HumiGad
© Sizzle
Date Posted: April 11, 2016
Name: Leah P.
Name: Leah P.
What
is her best asset, why?
Since naging friend ko na siya sa
facebook (sobra kilig ko dito! hihi), mas nakilala ko ang masayahing babae sa
likod ng pangalang Humigad. Active
kasi siya sa fb at bawat status niya ay talagang binabasa ko. Nakakatuwa dahil
napansin kong sobrang balance niya, as in parang ang galing lang niyang
magmanage ng time. Nakilala ko siya bilang isang mabuting anak, maprinsipyong
kapatid, responsableng empleyado (ang galing lang talaga niya!). In a way,
parang naging role model ko na siya. Alam niyo ‘yung tipong hindi ko talaga siya
kilala personally pero nang nakasalamuha ko siya, kahit sa fb lang, sa way pa
lang ng pagsasalita niya, sa paraan ng paggamit niya sa mga salita, alam mong
iba talaga siya at masasabi mong worth it siyang makilala. At sa mga nasabi ko
na (actually ang dami), LAHAT ng iyan ay masasabi kong best asset niya as a
person.
What
do I like about her?
Noong mga panahong bago-bago pa lang ako
sa wattpad, sinuggest ng isang college friend ko na basahin ko raw ‘yung “Utos
Niya”. I was like “Sige sige!” Hanggang sa ayun, dumaan ang ilang araw,
nalimutan ko. LOL! Pero one time, sobrang bored ako. Weekend no’n tapos wala na
akong mabasa sa library ko (wp) tapos nasulyapan ko ‘yung Utos Niya
(na-download ko na siya right after sabihin sa akin ng friend ko na basahin ko iyon).
Naalala ko pa nga na ang sabi niya ay ongoing pa iyon at sobrang mabibitin ako.
Sabi ko, eh bakit mo pinapabasa sa akin? Paano ‘yun, mabibitin din ako? Tapos
sabi niya, kahit once in a blue moon lang ang update no’n, grabe naman ang
pagkaintense ng bawat chapter. Bawat chapter, worth it talagang hintayin. Ayun,
dahil sa sobrang galing ng kaibigan kong mag-endorse, naengganyo talaga akong
basahin iyon. Right after kong mabasa ang chapter one, WALA! NAGSISI AKO!
BAKIT? I was like, “Bakit ngayon ko lang nabasa ‘to?!" Goodness ang intense nga!
Halong antisipasyon, inis, kilig, HALOS LAHAT ng emosyon nasa chapter one na!
Hindi ko alam sa mga nakabasa na rin pero ITO talaga ang initial reaction ko at
wala akong pake kung OA o ano. BASTA, MAHAL KO NA ANG UTOS NIYA!
So, this is the start where I learned
who was the writer of the said story. Sa profile pa lang niya sa wattpad,
nakuha ko na kaagad ‘yung impression ko sa kanya na iba talaga siya sa ibang
writers (lahat naman talaga ay unique in their own ways) pero ang tumatak
talaga sa akin sa pangalang Humigad ay ‘yung pagmamahal niya sa mga readers
niya. Kahit nga sa mga chapters niya sa story niya, lagi siyang may part kung
saan nakikipag-communicate siya sa mga readers niya. Para sa akin, isa iyon sa
mga best qualities ng mga writers/authors at dahil doon, minahal ko na rin siya
maging ang mga gawa niya! <3
How
am I as a fangirl?
Syempre, kapag pinagsama ang salitang “ako” at ang “fangirl”, aba matinde
iyan! Haha. Noong nalaman ko na mapa-publish ang Utos Niya under Sizzle, grabe
ang pagbubunyi ko! Mabuti na lang at blocmate ko ‘yung friend kong nang-endorse
sa akin ng Utos Niya, ayun parehas kaming high noong nasa classroom kami! Tapos
alam niyo ‘yung feeling na wala ka pang pambili ng libro tapos kapag napupunta
ka sa National Book Store, halos mabali ang leeg mo kakalingon doon sa stand ng
Sizzle books? GANO’N! Gano’n ako noon kabaliw kay Xander! LOL! Tapos no’ng
nalaman ko na may give aways na magaganap sa page ni ate Humi, grabe nagprepare
talaga ako! Nagtype talaga ako sa word doc. “Why I Love Utos Niya”. As in
gumawa ako ng compilation at ang plano ko ay dapat may ten entries ako per day
(KASI NGA GUSTO KO MANALOOO! May dedication kasi ni Ate Humi ‘yung book kaya
naging desperada ako, haha Whattaterm! XD). Eh nagkataon na nagsabay-sabay mga
gawain sa school, nabawasan ‘yung oras ko sa pagta-type, grabe nakakadepress.
Kaya ang nangyari na lang yata ay five hanggang sa naging one entry na lang per
day (at least may entry pa rin! Haha, pakunswelo sa sarili).
Then ‘that’ day came. May thesis kami no’n tapos sobrang nagpuyat ako.
Kinabukasan, ayun lutang ako, para akong zombie. Mag-isa lang ako sa classroom
namin since maaga talaga akong pumapasok. Tapos nagbukas ako ng fb, tapos alam
niyo ‘yung may message na isa do’n tapos medyo nagloading pa ako. Sino ‘tong
nagmessage sa akin? Tapos tinatanong ako kung makakapunta ako sa event kasi may
book daw siyang ibibigay sa akin? Sobrang loading ako no’n, grabe mga ilang
segundo rin iyon. Tapos naalala ko ‘yung fb name ni Ate Humi tapos bigla na
lang akong ngumiti, as in NGITING-NGITI! Considering na mag-isa lang ako sa
classroom, ang creepy lang kapag inimagine, hahaha. PERO SOBRANG SAYA KOOOO!!!
Grabe! First time kong makausap si Ate Humi! Kahit fb lang iyan sobrang saya ko
pa rin! Doon ko narealize na kalog din pala si ate tulad ko kaya ayun. Kahit
sobrang pagod ako, grabe bawing-bawi! Tapos nung natanggap ko na ‘yung book, di
ko alam kung iiyak ba ako o titili, MIXED EMOTIONS ika nga nila.
Utos Niya book & I
My actual message for ate Humi
What
am I willing to do just to see her?
Kapag may book
signing event tapos nandun siya, seryoso SUSUGOD TALAGA AKO! Hahaha. Gusto ko
talagang makita siya sa personal tapos iha-hug ko siya tapos magse-selfie kami
tapos mag-uusap kami... OMG TALAGA! Isa sa mga dreams ko talaga bilang fangirl
ay mangyari talaga ‘yun! I love you ate Humi!
“Why I Love Utos Niya?” compilation:
B
|
ecause this is
not a typical love story where the protagonists found their happily ever after.
Hindi siya 'yung typical love story na may kinaharap na problema ang mga characters,
nasolusyunan nila iyon nang magkasama, then happy ending na pagkatapos. Hindi.
At iyon ang pinakanagpa-"unique" sa story na ito. It held so many
strong and deep emotions na tipong maging ang nararamdaman ng mga characters ay
mararamdaman mo rin. Sa bawat tuldok at salita, mapapatalon ang puso mo. I just
love this story!
U
|
na ko itong
narinig sa kaibigan ko. She kept on insisting na basahin ko raw ito. Noong una
ay ang sabi ko, hindi, ayaw ko. Kasi pakiramdam ko ay masyado itong SPG (based
doon sa book cover) but then my friend explained to me na "No, this is not
a story about just that. Yes, may mga gano'n pero may deeper meaning pa behind
those parts.) Napaisip ako, ano ang kahulugan ng "deeper" na sinabi
niya? And then I read the story itself. And it left me craving for more na
tipong ilang buwan man ang lumipas, hinihintay-hintay ko pa rin ang update ni
ate. The story is very deep, not just your typical love story. Bawat update,
kahit halos isang update sa ilang buwan, grabe pa rin ang epekto. Bawat
chapter, worth reading!
U
|
nang chapter pa
lang talaga, kinilabutan na ako. 'Yung tipong pagkabasa ko 'nung part na:
(non-verbatim) "Noleen is my wife" not really sure kung ano ang exact
pero nang nabasa ko 'yan, I was like "Noleen! Asawa mo si Xander tapos
pinapabayaan mo lang na halikan siya ng mga fans niya?!" Kapag nababasa ko
'yung mga part na sa simpleng mga kilos lang ni Noleen, 'yung tipong mapansin
lang siya ni Noleen, ang saya na niya. Lalo na yung part na pinapakinggan ni
Xander ‘yung pagkanta ni Noleen sa cr, grabe! NAIYAK AKO DOON! Utos Niya lets
me feel so many strong emotions. Natutunan ko sa libro na ito na ang love story
ay hindi lang all about happy ever after, may mga pagmamahalan na sadyang
maraming pinagdadaanan, na halos maiisip mo na na bumitaw na lang, pero as long
as kasama mo ang taong mahal mo sa pagharap nito, kakayanin mo. Pero paano nga
ba kung 'yung taong pinaglalaban mo ay sinasaktan ka na? Doon umikot ang story.
Gusto ko ngang isigaw sa harap ni Noleen, "Noleen! Tama na! Masakit
na..." This story is so heartbreaking pero punong-puno pa rin ng
pagmamahalan, sa maling paraan man, pero pagmamahal pa rin.
N
|
oong nabalitaan
ko na Soon to be published na ang Utos Niya, hinagilap ko kaagad ang kaibigan
ko, sinabi sa kanya ang magandang balita, at sabay kaming nagtitili! 'Yung
tipong nasa classroom kami at marami kaming blocmates na kasama, ay wala kaming
pake! I was like "MAHAHAWAKAN KO NA SI XANDER!!!!" haha. Pero kidding
aside, proud talaga ako kay author. Minahal ko ang story, hindi lang dahil
maganda (literal) ang nilalaman ng story, pero dahil nakita ko sa mga posts ni
ate na talagang mahal na mahal niya ang mga readers niya, 'Yung tipong
nagpapasalamat talaga siya. Sa totoo nga lang (kung mabibigyan ng pagkakataon)
gusto ko siyang mameet sa personal at sabihin sa kanya ng harap-harapan na
"Your story taught me so many things.Thank you for making this
story." Talagang minahal ko si author at syempre, si Noleen at Xander.
Pagkakita ko pa lamang ng Utos Niya sa stand sa NBS, gusto ko talagang
magtatalon! Mabilis akong kumuha ng copy at bumili, MABILISAN! Syempre
matinding pag-iipon muna ang naganap, haha, pakiramdam ko kasi talaga ay baka
maubusan ako.
D
|
ahil
napaka-ideal man talaga nitong si Xander. 'Yung tipong kahit nasasaktan na siya
sa mga pinapagawa sa kanya ni Noleen, ginagawa pa rin niya. Wala. Mahal niya
eh. Nasasaktan ako lagi sa updates lalo na kay Xander. Gusto kong magalit kay
Noleen pero nakukuha ko pa rin naman ang punto niya. Parehas ko silang
naiintindihan pero... MASAKIT PA RIN! At ‘yun ang isa sa napakaraming dahilan
bakit ko minahal ang story na ito. Maraming story sa wattpad ngunit bilang lang
ang mga story na talagang maapektuhan ka ng sobra-sobra, at isa ang story na
ito sa mga 'yon.
N
|
ang nabasa ko
ang ending ng story (doon sa actual book) I was like "I want MORE!!!"
Actually I have no idea kung lalagyan pa ito ni author ng book 2 or ito na
talaga iyon. Pero gusto ko pa rin ishare ang naramdaman ko nang nabasa ko iyon.
Right after reading, natulala ako sa libro for like 5 minutes (not sure).
Paulit-ulit sa utak ko "... wait, what happened?" As in inisip ko
lahat ng mga nangyari, kumbaga parang nagreminisce ako. Then after some time,
nagtitili ako mag-isa sa kwarto ko. I was like "Noleen!!!! Ohmayghad!
You're the last girl on the list! Magiging masaya na kayo!" Naiimagine ko
na kasi na magiging masaya na sila, 'yung tipong wala nang mga sacrifices at
heartaches, pure happiness na lang. Pero kahit na gano'n, masakit pa rin sa
dibdib at hindi ko mapigilang hindi umiyak, kasi talagang grabe ang impact sa
akin ng story. Ibang-iba ang nilalaman, pati ang personallities ng characters
ay talagang mamahalin mo, kahit nakakainis na sila, hindi mo pa ring maiiwasang
hindi sila mahalin ng sobra kasi lahat ng ginagawa nila ay alam mong may
dahilan.
N
|
atuwa ako sa
character doon ni Cruz. ‘Yung tipong isa talaga siyang ideal man kasi ayaw
niyang may nakikitang babae na nasasaktan. Isa lang siyang simpleng guy pero
‘yung concern niya kay Noleen ay superb naman! ‘Yung part sa story na magkalayo
si Noleen at Xander dahil sa isang babae, I was like “Ayoko basahin ‘to kasi
wala naman si Xander!” pero syempre part pa rin iyon ng story kaya gusto ko pa
ring basahin at ang akala ko pa noon ay parang wala lang ang update pero totoo
talaga na bawat update ay worth it dahil mas nakilala ko ang personality ni
Cruz lalo na sa part na talagang ikinuwento ang past niya. Bawat characters
talaga sa story ay mamahalin mo! Lahat may significance sa story plot. Lahat ay
pinag-isipan talaga kaya sobrang saya basahin ng Utos Niya kahit napaka
heartbreaking ng mga pangyayari, still mamahalin mo ito talaga!
M
|
inahal ko talaga
dito ang character ni Xander kasi talagang ipinakita niya kung gaano niya
kamahal si Noleen. Doon pa lang sa part na nakunan si Noleen, yung sineal nila
ang promise nila sa isa’t isa, doon pa lang talaga ay mararamdaman na ang
pagmamahal nila sa isa’t isa. It’s a different kind of love, too deep and too
meaningful kahit masyadong masakit sa puso. Talagang hinihiling ko na sana ay
maging masaya na sila, ‘yng tipong hindi na nila iisipin ang mga problema.. I
love the story as a whole and its characters!
N
|
apakastrong kasi
ng personality ni Noleen. Kumbaga, may paninindigan talaga siya. Yes, in a way
ay parang baluktot ang prinsipyo niya pero makikita mo pa rin sa story na
talagang mayroong dahilan bakit iyon ang pinaglalaban niya. She wants a happy
ending with Xander at hindi niya iyon makukuha kung marami pa silang dapat
kaharapin tulad ng lang ng justice sa anak nila. Napaka intense talaga ng mga
pangyayari doon and that's one of the many reasons why I love UN.
K
|
apag may mga
SPG, ang kadalasang naiisip ng karamihan ay masyadong malaswa, or puro lust
lang pero dito sa Utos Niya, mararamdaman mo talaga through reading na its more
than that. Actually parang maiiyak ka pa nga habang binabasa iyon kasi talagang
malalim ang kahulugan ng pagmamahalan nila Noleen at Xander doon. 'Yung tipong
parehas na silang sobrang nasasaktan pero nananatili sila sa isa't isa dahil sa
pagmamahalan na meron sila.
D
|
ahil bawat
kabanata ay worth reading talaga. Kahit na minsanan lang kung mag-update si
author, still hindi talaga mawawala ang kagustuhan mong malaman ang mga susunod
na mangyayari.
M
|
ay mga part
talaga sa story na tipong gusto mo nang sabunutan si Noleen pero may mga parts
din na gusto mo siyang i-console. Nag-uusap pa nga kami ng kaibigan ko at sabi
namin na ginawa niya naman kasi iyan sa sarili niya kaya naman dapat niyang
panindigan. May mga prinsipyo ang characters na oppose talaga tayo pero kung
iisipin, talagang may dahilan bakit iyon ang naging prinsipyo nila. As you read
the chapters in Utos Niya, makikilala mo talaga ang mga characters. They have
tons of imperfections which made them perfect for this story at 'yun ang isa sa
dahilan kung bakit ko minahal ang story na ito.
M
|
akikita mo kasi
talaga sa story ang mga flaws at weaknesses ng mga characters (syempre si
Noleen at Xander) and at the same time ay makikita mo rin ang mga strengths
nila. Kahit na mga “mask” lamang nila ang madalas nilang ipakita sa isa’t isa,
still makikita’t makikita mo talaga ang kaibahan ng lakas at kahinaan nila sa
isa’t isa. Noleen always makes sure na ang Noleen na naipapakita niya kay
Xander ay iyong babaeng buo ang loob. Si Xander naman, kahit gustong-gusto
niyang manatili na lang sa tabi ni Noleen, umaalis pa rin at umaakto na parang
walang pakialam sa asawa but of course the truth is otherwise. Kahit na ganito
sila sa isa’t isa, mahal na mahal ko talaga ang character nila. Their flaws and
weaknesses made them perfect with each other because the other is the strength
of the other.
A
|
ng sakit lang, grabe,
nung nabasa ko ang part na halos hindi na alam ni Noleen ang ginagawa niya.
Maging ang isinuot niya ay hindi niya alam. I remembered that part but I
couldn’t recall the exact details pero naaalala ko pa rin talaga ang pakiramdam
ko nang nabasa ko iyon. Si Cruz lang ang tanging naroon dahil si Xander ay
ginagawa ang “mission” niya. Doon ko talaga nakita ang negatibong epekto ng
ginagawa niya sa relationship nila ni Xander. It’s a self-destructive love, but
it’s still love nevertheless.
P
|
agkabili ko pa
lang ng actualy book, binasa ko kaagad ‘yung nasa likod. And there I was,
speechless. Grabe! Kinilabutan talaga ako habang binabasa ko ang part na iyon!
‘Yung tipong, naaalala ko pa lang noong binabasa ko ito sa wattpad and there it
was, in its solid form on my hands. Grabe ang feels! I’m so happy for ate Humi!
A
|
fter sharing
this photo yesterday, parang sinaniban nanaman ako at ginusto ko ulit basahin
ang utos niya. Unang buklat ko nito, ang unang nabasa ko ay 'yung part kung
saan nasa mall sila Xander at Noleen at ginawa ni Xander ang kanyang legendary
kiss sa fans. Grabe nanaman ang heartache na naramdaman ko habang binabasa ko
'yung part na nandoon si Noleen, nanunuod... bumuhos ang ulan... GRABE TALAGA!
Masakit pa rin talaga ang story! Pero 'yung tipong kahit masakit na, patuloy pa
rin ang pagbabasa mo na tipong hindi mo na alam na nakakailang oras ka na sa
pagbabasa. Gano'n ako ka-hook sa book na ito.
A
|
fter the scene
doon sa nagmistulang kissing booth ni Xander sa mall ay ang punishment niya kay
Noleen. Ito yata 'yung hindi pinublish ni ate Humi sa wattpad... my heart just
melted nang nabasa ko 'yung part na gustong-gusto niya nang maangkin si Noleen,
pero mataas pa rin talaga ang respeto niya sa asawa kaya hindi pa rin niya
magawa. Kahit patung-patong na ang bigat na nararamdaman niya, 'yung
frustrations sobra na, pangungulila kay Noleen, lahat na! Pero respeto talaga
ang pumigil sa kanya at dahil doon ay talagang napamahal ako sa character ni
Xander. At sa scene na iyon, naipakita din doon ang pangungulila din ni Noleen
at syempre ang pagsisisi pero matibay pa rin talaga ang determinasyon niya para
magawa ang mission nila... </3
M
|
ay part sa story
na umuwi si Noleen na sugatan, basta marami siyang sugat. At the back of my
mind inisip ko, sinaktan kaya siya ni Xander? Pero mataas talaga ang pananalig
ko na HINDING-HINDI IYON KAYANG GAWIN NI XANDER! Throughout the story ay
kitang-kita na talaga kung gaano kamahal ni Xander si Noleen kaya imposible
talaga. At nagbunyi talaga ako nang nalaman kong nanakawan (or something like
that) si Noleen nang tinanong siya ni Cruz. Pero masakit talaga ang scene
before 'non </3
'N
|
ung mga unang
parts talaga ng story, natutuwa na ako sa character ni Noleen. Perfectionist
din kasi siya tulad ko kaya naman alam ko kung ano ang mga drama niya tuwing
may scene na dapat gawin si Xander. But as I go along the story, I learned that
it's more than that. May mas malalim pang dahilan kung bakit siya gano'n... and
the reason actually broke my heart but made me love the story more and more...
S
|
a mga unang
pangyayari bago ang main plot ng story, ipinakita doon kung paano nakilala ni
Xander si Noleen. Ibang-iba ang genre nito pero ewan ko ba at parang teen
fiction ang feels ko 'nung part na iyon. 'Yung tipong tinitingnan lang ni
Xander si Noleen sa malayo. Mga pasimpleng sulyap na nagbunga na ng malalim na
emosyon. Basta para sa akin, 'yun ang isa sa pinakamahalagang part ng story.
Bulag si Noleen sa pagmamahal niya kay Alex pero malinaw pa sa sikat ng araw
ang katotohanang may nararamdaman na si Xander para kay Noleen.