Phase 2: Unwanted
Narinig ko ang
alarm ng phone ko kaya naman pupungas-pungas ko iyong inabot. I repeatedly
blinked my eyes to adjust my sight. It’s already 4:30 am kaya naman kinalabit
ko na si mama na katabi ko para magising na rin siya.
Habang
naghahanda sa pagpasok ay maraming bagay at mga katanungan na ang tumatakbo sa
isip ko. Kahit na sobrang tahimik ng paligid ay kabaligtaran naman nito ang
utak ko. Will I be able to survive this
term? Can I handle those high class people... my blocmates?
Hanggang ngayon
ay hindi pa rin ako makapaniwala na naipasa ko ang lahat ng mga entrance exams
na kinuha ko sa mga exclusive schools dito sa Maynila. It just so happened na
mabilis ring naasikaso ang scholarship ko sa Alfwold Clement kaya naman doon na rin napagdesisyunan ng parents
ko na papag-aralin ako.
My dream school
was North Oswald. Unang pasok ko pa
lamang talaga doon ay sinabi ko na sa sarili ko na doon ko kukunin ang diploma
ko after 4 years. Ngunit kahit na naipasa ko ang exam nila ay mahirap namang
asikasuhin iyong scholarship nila. There are so much that are needed to be
passed, series of interviews, other requirements... nakakapagod. Naaawa na rin ako kela mama dahil ang laki na ng
nagagastos namin dahil lang sa transportation.
So I ended up in
Alfwold Clement. Mukhang si God na rin ang gumawa ng paraan para hindi ako
mahirapan.
“Anong gusto mong ulam?” nakangiting tanong sa akin ni mama
habang sinusuklay ko ang basa at sabog kong buhok.
Ngumisi ako. “Ma, as if namang may pagpipilian di ba?”
“Nagtatanong lang eh. Malay ko ba!” inirapan pa niya ako bago lumabas para
magluto. Umiling-iling na lang ako bago nagpatuloy sa ginagawa.
Gano’n parati
kami ni mama kapag magkasama sa bahay. Para lang kaming magkapatid lalo pa’t
magkamukha kami. Tuwing gabi nga ay madalas kaming mag-asaran, ‘yung tipong may
kasama pang batukan at sabunutan. Tuwing gabi tuloy ay sinasaway kami ni papa
dahil sa ingay namin ngunit hindi na lang namin siya pinapansin.
“Ma, alis na ako,” pagpapaalam ko kay mama bago siya hinagkan sa
pisngi. Hindi na ako nag-abalang magpaalam kay papa dahil tulog pa naman siya.
“Good luck anak! Mag sign of the cross ka bago ka
umalis,” paalala ni mama
bago ako pinagbuksan ng pintuan at tinulak palabas. Tumawa na lang ako sa
kakulitan niya.
Isang malamig na
simoy ng hangin ang sumalubong sa akin nang nakalabas ako sa compound namin.
Mabilis kong binukod ang mahaba at straight kong buhok at inilagay iyon sa
kaliwang balikat ko. Inayos ko rin ang shoulder bag kong gray at pinasadahan
ang corporate attire kong suot bago nag-antanda at naglakad.
This will be my
very first day as a frosh in that elite school at ngayon pa lang ay kinakabahan
na ako. Human Resource Management ang
kinuha ko dahil kasama na rin dito ang course na malapit sa puso ko which is Psychology. Gusto ko rin ang kursong Law dahil challenging iyon. HRM is a
three in one course: Business, Psychology, and Law, kaya naman napagdesisyunan
kong iyon na ang kunin.
“Para po.” Huminto naman ang jeep na sinakyan ko nang narinig
ako ng driver. Nang narating ko na ang entrance ng school ay mabilis kong
kinuha ang ID ko, tinap iyon sa ID scanner at inilapag ang bag ko sa bag scanner
nila.
“Good morning Miss,” nakangiting bungad sa akin ni kuyang guard.
Nagdalawang-isip pa nga ako kung ako ba ang tinutukoy niya ngunit nginitian ko
pa rin siya pabalik. “Good morning din
po.”
Pagkakuha ko sa
bag ko ay mabilis na akong naglakad sa hallway. 6 pa lang ng umaga kaya naman
naiintindihan ko kung bakit wala pang masyadong estudyante. Ang simula kasi ng
klase dito ay 8 at talagang gusto ko lang maagang pumasok kaya nandito na ako
kahit ganitong oras pa lamang.
Naramdaman ko
ang vibration ng phone ko kaya mabilis ko iyong kinuha sa loob ng bag ko.
From: Best Ruth
Guys, GC practice later, 6pm. Attendance is a must.
Please pumunta po tayo para hindi na magalit sa atin si Kuya Lyle.
Huminga ako ng
malalim. Mabuti na lang talaga at 4:30 ng hapon ang uwi ko kaya naman
makakapunta ako sa practice na iyon. Matapos ang ilang oras na paglilibot sa
school ay pumunta na ako sa room namin. May mangilan-ngilan na akong nakikitang
mga frosh tulad ko. Nagsisimula na ring maging maingay ang mga estudyante
ngunit karamihan pa rin sa kanila ay halatang nag-aadjust pa.
Pagpasok ko sa
classroom namin ay nakita kong mga nasa pito pa lamang ang nandoon. Sa pitong
naroon ay dalawa ang kilala ko, thank God
for that!
“Hi Aisha!” nakangiting bati sa akin ni LJ. May pagkachubby siya
at ang mga pisngi niya ay tila tinatawag ang mga kamay ko. I want to pinch them
but I restrain myself. Nakaponytail siya at maayos ang pagkakaladlad ng bangs
niya kaya naman ang linis niyang tingnan.
Ngumuso ako at
bumati pabalik. “Good morning din.
Kayong dalawa pa lang dito?” Itinuro ko ang third row na kinauupuan nilang
dalawa. Tumango naman si LJ sa akin.
Bumaling ako sa
katabi niyang simpleng pagpisil lang sa kamay ko ang naging pagbati. Isang
mala-anghel na mukha ni Miky ang tumingala at ngumiti sa akin. Nakaponytail din
ang buhok niya kaya naman maaliwalas ang dating ng mukha niya.
Pumunta na ako
sa bakanteng upuan katabi ni LJ at iginala ang tingin sa kabuuan ng room.
Naramdaman ko na ang lamig dulot ng dalawang malalaking aircon sa loob ng room
at laking pasasalamat ko dahil suot ko ang blazer ko.
Nakilala ko sila
LJ, Miky, at Jenn — iyong hindi pa dumadating sa room — noong Interaktiv
(student orientation). Pare-parehas kaming scholars sa school na ito — though
iba-iba nga lang ng type, kaya naman mabilis kaming naging magkakaibigan.
Right after the
first bell ay pumasok si Jenn sa front door at malaki na ang ngiting ibinigay
nang nakita kami. Mabilis niyang tinungo ang pwesto namin at umupo katabi ni
Miky. “Sorry, I’m late,” nakangiti
niyang sabi sa amin.
Kumunot naman
ang noo ni LJ. “Ayan. Ang tagal kasi
nagbabad sa harapan ng salamin, na-late tuloy.”
Natawa kami ni
Miky dahil sa pang-aasar na iyon. Ngumuso at nag beautiful eyes naman si Jenn. “Worth it naman di ba? At tsaka baka makita
ko si ano dito...”
“Ang landi nito,” pang-iirap ni LJ.
Sumalida pa si
Jenn at mukhang tuwang-tuwa sa pang-aasar ni LJ. “Maganda naman.”
Puro kwentuhan
at asaran lang ang ginawa namin bago pumasok ang una naming professor sa araw
na iyon at maraming Good morning Miss
kaming narinig sa unahang upuan. Tulad ng mga typical first days ay course
introduction lamang ang naganap. Binasa at ipinaliwanag ni Miss sa amin ang
nilalaman ng course syllabus at syempre, ang walang kamatayan na introduction.
“I hate this part,” bulong ko sa sarili.
“Hindi ka nag-iisa,” nanlulumo ring sabi ni LJ, mukhang narinig rin yata
ang sinabi ko.
As usual ay sa
unahang upuan nagsimula. Mapapansin talaga na karamihan sa mga blocmates namin
ay mayayaman. Madali namang makita, sa paraan ng pagkilos at pagsasalita, kaya
naman medyo hindi ako sanay. Hindi ko rin naman pinagtuunan ng pansin ang
pagpapakilala ng bawat isa dahil... well... I
don’t care. I simply don’t. Nabuhay lamang ang dugo ko nang nasa linya na
namin ang pagpapakilala.
“I’m Jennifer Delgado, 16 years old, Honors scholar,”
mahinhing pagpapakilala
ni Jenn. Siniko ko pa nga si LJ nang bigla siyang tumawa, iyong tawa na walang
tunog. Simple naman siyang inirapan ni Jenn pagkaupo niya.
Sumunod namang
tumayo si Miky. “I’m Miky Lapuz, 16, PRG
scholar.” at mabilis siyang umupo. Hindi tulad ni Jenn ay mukhang inborn
mahinhin na itong si Miky.
“Pardon me, is your name Miky only... Miss Lapuz?” biglang pagsasalita ni Miss. Para namang
naubusan ng dugo si Miky pagkarinig doon. Mabilis siyang umiling ngunit
nginitian lamang siya ni Miss. “Full name
please. I’m checking if your name is in my official list at baka may naliligaw
dito.”
Walang nagawa si
Miky at muling tumayo. Pakiramdam ko talaga ay pare-parehas kaming kinakabahan
maliban na lamang kay Jenn na mukhang sanay na sa ganito. “I’m
Chris Mikylla Lapuz.”
Tumango si Miss
na mukhang nahanap na ang pangalan ni Miky sa list kaya naman tumayo na rin si
LJ. “I’m Lhariz Julienne Romero. I’m 16
years old. PRG scholar.”
Huminga ako ng
malalim bago tumayo. Medyo nanginig pa ang tuhod ko ngunit pinagsawalang-bahala
ko na iyon. Why am I so nervous?! I’m
just going to introduce myself! Tumikhim muna ako bago nagsalita. “I’m Aisha—”
Isang katok mula
sa front door ang nagpatigil sa akin mula sa pagsasalita. “Wait just a minute,” sabi sa akin ni Miss nang nakangiti bago
pumunta sa pintuan at binuksan iyon. Naman!
“Naks! May pasuspense epek pa ang introduction mo!” Tawang-tawa si LJ habang sinasabi iyon.
Binatukan ko nga ngunit mas lalo pa siyang natawa.
Nanatili akong
nakatayo habang ang buong klase ay nagsimula na muling mag-usap-usap dahil busy
naman si Miss. Nabalik ang pagkatahimik ng lahat nang pumasok siyang muli
ngunit may kasama nang isang lalaki na naka coat and tie din na nakasunod sa
kanya. Mukhang estudyante rin ang lalaking iyon tulad namin.
Humalukipkip
ako’t tinatamad na sumandal sa pader na nasa gilid ko. Katabi rin naman kasi
iyon ng upuan ko.
“How many students do you need?” tanong ni Miss doon sa lalaki. Hindi
naman namin makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya’t nakaharap kay Miss. “Only one, Miss.”
“Okay. Alright.” Mukhang natataranta si Miss at nagsimula nang
maghanap ng pangalan sa list na hawak niya. “Oh wait!” mabilis niyang baling sa akin kaya naman mabilis din
akong tumayo ng tuwid. “Please introduce
yourself. I almost forgot about you,” natatawang utas ni Miss.
Napangiti na
lang din ako’t nagpakilala na. “I’m
Aisha Felice Avana. 16 years old. BHG scholar.” Tumango-tango na si Miss
kahit na nagsasalita pa lamang ako. Kumunot tuloy ang noo ko.
Dahan-dahang
humarap iyong lalaking kanina’y kausap ni Miss sa amin. Hinanap niya marahil
ang nagsalita at nagtama ang mga mata namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa
gulat. Parang huminto ang oras maging ang pagtibok ng puso ko. Wala si Miss,
wala ang mga kaibigan ko, wala ang mga blocmates ko. Tanging siya lang ang
nakita ng buong sistema ko.
And I was back
again in that timeline... 8 years ago.
Bumalik ako sa
kasalukuyan nang narinig kong nagsalita si Miss. “Ms. Avana, please go with Mr. Castellano and help him out in that —
What’s the activity again?” baling niya sa kanya.
Ibinalik niya
ang tingin kay Miss at ngumiti. That
smile. Parang may kung ano akong naramdaman sa tyan ko at ang panginginig
ng tuhod ko ay lumala. Napatingin ako sa mga kaibigan ko at nagulat sa mga
reaksyon nila. Si LJ ay ngiting-ngiti at nang nagtama ang mga mata namin ay
pasimple niya akong pinaghahampas. Si Miky naman ay nanlalaki ang mga mata
dahil sa ibinubulong sa kanya ni Jenn na siya namang mukhang kamatis na
nagkukwento sa kanya.
“I’ll just explain to her the details Miss. Thank
you. This will not take long, I promise.”
Nakuha niyang
muli ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. May sinabi pa si Miss sa kanya
ngunit ang mga mata niya ay sa akin lang nakatuon. May kung anu-ano akong
narinig na bulong galing kay LJ ngunit halos hindi ko na maintindihan iyon
dahil pinapakalma ko lahat ng nagwawala sa sistema ko.
Matapos iyon ay
nagpaalam na siya kay Miss at nagtuloy-tuloy papunta sa pintuan at hindi na ako
binalingan pa. Nanatili naman akong nakatayo na parang tuod sa kinalulugaran
ko.
Laking gulat ko
nang binuksan niya ang pintuan at nanatili sa gilid nito. Nagtaka pa ako kung
ano ang ginagawa niya ngunit nang ibinalik niya sa akin ang tingin — his usual
pissed look — ay naintindihan ko na.
“Please continue,” pagtawag ng pansin ni Miss doon sa estudyanteng nasa
likod ko at nagpatuloy na ang introduction nila.
Mabilis akong
lumabas ng classroom nang hindi siya tinitingnan. Narinig ko ang pagsara ng
pintuan kaya naman dumoble pa ang kalabog ng puso ko. Walangya. Lagi na lang bang ganito? Bakit siya nasa
school na ‘to? Paano nangyari ‘yun eh ang bahay nila ay sa Laguna pa? Lumipat
na ba sila?
Nagpatuloy ako
sa paglalakad sa Mutien building habang parami nang parami ang mga tanong sa
utak ko.
“Where are you going?” malamig niyang tanong kaya naman huminto ako sa
paglalakad.
Nagmake faces
muna ako bago siya dahan-dahang nilingon. Don’t
tell me galit pa rin siya sa akin dahil sa nangyari dati. Pagtatawanan ko siya kung iyon nanaman ang
dahilan ng pagsusungit niyang ‘yan.
“Saan ba tayo pupunta?”
“I thought you knew since you’re leading the way,” sarkastiko niyang sabi. Tumaas ang sulok
ng labi niya’t kilay niya kaya lalo akong nainis. Nanatiling walang emosyon ang
mukha ko kahit sa loob loob ko ay iritado na ako sa kanya at gusto ko na siyang
batuhin ng kahit ano, ‘yung tipong sapul siya sa mukha niya.
“‘Wag magmarunong alright?” tila nangangaral at the same time ay
nang-aasar niyang sabi. Tinitigan ko lang siya pabalik. “Follow me,” sa wakas ay sabi niya matapos ang halos sampung
segundong titigan. Mabuti na lang talaga at hanggang ngayon ay kaya ko pa ring
magpoker face sa harap niya. Kung sa iba siguro ay maiintimidate kaagad sila sa
mga mata niya ngunit immuned na ako doon kaya naman kaya kong sabayan ang
paninitig niya.
Nakasunod lamang
ako sa kanya — medyo nagja-jog pa ako — habang siya naman ay mabilis na
naglalakad. Sinamaan ko tuloy ng tingin ang mga biyas niya dahil ang isang
hakbang yata niya ay katumbas ng dalawa’t kalahating hakbang ko. Halos sumabog
ako sa inis nang bigla siyang huminto sa paglalakad dahilan kung bakit ako
sumubsob sa likod niya.
“Aray!” inda ko sabay hawak sa ilong kong tumama sa likod
niya.
“Sino ‘yang kasama mo?” narinig kong tanong ng isang babae. Sumilip ako mula
sa balikat niya dahil nahaharangan ng walangyang lalaking ito ang paningin ko.
Nagsitindigan naman ang mga balahibo ko sa katawan nang mabilis niyang
hinawakan ang palapulsuhan ko at pinirmi ako sa likod niya.
“What do you need this time? Busy ako ngayon,” sagot niya doon sa babaeng kausap niya.
Hindi katulad kanina na cold ang boses niya, ngayon naman ay mas kalmado na
iyon though... he looked tensed.
Pinagmasdan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at nakitang mahigpit ang
pagkakahawak niya doon.
Bigla namang
tumawa ‘yung babae. “Grabe naman ‘to!
Kapag hinanap kita ay ibig sabihin may kailangan kaagad?” Narinig kong
tumikhim itong si tensed guy. “Sino nga kasi ‘yang kasama mo? New girl mo
ba? Kilala na ba siya nila tita?” sunod-sunod na pagtatanong ‘nung babae.
“No one, no, and no. Now, step aside because I have
so much I need to do. Mamaya mo na ako abalahin,” tuloy-tuloy na pagsasalita ni tensed guy bago ako mabilis na hinila paalis.
Mabilis ang
ginawang paghila niya sa akin kaya naman hindi ko na nagawa pang lumingon. Nang
nalagpasan namin ang babaeng kausap niya kanina ay hinila naman niya ako
papunta sa harapan niya, inilagay ang mga kamay niya sa balikat ko, at marahang
itinulak para makapagpatuloy sa paglalakad.
“Don’t look back. Just continue walking,” bulong niya sa akin. Panibagong kaba ang
naramdaman ko. Sino ba ang babaeng iyon at ayaw niyang makita ko siya o makita
niya ako?
“B-Bakit?” Wait... dapat na ba akong kabahan? ‘Yung tipong mala
mystery and thriller ang aura ng babae kaya naman hindi dapat ako lumapit sa
kanya? Serial killer? Member of a cult?
Lunatic?
“Don’t think about it too much. She’s just my cousin
at ayokong mabigyan niya ng kahulugan ang pagsama mo sa akin. I don’t want you
to be the trigger of an issue.”
I sigh. Same old him. Too focused on keeping his
image picture-perfect. And for him, I’m still that old transfer student who
dented that image — the so called norm in his territory, and I as the dirt...
the unwanted mark in his past.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------