Chapter 5: I’m sorry

Panibagong araw na naman! Tapos na ang dalawang araw na bakasyon! *sarcasm*

Whatever -__-

Pagkapasok ko sa school namin ay dumiretso kaagad ako sa bulletin board. Makikichika lang ako kung ano nang mga kaganapan sa school namin. Syempre responsableng estudyante ako dito! Haha

Nakita ko sa bulletin board ang iba’t ibang events na mangyayari sa loob ng aming campus maging ang gawain ng iba’t ibang clubs. Next week ay ipagdiriwang ang foundation day ng school at marami ang magpeperform kasama na ang........eternity.

I immediately put my hands on my mouth to suppress my squeal that’ll definitely gain attention if articulated.

See? Sa sobrang excitement nakapag-english na ako sa isip! Hahaha.

OMG!! Magpeperform kami! Ilang months na rin simula nang nakapag-perform kami sa stage ng mga kabanda ko (na sila Jayah, Andrea at Mildred din XD). Nakakamiss lang at ngayon ito na! May pagkakataon na kaming makapag-perform ulit!

Nagmamadaling tinakbo ko ang hallway papunta sa room namin dahil sigurado akong masayang balita ito para kela Jayah at Andrea. Mamayang lunch na lang siguro namin sasabihin kay Mildred. Nasa kabilang building pa kasi siya.

Habang tumatakbo ay binilang ko na sa isip ko kung ilang araw kami mag-eensayo. Aba syempre dapat paghandaan namin ng bongga ang pagbabalik namin sa entablado at ang pagharap namin sa madlang people! XD

Dahil wala ang aking witty brain sa katawang lupa ko ay hindi ko namalayan ang isang grupo ng mga kalalakihan kaya naman ay nabangga ko ang isa sa kanila. Napaupo ako sa sahig at nahulog ang bag ko’t iniluwa nito ang mga gamit ko. Medyo na out of balance naman iyong lalaking nabunggo ko ngunit nakatayo naman siya agad.

Waaahhh!!!! Ang sakit ng pwet ko! Wagas ang landing sa lupa!

“Woah pare! Chicks nanaman oh! Bilib na talaga ako sa’yo!” sabi ng isang lalaking katabi nung lalaking nabunggo ko sabay ang hampas sa kanya sa ulo.

“Ulol! Tigilian mo ko’t baka masapak kita.” sagot naman niya.

Habang nag-uusap sila ay dali-dali kong kinuha ang mga gamit kong nagkalat at inilagay ang mga iyon sa bag ko. Grabe! Ang hassle naman ne’to! Anong oras na ba’t baka ma-late pa ako.

“Chill bro. Masama pa rin ba ang loob mo kay Agatha?” tanong ng isa pa niyang kasama.

“Tss.”

Nang matapos ko na ang pag-aayos ay dali-dali akong tumayo’t magsisimula na sana muling tumakbo ngunit biglang humarang ang isa sa mga kaibigan nung nabunggo ko.

Nilingon ko naman sa likod ko yung lalaki.

“Sorry nga pala.” sabi ko.

Matapos kong sabihin iyon ay humarap naman ako’t tiningnan ng masama ang lalaking humaharang sa daanan ko.

“Excuse me.” malambing kong sabi kahit sa totoo lang gusto ko nang ilampaso yung mukha niya. Nakangisi kasi. Isang tingin ko pa lang alam kong wala nang magandang dulot ‘tong hinayupak na ‘to.

Tumabi naman siya at iminuwestra pa ang mga kamay patungo sa daraanan ko na tila ba nang-aasar. Inirapan ko lang.

Mga pisting mga lalaki talaga! ‘Yan ang mahirap kapag ang mga nakakasalubong mo eh yung  mga mahahangin at mga akala mong siga ng school. Tss.

Nang makarating na ako sa classroom namin ay nakita ko kaagad ang mga naggagandahan kong kaibigan. Pinuntahan ko kaagad sila at ibinalita ang nalaman ko.

“Oh my gosh! For real?!” tili ng mahaderang si Andrea. Nasa maximum volume ata ang ngalangala nito.

“Can’t wait.” halos pabulong naman na wika ni Jayah kahit parang mapupunit na ang mga labi sa sobrang ngiting malapad.

Nang pumasok na ang professor namin ay bumalik na kami sa aming mga upuan. Lumingon naman ako at nakitang wala pa siya.

Wait. Teka nga lang, bakit ko ba siya hinahanap?! Pake ko ba sa habagat na yun?!

Mga bandang lunch time ay kumain lamang kami sandali at dumiretso agad sa club room namin kung saan kami madalas magpractice noon. Actually kami talaga ang gumawa ng sarili naming club at pinangalanan iyong Walden Symphony Music Club. Ewan ko ba at saan ko, or rather, saan namin napulot ang pangalang yun. Iba-iba ang mga tinutugtog naming instruments. Ako sa piano, si Jayah naman sa violin at si Andrea naman sa guitar. Mellow songs ang madalas naming tugtugin at hindi iyong mga maiingay at rock na tugtog.

Noon, hindi maaaring lumipas ang isang araw na hindi kami nagtutungo sa club room namin at tumutugtog. Pero mas naging busy na kami nang maging mga juniors na kami. Masyadong maraming pressure sa academics at pagkuha ng matataas na grades. Talagang pahirapan! Lalo na kami ni Mildred na mga scholars ng school na’to.

Chika ko nga pala ulit. Ang sosyal lang ng name ng school namin. Lockhart Academy. Oh di ba?

“Girls! Ang sakit na ng lalamunan ko! Bukas naman!” pagmamaktol ni Andrea matapos ang halos tatlong oras ng pag-eensayo.

“Grabe naman! Nakakadalawang kanta pa nga lang tayo eh.” sabi ko naman.

“Paano ba naman at masyadong perfectionist ang isa dyan!”

Sabay naman naming nilingon si Jayah na kasalukuyang hawak ang cellphone at mukhang may katext. Nagulat naman kami pare-pareho nang magring iyon.

Halos natataranta namang sinagot iyon ni Jayah.

“Hello?” malumanay na sabi ni Jayah. Wait....parang may tawag sa tono na ‘yon eh.

TAMA! Syet! Parang sineseduce niya yung kausap niya!

Hmm....I wonder kung sino yung kausap niya.

Parehas lamang kaming nanahimik ni Andrea habang pinagmamasdan si Jayah. Matapos yatang magsalita ang nasa kabilang linya ay bigla namang nagblush nang parang kamatis itong si Jayah.

“Hoy! Kung tatawag ka ilugar mo! Nagpapractice kami dito! Wag istorbo at nadidistract si Jayah! Kulay kamatis na nga siya dito!” sigaw ko na halos mapatalon naman si Andrea at Jayah sa gulat.

Si Jayah naman parang gusto nang lamunin na siya ng upuan dahil sa kahihiyan. Napangiti ako. Si Andrea naman ay nakarecover na at pinipigilan naman ang pagtawa. Tinitigan naman kami ng masama ni Jayah.

“Ah! S-Sorry. Si Angeline yun. Hindi hindi! Ayos lang. Uhm....busy lang talaga kami......Ah, s-sige. Bye.” sabay bulsa sa kanyang cellphone at salampak sa upuan.

“Anyare?” inosente kong tanong. Haha! Actually pinagtitripan ko lang ‘tong si Jayah. Sarap kasing asarin. XD

“Wahahahahah!!!” biglang hagalpak naman ng tawa ni Andrea. Kanina pa kasi niya pinipigilan yan eh. Kung tumawa naman ‘to parang di babae. -___-

Bigla namang tumayo si Jayah at sinimulan kaming hawakan. Syempre tumakbo kami ni Andrea.

“MGA WALANGHIYA KAYOOO!!! NAKAKAHIYA KAY AYDEN! ANO NA LANG IPAPAKITA KONG MUKHA DUN???!!!”

WOAH! Kailan pa natutong sumigaw si Jayah? May poise parati yan lalo na sa pagkilos at pagsasalita tapos ngayon naman.

Wahahah!!! Ang cuuutteee!!!

Matapos ang marathon sa pagitan naming tatlo ay napagdesisyunan na naming umuwi. Si Mildred masama raw ang pakiramdam kaya naman nauna nang umuwi’t di na nakasama sa practice namin. Mag-isa ko tuloy na tinatahak ang daan papunta sa sakayan ng jeep. Medyo malayo iyon sa academy pero walking distance naman. I mean kahit malayo siya ay para sa akin ay walking distance siya. Gets? Haha

Habang naglalakad ay nakita kong may makakasalubong akong lalaking schoolmate ko. Nakauniform kasi siya ng school namin kaya naman nalaman ko kaagad na schoolmate ko siya. Hindi ko na lamang sana iyon papansinin ngunit nakita kong pasuray-suray siya habang naglalakad at mukhang kaunting push na lang at tutumba na siya.

Lasing ba ‘to?

Ipagwawalang-bahala ko na sana yung lalaki ngunit bigla niya akong hinawakan sa mga braso ko nang magkalapit kami.

“Hey beautiful. Wanna go with me?” bulong niya sa akin nang hapitin niya ako palapit sa kanya.

WTH!!! Ang baho ng hininga niya!! Amoy alak!

Nagpupumiglas ako pero sobrang higpit ng kapit niya sa akin.

“Hoy ano ba! Pakawalan mo nga ako! Eww lang kuya ah!” singhal ko sa kanya habang nagpupumiglas pa rin.

“Wait. You’re the girl earlier! Yung nagpapapansin kay Mark!” turo niya sa akin kahit na wala na sa pokus ang mga mata niya.

Sino daw? Si Mark? Sino yun??

“Sorry. Wala akong friend na Mark. Baka kamukha ko lang yung sinasabi mong nagpapapansin dahil masyado akong maganda para sa gawaing ‘yon. So if you don’t mind mister, excuse me.” malumanay kong sabi sa kanya at tsaka pilit na iniaalis ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa mga braso ko.

“Ngayon ko lang nalaman, ang ganda mo pala sa malapitan.” sabi niya na halos tumayo na lahat ng mga balahibo ko sa katawan dahil sa takot.

Lalo akong binalot ng takot nang pilit niyang inaabot ang aking mukha’t inilalapit ang kanya sa akin. Pinipilit niyang mahalikan ako habang ako nama’y patuloy na nagpupumiglas at iniiilag ang aking mukha.

Nagsimula na akong umiyak nang maramdaman kong iginapang ng lalaki ang kanyang mga kamay sa katawan ko.

“TULONG! TULUNGAN NIhindi ko na naipagpatuloy ang pagsigaw dahil hinawakan niya kaagad ang bibig ko.

Walang katao-tao sa parteng ito kaya naman natakot ako lalo na wala man lang nakarinig sa sigaw ko.

Bigla akong tinulak ng malakas ng lalaki kaya naman sumubsob ako sa lupa at mukhang natwist ang kaliwang wrist ko. Niyakap ko ang bahaging iyon dahil sa sobrang sakit.

Patuloy ang pag-iyak ko at takot na takot ako. Naramdaman ko namang dinaganan ako nung lalaki’t muling hinawakan ang aking bibig upang pigilan ako sa pagsigaw kaya naman buong lakas ko iyong kinagat at nang lumayo siya’t nagmura dahil sa sakit ay sumigaw na ako nang sobrang lakas.

Isang malakas na suntok naman ang sumalubong sa aking mukha at naramdaman at nalasahan ko na lamang ang dugo sa aking bibig. Nagsimula na ring umikot ang aking paningin.

Sobrang nanghina na ako at pakiramdam ko’y mawawalan na ako ng malay. Bago mangyari iyon ay nakita ko pa ang dalawang lalaking nakatayo at pinagsusuntok ang lalaking nagtangka sa akin. Ang isa sa kanila ay lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.

“Shit!” sabi niya habang kinukuha ang isang panyo mula sa kanyang bulsa at ipinunas iyon sa gilid ng aking labi.

“I’m sorry.” narinig ko pang sabi niya bago ako nawalan ng malay.


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments: