Harmonics 1: List
“‘Yun lang? Cara, seriously? Tinatawag mo ‘to na ending? Nasaan ang justice ng love story nila?!” pagmamaktol ni Clea habang busy naman ako sa pag-a-upload ng last cover ko sa last chapter ng story na isinulat ko. Nakaupo ako sa usual seat ko sa tapat ng study table ko habang nasa harapan ko naman ang laptop ko. The nosy girl is behind me sitting pretty on my bed, most probably staring daggers at me.
Naramdaman ko ang paghampas ng isang malambot na unan sa likod ko. “Shut the hell up. You’re annoying. Magpasalamat ka na lang dahil pinabasa ko sa’yo ‘yan bago ko inilagay sa site ko,” walang gana kong utas. Naramdaman ko nanaman ang hampas ng isa nanamang unan sa likod ko. I kept on ignoring her.
I can even imagine her pouting. I smiled to myself. There’s no such thing as a happily ever after. Yes, maybe there is, but not all the time. People nowadays are so into physicality and not as much to emotion and purity of heart. This, I learned through experience and observation. Ano ang hinahanap ng mga babae? Mga gwapong lalaki. Ano ang hanap ng mga lalaki? Magaganda at sexy na babae. Ang mga taong hindi ganito ay sigurado kong endangered na sa panahong ito.
“Cara, wala bang book 2?” she asked, full of hope.
I crossed my arms in front of my chest and whirled my swivel chair to face her. “None,” walang puso kong deklara.
I don’t know why Clea keep on insisting for that story to have a book two. Hindi ito ang unang beses na sinabi niya iyon sa akin. Siguro ay mga last 10 chapters na lang bago ang ending ng story na iyon ay nagrequest na kaagad siya ng book 2. But then, my word is final.
Lalong nalukot ang noo ni Clea habang nakatingin sa akin. “Bakit hindi sinabi doon kung kanino napunta ‘yung puso ni Matthew? Malaking palaisipan ‘yun!” Bigla rin namang nagliwanag ang mukha niya, mukhang may naisip nanamang kabaliwan. “What if magkaroon ng mission si Faye na hanapin ‘yung nakatanggap ng puso ni Matthew? Tapos... tapos may makikilala siyang guy pero hindi niya alam na iyon pala ‘yung nakakuha ng puso ng boyfriend niya? Tapos maiinlove siya ‘dun sa guy pero masasaktan din siya dahil maiisip niya si Matt. Then malalaman niya sa huli na nakita na pala niya ang hinahanap niya tapos—”
“That’s too cliché. Saan ka naman nakabasa ng ganyang storya?” tanong ko, wala pa ring emosyon sa mukha. The storyline is ridiculous. Really? Hahanapin mo pa ang nakakuha ng puso ng boyfriend mo? What’s the use when you already lost the most important person to you? What’s the sense? Nothing. Pinagod mo lang ang sarili mo kung gagawin mo pa ‘yun.
“What if lagyan mo ng twist ang story tapos buhay pala si Matthew? Tapos magugulat si Faye kasi hindi niya alam ‘yun! Nagsinungaling kasi si Matthew sa kanya at—” she started blabbering, completely ignoring my question earlier kaya naman pinutol ko kaagad siya.
“Then make your own story. Don’t mess up with mine.”
Nahimigan naman kaagad ni Clea ang iritasyon ko kaya naman tumigil na siya. Pero dahil immune na siya sa ugali kong ito ay hindi naman siya natakot. Imbes ay nag-isip siya ng ibang bagay na makapagpapainis sa akin. Then, she started blabbering again like a psycho in front of me.
“Anong next story mo? Tungkol saan? Utang na loob naman Cara! ‘Wag naman tragic ang ending ah!” she exclaimed while showing me her big round eyes. “Gusto ko ‘yung epic ang love story ng dalawang bida!”
“My story is epic.” I raised my left eyebrow at her.
“Isang malaking epic fail ang ‘The Heart that Loves’ mo! Napaghahalataan ka tuloy na bitter na pati si Matthew ko at ang Faye niya ay dinamay mo pa!”
Inirapan ko na lamang ang mga walang kwentang pinagsasasabi niya. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ito pinapasok sa kwarto ko. Aside sa mom ko ay wala na akong pinapapasok na iba dito. Para kasi sa akin ay once na nakapasok ka na rito ay malalaman mo na ang katago-tago kong sikreto sa buhay. Of course, this is applied to this very loud girl in front of me. Si mom at si Clea ang tunay na nakakakilala sa totoong ako. How did that happen? Easy.
She’s a total couch potato. Not in front of a television though, but in front of her gadgets — either in her phone or laptop. She’s fond of reading stories kaya naman kahit saan mo makita ang babaeng ito ay lagi siyang may bitbit na gadget at tutok na tutok doon. Then she discovered my site, did her little research — I have no idea how little her research about me had been pero dahil nalaman niya kung sino ang author nito (which by the way I tried really hard to keep as a secret) nalaman niya kung sino ang gumawa nito at nilapitan niya siya — which is me in my actual, factual, original, authentic, bona fide, form (I’m pertaining to my gorgeous self of course). Then she told me how she fell in love with my stories... you know, the typical I love your stories so I love you too! kind of thing, which again, made my blood boil and my hands to twitch so badly they want to slap the girl’s gut and kick her ass. She’s just too nosy for my liking.
Then again, how did she end up inside my bedroom? She’s just a little bit... persuasive. And when I say persuasive, ang ibig sabihin ay pinilit, pinipilit, at pipilitin niya akong hayaan siyang pumasok dito. I got tired of her whines and never ending persuasion so I accepted defeat and let her in. My mom loves her though.
“So!” Bumalik ang tingin ko kay Clea nang narinig ko nanaman ang nakakairita niyang boses. “What’s the plan pretty writer? Saan ang next stop?” Tinaas-taas pa niya ang mga kilay niya, mukhang kukulitin nanaman ako para makakuha ng impormasyon. “Ang setting ng THTL mo ay sa Paris. Saan naman ang susunod? Pati ano ang title?”
Huminga ako ng malalim at sumandal ng maayos sa swivel chair ko. I’ve been thinking about it for quite some time now. In fact, ang susunod kong isusulat na story ay long overdue na. Matagal na kasi iyong nasa utak ko, gumawa na rin ako ng mga paraan para maging successful iyon at sa pagkakataong ito ay maaari na akong magsimula. I have my own characters, I have a place in mind where they will meet, I already have a list of the other characters, kahit ang mga magiging kontrabida ay kilala ko na.
All I’m waiting for is this particular phone call from someone.
“May tanong pa pala ako,” parang baliw na sabi ni Clea. Bigla naman siyang natawa — actually hindi ko alam kung sa naiirita kong mukha siya natatawa o sa sarili rin niyang kabaliwan — at napapailing na tumingin sa akin. “Hanggang kailan ka dito sa Pilipinas? Since nandito ka, rest assured na dito ang setting ng next story mo. Pero pagkatapos ba ay aalis ka ulit para sa susunod mong isusulat? Perhaps to another foreign country?”
I didn’t immediately answer her question. Hindi ko rin naman kasi alam ang mangyayari. Ayoko rin namang magsalita ng tapos. I might love it here. Besides, I’m a pure Filipina kaya mahal ko pa rin ang bansang ito. Kahit na may dual citizenship ako dahil hindi naman ako dito ipinanganak, still ang dugong nananalaytay sa mga ugat ko ay purong Pilipino.
Yeah. I might stay. For good. Who knows?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
“This is it?” I asked. Skepticism is clear in my voice.
Hinila naman ako ni Clea palapit sa kanya at saka inakbayan ako. “This is definitely the place. Dito kaya ako halos lumaki!” buong pagmamalaki niyang utas.
I took off my aviators to see the place more clearly. Pinasadahan ko ng tingin ang harapang bahagi. The opened huge gates were clearly made from expensive material and a big, cursive Alfwold Clement University was engraved at the top of its intricate designs. I wonder if this is a mansion of some sort or simply a well-known university. It was so hard to tell apart between the two. Pero dahil sa university na nakita ko sa gate ay mas pinaniwalaan ko ang huli.
Clea sigh with satisfaction. “This is the perfect place! Right, Cara?”
“Pwede na,” I said, deadpan. As usual, Clea pouted upon my indifference.
Inside the said university, various trees were scattered around the place and each was ornamented with wonderful carvings. May mga carvings doon ng ibon, araw, bulaklak, and the list goes on. Pagkapasok pa lamang sa loob ay aakalain mo nang nasa isa kang paraiso. It looked like just a breathtaking paradise.
Dahil may kapit somehow si Clea — hindi ko alam kung close ba sila ng chancellor o ng vice chancellor ng university na ito kaya nakakapasok na parang importanteng tao si Clea kahit walang pasok — ay nakagala kami sa loob. Siya ang nagsilbi kong tour guide para naman makita ko ang kabuuan ng university. Nalaman ko rin na botanical, rose, at stone garden ang kadalasang makikita ko sa loob. Kagaya raw ng concept ng school na ito ang sa katunggali nito, which is the North Oswald Academy.
Interesting.
She showed me their basketball varsity gym, soccer varsity field, swimming varsity pool, lawn tennis varsity court, badminton varsity indoor court, the locker rooms, club rooms, auditorium, theater, chapel, plaza, buildings, and offices. I must admit that the one of the best schools in the Philippines title really deserved by this school. Ipinakita rin sa akin ni Clea ang flow chart nila at ipinaliwanag niya sa akin kung anu-ano ang mga courses na ino-offer nila. Their grading system is also different; 4 being the highest and 1 being the lowest. I slowly nodded my head. Cool.
She also introduced to me their so called Star 6.
“The name is stupid,” puna ko.
“I know! Pero syempre, the typical stars, ibig sabihin mga sikat at hinahangaan sila dito sa loob ng school.”
“You looked so uninterested.” Ang alam ko kasi ay isa siya sa mga sikat sa pinapasukan niya. If I know ay kasama rin siya sa star 6 kuno na sinasabi niya.
She shrugged. “They’re definitely at the top of the social ladder and I must say na maraming nagkakandarapa sa kanila. But they’re just so boring as hell. Mas gugustuhin ko pang magbasa ng mga stories mo.”
Hindi ko pinansin ang last part na sinabi niya. “Paano mo nasabi na boring sila?”
“Kasama sila sa circle of friends ko. Proven na boring talaga sila.”
“And you’re telling me now that they’re boring,” ulit ko. Kaibigan ba talaga niya ang mga ‘yon? What a friend.
“Definitely,” she said full of conviction and finality. At least she didn’t find me boring. Well... my stories at least. Why do I care anyway?
Simula nang napagdesisyunan namin ni Clea na maglibot sa university ay wala na akong narinig na kung anong ingay. Kaya naman nagtaka ako nang bigla akong nakarinig ng tunog ng iba’t ibang musical instruments nang pumunta kami sa isang building. Sabi ni Clea ay narito daw ang mga club rooms maging ang theatre nila.
“Bakit nandito ang Gild Sky?” Clea asked no one in particular.
“Gild Sky?” Another weird name.
Hinawakan ni Clea ang kamay ko at hinila ako papunta sa kung saan. Hinayaan ko lang naman siya at patagal nang patagal ay mas lumalakas ang mga tunog na naririnig ko hanggang sa huminto na kami sa tapat ng isang malaking double doors. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang itinulak ni Clea ang mga pintong iyon na parang isang siga. Wala na akong nagawa at sumunod na lamang.
Bumungad sa akin ang malakas na tunog ng isang musika na nagmumula sa mga nagkalat na loudspeakers. Mukhang ito yata ang tinutukoy na theatre ni Clea. Humalukipkip si Clea habang nakatingin sa stage. Tiningnan ko rin iyong tinitingnan niya at napako ang mga mata ko sa lalaking kumakanta doon. Damang-dama niya ang kinakanta niya, dahilan kaya nakapikit siya habang binibigkas ang mga salita na talaga namang nakapukaw sa damdamin ko. The song is very beautiful. His voice is captivating.
‘Lately I've been thinking
About the things that we've been through
And I don't know if I'd be here,
If not for you
I had to take a little time
To try to work things out
And you should know that
I have never meant
To let you down.’
Matagal kong tinitigan ang maamong mukha ng lalaking kumakanta. He has this fair complexion, straight nose, proud and prominent jawline, perfect lips... mukhang sikat yata sa mga kababaihan ang lalaking ito. Gild Sky... sounds like a badass name for a band. Naglakbay ang mga mata ko paibaba. He’s neither the bulky nor the skinny type, but he’s lean and strong. He also has those sexy long legs. Matangkad ang lalaking ito na marahil ay 6 footer.
“Done checking him out?” Nagulat ako sa ginawang pagbulong sa akin ni Clea. Huminga naman ako ng malalim at humalukipkip.
“He’s attractive... very interesting,” walang gana kong utas. I can add him up on my characters list.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglaki ng mga mata niya dahil sa sinabi ko. Mukhang may ideya na siya kung anong gagawin ko. Mabilis niyang hinawakan ang braso ko at niyugyog iyon. “Cara! Patingin na kasi ng list of characters mo! Spoil me please!”
‘Even when I'm not giving enough
And I'm taking too much
You're still there for me
Even when I got nothing at all
And I'm ready to fall
You're still there for me...’
Then unexpectedly, that interesting guy opened his eyes and the first person he laid his eyes on was me. Tinitigan ko siya pabalik, sinusubukan kung kaya ko bang basahin kung ano ang nasa kabila ng maamo niyang mga mata. I am good at reading people, madali iyon para sa akin. Same goes for this guy. His eyes hold much sadness and... secrets.
One look at him made my decision clear and final.
“Yes Clea. His name will be included on my list.”
--------------------------------------------------------------------------------------------------------