Chapter 45: Awkward

Jane’s POV

“Amirah! Sandali lang!”

Mas binilisan ko pa ang pagtakbo nang hindi pa rin ako pinansin ni Amirah kahit na halos marinig na sa buong campus ang boses ko.

Maaga pa lang pero busy na ang lahat ng mga estudyante para sa mga preparations na ginagawa para sa Feast Day. Medyo naistress pa nga ako sa mga personal guards na hatid-sundo na ako simula kahapon, lalo pa akong naistress nang maalalang may atraso pa pala ako sa president namin. Alam kong nakita na ako kanina ni Amirah na pumasok sa school gate pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
I have no choice but to face the consequences... at ito iyon.

“Sorry na. Hindi na talaga ‘yon mauulit,” sabi ko nang sa wakas ay huminto na siya at nilingon ko. I really want to smack myself! Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na malaki talaga ang kasalanan ko sa kanya. I knew very well how strict she is when it comes to our schedule at ito ako’t ginulo iyon.

“I’m not happy about what you did yesterday Jane,” walang kaemo-emosyong sabi niya. Dumoble tuloy ang naramdaman kong kaba. Kahit kailan ay hindi ko pa naencounter ang galit na Amirah. What more ang cold? I’ll prefer the former. Hindi ko yata kaya na hindi niya ako pansinin sa buong araw na ito.

Tiningnan ko siya at kinuha ang mga kamay niya. “Sorry talaga Amirah.” wala na akong maisip pa na eksplenasyon. Bumuhos sa utak ko ang mga alaala ng mga nangyari kahapon kasama si Geff. Wala pang isang segundo ay uminit na ang mukha ko.

“Oh my God Jane Alvarez!” biglaang sigaw ni Amirah na siyang ikinagulat ko. Lalo akong yumuko. Stupid Jane. This is not really the right time to think about that!

“I really can’t believe this,” she muttered. I sigh. This is really my fault.

“I’m sorry. Kahit ano Amirah gagawin ko. Kahit anong gusto mo, swear hindi ako magrereklamo,” I blabbered out of desperation.

She crossed her arms while penetrating me with her very remorseless look. I can’t blame her, I deserved it. “You must be sorry. You should be! Aba eh kung hindi ko pa sinabon sila Liz at Grace kahapon eh baka mukha pa rin akong shunga at hindi alam ang nangyayari. I am your friend. Well... at least I think so and I thought you think so too and here I am waiting for your revelation to reach me but still—” huminga siya ng malalim. “I hate you, Jane.”

Parang piniga ang puso ko nang narinig ang mga salitang iyon galing sa kanya. Mabilis ko siyang tiningnan sa mga mata at handa na akong magsumamo nang biglang nakita kong nakanguso siya at mukhang... nagtatampo.

Wait... I think I’m lost. “A-Amirah?” wala sa sariling nasambit ko.

“What the hell Jane! Ano ang status niyo ng new recruit na iyon? ‘Yung bagong member ng Crimson? You tell me!”

Nalaglag ang panga ko. What? Nangapa ako ng mga salita dahil hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong sabihin, kung ano ang dapat kong reaksyon.

“Uhh—”

“And it’s going on for like... since you joined!” naghihisterikal pa rin si Amirah sa harapan ko. I have this urge to laugh but I restrain myself. I pursed my lips.

I sigh, a sign of surrender and I hold her hand. “I let him court me.” ngumuso ako. “J-Just... yesterday—”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil tumili na siya. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya at mariin siyang tinitigan. Lumingon-lingon ako’t nakita ang ilang mga ulong lumingon sa kinatatayuan namin. Binitawan ko lamang si Amirah nang masigurong hindi na siya mag-iingay muli.

“Shit ka Jane! Naging crush ko pa man din ‘yung si Geff! Mabuti na lang at hindi pa ako hulog na hulog!” tuloy-tuloy niyang pagkukwento habang naglalakad na kami papuntang auditorium. Natatawa na lang ako sa kanya. I’m glad at hindi naman pala siya galit sa akin.

Habang papalapit na kami sa audi, tila hindi ko na naririnig ang boses ni Amirah. It seems like all sounds took its rest and only the rush of wind occupied my senses. I put my hand inside my pocket and feel the rough texture of the paper I gingerly tear from my notebook slash diary this morning.

I mentally reminded myself of the little paper’s contents.

5 places I need to go to:
* Alfwold Clement University
* Heaven Orphanage
* Neth’s place
* Geff’s place
* Yllana Mansion

Ilang oras kong pinag-isipan kagabi ang tungkol doon. I know for sure that in those places, I can find the answers I desperately want to know. Tama na ang mga panahon na ignorante ako. My mind perhaps forgot the memories, but the feelings — the familiarity — associated to those will never fade.

No more ignorance. No more fear.

It’s time to move.

To actually act.

Nang binuksan na ni Amirah ang double doors ng auditorium, tila doon lang ako bumalik sa sarili mula sa iniisip. I was welcomed by the cold air from the scattered ACs inside that I actually got goosebumps. Ewan ko ba at hindi na ako nasanay sa lamig ng mga aircon nila dito. Like the usual, almost half of the audi was left dim except for the first two rows of the seats and of course for the stage itself. Nagpa-practice na sina Grace at ang Black Raven doon. The song they’re playing though is unfamiliar to my ears.

Sa far east naman, na may glass wall na tila nagsilbing divider mula sa part na ito ng audi at sa kabila na dance room, ay nagpa-practice na rin ang Crimson. Nakaupo sila sa harap ng salamin — na halos sakop ang buong kwarto — kung saan nagsasalita ang leader nila. I don’t dare look for the guy I actually want to see since I opened my eyes this morning. I closed my eyes and sigh heavily. I am going nuts.

Naramdaman ko ang paghampas sa akin ni Amirah mula sa likod. I ignored her kahit gusto ko nang sumabog dahil sa nararamdaman. This is too much, too intense to be considered as merely infatuation. Hindi ko pa siya nakikita pero ganito na ang nararamdaman ko. What more if I see him — his glorious self — in front of me? I might faint.

I felt my phone vibrating inside my jean pocket so I hastily fished it out. I know I look so crazy.

Insane even. Bahala na kung sino ang makakakita sa akin. I can’t help but smile. Ramdam na ramdam ko na rin ang pag-iinit ng mukha ko. Well... I think this will going to be my favorite hobby from now on.

I am ridiculous!

From: Geff Mendez
Are you at the audi already? I’m bored.

Kinagat ko ang labi ko at tuminging muli sa mga Crimson. I typed my reply.

To: Geff Mendez
You’re a bad member. Makinig ka na lang si leader niyo imbis na magtext ka sa akin.

Ngumuso ako. Tama ba ang tinext ko? Mukha bang nangangaral ako doon? Wala pang ilang segundo ay natanggap ko na ang reply niya.

From: Geff Mendez
You’re here?

Umiling ako habang napapangiti. Hindi na ako nagreply pang muli. Pumunta na ako sa front row kung saan pumunta si Amirah kanina pa. Hindi ko na nga napansin ang pag-alis niya kanina sa tabi ko. Nginitian ako nila Darren at ng ibang members nang nakita nila ako. Ngumuso ako nang sabay-sabay nila akong tiningnan ng may panunuya.

It’s alright. It’s inevitable but for goodness sake please not when he’s around.

Umupo ako sa tabi ni Darren. Itatanong ko sana kung nasaan si Al kaso ay naisip kong baka magkasama sila ni kuya ngayon. Ang dami na talagang hindi naikukwento ni Al sa akin!

“Bakit parang hindi na kita nakikita na nagpa-practice? Hindi ba’t dapat ay kasama mo si Grace onstage?” pagtatanong ko kay Darren.

Mabilis naman niya akong nilingon at nginitian. “I practiced yesterday. I also practiced earlier.” he cocked his head. “It’s you who actually don’t pay attention. Not my fault.”

I opened my mouth to reply but no words came. Darren just mockingly nudged me. “I’m just teasing you. Alam ko naman kung bakit preoccupied ka these past few days.”

Ngumuso ako. Natawa naman si Darren sa akin.

Sunod-sunod na reply ang bumungad sa phone ko. Halos matawa ako dahil doon. Geff seems so restless.

From: Geff Mendez
Are you here?

Wait. I can’t see you.

Are you really here?

I’m going out.

Nanlaki ang mga mata ko sa huling message. Bago ko pa maorganisa ang mga bagay na dapat kong gawin o sabihin ay bigla na lang may umupo sa tabi ko.

“Why did you seat here?” bulong niya sa tenga ko. I practically felt something in my stomach. Naramdaman ko rin ang tila pag-init ng paligid. Wait, may mga AC dito di ba?

Hindi ko siya nilingon kahit na ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. “Nanunuod kami sa practice ng Black Raven.” I almost rolled my eyes because of my words. Obvious naman kasi na nanunuod kami, no need to say it out loud. Bakit nga ba kasi tinanong pa iyon ni Geff?

Hindi na siya nagsalita pang muli kaya naman nilingon ko siya. Laking gulat ko naman nang makitang sobrang lapit na ng mukha niya sa akin kaya mabilis akong napaatras. Seryoso lamang niya akong tinititigan kaya naman tumingin na lang akong muli sa stage. Panibagong kanta na ang pina-practice ng Black Raven at natuwa ako dahil ngayon ay alam ko na iyon.

‘The story starts laying in the dark with someone new
I'm feeling tired from all the time I spent on you
But I know I'm strong from all the trouble I've been through
The story starts where the story falls apart with you.’

Sinasabayan ko lang ang pagkanta ni Grace para mawala ang pagkabalisa ko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Geff sa tabi ko. Kinuha niya ang phone niya at kinalikot iyon. Mabuti naman at nabaling na ang atensyon niya sa ibang bagay. That’s a relief. Huminga ako ng malalim.

Kinilabutan ako ng biglang humilig sa akin si Darren at bumulong sa kanang tenga ko. “You’re both being awkward.”

Kinunutan ko siya ng noo. “Huh?”

Tinuro niya ako at iyong katabi ko na napansin kong sobrang diin ng pagkakahawak sa phone habang nakatingin doon.

Nagvibrate ang phone ko kaya naman tiningnan ko iyon.

From: Geff Mendez
I’m going back to our practice.

Bago ko pa matapos ang pagbabasa doon ay tumayo na siya at bumalik sa practice session ng Crimson na ngayon ay busy na sa paggawa ng iba’t ibang kumplikadong dance moves. Tinitigan ko ang likod niya. Bakit parang ang cold niya? I heard Darren’s words at the back of my mind.

You’re both being awkward.

Naramdaman din ba niya iyon? Well... I do felt it. Hindi naman na ako magtataka dahil socially awkward naman talaga ako. I seldom talk to others, depende kung gaano ko ka-close ang isang tao. I talk comfortably with Al and the others. I talked to Geff yesterday with ease.

Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit parang may iba ngayon. Awkward nga ba kami sa isa’t isa kanina? I don’t exactly know what happened earlier. O baka ako lang talaga ang nag-iisip masyado tungkol dito?

Naging busy na kami simula nang dumating si Al sa auditorium. Since kumpleto na kami ay pinag-usapan na namin kung paano ang magiging daloy ng concert na magaganap sa Feast Day. Napagkasunduan na rin na lahat ng mga members ay dapat na magparticipate sa program. Gusto ko talagang tumutol ngunit sinabi sa akin ni Amirah na marami na raw akong atraso sa kanya kaya naman dapat ay matutunan ko naman daw na sumunod sa kanya.

Wala akong nagawa.

Habang nagpapractice ay hindi ko maiwasang hindi ngumiti. Buong practice session tuloy ay pinagkatuwaan ako nila Michael at Derrick. Gusto ko lang talagang manatili sa backstage pero dahil president na namin ang nagsalita ay wala talaga akong magawa kundi ang sumunod.

“You know, it’s not so bad. You really have an amazing voice. Once na nasa stage ka na at kumakanta, I know you’ll eventually forget you’re actually performing,” sabi ni Derrick sa akin habang kumakain kami ng lunch. Hindi na kami nag-abala pang pumunta sa caf.

Buong araw ay wala kaming ginawa kundi ang magpractice. Kahit ang mga Crimson ay todo practice na rin. Medyo nakakapressure nga kaya lalo tuloy akong kinabahan.

Every three hours naman ay panay ang tawag sa akin ni mom. Nakauwi na sila dad sa bahay — pinilit ko silang umuwi na — at kapalit ‘non ay dapat ay updated sila sa kung ano ang ginagawa ko. Maging si Al ay kinukulit din nila. Si kuya naman... well... lagi naman siyang nag-aalala basta tungkol sa akin. I supposed to feel suffocated but in truth... I’m not. Alam kong nagbreakdown ako sa harap ng pamilya ko kaya naman natural lang ang mga reaksyon nila.

And in truth, I’m scared too.

Ikinuwento na sa akin ni kuya ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Pero once na bumalik na ako, wala akong maalala. It’s far worse than forgetting my memories. Kahit saan tingnan ay nakakatakot pa rin kapag sarili mo na ang naiwala mo.

“Al.”

And after all that had happened, I missed my bestfriend like crazy.

Mabilis na lumingon si Al nang narinig niya ang boses ko. Nang nagtama ang paningin namin ay nakita ko rin ang pagkamiss niya sa akin.

I almost cried.

Nagpaalam kami sa iba at sinabing bibili lang kami ng snack sa caf. She looked at me worriedly when I told her to come with me.

“Bakit Aya? May problema ba? Masakit ba ang ulo mo?” sunod-sunod niyang tanong. I really missed this girl! Her voice sent a surge of calmness in my frenzied nerves.

Umiling ako. I want to tell someone about my dilemmas. Kahit kailan naman ay hindi ko kinayang sarilinin lahat ng mga problema ko. My lifesaver? Of course it would be my bestfriend.

Kaya naman habang papunta kami sa caf ay ikinuwento ko sa kanya lahat. Simula noong araw na nakita ko ang kuya ko — my real brother — and my bestfriend years back — who I assumed as the ‘Tim’ na kasama namin ni Neth sa lumang picture na nakuha ni Al sa wallet ni kuya.

“Her name’s Tahlia Iona Martell,” out of the blue na wika ni Al. Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko tungkol sa totoo kong kuya but she hid the emotion well.

Kusang tumaas ang kilay ko doon. “How did you know?”

“Remember the files I gave you? ‘Yung tungkol sa mga Yllana? Nagpatulong ako kay Derrick na makuha ‘yon. Tapos noong isang araw ay nagpatulong ulit ako sa kanya,” she said while scowling though alam kong hindi para sa akin iyon. “Your brother’s practically playing mute on me Aya. Hindi na niya sinasabi sa akin kung anong ginagawa niya para malaman lahat ng tungkol sa pamilya niyo.”

Tumingin siya sa akin. “He’s now leaving me in the dark Aya. Wala akong choice kaya mag-isa akong kumikilos. Good thing ay willing si Derrick na tumulong.”

“Buti at hindi naman siya nagtataka kung bakit masyado kang curious sa mga Yllana?”

Umiling siya. “Like the typical citizen of this country, it’s normal to be curious about the Yllana legacy. Since sila ang namamayagpak sa mundo ng business noon, curious din siya kung ano nga ba ang nangyari at bakit parang nawala na lang sila na parang bula.”

Tumango-tango ako habang pinoproseso ang mga sinabi niya.

Sinabi ko rin sa kanya ang plano kong pumunta sa ACU after ng practice namin. At para maging matagumpay ang plano ay kailangan ko siya.

Pagkatapos ng practice ay mabilis akong hinila ni Al palabas ng auditorium. Nilingon ko ang mga Crimson at nakita ang nakakunot-noong si Geff habang pinagmamasdan kaming tumakbo. Wala akong nagawa kaya naman kinawayan ko na lang siya.

So much for the awkwardness. I sigh.

“Kuya, manunuod lang kami ng practice nila Nathan. Baka sa kanya na lang kami sumabay pag-uwi,” pagpapaalam ni Al kay kuya Mark, ang family driver namin na kasama rin ang mga personal guards na iniwan sa akin nila dad.

Katabi ako ni Al na naghihintay sa reaksyon ni kuya Mark. Halos magtatalon ako sa tuwa nang tumango siya at ngumiti. “Sige, ako na lang ang magsasabi kay Sir.” ginulo niya ang buhok namin ni Al pero imbis na mainis ay nangingibabaw ang kasiyahan ko. I felt the weird presence of freedom na para bang matagal akong nakulong.

Sabay kaming nagpaalam ni Al kela kuya Mark. Ang iba namang mga kasama niya ay tumango lang.

Mabilis naming tinungo ni Al ang Gym at tulad ng inaasahan ay puno ng tilian ang narinig namin. I rolled my eyes. Sa totoo lang, hindi ba sila nagsasawa? I mean, wala namang ginagawa ang mga varsity kundi magshoot at magshoot ng bola. May nakakathrill ba doon?

Mukhang parehas kami ng iniisip ni Al dahil tulad ko ay mukhang wala na agad siya sa mood na manatili dito. Not to mention our not so pleasant experience here.

Pagkapasok pa lang namin sa Gym ay nakita na kaagad kami ni kuya. Pinasa niya ang bola sa teammate niya at tinakbo ang distansya namin.

“Why’re you here?” pambungad niyang tanong sa amin.

Tiningnan ako ni kuya at pagkatapos ay kay Al. Nag-iwas ng tingin si Al at inabala ang sarili sa pagtingin sa kung saan. Tiningnan kong muli si kuya at nakitang nakatulala siya habang nakatingin kay Al. Seriously?

Kinuha ko ang pink kong face towel sa bag at binato iyon kay kuya. “Manunuod lang kami,” sagot ko sa tanong niya.

Halos matawa ako nang ginamit ni kuya ang face towel sa pagpunas ng pawis niya. He looked so flustered when I gave him a you’re crazy look.

Umupo kami ni Al sa bleachers malapit sa pintuan palabas. Nakita kami ni Michael at binigyan kami ng ngiti. Si kuya naman ay panay ang tingin sa amin na para bang natatakot siyang baka sa isang iglap ay mawala kami.

Which is actually the case.

“Al, anong oras na?” bulong ko kay Al habang pinapanuod ang pag three point shot ni Michael.

Tiningnan niya ang wristwatch niya at sinagot ako nang hindi tumitingin sa akin. “Thirty minutes after six.”

Nilingon ako ni Al. She looked at me expectantly then I nodded.

It’s time.

Kinuha ni Al ang phone niya at tinext si kuya. Pagkatapos ‘non ay lumabas kami sa Gym at dumiretso sa library. Itinapat namin ang I.D. namin sa scanner at hinintay ang pagbukas ng glass door. Nang nakapasok na kami ay tinungo namin ang fire exit na nasa dulo ng last shelve sa far west side ng library. Kinuha ko ang I.D. na hiniram ko sa isang personnel at itinapat iyon sa scanner. We both heard a click sound indicating an unlock door. Magpapasalamat talaga ako sa nagpahiram sa amin nito!

Maingat naming isinara ang double doors na iyon at tinakbo ang distansya ng back gate. Tulad ng inaasahan ay may dalawang guards na duty doon. Ang isa ay busy sa pagbabasa ng dyaryo habang ang isa naman ay nakatayo sa harap ng ID scanner. Tiningnan ko ang monitor kung saan makikita ang mukha ng nagmamay-ari ng mga IDs na narereceive ng scanner ngunit nakatapat iyon sa guard na masyadong busy sa ginagawa.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at alam kong anytime ay pwede kaming mahuli. But it’s too late to back down now.

Pilit kong itinulak ang mga paa ko para maglakad sila nang may grupo ng mga estudyante ang palabas. I tried really hard to act normal. For the last time ay ginamit ko ang personnel ID at lumabas ng gate. Mabuti na lang at marami-rami kaming kasabay kaya naman hindi na napansin ng guard ang pagbato ko ng ID kay Al at sa paggamit niya nito. Dahil marami kaming kasabay ay hindi na makikita ang mukha ng personnel sa monitor dahil matatabunan na iyon ng mga nagscan ng IDs ng ibang mga estudyante pagkatapos namin.

Tumakbo kami ni Al at walang humpay ang pagtawa namin nang nakalayo kami sa school.

“Pwede na tayong maging spy! I can’t believe na masyadong simple ang security ng school natin,” natatawang sabi ni Al habang hinahabol ang hininga niya.

Kinuha ako ang hanky ko at pinunasan ang pawis sa noo ko. “We’re just really great.”

Marahan muna kaming naglakad ni Al habang hinihintay mawala ang adrenaline rush namin sa katawan.

Nilingon ko si Al. “Guess what Al.”

“What?” nangingiti niyang tanong. We both looked like idiots. Napangiti rin ako.

“This will be an interesting evening.”

Tumango siya, hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa mga labi. “Yes, indeed.”

------------------------------------------------------------------------------------------------------