Phase 1: Norm


I remembered how I walked down the mud-spattered pathway along the overlooking trees on either side. Hindi ko maalala ang dahilan  pero naiiyak ako noong mga panahong ‘yon. My father kept on capturing my every single ugly frown by his camera. Naglalakad ako paharap ngunit nasa harapan ko siya at paatras naman ang paglalakad. Hanggang sa siya na ang napagod, hinagkan ako’t kinarga. Perhaps I didn’t have the willpower to contain my sadness and so I cried my heart out. Inalo pa ako ni papa ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Nagbakasyon kaming buong pamilya sa Bulacan noon at binisita ang aunt ko. First time kong nakapunta sa isang probinsya kaya naman nanibago ako sa masarap na simoy ng hangin at sa nagtataasang mga puno. Sa Maynila kasi ay puro usok at nagtataasang building ang nakikita ko.

I didn’t grow up with silver spoon in my mouth. In fact, it was otherwise. I experienced attending school when I was still in nursery that all I have for lunch was a single biscuit, it was called ‘Solo’ during those times if I’m not mistaken, and a small thermos containing juice inside. But despite all the hardships that our family was handling, it didn’t hinder us from showing our love with each other.

Or so I thought.

We have this very simple and charming girl as a neighbor whom I found solace with when my parents were too busy to have the time to play with me. She gave me cute hairpins with butterfly designs on them and glitters as embellishments every time I visit her in her apartment, which our family owns. Masaya siyang kasama. She was, I think, 20 years older than me but she always have those eager eyes and smile whenever I visit her.

One time, I noticed my father getting home very late at night. Construction worker siya at ang mga naiaatas sa kanyang trabaho ay kadalasang wala sa Maynila kaya naiintindihan ko kung bakit gabi na siya umuuwi. Bata pa ako noong mga panahong iyon kaya naman hindi ko masyadong inisip ang paulit-ulit na pag-uwi niya ng gabi. I can eat well, that was what matters to me that time. Besides, I was only four years old then to think too much of his actions.

As usual, sinundo nanaman ako ni mama sa ‘Children’s Learning Center’ ngunit pinauna na niya ako sa pag-uwi dahil bibili pa raw siya ng ulam namin. I kissed her goodbye and walk my way to our home. Papasok na sana ako sa bahay namin nang nakita ko si papa na bumaba galing sa apartment na pinapaupahan namin. Isa pa lang naman ang nangungupahan doon kaya naman alam kong isa lang ang nakita niya doon.

When I’m thinking about those times now, I know for sure that I once knew what that simple and charming girl, which I learned to love as my friend, name was. But perhaps because she was one of the reasons why my parents got separated that time, I learned how to loathe her as easy as how I learned to love her.

Nagulat na lamang ako isang araw nang nadatnan ko si mama at ang babaeng iyon na nag-aaway. Pinapatigil na sila ni lola, nanay ng papa ko, but they haven’t heard any of it. Habang nagsasagutan sila ay tinitigan ko ang mukha ng babaeng minsan ko nang itinuring na ate. I cried. I cried together with my mother.

And starting that day, I hated my father.

I’m not a religious young girl but my mother introduced me to our creator, our salvation, our God. Masyado pa akong bata noon para maintindihan lahat ng tungkol sa Kanya.

My mother always tells me that I should attend church mass every Sunday. I was only opted to do so because my mom told me to but eventually, after some time, I looked forward to that day of the week. Tulad ng dati ay umaga kaming pumunta ng simbahan. The church was known as ‘The Paco Catholic Church’ by the parishioners but the real name of the church as a whole is ‘San Fernando De Dilao Parish’.

My mother and I always attend ten to eleven mass since that is the mass dedicated for children. When we finally entered the House of God, we always took the front seats as to see Father Celso, my favorite mass celebrator that time, as well as the choir loft at the right side not far away from the main altar. Nagagandahan talaga ako sa kanta ng ‘Angel’s Choir’ noon lalo na iyong babaeng may solo tuwing kinakanta ang ‘Papuri sa D’yos’ Maging iyong mga katabi nga namin ni mama sa upuan ay natutuwa rin sa akin dahil malakas ko rin silang sinasabayan. Mataas nga yata ang confidence ko noong bata pa ako.

‘Ikaw na nag-aalis, ng mga kasalanan ng mundo.

Maawa Ka sa amin, maawa Ka.’

Kapag kinakanta na ang bahaging iyon ay napapatingin ako sa soloist nila. Sobrang ganda ng boses niya. Habang nakatingin sa kanya ay biglang may kung anong pumasok sa isip ko.

For the first time in my life, I mentally uttered the wish I very well knew will only be granted in my dreams.

How I wish I can also stand there and sing my voice and heart out to express my devotion for You...

Dumating na ang kinatatakutan ko. My father and mother had a row and I just cried the whole time they arguing. Lalo akong naiyak nang nakita ko ang mama ko na may dalang malaking bag at hinalikan ako sa noo. I was hiccupping intensely as I watched my mother closing our home’s door at her back.

I didn’t talk to anyone for weeks but I continued my studies in a new school, ‘National Federation of Women’s Club’ or simply put NFWC. I was now in kindergarten. My father was the one who prepared everything I’ll need in school, starting from the notebooks, pencils, and snacks. As usual, my lunch was a single Solo biscuit and a small thermos of juice.

My mother used to tell me that I am a smart girl. Kaya naman iyon ang nagsilbing motivation ko para mag-aral. Hindi rin naman ako kinalimutan ni mama at isang beses sa isang linggo ay dinadalaw niya ako. She always has this chocolate named ‘Tofiluk’ as her pasalubong for me. Kapag wala na si mama, bumabalik ako sa pagkatahimik ko. I still have this hate for my father pero hindi ko rin naman kayang hindi talaga siya pansinin. Sumasagot lang ako kung may itinatanong siya sa akin but that’s the end of it.

Nang dumalaw muli si mama ay masaya kong ibinalita sa kanya na may honor ako sa school noon. She was very ecstatic upon hearing the news. On the day of the recognition, si mama ang nagsabit ng medal ko. Ako pa nga ang naglead ng prayer noon at ngayong tinitingnan ko ang picture ko ay natatawa na lang ako dahil kabubunot lang ng dalawang ngipin ko sa harapan pero todo ngiti pa rin ako.

My mother decided to take me with her at pumayag naman si papa. Hindi ko pa masyadong naintindihan ang nangyari noon but as long as I’m with my mother ay panatag ang kalooban ko.

We temporarily asked for shelter in my aunt’s house, my mother’s older sister. Nasa tabi iyon ng riles sa Pandacan. Ang sabi ni mama ay hindi naman daw kami magtatagal doon dahil naghahanap na si mama ng matutuluyan.

There was this day that my cousin, my aunt’s daughter, gave me money. Ang sabi niya ay para daw talaga sa akin iyon so I decided to go at this store which sells different kinds of toys. Tuwang-tuwa pa ako dahil marami akong nabili. Nasa gitna ako ng riles noon nang napansin kong lahat ng mga tao ay nasa kabilang riles. Ipininagwalang bahala ko lang iyon ngunit biglang may sumigaw na may tren daw sa likod ko.

Hindi ko alam ngunit hindi ako nakaramdam ng takot. Basta lang akong tumakbo at nang natanaw ko na ang bahay ng tita ko ay mabilis akong pumasok. Kasabay nito ay ang pagdaan ng tren. Nagulat pa nga ako dahil namumutla si mama noon.

Masyado pa akong bata noon para marealize na iyon ang simula ng second life na ibinigay sa akin ni Lord.

Nagsimula nang mag-impake si mama habang ako naman ay dala ang maliit na bagpack na naglalaman ng mga binili kong laruan noon. Nagpaalam na kami sa tita, tito at mga pinsan ko bago kami umalis. Tinanong ko pa nga si mama kung saan kami pupunta pero ang sabi lang niya ay may matitirhan na raw kami. Pumasok kami sa NFWC, iyong school na pinasukan ko noong kindergarten pa lang ako, at tinahak ang daan papunta sa dati naming classroom. Pagkarating namin doon ay sinalubong kami ng nakangiting si Ms. Evie, ang teacher ko noon. Ngumingiti lang ako sa kanya kapag tinitingnan niya ako habang nag-uusap sila ni mama.

Matapos ang ilang oras ay sabay-sabay na kaming bumabang muli sa building at sumakay sa isang minivan. Nakatulog ako sa buong byahe at nang ginising ako ni mama, ang sabi niya ay naroon na raw kami sa bahay ni Miss Evie. We were already in BiƱan, Laguna.

Ang unang napansin ko ay malaki at malawak ang bahay nila ngunit wala iyong second floor. May kulay pink din silang gate bago makapasok sa pinakabahay. Pagpasok namin doon ay nakita kong simple lang ang bahay ngunit kahit papaano ay naramdaman kong masaya ang tumira doon dahil tahimik at maaliwalas ang paligid.

Nagtrabaho bilang maid ang mama ko doon habang ako naman ay pinag-aral ng pamilyang Castro sa isang private school, ‘South City Homes Academy’. That was the first time that I’ll be studying in a private school where each room has two to three air conditioning units. Dahil late enrollee ako at nasa second grading na ang mga estudyante doon, binigyan na lamang ako ng mga teachers doon ng test papers na iyon ring sinagutan ng lahat ng mga students noong first grading — para subukan kung kaya ko bang humabol sa academics nila.

Kinabukasan ay pumasok ako kasama ang mama ko sa SCHA para malaman ang results ng exams ko. Laking gulat naman namin nang nakita ko ang ranking ng students — kung sino-sino iyong mga nakakuha ng matataas na scores sa first grading exams — at nakita ko ang pangalan ko sa number 1 spot. 

 1. Aisha Felice L. Avana

Tuwang-tuwa ang mama ko noon dahil top ranker ako sa exams. Hinalikan pa niya ang pisngi ko at ngiting-ngiti siya sa akin.

Gumaan ang loob ko nang nakita ko kung gaano kasaya ang mama ko noon. Matagal na kasi simula nang nasilayan ko ang mga ngiti niyang iyon.

Iniwanan ako ni mama sandali sa isang bench sa gilid katabi ng guard house at sinabing pupuntahan lang daw niya ang principal ng school. Tumango lamang ako at hinayaan siya.

Habang hinihintay ko si mama ay pinagmamasdan ko lang ang paligid ng school, for familiarity purposes, nang nakita ko ang isang batang lalaking seryosong nakatingin sa akin. Hindi naman siya galit at hindi rin naman siya mukhang natutuwa. He’s just looking at me blankly. Mukha siyang mayaman at malinis na bata. Kumikinang pa ang nakataas niyang buhok, marahil ay may gel na nakalagay doon. Makintab din ang itim na itim niyang sapatos.

Kabaligtaran ko ang batang iyon. Mukha akong simple sa suot kong yellow dress na umaabot sa tuhod ko at isang medyo luma ng rubber shoes. Nakalugay rin ang buhok kong medyo dry.

Nagulat ako nang bigla na lamang lumapit sa akin iyong batang lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

“Bago ka ba dito?” tanong niya.

Malumanay naman ang boses niya kaya hindi ako naintimidate. “Oo.”

“Transferee?” pagtatanong pa niyang muli.Tumango ako.

“You are new here yet you’re already messing with the school norm,” seryoso niyang utas habang mataman na nakatitig sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya naintindihan.

Bigla namang dumating si mama kaya naman tumayo na ako at sinalubong siya ng yakap. Sabay naming tinahak ang daan papuntang gate ng school habang masaya siyang nagkukwento tungkol sa pinag-usapan nila ng principal. Nang malapit na kaming makalabas ay muli akong lumingon at nakitang seryoso pa ring nakatingin sa akin ang batang lalaking iyon.

He’s weird.

------------------------------------------------------------------------------------------------------