Prologue
“Hey, beautiful,” narinig kong tawag sa akin ng isang foreigner. Mula
sa iniinom na cocktail ay sinuyod ko siya ng tingin. Yeah, he’s handsome, has a
well-built body. “Wanna dance with me?” he
asked in a seductive voice. As if I’m going to be seduced!
“No thanks.” Damn. Lumayo-layo ka dahil hindi ikaw ang
kailangan ko. I inwardly groaned. It hurts! Walangya naman kasi! Bakit ba
nagpakabulag ako sa playboy na ‘yon? At kailan pa ako umasa sa himala na
mapapatino ko ‘yung hayop na ‘yun?
Sumimangot iyong
foreigner sabay alis nang hindi ko na siya pinansin pa. Good.
Medyo tipsy na
ako dahil sa mga nainom pero nagawa ko pa ring bumalik sa upuan ng mga kaibigan
ko. They’re my high school friends here in States. I can’t believe that with
their current age, they knew and do some things that we Filipinos don’t. Siguro
iyong iba oo, but most of us don’t. Tulad na lang ngayon. I saw Jessica, just
one of my blonde friends, making out with Matt. I saw how they almost eat each
other’s mouth! God! And their tongues... goodness!
Sobrang lakas ng
party music that I had this urge to dance ‘till my heart’s content. Namiss ko
tuloy iyong bestfriend ko sa Pilipinas. Kamusta na kaya ‘yon? Bago pa ako
makatayo ay may humila na kaagad sa akin paupo. Tiningnan ko kung sino iyon.
“Ano ba!” I saw how the others looked at me inquiringly.
Tss... they’ll say it again, me as their alien
in the group. Of course! Hindi maiiwasan na makapagtagalog ako dito.
“Don’t even think about it Aaliyah,” sigaw sa akin ni Steve dahil halos hindi
kami magkarinigan sa sobrang lakas ng music sa bar. Filipino rin ‘to kaso hindi
siya gaanong marunong magtagalog. He’s also the closest and truest friend I can
have in this circle.
I glowered at
him. Before I can even start lecturing him about interfering with my
activities, some random girl suddenly sat on his lap, legs astride, and started
giving him french kisses. Steve was already westernized. Paano ba naman ay halos
dito na siya lumaki at hindi na bago sa kanya ang mga bagay na ‘yan.
But the heck!
I’d rather dance than watch these two na kulang na lang ay maghubad sa harap
ko!
Ito ang dahilan
kung bakit hirap akong mamuhay dito lalo pa’t malayo ‘to sa Pilipinas. I was
literally culture shocked! I mean, I’m not oblivious about this in the
Philippines pero dito kasi, mas wild.
Mas nararamdaman
ko tuloy ang pagkabitter ko. Bwisit! Sa aming magkakabarkada ngayon ay ako lang
ang walang partner! Lahat sila ay kung hindi nag-uusap at may sariling mundo ay
nagme-make out naman. Lahat ng nararamdaman kong ‘to ay gustong-gusto kong
isisi sa hayop na gwapo na ‘yon! Oo, gwapo siya at lintik na puso kong ‘to
nahulog naman! And guess what, after six fucking months, he dumped me. He just
dumped me! The hell! He really had the guts to dump me!
Gusto nang
sumabog ng puso ko sa halo-halong emosyong nararamdaman. I am a wreck right now.
Hindi ko akalaing ganito pala kasakit ang maheartbroken. Dati pinagtatawanan ko
lang ang mga kaibigan ko sa Pilipinas kapag pinag-uusapan nila ang mga ex nila pero
tingnan mo nga naman ang nararanasan ko ngayon.
Dumiretso ako sa
bar stool na inuupuan ko kanina at umorder ng hard drinks. Nandyan naman si
Steve and I’m sure he’ll take care of me kung malalasing man ako. Mataas ang
respeto niya sa akin kaya naman halos siya na ang naging second bestfriend ko.
I overindulge
myself in alcohol. I didn’t even bother looking at my watch to know what
actually the time is. I inwardly groaned when I remembered that we have a class
tomorrow! Oh gosh. But... damn! Screw everything! Heartbroken ako! Makisama
dapat ang lahat sa akin!
Nilingon ko ang
mga kaibigan ko at nakitang masaya silang nag-uusap-usap. Luminga-linga pa ako
dahil hindi ko makita si Steve. Ang tanging naroon lang sa kinauupuan niya
kanina ay ‘yung babaeng biglang humalik sa kanya. Magkakilala kaya sila?
Mabilis akong
tumayo para hanapin ang haliparot na lalaking iyon nang biglang umalon ang
paningin ko. Nahilo ako at mukhang pabagsak na sana sa malamig na sahig nang biglang
may mga bisig na bumalot sa bewang ko at inalalayan ako.
Tumayo ako nang
maayos kahit halos matumba na ako. Mabilis kong tiningnan ang tumulong sa
akin. “Thank you,” sabi ko. Inaninag ko pa ang mukha niya dahil
nahihirapan na rin akong panatilihing bukas ang mga mata ko.
Bigla akong
kinilabutan nang makita ko na sa wakas ang nanlilisik niyang mga mata sa akin.
Nakaramdam naman ako ng kasiyahan nang mapagtantong nandito siya. “What are you doing here?” pagtatanong
ko. Hindi pa rin siya natitinag sa pagtitig sa akin gamit ang galit na galit
niyang mga mata.
“Tss. You’re pathetic,” malamig niyang sambit.
May kung anong
bumagsak sa akin nang marinig ko iyon sa kanya. Nag-alab na naman ang emosyong
sinusubukan kong ibaon sa pinakailalim ng puso ko gamit ang alak. Pero dahil sa
mga salitang binitiwan niya, umusbong nanaman iyon.
Malakas ko
siyang itinulak pero iyon ang naging dahilan kung bakit muntik nanaman akong
sumubsob sa sahig ng bar. Maagap naman niya akong naalalayan.
“Let go of me!” Bwisit na lalaking ‘to! Nakakainis! Bakit kailangan
niya pang ipamukha sa akin na pathetic ako?! Kahit kailan talaga ‘tong lalaking
‘to walang puso! Bakit ba hindi siya gumaya sa kapatid niyang mabait?
Samantalang ang pangit na ‘to wagas kung makapanakit! Emotionally!
Damn, I’m
obviously drunk.
Narinig ko pa
ang malulutong niyang mura dahil sa inis sa akin. Pilit pa rin kasi akong
kumakawala sa kanya pero ayaw niya akong bitawan.
“Hey!” narinig
kong malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses sa likod ko. Para naman akong
baliw na napangiti. “Let go of the girl,
man! She clearly doesn’t want to spend the rest of the night with you so don’t
put your hopes up,” presko niyang sinabi.
“Yeah!” dagdag ko pa. Hindi pa rin ako makatayo ng tuwid at
kung bibitawan niya ako ay siguradong mahahalikan ko na talaga ‘yung sahig.
Para akong baliw na nginitian siya. “I
don’t want to spend the night with you because you’re so mean!” Hinampas-hampas
ko pa ang dibdib niya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko pero
nakangiti ko pa rin siyang tiningnan. Ni hindi ko na nga nilingon iyong
foreigner sa likod ko. “Pare-pareho lang
talaga kayo! Ang gusto niyo lang talaga ay ang maikama kaming mga babae! Gano’n
ba talaga ang tingin niyo sa amin?”
Naramdaman ko na
ang pagpatak ng luha ko pero nagpatuloy ako. Nakatitig lang naman siya sa akin.
“I gave you my all kasi gusto mo... pero—”
“What did you say?” he finally asked. Nag-igting ang panga niya at mas
nag-alab pa ang galit ng mga mata niyang tutok na tutok sa akin.
Biglang may humila
sa likod ko kaya naman halos matumba nanaman ako. Naramdaman ko ang paglakbay
ng kamay niya sa bewang ko. “Let’s go
babe,” bulong sa akin ‘nung manyak na foreigner na kanina pa ako kinukulit.
Baliw na nga yata ako dahil nagpatianod ako sa kanya.
“What the fuck are you doing — Aaliyah!” Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay halos
makuha niya ang atensyon ng karamihan sa mga tao doon. Bigla niyang hinila sa
kwelyo iyong foreigner na presko pa ring nakangiti, mukhang lasing na rin yata
ito, at mabilis niya itong sinuntok. Nagkagulo ang mga taong malapit sa amin
dahil sa nangyari.
“Nathan!” sigaw ko sa kanya. Shit! Para akong binuhusan ng
malamig na tubig at biglang nawala ang alcohol sa sistema ko. May dumating
naman na mga bouncer para patigilin silang dalawa.
Hinila ko kaagad
si Nathan sa mga braso niya. “Stop it!
Nathan kumalma ka nga!” Kitang-kita ko ang namumula niyang mukha at
mabibigat niyang paghinga dahil sa galit. Inilagay ko ang kamay ko sa nakakuyom
niyang kamao at pinakalma iyon.
“Bullshit! Why am I being dragged out of here?! It
should be that bastard! Get your hands off me!” nagwawalang sabi ‘nung manyak na foreigner. Nailayo
naman siya kaagad ng mga bouncer kahit na nagpupumiglas pa rin siya. Nang medyo
humupa na iyon ay nagsibalikan na sa kanya-kanyang ginagawa iyong mga nakakita
sa pangyayari.
Iniharap ako ni
Nathan sa kanya at tinitigan ako sa mga mata. Napalunok pa ako ng ilang beses
dahil sa intensidad ng mga titig na ipinukol niya sa akin. Nararamdaman ko
nanaman ang pagkahilo.
“You’ll sleep in my house tonight,” he said with finality. “Then tomorrow, we’ll go back to the
Philippines.” Mariin niya akong hinawakan sa mga braso ko, tila ba kinukuha
ang buong atensyon ko. “And you’ll stop
this obstinacy once and for all Aaliyah. Hindi ko alam kung sino ang hayop na
lalaking—” May kung anong bahid ng galit at sakit ang nakita ko sa mga mata
niya. Huminto siya’t mukhang nahihirapang dugtungan ang sinasabi. “... nanakit sa’yo. I won’t ask, I won’t
expect answers, but Al... just... STOP.IT. Stop being pathetic, alright?”
That word again.
Padabog kong tinanggal ang mga kamay niyang nasa braso ko’t tiningnan siya ng
masama. Gulat naman siyang napatingin sa akin.
“Don’t you dare insult me, Nathan. You have no idea
what I’m going through right now. Just stick your nose to yourself and stop
acting like a wise guy because you’re not.” Mariin ko pa siyang tinitigan bago nagwalk out.
Damn you
Alvarez. Anong ginagawa mo dito? Bakit ka pumunta dito? Para ipamukha sa aking
pathetic loser ako? Oh please.
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------