♪ Chapter 44: Take over
Jane’s POV
Nakalapat lamang
ang mainit niyang labi sa akin. Lips over lips... lingering. This is not the
first time I’ve been kissed by Geff Mendez. In fact, our first was kind of
fiery... passionate... out of control, driven by anger and frustration. But
this is very different from our first. It is very sweet and innocent in its own
way.
Ako ang unang
humiwalay at pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha. I remembered the first time
I saw him after eight long years. Natutulog siya noon sa itaas ng puno. He was
peacefully sleeping on that safe haven of his. Kapag pinagmamasdan ko siya ay
iyon pa rin ang nararamdaman ko. He just has this peaceful aura that attracts
anyone to stare at him and never look away. He has that effect... most
especially on me.
Idinilat na niya
ang mga mata niya at pinagmasdan din ako. Then he showed me his boyish smile
that melted my heart. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko sa pagngiti at
pagyakap sa kanya. Nagulat naman ako nang marahan niya akong inilayo sa kanya
at bigla siyang umatras palayo sa akin na para bang ayaw niyang mas mapalapit
pa ako sa kanya.
“B-Bakit?” naguguluhan at kinakabahang tanong ko. What now?
Nag-iwas naman
siya ng tingin at inilagay ang kanang kamay sa batok. He looked somewhat
awkward. Ngayon pa ba siya maiilang sa akin? He already kissed me!
“I just played... soccer,” makahulugan niyang utas. Lalo akong
naguluhan. “Alam ko. Tapos?” tanong
kong muli. “You don’t want me to... be
close to you—” Mabilis niyang pinutol ang sinasabi ko.
“No!” Hindi
siya makapaniwala sa sinabi ko. Para bang dapat ay alam ko na ang tungkol sa
bagay na ‘yon. “Of course not!” natatawa
pa niyang utas. I just looked at him ridiculously.
“Then why did you push me away?” Wait... did I sound clingy?
Natatawa pa rin
siya nang kinuha niya ang kamay ko at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.
“I told you already, I played soccer,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.
But I still
don’t get it. “Okay. You played soccer.
Then what does that have to do with me wanting to hug you?” inosente kong
tanong. Ano ba kasing ibig niyang sabihin? Halos mamula naman ako nang
napagtanto ko kung ano ‘yung sinabi ko kanina lalo na nang nakita kong kinagat
niya ang labi niya dahil doon.
“You’re incredibly straightforward today,” puna niya, halatang natutuwa sa takbo ng
usapan namin.
Sumimangot naman
ako. “And you keep on changing the
topic,” I mumbled under my breathe.
Patuloy lang sa
pagtawa at pagngiti si Geff habang nakasimangot naman ako nang makarating kami
sa locker room ng mga varsity. Huminto kami sa tapat at hinarap niya ako.
“I’ll just take a shower,” sabi niya bago nagpalinga-linga sa
paligid na para bang may hinahanap. Bumaling rin naman ang tingin niya sa akin
at sinuri ako mula ulo hanggang paa. Nanliit ako sa paraan ng pagtitig niya.
Ano bang hinahanap nito?
Matapos iyon ay
tumango-tango siya na para bang nakita na niya ang gusto niya. “Bakit mo ako tinitingnan ng ganyan? You
look uneasy,” puna ko sa kanya.
“I’m just checking if you’ll attract attention. That
had always been a problem to me for the past few days,” tuloy-tuloy niyang sabi.
What? Ako?
Attention grabber? Pinasadahan ko rin ng tingin ang sarili pero isang simpleng
blouse, fitted jeans and rubber shoes lang naman ang suot ko. Halos gano’n din
naman ang isinusuot ko kung hindi kami naka corporate attire. Nahihibang na ba si Geff?
Bago pa ako
makaalma ay hinalikan na niya ang noo ko. “Wait
for me here. After this, we’ll talk,” sabi niya bago pumasok sa loob ng
locker room. Mayroon na rin yatang shower room sa loob kaya siguro dito na siya
pumunta.
Kinagat ko ang
labi ko at pinakalma ang lahat ng nagwawala sa akin. He kissed me twice today.
God, ganito ba talaga siya?
Hindi ko kasi
mapigilan ang sariling kiligin. Damn, Mendez!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
“Anong gusto mong kainin?” nakakunot noo niyang tanong sa akin
habang ako naman ay palinga-linga sa paligid.
Nasa cafeteria
kami ngayon dahil ang sabi niya ay nagugutom na raw siya. Ayoko sanang sumama
dahil may practice pa kami sa auditorium at baka magalit sa akin si Amirah pero
napaka persuasive nga naman ni Geff at napilit niya akong sumama.
“I just want us to
talk,” dagdag pa niya kanina.
“Lasagna at iced tea lang,” sagot ko sa tanong niya.
Nagpalinga-linga
na rin siya, mukhang napansin ang pagka-uneasy ko. Nonetheless, umalis naman
siya at bumili ng pagkain.
Kung nakamamatay
nga naman ang tingin ay kanina pa ako pinaglalamayan. Ang sarap supalpalin ng
mukha ng mga babaeng ito. Bakit ba ganyan sila makatingin? Parang isa akong
eyesore sa kanila at kapag kay Geff naman sila nakatingin ay kulang na lang ay
dambahin nila siya ng yakap. Kung si kuya siguro ang kasama ko ay wala akong
pakialam. Pero nang si Geff na ang kasama ko ay parang kumukulo ang dugo ko.
Nang nakarating
na sa table namin si Geff dala ang mga biniling pagkain ay pinagmasdan niya
ako. “Hey, ayos ka lang?” Lumingon
nanaman siya sa paligid. “May hinahanap
ka ba?”
Ngumuso ako.
Naka blue button-down shirt siya na checkered at loose-fitted jeans. Nakalaglag
din ang buhok niya kaya naman medyo natatakpan ang mga kilay niya but the
eyes... hindi talaga ako magsasawa sa kakatingin doon. Masyadong malalim at
misteryoso.
Bumalik ako sa
reyalidad nang tumawa siya. “You are
spacing out.”
“Because of you,” nasambit ko nang wala sa sarili. Huli na nang
napagtanto ko iyon at halos lumubog ako sa kinauupuan dahil sa kahihiyan. Really? Jane? What the heck is wrong
with me today?!
Sandali siyang
natulala doon at ngumiti rin naman. “I
didn’t know you’re this honest to the point that you’re leaving me speechless.” Ngumiti siyang muli at umiling. “Mabuti
at hindi lang ako ang ganyan sa ating dalawa.”
“Hmm?” Anong
ibig sabihin niya? Ayoko nang magsalita dahil baka kung ano nanaman ang masabi
ko. God, nakakahiya talaga ako!
“Tuwing class, kapag bored ako, titingin lang ako
sa’yo. I’ll be spacing out for the rest of the period hanggang sa hindi ko na
namalayan na tapos na pala ang class.” at ngumiti nanaman siya sa akin na para bang iyong
sinabi niya ay normal lang. Oh my God?
Kinagat niya ang
labi niya, halatang pinipigilan ang sarili mula sa pagngiti, habang nakatingin
sa akin. “Your face is already flushed.
Hindi talaga ako magsasawang papulahin ka. I can do it all day.” at ngumisi
siya. How can he manage to look innocent one moment then wicked the next?
Umayos ako ng
upo at tinaasan siya ng kilay. Magiging trademark ko na yata ito kapag siya ang
kasama ko. “You sound like a pro. Marami
ka na bang napapulang mga babae?”
Prente lang
siyang sumandal sa kinauupuan, humalukipkip at tumingin sa akin. He’s still
wearing his legendary smirk. “Ang sabi
ko, ikaw ang papupulahin ko. Why are you accusing me as a pro? Sa’yo lang naman
ako ganito.”
“I don’t believe you.” Pinanliitan ko siya ng mata. Imposible talaga na
wala pang nagiging girlfriend ang isang ‘to. Fling? Pwede rin. He’s really a
head turner tulad ni kuya. Si kuya naman kasi ay tahimik pero makikita mo
kaagad ang bad boy image niya. Pero itong lalaking nasa harapan ko ay mukhang inosente
pero magugulat ka na lang sa mga sasabihin niya.
But still, he’s
not opening himself to anyone. I can see that beyond those very enigmatic eyes lie
his deepest secrets. One is his childhood. I don’t know if I can touch that
part of him at may kung ano akong nararamdaman na ayaw kong maramdaman kapag
naiisip kong may isang taong nakapunta na sa bahagi niyang ‘yon.
I can never be
that person. I guess.
Pinasadahan kong
muli ng tingin ang paligid at napansing may ibang mga babae pa ang
naghahagikgikan at maya’t maya ang tingin sa pwesto namin... kay Geff. Nairita
nanaman ako.
Kinilabutan ako
nang biglang hinawakan ni Geff ang baba ko at iginiya ito paharap sa kanya. “Sino ba ang tinitingnan mo?”
Sasagutin ko na
sana siya nang biglang may nakaagaw nanaman ng atensyon ko. It’s not those
irritating stares from other girls inside the cafeteria... but her. Neth
Flores... Angel Liberty... my twin. And she’s looking our way. Kapapasok lamang
niya kasama ang mga kaibigan niya, perhaps her clubmates. Kami na kaagad ang
nakita niya pagkapasok pa lamang niya.
“Si—”
“I’m not interested,” he said seriously. Nawala ang atensyon ko kay Neth
at nalipat kay Geff na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. His index finger
and thumb still under my chin, the reason why I can’t look away.
May parte sa
akin na gustong sabihin kay Geff na naroon si Neth at nakatingin sa amin ngunit
mas malaki ang parteng nagsasabi na hayaan ko siya na makita kaming dalawa at
‘wag iyong ipaalam kay Geff. Am I too bad? But I want to set the boundary... my boundary. And for the past few days I
knew they had been so close... too close for my liking. Babae ako, at alam ko
ang kahulugan ng mga tingin na ipinupukol niya sa amin ngayon.
“Jane.” He sigh, clearly frustrated about my
inattentiveness. “I want your attention
only for myself. I want you to only look at me kahit ngayong araw lang. I want
your day, your attention, only focused on me... this day. You can be distracted
but not when I’m with you right now,” he said full of conviction and
certainty.
Napaawang ang
labi ko dahil sa sinabi niya. Geff never ceases to leave me tongue-tied because
of his lines. “That sounds so... selfish
of you.” ang tangi kong nasabi.
Kinuha ni Geff
ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa at pinisil iyon. “You can say that.” Ngumiti siya habang ang atensyon ay nasa kamay
kong hinahaplos niya. “I... become
selfish when it comes to you. I’m sorry to say this but I want you only for
myself.”
“Paano si Angel?”
Kumunot ang noo
niya at nag-angat ng tingin sa akin. “What
about her?”
Biglang tumalon
ang puso ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o dahil sa saya. Maybe both? But
I have this question I am dying to ask. “You
said you loved her, right?”
Inilapit niya
ang kamay kong hawak niya at hinalikan iyon bago umupo ng maayos at ngumiti sa
akin. But the smile he showed me is taut.
“Let’s talk about this later. Kumain muna tayo,
alright?” sabi niya.
Tumango na
lamang ako. Tiningnan kong muli si Neth ngunit wala na siya. I bit my lower lip
and ignored the disappointment and fear slowly gnawing me.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
“How and when did you learn that Neth is the girl
I’m talking about?” pagtatanong
ni Geff habang nakaharap sa akin.
Matapos kumain
ay sinabi ko kay Geff na pumunta kami sa rooftop ng South Building dahil
tahimik dito at makakapag-usap kami ng maayos. Nakaharap ako sa magandang
tanawin na nasa harap ko habang ang mga siko ko ay nakasandal sa railing. Kita
mula dito ang malawak na soccer field maging iyong mga varsity na naglalaro
doon. Huminga ako ng malalim kasabay ng paglipad ng buhok ko dahil sa hangin.
“Naikwento sa akin ni Darren once noong magkasama
kami.” I just know it ‘cause she’s my twin and I know your
past. Gusto ko
sanang sabihin pero hindi ko kaya. Kailan ko nga ba masasabi sa kanya kung sino
ako? Do I have the courage to tell him about my existence that my parents tried
really hard to keep as a secret their entire life that actually cost their
lives? Can I do it without hurting him?
Deep inside me,
I know the reason behind my existence being a secret pero hindi ko pa iyon alam
sa ngayon but I know soon, I’ll found it out myself.
“Kailan kayo nagkasama ni Darren? Bakit hindi ko
alam? Bakit kayo magkasama?” sunod-sunod
niyang tanong. Halata nanaman sa boses niya ang inis.
I glued my eyes
on the field kaya hindi ko alam ang reaksyon niya habang sinasabi ang mga
tanong na iyon but I know he’s looking at me the whole time. Ngumuso ako. “Hindi naman lahat ng nangyayari sa buhay
ko ay dapat alam mo. Darren is my friend. My childhood friend kaya naman natural lang minsan ay magkasama kami.”
“You have so many childhood friends. And most of them
are guys who are making their own moves to get your attention,” iritado niyang utas.
Gulat at the
same time ay nangingiti ko siyang nilingon. Tumagilid ako para makaharap ko
siya. “That’s not my fault. Wala akong
magagawa kung puro lalaki ang mga kaibigan ko.” I think I have an idea
about his annoyed expression right now.
Narinig kong
bumulong-bulong pa siya bago ako tiningnan. “But you can do something to avoid them.”
“Why would I avoid them?” Come on Geff. Tell me your reason. Sa
loob loob ko ay natatawa na ako but I kept my impassive face.
“It’s because I’m courting you already! Hindi okay
sa akin na may umaaligid sa’yong lalaki ngayong nililigawan na kita.” Mariin niya akong tinitigan. Kinagat ko
tuloy ang labi ko para mapigilan ang ngiti ko. “You’re making fun of me, aren’t you Ms. Alvarez?”
This time ay
hindi ko na napigilan ang tawang kanina ko pa pinipigilan. I laughed like
there’s no tomorrow. Iyong tawa na siguro ay makakapagpa turn off sa mga lalaking
makakakita. But I don’t care if it’s Geff in front of me.
Medyo
natatawa-tawa pa ako habang inaayos ang buhok kong sabog dahil sa hangin. Noon
ko lang napansin na titig na titig sa akin si Geff. “Bakit ka ganyan makatingin? Turn off ka na ano?” Sino ba ang
hindi? Minsan ay lumalabas ang pagka boyish ko. Ito nga rin ang problema sa
akin ni mom lalo na kapag may dadaluhan kaming formal party kasama ang mga
business colleagues niya.
Humangin nanaman
ng malakas kaya naman sa inis ay hinayaan na lamang ang buhok kong sumabog. I
don’t care kung mukha na akong mangkukulam sa gulo ng buhok ko. Kinilabutan ako
nang narinig ko ang mumunting halakhak ni Geff at siya na ang sumikop ng buhok
ko. May ginawa siyang kung ano doon hanggang sa maayos na iyong nakabun sa
likod ng ulo ko at hindi na nahulog pa.
Tinaasan ko siya
ng kilay. “Paano ka natutong mag-ayos ng
buhok ng babae?” Pinanliitan ko siya ng mata. “Siguro—”
“Dare say it and I will kiss you,” walang pag-aalinlangan niyang deklara
kaya naman natulala ako sa kanya. Nginitian naman niya ako. “Madalas wala sila mom at dad sa bahay. Si
Nanay Amelia naman ay busy sa pagtatrabaho sa bahay kaya naman ako lang ang
nag-aasikaso kay Carly. I used to knot her hair depends on her preference.
Tinuruan din ako ni Phin kung paano magtirintas para magawa ko rin kay Carly.”
Huminga siya ng
malalim at tumingin sa akin. Medyo namumula pa ang mukha niya kaya lalo akong
natulala. “I’m not gay alright?”
“I know,” nangingiti kong utas. I can’t believe na gano’ng
klase ng kuya si Geff. He must really love Carly that much ngunit may kung
anong tumusok sa puso ko. “So... you’re
not that close to your parents?”
Nag-iwas siya ng
tingin sa akin. “I...” Napatingin
ako sa kamay ko nang bigla niya iyong hinawakan kahit wala sa akin ang atensyon
niya. Bumuntong-hininga siya. “I don’t
want to talk about them.”
“Okay,” mabilis kong sabi. Hindi ko alam na... may problema
palang ganito si Geff sa mga magulang niya. Si Mr. Mendez... pinilig ko ang ulo
ko para maiwala doon ang isip ko. I don’t want to dwell on that memory. Not now.
Humingang muli ng
malalim si Geff bago ibinalik sa akin ang tingin. Pagod siyang ngumiti sa akin.
“I’ll tell you about them but not now. I
don’t want to spoil anything now... that you’re here with me. Can we talk of
something else please?”
Mabilis naman
akong nag-isip ng pwedeng topic nang maalala ko ang dapat ay pag-uusapan namin
ngayon. “We’re talking about Angel
earlier. You just got me sidetracked.” Umiling-iling ako.
Ngumiti rin
siya. “I got sidetracked too. Lagi naman kapag tungkol sa’yo.”
“Ano?” nakakunot-noo
kong tanong. Hindi ko kasi narinig iyong huli niyang sinabi. Ewan ko ba dito sa
kanya at mahilig siyang bumulong.
Nagulat ako nang
bigla akong iniharap ni Geff sa magandangg view at pumunta siya sa likod ko.
Nagtaasan na naman ang mga balahibo ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko nang
naramdaman kong niyakap niya ako. Back
hug. Lumunok ako at tumikhim bago napagdesisyunan na ilagay na lang ang mga
kamay ko sa railing.
“I met her when I was eight years old. She was seven
that time. Ang sabi sa akin ni mom ay matalik daw niyang kaibigan si Tita
Angeline at gusto na niya siyang makita kaya naman pumunta kami sa mansion
nila,” pagkukwento niya
habang yakap pa rin ako. Mataman ko naman siyang pinakinggan kahit sobra na ang
kabang nararamdaman ko sa mga pwede kong malaman.
“Tita Angeline is Angel’s mother. Then your friend,
Gwyneth Flores, is Angel Liberty Yllana. Mahabang storya ang tungkol sa pagpapalit
niya ng pangalan, basta... ay kababata ko siya. That’s it.” Mariin akong pumikit nang sabihin niya
iyon. Para bang hanggang doon na lang ang gusto niyang sabihin sa akin. But I
want to hear more.
“Tell me your story. Kahit mahaba pa ‘yan, handa akong
makinig,” sabi ko sa
kanya. Suminghap ako nang mas hinigpitan pa ni Geff ang yakap sa akin.
Naramdaman ko
ang paghinga niya ng malalim sa likod ko. “Promise
me that after this, you’ll not get insecure about her, okay?”
“I’m not insecure!” I rolled my eyes. Naiinis ako kapag sinasabi niya
‘yan.
Humalakhak
nanaman siya. “Fine. You’re not.”
“Magkwento ka na,” pangungulit ko pa.
Tumikhim muna
siya bago nagpatuloy. “The first time I
saw her, alam kong siya nga si Angel but Phin told me that she’s not her.
Besides, we all knew that she died a long time ago kaya naman imposibleng siya
si Angel na kababata ko. I loved her even we were still very young. Akala ko pa
nga noon ay puppy love lang. 6 years had passed but still I couldn’t forget.
Then you came and everything had
changed.”
“What happened? Why did she die?”
Medyo tumagal pa
ng ilang segundo bago siya sumagot. “She
was hit by a car... because of me.” Nahimigan ko ang sakit sa boses niya
habang sinasabi iyon. Medyo sumikip ang dibdib ko.
“Why? Anong ginawa mo?” This is it. Gusto kong malaman kung bakit galit ako sa dad niya. Hindi ko alam ang dahilan ngunit alam kong malalim ang galit na iyon. Hanggang ngayon ay natatakot pa rin akong malaman ang totoo. That’s Geff’s dad we’re talking about. Kahit anong mangyari ay ama pa rin siya ng lalaking mahalaga sa akin.
Ilang minuto ang
lumipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita kaya naman nilingon ko siya.
Pinigilan naman niya ako at hinigpitan ang yakap sa akin. “Can we just stay like this for a while?” mahinang bulong niya sa
akin. His voice was strained.
Ano... ano ang hindi niya masabi?
Pumikit ako ng
mariin at umiling. Hindi pa siguro siya kumportableng pag-usapan ang tungkol sa
bagay na iyon lalo pa’t tungkol iyon sa isang hindi magandang alaala. Hindi ko
siya pipiliting sabihin iyon sa akin ngunit... hindi ibig sabihin ‘non ay hindi
na ako gagawa ng paraan para malaman kung sino nga ba si Mr. Mendez. Sino nga
ba siya? Bakit gano’n na lang ang galit na naramdaman ko sa kanya noong oras na
iyon bago ako maaksidente?
Sumandal ako sa
kanya at huminga ng malalim. For this day... only this day, I’ll let my emotions take over me. Kahit itong araw
lang, gusto kong maramdaman ang bawat detalye at emosyong nangyayari sa akin
kasama si Geff. I will cherish this moment.
“Okay,” mahinang sabi ko.
But tomorrow
will be a different story.
------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pinatay na ni
Geff ang makina ng Everest niya at nakangiting bumaling sa akin. “Are you happy?” tanong niya sa akin.
Tinanggal ko ang
seatbelt ko at tiningnan siya. “Very.
Salamat sa pagsama mo sa akin ngayon.”
Galing kami ni
Geff sa SM Manila at sinamahan niya akong pumunta sa Powerbooks para tumingin
ng mga newly published books. Hindi na rin kami nakaattend ng practice sa
auditorium dahil hindi na rin namin namalayang dalawa ang oras habang nasa
rooftop kami. Nang tinawagan ko si Al, ang sabi naman niya ay siya na ang
bahalang magpaliwanag kay Amirah maging kay kuya. Ilang pang-aasar pa nga ang
sinabi niya sa akin kaya naman ginantihan ko siya’t inasar kay kuya. Ayun at
natahimik siya.
Kinagat niya ang
labi niya, pinipigilan ang pagngiti. “Good
to know you had a great time,” sabi niya. Biglang kumunot ang noo niya at
hinarap ako. “Hey. What happened to you
yesterday? Bakit ka naglalakad sa parking lot kahapon na parang wala ka sa
sarili? May nangyari ba?”
Nanlaki ang mga
mata ko dahil sa mga tanong niya. Ang buong akala ko ay nakalimutan na niya ang
bagay na iyon. Hinarap ko siya at pilit na ngumiti. “N-Nagulat lang ako dahil nakita ko ang mukha ko sa... uhh... mga
monitors na nagkalat sa campus. Nainis din ako kela Derrick dahil hindi man lang
nila sinabi sa akin ang tungkol doon.”
“Ah. Yeah, I saw you in that video.” Tumango-tango siya. “I really thought I accidentally bumped you with my car.” Pumikit
siya’t mukhang galit sa sarili dahil sa nangyari.
“Sumama lang talaga ang pakiramdam ko. Sumakit din
ang ulo ko’t nahilo kaya bumagsak ako,” pagpapaliwanag ko pa. He really looked worked up
about what happened to me kaya gusto kong ipaliwanag na wala siyang kasalanan
doon.
“And then you suddenly run fast. Hindi mo ba alam
kung ano ang inisip ko nang nawala ka sa paningin ko lalo pa’t alam kong hindi
maganda ang pakiramdam mo?” Ngayon
ay inis na siya sa akin base sa tono ng mga salita niya.
Ngumuso ako. “I’m fine. Dumiretso na ako pauwi ‘non.”
“Yeah. Good thing your brother told me you’re with
him or else I’ve gone mad looking for you.”
“Sorry na.” ang tangi ko na lang nasambit. Mukha siyang
problemado ngayon at frustrated dahil sa pagkakaalala sa nangyari kahapon.
Huminga ng
malalim si Geff at kinuha ang mga kamay ko. “It’s not your fault. It was actually partly because of me.” Tiningnan
niya ako sa mga mata. “I’m sorry if I
ignored you.”
“Bakit mo ba kasi ako iniwasan ‘non? May nagawa ba
akong masama?”
Pagkatapos kasi
ng pag-uusap namin noon ay bigla na lang niya akong iniwasan. Pagkatapos ng mga
pagpaparamdam niya at pagsasabing liligawan niya ako ay makikita ko na lang
siya kinabukasan na may kasamang ibang babae at binalewala na ako. I just...
don’t like to be taken for granted. At alam kong hindi gano’n si Geff kaya
naman alam kong may dahilan siya kung bakit niya ako iniwasan noon.
Tiningnan ko
lamang siya’t hinintay ang sasabihin niya ngunit nag-iwas lamang siya ng
tingin.
“Bakit nga? Huh?” pangungulit ko pa.
Tumikhim siya’t
tiningnan ang relo niya. “Kailangan mo
nang umakyat. Baka hinahanap ka na ng kuya mo.”
Ngumuso ako.
Iniiba nanaman niya ang usapan. “Okay.
Thank you ulit.”
Huminga ako ng
malalim at binuksan ang pintuan ng sasakyan niya. If he doesn’t want to talk
then it’s okay with me. Tulad ng sabi ko sa sarili ko ay hinding-hindi ko siya
pipiliting magsabi sa akin ng mga iniisip niya. It’s up to him if he’ll open
himself to me or not. Though... may kung ano pa ring bumabagabag sa akin...
“J-Jane—”
Isinara ko ang
pintuan at nagsimulang maglakad. Nakapag-usap na kaya sila ni Neth tungkol sa
past nila? Huminga ako ng malalim. Malamang ay nakapag-usap na sila. Naging mas
close na rin sila ngayon kaysa dati. Alam na rin ni Geff ang kalagayan ni Neth
kaya naman imposible na hindi pa niya alam ang tungkol doon. They knew each other very well...
Nagulat na
lamang ako nang biglang may humila ng palapulsuhan ko. Paglingon ko ay si Geff
ang nakita ko. Nanlaki ang mga mata ko. “B-Bakit—”
“I was jealous,” bulong niya sa hangin.
“Ha?” Ano
bang sinasabi nito? At bakit pa siya bumaba ng sasakyan niya? Akala ko ba ay
kailangan ko nang umakyat?
Tiningnan ako ni
Geff sa mga mata kaya naman nanliit nanaman ako. Napaka intimidating talaga ng
mga mata niya. Masyado kasing malalim ang mga iyon at napakamisteryoso. I
always feel weird when he’s looking at me like that.
Hinaplos niya
ang mukha ko at ngumiti sa akin. “Nothing.
Just... don’t think about it, okay? Text me when you get to your room. Hmm?”
Natulala nanaman
ako. His enigmatic eyes and warm smile intended for me made me want to shriek.
Iyong tipong gusto kong tumili pero hindi ko magawa dahil nandito siya sa
harapan ko.
Tumango na
lamang ako’t tumalikod para ipagpatuloy na ang paglalakad. Ang buong akala ko
ay mas magiging ayos ang pakiramdam ko ngunit parang lumala yata. Hinawakan ko
ang nanlalamig kong mga kamay at pumikit. Gano’n ba kalakas ang pakiramdam ko
at nararamdaman kong nakatitig pa rin sa siya sa akin hanggang ngayon? O baka
naman assuming lang ako?
Muli akong
lumingon at hindi nga ako nagkamali dahil nakatingin pa rin siya sa akin. Nang
nagtama ang mga mata namin ay ngumiti nanaman siya. His boyish smile. Tumalikod
akong muli at pumasok na sa pad. Pagkapasok ko sa walang lamang lift ay
nagsisigaw na ako na parang baliw. Oh my God? I can’t believe this! Ganito ba
ang kiligin? Ang sabi sa mga binabasa ko ay makakaramdam ka raw ng init, ‘yung
tipong akala mo ay biglang nagkasummer heat. Pero bakit nanlalamig ako? Normal
kaya ito? Normal ba ako?
Pinakiramdaman
ko ang sarili habang parang baliw na nakangiti. Mabilis talaga ang pagtibok ng
puso ko. Napangiti ako.
Kailangan ko na
yatang masanay sa ganito.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------