Chapter 3: Sister

Mataas ang sikat ng araw at malamig din ang simoy ng hangin. Nandito  ako ngayon sa isang kubo na pagmamay-ari ng isa sa mga trabahador namin sa farm. Nasa ikalawang palapag ako sa harap ng malaking bintana kaya naman kitang-kita ko dito ang malawak na anihan namin kung saan marami ang mga nagtatanim at mga nagpapakain sa kalabaw.

I heaved a sigh. Kung pwedeng dito na lang talaga ako buong araw eh swak na sa akin! Paano ba naman abot tanaw ko dito si Zander. Nakatupi hanggang tuhod iyong pang-ibaba niya na maong at syempre nakabalandra ang kanyang makisig na likod na wala man lang saplot. Hinahaplos niya iyong kalabaw habang ito naman ay kumakain.

“Hoy babae baka naman matunaw na nyan si Zander kakatitig mo!” sabi ng mahaderang si Ree na nasa tabi ko lang din. Wala rin ‘yang magawa sa bahay nila kaya sumama sa akin dito.

“Hayaan mo nga ako Ree! Nakita mo nang nag-eenjoy ako sa view eh.” tiningnan ko naman siya sandali. “Anong balita doon sa labidabs mo doon sa Maynila? Pinansin ka naman ba? Magkwento ka na lang kesa naman naiinggit ka sa aking lablayp dito.” panunuya ko sa kanya.

Nakita ko namang humarap sa pwesto ko si Zander at halos lumuwa ang mga mata ko.

“Jusme! Sumasakit bangs ko sa kanya! Ewan ko ba dun at parang laging may dalaw! Lagi na lang nakakunot ang noo tapos kapag nag-utos akala mo naman alila kami tapos siya ‘yung hari!” pagkukwento ni Ree habang kumukumpas ang mga kamay para ma-emphasize iyong mga sinasabi niya.

Half listening lang ako sa mga sinasabi ni Ree. Paano ba naman busy pa ako sa pagbibilang ng mga pandesal ni Zander...

“Syet! 6 packs! Nakita mo yun?!” tili ko sabay hampas sa braso ni Ree. Grabe ramdam ko na ang init dito sa kinauupuan namin!

Bigla naman akong binatukan ni Ree. “Grabe naman makahampas! Ngayon mo lang ba nakita ‘yang mga abs ni Zander?! Wag ka ngang as if ngayon mo lang nakita!”

“Syempre chine-check ko kung nabawasan o nadagdagan anubey!” kill joy talaga ‘tong si Ree. Malapit ko na talagang mapansing bitter lang ‘to sa’min ni Zander mylabs ko eh.

“Anyways, so ‘yun nga, si Sir Sunget eh puro utos. Alam mo ‘yun? Alam ko namang siya talaga ang boss namin tapos kami empleyado niya pero kailangang magsunget? Kakaasar talaga ‘yun pero sis nako! Sobrang gwapo pa rin niya kahit saang anggulo mo tingnan! Tapos kahit galit siya, mukha pa rin siyang prince charming galing sa Disneyland!”

Nakamasid pa rin ako sa Demigod na nagpupunas ng pawis ngayon katabi iyong kalabaw. Nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin, ngumiti at saka kumaway.

Aba syempre kumaway din ako! Dalawang kamay na nakaextend pataas para kita talaga niya. Nakita ko namang humalakhak siya.

Oh my ghad!

Bigla akong humiga. “I’m ready to die!” kuntento kong sabi ng may ngiti sa labi habang nakapikit.

Kinikilig ako! Ilang beses ko na bang nasasaisip ang salitang ‘yan?

Bigla namang may humampas sa aking unan. “Walangya! Akala ko naman nakikinig ka sa mga kwento ko ‘yun naman pala nagpapantasya ka pa rin dyan!” sigaw sa akin ng naiiritang si Ree. Confirmed na talaga!  Bitter ‘to sa’men!

“Che! Doon ka nga sa Lysander mo! Wag mong sirain ang pagmomoment ko!” sabi ko sa kanya na kunwari naiinis ako. Pero bigla pa rin akong ngumiti. “Ree kinikilig ako! Ano nang gagawin ko?”

“Hoy Jaz. Problema na pala ngayon ang kiligin?”

“Oo! Kasi hayop yang si Zander! Dahil sa kanya nagkakaroon ako ng mini heart attack!”

“Ang O.A. mo Jaz.”

“Bitter ka lang.”

“Hoy FYI may nanliligaw sa akin doon sa department namin!”

Napaupo naman ako dahil sa sinabi niya. “Weh? Di nga?” nakangiti kong tanong habang niyuyugyog ang balikat niya.

“Grabe ah. Mukha bang hindi kahali-halina ang ganda ko’t parang wala kang tiwala sa’ken?” sabi ni Ree na parang nagtatampo.

“Hindi naman sa gano’n Ree. Paano ba naman kasi ilang taon na pero wala ka pa ring boyfriend! Nakikisali ka pa kasi sa aking NBSB eh ayan tuloy.” sabi ko naman sa kanya.

“Ikaw din naman wala ka pang nagiging boyfriend ah!”

“Syempre nandyan naman na si Zander mylabs ko bakit pa ako maghahanap aber? Eh ikaw? Sunggaban mo na ‘yang nanliligaw sa’yo at nang manahimik ka na!” at humalakhak pa ako.

Sumimangot naman bigla si Ree.

Pinanlakihan ko siya ng mata nang may mapagtanto ako. “Hoy hoy, wag mo sabihing may gusto ka talaga dun sa kulugong boss niyo? Aba eh wag ka nang mag-inasang mapapansin ka ‘non! Di ba monster ‘yun sabi mo?” tanong ko.

Umiling-iling siya. “Hindi naman sa gano’n Jaz. Hindi ko lang talaga trip magboyfriend. Hindi ko alam kung bakit eh. Pati wala akong gusto doon sa nanliligaw sa akin. Wala naman kasing sparks sis! Di katulad sa inyo ni Zander na kulang na lang dagain kayo sa kakesohan niyo.” sabi naman niya.

“Grabe. Ang ganda naman ng comparison mo sa amin ano? Daga talaga pati keso?” nakataas kilay kong sabi sa kanya.

“At tsaka hoy! Hindi mukhang kulugo ‘yong boss ko ano! Naku pag nakita mo siya baka lahat na ng malalaglag sayo eh malaglag kapag nakita mo siya!” sabi naman ni Ree nang maalala ang pagtawag ko ng kulugo sa kras niya.

“Sigurado naman akong mas gwapo si Zander dun. Mas mabait pa!”

“Hindi rin sis.”

Tiningnan ko naman siya. “Anong hindi? Eh ikaw na ngang nagsabing monster ‘yang boss niyo.”

“Oo nga mukha siyang monster na laging may dalaw pero alam mo ‘yon? ‘Yung aura niya kakaiba pati iba talaga ang pagkagwapo niya. ‘Yung mga mata niyang nangungusap tapos kapag nakita mo siya parang gusto mo na lang siyang titigan buong magdamag.” paliwanag ni Ree habang sa malayo nakatingin.

“Bias ka lang.” nakasimangot kong sabi kay Ree.

“Hindi. Seryoso talaga Jaz. Ibang-iba talaga si sir kumpara kay Zander. Si Zander kasi parang ‘yung tipikal na gwapo pero si sir kasi parang... parang exotic!” at humagalpak siya sa tawa nang nakita ang mukha kong nakabusangot na. Bruhilda talaga ‘tong si Ree. Ikumpara daw ba si Zander sa Lysander niya. Kahit anong sabihin niya loyal pa rin ako sa mylabs ko.

Pero dahil sa sinasabi ni Ree naiintriga tuloy ako kung ano ba ‘yang ipinagmamalaki niya sa aking exotic niyang boss.

“O sige nga patingin ako ng picture nyang boss mo!” sabi ko sa kanya.

Sumimangot siya bigla. “Yun nga sis ang nakakainis eh! Masyadong mailap ‘yang si sir Lysander at madalas magkulong doon sa office niya. Sa internet naman wala din siyang picture. Paimportante nga yun eh!” naiinis niyang sabi.

“Alam mo kung naririnig lang niya siguro tayo baka matagal ka nang sisante. Syempre except doon sa walang katapusang pagpuri mo sa kagwapuhan niya.” pansin ko.

“Hayaan mo na ako sis. Minsan sa isang linggo lang naman ako nakapaglalabas ng sama ng loob tungkol doon sa pa-mysterious effect ni sir eh.”

Oo nga naman.

Patuloy lamang kaming nag-usap ni Ree tungkol sa mga walang kwentang bagay. ‘Yung karinderya nila sa Maynila ay talaga naman daw dinudumog doon. Hindi na ako magtataka dahil masarap talagang magluto ang mga magulang nitong si Ree.

Parehas din kami nyang NBSB ni Ree. Naaalala ko pa nga noong nag-aaral pa kami. Lagi kaming tumatambay sa gym dahil maraming gwapo doon. Lahat ng mga dumadaan pinag-uusapan namin at syempre mag-uusap kami kung sino ang kras ng isa’t isa. Mga kalandian 101 namin noon ni Ree...

Hindi ko naman na maalala kung kailan nga ba ako nagkagusto kay Zander. Basta nagising na lang ako isang araw na gusto ko na siya. ‘Yung tipong gusto ko siya laging nakikita at nakakausap kahit madalas tahimik lang ako at siya ang madalas magsalita sa aming dalawa. Kung magsasalita naman ako madalas nauutal pa!

“Sis, may sasabihin nga pala ako sa’yo.” biglang seryosong sabi ni Ree. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa tono ng pagsasalita niya.

“Ano yun?” dahan-dahan kong tanong.

“Kasi... two weeks from now ibebenta na namin ‘yung bahay namin dito sa iba.” sabi ni Ree habang nakayuko’t pinaglalaruan ang dulo ng t-shirt niya.

Medyo matagal pa bago ako nakapagreact.

“B-Bakit niyo naman ibebenta? Akala ko ba okay naman ang karinderya nila tita sa Maynila? Pati okay naman yung trabaho mo sa BGC di ba? Kailangan niyo pa ba ng maraming pera?” tuloy-tuloy kong tanong kay Ree. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko. God! Ayokong malayo sa bestfriend ko!

“Hindi naman sa gano’n Jaz. Bibisita pa rin naman ako dito pero hindi na every week. ‘Yung bahay kasi namin ibebenta doon sa pinsan ko sa Maynila. Dito na kasi sila titira eh naghahanap sila ng malilipatan kaya si mama na ‘yung nagsabing sa kanila ibebenta ‘tong bahay namin.”

Yumuko ako. Ano ba yan! Nagiging clingy na ba ako sa bestfriend ko? Pero nakakalungkot pa rin ang balitang ‘yun. Magkakalayo na kami ni Ree.

“Ano ka ba Jaz! Wag ka nang malungkot! Eto talaga.” hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya.

“Bibisitahin pa rin kita dito, promise! Isa pa may cellphone naman! Lagi tayong magbababad sa text. May internet din! Magskype pa tayo kung gusto mo.”

Wala na akong masabi kaya naman niyakap ko na lang si Ree.

“Mamimiss kita.”  at hindi ko na napigilan at naiyak na ako. Nakakainis! Para akong bata.

“Hoy Jaz! Wag kang mag-inarte, two weeks pa naman bago ibenta ‘yun ano ka ba?” hinigpitan naman niya ang yakap sa akin.

Ree is like the sister I never had in my life kaya naman naiiyak ako’t magkakalayo na kami. Sana... sana, bumagal ang oras bago dumating ang pag-alis niya.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------