Phase 5: Change

Bumaling ako kay Pres. “Ako na lang ang pupunta sa infirmary. Ihatid mo na lang sila.”

“Kaya mo?” tanong niya. Mukhang naiirita nanaman siya sa akin. Masasanay din ako dito. Well, actually sanay na ako.

Tiningnan ko rin siya ng masama. “Oo, kaya ko.”

“I don’t care,” walang gana niyang sabi sabay luhod sa harapan ko.

Mabilis akong umatras at kinuha kaagad ang suot na high heeled shoes. Wala akong suot na kahit anong medyas kaya naman mabilis kong naramdaman ang lamig ng semento. Tumayo ako ng maayos at diretsong tiningnan si Pres na ngayon ay nakapamaywang sa akin at sarkastikong nakangiti sa akin.

“Kaya ko ang sarili ko kaya hayaan mo na ako.” Seriously. Bakit ba ang big deal sa kanya nito? Parang paltos lang at may kaunting dugo, akala mo naman emergency na kung makapag-alala. Nag-aalala? Halos matawa ako sa naiisip. I’m beyond crazy for entertaining such a ridiculous thought. He’s not capable of caring lalo na kapag sa akin. Who am I kidding?

Kunot na kunot pa rin ang noo niya habang nakatitig sa akin. Isang tingin pa ang ginawa niya sa mga paa ko bago siya naglakad at padabog na bumalik sa swivel chair niya.

“Fine. Do whatever you want,” sabi niya habang kinukuha ang patung-patong na papers sa table niya. Sinimulan niyang basahin iyon.

I took that as my cue para umalis. Gusto ko sana siyang tanungin kung sino iyong Cara na mukha yatang kilala ako. I don’t even know her at ngayon ko lang siya nakita ngunit kung tawagin niya ako sa sariling pangalan ay para bang matagal na kaming magkakilala.

But I decided against it. Wala sa mood si Pres and so am I. Baka magsigawan pa kami dito sa loob kapag nagkataon.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Ate Ai!”

Napangiti ako nang salubungin ako ng yakap ng dalawa kong churchmate slash bestfriend nang dumating ako sa simbahan para sa choir practice namin.

For the past 6 years ay dito ko naibuhos ang oras ko maliban sa school. Every Monday, Tuesday, and Saturday night ay may practice kami sa music room dito rin mismo sa parish. Si kuya Lyle ang music instructor namin at halos siya ang nagsilbi naming kuya dati pa lang. He saw how we grew up and became like this kaya naman kilalang-kilala na niya ang bawat isa sa amin.

That’s not the case on our part though. Hindi namin gano’n kakilala si kuya Lyle di tulad nang pagkakakilala niya sa amin. He’s very secretive. He’s quiet most of the time pero kapag kinakausap namin siya ay nagsasalita naman siya. He’ll smile at the right beat, make a response at a certain question, quip at the precise heartbeat... pero hanggang doon na lamang.

It’s not a bad thing though. Lahat naman ng tao ay may sikreto. It’s no one’s prerogative to be transparent just because others asked them to be. In fact, secrets actually make people somehow feel secure. That despite the fact that this world is a cruel one, that people sometimes judge you for doing something they perceive as wrong, you feel secured for that one simple fact that you knew something that they will never knew about... the reason why they couldn’t completely judge and tear you apart.

“Nandito na ba si kuya Lyle?” pagtatanong ko nang hinagkan ako ni Ruth at Yui sa pisngi. These girls are just so sweet. Matanda ako sa kanila ng tatlong taon kaya naman ako ang nagsisilbing ate nila tuwing nandito kami sa practice.

Ruth playfully nudged me. “Ayiie ate! Siya talaga kaagad ang hinahanap mo!” pang-aasar niya habang nakangiti sa akin nang nakakaloko.

Ngumuso ako. “Di nga. Nandito na ba siya?” pagtatanong ko pa. Mabuti na lang at medyo madilim at hindi nila nakikita ang pamumula ko.

“Tara ate, upo tayo do’n,” sabi ng usually quiet na si Yui sabay hila sa aming dalawa ni Ruth. Wala akong nagawa at nagpatianod na lamang.

Well? Nandito na ba siya?

In a typical night (night at the parish for practice), tahimik lang talaga si Yui. Mukha siyang suplada sa unang tingin ngunit kapag nakausap mo siya ay mapagtatanto mong suplada talaga siya. Did that sound plausible? Perhaps not. Pero iyon ang totoo. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkasundo considering na ayoko sa mga taong ma-ere tulad niya. She’s not the proud-in-a-bad-way kind of girl but it’s the opposite. Talagang mataas lang ang confidence niya sa katawan na kahit kailan yata ay hindi ko kailanman matututunang makuha.

Right after we sat at the patio, she started her story assault. Tahimik at suplada si Yui sa ibang tao, pero iba na ang usapan kapag kami na ni Ruth ang kasama niya. Nagiging talking machine siya.

“Napanuod mo na ba ‘yung latest episode ng Fairy Tail?” pagtatanong niya habang nagniningning ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

I groaned, frustrated. “Not yet. Nasa Nirvana at Scaitshelter episodes pa lang ako.”

“O.P. ako,” natatawang salida ni Ruth.

Si Ruth naman ang total opposite naming dalawa ni Yui. She’s a very beautiful and charming girl. Wala siyang kahit anong aura na nagsusumigaw ng anti-social di tulad namin ni Yui. Yui and I are not literally anti-social pero mas prefer kasi namin na talagang kaunting tao lang ang kinakausap. At sa kaunti na ‘yun, alam naming dalawa na salang-sala iyon because they’re the people we consider as friends at sobrang mapili kami doon. But Ruth’s a different story. Lahat yata ng Grand Choir members ay kasundo niya. Kahit saang grupo ay pwede siyang pumunta. She can easily adapt to every situations and atmosphere.

Nagkataon nga lang na kami ang bestfriend niya kaya sa amin siya laging sumasama. Well... too bad for them I guess.

Tuloy-tuloy lamang ang pag-uusap naming tatlo. Basta kapag kami ang magkakasama, ang kadalasan naming topic ay anime kung saan kami pare-parehas nagkakasundo. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit hindi kami nauubusan ng mapag-uusapan.

Sa GC na org namin ay hindi rin maiiwasang magkaroon ng kanya-kanyang grupo (according sa friends). Sa grupo namin ay tatlo kami, naroon naman sa kabilang parte ng patio ang grupo nila Lisa at Joelle. Ewan ko ba at magkasundo naman sila pero kapag nasa practice na ay halatang-halata na nagpapagalingan sila (not to mention na parehas pa silang soprano). May mga new members din at sila rin ang magkakasama ngayon. Then the boys. Isang malaking grupo sila. Hindi kasi tulad naming mga babae ay mukhang mas matibay ang bond nila sa isa’t isa at mabilis at madali silang makisama.

Ganito kami kapag nasa patio pero kapag nasa practice naman na ay nagiging isang pamilya kami.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang isang pamilyar na Fortuner at mabilis iyong huminto sa parking space sa mismong tapat lang din ng patio. Kasabay ng pagdating nito ay ang malakas na kalampag ng puso ko. Para bang dumating na ang amo niya at heto siya at excited nang makita siya kaya nagtatatalon.

Oh my God! I couldn’t contain the feels!

Pinisil-pisil ko ang mga kamay ni Yui at Ruth. Sa mumunting communication na iyon ay naintindihan ako ng dalawa. Sinundot-sundot ni Ruth ang tagiliran ko habang si Yui naman ay sumimangot. Kesyo bakit raw ba kasi ako nagka-crush kay Lyle (yes, wala siyang respreto sa nakatatanda) eh ke pangit-pangit naman daw. Aba sino ang nagsabi? Iba yata ang definition ni Yui ng gwapo.

Laking pasasalamat ko nang nakarating na kami sa music room dahil syempre, nakabukas na ang ilaw at malaya ko nang mapagmamasdan si kuya Lyle. I must be insane dahil napapangiti ako sa walang katuturang pag-iisip na iyon.

Isang simpleng t-shirt, khaki shorts, at rubber shoes na may malaking check ang suot niya. Bagsak ang buhok niyang natatakpan ang noo at ang mga kilay niya. Those eyes...

“Ate Aisha, paano ulit ang voicing natin dito?” pagkuha ni Yui sa atensyon ko habang iginigiya sa akin ang pyesa ng Your Heart Today.

Nakahilera ang mga upuan tulad ng sa isang typical classroom at may designated seats ang mga music registers. Sa kasamaang palad ay nasa kabilang ibayo ang mga soprano kaya naman malayo sa amin si Ruth. Pero dahil nag-aayos pa naman si kuya Lyle ay tumabi muna siya sa amin.

Itinuro ko sa kanya kung paano ang sa amin. Alto 1 kaming dalawa ni Yui samantalang soprano 2 naman si Ruth. Nang narinig kami ni Ruth ay sinabayan na niya kaming dalawa ni Yui.

This song is one of my favorites! Sobrang ganda ng melody maging ang meaning nito.

Nag-eenjoy na kaming tatlo sa pagkanta sa isang tabi ng a cappella nang biglang tumugtog ang piano. Sinabayan nito ang kanta naming tatlo. Mabilis pa sa alas kwatrong lumipad ang tingin ko sa posisyon ng piano at halos sumuka ako ng rainbow nang nakitang tumutugtog si kuya Lyle habang nakangiting nakatingin sa amin... sa akin. Alright, hindi sa akin kundi sa amin. Assumera ako masyado.

Pero kahit na ba! Nakatingin pa rin siya sa amin!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Naglalakad ako sa ramp ng mag-isa habang nagrereminisce nang nangyari kagabi. Talaga bang ngumiti siya? Tapos nakatingin siya sa amin? God it was so surreal!

Tulad ng nakasanayan ay maaga akong pumasok. Bumati nanaman sa akin si kuyang guard at tinawag nanaman akong Miss. Nakakailang pero siguro nga ay dapat na akong masanay. Pagkapasok pa lang ay dumiretso na ako sa ramp at doon napagpasyahang maglakad-lakad. Medyo madilim pa dahil 6 pa lang naman ng umaga at wala pang halos estudyante dahil ang simula ng class ay 8am pa. Natapos na rin ako sa paglilipat ng notes sa filler ko at nagawa ko na rin ang mga assignments ko kaya wala akong dapat gawin.

I don’t want to spoil this wonderful mood I have right now! Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaget-over sa ngiti niyang iyon. Kinagat ko ang labi ko at sinubsob ang mukha sa palad. Right then and there, tumili ako.

“You’re not supposed to be here you know. It’s still too dark for a young girl like you to stroll here.”

Mabilis kong nailagay ang palad sa bibig ko nang may isang lalaking nagsalita. Oh goodness! Ang lakas yata ng tili ko? Tumikhim ako at tinitigan ang lalaking nasa harap ko. Hindi ko man lang siya napansin habang naglalakad ako. Well... his right. Madilim pa talaga kaya siguro hindi ko rin siya kaagad napansin. Hindi ko rin masyadong makita ang mukha niya.

“Hindi naman gano’n kadilim, nakikita ko pa naman ang nilalakaran ko.”

Hinintay ko kung may sasabihin pa siya kaso ay ilang segundo na ang lumilipas ay wala naman siyang imik. Aalis na ba ako? Hindi ko makita ang mukha niya pero bakit feeling ko ang sama ng tingin niya sa akin?

Napalunok ako. “Uhh... sige. Una na ako,” sabi ko na lamang. Ang awkward naman kasi. Nakatayo siya sa harap ko pero hindi naman siya nagsasalita. Hindi ko pa makita ang mukha niya kaya di ko alam kung ano ang trip niya sa buhay.

Naglakad na ako paalis. Hmm... saan muna kaya ako tatambay?

“Stupid.”

Huminto ako sa paglalakad at nilingon ulit ang lalaki. Nakatalikod pa siya sa akin ngunit humarap din at inulit ang sinabi niya. “Stupid. You didn’t even get my point.”

Kumunot ang noo ko sa insulto niya. And his voice is irritatingly familiar. Humalukipkip ako at tinitigan ang mukha niyang hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita. “Seriously ano ang ipinaglalaban mo? Isa pa, maka-stupid ka... ano ba ang ginawa ko sa’yo? Wala rin namang nagsabing bawal maglakad dito sa ramp kahit madilim, may batas ba ditong gano’n?”

“You’re really stupid,” bulong niya sa hangin.

Bumuga ako ng hangin. So much for talking with this guy. Ang ganda-ganda ng mood ko tapos ay sisirain lang nitong... ah, sino ba kasi ito?

Aalis na sana ako nang nagsimulang maglakad papalapit sa akin iyong lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Wait... bakit... bakit parang susugurin niya ako? Parang may humampas sa puso ko at nagsimula iyong magwala. Bumilis ang lakad ng lalaki papalapit sa akin samantalang nanigas naman ako sa kinatatayuan.

Bigla niyang hinila ang pulso ko at marahas akong isinandal sa pader. Dahil sa takot ay sinubukan ko siyang sipain ngunit napigilan niya iyon gamit ang mga tuhod niya. Hinawakan ng isa pa niyang kamay ang isa kong pulso at halos nawalan ako ng hininga nang isinubsob niya nang walang babala ang mukha niya sa leeg ko.

He inhaled deeply.

“You’re scared?” tanong niya sa malumanay na boses. Naramdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Lalo akong natakot.

Mariin akong pumikit at pinakalma ang sarili. Sinubukan kong kumawala sa kanya ngunit mas humigpit ang hawak niya sa akin. Sisigaw na sana ako nang may naamoy ako.

“What if some perverted guy saw you here walking alone and started doing things to you... you think you could defend yourself?”

Nanghina ako. Nawalan ako ng lakas at hindi ko masagot ang mga tanong niya. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. This smell. Huminga ulit ako at tulad kanina ay sinalubong ako ng amoy na iyon. Lalo akong naiyak.

“You must know that you’re a girl and you’re too weak to defend yourself so you should be more careful.”

“Ang... Ang s-sama mo!” Pumiyok pa ako nang isinigaw ko iyon sa kanya. Umiyak na ako ng tuluyan. How dare he!

Nawalan ng lakas ang mga tuhod ko kaya naman bumigay iyon. Bago pa ako mapaupo ay mabilis na niyang naipaikot ang mga bisig niya sa bewang ko at sinuportahan ako. Tumayo siya ng maayos habang hawak ako. Bumagsak ang ulo ko sa balikat niya dahil sa panghihina. Takot na takot ako at kung hindi ko pa nakilala na si Pres ito ay hindi ko na alam. The smell of him is too familiar for me to forget.

Pinaghahampas ko siya kahit sa totoo lang ay wala namang lakas iyon. Nanghihina pa rin ako... dala siguro ng aftershock ng adrenaline rush.

Hinayaan niya ako sa ginagawa ko. Nakakainis siya! Bakit kailangan pa niyang gawin sa akin iyon? Natutuwa ba siya kapag natatakot ako? Kapag umiiyak ako? Gustong-gusto ba niyang nagmumukha akong mahina sa harap niya?

Iyak lamang ako ng iyak. Wala akong pake kung magmukha akong bata. Wala naman nang sinasabi itong lalaking ito kaya tanging mga hikbi ko lamang ang maririnig sa lugar. Nang kumalma na ako ay dumilat na ako. Maliwanag na pala sa kinalulugaran namin. Inangat ko ang ulo ko at dumako ang tingin ko sa balikat ni Pres. Nakita kong basang-basa iyon dulot ng mga luha ko. Medyo nakonsensya ako pero nang maalala ang ginawa niya sa akin ay naisip kong bahala siya dyan.

“I hope you understood by now my point—”

“Who cares about your point? Bwisit ka! Bakit mo pa ako tinakot nang gano’n? Why can’t you just leave me alone?!” Masama ko siyang tinitigan ngunit wala ring halaga dahil hindi naman siya nakatingin sa akin.

His jaw suddenly tightened. “I can’t believe this! Why can’t you see—” Napahinto siya nang matingnan niya ang mukha ko. Hindi ko naman alam kung anong nakita niya doon. Yeah right, I look like a mess.

“What?” matigas kong tanong.

Tumikhim siya at nag-iwas ng tingin. “Just—”

May narinig kaming mga taong nag-uusap at mukhang papunta rin sila sa kinalulugaran namin. Tinanggal na ni Pres ang mga bisig niyang nakapulupot sa bewang ko at umatras. Nilagay niya ang kamay niya sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

Diretso niya akong tiningnan. “Don’t walk here alone lalo na kapag madilim pa.” Kumunot ang noo niya. “I thought you have nyctophobia?”

Nilingon ko ang pinagmumulan ng ingay mula sa nag-uusap na mga tao at nakitang dalawang employee iyon under ng maintenance dept.

“Good morning po,” bati ko sa kanilang dalawa.

Si Pres naman ay yumuko lang. Ngumuso ako. Kakaiba ang way ng pagbati niya. Nginitian naman kami nila kuya at mukhang nahiya pa. Mabilis nila kaming nilampasan.

“Tungkol sa tanong mo,” panimula ko. Naramdaman ko ang pagbalik ng mga mata niya sa akin. Ako naman ay sinusundan ng tingin sila kuyang dumaan sa harap namin kanina. “Lahat ng tao nagbabago. ‘Wag ka na dapat magtaka kung may mga bagay na nagbago sa akin. Normal iyon.”

Nilingon ko siya at nakitang seryoso siyang nakatingin sa akin. “You should accept change too you know. For the better. You’re great already kaya wala ka na dapat pang alalahanin. Those things in the past will always stay there. The present is another story... in fact it’s a new story. Don’t worry; I will not ruin you this time.” I smiled at him. I thought he would smile back but no. He just stared at me.

Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. I should be mad at him for what he did to me earlier but somehow, naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin. My intention for saying those words to him was genuine pero bakit parang ang bigat sa dibdib?

Naglakad na ako paalis. Bakit ganito? I meant well with those words. Totoo naman lahat ng sinabi ko. Lahat ay nagbabago. Ang mga tao ay nagmamature. Hindi dahil ang isang bagay ay parte ng nakaraan mo, ibig sabihin ay kailangan mo iyong dalhin hanggang sa buhay mo sa kasalukuyan. It shouldn’t be that way.

But it all ended that way to me. Between the two of us, it’s me who’s still stuck on the past. Those words I said was not for his benefit... but for mine.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------