Harmonics 3: Pissed
Narinig ko ang
pagtunog ng phone ko kaya naman naputol ang panaginip ko. Binuksan ko ang isa
kong mata at sinilip ang orasan na nakasabit malapit sa pintuan ng kwarto ko.
Tuloy-tuloy pa rin ang pagwawala ng lintik na phone. Inabot ko iyon sa bedside
table.
“What the hell,” I groaned when I saw the caller. Umayos ako ng higa
at inayos ang pagkakabalot ng comforter sa sarili.
I’m sure as hell
gonna bitchslap you Clea if this call will be as nonsense as your blabbering.
“What?” I snapped at her.
Natawa siya sa
kabilang linya. “Rise and shine pretty
writer!”
I heaved a sigh.
This girl is really grating on me. “Do
you have any idea about the freakin’ time?” I croaked, which made my
irritation sounded like a plea.
Sandali siyang natigilan.
Nakapikit lamang ako at nag-aagaw antok pa rin. “It’s already five in the morning girl. Don’t tell me wala kang balak
gumising ngayon?”
“Clea, alam mo naman na kakauwi ko lang kahapon
galing L.A. right? At simula kahapon ay wala pa akong tulog. Napuyat din ako
kagabi dahil nag-ayos pa ako ng gamit ko. Can you at least give me a break?”
Kahit na hindi
ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. Kinagat ko ang labi at nanahimik.
I really sounded like a whining child. Oh God, I really hate it when someone
talks to me when I just woke up. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Kung
magsasalita naman ako ay para akong bata o di naman kaya ay lasing.
“Really? Then hindi na ba tayo tutuloy sa public
school na ‘yon? Did you already change your mind?” panuya niyang tanong.
Bigla akong
parang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. “What time is it again?” I asked, well... almost screamed, at her.
I know she’s
grinning like some poverty-stricken girl who just won the lottery and that idea
made me want to curse at everything. Hindi ko na hinintay na sagutin niya iyon
at pinatay na lamang ang tawag. It almost took all my willpower not to throw
the thing at the door. This day isn’t my day, no doubt.
Mabilis akong
naligo at nag-ayos. Nagsuot ako ng simpleng jeans, blouse, at sneakers. Ni-hindi
ko na halos na-iblower ang buhok ko kaya naman para akong basang sisiw. Sa
sobrang irita ay nawalan na ako ng pakialam. Kung bakit naman kasi hindi
tumunog ang linshak kong alarm clock.
Walang kwenta.
Pagkababa ko
galing sa kwarto ko sa ikalawang palapag ay mabilis akong dumiretso sa kusina.
I know nagmamadali ako ngunit hindi ko kayang hindi man lang kumain kahit isang
tinapay. Gagawa na sana ako ng nutella french toast nang biglang bumukas ang
pintuan galing sa labas. Paglingon ko ay nakita ko ang isang lalaking
kasalukuyan kong kinasusuklaman, papasok sa loob at tila hindi ako napansin.
Malapit na talaga at maiisip kong sumpa ang araw na ito.
Naka black
jogging pants siya at white shirt. May nakasampay na face towel sa balikat
niya. He’s glistening with sweat and currently looking like a guy who just got
out of a brawl, him being the victorious though.
I turned my back
at the intruder and continued rummaging the whole kitchen utensils and the
cabinets I almost put the whole thing upside down. Where the heck is it?
“Anong hinahanap mo?” he asked, almost breathless.
Ramdam ko ang
presensya niya sa likod ko but I completely ignored him. Sweaty men are
supposed to smell bad, right? Then why the hell this creature is nothing but
otherwise? He smelled something near like a jasmine flavored shower gel...
Pumunta siya sa
tabi ko at kumuha ng tubig galing sa ref. Sinimulan niya iyong inumin. Nang
hindi ko pa rin makita ang hinahanap ay sumuko na ako at hinarap siya. Tuloy-tuloy
pa rin siya sa pag-inom ngunit ang buong atensyon niya ay nasa akin. May kaunting
tubig pa ang dumaloy mula sa labi niya pababa sa leeg niya. I saw the repeated
movement of his Adam’s apple.
Nagtaas siya ng
kilay sa akin dahil sa paninitig ko. I continued my trance despite the fact
that the temperature almost rose double degrees. Hindi ko talaga makita ang
resemblance naming dalawa. His eyes had that brownish color, with hints of red
around the orb. It looks a little hunting, a predatory stare that I never seen
among Valencias. May dugong banyaga ang mga Valencia kaya naman doon siguro
nagmula ang kulay ng mga mata niya, I think. I inherited my Mom’s very gentle
eyes with deep black orbs. Hindi nga lang kadalasang makikita sa akin iyon dahil
laging nakakunot ang noo ko, a conflicting side of the Castellanos. Matangos
ang kanyang ilong, mine was way too small in my rounded face. His strong jaws
are just perfect with his sharp features. Very manly. And those very disturbing
lips.
I wonder how his
mother looked like?
Looking at him
made me realize how badly I envy him. Kung titingnan ako ay mukha akong
manikang naglalakad. I am already way past my teenage years and yet I looked
like an elementary student.
Kumunot ang noo
ko at pinilig ang ulo. Sobrang late na ako sa usapan namin ni Clea at heto ako
at kung anu-ano pa ang iniisip. At ano ba ang pakialam ko sa nilalang na nasa
harap ko? Did I already forget how I despise him and his mother? Tinalikuran ko
siya at mabilis na kinuha ang sling bag ko.
“Saan ka pupunta?” tanong niya. I heard a warning in his tone na hindi
ko naman alam kung saan galing.
Halos takbuhin
ko ang pintuan makalayo lang sa sumpang bahay na iyon at sa taong sumira ng
araw ko. “None of your biz,” I
muttered under my breath.
Naisip kong
magtaxi papunta sa public school na papasukin namin ni Clea ngunit mas
nangibabaw ang kagustuhan kong sumakay ng jeep. It had been years since I rode
such vehicle. I know medyo hassle at hindi ako sanay but the hell with it!
Gusto ko ulit maranasan.
I barely made it
in time when I reached the school’s main gate. Ang unang bumungad sa akin ay
ang nakasimangot na si Clea. Mataas na ang sinag ng araw ngunit hindi pa naman
iyong gano’n kainit. Besides, some say it’s good for the skin, might as well
enjoy it while it last. May mga punong nakapalibot sa school kaya naman hindi
masyadong makita ang mga building sa loob, maliban na lang kung talagang
pagbibigyang pansin. A gentle warm breeze passed by, my hair dancing with it.
Ito talaga ang isa sa mga bagay na gusto ko sa Pilipinas.
“Kung hindi pa siguro kita tinawagan eh baka
inindyan mo na ako,” sabi
niya nang makalapit ako. She’s currently standing under the shade of a tree,
sunglasses on her head.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik ulit. She gave me an incredulous look. “Behold, the princess of Los Angeles rode a public vehicle, now soaking wet and very much haggard.” She laughed that very-much-annoying laugh.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at pabalik ulit. She gave me an incredulous look. “Behold, the princess of Los Angeles rode a public vehicle, now soaking wet and very much haggard.” She laughed that very-much-annoying laugh.
Tiningnan ko
siya ng masama. Umupo muna kaming dalawa sa waiting shed katapat lang ng main
gate at nag-ayos ng sarili. Habang naglalagay ako ng foundation ay ikinuwento
ko kay Clea ang nangyari pagkauwi ko kahapon. Though I didn’t mention his name. Matagal nang alam ni Clea ang
tungkol sa kung sino ang tinutukoy ko ngunit wala siyang ideya sa kung anong
itsura o pangalan ng lalaki sa likod ng galit sa puso ko.
“I think ang pinakanasasaktan sa sitwasyon ay si
Tita Carmel. She couldn’t say no to your father—”
I cut her off. “It’s not that she couldn’t say no, it’s
that she doesn’t want to say no.” I
looked at her with such sharpness I actually seen her subtle flinch. “And he’s not my father.”
Ilang taon na
kaming magkakilala ni Clea ngunit alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin
siya sanay na nakikita ang isang bahagi ng pagkatao ko. Iyong parte kung saan
nakatago lahat ng negatibong nararamdaman ko sa mga taong nanakit kay Mom. My
bitchiness just a facade she learned how to read and understand.
Clea smiled at
me, awareness in her eyes. “I know.”
Pumasok kami sa
school na parang mga normal na bagong salta sa bagong lugar. Hindi naman gano’n
ka-mature ang mukha namin ni Clea kaya hindi kami napansin ng guard na nakatayo
sa gilid ng mismong gate. Kasabay namin sa pagpasok ang ilan sa mga estudyante
kasama ang mga magulang nila. It’s a good thing I didn’t wear my heels dahil
kung hindi ay mapapansin na talaga na hindi kami high school students. Kahit
parehas na nakaflats kami ni Clea ay alam kong mas angat talaga ang height
naming dalawa kumpara sa iba.
May tatlong
building na nakapalibot sa quad. Iyong nasa gitna ang mukhang pinakabago; kulay
yellowish gold ang pintura. Ang building sa kaliwa ay nasa likod naman ng isang
di gaanong kataasang stage na napapalibutan ng mga puno. Sa kanan naman ay
gano’n din ngunit mas mukhang bago ang stage doon kumpara sa kaliwa. Covered
court ang nasa harap ng pangalawang stage.
Ang nagsilbing
usherette para sa gaganaping orientation ng mga estudyante at magulang ay ang
mga girls scouts. Nakauniform sila ng green at kumpleto rin ang apat na pins sa
kaliwang dibdib.
Natapos ang
orientation at paglilibot sa school ng twelve ng tanghali. The school is not
bad. In fact it’s too good to simply just declare it as a public school. Kung
gano’n ay hindi na ako magtataka sa asal at ugali ng babaeng magiging sentro ng
istoryang isusulat ko. She’s the perfect choice.
Which reminds
me...
“God, hindi ko maimagine na apat na taon niyang
natiis ang pag-aaral doon! Seriously? No aircon? Kahit isa?” pagrereklamo ni Clea habang panay ang
paypay sa sarili.
That’s the
downside of public schools. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ngunit alam ko
namang obvious na iyon. Ewan ko ba at nagtaka pa siya.
Luminga-linga si
Clea. “I’m pretty sure there’s a
Starbucks nearby. Doon na lang muna tayo.” Bumaling siya sa akin. “Sayang at hindi mo dala ang laptop mo.
Makakapagtype ka sana,” she said wistfully.
Umiling ako at
bahagyang napangiti. Tuwang-tuwa kasi siya kapag pinapanuod niya ako habang ako
naman ay nasa sariling mundo at tutok lang sa screen ng laptop. She said that
my tapping-the-keyboard sounds music
to her ears.
Weirdo.
Sumang-ayon ako
at patawid na sana nang bigla kong napansin ang mga vendors ng streetfoods.
Hindi ko namamalayan at naglalakad na pala ako papunta doon.
“Cara? Saan tayo pupunta? Do you have a specific
restaurant in mind?” tuloy-tuloy
na tanong ni Clea habang sumusunod sa akin.
I remember Kuya Aster
telling me that my protagonist have this guilty pleasure of eating streetfoods.
Hindi siya pinapayagan ng mommy niya na kumain no’n but she won’t budge. I
sigh.
Huminto ako sa
tapat ni kuyang nagluluto ng fishballs at kikiam. Hinanap ng mga mata ko iyong
kulay orange.
“Cara, are you serious?” bulong sa akin ni Clea. Nilingon ko siya
at nakitang halos masuka siya habang nakatingin sa pagkaing nasa harap niya. “You have no idea kung ilang germs ang
nandyan,” patuloy niyang bulong sa akin.
This girl, such
a spoiled brat. She’s missing half of life kung hindi ko ito isinasama sa mga
kabaliwan ko.
“Kuya, sampung fishballs, limang kikiam, hmm...” What the hell, ano bang tawag nila doon
sa kulay orange?
Mukhang nalaman
na ni manong kung ano ang kanina ko pang hinahanap. “Ay ineng, ubos na ang kwek kwek namin. Masyado kasing mabili eh,” he
said with that toothy grin. I can’t help myself but to smile back. Simplicity
of life never ceased to amaze me.
Nang nakuha ko
na ang mga inorder ko ay mabilis akong tumusok ng isang fishball at iginiya kay
Clea para kainin. Hindi ko mawari kung anong ibig sabihin niya sa reakyon niya
but I find myself quite amused because of it.
“Try it,” utos ko sa kanya. Yes, I just commanded Clea and I’m
pleased for the fact that I’m the only one capable of doing that to this
spoiled and proud girl.
Dahan-dahan niya
iyong kinagat at nginuya. I waited for her reaction. Kakain na rin sana ako
nang biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at nakitang hindi iyon
nakaregister sa contacts ko.
“Hello?”
Nagtaas ako ng
kilay nang kinuha ni Clea ang stick at tumusok ng isang kikiam.
“Where are you?” tanong ng isang pamilyar na boses.
I rolled my eyes
and heaved an exasperating sigh. “I’m
sorry, who’s this?” pang-aasar kong tanong.
“Hinahanap ka ni Tita Carmel. Hindi ka raw nagpaalam
sa kanya? She’s worried.”
Kinagat ko ang
labi ko. I’m still mad at her but knowing she’s worried gnawed at me.
“Just tell her I’ll call her,” I said in a clipped tone. Hearing this
asshole’s voice made me irate again. Mukhang ito ang sinasabi nilang stimulus sa
inis at galit ko sa katawan.
“Alright. But you didn’t answer my question—”
“None of your biz—”
“Don’t fucking hang up on me Cara,” he said with an edge on his tone.
Nagtaasan ang mga balahibo ko dahil doon.
Diniinan ko ang
hawak sa plastic cup kaya naman napatingin sa akin si Clea. There are questions
in her eyes ngunit din rin nagtagal at mukhang narealize na niya kung sino ang
kausap ko.
I hate this! “Are you trying to scare me?”
“Are you scared?” balik niyang tanong.
“I’m not fucking scared.” Halos isigaw ko ang mga salitang iyon.
Kung wala lang ako sa lugar na maraming tao ay baka kanina pa ako nagsisisigaw
dito.
“Watch your language.” He almost growled the words.
Sarkastiko akong
napangiti. “Says the one who just
cursed.”
“That’s only because I’m extremely pissed at you.”
“Ditto.”
Narinig ko ang
pagbuga niya ng hininga sa kabilang linya. Mukhang malapit nang mapigtal ang
pisi ng kakarampot niyang pasensya pagdating sa akin. At least we’re even in
the anger management department.
“When you get home, we’ll talk. No buts.” Magsasalita pa sana ako ngunit ibinaba
na niya ang tawag.
He really has
the ability to destroy my mood
Tiningnan ko ang
plastic cup na hawak at halos mapanganga nang nakitang wala nang laman iyon
kundi ang sauce na lang.
“Sorry. Nakakagutom pala kayong panuorin na
nag-aaway. Got me curious kung paano kapag live show na,” sabi niya sabay tawa.
You have no idea
Clea. No idea at all.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
No comments:
Post a Comment