa tabi ko at pinagmasdan lamang ako.
Patuloy lamang
akong nagstrumm at pilit na hindi pinapansin ang paninitig nitong katabi ko.
Mabuti na lamang at hindi nanginginig ang mga daliri ko habang naggigitara.
“Can you sing?” biglang tanong ni Geff. Tiningnan ko naman siya. “A bit,” sagot ko. Bakit pa siya
nagtatanong eh nakita naman na niya akong kumanta noong presentation namin sa
OSWALDS na subject namin?
“Then sing,” sabi pa niya. It’s not a demand though... but a
request. A weird request.
Tumikhim naman
ako. “Tinatamad ako,” sabi ko na
lamang. Masyado kasing seryoso ‘tong si Geff at parang gusto kong lamunin na
ako ng lupa kapag tinititigan niya ako. There’s just something in his eyes that
when you look at them, you’ll just want to shut up and be captivated by those
orbs.
Kinakabahan kasi
ako. Medyo nararamdaman ko na nga ang pamamawis ng mga kamay ko dahil sa kaba.
Paano pa kaya kapag kumanta na ako sa harapan niya? Baka manginig lang ang
boses ko. This will sound ridiculous but singing in front of him is I think
worse than singing in front of a crowd.
Umayos siya ng
upo, itinukod ang kanang siko sa sandalan ng upuan at inilagay naman ang kaliwang
kamay sa kanyang baba.
“Just sing any song you like. I’ll listen,” he said while looking intently at me.
Hindi ko alam kung aware siyang kinakabahan at nahihiya ako kaya nangti-trip
siya o gusto lang talaga niyang pakantahin ako.
Hindi pa rin
niya inaalis ang tingin niya sa akin kaya naman wala na akong nagawa kung hindi
ang kumanta. Ipinikit ko ang aking mga mata nang sa gayon ay hindi ko siya
makita at hindi ko makita ang mga mata niyang nangungusap. Those eyes make me
feel so small and they intimidate me so much.
Sinimulan ko na
muling patugtugin ang gitara at sinimulan ko na ring kumanta.
‘When your soul finds the soul it was waiting for
When someone walks into your heart through an open
door
When your hand finds the hand it was meant to hold
Don't let go
Someone comes into your world
Suddenly your world has changed forever.’
I opened my eyes
only to find out that he’s still in front of me, listening, but his eyes were
close.
‘No, there's no one else's eyes
That could see into me.’
Ano nga bang
mayroon ang mga mata niya at kapag nakatingin ang mga iyon sa akin ay parang
nanghihina ako? For some reason, I just don’t want to leave those, I don’t want
to avert mine from his. At kapag nakatingin siya sa akin, parang may alam
siyang hindi ko alam. Parang may alam siya tungkol sa akin na kahit ako ay
hindi alam.
‘No one else's arms can lift
Lift me up so high.’
The way he held
me when he kissed me is something I couldn’t make myself forget. Those arms
were so gentle, like I was a glass that’ll break anytime. His kiss was
overwhelming. Maybe because that was my first kiss but there was something about
it that made it so... special. I don’t know if it was just me and the feeling
was just one sided. But nevertheless, during that time, I felt like I had wings
and that I was flying up above the sky... and was about to fall. I fall that
time, because I kissed him back.
I don’t want to
fall... again, because I don’t think
he has enough reason to catch me. And I don’t think I can handle that idea.
‘Your love lifts me out of time
And you know my heart by heart.’
I know for a
fact that he knew the real me. The Angel
Miracle he shared his memories with. But I’ve already changed. I’m Jayzelle Ayaline now. So many things had
changed but I know for sure that those couldn’t make me forget the past.
I knew he loved her. For some unknown reason, he loved me. I knew because I felt it. I knew because I remembered it.
But I don’t need
to acknowledge that love even if I wanted to so badly...
I continue
singing as he opens his eyes.
‘When you're one with the one you were meant to find
Everything falls in place, all the stars align
When you're touched by the cloud that has touched
your soul
Don't let go
Someone comes into your life
It's like they've been in your life forever.’
Hindi ko alam
kung saan ko nahugot ang lakas ng loob na sabayan iyong mga tingin niya sa akin
nang hindi nanginginig ang boses.
‘No, there's no one else's eyes
That could see into me
No one else's arms can lift
Lift me up so high
Your love lifts me out of time
And you know my heart by heart.’
“Nagugutom na ‘ko,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kawalan.
Tapos ko nang kantahin iyong Heart by Heart
kaya naman nanahimik na lamang ako. Ramdam ko na rin kasi ang pagkalam ng
sikmura ko.
“Tara,” yaya ni Geff at bigla siyang tumayo. Medyo
maaliwalas na ang mukha niya kumpara kanina na mukhang may masamang hanging
dala.
“Saan tayo pupunta? Gabi na ah?” Gusto pa bang mag-adventure nito? Grabe
lang ang energy niya ngayon ah.
“Di ba hindi ka pa kumakain? Kaya tara na, wag ka
nang makulit.” Kinuha niya
kaagad iyong gitara sa kamay ko at inilagay iyon sa loob ng case. “Wait for me here,” sabi niya pa bago
siya patakbong umalis dala iyong gitara ko.
Ayos din ‘yun
ah? Hindi man lang ako tinanong kung sang-ayon ba ako o hindi. Kunsabagay ang
sabi naman niya ay aalis kami para makakain ako.
Narinig pala
niya iyong bulong ko?
Matapos ang
limang minuto ay nakita ko na siyang palapit sa akin. Walang pag-aalinlangan
niyang kinuha ang kamay ko at hinila papunta sa gate. Hindi nakaligtas sa
paningin ko ang mumunting ngiti na nabubuo sa mga labi niya.
“Sigurado ka ba sa gagawin natin? Wala na sila
kuyang guard dyan kaya sigurado akong sarado na ‘yung gate. Okay lang naman
kung bukas na ako kakain,” sabi
ko sa kanya habang sinasabayan ang malalaking hakbang niya.
“No way. May alam akong malapit na karinderya dito.
Doon tayo pupunta.”
“Paano tayo makakalabas?” May padlock iyong gate sigurado ako.
Nag-iisip ba ‘tong si Geff?
“Akong bahala. Wala ka bang tiwala sa akin?” sabi niya. He sound so hurt upon my
skepticism. Tiningnan ko lamang siya at handa na akong tumutol sa ideya niya
kahit hindi ko pa naman alam iyon dahil knowing Geff ay baka kalokohan nanaman
iyon. Ngunit nang tingnan ko siya ay may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi.
Napakamanly niyang tingnan kapag ngumingiti siya at wala na akong nagawa kung
hindi ang magpatianod sa paghila niya sa akin.
“Oh? Ano nang gagawin natin?” I asked him, skeptical as I gaze at the
locked gate.
“Tara na balik na lang tay — Geff! Anong ginagawa
mo?!” halos
pasigaw kong utas nang makitang umakyat si Geff sa gate na para bang sanay na
sanay na siyang gawin ang bagay na iyon. Inilagay naman ni Geff ang daliri niya
sa labi niya indicating na huwag daw akong maingay.
Pinanood ko
lamang siya habang ginagawa iyon at wala akong nagawa kung hindi ang tingnan
siya. Kinakabahan kasi ako at baka bigla na lamang siyang mahulog.
Tiningnan ako ni
Geff nang mapansing nakatingin lamang ako sa kanya habang kagat-kagat ko ang
aking daliri. “Tara na!” mahina ngunit madiin niyang sabi.
Tumango na
lamang ako at ginaya iyong ginawa niya. Nang nasa tuktok na ako ay nakita ko si
Geff na nasa ibaba na at hinihintay na lamang akong bumaba.
“Jump, Jane. And please, just please don’t be stubborn.” Sinamaan niya ako ng tingin.
Ginawa ko na
lamang ang sinabi niya nang walang kahit anong reaksyon. Mamaya magalit pa ‘yan
sa akin.
Tumalon ako at
wala namang isang segundo ay nakapalibot na ang kanyang mga bisig sa bewang ko.
Sobrang lapit namin sa isa’t isa at ramdam ko ang pagtibok ng puso niya sa
kanyang dibdib.
Tumikhim siya at
binitawan na rin ako.
Tahimik lamang
kaming naglalakad. Maliwanag naman iyong dinadaanan namin dahil may mga street
lights pang nakabukas. May mangilan-ngilan ding naglalakad na mga tao kaya
naman naging kampante ako.
Nauunang
maglakad si Geff at pinagmamasdan ko lamang ang likod niya. He has this broad
shoulders na very manly talaga. Hindi rin maipagkakaila na matangkad siya at
hanggang baba lang niya yata ako. Nasa bulsa ng pantalon niya ang mga kamay
niya habang naglalakad.
Paminsan-minsan
ay humihinto siya upang magkasabay kami sa paglalakad. Maya-maya ay napansin
nanaman niyang nahuhuli ako kaya naman huminto ulit siya.
“Can’t you walk a little faster?” sabi niya na halatang naiirita. Hindi ko
na lamang siya pinatulan dahil wala na akong lakas makipagtalo pa sa kanya at
ramdam ko na talaga ang gutom ko. Naalala ko pang wala akong lunch at tanging
street foods lang kanina ang nakain ko.
Geff, noticing
my sudden quietness, looked at me, puzzled. He let out a sigh as if
understanding my unheard thoughts and guided his hands with mine, intertwined
them, and walked a little faster.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Masarap no?” tanong ni Geff habang ako naman ay patuloy lamang sa
pagkain.
Nandito na kami
ngayon sa isang karinderya na sikat yata sa lugar na ito. Kahit kasi gabi na ay
marami pa rin ang kumakain dito. Mababait din iyong mga nagseserve kaya naman
nakakagana mag-order. Not to mention the food they serve, mayroon ding ambiance
na talagang gaganahan kang kumain.
Tumango na
lamang ako kay Geff dahil ayoko talagang nai-interupt ako sa pagkain. This is a
weird side of me. Kapag talagang kumakain ako ay walang kahit na sino ang
makakakausap sa akin. Para bang gumagawa ako ng sarili kong mundo na tanging
ako lamang at ang pagkain ang nag-eexist.
Si Geff ang
nag-order ng kinain ko dahil mukhang may mas alam naman siya sa specialty ng
karinderya na ‘to. May kanin, adobo, at ginataan kaya naman ang gana kong
kumain.
“I’m full,” masayang wika ko habang nakasandal sa upuan at
nakatingin sa ngayo’y wala nang lamang mga plato’t mangkok.
“Yeah, I can see that. Obviously dahil naubos mo
lahat,” amused na wika
naman ni Geff.
Nagbayad na si
Geff sa kinain ko. Take note, kinain ko. Ibig sabihin wala siyang ginawa kung
hindi ang pagmasdan ako sa pagkain ko which I didn’t find awkward. In fact I
tuned him out once I started eating so parang hindi naman ganoon
kapansin-pansin ang presensya niya. Marahil ganoon talaga ako kapag gutom.
Tulad kanina ay
tahimik lamang kaming naglakad pabalik sa orphanage, umakyat sa gate na parang
mga akyat-bahay gang, at nagtungo sa mga kwarto namin.
“Thanks Geff, sa food. Masarap pala talaga doon,” sabi ko sa kanya. I smiled at him.
“No problem,” he said and smiled back. Tila huminto ng isang
segundo ang puso ko sa pagtibok habang nakatingin doon. Tumingin siya sa kwarto
nila na katabi ng akin na tila ba ayaw pa niyang pumasok. “I had fun today,” bulong niya.
“Me too,” sabi ko naman kahit hindi siya nakatingin sa akin.
Ipinilig ko ang ulo ko at iwinaksi ang mga kabaliwang naiisip.
Ngumuso naman
siya, halatang pinipigilan ang pagngiti.
“You didn’t answer my question earlier.”
Kumalabog ang
puso ko nang sabihin niya iyon. Ang buong akala ko ay nawala na iyon sa isip
niya! Bakit naalala pa niya?
Yumuko ako at
pinisil-pisil ang mga daliri ko. Anong sasabihin ko?
“It’s okay if you don’t want to tell me. But it
looks like you need something there. Something you need to...” he let his sentence hang in mid-air
though I know what he meant exactly.
Humarap siya sa
akin at sa hindi ko mabilang na pagkakataon ay nawala nanaman ako sa kanyang
mga mata.
“You don’t need to lie to me, you know. You can
always tell me what’s bothering you. I... I’ll always be here... as a friend.”
Medyo humina ang
boses niya nang sabihin niya ang as a
friend. Yes, Geff. I only wanted to be friends with you. ‘Cause I don’t
think I’m capable of loving for now. I was so lost, so confused and alone in my
own memories.
But I’m grateful
you’re here with me now, making new
memories. And I’m happy.
May kinuha ako
sa bulsa ko, kinuha ko ang kanyang kamay, at inilagay iyon doon.
“Thank you,” I said one last time as I opened my door and shut it
close.
Sumandal ako sa
pintuan, pumikit at pinakiramdaman ang puso kong nagwawala.
Hanggang ngayon ay
hindi pa rin pala talaga nawawala ito. Sa hindi ko inaasahang panahon ay nakita
ko siyang muli. Destiny really has its own unique way to conjoin existences
that once been separated by destiny itself. I met him even before I remembered
some of my memories with him. I had this connection with him in a very short
period of time that left me no choice but to be near him. And those peircing
eyes that was so deep I can’t even make myself look away. Those eyes that can
see through me despite the wall I build up for myself. Those eyes... that made
lying so difficult that makes me overly transparent whenever I’m with him.
Nakakahalata na kaya siya? Nakikilala na ba niya ako kahit iba na ang mukha ko
ngayon? Nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko? I feel so helpless
because I don’t have any idea what could possibly be the answers are. I feel so
frustated because even if I wanted so badly to introduce my very self to him, I
can’t.
Nagtungo ako sa
bedside table, kinuha ang notebook ko at nagsimulang magsulat. Dito ko
inilalabas lahat ng mga nararamdaman ko kaya naman kahit papaano ay lumuluwag
ang pakiramdam ko.
Matapos ang
ilang minuto ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Isinara ko na ang notebook
ko’t inilagay iyon sa bag ko bago ko tinungo ang pintuan. Pagkabukas ko nito ay
tumambad sa harapan ko si Geff na seryosong nakatayo.
Pagkakita sa
akin ay malakas niya akong hinila papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit.
“G-Geff, anong—?”
“Just a minute Jane,” bulong niya sa ulo ko.
Halos manghina
naman ako sa yakap niya at nararamdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. God, I
missed him so much pero hindi ko masabi. Sigurado na talaga akong siya si Drew,
ang nag-iisang Drew na nagmamay-ari kay Miracle...
Nasa gilid ko
lamang ang mga kamay ko samantalang hinayaan ko ang ulo ko sa balikat niya. I
felt him stiffened but he just tightened his hug. Amoy na amoy ko ang pabango
niya at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya. Nararamdaman ko rin ang
pagtibok ng puso niya. My favorite sound.
My own personal song.
Matapos ang
ilang sandali ay humiwalay na siya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo ko na
siyang ikinagulat ko. “Good night,” sabi niya bago pumunta sa
kwarto niya ngunit bago pa siya pumasok ay tiningnan muna niya ako.
“Thanks for the chocolates.” and with that, he closed the door and
tears suddenly fell down my cheeks as I too, entered my room and closed the
door.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------