JONAXX




Date posted: June 15, 2015



Name: Jonahmae Panen Pacala

What is her best asset, why? 
              Her best asset na napansin ko talaga ay ‘yung imagination/writing skills niya. She’s very simple yet charming and most of all VERY TALENTED. She’s the author that really got my heart. Sa mga stories pa lang niya, mga fictional characters na ginawa niya, mahihimatay na ako sa kilig!!! And actually it’s not just about the stories she made that made me love her, it’s also about the personalities of the fictional characters she had made/ is making. Napaka-unique at talagang mapapamahal ka sa kanila. May mga instances na kapag nakilala mo sila sa isang chapter, there’s this something in yourself that craves for more. Na hindi mo mapigilan ang sarili mong ma-curious and at the same time, mag-anticipate at syempre, ang KILIGIN! May mga instances din na napapahagulhol ako habang nagbabasa kasi hindi lang puro kilig ‘yung mararamdaman mo sa mga stories niya, hindi lang puro about romantic love ang tema ng mga stories niya, meron ding about friendships and families na talagang makakarelate ka. In short, lahat talaga ng readers ay makakarelate sa mga stories na ginagawa niya. The way she writes, it’s awesome! SUPERB! I LOVE HER, HANDSDOWN!


What do I like about her?
             The best thing that I like about her is her simplicity and her love to her fans. Nakita ko kung paanong sumikat ang ilan sa mga writers dito sa wattpad and I must say na ang iba sa kanila ay masyadong classy kung magdamit o di naman kaya tumataas ang tingin sa sarili. Pero siya, napakasimple niya at ‘yung mga ngiting ibinibigay niya sa mga fans niya, GENUINE! Sa isang tingin mo palang naman ay makikita mo na kung genuine ba ang ngiti ng isang tao o pilit lang. She’s also very humble. Nakita ko sa mga fb posts niya na hindi naman nasusukat ang achievement ng isang tao sa mga bagay na nangyayari sa kanya (like ‘yung mga published books niya) but it’s about those people who supported her no matter what the circumstances are. Tapos nakakatuwa din na medyo mahiyain pala siya based sa mga videos niya sa JSL group. Basta ayan! And of course, I will never forget all of her stories that moved me, changed me, and at the same time made me realized things that I never once knew my entire life! Dahil sa kanya marami rin akong natutunan, about love (family, friends, boyfriend) basta LAHAT na ng dapat maramdaman ay naramdaman ko na sa mga stories niya and when I met her, GOSH! Imma so speechless! She’s so beautiful, inside and out!

What is her personality?
              Since hindi ko naman siya kilala personally, sasabihin ko na lang dito ‘yung sa TINGIN KO ay personality niya based sa pagkakakilala ko sa kanya through social media sites. She’s very simple. Ang simple lang ng mga outfit niya, kumbaga simple tshirts and jeans, kayang-kaya na niyang dalhin ang sarili niya. She’s very shy. Kapag kasi vinivideohan siya ng mga friends niya to greet a fan, tinatakpan niya ‘yung bibig niya tapos matatawa, basta ‘yung nahihiya talaga. She’s very thoughtful. Hindi niya nakakalimutan pasalamatan ang mga fans niya and syempre, very humble. Hindi siya nagmamayabang sa kung ano na ang narating niya. Kung may mga bashers man siya, hindi niya tinatanggap ‘yun negatively dahil sabi nga niya ay may kanya-kanya namang opinyon ang mga tao at wala siyang magagawa doon. She just has to accept that fact. I love her! Period! Hahaha

What facts do I know about her?
              Her real name is Jonah Mae Pacala from Cagayan de Oro City. Passed the LET exam and currently a kindergarten teacher. She’s 25 years old (not sure about this), she’s FEMALE (natawa ako dahil noong hindi pa siya gaanong sikat ay napagkakamalan siyang male). She started writing at the age of 10, writer muna sa teentalk before wattpad. May 5M votes na siya ngayon sa wattpad!!!! Then no.1 sa teen fiction ang story niya na “To Stay” Siya ang wattpad writer na may pinakamalaking number of votes (I think, locally). Ang tawag sa kanya ng mga fans niya ay “Queen” dahil siya ang queen namin! Haha. Username sa wattpad: jonaxx (read niyo stories niya ah?). May two published books na: Mapapansin Kaya & Heartless. May self-pub na rin siya: 24 Signs of Summer & Remembering Summer. May Soon to be published na rin siya!!!: Every Beast Needs A Beauty. In short, bibilhin ko lahat ng books niya! Hahaha <3


How am I as a fangirl?


Jonaxx while signing my books <3
(Sizzle Soiree - April 11, 2015)




My signed books <3

   
                  Ikinukwento ko siya sa lahat ng mga friends ko. Kapag kasama ko sila, magugulat na lang sila kasi bigla akong hahagalpak sa tawa, biglang iiyak, biglang bubulong-bulong dahil nga galit ako, then bigla akong magtititili sabay hampas sa mga braso nila habang isinisigaw sa kanila ang pangalang ELIJAH! Ako ‘yung tipong pipila nang pagkahaba-haba sa book signing event niya masilayan ko lang ang kagandahan niya, masabi lang niya ang pangalan ko, makita niya lang ako, makita ko lang siya, magkaroon ng sign ang book ko, mayakap ko siya, magkaroon ng picture kasama siya (pero naaalala ko ‘yung nakakaasar na bouncer sa tabi niya ‘nung booksigning ng sizzle authors!!!) Ako ‘yung wagas mang-istalk ng mga social media accounts niya at lahat nila-like ko (fb, tw, wp, insta, askfm, blog). In short, mahal na mahal ko siya!!!! <3

      What am I willing to do just to see her?
             Kapag graduate na ako at may sarili na akong trabaho at may pera na ako, pupuntahan ko siya sa CDO at sasabihin ko kung paano niya binago ang buhay ko dahil sa mga stories niya at kung gaano ko siya kamahal, at kung gaano niya ako pinasaya, at kung gaano niya pinalundag ang puso ko noong sinabi niyang “Thank you *insert my name here*” noong bs niya! OMG TALAGA!!! Tatawirin ko ang mga karagatan, dagat, himpapawid, at lupa masilayan at mayakap ko lang siya!!!



My own copy of Queen's selfpub (24SOS) <3

          

      




          Date posted: April 27, 2016



I am already a graduating student kaya naman  nagsimula na rin ako sa internship ko. Busy sa school dahil sa thesis then pagod din dahil halos halughugin namin ang Makati at Taguig para sa companies kung saan pwede mag-OJT. Isang araw, around 4th week of April, sobrang pagod na pagod ako galing byahe. Pag-uwi ko, syempre kwentuhan kaming dalawa ni mama. Sobrang tipikal lang. Pero pag-akyat ko, grabe ang pagtili ko dahil sa package galing LBC na nakalagay sa taas ng kama namin. Sabi ko, “Ma! Dumating na pala ‘to?! Bakit di mo kaagad sinabi?!” Tapos puro pictures ang pinaggagagawa ko (syempre ng libro, hindi ako! haha).



 My own UT Bundle <3


DUMATING NA SI ELIJAH SA BAHAY! Haha. Grabe, sobrang nawala ang pagod ko dahil dito! Talagang ingat na ingat ako sa pagbubukas nung package. Medyo nalungkot at nadisappoint nga lang ako sa sinapit nung box set pero nawala rin kaagad iyon nung nahawakan ko na ‘yung pinakalibro. Oh God, ako siguro ang pinakamasayang tao noong araw na iyon! Sobrang worth it ng paghihintay ng ilang buwan at pag-iipon syempre pambili no’n. Student palang ako kaya naman sa allowance lang talaga ako nakadepende and I’m so happy at ayos lang sa parents ko ang ganitong kabaliwan ko sa libro.