Phase 4: Abrasion

Xyver Dominique Castellano.

Sa kanya nga ba galing ang pagkain na ‘to? He’s someone who doesn’t care about anybody but himself. He’s mad at me, furious even. Base sa paraan ng pagtrato niya sa akin kanina ay iyon na kaagad ang nahinuha ko. I know the reason why he resents me so much ngunit alam ko sa sarili kong wala akong ginawang mali. It’s all in the past. 8 long years had passed since that fateful day yet hindi pa rin niya iyon nalilimutan.

Gano’n nga ba siya kagalit sa akin? Gano’n nga ba kalalim ang pagkamuhi niya sa akin?

Then what’s this food all about?

Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nakakibo. “This is definitely not from him,” I blurted out while my mind opposed my hunch over the idea of him preparing this stuff. It’s really not like him.

Imposible.

“Eh? Abe eh paano mo naman nasabi ‘yan? You’re not even here when he gave us those lunch boxes.” Tiningnan ako ng masama ni LJ. “At isa pa, kitang-kita ang effort dyan. Ano ‘yun, naligaw lang siya sa table namin tapos biglang naisipan na ibigay sa’yo ‘yan?”

Tumango-tango si Jenn, mukhang sang-ayon sa mga sinasabi ng mukhang galit na si LJ. Malungkot naman na nakatingin sa akin si Miky. “Mukha namang concern siya sa’yo.” Mataman niya akong tiningnan. “Sigurado ka ba na mere acquaintance lang kayo? Mukha naman kasing...”

Hindi na niya itinuloy ang sinasabi. Maging si Jenn at LJ ay mukhang hinihintay na lang ang susunod kong galaw. Bumuntong-hininga ako. I have no choice then.

Pinagsaluhan naming magkakaibigan ang mga pagkaing nasa lunch boxes na iyon. It’s just too many for me to eat alone kaya naman sinabi kong kumain din sila kahit na pilit silang tumatanggi. Because I’m a good persuader ay wala silang nagawa.

The food is really good. May mga putahe na kilala ko samantalang ang iba naman ay mukhang foreignish ang hitsura. The food presentation almost left me slack-jawed when they opened the other boxes. Apat na boxes kasi iyon na patung-patong. Simpleng Filipino dish — adodo at ginataang isda — ang nakahanda sa unang dalawang boxes at sa gilid nito ay kanin samantalang ang sumunod na dalawang boxes ay kakaiba na. May mga dahon, carrots, at kung anu-ano pang halamang iba-iba ang hugis na ginawang disenyo sa gilid samantalang may pasta naman sa gitna.

The fourth and the last box is a different story.

“Holy...” ani LJ.

Iba’t ibang deserts ang nakalagay doon. May maliliit na cupcakes, cookies, raisins, nips, at chocolates na pinaghalo-halo.

“This one is kinda weird,” puna ni Jenn.

“Too many sweets. Too many calories.” Ngumiwi si Miky.

Nagningning ang mga mata ni LJ. “This is dessert!”

Natulala ako habang nakatingin doon.

“Okay. That’s all for today. Class dismissed,” utas ng last professor namin sa araw na ito bago niya kami tinalikuran at sinimulang ayusin ang kanyang mga gamit.

Alas kwatro na ng hapon kaya naman medyo inaantok na ako. Ito na ang last subject at halos magbunyi ako dahil makakauwi na ako at makakatulog. Hindi kasi naging maayos ang tulog ko kagabi dahil inatake ako ng insomnia.

“Anong oras kayo papasok bukas?” tanong ni LJ habang inaayos ang pagkakasukbit ng bag niya sa balikat niya.

Nagkibit-balikat ako. “Mga six siguro. Kayo?”

“Seryoso ka?!” hindi makapaniwalang tanong ni Jenn. “Grabe. Halimaw ka ba?”

Bigla siyang binatukan ni LJ na siyang ikinatawa naming dalawa ni Miky. “Sadyang masipag lang siya. Ikaw? Kailan ka kaya sasapian ng kasipagan?”

Ngumuso si Jenn. Pare-parehas lamang kaming nagtawanan.

Nang isinukbit ko na rin sa balikat ko ang bag ko ay dumako ang tingin ko sa lunch boxes na nasa gilid ng upuan ko. Huminga ako ng malalim.

“Guys, una na ako. Pupuntahan ko pa kasi si...” Hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko at ipinakita na lang sa kanila ang lunch boxes. Makahulugan naman akong nginitian ng mga bruha.

“Kwentuhan mo na lang kami bukas ah!” I simply rolled my eyes at them.

Pinasadahan ko ng tingin ang malawak na quad ng university. Four thirty na ng hapon kaya naman kulay orange na ang langit. Maalinsangan pa rin ang paligid pero ang paminsan-minsang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa pisngi ko ay nagpabawas sa pakiramdam na iyon. Sinimulan ko na ring tahakin ang hallway papuntang Student Council Office — kung saan ko ginawa ang utos sa akin ng SC president na kung mamalasin ay si Xyver pala — habang iniinda ang sakit sa bandang ankle ko.

Umiling-iling ako. Kung bakit naman kasi hindi man lang sumagi sa isip ko ang magdala ng flats. Huminga ako ng malalim. Kauning tiis na lang Aisha! Makakauwi ka rin! Habang naglalakad ay hindi ko rin maiwasang hindi mapansin ang mga estudyanteng nagkalat sa hallway. Ang iba ay nag-uusap-usap — nagtatanungan kung kamusta naman ang mga professors, kung terror ba o hindi, nagtatanungan kung ano ang schedule ng isa’t isa — habang ang iba naman ay nagmamadali nang pumunta sa susunod na class habang inaayos ang buhok o di naman kaya ay ang corporate suits nila.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na natanggap ako sa school na ito. It’s too good to be true! Sobrang saya ko na tipong gusto kong magtatalon! Ewan ko ba at medyo late na ang reaksyon ko.

Dumako ang tingin ko sa lunch boxes na nasa kanang kamay ko. Ibabalik ko lang ‘to sa kanya, magpapasalamat, at uuwi ng maluwalhati! Kaunting tiis na lang talaga!

Nang narating ko ang SC Office ay medyo nag-alangan ako. Unclear kasi ang mga glass doors kaya naman hindi talaga makikita kung anong meron sa loob. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong kumatok o kung may dapat ba akong pindutin na... uhh... doorbell? Mayroon bang gano’n dito? Huminga akong muli ng malalim. So much for being so ignorant!

“Oh!”

Halos mapatalon ako ng biglang may narinig akong boses sa likod ko. Mariin akong pumikit at pinakiramdaman ang puso ko. What the hell! Akala ko iiwanan na ako ng kaluluwa ko! Nilingon ko ang lapastangan at nakita ang pamilyar na mukhang nakangisi sa akin.

Nagsimula siyang matawa na parang walang bukas habang tinuturo ako. “You’re here again! Your face though—” at natawa nanaman siya habang ako naman ay tinitingnan lang siya ng masama.

Hinintay ko lamang siyang matapos sa pagtawa. Nang napansin niya iyon at tumikhim siya. “Uhh... sorry.” at napangiti nanaman siya. Tumaas ang kilay ko. Lalong lumapad ang ngiti niya.

Ngumuso ako. Pa-cute ‘to masyado. “May tao ba dito?” tanong ko sabay turo ko sa glass door. Ayoko talagang pumasok na lang bigla sa loob. Baka mamaya ay private office pala iyan at makaistorbo pa ako. Bumalik ang tingin ko sa lunch boxes. Kung bakit pa kasi nag-abala. Ano ba ‘to? Suhol? Pakunswelo sa mga masasakit na salitang sinabi niya kanina? Peace offering?

Nagkibit-balikat si... I forgot his name. Jeez.

Tulad kaninang umaga ay magulo pa rin ang buhok niya na para bang pinagkaitan siya ng pagkakataon na makapagsuklay. Wala na rin ang coat and tie niya. Ang puting polo niya ay bukas ang first three buttons at nakatupi iyon hanggang siko.

Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang masyado niyang makisig na mukha. Tama nga ang sinabi ng mga pinsan ko sa akin. Naglipana ang mga gwapo sa school na ‘to.

Hindi pa rin nabubura ang ngiti sa mga labi niya, halatang tuwang-tuwa sa isang bagay. “Why don’t you look for yourself?” matigas na ingles na wika niya sabay biglang bukas ng glass door. Iginiya niya ako papasok.

Nanlaki ang mga mata ko nang itinulak niya ako papasok ngunit nanatili ang mga kamay niya sa balikat ko, pinipilit akong maglakad papunta sa isang direksyon. Tulad ng nakita ko kanina ay maraming mga table at swivel chair sa loob ngunit hindi tulad kanina ay puno na iyon ng mga estudyanteng mga nakacorporate attire din. Mukhang mga officers din ng SC ang mga narito.

“You’re looking for Pres?”

Napangiwi ako nang narinig ko ang boses niya malapit sa tenga ko. Seriously? Pinilit kong tanggalin ang mga kamay niya sa balikat ko but to no avail ay parang may mighty bond nang nakadikit doon.

Tumango na lang ako. Kapag ako napikon, tatapakan ko talaga ang paa niya gamit ang 3 inches heels ko. Halos mapangiwi ako habang iniinda ang sakit sa likod ng paa ko. Kanina ko pa ito tinitiis. Nilagyan ko na kanina iyon ng band aid kaso ay natatanggal din naman.

“Why’re you looking for him?” pagtatanong pa niya. Too curious.

Huminga ako ng malalim. “May ibabalik lang ako,” sagot ko.

“This?” pagtatanong pa niya habang itinuturo ang lunch boxes na hawak ko.

“Oo.”

“Why bother?”

I bit my lower lip. Kalma Aisha. Kalma. Hinga malalim.

Narinig ko nanaman ang halakhak niya. Hindi kaya nakalanghap ng rugby‘to?

“Chill! I was just joking!” Pinisil-pisil pa niya ang balikat ko kaya lalong umarko ang kilay ko. “You’re too serious, too cold, too stiff, too—”

Marahas ko siyang nilingon kaya naman nalaglag na rin sa wakas ang mga kamay niyang nasa balikat ko. Hindi ko alam kung anong meron sa mukha ko — siguro ay marami nang nakalukot na part at sadyang nakakatakot nang tingnan — at mukhang nagulat siya at na-speechless.

“Saan ang office niya?” kalmado kong tanong. Kumunot ang noo ko. Detergent. Related sa detergent ang name niya. Ako na naging hobby na ang pagkakabisado ng mga terminologies sa iba’t ibang subjects ay hirap sa pagkakabisado ng pangalan. Ironic.

He pursed his lips, clearly suppressing the urge to laugh his ass off. I sigh. May tama talaga ang isang ‘to, no doubt. Sa kabutihang-palad ay sinagot niya ang tanong ko. Itinuro niya ang pintuan sa tabi namin. Gawa rin iyon sa glass.

Laking tulong.

Tumikhim ang baliw na gwapong nasa harap ko at inilagay ang mga kamay sa bulsa. Mukha na siyang seryoso ngayon. Hindi ko talaga masakyan ang mood ng lalaking ‘to.

“Do you want me to—”

“No, thank you,” mabilis kong putol sa kanya. Tama na ang naitulong niya.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin ngunit parang nagkaroon ng sariling utak ang mga kamay ko at mabilis na binuksan ang pintuan. Excited na siguro talaga akong makauwi.

Pero hindi ko alam na isang malaking pagkakamali pala iyon.

Tulad ng isang tipikal na private office ng isang lalaki ay kumbinasyon ng black and white ang interior nito. May black leather upholstered chair sa magkabilang sides habang may coffee table sa gitna. Sa dulo naman ay may worktable na may mga books at papers sa ibabaw. Sa likod nito ay isang swivel chair kung saan kasalukuyang nakaupo ang Presidente ng Student Council habang isang babae naman ang nakaupo sa lap niya. Parehas silang nakacorporate attire.

Hindi lamang iyon. Nakasandal ang ulo niya sa swivel chair kaya naman kitang-kita ang adam’s apple niya habang ang babae naman ay ginamit ang pagkakataon na iyon para mahalikan siya sa leeg.

Mukhang hindi nila narinig ang pagpasok ko dahil hindi man lang nila kami nilingon. Imbis na kunin ko ang atensyon nila ay napako ako sa kinatatayuan. Nanuyo ang lalamunan ko at nagpawis ang mga kamay ko. Nablangko ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin.

“SPG. You shouldn’t see this,” bulong sa akin ni... Detergent sabay takip sa mga mata ko.

Ibinuka ko ang bibig para makapagsalita ngunit wala pa rin akong masabi. Naramdaman ko ang isa niyang kamay na pumulupot sa bewang ko para maiatras ako’t maisara na ang pintuan dahil mukhang napansin niyang wala akong balak maglakad ngunit bago pa kami makakilos ay isang nakakabinging sigaw ang gumulat sa amin.

“Ate Aisha! You’re here!”

Kumunot ang noo ko at mabilis na tinanggal ang kamay ni Detergent. Una kong nakita ang nakaupo pa ring si President habang gulat na gulat na nakatingin sa amin. Bumagsak ang tingin niya sa kamay ni Detergent na nakapulupot sa akin. Ang babae naman na hanggang ngayon ay nasa lap niya ay nakatingin na rin sa amin. Maganda siya at makinis.

Sunod na lumipat ang tingin ko sa babaeng tumawag sa pangalan ko. Lalong kumunot ang noo ko nang mapansing hindi ko siya kilala. Nakaponytail ang itim at wavy niyang buhok. Naka white blouse at bandage skirt din siya. Nakangiti ang maamo ngunit tila mapaglarong mukha ng babaeng kasing-edad lang namin.

Pilyo siyang ngumiti. “And kuya Uriel’s with you. Isusumbong kita kuya kay ate Alena!” at natawa siya sa sariling sinabi.

Itinaas naman ni Uriel — parang detergent kasi ang pangalan niya, Ariel —  ang mga kamay niya na para bang tinutukan siya ng baril. “Hey! I’m innocent! I just helped this girl out.”

Pres pinched the bridge of his nose, para bang problemado at nandito ako sa office niya.

“Ibabalik ko lang ‘to kaya pumunta ako dito,” sabi ko kaagad habang inilalagay ang lunch box sa ibabaw ng coffee table.

Lumapit sa akin ang babaeng tumawag sa akin kanina. Ngiting-ngiti siya habang nakatingin sa akin. “Masarap ba? Alam mo bang pinaghirapan ‘yan ni kuya Xy?” at binalingan ng tingin si Pres. “Di ba kuya?” inosente niyang tanong.

Gulat namang tumingin sa kanya ang babaeng hanggang ngayon ay nasa lap pa rin niya — marahil ay girlfriend niya. “You cooked for her? Ipagluto mo rin ako!” utos niya habang nakanguso.

Nagsalita na ako kaagad. “Aalis na ako. Salamat pala!” God, I feel like an idiot. I feel like I shouldn’t be here.

“Hatid na kita,” biglang salida ni Uriel. Akalain mong marunong pala ‘to magtagalog!

“Isusumbong talaga kita kay ate Alena! Nangangaliwa ka!” pagbabantang muli ng babaeng tumawag sa akin kanina sabay tinging masama kay Uriel.

“O-Oo nga. Hindi mo ako kailangang ihatid. Kaya kong umuwi mag-isa,” sabi ko na lamang.

Nagkibit-balikat si Uriel. “I can’t just let her walk her way home.”

“And why’s that?”

Sabay-sabay kaming lahat na napatingin kay Pres nang nagsalita siya. Seryoso siyang nakatingin kay Uriel.

Humalukipkip si Uriel. “Her feet are already bleeding. I don’t believe she’ll be able to walk with that condition.”

Nalaglag ang panga ko at mabilis na tiningnan ang paa ko. Pinagmasdan ko iyon ng mabuti hanggang sa nakita ko ang likod na may paltos na at may kaunting dugo na nga. As if on cue ay naramdaman ko ang paghapdi ‘non.

Mabilis na tumayo si Pres dahilan kung bakit halos malaglag iyong babaeng nasa lap niya kanina pa. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang siko ko. Tiningnan din niya ang paa ko.

Mariin niya akong tinitigan. “Wala kang flats?” inis niyang tanong.

“Uhh...” tiningnan ko ang paligid at medyo naconscious sa atensyong natatanggap. “N-Nalimutan ko.”

“Dalhin mo siya sa infirmary,” suhestyon ng babaeng hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Mukhang nag-aalala rin siya habang tinitingnan ang mga paltos ko.

Tumingin si Pres kay Uriel. “I’ll take her home.” Sinamaan niya rin ito ng tingin. “Bumalik ka na sa girlfriend mo.”

Ngumisi si Uriel. “I knew you’ll say that.” at pumihit na siya paalis.

Nilingon naman ni Pres ang dalawa sa likod niya. “Cara, sumabay ka na muna kay Zel sa pag-uwi.”

“Okay!” abot-tengang ngiti nanaman ‘nung Cara. “Ingatan mo si ate Aisha ah! Isusumbong kita kay tita!”

“Whatever.” ang tangi na lang niyang sinabi. Bumalik ang tingin niya sa akin. Tututol na sana ako sa plano niya ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa siko ko.

“Tara na ate Zel! Gusto ko nang umuwi!” tawag ni Cara sa girlfriend ni Pres sabay hila dito palabas.

“T-Teka, sandali lang.” ngunit hindi na ako pinansin ni Cara at sabay na nilang nilisang dalawa ang office.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------