Chapter 14: Black Raven

Jane’s POV

“Okay, let’s say she knows something I didn’t and I know something she didn’t. Paano mo naman nasabi yun?”

Uminom muna ako sa slurpee ko at kumagat sa palapit nang maubos na kariman ko bago ko siya sinagot.

“It’s obvious. Ang sabi mo there’s something wrong with her at iyon ay ang katotohanang hindi ka niya maalala pero alam niyang siya si Angel and another fact that she doesn’t want her identity and being alive be known to others at isa pa gusto ka niyang makita ulit at mag-usap kayo. Sapat na yun para iconclude yung sinabi ko.”

Kumagat ulit ako sa kariman ko para hayaang magsink-in muna sa utak niya ang lahat ng mga sinabi ko. Matapos kong ngumuya, nagsalita ulit ako.

“Angel has a secret at iyon ay ang pagiging buhay niya. And you are something mysterious to her. You discovered that she was alive and was here in Manila yet your identity is unknown to her. Nagegets mo ba yung situation?”

Kumunot naman ang noo niya habang nag-iisip ng malalim. Hindi ko alam but seeing him like this serious amused me.

“Okay, stop with the questions. I know you have a theory. Spill it.” This time napangiti na talaga ako. Nakakatawa kasi ang itsura niya ngayon. Eager yet frustrated at the same time.

“Okay. Theory ko lang ‘to ha? But before that, answer my question first. It’ll be necessary to support my theory. Ano yung aksidente na kinasangkutan niya?”

Okay, medyo nagiging paranoid na din ako and I badly want to know what the accident was. Medyo ina-anticipate ko na na Car accident ang tinutukoy niya pero deep inside me hinihiling ko na sana hindi. It’ll be beyond coincidence kung pati iyon ay magkatulad pa kami.

“Here’s the tricky part.” panimula niya. “Angel’s twin kasama yung parents nila ay umalis sakay ng isang sasakyan at naiwan naman si Angel at ang kuya niya sa bahay nila. Then....I don’t know what happened afterwards.”  Uminom muna siya sa slurpee niya bago nagpatuloy. Actually halata sa kanya na kinakabahan siya. Hindi ko lang alam kung bakit.

“Mahirap lang kami ng pamilya ko. Namatay si mama pagkapanganak pa lang sa akin. Masyadong nadepress si papa at nung mga panahon na ‘yon eh may sakit pa siya sa baga.”

I feel bad for his family. Hindi rin pala maganda ang nangyari sa past niya. I mentally slap myself. Kung sana hindi ko na pala siya tinanong ng tungkol sa aksidente at sinabi ko na lamang ang theory ko tungkol kay Angel ay sana hindi na siya ganito kalungkot. Naintindihan ko na rin kung bakit siya kinakabahan.

He’s not used to telling someone about his life.

“Okay lang kay papa na wag nang magtrabaho at hayaan na lang ang sarili niyang.....mamatay. Pero narealize niyang hindi yun pwede dahil....yun nga, buhay ako, humihinga at kailangan ng kalinga.”

Huminga siya ng malalim bago uminom muli sa slurpee niya. Uminom na lang din ako sa slurpee ko.

“Not long after that, napagdesisyunan ni papa na humingi ng tulong sa matalik na kaibigan ni mama.” Matapos ng lahat ng sinabi niya, ngayon lang siya tumingin sa akin ng diretso. “And that’s how my life literally started with the Yllanas’.”

Inisip ko naman lahat ng sinabi niya. “So, pinatuloy kayo ng pamilya nila Angel sa bahay nila?” tanong ko.

“Not only that. Binigyan din nila ng trabaho si papa bilang driver ni Mr. Yllana at pinag-aral nila ako kasama ng mga anak nila sa isang mamahaling school. Sobra sobra na nga iyon kung tutuusin.”

Bigla namang kumunot ang noo niya na para bang nagtataka habang nakatingin sa akin.

“Bakit ganyan ka makatingin? You look creepy Javier.” sabi ko na lamang.

“Nagulat lang ako. Ito pa lang yung pangalawang pagkikita natin pero masyado na akong naging komportable sa’yo to think na naikuwento ko na yata sa’yo yung buong buhay ko.”

Itinapon ko na sa basurahan ang lalagyan ng slurpee at iyong plastic ng kariman bago ako pumangalumbaba sa harapan niya. “Same here.” sabay ngiti ko sa kanya.

After that he stared at me.

Naalala ko iyong nangyari kanina sa auditorium but I shove those memory away for later. Ayokong maramdaman nanaman ang mga negative emotions na iyon na alam kong hindi naman tama. Instead, I just stared at Javier too.

“You have the same eyes.”

“Nino?” I was a bit surprise for the abrupt change of topic.

“Angel. Lalo na kapag nakangiti. Bakit ba ngayon ko lang napansin?”

“Masyado ka kasing naging melodramatic kanina at ang iyong undivided attention ay di magagawang pansinin ang pinakamaliit na bagay tulad nito.” Tinaas-baba ko pa ang mga kilay ko para mas maging effective iyong joke ko. Hindi naman ako nabigo dahil napatawa ko siya. That made me feel better kaysa naman kanina na masyado na siyang depress.

Tumunog naman ang cellphone ko at nakitang tumatawag na si kuya Nathan.

Syete, nalimutan ko na iyong oras dahil kay Javier. Not that I blame him. Time just flies so fast lalo na kapag masaya ka. Oh well, this is it. My impending doom.

“Where are you?” Halata kay kuya na nagpipigil siya ng galit.

“7eleven. Sorry di ko lang napansin yung oras. Pauwi na rin ako kaya wag ka nang mag-alala.”

“Ghad Jay! You’re asking me not to worry?! How could I not kung—”

“Kuya! I just asked you na wag ka nang mag-alala di ba? Oo na, oo na. Uuwi na ako okay? Wag ka nang magalit!”

Umupo naman nang maayos si Javier nang marinig niyang binanggit ko ang salitang kuya at ako na sumisigaw na rin. Nakakahawa talaga si kuya, grabe. Nasira tuloy ang mood ko. Ito ang problema kapag may kuya kang overprotective.

“No. Stay there. Wait for me.”  Galit pa rin siya pero di na masyado.

“Pupunta ka dito? Kuya wag na. Hassle pa tsaka gabi na. Malapit lang naman ‘to sa pad namin ni Al eh.”

“Actually nandito ako sa pad niyo ngayon.” Woah. Did I hear him right?

“Wait. Nasan ka ulit ngayon kuya?” tanong ko pa ulit. Nagbabakasakaling mali iyong pagkakarinig ko.

“Your pad.” Huminga siya ng malalim. “Alright. Jay I know what you’re thinking and stop with the smirking.”

“How did you know I’m smirking?” Tiningnan ko naman si Javier na natatawa na sa akin.

“I just know.” Okay. I rolled my eyes at that. Narinig ko naman ang isang weird sound na nanggagaling kay Javier. Nagpipigil siya ng tawa. Binatukan ko nga. Binigyan naman niya ako ng tingin na nagsasabing, “What did I do?”. Binigyan ko naman siya ng “Seriously? You didn’t know?” look. This time tumawa na talaga siya at di ko na napigilan ang sarili kong tumawa na rin.

“Jay?”

“Yep?” Umiiling-iling pa ako dahil kay Javier.

“Are you with someone?”

“Yep. How did you know?”

“I guessed.” Yeah whatever. Alam kong umaariba nanaman ang overprotective genes ni kuya sa katawan niya.

“Okay kuya. I’ll stay here and wait for you. Ingat.” Then ibinaba ko na ang phone.

“Ang kulit niyo ng kuya mo. Hahaha.”

“Halata ngang tuwang-tuwa ka eh.”

Matapos ang ilan pang minuto, bumukas na rin ang pintuan ng 7eleven at nakita si kuya na naka faded pants at green t-shirt. Nasabi ko na bang gwapo talaga ang kuya ko? Of course I wouldn’t dare tell him that. Baka bumagyo pa dito nang wala sa oras.

Tumayo naman na ako at niyakap si kuya. Tumayo na rin si Javier.

“Kuya, si Javier nga pala. Schoolmate natin. Javier, kuya ko.”

Inextend naman ni Javier ang kamay niya para kay kuya at sa kabutihang palad ay tinanggap naman niya.

“Kuya? Okay ka lang?” Medyo naging stiff kasi siya. Hindi rin ako sure pero parang naging tensyonado bigla iyong atmosphere sa pagitan ng dalawa. Well, actually kay kuya nanggagaling ang tensyon at si Javier parang nagtataka lang.

“Javier, una na kami ah? Thanks sa time.” Kinaway ko na lang ang kamay ko sa kanya at hinila na si kuya palabas.

Tahimik lamang kaming dalawa ni kuya sa buong byahe. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano basta ako guilty. Gabi na kasi tapos eto dapat nagpapahinga na si kuya dahil alam ko namang pagod na siya galing sa class at basketball practice pero ito siya at sinundo pa ako.

Pagkarating namin sa pad, nakita ko na agad iyong bag ni kuya sa may sofa kaya alam kong dito ulit siya sa amin matutulog.

“Kuya—”

“Sige na Jay, pumasok ka na sa kwarto niyo. We’ll talk tomorrow.”

“Okay.” Humalik na lang ako kay kuya sa cheeks niya at pumasok na sa kwarto namin ni Al.

Tulog na si Al pagkapasok ko kaya naman dahan-dahan akong kumilos. Matapos kong maligo’t makapagbihis ng pantulog, umupo muna ako sa tapat ng study table ko at nagsulat sa ‘notebook’ ko tulad ng nakagawian.

(A/N: See picture of Jane on the side.)

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Nasaan siya?”

“You think I’ll tell you?! Ha! I’ll die first before you can even touch her!!”

“Oh? Ang tapang mo ah? Anak mayaman ka nga, umeenglish tol!”

“Haha, kaya nga eh. Halughugin niyo yung buong bahay! Pag nakita niyo yung babae patayin niyo na agad!”

“Boss, paano ‘tong isa?”

“Ako nang bahala sa kanya.”

Gunshot.......blood..........fire..........

.....brown eyes........smile.......death.

Naramdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko bago ko pa narealize na umiiyak ako. Mabuti na lamang at hindi ko nagising si Al.

Tulad ng dati, matapos ng mga panaginip ko, nararamdaman ko iyong sakit sa puso ko. Pakiramdam ko ang laki ng nawala sa pagkatao ko. Parang napakalaki ng nawala sa akin. Hindi ako buo. Wala akong gustong gawin ngayon kung hindi ang ilabas lahat ng hinanakit, sama ng loob, lungkot, lahat lahat. Hindi ko kayang hindi ilabas dahil pakiramdam ko kung hindi ko gagawin iyon ay sasabog ako. Hindi ko kayang kimkimin lahat.

Pumikit ako at hinayaan ang sarili kong bumalik mula sa mga pangyayari sa panaginip ko. It all seems surreal yet real. All the heartaches I felt will keep coming back to me if I did but doing so feels like the right thing to do at this moment.

(A/N: See picture of Jane on the side.)

“Ang tagal nila, kuya. Anong oras ba sila babalik?”

“I don’t know Miracle. Ang sabi nila tatawag sila kung hindi sila makakauwi ngayong gabi.”

“Hindi pa ba sila tumatawag?”

“So impatient Miracle. Come here.”

She made herself comfortable in her brother’s arm that night, inside the terrace of her room, in a sofa bed.

Miracle was starting to drift into sleep when a loud and booming sound disturbed the silence of the night.

Someone slamed the front door downstairs so hard that the door’s hinges might probably be detached from the wall.

“Kuya?” She became aware of how terrified she was. Her brother just kissed her in her forehead for assurance. “Wait here. I’ll be right back.”

He went out of her room and her room’s door being slightly open gave her little assurance that everything’s alright, that her brother will come back in a short time, that maybe those who were downstairs were just their parents.

How her brother slowly went out of her room, the fast he went back and slowly and silently closed the door. It’s not what Miracle was terrified about but how was her brother’s horrified face when he turned around to face her.

Without any word, she hurried back to her brother’s arms then felt herself became limp when she reached him.

“Miracle, listen to me.” He cupped his sister’s face and looked straight into her eyes. “Whatever you hear, whatever you see, and whatever you witness, don’t ever go out and don’t make any noise. You hear me?” Miracle just nodded frantically.

He then lifted the brown carpet in the left side of her room which underneath revealed a broken tile. He again lifted the tile which then revealed a red button. He pushed it, causing the bookshelves in front of them be divided into two, revealing a dark small room on the other side.

“Go!” He whispered with full force. “Kuya, what’s happening? Why can’t youThe sound of footsteps outside of her room caused her to stop and her brother to curse under his breath. He looked desperately to Miracle one last time and kissed her in her forehead. Her brother’s last words made her heart to ache and tears to run down her cheeks.

“I love you.”

Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak ng umiyak dahil sa alaalang hatid ng panaginip na iyon.

This time, I’m sure what that meant.

“Kuya.....kuya........”

Nagsisimula na ring sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na rin akong huminga dahil dito.

“Kuya.....”

“Aya! B-bakit?” Naramdaman kong umupo na si Al mula sa pagkakahiga at hinawakan niya ang mga balikat ko para makita ang mukha ko.

Umupo na rin ako at niyakap si Al ng mahigpit.

“Al....si k-kuya. Si kuya....napanaginipan ko siya. Naaalala ko na k-kung...p-pano siya......”

“Ssshhh....Aya wag ka nang umiyak. Panaginip lang ‘yon.” Niyakap din niya ako ng mahigpit kaya naramdaman ko na kung paanong nagtataas-baba ang mga balikat ko habang umiiyak.

“Hindi Al! Nangyari yun. Alam kong nangyari yun! Naaalala ko na.” Ang sakit sakit malaman ng bagay na iyon. Bakit ngayon lang?

“Nathan!” Tawag ni Al kay kuya. Nang hindi pa rin siya pumapasok ay tinawag niya itong muli. “Nathan!”

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Sigurado ka bang papasok ka pa? Pwede pa kitang iuwi kung masama pa pakiramdam mo.”

Nandito kami ngayon sa labas ng academy. Basa ang buong paligid, dulot siguro ng ulan kagabi. Malamig din ang simoy ng hangin at nagbabadya ang muling pag-ulan kaya naman nagsuot ako ngayon ng jacket.

Nang pumasok si kuya sa kwarto namin ni Al kagabi, nakita ko ang halos pagkawala ng dugo niya sa katawan dahil sa biglaang pagputla niya. Siguro ay dahil iyon ang unang pagkakataon na nakita niya akong umiyak ng sobra. Total breakdown. Kahit ako, alam kong iyon ang pinakaworst breakdown ko. At kaninang umaga pagkagising ko, ramdam ko kung paanong naging maingat si Al at si kuya sa pagkilos nila sa akin gayundin ang paraan ng pagsasalita nila sa akin na para bang anumang oras ay mababasag ako.

“Oh kung gusto mo mamasyal na lang tayo ngayong araw? Gumawa na lang tayo ng excuse letter sa mga prof natin. Tingin mo Aya?”

Tiningnan ko naman si Al gamit ang “Are you serious?!” look.

“Al, alam mong ngayon ang presentation natin sa OSWALDS kaya di pwedeng umabsent tayo. Kuya ayos lang ako.”

Binigyan naman nila akong dalawa ng “Weh?” look. Natawa tuloy ako.

“Promise.”

Naglakad na kaming tatlo papasok sa academy at simula doon ay naramdaman ko na ang mga titig ng mga estudyante sa amin. Hindi ko alam kung ilusyunada lang ba ako pero pakiramdam ko ang sama ng tingin nila sa amin, particularly sa akin. Obviously hindi para kay kuya ang mga tingin na iyon dahil—

...ah okay. Naiintindihan ko na. I rolled my eyes.

Naglalakad kasi kaming tatlo nila Al at kuya na ako ang nasa gitna. Hawak ni Al ang left hand ko at hawak naman ni kuya ang right hand ko.

HHWW.

Mamatay kayo sa inggit! Hahaha

Alam ko rin kasing walang nakakaalam sa academy na’to kung sino nga ba ang younger sister ng sikat na si Alec Alvarez. Oo, Alec ang tawag sa kanya dito. Kaming dalawa lang ni Al ang tumatawag sa kanya ng Nathan.

Hinatid kami ni kuya sa tapat ng dance room dahil p.e. ang first class namin. Nagtaka naman siya nang makita ang expression ko.

“Bakit ka ganyan makangiti?”

Nang makita na rin ni Al ang mukha ko, ngumiti rin siya. Parehas talaga kami ni Al ng takbo ng utak.

“Wala!” we both said in unison.

Nagulat ako nang niyakap ako bigla ni kuya ng mahigpit pero sandali lang naman.

“Al.” Sabi niya matapos niya akong yakapin. Tumango lang naman si Al bilang tugon.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung tungkol saan iyong pinag-usapan nila Al at kuya kagabi. Ayoko namang tanungin sila ng tungkol doon dahil......ayoko lang. Kung tungkol man sa akin iyon, gusto kong sila mismo ang magsabi sa akin at hindi iyong pipilitin ko pa sila.

Iyong tungkol naman sa kagabi.......hindi ko pa rin kinukwento ng maayos sa kanilang dalawa. Gusto kong sa akin muna iyon and they respect that. Ang sabi lang nila kung gusto kong may makausap tungkol doon ay wag akong mag-atubiling kausapin ang kahit sino sa kanilang dalawa which I’m thankful for.

Pagkabukas ko nang pintuan ay nakita kong kalahati ng mga blockmates ko ay naroon na. Si Darren nakaearphones kaya hindi niya kami napansin; si Phin hawak ang cellphone niya at tinapunan lang niya kami ng kaunting atensyon at muli rin niyang ibinalik ang mga mata niya sa ginagawa niya, nakaponytail ngayon ang medyo wavy at hanggang likod niyang buhok kaya naman maaliwalas ang aura niya ngayon; si Geff naman pagkapasok pa lang namin ay ibinigay na niya sa amin –tingin ko sa akin, oo na feeling na akong masyado!– ang buong atensyon niya. Matagal pa niya akong tinitigan kaya naman ako heto at hindi na rin matanggal ang tingin sa kanya. Naalala ko naman kung gaano kamugto iyong mga mata ko kaya naman nag-iwas na agad ako ng tingin. Si Grace naman ay nakita kong hawak ang kanyang gitara habang nagsa-strum at si Neth sa kanyang harapan habang kumakanta ng mahina. Nakaupo sila sa pinakalikod at pinakadulong bahagi ng room katabi ng bintana. Ibinaba ko muna ang mga gamit ko at pumunta na sa kanilang pwesto. Ganoon din naman ang ginawa ni Al.

“Good morning!” bati ko sa kanila. Nakaramdam agad ako ng guilty nang magtama ang paningin namin ni Neth pero nginitian naman niya ako. “Practice tayo?” alam kong napansin niya iyong mga mata ko pero hindi naman na siya nagtanong pa. Tumango naman ako sa kanya bilang tugon.

Matapos magstrum ni Grace sa gitara niya ay saka lang niya kami tiningnan ni Al. “Girls! After lunch punta agad tayo sa audi para magpractice. Kumpleto kasi doon yung instruments eh.” saka naman niya ako binigyan ng nagtatakang tingin, “Anong nagyari sa mata mo?”

“Nanood kami ni Aya kagabi ng koreanovela eh nakakaiyak, kaya ganun.”

“Anong koreanovela?” tanong agad ni Neth.

“Wait, mahilig ka din sa koreanovela?!” halos lumuwa na iyong mga mata ni Grace na nakatingin kay Neth. “OMG! May cd kayo? Pahiram naman! Anong title?” sabi naman niya sa aming dalawa ni Al.

Tumingin naman ng makahulugan sa akin si Al. Ayan kase gagawa na nga lang din ng istorya eh wala namang back-up. Hindi naman kasi mahilig si Al manuod ng mga ganun. Ang sabi niya ang korny daw.

“Ano nga ba ulit title nun Aya? Haha masyado kasi akong nahabag sa story line kaya nalimutan ko na.”

“Ano ba naman yan Liz! Nanunuod ka tapos di mo alam title? Ibang klase.” bara ni Grace kay Al. Haha, nakahanap din sa Al ng katapat. Goodluck sa dalawang ‘to.

“Hindi naman kasi kelangan malaman yung title para maintindihan ng maayos yung istorya!” nakataas kilay na sagot naman ni Al.

“Mahalaga ang title sa isang palabas, hindi mo ba alam yun? Nirerepresent ng title ang kabuuan nito. Kung wala iyon, walang halaga yung pinanuod niyo!”

“Wala akong pake sa title! Basta nakapanuod ako yun ang mahalaga!”

“Oh ano naman yung nangyari sa pinanuod niyo?”

“Ano...wait. Basta yung bida biglang namatay! Tapos yung mga tao sa paligid niya umiyak. Di ba Aya?” to nanaman si Al, nanghihingi ng tulong. Natatawa na nga lang kaming dalawa ni Neth eh.

“Oo, ganun nga.” kahit hindi ko naman alam kung ano nga iyong tinutukoy ni Al na palabas.

“Eh ano nga yung title?” pangungulit pa ni Grace.

Ano nga bang palabas? I start to crack my brain. Yung heroine namatay? Ah!

“49 days: Pure Love! Maganda yun!” tuwang-tuwa kong sabi sa kanila. Ito kasi ang pinakafavorite kong koreanovela.

“Weh? Oh-my-gee! Peram talaga ako Jane!” parehas na lang kaming tumili na parang buang ni Grace.

“Ako din!” Sali naman ni Neth.

That makes us three.

Si Al? Binigyan lang kami ng “You guys are crazy” look. Natawa na lang kami sa kanya.

Nagsimula na rin ang p.e class namin. Dahil first day namin ito sa p.e. ay ipinaliwanag lang ni Ms. Sierra, prof. namin sa class na ito, ang nilalaman ng syllabus namin. Puro tungkol pala ito sa Physical Fitness kaya ibig sabihin wala masyadong sayaw.  T__T  Mas gusto ko pa man din iyon kaysa sa mga curl-ups, sit and reach and the likes.

After ng class, pinuntahan ko naman si Neth dahil naalala kong may reflection report siya kay Ms. Adrias at hindi ko pa siya nabibigyan ng matinong ‘tulong’ na ipinangako ko sa kanya. Napagkasunduan naman namin na after school ay tatambay ulit kami sa LC.

Dahil may break naman, tatambay muna kaming tatlo sa WSMC room. Okay lang naman mang-imbita kami doon ng kahit sinong hindi member ng club. Nang medyo malapit na kami sa club room ay may narinig kaming tumutugtog ng gitara, bass, keyboard at drums at isang vocalist na lalaki. Naisip ko tuloy kung ito ba iyong sikat na banda dito sa campus. ‘Black Raven’ yata ang pangalan nun. Dahil ayaw naman naming makaistorbo ay sumilip muna kami.

And what –actually, who– we just saw inside singing made our jaw dropped straight to the floor.

‘She comes back
She says she’s sorry
The skilled hands that I missed caress my own
The apologetic eyes that look at me, the voice I want to hear
Tenderly telling me not to cry’

Shemay, ang ganda ng boses niya! Yung tipong tumataas lahat ng balahibo ko sa katawan kapag narinig ko na ang boses na ‘yun. Bakit ba hindi niya ito ginawa sa birthday niya?

‘If I hold you in my arms you disappear and
The tears flow and my pillow becomes wet
At last I wake up from my sleep
Morning is always like this… My Love’

Nakapikit pa siya habang dinaramdam ang bawat lyrics ng kinakanta niya. Mukha siyang anghel kapag ganyan siya.

Tiningnan ko naman ang iba ko pang mga kasama at nakita kong pare-parehas silang nakanganga.

“Oh girls. Baka may tumulo.” natatawa kong bulong sa kanila.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalaking kumakanta sa harapan. Siya iyong vocalist and at the same time guitarist. Talented ‘to, di maipagkakaila. That reminds me.......

“I’m Darren by the way! Nice meeting you, Ms. Alvarez.”

Bago pa kami magkita sa party, kilala na niya agad ako. Hindi naman ako ganun ka-sikat doon sa subdivision namin dahil hindi naman ako pala-labas kaya nakapagtataka lang na kilala na niya agad ako.

At isa pa nasa akin pa pala ang panyo niya, nalimutan ko nang ibalik.

‘I hope I fall asleep forever like this
I wake up with her presence still…
Although I hope I don’t dream again,
Today too it seems I fall asleep with her presence’

Galit din kaya siya sa akin tulad ni Phin at Geff? Dahil kay Alex? Hindi kami ganun ka-close pero naging mabait naman siya sa akin noong mga panahon na nagkikita kami, accidentally man o hindi tulad noong pagtulong niya sa akin nang natumba ako sa bike, doon sa birthday party nila Phin at nang sinundo nila kami papunta dito sa Manila, kaya naman ayokong isipin na may galit siya sa akin.

‘She’s smiling
It’s really been too long
I’ve missed that expression, she’s my girl isn’t she’

Matapos niyang kumanta, hindi na namin napigilang apat na pumalakpak. Nagulat naman silang lahat na nasa loob nang makita kami. Si Darren naman nagulat din pero ngumiti rin. Nang magtama ang tingin namin, mas lumawak pa ang pagkakangiti niya. Ginantihan ko rin siya ng ngiti.

Haay, buti naman hindi siya galit!

Ang tanging nasa loob lang ay sila Darren, yung bassist, drummer at keyboardist. May brown hair si Darren, may pagka-tsinito, may matangos na ilong, basta may itsura siya. Parehas sila ni Phin ng mata, patunay lang na kambal talaga sila. Naka blue stripes polo shirt siya at blue jeans. Iyong drummer at bassist ay parehong lalaki samantalang iyong keyboardist ay babae. Pare-parehas silang nakasuot ng black t-shirt na may print na ‘Black Raven’.

Wait.....si Darren ang main vocalist nila?

Matapos ayusin ng Black Raven ang mga instruments nila, nagsimula na silang magpakilala sa aming apat isa-isa. Si Michael ang drummer, nalaman ko rin na member siya ng Waldroves at ang pagda-drum niya ay supposed to be pastime lang pero kalaunan ay napamahal na rin siya doon. Si Derrick naman ang bassist at tingin ko ay magkakasundo kami dahil parehas naming mahal ang pagtugtog ng Bass. Parehas kaming naniniwala na ang Bass ang “hindi nagli-lead sa isang banda pero hindi naman nagpapahuli.” Binigyan pa nga niya ako ng high-five nang malamang parehas kami ng interest. Then si Chenille naman ang keyboardist. Bestfriend sila ni Amirah na siya namang president ng WSMC. Siya naman ang sa tingin ko na makakasundo ni Al dahil parehas silang keyboardist. Binulungan pa nga kami ni Chenille ng isang chika na si Michael daw ay may hidden crush kay Amirah.

Lastly, Darren. Sinabi namin sa iba na kilala na namin siya dahil blockmates kami.

“Si Darren na ba yung magiging main vocalist ng Black Raven?” tanong ko sa kanila.

“Actually siya na talaga yung ideal main vocalist namin dahil si Chester grumaduate na. Well, the decision is for Darren to make.” sagot ni Derrick. Si Chester yung past main vocalist ng Black Raven na kapatid naman ni Chenille.

“Oo nga Darren! Grab the opportunity na. Ang ganda kaya ng boses mo.” Kung hindi lang totoo ang sinabi ni Al, iisipin ko talaga na bias lang siya kay Darren dahil crush niya ito.

“Iniisip ko kasi, hindi ba mahirap kapag pinagsabay-sabay ko yung academics ko, yung basketball then ito?”

“Member ka rin ng Waldroves?” gulat na tanong ko kay Darren.

“Nagtrials pa lang ako. Hindi pa naman sigurado kung maa-accept ako o hindi.”

“Imposibleng hindi! I’m telling you Jane, this guy is something lalo na pag may hawak na na b-ball.” sabi sa akin ni Michael habang pina-pat niya ang balikat ni Darren.

Patuloy lang kaming nagkuwentuhan habang kumakain ng baked cookies na hinanda ni Chenille. Member rin ng WSMC ang Black Raven kaya naman most of the time ay dito rin sila tumatambay. As for Darren, matapos niyang magtrials sa basketball ay pinilit siya ni Michael na sumali rin dito nang malaman niyang marunong siyang maggitara. Hindi naman makatanggi si Darren.

Habang nag-uusap kami, ngayon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng club room na kinaroroonan namin. May isa pang pintuan papunta sa isang kwarto na may t.v. set, table, ref, sink, microwave, at utensils samantalang dito naman sa mismong kinauupuan namin ang kinalalagyan ng iba’t ibang instruments. Grabe, ang gara talaga ng room na ito.

Matapos kong pagmasdan ang kabuuan ng club room, tiningnan ko naman isa-isa ang mga bagong mukhang nakilala ko ngayon dito. Ang gaan lang sa pakiramdam na mayroon na naman akong bagong mga kaibigan.

Worth it talagang maging member ng Walden Symphony Music Club!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------