Harmonics 2: Spoiled brat


“What’s the guy’s name?” I whispered at Clea’s left ear as the song ended. She’s still pouting for all I care.

Nakahalukipkip ako at patay malisya lang kahit na halos maasiwa dahil hindi natinag ang lalaking iyon sa kakatingin sa akin. What? That easy to get his attention? Piece of cake. Hindi man lang ako pinagpawisan. Lihim akong napangiti sa sarili. Malapit na at masisimulan ko na rin ang matagal ko nang plano. Kung bakit kasi hindi pa tumatawag sa akin ang hunghang kong pinsan.

For the first time since I entered this audi, I gave myself the opportunity to take notice of those people around the area aside from Clea and that particular guy. Their bassist: typical boy next door type, walang ere sa katawan, may dimples sa kaliwang pisngi kapag ngumingiti (I noticed because he smiled when he saw Clea), clean cut, strong physique (actually mukhang lahat naman ng members ng band), signatured clothes (halatang mayaman).  Their pianist: he’s the skinniest among the four... well... not that skinny but just a little bit skinny (or perhaps my mind’s just playing a trick on me?), moreno, faded jeans, simple black tee (parang scholar). Their drummer...

Surprise and rage had contorted my face.

What is he doing here? I didn’t notice him earlier. The hell? Myembro siya ng band na ‘to? And he’s studying in this school?! Kinuyom ko ang mga palad ko at sumibol ang galit na matagal ko nang hindi nararamdaman.

Nilingon ko si Clea nang hindi pa rin niya ako sinasagot.

“What—”

“Aedan! I missed you!” malakas na sigaw ni Clea habang mabilis na sinunggaban ng yakap ang lalaking nasa stage at hawak pa rin ang drumsticks.

Hindi ko man lang namalayan na wala na pala siya sa tabi ko. I crossed my arms and turned my bitch mode on. They’re close huh.

“Hi! Are you a friend of Clea?”

Nagulat ako nang nakitang nasa tabi ko na pala ang bassist ng banda. Nakuhang muli ng dimple niya ang atensyon ko.

Walang emosyon ko siyang tiningnan. “Nope. We’re not friends.”

Isang baling pa ang ginawa ko kay Clea na sobra sobra ang ngiti habang nakikipag-usap kay Aedan bago ako pumihit paalis. I have no intention to wait for her to come back and tour me again. I can do it myself.

“Hey wait!” narinig kong tawag pang muli ng makulit na bassist. Hindi ko iyon pinansin at umalis na sa lugar na iyon.

“My! Why didn’t you tell me na nandito siya? I thought he’s in Bacolod with his... mother!”

Gulat na gulat si My nang dumating ako sa bahay at iyon kaagad ang naging pagbati. Who could blame me? I came here in the Philippines knowing that I’ll never get to see that asshole’s face here and yet...

“Cara!” Windang si My sa reaksyon ko at mabilis na nagpunas ng kamay. Kasalukuyan siyang nagluluto ng dinner. Kahit na kumakalam ang aking sikmura ay hindi ko iyon pinansin. Masyadong matindi ang galit na nararamdaman ko para mapansin pa iyon.

Isang hilaw na ngiti ang ibinigay niya sa akin. “Kamusta ang lakad niyo ni Clea? Maganda naman ba ang school?”

Nanginig lalo ako sa galit. “My, are you out of your mind? Don’t tell me—” Nakuha ng nakaawang na pintuan ng kwarto katabi ng akin ang atensyon ko.

Napansin ni My kung saan ako nakatingin. “Cara—”

Umiiling-iling ako habang mabilis na lumalapit sa pintuang iyon. Pinipigilan ako ni My sa paglapit ngunit hindi pa rin ako naawat. I am too consumed by my bottled anger that I couldn’t see any reason or logic behind this situation.

Marahas kong binuksan ang pintuan at halos maghisterikal nang nakita ang mga gamit na naroon. Lumapit ako sa cabinet at binuksan iyon. Halos magwala ako nang tumambad sa akin ang maayos na nakatuping mga damit.

“My, kailan pa siya nandito?” malamig kong tanong kay mommy na hanggang ngayon ay wala pa ring imik habang sinusundan ako. I couldn’t even recognize my own voice; it was too foreign to me.

“Anak magpapaliwanag si mommy...” Nagsimulang umiyak si My sa harap ko. Umiling ako at nag-iwas ng tingin. I couldn’t stand the fact that she let that fucked up stranger in this house without my knowledge. But seeing her like this is ten times worse. Is she crying for he’s sake? God! I never imagined that this would happen!

“What, My? What your reason could be this time? Wala na ba talagang halaga sa’yo ang desisyon ko? O kahit ang pride mo... hindi mo man lang ba naisip? Ang mararamdaman ko? Mo?” Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sariling umiyak. No. I won’t let my tears show while I’m telling her this. I want her to see reason and I want it to be now. Hindi ako magiging kapani-paniwala kung magmumukha akong mahina sa harap niya.

Pinalis niya ang luha sa mukha niya. “No, Cara. I’m sorry. Hindi ko mahindian ang daddy mo—”

“Then learn when and how to say no! Kasi kung hindi, My kailan pa? Palagi na lang bang siya ang iisipin mo? Palagi na lang bang oo ang sagot mo sa mga kagustuhan niya? Hahayaan mo lang ba siyang manipulahin ang buhay mo? Kasi ako My hindi! I will never let anyone dictate your life! You own it!” Mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas sa mukha ko. I am not done here so fucking stop yourself from breaking down Cara!

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at dahan-dahang binuksan iyon. Doon ko lamang napagtantong mariin kong naikuyom ang mga kamay ko at may kaunting sugat na doon dahil sa kuko ko. I also realized that I’m still trembling so badly.

She looked at me with that expression that always makes me want to hunt down my own father and... I don’t even want to finish that thought.

“Cara. Alam kong galit ka but please do understand. Ngayon lang humingi ang daddy mo ng pabor sa akin.” Pumiyok pa siya habang sinasabi iyon sa akin.

Natawa ako. “My, are you kidding me? Ngayon lang? Really? Then let me tell you all the things he asked of you. Sinabi niya na patawarin niyo siya dahil nangaliwa siya. You said ‘Yes! It’s alright! Besides it was my fault in the first place!’ He told you that he would file a divorce. You agreed! He asked if he could still contact you and continue your friendship, you still agreed even if doing so would torture you to death! Tinanong ka niya kung pwede ka ba niyang ipakilala sa bagong pamilya niya, pumayag ka pa rin! He also asked you—”

“Cara that’s enough,” mariing sabi ni mommy. Iba na ang tono niya at alam kong dapat ay itikom ko na ang bibig ko but I want to tell her this now dahil kung hindi ay kailan pa? When she’s already wallowing in self-pity? No. Not gonna happen.

“Ginagamit ka lang niya para sa sarili niyang kaligayahan! You think he’s concerned about our well-being? You think he’ll desperately run back to us if you keep on putting up with his whims? Hindi, My. He’ll just continue to make use of you and after that? Wala na! Ibabasura ka niyang muli!”

Nanlaki ang mga mata ni My at tila nasaktan sa sinabi ko. No. I’m not even in the main point yet.

“Cara, you don’t know what you’re saying.” I know she’s really hurt and angry at the same time but she managed to speak with composure. Hawak pa rin niya ang mga kamay ko but this time her grasp is firmer. “Yes. I admit that I couldn’t say no to your father but please understand—”

“Na mahal niyo pa rin siya?” pabulong kong tanong. Ni hindi ko gustong itanong iyon dahil alam ko na ang sagot but I want to hear the answer clearly from her.

Tuluyang umiyak si My at yumuko. Tumingala ako at huminga ng malalalim. I can’t believe this is happening.

“That love is destructive, My.” Tiningnan ko siya habang umiiling at mukhang nakikiusap siya sa akin. Umiling ako pabalik. “I’m telling you, that love will definitely destroy you.”

Matapos kong sabihin iyon ay noon ko lang naramdaman ang sakit at panghihinayang.Tinanggal ko ang pagkakahawak ni mommy sa kamay ko at naglakad palabas ng kwarto. Napahinto ako nang nakitang may taong nakatayo sa tapat ng pintuan.

Nag-angat ako ng tingin at sumiklab nanaman ang galit na naramdaman ko kanina nang nakita ko ang pagmumukha niya. Tulad ko ay galit din siyang nakatingin sa akin, para bang pinapatay na niya ako sa isip niya. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang bag. Galing siya ng school at dumiretso dito. Gusto kong maiyak at matawa dahil sa mga nangyayari.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at binangga siya bago dumiretso sa kwarto ko. This is too much for my first day here in Manila. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana ay nanatili na lang ako sa States. At least doon ay kasama ko sila grandma at grandpa at panatag pa ang loob ko.

“You’re really a bad girl Cara! Iniwan mo lang ako doon pagkatapos kitang i-tour sa school namin.”

Tiningnan ko ang phone kong nasa kama at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga damit. Inuna ko ang mga nasa maleta at isusunod na lang ang mga nasa backpack at dalawang paper bags. My room now is a mess.

“It’s not my fault if you were too preoccupied earlier. Tinawag kita pero hindi mo ako pinansin so what do you expect? Ang ayoko sa lahat ay pinaghihintay ako at alam mo ‘yan.” I rolled my eyes as if she can see me.

“Yeah yeah. I know. It’s so you Cara.”

May kumatok sa pinto kaya nahinto ako sa ginagawa. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano haharapin si My. Iyon ang unang pagkakataon na nabuksan namin ang topic na iyon kaya naman hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi. I was certain that I did the right thing back there pero ngayong nakapag-isip-isip ako ay di ko na alam.

I opened the door expecting my smiling mom but I was left aghast as the unexpected person stood in front of me.

Nag-angat ako ng tingin at tinaasan siya ng kilay. I didn’t even bother to speak.

“Kakain na,” walang emosyon niyang sabi ngunit kitang-kita sa mga mata niya na napilitan lang siyang sabihin iyon sa akin.

Hindi ako umimik at patuloy siyang tiningnan. I really can’t believe this guy’s gut.

Inabot ko ang pintuan at marahas na sanang isasara iyon sa pagmumukha niya nang pinigilan niya iyon. I firmly closed my eyes to restrain myself from thinking or even muttering or rather yelling expletives in front of his face.

“What?!” My voice was filled with venom.

Huminga rin siya ng malalim, tila nagpipigil din. “Kakain na,” he said again, surprisingly calm.

Oh. Hanggang kailan kaya niya makokontrol iyan? Because I know myself that putting up a facade like that requires a great deal of effort most especially if his true feelings are otherwise. So why bother pretending?

Humalukipkip ako at sarkastikong ngumiti. “So?”

This time ay mariin na niya akong tinitigan. That piercing look kinda reminded me of her bitch of a mother. Mag-ina nga sila. I kept my arms folded to obscure my trembling hands. Tama nga si Cara, I badly need to learn anger management.

“Your mom’s waiting downstairs. Just say sorry and make up with her.”

I mockingly looked at him. “Oh? You’re talking like a saint now? How considerate of you—”

“Stop acting like a spoiled brat,” he said flatly, more annoyed than angry.

But I am beyond angry.

Isang hakbang ang ginawa ko at marahas kong kinuyom ang kamay ko sa kwelyo ng damit niya. “I am not a spoiled brat,” malamig kong sabi.

Kahit na medyo nakayuko dahil sa paghila ko sa kanya ay nanatili ang mga kamay niya sa hamba ng pintuan ng kwarto ko. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko bago muling bumalik sa mga mata ko.

“Then what do you think you’re doing now?” he said with mockery.

Pulang-pula na siguro ang mukha ko sa sobrang galit. “I’m showing you that you shouldn’t mess with me and this family—”

“This is my family too.”

Natulala ako sa sinabi niya. He looked determined though when he said that. Nang nakita kong seryoso siya sa sinabi niya at wala na siyang balak dugtungan iyon ay halos matawa ako.

“Cara? Aedan?”

Huminga ako ng malalim nang narinig ko ang tawag ni mommy. Lumingon si Aedan sa gilid niya kung nasaan ang hagdanan. Bumalik rin naman sa akin ang tingin niya. Ilang segundo ang naging palitan namin ng matatalim na tingin bago niya ako tinalikuran.

Sinara ko ang pintuan at sunod-sunod na malalalim na hininga ang ginawa.

“That was intense.”

Nagulat ako nang narinig ang boses ni Clea. Doon ko lang napagtanto na nakaloudspeak pa rin ang phone ko at narinig niya ang pag-uusap namin ng lalaking iyon.

I rolled my eyes and grabbed the phone.

“Call you later,” I said, feigning nonchalance even though I am burning with rage.

You are a part of this family, Aedan? Do you really think that you belong in this family? If I can’t do anything to make you go away, then I’ll make sure you would beg for me to let you go away and leave this family that you destroyed without a second thought.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------