Chapter 46: Scared

Jane’s POV

Since medyo malapit lang naman ang ACU sa school namin ay naglakad na lamang kaming dalawa ni Al. Noong una ay parehas pa kaming tahimik, marahil ay nag-iisip ng kanya-kanyang issues sa buhay. As for me, ang tanging nasa isip ko nang mga panahong iyon ay si kuya at ang bestfriend kong si Tim. Well... her real name is Tahlia Iona Martell, that I knew at the back of my mind. And of course, my biological brother, Seraph Marvel Yllana. He acted as if I was a total stranger back then nang nagkasalubong kami sa isa sa mga hallway sa school.

Ang mga gano’ng galawan ay naging normal na lang sa akin. Ang mga taong may alam sa nakaraan ko ay aaktong parang walang alam. It’s either they’ll talk to me as if nothing happened or they won’t talk to me as if they don’t know me, gano’n kasimple. Ang common denominator lamang ay ang mga rason nilang hanggang ngayon ay nagpapainit sa ulo ko. For my protection. Ilang taon na ba ang nakalipas? At hanggang kailan nila hahayaan ang gano’ng sistema? Kung sila ay willing ipagpatuloy iyon hanggang... kung kailan nila gusto, ako naman ay pagod na.

I also have my limit.

At isa pa, kung para naman sa kapakanan ko ang lahat, bakit imbis na may tahimik akong buhay ay lalo naman itong gumulo? There was the kidnapping. At ang pinakapunot-dulo nito ay ang nangyari ilang taon na ang nakararaan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit desperada na akong makaalala. Mahirap ang ganito dahil isa ako sa mga key persons na nakaaalam ng bagay na iyon. Kung hindi ako isa doon ay bakit kung anu-ano pa ang ginawa nila para mabura ang identity ko? According sa mga files ay matagal nang patay si Angel Miracle Yllana. Naglagi ako sa orphanage ng halos dalawang taon, inadopt ako ng pamilyang Alvarez na siya ring may alam sa mga nangyayari.

My face had changed, but Neth’s hadn’t. Alam na ni Geff ang tunay na katauhan ni Neth, dahilan para isipin kong unti-unti nang bumabalik ang mga alaala niya. Geff will definitely protect her. Pero alam ba niya ang tungkol sa mga bagay na ‘to? Kung gaano kadelikado ang buhay namin? Someone has been craving for our blood, for our life... alam ba niya iyon?

I have my family, the Alavarezes, to protect me kahit na sobrang tutol ako doon. Sa mga body guards na laging nakabantay ay nasasakal na ako ngunit dahil gusto iyon nila mommy ay hindi na ako nakipag-argumento. Pero sino ang magpoprotekta kay Neth? Surely there’s Geff ngunit hindi pa rin nawawala ang doubt ko tungkol sa katauhan ni Mr. Mendez, ang ama niya. Ang hindi ko maalalang taong iyon ang dahilan kung bakit ako naaksidente noon kaya nakatatak na sa akin ang bagay na iyon.

Neth’s family, perhaps her adopted family, was in the province at ang alam ko ay hindi gano’n kayaman ang pamilya nila. They’re not that powerful to compete with these people who are after us. Kung gano’n sino? Sino ang sumisiguro sa kaligtasan niya?

Unti-unti ay may napagtanto ako. Dahil doon ay kusang huminto ang mga paa ko. Huminto rin si Al sa paglalakad nang napansin ako.

“Aya, bakit?”

“Si kuya,” wala sa sariling nasabi ko. Tiningnan ko si Al. “Maaaring sinabi na niya kay Neth ang lahat.”

Hinarap na niya ako, tuluyan nang kinalimutan ang paglalakad. “Paano mo naman nasabi?” Mukhang naintindihan naman niya kung sinong kuya ang tinutukoy ko.

“I saw him at our school’s ground days ago. Nakita ko rin si Tim.”

Nalaglag ang panga ni Al at nanlaki ang mga mata. “What?! As in sa school? A-Anong ginawa nila? Nakita ka ba nila? Nakausap mo ba? W-Wait...” Dahan-dahan siyang umiling, mukhang dismayado. “... and you’re only telling me this now?! I thought nakita mo lang sila somewhere but I didn’t know...”

Kinagat ko ang labi ko. I told her earlier na nakita ko si kuya at si Tim but I never did tell her na sa school ko mismo sila nakita at nakita rin nila ako. In fact, Tim actually approached me and not the other way around.

I have this urge to smack myself dahil sa pagiging malilimutin ko. “I’m sorry. N-Nalimutan kong sabihin sa’yo—”

Inirapan ako ni Al at nagsimula na siyang maglakad. Hinabol ko siya. “Really, Al. Nalimutan ko lang talaga. I was truly preoccupied these past few days. May naalala nanaman ako sa past ko and it was a very important one. Al—” Hinihingal ako kaka-keep up sa malalaki niyang hakbang kaya naman inangkla ko na lang ang kamay ko sa braso niya. I continued talking. “I was talking about the memory before I got involved in that accident. ‘Yung dahilan kung bakit ako nag-undergo ng surgery... remember Al?”

Sinilip ko ang mukha ni Al at nakitang hindi iyon halos maipinta. Inis na inis talaga siya sa akin. Ngumuso ako. Kahit halo-halo na itong nararamdaman ko ay iba pa rin talaga kapag nandito si Al.

“And guess what...” Huminga ako ng malalim. “... the reason was Geff’s father.”

Naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng lakad ni Al. Hinayaan ko lang.

“Takot na takot ako sa kanya noon, wasak na wasak din ako, pero ang dahilan ng mga emosyong ‘yon... hindi ko alam. At habang naglalakad tayo, napag-isip-isip ko, halos magkandarapa na sila mom at dad sa pagpoprotekta sa akin. Simula sa mga body guards, kay kuyang todo bantay din. Pero naisip ko... paano si Neth?”

Itinuloy-tuloy ko lang ang pagkukwento ko sa kanya tungkol sa mga naisip ko kanina. Hindi ako nilingon ni Al at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad pero alam kong nakikinig siya sa akin. Matapos ang ilang minuto ng pagkukwento ko ay napansin kong tumigil na pala kami sa paglalakad. Nang mag-angat ako ng tingin ay natanaw ko na ang malaking gate ng ACU.

Bumaling ako kay Al nang pinamaywangan niya ako. “You should know by now that I’m all for this... shenanigans!” Natawa ako sa adjective na ginamit niya pero seryoso pa rin si Al kaya tinikom ko ang bibig ko. Nakinig na lamang ako. “And you should know na kasama mo akong tatapusin ang lahat ng ‘to. I’m telling you all along that I’m your bestfriend slash accomplice sa mga pinaggagagawa natin di ba? Kaya naman sana ay sabihin mo sa akin lahat ng mga iniisip mo. Don’t push yourself to your limit. Why bother kung nandito naman ako? Remember when you broke down again? Halos mabaliw kaming lahat at alam kong ayaw mo nang mangyari ulit ‘yon. The least you can do is to count on someone to help you carry your burdens dahil Aya, sa sobrang seryoso ng problemang ‘to, hindi ako naniniwalang kakayanin mo ito ng mag-isa. Considering na hindi pa natin halos nakakalahati ang puzzle na ito ay parang ubos ka na... na kaunting pitik na lang ay matutumba ka na.”

Natulala lamang ako habang nakikinig. This is the strong Al I have known since time immemorial. At iyon ang dahilan kung bakit alam kong swerte ako at nakilala at nakakasama ko siya ngayon. She’s my total opposite, dahilan kaya hindi na kami mapaghiwalay. Nagbara ang lalamunan ko at hindi ako makapagsalita kaya niyakap ko na lang ang bestfriend ko. If I can’t say it then I’ll just show it. Binuhos ko ang luha ko sa balikat niya, I know she wouldn’t mind.

Tumawa na si Al. “Ang drama drama talaga ng buhay mo Aya Alvarez! Hindi ka kinakaya ng powers ko! Mabuti na lang at alam ko ang salitang tenacity.”

Narinig ko ang pagsinghot niya kaya naman natawa na rin ako. Kakaiba talaga ang vocabulary nito. Tinapik-tapik ni Al ang likod ko, pinapakalma ako.

“I know what you’re thinking. Na it’s either sinabi na ng kuya mo ang lahat kay Neth o di naman kaya ay mag-isa siyang kumikilos sa school niyo para parehas kayong protektahan. It can work either way. It could also be because he was investigating the school. Remember when you were kidnapped sa mismong school natin? I’m sure alam ng kuya mo ang tungkol doon, imposibleng hindi. We can also ask him about Geff’s dad.” Sinasabi niya iyon habang marahang tinatapik ang likod ko.

“What should we do?” napapaos kong tanong.

“It’s obvious Aya. Para hindi na tayo mahirapan ay direkta nating tanungin ang kuya mo tutal siya naman talaga ang pupuntahan natin. Of course, not to mention na miss mo na rin siya, he’s your biological brother after all, no question about that.” Binalingan niya ako. “Kaya tara na Aya at tama na ang drama ah? Tigil na!” Pinanlakihan niya ako ng mata.

“Yes po!” Napangiti ako. Ibang klase talaga siya. No wonder my brother fell for her.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Salamat po pala sa pagtulong sa amin kagabi,” nakangiti kong sabi kay tito Euan, ang papa ni Jayvier. Nahiya pa nga ako dahil nang nakita ko siya kanina ay noon ko lang napagtanto na hindi ko alam ang pangalan niya. Jayvier never told me about his name pero ipinakilala naman niya siya sa akin dati. I just never bothered asking him.

Kumapit sa akin si Al habang tinitingnan si tito. Tito... ang sabi niya ay iyon na lang daw ang itawag namin sa kanya. “This is my bestfriend tito, si Aaliyah po. Al, siya ang papa ng isa sa mga kaibigan ko.”

Saglit lang siyang bumaling sa akin tsaka niya muling tiningnan si tito. Kumunot ang noo ko. “Tito, salamat po ulit sa pagpapahiram niyo ng I.D. sa amin. May kinailangan lang po talaga kaming puntahan kagabi,” maagap kong sabi nang napansin kong walang balak magsalita si Al. She’s acting weird.

Humalakhak si tito at inayos ang face towel na nakasabit sa leeg niya. “Naku alam ko kung gaano kahirap ang bantay-sarado. Kadalasan sa mga estudyante dito ay iyan din ang problema. Basta ay ‘wag niyo nang uulitin ang pagtakas ha? Pinagbigyan lang kita dahil kaibigan mo ang anak ko pero kapag nalaman ng daddy mo ang ginawa mo at pagtulong ko sa’yo naku! Baka masibak ako sa trabaho.”

Natawa rin ako. “Mahirap po talaga kapag may mga personal guards. Makakaasa po kayo na last na talaga ito.”

Medyo nagtagal pa ang pag-uusap namin ni tito Euan habang si Al naman ay tahimik pa ring nagmamasid. Ang naging topic namin ay si Jayvier. Nang tinanong ko kung kamusta na siya, ang sabi niya lamang ay halos subsob na sa pag-aaral ang anak. Nagtaka pa nga ako dahil malayo pa naman ang midterms at ang buong campus ay busy para sa Feast day. Nagkibit balikat lamang siya.

I guess hindi ko talaga alam ang iniisip ng isang ‘yon. He’s a scholar after all. Isa lang naman akong pangkaraniwang student at hindi ko alam ang pressure ng pagpapanatili ng matataas na grades. I salute him for his dedication. Dapat ay maging proud sa kanya si tito Euan.

Nang narinig namin ang 11:50am bell ay nagpaalam na kami sa kanya. I never knew that talking to him would be this great. Halos hindi ako makapaniwala na dati ay natakot pa ako sa kanya. That first impression seems so ridiculous ngayong mas nakilala ko na siya.

“Bakit ang tahimik mo Al? You should at least smiled at him. Baka isipin niya ay ang rude mo.”

Tahimik pa rin si Al at mukhang malalim ang iniisip. I sighed.

“Who’s this Jayvier? You never told me about him,” out of the blue na wika ni Al.

“He’s a friend of Neth’s. Childhood friend.”

Huminto si Al sa paglalakad at nilingon ako. “Childhood friend? You mean, your childhood friend as well?”

Umiling ako, not actually sure whether it’s true or not. “I guess. But I couldn’t remember him. At all. Baka silang dalawa lang talaga ang magkaibigan. Siya rin ang isa mga dahilan kung bakit nalaman ko na si Neth ang kakambal ko.”

Al mull over this new information. Nakikita ko nanaman ang expression niya kapag nag-iisip. Nakakatuwa nga dahil parang gano’n din ang mukha ko kapag may malalim akong iniisip though mas bagay sa kanya.

“Alam mo Aya, napapansin ko na halos lahat ng mga tao na may kinalaman sa past mo o ‘yung mga nakasalamuha mo noon ay nandito sa school na ‘to. This must be just a coincidence, right? I mean, napakaimposible naman na nandito silang lahat dahil trip lang nila.”

Huminga ako ng malalim. She’s right. Kung iisipin ay may punto si Al. I’m here, kuya’s here, Jayvier, tito Euan, Neth, Geff, even my brother Seraph and my... friend Tim had been here, maging si Dr. Camron, who happened to be the brother of my personal psychiatrist who tended to my psychological concerns way back, is here.

Lahat ay kunektado sa lugar na ito. It wouldn’t surprise me if Geff’s father would decide to come here, or my parents, or Neth’s parents.

“And I also keep thinking about what you said to me last night. Na ang father ni Geff ang dahilan kung bakit ka naaksidente dati? So ang ibig sabihin ay bata pa lang ay magkakilala na kayo? Na magkaugnay ang mga Mendez sa mga Yllana? Then... he knows about Neth? Kilala ka ba niya?” She let out a frustrated whine. “This is crazy,” naibulong niya sa hangin.

Yes. This is crazy.

Pinagmasdan ako ni Al nang hindi na ako umimik pa. I don’t want to talk about that particular part of my past. I never told anyone about it and I will keep it that way. Sapat na ang nalalaman ni Al sa ngayon.

She seems to feel the abrupt change of my mood kaya naman iniba na lamang niya ang topic.

“Don’t feel so down. Don’t worry, pupunta ulit tayo sa ACU and we’ll make sure na makikita na talaga natin ang kuya mo. It just so happened na kinulang tayo sa oras at kung hindi tayo bumalik kaagad dito ay baka may search and rescue operation pa na maganap dis-oras ng gabi.”

Natawa ako dahil doon. That’s true pero hindi ko pa rin maiwasang makadama ng panghihinayang. Wala si kuya sa school nila nang pumunta kami doon. Nakita namin ang mga teammates niya na nagpapractice but he wasn’t there. We asked this guy named Slade (I think he was an acquaintance of Al) at sinabi niyang maagang umalis si kuya. We couldn’t do anything but to go back here. It was hell of a frustrating night at hindi ko alam kung kaya ko pang ulitin iyon.

Ang alam ni kuya Nathan ay nagpunta lang kaming dalawa ni Al kagabi sa library and we barely got it in time. Mabuti na lang at eksaktong pagliko ni kuya sa spot namin ni Al ay naisara na namin nang maayos ang fire exit kung saan din kami lumabas noon.

Paano sa susunod? Ano na ang magiging palusot namin?

I fished out my phone in my pocket when I felt it vibrating.

From: Geff Mendez
I am at the rooftop. Would you mind coming here? I have something for you.

Nilingon ko si Al. “May pupuntahan lang ako.”

She smiled at me. “I’ll be with the others.”

“You should be with my brother,” pang-aasar ko. She rolled her eyes at me while pushing me playfully.

Sinimulan kong tahakin ang daan papuntang rooftop pagkatapos ng Angelus.

I want my breather. I feel so tired and lonely and I badly want my breather. And he’s there at the rooftop waiting for me. Gusto ko siyang makita. I want to talk and smile and laugh with him again. Ayokong makaramdam ng awkwardness kapag kasama ko siya. Hindi maiiwasan na makaramdam ako ng hiya lalo na kapag may mga bagay siyang ginagawa at sinasabi na nagpapabilis ng tibok ng puso ko but I don’t want to feel awkward when I’m with him.

Ayokong isipin na minsan na niyang minahal ang kakambal ko. Na maaaring siya pa rin ang nakikita niya kapag nakatingin siya sa mga mata ko. Gusto ko siyang paniwalaan. I want to believe the sincerity when he told me he loves me. I want to believe that the one he’s expressing his feelings to is me, the Jane Alvarez he knew through the course of this encounter; not Neth, not the past me... just plainly the current me.

Nag-angat ng tingin si Geff nang nabuksan ko ang pintuan ng rooftop. Nakasandal siya sa railing sa dulong bahagi ng rooftop. He’s wearing a white long sleeve with a black tee and khaki pants. Something gripped my heart when I saw him smiling at me; a smile so transparent I can even understand the meaning behind it. I miss you.

Tinakbo ko ang distansya naming dalawa at mabilis siyang binalot ng mahigpit na yakap nang narating ko siya.

He chuckled. “Missed me that much?”

Tumango ko. I snuggle further on his chest when I feel him enveloping me in his embrace. I feel him sigh. “I missed you too.” Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.

“I want you mine,” sabi ko habang nakasubsob pa rin ang mukha sa dibdib niya.

Mas humigpit ang yakap niya sa akin. “Is there something wrong? May nangyari ba?”

Tiningala ko siya at bumungad sa akin ang nag-aalala niyang mukha. It was not the response I wanted to hear.

“I want you mine Geff,” pag-uulit ko. Tinitigan ko siya at hinintay ang magiging reaksyon niya. He really looked apprehensive but he still showed me his smile, my favorite smile.

“I am yours. Yours alone. Always. Now tell me, what’s wrong?”

I bit my lower lip. My what ifs are resurfacing again. My insecurities are eating me whole again. Gusto kong sabihin sa kanya iyon ngunit alam kong mag-aalala nanaman siya sa walang kwentang bagay. We already talked about this and he told me he would take it all away.

Ngumiti ako. “Wala. Kapag ba sinabi ko ‘yon, ibig sabihin may problema kaagad?”

“No. Of course not but you’re acting weird. You were like this when I kissed you near the soccer field.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit? Ano ang kakaiba sa ikinikilos ko?”

He pursed his lips. Tuwang-tuwa nanaman siya sa akin. “You were so bold and candid about your feelings and I couldn’t help myself but to be surprised whenever you’re like this. Madalas kasi ay tahimik ka lang tungkol doon. You rather show your feelings instead of telling them. And now...” He’s smiling broadly now. “... I’m shocked.” Tumawa nanaman siya.

Napangiti ako. I am extremely introverted pero nag-iiba nga talaga siguro iyon. It’s when I’m psychologically and emotionally unstable like feeling too depressed or too happy. Tulad ngayon, I feel so sad at gusto kong makita si Geff. I want him to reassure me again with his words and I want to reassure him with my actions.

“Say it again to me,” I look up at him expectantly. Dinala ko ang mga kamay kong nakapulupot sa bewang niya papunta sa balikat niya. Kusang bumagsak ang mga kamay niya sa bewang ko. I slowly encircle my arms around his neck and I raise my heels. God, he’s so tall.

He kissed my forehead. “What?”

“Say you love me.”

Inayos ni Geff ang nagulong buhok ko dahil sa hangin at isinabit iyon sa likod ng tenga ko. He starts caressing my face while looking at me intensely with those deep set of eyes. Nagwala nanaman ang puso ko.

Huminga siya ng malalim. “I am in love with you, Jane Alvarez. Please don’t doubt my feelings. I know it better than anyone else. I am in love with you. I love you.” Mahina lamang ang boses niya ngunit may diin ang bawat salitang binitiwan niya. Para bang gusto niyang itatak ko iyon sa buong pagkatao ko.

Pumikit ako at dinama lahat ng mga sinabi niya. His words calmed me, as expected. Hinalikan niya ang pisngi ko.

“You’re crying again. Bakit ba lagi kang umiiyak kapag nagko-confess ako?”

“Tears of joy ‘yan.”

I opened my eyes again and I saw him looking at me, trying to read my mood.

Nagtatalon nanaman ang puso ko. Mababaliw na yata ako. This feeling is so overwhelming. Ganito lagi kapag kasama ko siya. Dinala ko ang kamay ko sa ilong niya. He suddenly became tensed. “Ang tangos ng ilong mo,” puna ko habang pinapadausdos ang daliri ko sa kahabaan nito. Hanggang sa bumaba iyon sa upper lip niya. Dahan-dahan ko iyong hinaplos.

Napansin ko ang paglunok niya kaya nag-angat ako ng tingin. Nakatingin na siya ngayon sa mga labi ko. Mabilis naman niya iyong ibinalik sa mga mata ko.

“Kiss me.” Those words were out of my mouth before I could stop myself.

Mariin siyang pumikit, tila hirap na hirap sa isang bagay. “No.” He opened his eyes. “Not when you’re not my girlfriend yet. I’ll court you first. When I get to hear your yes, only then I’ll kiss you relentlessly.” Ngumiti siya. “It’s a compromise I made to myself. I want to respect you.”

Nawala ang ngiti sa aking mga labi.

Dadating nga ba ang panahon na iyon? Na magiging kami na masaya? Na walang iniisip na iba kundi ang pagmamahal namin sa isa’t isa? Na hindi iniisip na maaaring may masaktan kami dahil sa pagmamahal na ‘to?

Paano kapag nalaman na niya ang totoo? I lied to him. Nagpanggap akong si Angel na nakilala niya noon. I tricked him into believing that I am someone who I’m really not. It happened years ago but he loved her then, the real Angel and it was his feelings I played. Ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang ginawa ko? I lied to him out of my own desire to be acknowledged. Lagi akong nakakulong sa kwarto ko noon at iyon lamang ang panahon na naranasan kong may tumawag sa pangalan ko. Even if he was calling her name and not mine, still it was enough.

Dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay ko mula sa pagkakasabit sa leeg niya. Ngunit bago ko pa iyon tuluyang maibaba ay ibinalik iyon ni Geff sa dating kinalalagyan.

“Jane, please tell me what’s wrong. I know there’s something wrong.” Nakakunot na ang noo niya sa akin. He looks so frustrated and worried.

Kinurot ko ang ilong niya. “Wala nga sabi. Ang kulit nito,” ngiti ko.

He didn’t smile back. Mabilis niyang hinawi ang kamay ko at mariin iyong hinawakan. “You’re lying! You’re lying to me again. Alam kong may problema ka! Why couldn’t you tell me? Hindi ako manghuhula para malaman kung anong iniisip mo ngayon!”

I blanched at the mention of that particular word. “You’re lying!”

Mabilis akong lumayo sa kanya at sunod-sunod na iling ang ginawa. I wasn’t lying. I wasn’t lying. I didn’t lie. Yes, I did lie but I have a good reason behind it. Wala akong kasalanan. Sila ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon, kung bakit ko nagawa iyon.

I wasn’t at fault. I wasn’t—

Napasinghap ako nang naramdaman ko ang mariin ngunit maingat na mga kamay na nakahawak sa mga balikat ko. He started shaking me, trying to get my full attention. “Jane, what’s happening? At bakit ka umiiyak? Kung walang problema, bakit ganito na lang ang reaksyon mo?” Ipinantay niya ang mukha niya sa akin para makita niya ako nang maayos.

Nagtama ang paningin namin. He really looked worried right now ngunit hindi ang isiping iyon ang tumatakbo sa isipan ko. Tinitigan ko lamang ang mga mata niya. Ramdam na ramdam ko ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha ko habang siya naman ay patuloy lamang iyon na pinupunasan. He looked at me expectantly ngunit tinitigan ko lamang siya. I really have no idea what expression my face is showing ngunit ang tanging nasa isip ko ay ang mga mata niya at ang mga salitang binitiwan niya kanina.

He said that I’m lying at him. I am a liar, a good-for-nothing liar.

Nakaramdam ako ng lamig kaya naman niyakap ko ang sarili ko.

“J-Jane? Ayos ka lang ba? Ano bang nangyayari? Talk to me, please?” Nanlalaki ang mga mata niya. Alam kong gulong-gulo siya sa kung ano ang nangyayari.

Nanlalamig ang buong katawan ko. I was suddenly assaulted by my past memories. Lahat ng mga naranasan ko noong bata pa ako. Lahat. It was like watching a very terrible reception on a channel... in a fast forward motion. Nagsimulang umikot ang mundo ko kaya nama’y mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Habang nakapikit ay naalala ko ang mga matang iyon; the same pair of eyes I saw just seconds ago but what I’m imagining now was of a young and innocent boy looking so upset — but at the same time puzzled — while looking at me.

May mainit na bumalot sa mukha ko. I could hear someone chanting my name. His voice was beautiful I could listen to it all day.

“JANE!”

Para akong nagising mula sa isang bangungot nang narinig ko ang sigaw na iyon. It was a tormented scream. Bumungad sa akin ang namumutlang si Geff. Wala na ang galit at nag-aalala niyang mga mata.

He looks so scared now.

“What the hell is happening to you?” nagsusumamo niyang tanong.

Umawang ang mga labi ko. Anong... nangyari?

“Geff.” Hindi ko alam ang dapat sabihin. Saying his name seems like the right thing to do so I uttered it.

“Thank God!” Mabilis siyang tumalikod at inihilamos ang mga kamay sa mukha.

What did just happen? Hindi ko... maalala. I remembered that I was panicking earlier then...

... nothing.

Kinilabutan ako nang napagtanto ang nangyari. I think... I lost my mind again. I nearly lost it again! Oh God it’s happening again!

“I-I think... I need to go,” halos pabulong kong sabi. Hindi ko na hinintay ang pagharap sa akin ni Geff at sa kung anong sasabihin niya. Mabilis kong nilisan ang rooftop nang may takot at pangamba na baon. I heard him call out my name but it took all my willpower not to turn around and run into his arms.

I feel scared for the fact that I could lose myself in this battle. Can I bear it? Can my heart handle it? Can my mind tolerate it?

I wish I knew the answer...

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------