Harmonics 4: Critical

Hindi natuloy ang napagkasunduang pag-uusap naming dalawa ni Aedan.

Iyon ay dahil talagang ginawa ko ang lahat para maiwasan siya. Not because I chickened out of his temper or that I didn’t have the desire to talk to him but for the simple reason that we became both busy in every sense of the word and making such a tremendous effort to give him some of my spare time will just be too much.

Nakikita ko pa lang siya na nasa bahay namin ni Mom ay sobra na sa akin. Halo-halo ang nararamdaman ko. Galit kay My dahil sa pagiging martyr niya. Sa sarili dahil sa pagiging mahina. At kay Aedan sa pagiging insensitive.

My biological father left us when I was barely ten years old. Iniwan niya kami ng wala man lang pagpapaalam. He left just like that. Kahit na gumuho lahat ng paniniwala ko na matibay ang pundasyon ng pamilyang kinabibilangan ko ay hindi ko nagawang umiyak. Kahit na parang may nawala sa pagkatao ko, kahit na nabuwag ang inaakala kong pagmamahal na bumubuo sa bawat himaymay ng pagkatao ko, hindi ako umiyak. No, I was too stunned, too young perhaps to accept that harsh reality.

Sa bawat araw na lumipas ay lagi akong pumupunta sa kwarto ni My at tinatanong siya kung saan pumunta si Daddy. Sa batang isip ay inakala kong nagkaroon lang sila ng di pagkakaintindihan ni My kaya umalis si Dad. Tinitingnan lang niya ako sa bawat tanong ko. I thought she was going to answer me but all I get was her anguished cries. Isang linggo. Dalawa. Inabot ng buwan... taon, walang bumalik. Dalawa pa rin kami ni My na magkasama sa madilim at malamig na bahay na ito.

Isang taon ang lumipas, kinuha ako ni Grandpa at isinama sa ibang bansa kung saan sila nakatira. Hindi ko sila pinigilan, I was too eager to leave this forsaken place. I was broken. I sought for my Mom’s love, warmth, anything that will prove that I wasn’t alone but no. She was too caught up with her own hurt that she forgot she has a daughter who’s hurting just as much.

Then right after I learned that I can be whole again, that the wounds of yesterday was all but healed, I learned about my biological father’s reason for leaving. I was broken all over again.

After a week of hybernating, I finally had the urge to open my email and website. Na miss ko ang mga readers kong laging nag-iiwan ng mga hinaing nila sa story. It all served as constructive criticisms for me as well as insights about the reader’s point of view. Syempre iba pa rin talaga ang perspektibo ng mga mambabasa pagdating sa isang story. Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nababasa ko ang mga comments nila na talagang malaman. Kung makakabasa naman ako ng mga walang kwenta at puro pagrereklamo lamang ay hindi ko na lamang pinapansin. It’s their sentiments, not mine. They were stressed about something, not me. So no biggie. Besides, this website is public but the writer’s — which is me — life remains private. As long as I made a distinct line between the two, it’s alright.

Bumungad sa akin ang six hundred eighty three emails galing sa mga readers. It’s not new to me but still they always leave me feeling overwhelmed. I answered all of them with as much professionalism and confidentiality as possible. It took me hours and hours hanggang sa hindi ko namalayan na buong araw akong nasa kwarto ko at nasa tapat ng laptop.

Sa sumunod na araw ay pumunta ako sa school at inasikaso ang mga requirements na kailangan kong ipasa. With the help of Kuya Aster and Granpa ay nakalusot ako ng walang problema. Incoming junior college student ako sa States but I have to enroll as a freshman here in Alfwold para makasalamuha ko si Aisha. If I can use my baby face as an advantage — even if it bruised my ego — so be it. Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng sideline ko, isama pa si Clea making it four. September ang start ng classes sa States samantalang June naman dito sa Pilipinas so basically I still have more or less four months to interact with Aisha and with the other characters then make the novel.

Ang Alfwold Clement University ay binubuo ng tatlong campuses. Ang una ay ang School of Business, ikalawa ang School of Arts, at ang huli ay ang School of Hotel and Restaurant Management. Hiwa-hiwalay ang mga campuses na iyon at makakarating ka sa bawat isa either sa pamamagitan ng paglalakad o di naman kaya ang pagsakay sa school shuttle or most commonly called as e-jeep. Sa unang campus kami magkakasama nila Cara—with her group of friends, Xyver, Aisha, and well... my step brother—how I loathe that idea.

Kung titingnan sa malayuan ang School of Business campus—which is the main campus of ACU, aakalin itong sobrang sikip dahil puro building ang makikita. According to my student guide pamphlet, there are five buildings around here which were named after the saints of France. But the outsiders never knew that a paradise actually exist beyond the impenetrable gates and convoluted walls of the buildings of the said school. Sa gitna ng limang buildings makikita ang isang malawak na garden slash lawn slash meadow— for lack of a better term. Nagkalat sa garden ang mga pavilion na may mga fairy lights na nakapalibot sa columns nito with its Corinthian designs. There are also simple yet elegant chandeliers suspended at the base of the marbled roof of each pavilions. Sino ba naman ang tatamarin na mag-aral dito?

Habang naglalakad ako papunta sa Office of the Registrar ay napansin ko ang dumadaming estudyante na pumapasok sa Theare. Pinagkibit-balikat ko iyon at ipinagpatuloy ang paglalakad. That’s when I came face to face with Xyver’s girl, Aisha Felice Avana. She’s the tamed version of myself. Iyon ang dahilan kung bakit siya ang ginawa kong main character ng story ko. If it weren’t for my shits in life, most probably I’ll end up simple and charming and with quiet determination that is Aisha. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit siya hindi makalimutan ng nagpapakamartir ko ring pinsan.

Hawak niya ang isang brochure at sa ibabaw nito ay isang magazine published under the Writer’s Guild here in Alfwold. Isa iyong organization na binubuo ng mga student writers, graphic artists, photographers and the likes. Kasalukuyan niya iyong binabasa habang naglalakad papunta sa direksyon ko. Lalapitan ko na sana siya para makipagkilala nang biglang tumunog ang cellphone ko.

What a coincidence. At last ay tumawag din siya!

Pinagmasdan ko si Aisha na papasok sa Registrar habang sinasagot ko ang tawag ng pinsan kong ilang taong hindi nagparamdam.

“Hi! Missed me?” ang napakaganda niyang bungad sa akin.

I rolled my eyes heavenward. “Missed my ass. Bakit ngayon mo lang naisipan na magparamdam? I was waiting for your phone call for like... since forever?”

Humalakhak siya sa sarcasm ko. “I was quite busy with something. Aster’s with me by the way. Wanna talk to him?”

I pursed my lips and silently approved his perfect English accent. Ilang buwan ba naman kasi sa ibang bansa.

“Isa pa ‘yang kapatid mo. Bagay talaga kayong magsama. Anyway, what are you busy about sa States? Babae ba ‘yan?”

“You’re always accusing me of being a womanizer. Pwede ba Cara? You belittle me too much!” sabay tawa niya. Narinig ko pa ang tawa ni Kuya Aster sa background. Huh. They’re enjoying themselves with my wittiness. Good for them.

I wonder kung ano ang magiging reaksyon nitong si Xyver kapag sinabi kong your girl is in front of me, like... literally. Iniimagine ko pa lang ang reaksyon niya ay natatawa na ako.

Pinagmasdan ko si Aisha na lumabas galing sa Registrar at naglakad papunta sa direksyon ko hanggang sa ilang lakad na lang at magkakaharap na kami. Naka fitted jeans siya with baby blue blouse. Flat shoes. Black, long, and straight hair na nakalugay at pinalibutan ang mga balikat niya. Kayumangging balat. She has almond-shaped eyes, small nose, red lipstick-filled lips—I mentally disapprove that, and a rounded face. She’s falling under the category of curvy girls, may pagka-chubby siya but not fat. It actually compliments her tall figure so balance lang. Mas matangkad siya sa akin but of course mas matangkad sa kanya si Xyver.

May mga sinasabi pa ang dalawang Castellano ngunit hindi ko iyon pinansin. I am silently scrutinizing this innocent looking girl.

“Cara Melody... your presence of mind is badly needed here in the conversation...” Xyver said with provocation, plain amusement in his tone.

I smirked when Aisha suddenly appeared too close to me. Halos nagulat siya dahil doon dahil hindi naman niya ako napansin dahil busy siya sa pagbabasa ng magazine na hawak niya. Mabilis siyang umatras at dalawang beses nag-bow while saying, “Sorry! Sorry!” then she hurriedly took off. She didn’t even look at me... at all. And the way she did that bowing thing, ‘yung parang sa mga Korean, was weird.

“Cara Melody Castellano Valencia, you are spacing out... as usual,” nanunuyang sabi ni Kuya Aster sabay halakhak.

Pinagmasdan ko ang papalayong si Aisha at napagdesisyunan na sundan siya. Mamaya na lang ako pupunta sa Registrar.

“Sino ‘yung kausap mo? Why was she apologizing?” asked the ever innocent Xyver Dominique.

“Naka loudspeaker ba ako?” I asked the obvious. Panimula ko lang sa pasabog ko.

“Yup. Why?”

“I believe you might want to turn off the loudspeak, may sasabihin ako.”

Busy pa rin si Aisha sa binabasa kaya naman hindi niya napansin na nahulog na ang brochure maging ang panyo niya sa sahig. Mabilis ko iyong pinulot ngunit hindi kaagad ibinigay ang mga iyon sa kanya.

“Come on, Cara. Maglilihim pa kayo ni Dom sa akin? What the hell?” Sabay nagsihagalpakan ang dalawang Castellano sa sinabi ni Kuya Aster.

Nagsisitawanan pa rin sila at nagbubulungang hindi ko marinig ngunit nagsalita pa rin ako. “I am currently looking at your girl, Xyver. Gusto mo bang makausap?” Kinagat ko ang labi ko at pinigilang magngising aso.

“Nandyan si Zel? Wait, where are you exactly? Papunta kami ni Dom sa school niyo ngayon,” tuloy-tuloy na sabi ni Kuya Aster.

Kumunot ang noo ko sa pangalang narinig. I didn’t consider Ranziel Esguerra as one of my characters kahit na alam na alam kong malakas ang tama no’n kay Xyver. I nearly forgot about that fact.

I frowned. “I wasn’t talking about Ranziel. I’m pretty sure she’s studying in that Chinese school near ACU. What I’m talking about is Xyver’s girl,” I said slowly, emphasizing the term Xyver’s.

“I don’t have a girl, Cara. Alam mo kung gaano ako ka-busy sa CSG,” Xyver said impassively. Right. Being the president of the Central Student Government of a prestigious school is tough.

“Wait!” mahadera kong sigaw nang medyo nakalayo na si Aisha sa akin, hawak ko pa rin ang brochure at panyo niya. May mga estudyanteng nagsilingunan sa sigaw ko ngunit hindi ko sila pinansin. I am focused in this Avana girl.

Tinadtad ako ng tanong ng dalawang kumag — marahil ay tungkol sa sigaw ko — ngunit tumatakbo na ako papunta kay Aisha. Noong una ay hindi pa niya ako nilingon ngunit nang hinawakan ko siya sa balikat ay nakuha ko na rin ang atensyon niya. I am starting to notice that she has an attention span of a goldfish. I mentally made a note on that.

“You’re Aisha Felice Avana, right?” panimula ko sa gulat na si Aisha. Mabuti na lang at may takong ang suot kong boots dahil hindi ko gugustuhing tingalain ang babaeng ito.

May narinig akong biglaang pagpreno sa kabilang linya at ang sunod-sunod na pagmumura ni Kuya Aster. Napangiwi ako dahil doon. So... nagmamaneho pala si Xyver? Uh-oh.

Tumango at ngumiti si Aisha habang nakatingin sa akin. “Yes, ako nga. Paano mo nalaman ang name ko?” tanong niya sa malumanay na boses. Her music register no doubt would be Alto 1. I am very aware that she’s a member of their church choir and based sa boses niya ay magaling siyang singer.

Instead of answering, I showed her the white hanky I’m holding — nakaburda doon ang buong pangalan niya — and her brochure — na may nakasulat ding pangalan niya.

Pansin na pansin ko ang biglaang pagtahimik sa kabilang linya. Kung pwede lang humagalpak sa tawa ay ginawa ko na.

Nanlaki ang mga mata ni Aisha at lalong lumapad ang ngiti niya. I noticed that her front teeth were like that of a rabbit. Gosh, ang cute niya.

“Hala, thank you!” Kinuha niya ang mga ibinigay ko at ginawa nanaman ang bow niya. It was not the exaggerated one alright. It was just a subtle bow of head.

She said her thank yous again then hurriedly took off again. Pinilig ko ang ulo ko. She’s not comfortable talking with strangers. In fact, sa maikling conversation naming iyon ay isang beses niya lang akong tiningnan sa mata — wala pa nga yatang isang segundo iyon — then sa iba na siya nakatingin while facing me o di naman kaya ay sa mukha ko lang siya nakatingin but hindi talaga sa mga mata ko.

Kulang na lang ay makarinig ako ng mga crickets sa kabilang linya dahil sa sobrang tahimik. Chineck ko pa nga kung open pa ang line at nang nakitang okay pa ay napailing ako. Mabilis kong pinatay ang tawag at bumalik sa pinanggalingan ko para pumunta sa Registrar. Bahala si Xyver kung ano ang iisipin niya. He’s too smart not to understand what happened.

Nag-inquire ako sa front desk ng Registrar’s office at sinabi sa kanya ang sadya ko. Binigyan niya lang ako ng mga forms at sinabing fill-out-an ang mga iyon. Hawak ang mga forms ay lumabas ako sa office at dumiretso ako sa isa sa mga pavilions sa Plaza Villarosa. Ngunit bago ko sinagutan ang mga forms ay kinuha ko muna ang phone ko at tinawagan si My.

Simula noong confrontation namin tungkol sa pagtira ni Aedan sa bahay ay hindi na kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap. Nagkakaroon lang ng pagkakataon kapag tinatawag niya kaming dalawa ni Aedan na kakain na, kapag magpapaalam ako kapag may pupuntahan o siya kapag pupunta siya sa private elementary school di kalayuan sa village namin para gawin ang teacher duties niya. Fourth week pa lang ng Mayo so classes won’t start yet unless gusto lang talaga ni My na tumambay sa office niya doon.

Kapag nasa bahay ako ay bumibigat ng husto ang pakiramdam ko kaya naman napapadalas ang pagkukulong ko sa sariling kwarto. Ang buong akala ko pa naman ay magiging maayos itong vacation ko sa Pilipinas dahil sa wakas ay makakapagbond din kaming mag-ina ngunit hindi gano’n ang nangyari.

Kahit na may inis pa rin ako sa pagpayag ni My ay hindi ko na kayang patagalin itong nangyayari sa amin. I won’t let that guy ruin this family. He has no right.

Ilang beses nagring ang phone ni My ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong tawagan ulit ngunit gano’n pa rin. I sigh and just decided to text her.

Me:
Hi My! Nandito ako sa school, inaasikaso ko ang mga requirements. Where are you? Nasa work ka ba?

Hindi alam ni My na papasok ako sa school as a freshman. Ayos lang dahil hindi naman niya malalaman... I think. She trusts me more than anyone ngunit hindi ko pa rin kayang sabihin sa kanya itong ginagawa ko because I know she wouldn’t — and never would — understand.

Ilang minuto kong sinagutan ang mga forms at nang natapos ay dumiretsong muli sa Registrar’s office. I checked my phone for texts ngunit wala pa ring reply si My. Perhaps she’s busy right now.

I checked my wristwatch and discovered that it was only two in the afternoon. Hindi na ako nakapag breakfast kaninang umaga dahil naigugol ko ang mga oras ko no’n sa pag-aayos ng website ko. Muntik ko pa ngang malimutan na ngayon ko nga pala aasikasuhin ang mga requirements ko sa school. The end result of course would be me feeling oh so famished.

Dumiretso ako sa cafeteria. Binubuo iyon ng two floors dahil hindi kakayanin ng isa lamang considering the number of students studying here. Pinuntahan ko ang stall ng Greenwich at nag-order ng lasagna at isang slice ng pizza. Habang hinihintay ang order ko ay tiningnan kong muli ang phone ko ngunit wala pa ring reply si My.

Nagsimula akong kabahan. Pagkakuha ko sa order ko ay dumiretso na kaagad ako sa main gate. Malapit na ako doon nang biglang may humila sa akin papunta sa kabilang direksyon.

“Let go!” sigaw ko sa kung sino mang kumakaladkad sa akin. Isang tingin ko pa lang sa likod niya ay kilalang-kilala ko na. Lalong nagpuyos ang damdamin ko.

Nagpumiglas ako kahit na ako rin naman ang nasasaktan. Mukhang napansin kaagad iyon ni Aedan kaya pumunta siya sa likod ko at maingat ngunit tila nagmamadali akong itinulak papunta sa kung saan.

“Saan mo ako dadalhin?” Halos ibulong ko na lamang ang mga salita dahil busy ang sistema ko sa pagpapakalma ng nagwawala kong puso. Naramdaman ko na rin ang panlalamig ng katawan ko. Hindi pa nakatulong ang nakita kong expression sa mukha ni Aedan.

I swallowed the lump in my throat.

Ang mga salitang binanggit ni Aedan ang pinakahuling gatilyo para bumigay ang mga tuhod ko.

“Tita’s in the hospital. Critical.”

------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments: