Taon na ang binilang simula nung huling JSL Meet-up na
napuntahan ko kaya naman nang nalaman na magkakaroon ulit at medyo malapit pa
sa amin ay hindi na ako nagdalawang isip pa na umatted. And it wasn’t just a
simple meet-up because it was prepared to celebrate something special for our
Queen. Nadagdagan na naman ng milyon ang JSL family/readers niya!
Naaalala ko pa noon nang natapos kong basahin ang End This
War at mga dalawa pa niyang libro, alam kong isa siya sa mga magagaling na
writers sa wattpad noon. Nang nagawi ako sa mismong wattpad page niya ay nakita
kong around 80k pa lamang ang mga followers niya. I knew of some writers na
hundred thousands na ang followers however para sa akin ay deserved ni Queen na
may ganoong bilang ng mambabasa based on how good, heartfelt, and impactful her
words were in her stories. Not to mention ang mga plots ng story niya na unique
at ang magandang fictional world na ginawa niya. Who wouldn’t want to live in
Alegria right? I knew she was underrated then at iyong mga readers niya na sa
simula pa lang ay kilala na ang mga stories niya ay napaka swerte.
I’ve been a silent reader since I discovered her and her
stories. I saw how she bloomed as a writer and how her world grew using the
words that came from her heart and experiences. At ngayon sa achievement na ito
ay nakakatuwang isipin na narito pa rin kami, ilang taon man ang lumipas,
ngunit hindi gulat sa mga nangyayari at masaya lamang na ipagdiwang ang
ganitong pangyayari kasama siya. She deserved it; not referring to the fame or
the recognition she has right now (altho I believe that she deserved that too) but
the love that keeps on growing and growing around her world and how her words
reached millions of hearts.
I asked my JSL (old) friends kung sino-sino sa kanila ang
mga aattend. I contacted two of them and had them confirmed na attend sila.
Paunahan sa facebook ang pagpapalista para sa ticket at dahil hindi aattend
iyong JSL friend kong madalas na isabay ako sa mga ganito ay mag-isa akong nag
abang sa fb, lol. Windang pa ako no’n dahil nang nag announce si Ate Cha na
pwede na mag comment doon sa post niya ay nagdagsaan kaagad doon ang mga JSLs.
Nang nakapag comment ako ay parang nawalan pa ako ng pag asa dahil bumagal pa
ang data ko noon at medyo nagtagal ang loading ng comment ko, haha.
But then nag reply si Ate Cha sa comment ko at binigyan ako
ng number para sa ticket (I was happy!). Around QC area ulit ang meet-up kaya
naman ayos lang sa akin at hindi na ako nag alala dahil maraming beses na akong
nakapunta doon para umattend ng JSL events noon. May ibinigay din na guide sila
Ate Cha para makapunta sa venue.
Isa ako sa mga around 5 JSLs na naroon. Ka-chat ko naman
yung kaibigan ko para magbigay ng mga updates at alamin kung nasaan na siya.
Nang nakapagpalista ay umupo na ako sa designated seat ko at ayun ay nakipag-usap
sa katabi. Dahil normal sa JSLs ang pagiging friendly (based on experience) ay
naging magaan agad ang loob ko sa dalawang bagong nakilala (at kapangalan ko pa
‘yung isa! Hi!). Hindi rin naman nagtagal ay dumami na ang mga JSLs at nakita
ko na rin sa wakas ang dalawa kong kaibigan (met them last 2016 JSL Christmas
Party in QC). Ilang taon na simula nung huling kita namin kaya tuwang-tuwa ako
nang nakapag usap kami doon at parang mga baliw na nag ingay at tawanan, haha.
Memorable moment sa meet-up na ito ay ang pabinggo nila Ate
Jobel. Wala akong masabi, yung energy level namin lagpas lagpas, sobrang ingay
talaga namin na halos dumagundong ang building, lol. Nang medyo malapit nang
matapos ang binggo ay nanalo pa ako ng book! (Hi Rad!) Di ko inakala! And guess
what, pati yung kaibigan kong kapangalan ko ay nanalo din the same moment as
me! Sabay kaming tumayo at pumunta sa harapan. Parehas kaming gulat habang
nakatingin sa isa’t isa. Ang akala ko pa noon ay pipili lang ng isa sa amin
kung sino ang makakareceive ng book pero laking tuwa ko nang parehas na kaming
binigyan ni Mel ng IOF.
Nakausap din namin si Queen sa phone (*o*) at may pa-lechon
pa! Sobrang saya naming lahat that day. Noong una ay hindi pa kami
magkakakilala pero ilang minuto lang at ayun, maingay na sa table namin.
Maikling oras lang ang meet-up na ito pero sapat na iyon para maging masaya ang
lahat at umuwi na may ngiti sa labi. Ang mahalaga ay naicelebrate ang araw na
iyon kasama ang mga JSLs at si Queen J. Nagkaroon ng picture taking bago
magsiuwian at masayang nagpaalam sa isa’t isa, looking forward to seeing each
other soon.
No comments:
Post a Comment