Phase 3: Eat well
“Anong kailangan kong gawin?” pagtatanong ko sa kanya nang pumasok
kami sa isang room.
Mukhang isa
itong office dahil na rin sa mga nakita kong workspaces at mga computers.
Kombinasyon ng puti at itim ang kulay na makikita sa loob. Sa dulong bahagi
naman ay may isang glass board at sa harap nito ay isang magarang long table.
Dumiretso siya
sa isa pang kwarto at may kinuha doon. Pagkalabas niya ay may dala na siyang
bag at ibinigay iyon sa akin. “Make a
presentation about this,” walang emosyon niyang sabi sabay bigay din sa
akin ng isang folder. Wala naman akong nagawa at tinanggap na lamang iyon.
Pagkatapos ng pang-uutos niya ay umalis siya kaagad.
Wow. Just wow.
Sino ba siya at inuutusan niya ako? Okay. Let’s say na binigyan siya ng professor
ko ng permission para utusan ako para matulungan ko siya sa kung ano mang event
na iyan. Pero mahirap bang makipag-usap nang may emosyon? ‘Yung tipong hindi
harsh ang paraan ng pag-uutos? Para kasing sa tono ng boses niya ay obligado pa
akong sundin siya gayong siya ‘tong humingi ng tulong para sa kung anong event.
I made faces
bago ako dumiretso sa long table at binuksan ang bag. Isang apple laptop pala
ang naroon. Edi siya na ang mayaman.
Binuksan ko iyon at sinimulang basahin ang mga papers na nakalagay sa loob ng
folder. Tungkol iyon sa bagong kurso na iooffer ng school which is Real Estate.
Tumango-tango ako habang binabasa iyon. Cool.
Sinampal ko ang
sarili ko nang nakaramdam ako ng antok matapos ang ilang oras ng pagtatype. Wala
bang katapusan ito? Tiningnan ko ang relo ko at nakitang isang oras na akong
mag-isa sa room at ginagawa ito. Huminga ako ng malalim. Ang buong akala ko ay
sandali lang ito pero mukhang magtatagal pa ako dito. Naiinis din ako dahil
hindi ko napasukan ang pinakauna kong class sa college life ko.
“I’m done!” sigaw ko nang matapos ko rin sa wakas ang powerpoint
presentation na ginagawa ko. Humikab pa ako at nag-inat dahil sa matagal na
pag-upo. Imagine, almost one and a half hour ko itong ginawa pagkatapos ni ha
ni ho ay wala akong narinig sa lalaking iyon. Ni hindi man lang pumunta dito sa
office nila para tanungin kung buhay pa ba ako.
Sa sobrang inis
ay padarag kong sinara ang itim at makintab at mukhang bagong laptop na apple
ang tatak na pag-aari yata ng nilalang na iyon. Pakiramdam ko pa nga ay sobrang
lakas ng impact ng pagkakasara ko pero... bahala siya!
“Woah! Init ng ulo natin ah,” anang boses ng isang lalaki.
Mabilis akong
lumingon at isang makisig na lalaki ang bumungad sa akin. Mukhang pormal na
pormal ang dating niya dahil sa suot na coat and tie ngunit kabaligtaran nito
ang buhok niyang medyo magulo. His messy hair though made him look like somehow
playful and hot. Nakangisi siyang nakatingin sa akin.
“Nasaan si Mr. President?” masusi niya akong tiningnan. “Are you his secretary? Hindi ko alam na may pamalit siya kaagad kay
Zel.”
Kusang tumaas
ang isa kong kilay matapos niyang sabihin iyon. Sino ang tinutukoy niyang
president? At sino naman ‘yung Zel? At sino naman kaya ito?
Mukhang napansin
naman kaagad ‘nung lalaking bagong dating ang ibig sabihin ng reaksyon ko kaya
naman lumapit siya sa akin at ngumiti. “I’m
Uriel Fernandez. Sorry for the late introduction. You are?”
Natulala akong
bigla sa kanya. Medyo yumuko kasi siya at pinagmasdan ako. Dahil nakaupo ako sa
isang swivel chair ay hindi ko magawang makalayo. “I-I’m Aisha.” Oh my goodness! Ang gwapo niya sa malapitan!
“Nice to meet you Aisha!” Inilahad niya ang kamay niya. Dahil
hindi pa ako nakakaget-over sa malapit niyang mukha sa akin ay hindi ko kaagad
naintindihan ang gusto niyang mangyari. Shakehands
ba ang kailangan nito? Uso pa ba ang shakehands ngayon?
Bago ko pa
maabot ang kamay niyang ‘yon ay bigla na lang may humila ng upuan ko palayo kay
Uriel. Ang buong akala ko pa nga ay mahuhulog ako dahil sobrang lakas ng
pagkakahila doon.
Itinaas bigla ni
Uriel ang mga kamay niya sa ere habang tumatawa at nakatingin sa likod ko. “Sorry dude! Didn’t know she’s your...” Bumalik
ang tingin niya sa akin at umatras. “Alright.
Aalis na ako. No need for your deadly stare.” at umalis siya habang dala
ang nakakaloko niyang ngiti.
Nilingon ko ang
hudas na biglang humila sa upuan ko ang bumungad sa akin ang nakakairitang
mukha niya. Nice. Buti at naalala pa ako
ng isang ‘to.
As usual ay
iritado nanaman ang mukha niya. It’s alright. The feeling is very mutual.
Tumayo ako at
hinarap siya. “Tapos na ako sa paggawa
ng presentation. Tingnan mo na lang kung okay na. Pwede na ba akong umalis?”
“Kanina pa ba siya dito?” pagtatanong niya habang nakatingin pa
rin sa may bandang pintuan ng office.
Nilingon ko ang
pintuan. “Sino? Si Uriel ba?” Ibinalik
ko sa kanya ang tingin pero hindi pa rin niya ako sinasagot. I rolled my eyes. “May ipapagawa ka pa ba sa akin? Babalik na
sana ako sa class ko.” What a great
idea Aisha! Paano ka babalik kung tapos na ang first class mo? Halos
mapaface-palm ako nang maalala ang oras.
“‘Wag mo nang kakausapin ang lalaking ‘yon. He’s
already off limits. May girlfriend na siya.”
I looked at him
ridiculously. “What do you mean exactly?
Wala namang kahulugan ang pakikipag-usap ko sa kanya. At isa pa siya itong
unang nakipag-usap sa akin. Kung sakali man na kakausapin niya ako ulit, bakit
ko naman siya hindi papansinin?”
Matapos ang
litanya kong iyon ay tiningnan na ako sa wakas ng lalaking ito. Halos mabuwal
ako sa kinatatayuan ko nang matitigan ko ang mga mata niya. Langya ka Aisha. Anyare sa’yo? Mata niya
lang ‘yan!
“So you still intend to talk to him despite the fact
that he’s taken? Really, Aisha?”
Napaawang ang
labi ko nang narinig ko ang pangalan ko sa kanya. It had been so long since he
uttered my name. Lumapit siya sa akin kaya naman umatras ako kaagad.
Ipinagpatuloy niya ang paglapit hanggang sa napaupo akong muli sa swivel chair.
Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang hawakan nito at yumuko kaya
naman kapantay na niya ang mukha ko.
Napalunok ako
nang mas inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Nagsimulang magwala ang puso
ko nang hindi ko na magawang makaatras dahil nakasandal na ako sa upuan.
“A-Ano bang g-ginagawa mo?” Sinubukan ko siyang itulak ngunit wala
iyong naging epekto sa kanya.
“I am making a point here so listen carefully. Don’t
talk to him. Don’t talk to Uriel even if he initiated the talk, even if he’s
the first to approach you, even if he’ll insist to talk to you. Just walk away.
Naiintindihan mo ba?”
I was left
speechless after hearing that from him. Bakit... bakit ba ayaw niya akong
makipag-usap kay Uriel? He seems like a good person so why would I avoid him?
Naalala ko naman
ang pinsan niyang ayaw din niyang makita ko. Is this somehow related with his
resentment towards me?
Nag-iwas ako ng
tingin sa kanya. Kung gano’n, ayaw niya lang sigurong mainvolve sa akin ang
kahit anong tungkol sa kanya. Maging ang mga taong malapit sa kanya ay ayaw
niyang mapalapit sa akin. Gano’n kalaki ang galit niya sa akin. He’s more than
willing to push me away from everything concerning him. That’s how he’s
disgusted by my presence.
“Okay. Can I go now?” wala sa sariling sambit ko. I had enough of this
drama for one day. Tama na.
Huminga siya ng
malalim bago lumayo sa akin. I didn’t dare look at him. Pinanatili ko ang
tingin ko sa sahig.
“You can go back to your friends. Nasa cafeteria
sila.”
Mabilis akong
tumayo at lumabas ng office na iyon. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko ngunit
hindi tulad kanina ay iba na ang dahilan nito. Ang bigat-bigat ng loob ko,
‘yung tipong hirap akong makahinga. Iba pa rin talaga kapag harap-harapang
ipinapakita sa’yo kung gaano ka isinusuka ng mga taong para sa’yo ay mahalaga.
Even if you try really hard to reach out, they’ll still look for another way
just to get away from you... to get rid of you... to make you feel so
worthless.
Even if you keep
on insisting that it’s okay, you knew very well that it’s not. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Mabilis kong
pinunasan ang luhang bumagsak na lang nang kusa mula sa mga mata ko. No. I will not cry over that jerk.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Katakot-takot na
kantyaw ang sumalubong sa akin nang dumating ako sa second floor ng cafeteria
at tinungo ang kinauupuan ng mga kaibigan ko.
“Ang swerte mo girl! Hindi ako makapaniwala na first
day pa lang ay inulan ka na ng biyaya!” halos isigaw ni LJ sa akin bago pa ako
makaupo sa tabi ni Miky.
Dumako ang
tingin ko kay Jenn na kaharap ko sa table at nakita ang isang pamilyar na
reaksyon. “Aisha!” matinis niyang
tili at hinablot bigla ang kamay ko at niyugyog iyon. Si Miky naman ay tahimik
lang sa isang tabi ngunit nangingiti pa rin dahil sa komosyon na nagaganap.
“Hindi ako swerte. Ang malas ko pa nga yata,” walang gana kong utas. Mabuti na lang at
pumunta muna ako sa cr at nag-ayos ng sarili bago dumiretso dito. Ayokong may
mapansing kakaiba ang mga lukaret na ito.
“Paano mo nasabing malas? Ano bang ipinagawa sa’yo
doon?” Nagulat ako nang
biglang nagtanong si Miky. Minsan lang kasi talaga siya kung umimik. Kumbaga ay
observer talaga siya.
Wala akong
nagawa at ikinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina (of course without the Uriel
part and the jerk part).
Nagtaka ako nang
bigla silang nagsitilian pagkatapos ng kwento ko. Kumunot ang noo ko. “Kanina pa kayo ah! Anong problema niyo?” Kahit
naiirita sa nangyari kanina ay pinagaan naman ng mga bruhang ito ang loob ko.
Glad I have them in this very dramatic time of mine.
Something
triggered my attention. What’s this squealing all about? “Sino ba ‘yung pinagkakaguluhan niyo?”
“Hindi mo ba alam? Kasali sa Star 6 si Xyver Castellano! As in sikat siya!” sabi
ni Jenn habang nanlalaki ang mga mata sa akin, tila hindi makapaniwala at hindi
ko alam ang tungkol doon.
Ano ang star 6? May kulto ba dito ng mga sikat na
tao na tipong kailangan ay kilala sila ng lahat? At sikat pala siya dito sa
campus? Hindi ko
pinansin ang pagtalon ng puso ko nang narinig ko ang pangalan niya. Hindi ako
nagsalita at nakinig na lamang sa balita ng mga kaibigan ko. Inabala ko ang
sarili sa paghahanap ng wallet ko sa bag ko para makabili na ako ng pagkain.
“Hindi naman siya naging sikat ng walang dahilan. He’s an achiever and very competitive
when it comes to both acads and sports though nagfocus nga lang siya sa pagiging
president ng CSG,” dagdag
pa ni LJ na nakikisabay sa kinikilig na si Jenn.
Sinuri ako ng
mga mata ni Miky na siyang ikinagulat ko. “Not
to mention na close pala kayo,” pangungutya niya.
Nalaglag ang
panga ko dahil sa sinabi ni Miky. “Ha?
Saan niyo naman napulot ang balitang ‘yan?!” Hindi pa nga ako
nakakaget-over sa mga sinabi nila tungkol sa kanya pero dumagdag pa ang bagay
na ito. Sinabi ba niya na kilala namin
ang isa’t isa?
Nah. Imposible.
Pero sino naman kaya ang magsasabi sa kanila kung hindi siya?
Umupo ng maayos
si Jenn at tila nag-isip. “May lumapit
sa amin kaninang babae at hinanap ka niya sa amin. Ang sabi namin ay kasama mo
si Xyver. Pagkatapos ay nagulat siya at sinabi niyang buti ay ayos na kayo
since malalim na raw ang pinagsamahan ninyo para masira lang ng isang
misunderstanding.”
Kumunot ang noo
ko. Sino naman kaya ang babaeng ‘yon at tila kilala niya kaming dalawa ni
Xyver? Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. “Hindi
naman kami close na dalawa. Kilala namin ang isa’t isa pero hindi kami close
tulad ng sinabi ng babaeng nakausap niyo.” Nagkibit-balikat ako. Kabaligtaran
pa nga yata ang estado namin. Mortal enemies kumbaga. “At hindi rin dapat kayo kaagad naniniwala sa sinasabi ng ibang tao
lalo na kapag hindi niyo kilala.”
Mabilis kong
tinikom ang bibig ko. Ayan nanaman ako at umaaktong parang matanda at
nangangaral sa mga kabataan. Ngunit hindi matanggal sa isip ko ang babaeng
naghanap sa akin. Sino kaya iyon?
Imbis na kantyaw
nanaman ang makuha ko ay mga kinikilig na kababaihan ang bumungad sa akin.
Tiningnan nila ang isa’t isa, tila may sikretong pinagsaluhan.
I rolled my
eyes. “Ano naman ang kahulugan ng
tinginang iyan?”
Hindi sumagot
ang mga bruha kaya natawa na lang ako. “Baba
lang ako, bibili lang ako ng pagkain,” sabi ko na lang nang nakita ko na
ang wallet ko na nasa kasuluk-sulukan ng bag ko.
Bago pa ako
makatayo ay hinila na ako ni Miky pabalik. Naging tahimik ang tatlo kaya lalo
akong nagtaka. Ang tanging kumikilos lang ay si Miky na mukhang may hinahanap
sa bag niya.
Nang nakita na
ni Miky iyon ay mabilis niyang inilapag iyon sa harap ko. Nakabalot ang
parisukat na bagay na iyon sa isang red handkerchief na nakaribbon ang dulong
mga bahagi sa ibabaw kaya nagmistulan iyong isang regalo.
Alanganin akong
tumingin kela Jenn. “Ano ‘to?”
“Para sa’yo raw!” pangangantyaw ni LJ.
Bumalik ang
tingin ko sa bagay na iyon na nakalagay sa harapan ko, kasabay nito ang
pagbalik ng isip ko sa lalaking iyon. Don’t
tell me...
Hinila ko ang
isang dulo ng hanky. Hindi ko maintindihan ang sarili ko at bakit kinakabahan
ako sa kung ano ang laman nito. Parang alam ko na kung ano iyon pero sinasabi
ko pa rin sa sarili ko na dapat ay ‘wag akong umasa na iyon nga ang laman nito.
Nang matanggal
ko na ang balot ay napapikit ako dahil sa hindi mabilang na pagkakataon ay
nagsitilian na naman ang mga bruha.
“Homemade breakfast! Oh my God! May homemade lunch
din!” tili ni Jenn
habang iniisa-isa ang mga lalagyan. Sinilip rin nila LJ at Miky ang laman nito.
May kung anong
nalaglag sa gilid ko nang inayos ko ang pulang hanky na inabanduna na sa gilid.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat kong sabihin, ano ba dapat ang reaksyon
ko, ano ba dapat ang gawin ko. Sa kanya
ba galing ito? Pero wala pa namang sinasabi sila Miky pero base sa mga
reaksyon nila...
Kinuha ko ang
papel na nalaglag at binuklat iyon.
‘Eat well.
- XDC’
“Paano kaming hindi maniniwala sa sinabi ‘nung babae
kung nagprepare pa talaga siya para sa’yo di ba. See this? Effort ‘to girl!” sabi ni Jenn.
Tiningnan ko ang
mga pagkain na maayos nang nakalatag sa harapan ko, sa mga kaibigan kong
nakangiti sa akin, at sa note na nasa kamay ko.
Lalo lang akong
naguluhan.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------